Chapter 80 : Welcome Home

T R A V I S

Am I in heaven?

I'm not sure how many hours has passed, but I am now looking at my daughter who is sleeping right next to me with her mother on the other side of the bed.

Maybe I am dreaming again.

I smiled. I almost touched her peaceful sleeping face. I'm expecting that I'll wake up from this dream again because it's been years since I last touched her face. After I left, I only see her in my dreams.

The ending of this dream is always been the same: I'll wake up before she could open her eyes. However, upon snuggling to her daughter, I felt her skin almost touched me, something pinched inside my chest and hear her murmuring my name, this is real. It's real that it scares me.

No matter how badly I want this, I know I can't. It scares me because I know I'll mess up. Don't be greedy now Travis.

I convince myself to snap out of my own fantasies. You know that they're better off without you.

Just remember why you're here Travis. I keep reminding myself. No more detours.

Maaga akong umalis sa bahay ni Maxene at nag-iwan na lang ako ng sulat dahil ayokong magising sila ni Mavis.

If Maxene will demand child support for our daughter, I'll be glad to provide for her. Kung tutuusin naman, sinabi rin naman niya na ginawa niya ito para lang sa bata.

Alam ko sa sarili ko na mas mabuti na hanggang dito na lang ang ugnayan namin dahil naaalala ko lang ang mga kasalanang nagawa ko sa kanya, sa kanila.

I don't deserve someone like her. 

She deserves to be with someone better... who isn't me.

This is for what's best for her.

Kailangan kong makumbinsi si Nanay na umuwi kasama ko sa England ngayon.

Lumuwas ako ng probinsya at nakita ko ang dati naming bahay.

Parang kailan lang.

Mukhang pina-renovate ito ni Papa kasi mas naging mukhang maganda ang dati naming bahay.

Pero kirot pa rin sa alaala ko ang huling beses kong nakita ang bahay na ito kung saan halos mawalan ng hininga si Nanay.

She's not supposed to be here, alone.

Kumatok ako at agad din naman akong pinagbuksan ni Nanay, "Oh, anak, ikaw pala. Napadalaw ka?"

"Nay, uuwi na po tayo." derecho kong pag kumbinsi sa kanya.

"Pero nakauwi na ako, anak." nakangiting sambit niya, "Huwag kang mag-alala, kaya ko naman na dito."

"Pero Nay, bakit ka pa po ba bumalik dito?" hindi ko mapigilang itanong sa kanya, "Hindi po ba kayo masaya na kasama niyo na kami ni Laurenz doon sa England?" She looked at me with a small apologetic smile.

"Lynda, handa na yung agahan--" nagulat ako nang makita ko siya. "Oh Travis, ikaw pala." his voice almost retreats facing me with guilt.

"Tamang-tama, mas mabuti pang kumain tayo ng sabay-sabay." pagyaya sa amin ni Nanay sa hapag at wala na akong nagawa kundi ang magpahila kay Nanay na inabutan ako ng plato, ng kutsara at tinidor.

Hindi ko alam kung bakit kasama ni Tatay si Nanay ngayon. Ilang taon na rin ang nakalipas, ganoon na lang ba nakakalimutan ni Nanay ang ginawa ni Tatay sa kanya? At dito pa mismo sa bahay na ito kung saan--

"Buti naman at napadalaw ka," binasag ni Tatay ang katahimikan sa pagitan namin,  "Anak matagal tagal na rin nang--"

"I'm not your son." I dismissed him as we continued this charade in silence.

Nakita ko naman na nginitian lang ni Nanay si Tatay na para bang wala lang. Ang kapal naman talaga ng mukha ng lalaking ito para bumalik sa buhay ni Nanay, tapos ano, babalik na naman siya kay doon kay Auntie?

This arrangement is making me feel uncomfortable. I control my breathing. Keep your cool Travis.

Nang matapos na kaming kumain, si Tatay na ang nagpresinta maghugas ng pinggan at sinamahan ko si Nanay sa labas ng hardin niya.

Ayokong sa huli, si Nanay na naman ang maiiwan na mag-isa dito.

"Siya po ba ang dahilan kung bakit kayo bumalik, Nay?" I asked weighing how she'll react.

