Prologue
"Ikaw at Ako"
Minsan ko ng ipinangako, na kaya kong iwan ang lahat para lang sa'yo.
Aanhin ko ang karangyaan at kayamanan kung wala ka naman sa tabi ko?
Pero bakit ngayon, ikaw 'tong pinipiling iwan ako?
Paano na tayo? Paano na ang ikaw at ako?
Kulang pa ba na sabihin ko na mahal kita?
Ano pa ba ang dapat kong gawin, huwag mo lang ako iwan?
Ano pa ba ang kulang para ako'y maging sapat na sa iyo?
Ikaw ang lahat sa akin, pero bakit parang kulang pa ako sa iyo?
Matagal na tayo sa relasyong binuo natin,
Umasa ako sa pangakong binitawan mo kasama ng iyong matamis na halik,
Maaring mga bata pa tayo noong unang beses mong inamin ang saloobin mo sa akin,
Pero bakit kung kailan tayo'y tumanda na, tila ikaw ang bumitaw sa atin?
Lahat naman binigay ko na, lahat naman ginawa ko na,
Ipinaglaban kita sa mundo ko, pero para sa'yo tila'y kulang pa
Kailan ba ako magiging sapat sa iyo?
Kailan ba ako magiging sapat sa mundo mo?
Mahal kita, pero tila kulang pa ang puso ko para sa iyo,
Mahal mo ako, pero ako'y iiwan mo.
Sapat ba ang mahal lang natin ang isa't-isa,
Kahit pa magkaiba ng ating mundo?
Ilang beses tayong nag-away, nagkatampuhan at ang kapatawaran,
Normal lang naman sa isang relasyon ang minsa'y hindi pagkakaunawaan.
Pero bakit parang napagod kang ipaglaban kung anong meron tayo?
Lagi kong tanong sa sarili, mali ba ako?
Sa panaginip may ikaw at ako, sa panaginip masaya tayo.
Kung hindi na ako magising bukas sana ako'y maalala mo.
Kung hindi magiging tayo sa panahon na ito,
Baka sa susunod na buhay aasa pa rin ako, Sa ikaw at ako.
***
PAALAM MAHAL KO, paalam sa inyo mga tao sa buhay ko. Patawarin ninyo sana ako kung hindi ko na kaya ito.
I tried my very best to be who you wanted me to be. In the end, I gave my all but I wasn't enough for all of you. My friends, my family, even the love of my life had left me. I blame no one for this insanity.
Hindi ko na kaya magpakatatag pa dahil wala na akong pinaglalaban sa buhay ko. My body is still breathing but my soul is dying.
Mahal na mahal ko kayong lahat, pero lahat kayo iniwan lang ako. My present reality is in a comatose state.
Buti pa ang alak na iniinom ko ngayon napapakinabangan ko. Lumalabo na ang paningin ko, sa tingin ko ito na ang tamang oras. Kung hindi man ako makilala bukas dahil sa tarik ng bangin na ito, gusto ko lang humingi ng tawad kay Lord sa gagawin ko. Alam ko po na kahit kayo ay tutol sa gagawin ko, pero hindi ko na po talaga kaya. Kung hindi niyo man po ako tanggapin sa langit, sapat na ang impyerno sa akin; huwag lang ako magising bukas ng umaga. Nilagok ko ang natitirang alak sa bote ko, natatawa na lang akong gumegewang-gewang na parang baliw dito sa daan kung saan ako lang ang tao. Sana pag nalaglag ako dito, mamatay na ako agad.
Alam kong lasing na ako, pero bakit tumatakbo sa isipan ko ngayon kung paano ko gustong mamatay? Nakakatawa dahil kapag tumalon ako, hindi na ako tiyak makikilala nino man. Kapag binasag ko naman ang bote at tangkang sugatan ang sarili ko, baka maramdaman ko pa ang sakit ng hiwa ko.
Ang arte mong babae ka, ang dami mong options oh. Madilim naman dito sa may bangin walang ngang katao tao. Isipin mo ang purpose mo kung bakit ka nandito.
Bigla akong nakarinig ng tunog ng mga sasakyan sa hindi kalayuan, napatanong ako sa sarili ko kung tama ba ang nakikita ko.
May mga ilaw. Teka, karera? May mga nagkakarera sa disoras ng gabi na ito?
Ano kaya kung mag pasagasa na lang ako? Tama, magpapasagasa na lang ako.
Binasag ko yung bote at inabangan ang unang sasakyan na sasalubong sa akin, bahala na! Basta kailangan ko mamatay ngayon. Nang makita ko na malapit na yung kotse saka ako tumayo sa gitna ng daan, mabilis ang takbo nito kaya naman: Hello kamatayan! Ngunit sa kasamaang palad, parang pati si kamatayan hindi ako tanggap; dahil kaagad na kumambyo ang driver ng unang sasakyan na nakita ko.
