2
"Ayoko na, nahihiya na ako sa'yo. Hahaha ang drama ko eh, tapos kakakilala pa lang natin sa isa't isa," pag-amin niya at napaiwas ng tingin.
"Ngayon ka pa nahiya eh naumpisahan mo na sa first love mo. Sige na, okay lang 'yan." Napakamot siya sa batok.
"Atsaka natandaan ko rin, na hindi naman masamang mag-open sa stranger. No judgement, promise," dagdag ko pa at itinaas ang kamay ko bilang panata.
"Whoa hahaha, Alden Richard ng Hello, Love, Goodbye, ikaw ba 'yan?" humagalpak siya ng tawa.
"Well, the version 2.0. Dali na kasi," pangungulit ko pa at sa huli ay pumayag siya.
"My second heart break was way back in freshmen days. I was first year college. Long distance relationship. Hindi rin nagwork," she bitterly said na tila napaitan sa hinihigop na kape.
"Paano kayo nagkakilala?"
"Noong grade 12, I met him on Facebook. Sobrang tagal nakapending ng name niya sa friend request ko. Because for once I never get interested knowing random strangers online. Oo, meron akong mga internet friends pero bilang lang sila. Sino ba namang mag-aakala na ang magiging first boyfriend ko, nasa friend request ko lang pala? Hahaha!"
"Nagsimula 'yon sa troll comments, hanggang sa nagkakausap na kami sa chat. Alam mo yung feeling na kakakilala nyo pa lang sa isa't isa tapos ramdam mong ang comfortable na niyang kabiruan? Not until umamin siyang gusto niya raw ako." Natatawa pa siya habang inaalala iyon. I can't help myself but to laugh too.
"Ano 'yon? Parang yung mga umuuso ngayong toxic traits eh, 3 minutes pa lang kausap mahal na raw agad," biro ko.
"Exactly. Kaya hindi agad ako naniwala. Pero kahit na anong gawin kong pagtataboy hindi niya ako nilayuan. Sabi ko sa sarili ko, paano naman niya ako magugustuhan? Sa internet lang naman niya ako nakilala. No personal attachment. We have this boundary, our phone screens. Nasaan ang feelings doon?"
"Tapos ang layo pa namin sa isa't isa. From Bulacan siya, ako nasa probinsya namin. We used to have late night talks and deep conversations. Minsan nag-eeffort pa siyang antayin ang 11:11 just to wish that we would end up to each other someday. Every night he would wait for that wishing time, he'll screenshot it and send it to me. Ang weird man pakinggan pero parang naaattach na rin ako sa kanya. Gigising ako na may message galing sa kanya, good morning kain ka na, yung mga usual terms ng mga nanliligaw."
"One time tinanong ko siya, bakit gusto niya ako? He said if you love someone, there would be no reason if you really love that person. Sobrang naguguluhan ako noong time na 'yun. Parang nagugustuhan ko sya o nasanay lang talaga ako sa kakulitan niya," sabi pa niya.
"Your love story was familiar, wait..." Napatingin ako sa kisame habang iniisip kung anong story ba yung nabasa ko na may 11:11 rin na time.
"Yuph, 23:11 by pilosopotasya," tipid niyang sambit kaya napapitik ako sa ere.
"Oo yun nga, ang cool!"
"Lagi kong kinakausap sarili ko gabi-gabi na, girl, baka heto na yung lovestory na pinapangarap mo! Mala-wattpad pa diba? Sabi rin ng mga kaibigan ko, bigyan ko rin raw siya ng chance to prove na mahal talaga niya ako."
"Pero kasi pinangako ko sa sarili ko na kung magkakaboyfriend man ako, yung nahahawakan at nakikita ko diba. Yung nakakasama sa araw-araw, hindi yung LDR. Kasi kapag LDR, there are 50-50 chances na magkita kayo or worst nagbreak na kayo hindi man lang kayo nagkita. Wala rin, sa chat rin matatapos."
"Pero pag tinamaan ka nga naman ng karupukan, nag-fall back ako sa kanya. Ewan, narealize ko lang na mahal ko na rin pala siya kahit hindi pa kami nagkikita. So naging kami, March 11, 2018. Sinagot ko siya bago ako grumaduate ng senior high."
"Edi siya ang una mong boyfriend?"
"Yes. Sa loob ng mga buwan na naging kami masasabi kong sumaya naman ako. Kasi alam mo yun, ganoon pala ang feeling ng may nagmamahal sa'yo. Iyon yung bagay na hindi ko naranasan sa first love ko. Sobrang minahal ko siya sa bawat pagdaan ng araw."
"Pero sabi nga ng iba, sa pag-ibig, there will come a time na magiging lame na, mag-aaway, magiging cold. Sa kaso namin, hindi pa kami umaabot ng isang taon, toxic na. Break, comeback, break, come-back ang tema namin. Siya ang laging nakikipaghiwalay. Siya yung laging may problema sa sarili. Kaso mahal ko eh, kaya lagi kong tinatanggap sa tuwing nabalik. Kahit alam kong ang tanga ko na." I saw her smiled bitterly as she continue to speak.
"Nagkita ba kayo? Kahit isang beses bago maghiwalay?"
"Oo naman. Are you familiar with MIBF?"
"Yeah, I attended it once. The Manila International Book Fair right?"