"Tatay mo pa rin iyon, sana naman respetuhin mo siya." nakangiting sambit niya habang dinidiligan ang mga halaman niya.

"Pero Nay..." I sighed, "Bakit naman po hindi niyo sinabi ito sa akin?"

"Papayagan mo ba ako kung sasabihin ko sa iyo na babalik ako dito para makasama ang Tatay mo?" ganoon kadali niya akong nabasa, "Sumama ako noon sa inyo ng kapatid mo para makabawi sa inyo, ngayon naman, sana pabayaan niyo rin na makabawi ang Tatay ninyo sa atin, sa akin." Umikot siya at tiningnan ako sa mata, "Sadyang ngayon, gusto kong manatili dito, Travis, masaya ako dito, kasama ko ang Tatay mo."

Makikita sa mga mata niya na matagal na niyang pinapangarap ito, pero--

"Paano po kung iwan kayo ulit ni Tatay, wala po kayong kasama dito 'Nay." I'm so frustrated, how will I convince her to leave the person who broke her heart?

She doesn't deserve him!

"Edi hihintayin ko siya bumalik." As expected of her!

"Bakit po ganoon lang kadali sa inyo ang tanggapin, na may pagkakataong iiwan ka rin niya, pero mas pinipili niyong hintayin siya, Nay?" masama bang alalahanin ko si Nanay? Masama ba na pinoprotektahan ko lang siya mula kay Tatay?

Oo nga at tahimik dito sa probinsya, pero hindi rin naman biro ang naging nakaraan niya dito... Naaalala ko pa lang, naninikip na ang dibdib ko.

I wouldn't want... that image of her... with no one...

"Travis..." Kinakalma ako ni Nanay at niyakap.

"Nanay, please, sumama ka na lang sa akin, sa amin ni Laurenz." mahigpit kong niyakap si Nanay, "Iwan mo na lang siya, bago ka pa niya saktan ulit." There I said it! She has to know. "Masasaktan ka lang ulit sa kanya, Nanay." She deserves to be with someone who will treasure her, someone who won't make her cry and leave her... someone who is not him.

Bakit parang nag-backfire sa akin ang mga saloobin ko kay Nanay?

Ang bigat sa dibdib...

I see her shaking her head calming me down.

"Anak, isa lang ang sagot ko diyan," Nakangiting sambit ni Nanay sa akin, "Mahal ko kasi ang Tatay mo. Oo at hindi siya perpekto, may pagkakataong, masasaktan o paiiyakin niya ako, hindi naman puro ginhawa lang ang pagmamahal anak. Nandoon din ang pagpapatawad, pagpaparaya at pagtanggap." she paused looking into my eyes, "Sadyang, sa lahat ng nangyari sa akin, sa atin, hindi naging madali sa Tatay mo ang mga desisyon na ginawa niya," she closes her eyes with a small smile and sighs.

"Noong nawala ako sa tamang pag-iisip, wala siyang sinisi kundi ang sarili niya dahil wala siyang nagawa para protektahan ako, masakit sa kanya na makita kung ano ang naging epekto sa akin ng mga nangyari sa pamilya natin noon. Naging mahina kami ng Tatay mo. Sa relasyon susubukin ka ng panahon, ngunit nasa tao kung ipaglalaban niya o palalagpasin niya lang ang mga pagkakataong ibinigay sa kanya."

She looks at me and back to our old house, "Masakit man ang nangyari sa bahay na ito, pero hindi ibig sabihin noon, iiwan ko ang mga magagandang alalala na meron kami ng Tatay mo dito. Mas pinipili kong pahalagahan ang mga magagandang alaalang nabuo namin ng Tatay ninyo dito."

She held my hand softly as I notice something new in between her fingers, "Maikli lang ang buhay, anak, kung palagi mong iisipin ang sakit na pinaramdam mo sa iba o miski sa sarili mo, paano ka magiging masaya niyan?" she tilted her head beside with a smile. 

"Is that?" what I think it is?

She let out a small giggle, "Oo, kasal na kami ng Tatay mo. Civil nga lang, gusto kasi namin private lang." nakangiting sambit niya.