Kamuntikan pa nga siyang bumungo dahil sa pwersa, buti na lang may gutter. Masasabi kong maganda ang kontrol ng driver sa kanyang sasakyan dahil kung hindi, malamang isa sa amin ang mamamatay ngayon.
Tsk. Napaisip ako, mandadamay pa ako niyan kung ganoon. Bigla akong nakonsensya. Mali ang magpasagasa ako sa ganoong paraan.
Bumaba ang isang binata. Halata ang inis nito nang makitang niya yung naging pinsala sa kotse niya, "What the fuck are you doing?" inis niyang tanong sa akin, "Do you just stopped in front of the road, muntik na kitang masagasaan. Are you stupid?" mahinahon niyang singhal sa akin. Tinawanan ko lang siya at nakitang kung paano siya na nagpipigil ng inis sa naging reaksyon ko sa harapan niya, he clicked his tongue, "I'm not going to lose the race because of a drunk crazy woman." sinadya niyang paringgan ako.
"I'll let you pass if you grant me my wish," I demanded.
"Magkano ang kailangan mo, ibibigay ko sayo." nakakatawang may taong may gana pang mainis sa akin sa sitwasyon ko ngayon. He looks at the opposite side of the road, checking if someone is behind him. Nasa race nga raw siya, hindi ba?
"I don't need you goddamn money, boy," natatawa kong sagot sa kanya, ang yabang niya ah! "Marami akong pera, baka ikaw pa ang bilhin ko."
"I have no time for this!" aniya at muling sumakay sa kotse niya na akala mong napakaganda. He started the engine and he's about to drive away. No! I can't let him leave me not until he fulfills my wish. Binasag ko ang side mirror niya na siyang dahilan para buksan niya ang bintana niya, halata na sa mukha niya na nainis na siya sa akin, "Goddamnit woman, what the fuck!"
"You're not listening to me," I told him and leaned at the window of his car, "Grant me my wish."
"What do you want?" nag-aapoy ang mga mata niya sa galit pero halatang nagtitimpi lang siya kahit pa nasigawan na niya ako kanina.
"I wanted to die, kill me please." iyak-tawa kong ani, "I just couldn't figure out how I should die, but it has to be tonight." I blinked, giggled and shrugged.
"Is this a joke?" his eyes darkened, his jaw stiffen.
"I'll pay the damages I did to your car," tinapon ko sa mukha niya ang platinum card ko, "Just do me this favor." sasabihin ko na lang sa kanya yung code ng card ko kung sakali man na pumayag siya sa plano kong gawin.
I saw how his grip tightened at the steering wheel, "I don't have time for your joke, woman. I can fix my damn car without your money!" Inabot niya sa akin ang card ko pabalik na hindi niya inaalis ang mga mata niya sa akin. Baka sa isipan niya, nababaliw na ako.
I laughed at myself. Oo, baliw na nga ako, "Oh, sorry, my bad." magpapakamatay na nga lang ako, hihingi pa ako ng tulong sa ibang tao. Mamaya makasuhan pa siya ng murder. To think na muntikan na rin siyang maaksidente kanina.
I am a broken-hearted crazy stupid girl.
I tried to put up a smile in front of him, "I'm sorry, you're right it's a stupid joke." I playfully patted his car, smiled and looked away. Tinalikuran ko siya at naglakad na rin palayo. Narinig kong umalis na ang kanyang sasakyan.
I sighed. Gee, I guess, I'd stick with plan A.
Iniwan ko yung ginawa kong tula para sa kanya at pinatungan ito ng bato. Umupo ako sa railings ng bangin, hinubad ko ang sapatos ko at nakita ko kung paano iyon nahulog sa bangin, habang ako'y nagkukuyakoy. Muli akong natawa na naiiyak, bahala na.
Nang akmang bibitaw na ako sa railings, naramdaman ko ang malakas na pwersa na humila sa akin pabalik. Sa sobrang lakas niya ay hindi ko na alam kung paano ako hihinga. Nang tingnan ko siya, nasilaw ako sa liwanag niya. Para siyang anghel na pinigilan ako sa katangahan na binabalak kong gawin sa buhay ko. Ang liwanag ng paligid, baka nasa langit na rin ako.
"You can't die here," ani ng isang malalim at mahinahon na boses. Napapikit ako at naramdaman ang malalim niyang paghinga, tila isang musika ang tibok ng puso niya. Muling bumagsak ang luha sa mga mata ko at kasabay noon ay ang pagbagsak ng katawan ko sa mainit na kanlungan kung saan para akong isang batang hinehele, "Not yet."
Sa madilim na lugar, isang maliit na liwanag ang kumislap mula sa kawalan. Siguro nga nasa langit na ako at ikaw ang anghel na ipinadala para sa akin.
Ikaw na ba ang pag-asa ko?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top