"Yes, doon kami unang nagkita. Unang kita ko pa lang sa kanya, niyakap na niya agad ako ng mahigpit kahit ang daming tao. There, we spent the day holding each other's hand. Na parang ayaw na naming bitawan ang isa't isa. Siguro for me, iyon na ang pinakamasayang ala-ala ko with him. Lalo na noong kumain kami sa Jollibee tapos nag-toss ng coin sa wishing fountain sa MOA HAHAHA!" Para s'yang bata habang nagkukwento kaya hindi ko mapigilang mapangiti.
"Then I gave him a small gift and handwritten letters saying how much I love him despite our distance. Kahit sa ganoon man lang maramdaman niyang totoo ko rin siyang mahal. Noong pauwi na ako ng Laguna, hinatid pa niya ako sa bus terminal noon. Niyakap niya ako ng mahigpit. Yung kamay niya parang ayoko na bitawan, kasi alam ko once na bitawan ko 'yon, hindi ko na ulit alam kung kailan ulit kami magkikita. Ang ikli ng panahon na 'yon na nakasama ko siya, pero hinding-hindi ko malilimutan."
"At yung meet up na 'yon, last na pala 'yon. Sana sinulit ko na." Tumawa siya bago lumagok sa kape niya. "Naghiwalay kami nang hindi nagkikita. Funny how he ended up our relationship with just 5 text messages saying, let's end this."
"Bakit nakipaghiwalay?"
"Sa sobrang dami niyang reasons, hindi ko alam kung alin ang valid na paniniwalaan ko. We unfriended each other on Facebook, I deleted his number. I force myself to forget him kahit mahirap at masakit. I can still picture out myself crying over him for months since the day he broke up with me, sobrang sakit talaga na ganoon lang niya tinalikuran lahat."
"Nabalitaan ko na lang in a relationship na agad siya matapos akong iwan."
"Tagasaan yung pinalit sa'yo?"
"Sa malapit lang, sabay silang nagtake ng PUPCET. Sabay ring nakapasa. Destiny nga eh. Hahaha, I'm happy for them that time. Kahit deep inside, pvtangina ang sakit hahaha! Ganoon lang pala kadali kalimutan ang almost 11 months para sa bago. Hanep!"
"So pinagpalit ka sa malapit, I see."
"Oo, I was so lost that time. Hindi ko na alam saan hahanapin yung dating ako. I am so tired mentally and emotionally thinking what's wrong with me?"
"I did my best to forget everything about him, about how we met. About Eurydice and Oprheus' lovestory we used to talk about. Nag-aral akong mabuti to divert my attention. Natuto akong maging strong, umiyak ng patago, mag-heal mag-isa. Kasi alam ko sa sarili ko, na walang ibang magcocomfort sa akin kundi sarili ko rin. Atsaka no one has to be blame rin naman kundi ang sarili ko. Paulit-ulit ko siyang tinanggap despite ng lagi niyang pang-iiwan sa akin hanggang sa tuluyan na niya akong iniwan. Doon ko pinangako sa sarili ko na sa susunod na magmahal ulit ako, hindi na ako mag-eefort ulit. Kung sa huli hindi naman pala kami para sa isa't isa."
"Hindi ko namalayan, one day nagising na lang ako na nakamove on na sa kanya. Nakakangiti na ulit ako gaya ng dati, bagay na hindi ko man lang nagawa noong mga panahong wasak na wasak ako dahil sa pang-iiwan niya."
"It's good na naka-move forward ka na agad after noon. Yung iba kasi halos madepress na dahil binreak ng jowa, eh nag 3 days lang naman," I jokingly said as I lift up the mood. Ayokong makitang may umiiyak sa harap ko lalo na at babae.
"Nagalit ka ba sa kanya kasi diba..." hindi ko na tinuloy ang itatanong ko dahil napatingin siya sa akin.
"Noong una, oo. Hindi naman kasi maiiwasan 'yun. Lalo na at pinagpalit ka tapos niloko. Pero nang katagalan, natanggap ko na rin lang. Na baka ganoon talaga, ang bilis ko lang mapalitan. Atleast alam ko, na sa loob ng ilang buwan naming pinagsamahan, minahal naman niya ako minahal ko rin siya. Hindi nga lang siguro compatible ang zodiac sign namin."
"April, hahaha birthmonth ng mga naloloko at month na may nangloloko," pabiro kong sambit kaya napaismid siya.
"Hindi ako naniniwala sa April Fools, January niya ako niloko eh." Dahil sa sinabi niya ay napa-facepalm na lamang ako at natawa.
"Ngayon, may communication pa rin kami. Pero hindi na ganoon kaclose. Casual lang. At ayos na kami."
"How?"
"Acceptance and closure. Maybe sa iba hindi uso ang closure. Pero importante pa rin yon, para mapag-usapan yung mga issue nyo dati. Para maresolve. Para after, magaan na ang loob mo. Na wala kang pinagsisisihan na nakilala mo ang isang tao kahit ano pang sakit ang naranasan mo sa kanya. Forgiveness is the key. Kahit hindi na ang makalimot ng agaran."
"Nakakaiyak naman 'yang pinagsasasabi mo," napatungo ako at napaiwas ng tingin.
"Sabi sa'yo eh hhahaha ang drama ko. Enough na, mala-MMK kasi buhay pag-ibig ko," hingi niyang paumanhin.
"Sus wala 'yon. So kung may una, may pangalawa, edi may pangatlo pa?" Halos maibuga niya sa harap ko ang iniinom niyang kape dahil sa sinabi ko.
"Wow! Ang tiyaga mo naman makinig sa talambuhay ko!" Dahil roon ay kapwa kami natawa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top