She smiles so heavenly that I feel myself smiling for her.

"Napatawad niyo na nga po talaga siya?" I smiled awkwardly after realizing how I acted as an ass towards her husband earlier.

"Ang pagpapatawad ay regalo mo sa iyong kapwa at sa sarili mo, anak." mahinahong sambit ni Nanay na parang binabasa niya kung ano ang magiging reaksyon ko, pilit akong ngumiti sa harapan niya at umiwas ng tingin sa mga mata niya.

"Pero, anong nangyari kay Auntie?" hindi ko maiwasang tanungin. Mamaya naman niyan--

"I filed for annulment. Mas madali namang natanggap ni Nina ngayon ang annulment namin, dahil may iba na rin siya." anunsyo ni Tatay at nakangiting hinawakan ang kamay ni Nanay.

Maybe I'm too doubtful of him. I just don't want to expect too much from him... after everything that has happened.

"Hindi po ba, masyado nang overdue itong relasyon ninyo?" I teased a little, just to loosen up a bit between our environment, ayoko rin naman masira ang mood ni Nanay ngayon.

"It was never overdue, son," sagot ni Tatay sa akin, kahit pa hindi pa rin ako sanay na tinatawag niya akong-- "Oo at panandaliang huminto ang pag-usad ng relasyon namin ng Nanay mo, pero hindi ibig sabihin noon, tumigil ang nararamdaman namin sa isa't-isa."

Hindi ko alam kung bakit bigla kong naalala ang salitang binitawan ni Maxene kagabi.

'Napagod ako, pero hindi tumigil ang puso ko na mahalin ka.'

There's this gravity that starts to get heavy on my chest again.

Ngumiti si Nanay sa sinabi ni Tatay, "Matagal tagal ko rin ito hinintay, Tam."

Umiwas ng tingin si Tatay pero halata ang pamumula ng tenga niya, "Huwag naman sa harapan ng anak mo, umayos ka naman."

Ano iyon, endearment nila?

Tinawanan lang ni Nanay si Tatay. This is the image of them that I haven't seen in a very long time.

Mukha ngang masaya na si Nanay.

Seems like I got my answer.

Bakit nga naman iiwan ni Nanay ang asawa niya? Mukhang matagal tagal na rin nila itong napag-usapan, kung totoo man na gustong bumawi ng taong ito kay Nanay, sana nga ay mapasaya niya si Nanay, dahil kung hindi, lagot siya sa akin.

Muli kong inayos ang sarili ko sa harapan nila, "Kung ito na po talaga ang desisyon ninyo 'Nay, hindi ko na po kayo pipigilan, pero sana huwag po ninyo hayaan na mawalan tayo ng koneksyon sa isa't-isa." nakangiting paalala ko sa kanya.

Tinanguhan naman ako ni Nanay, "Huwag kang mag-alala, nagpakabit na rin naman kami ng Tatay mo ng internet dito, sana nga lang at mabilis." she let out an awkward smile as I pay my respects.

Nagmano ako kay Nanay at humalik sa kanyang pisngi. Sapat na siguro ang binati ko yung asawa niya ng maayos, kahit na hindi pa rin ako kumportable sa presensya niya.

"Sige po, 'Nay, mauna na po ako." tinalikuran ko na sila, pero bago ako makalagpas sa may gate, pinigilan ako ni Tatay.

"Anak, saglit lang." hindi ko pa rin talaga matanggap ang mga salitang iyon mula sa kanya, hindi lang talaga ako sanay. "Alam kong hindi sapat ang salitang patawad sa lahat ng nagawa ko noon, pero sana mapatawad mo ako at pabayaang makabawi sayo."

"Huwag niyo na pong isipin iyon. Ayos lang po ako, kahit kay Nanay niyo na lang ituon ang pansin ninyo--" hindi ko pa rin talaga mabitawan ang salitang iyon.

He put up a smile on his face, "Don't force yourself, kung hindi mo pa kaya. Take your phase, son."

Hindi ko mapigilang umismid.

"I don't know what you're talking about." I dismissed him as if he just invaded my privacy just by looking at me.

He chuckled as if he got the reaction he expected to see from me, "Oh I know, anak kita, kaya bakit hindi ko malalaman?" he tilted his head beside as if he's amused by his own comment.

Buwisit.

"Sana dumating ang panahon na maging maayos din tayo, hindi kita minamadali, pero hihintayin kita, anak."

Bahagya ko siyang tinalikuran at huminga ng malalim.

"Travis, sa totoo lang gusto kong magpasalamat sa iyo," nilingon ko ulit siya at pinagmasdan ang mukha niya na punong puno ng pagsisisi.

"Natuto akong pahalagahan ang mga bagay na pwedeng mawala sa akin sa isang iglap lang." he paused looking into my eyes, "Noong umalis kayo ni Lynda at ni Laurenz, doon ko napagtanto kung gaano ko sinayang at pinalampas ang mga pagkakataon na sana ay mas pinili kong makasama kayo ng mas mahabang panahon. Hindi yung mas pinili ko ang pagdudahan ang sarili ko kung karapat dapat ba akong bumalik sa buhay ninyo, dahil sa totoo lang, hindi ko mapatawad ang sarili ko sa mga kasalanang nagawa ko noon sa inyo ng Nanay mo."

His explanation left me speechless as I see him laughing awkwardly.

"Hindi man ako nabigyan ng pagkakataon na maging maayos na ama kay Laurenz, pero kahit naman pa paano ay nasubaybayan ko kung paano siya lumaki. Sa totoo lang maraming beses na hiniling ko sa diyos na sana ay nagawa ko rin iyon noong bata ka pa, pero sadyang mabilis kayong lumaki." He put his hand on my shoulder letting out an awkward smile keeping a light conversation with me.

"Sana lang, huwag mo gayahin ang pagkakamali ko, anak." he stares at me as if he just saw right through me, my uncertainties and my worries. I gulped closing my eyes as I see the image of Maxene and Mavis earlier before I left inside my head.

"Nakita ko ang litrato ng anak mo sa mga pinadalang emails ni Joseph, nawiwili siya doon sa bata." muling basag ni Tatay sa katahimikan sa pagitan naming dalawa.

Kaya naman pala! Bakit hindi na lang kasi sa akin dinerecho ni Papa? At bakit mas nauna pang malaman nito ni Tatay

"Nakita mo na ba ang anak mo?" may pagkasabik sa boses niya na para bang hinihiling niya na sana ay mapagbigyan ko siyang makita niya ang anak ko, "Sa totoo lang, kamukha mo siya Travis." natutuwang kumento niya kahit pa hindi ko pa nasasagot ang mga naunang katanungan niya tungkol kay Mavis, "Ano pala ang pangalan niya?"

"Mavis." I answered with pride. I couldn't contain myself from smiling just by saying her name.

Ganito ba ang pakiramdam na ipakilala mo ang anak mo sa tao? Pakiramdam ko daig ko pa ang nanalo sa lotto.

"Hula ko, mula iyon sa pangalan ninyo ni Maxene, tama ba?" nakangiting tanong sa akin ni Tatay, "Ganoon kasi noong binigyan kayo ni Lynda ng pangalan ng kapatid mo eh. Mavis pala ang pangalan ng apo namin." Galak na kumento ni Tatay.

Sa totoo lang, hindi ko naisip iyon. Bakit hindi ko naitanong kay Maxene ang tungkol doon? Mukhang kailangan ko ng umuwi sa mag-ina ko.

"Mauuna na po ako, babalitaan ko na lang po kayo." paalam ko kay Tatay at nauna na.

Hapon na ng makarating ako sa tapat ng bahay ni Maxene at nakitang may ibang kotseng nakaparada sa tapat ng bahay niya.

Kanino naman ito?

Nag-doorbell ako, pero hindi si Maxene ang nagbukas ng pintuan, kundi isang matipunong lalaki. Kasing tangkad niya ata si Alex at moreno rin. May konting anggulo siya ni Kenzo. Morenong matangkad na kamukha ni Kenzo.

Sino naman ito?

"Mhie, may bisita ka."

Ha? Ano daw?

"Travis." gulat na bati niya sa akin na parang hindi niya inaasahan na makikita ako ulit.

Ano, isang araw lang may iba na ulit?

"Papa!" Masaya akong sinalubong ni Mavis at niyakap ng mahigpit. Buti pa yung bata masayang makita ako. Well, sino nga naman ba ako, hindi ba? Hindi naman niya ako boyfriend.

"Siya ang Papa ni Mavis?" Tanong nung Morenong Kenzo kay Maxene.

"Ah oo, siya nga." nakangiti niyang saad sa lalaki, "Travis, this is Francis, isa sa Ninong ni Mavis, noong binyag niya."

So iyon pala ang pangalan niya, nginitian ko lang yung Francis kahit na hindi ko gusto kung paano niya tingnan si Maxene na para bang sila lang ang tao dito sa bahay. Baka nakakalimutan nilang may bata silang kasama.

"Nice meeting you dude." sinubukang makipagkamay ni Francis sa akin pero naging palusot ko na lang na buhat ko si Mavis kaya tinanguhan ko na lang siya bilang pagbati. "This is fun, the more the merrier." pagbasag ni Francis sa katahimikan na namamagitan sa paligid namin. "Right Mhie?"

I looked at Maxene and sees how she playfully hits this guy like he's joking with her.

Nakikita ba ni Maxene na may intensyon sa kanya yung lalaki? Halata siya masyadong nagpapa-cute kay Maxene. Tch!

"Pasok na tayo sa loob." pagyaya ni Maxene at nakita ko naman kung paano siya akbayan nung lalaki.

Parang may bumara sa lalamunan ko.

Nang makapasok na kami sa loob ng bahay, muling binasag ni Francis ang tahimik sa pagitan namin. Masyado siyang madaldal.

"Halos kumpleto na pala, si Kenzo, yung Daddy ni Mavis," nakangiting binalikan niya ako ng tingin. Binaba ko na si Mavis, "Tapos siya naman yung Papa, samantalang ako, Ninong lang." Pagtatampo niya kuno na parang nagpapapansin na naman kay Maxene. Ang babaw naman ng lalaking ito!

"Baliw ka talaga Francis." pabirong siniko ni Maxene yung lalaki at sinuklian naman siya nito ng malawak na ngiti. "Cute mo." Maxene complimented him and he winks at her. Sa harapan ko pa talaga? Sa harapan pa talaga ni Mavis sila naghaharutan?

"Ay, teka nga, hindi pa ako tapos magluto, saglit lang," Maxene approaches her daughter, umaalingasaw yung pabango ni Francis sa kanya, buwisit!

"Mama needs a little help, baby," Maxene started as Mavis gave her undivided attention, "Why don't you entertain our guests while I cook, is it okay?"

Ako guest? baka yung Francis yung guest niya dito. Hindi naman ako maselan sa pagkain.

"Okay Mama." Malawak na nginitian ni Maxene si Mavis at kahit pa nagpresintang tumulong itong si Francis, Maxene humbly turned him down telling him she'll manage.

Hindi naman siya baldado brad, umayos ka, masyado kang papansin, pabida... Epal!

Hinila kami ni Mavis sa living room at pinakita niya sa amin ang mga dinodrowing niyang stick family na magkakaibang kulay na magkakahawak kamay. "Papa look, oh," the little girl smiles at me as I contain my ill temper, "That's you, that's Mama, and that's Daddy." tinuro niya kami isa-isa.

She's so adorable.

"Eh nasaan naman si Ninong Francis?" Paglalambing nung lalaki kay Mavis.

Nasa bermuda triangle!

"Ninong Francis is at the mall, we'll meet you there." Mavis tells the guy who is now approaching her direction.

"Lagi na lang nasa mall si Ninong, gusto ko, kasama ko kayo ni Mama." pangungulit niya sa bata.

Buti nga sa mall ka niya nilagay, kung ako ipapakuha kita sa aliens para ipakain sa xenomorphs.

"Ninong is Mama's friend," the little girl explained to him, "Friends are located outside the house circle, nisabi ni teacher, ang nasa loob ng house circle, ay family lang." I smiled hearing the explanation of my four year old daughter. 

Tinawanan lang siya ni Francis kahit na may panghihinayang sa mga mata niya at tiningnan ako.

"Kaibigan ka rin ba ni Maxene?" halos pabulong niyang tanong sa akin. Taga saang planeta ba ito? Papa nga ang tawag sa akin ni Mavis, hindi ba? "Don't tell me, manliligaw ka rin niya? Mahihirapan ka lang pre."

At bakit niya ako pinapangunahan? Pabida!

Pilit ko siyang nginitian, "Bakit mo naman nasabi na mahihirapan lang ako?"

"Eh si Kenzo nga matagal ng nanliligaw kay Maxene, pero hanggang ngayon friends lang daw sila. At dahil sa nasa France si Kenzo ngayon, nagbabakasakali akong makasegway."

Tanginang kupal ito, sa tingin ba niya malalamangan niya si Kenzo? 

"Pero si prinsesita," nakangiting panimula niya at tiningnan si Mavis, "Kailangan din ligawan, kasi sabi ng iba, kapag naligawan mo ang anak ng isang single mom, may free access ka na agad kay Mommy."

"Ah talaga?" papakinggan ko pa kung ano ang masasabi mo tungkol kay Maxene, dali, para may dahilan akong suntukin kang mapagsamantalang--

"Pero sa totoo lang, mahirap palambutin ang puso ni Maxene." biglang lumambot ang mukha niya, "Alam mo, kung sino man ang totoong ama nito ni Mavy, hindi rin biro ang iniwan niyang sugat sa puso ni Max. Kaya hindi ko rin siya masisisi, kung kailangan niyang magmatigas, para sa anak niya. Kaya nga kahanga-hanga siya eh. Hindi siya kailanman umasa sa iba o kahit ang ipaako sa ibang lalaki yung anak niya, hindi tulad ng ibang babae. Kahit pa ano ang narinig niya noon sa pagbabatikos ng ibang tao, lalo na at artista siya dati, kinaya niyang dalhin iyon lahat mag-isa sa loob ng ilang taon. Dahil yung munting anghel niyang iyon ang nagmistulang pinagkukunan niya ng lakas para mas lalo pa niyang pagbutihin ang pagiging ama at ina sa kanya. Lagi niyang inuuna ang kapakanan ng anak niya, na minsan nakakalimutan na niya ang sarili niya. She's just that selfless."

Mukhang nagkamali ako ng pagkakakilala dito kay Francis. Mabuting tao rin naman pala siya, para siyang si Gerard, medyo awkward na malambing sa taong gusto niya.

Inamin naman ni Francis sa akin na gusto niya si Maxene simula pa noong college sila. Nakwento niya rin sa akin na halos sabay silang nagtapos ni Maxene noong college, kahit na noong third year lang sila naging magkaibigan dahil sa parehas silang irregular student. Siya rin ang kasama ni Maxene sa firm. Talaga namang hindi sila mapaghiwalay. Kaya pala kumportable na rin si Maxene sa kanya.

"Here Ninong, a picture of you." Mavis intervene our conversation by handing him what she drew for him. Malugod naman iyon na tinaggap ni Francis at nagpasalamat sa bata. Malapit din ang loob ni Mavis sa kanya.

Baka masyado lang akong-- mapanghusga.

Matapos ang hapunan, sinabihan ko na rin Mavis na magsipilyo at ako na rin ang nag presentang maghugas ng pinggan naming lahat.

Hinatid ni Maxene si Francis hanggang sa may gate, at sa hindi ko inaasahan, nakita ko lang naman kung paano binigyan ng binata ng surpresang halik sa pisngi itong si Maxene.

Keep your shit together Travis.

"Papa..." the little angel called me and I smiled at her distracting myself from what I just saw outside the house. "Papa, I'm done with my toothbrush!" sambit ng batang makulit at agad ko na rin siyang pinalitan ng damit at tinabihan sa kama, "Papa..."

"Yes?" I smiled at her caressing her soft face.

"I'm happy you're here." she says with a sweet smile and I kissed her temple. "But, will you leave us again?" That question alone causes my lungs to malfunction as the child in me remembers how I used to ask that same question towards my biological father.

"Why ask?" I tried my best to hide my uncertainty with a smile.

"You left earlier and I was sad. Mama is sad too." she says almost with lazy eyes, "I promise to be a good girl, so you wouldn't leave again." she says with a weak smile and dozed off.

My heart aches from what I heard from her as I kiss her cheek looking how beautiful she is sleeping in a fetal position.

'Tatay magpapakabait ako. Hindi ko po bibigyan ng sakit ng ulo si Nanay, para po hindi na kayo umalis.' 

Ganito rin ba ang naramdaman ni Tatay noon?

I caressed the little girl's face, remembering the words of my parents earlier.

'Maikli lang ang buhay anak.'

'Kaya lang, mabilis kayong lumaki.'

'Kung lagi mong iisipin ang sakit na pinaramdam mo sa iba o miski sa sarili mo, paano ka magiging masaya niyan?'

'Hindi naman puro ginhawa lang ang pagmamahal anak. Nandoon din ang pagpapatawad, pagpaparaya at pagtanggap.'

'Huwag mo gayahin ang pagkakamali ko, anak.'

Nang mahimbing nang nakatulog si Mavis agad na rin akong lumabas at nakitang may kausap sa cellphone si Maxene. Nakapagpalit na siya ng pantulog at naka hairband.

Nakauwi na yung tao at lahat, kinukulit pa rin siya nito. Anong oras na, wala bang magawa 'tong si Francis?

"Oo, salamat kanina Francis, ingat ka, ha. Huwag na makulit. Sige na, bye. Che! Love yourself muna tsaka ka magsabi ng I love you sa kapwa mo, sus bolero, sige na baba ko na. Bye ulit, matulog ka na."

Wow, ang sweet naman nila.

Nagulat siya nang makita ako. "Kanina ka pa diyan?"

Ah, ayaw niyang marinig ko? "Manliligaw mo?"

"Ah, eh..." natatawang kamot niya sa ulo, "Ano ba... kaibigan ko lang siya..." Is she playing safe with that shitty excuse?

"Ah, kung ganoon, basted si Kenzo, kaya may iba ka na? Ganoon?" Umupo ako sa sofa habang pinagmamasdan ang reaksyon niya.

"Sinong may sabing binasted ko si Kenzo at sinong may sabi na ineentertain ko siya?" kunot noo niyang tanong sa akin.

Umismid ako.

"Wala naman, halata na gusto ka nung Francis, pansin mo ba?" I couldn't hide the sarcasm in my voice.

"Alam kong gusto ako ni Francis, pero magkaibigan lang kami, Travis." Alam naman niya pala, pero kinakaibigan niya pa rin! Is she leading him on?

"Eh bakit hinalikan ka niya sa pisngi? Gawain ba ng kaibigan iyon?" nagulat siya sa inasta ko, mukhang napagtaasan ko siya ng boses. Pilit kong kinalma ang sarili ko. Kanina pa.

"Nag beso lang kami."

"Ah, talaga?" sinasabi ba niyang mali ang nakita ko kanina? "Ang sweet niyo nga kanina pag dating ko eh, parang may sarili kayong mundo."

"Akala ko, hindi ka na babalik Travis." halos pabulong niyang sambit.

"Ah, so kung hindi ako bumalik, ano, may kapalit na agad? Ganoon?" Leche ang init ng ulo ko, makainom nga ng tubig. Dumerecho ako sa kusina, kumuha ako ng baso at uminom ng tubig. Kanina pa naninikip ang dibdib ko. Buwisit!

Naramdaman ko naman na sinundan niya ako. 

Tangina, wala naman akong karapatan mainis, hindi ba? Kanina pa ito! Tangina naman talaga!

"Uhmmm, galit ka ba sa akin?" there's a ray of uncertainty in her voice, "Magkaibigan rin naman tayo hindi ba, Travis?"

I scoffed, "Friends? Really?" I brushed my hair trying my best to maintain my cool, "So, ano ang sinabi mo sa akin kagabi? Sinasabi ba iyon sa kaibigan? So, sinabi mo rin iyon doon kay Francis?" I shake my head and tasted how bitter this water I'm drinking in my damn glass, "Well, no wonder why the guy is that sweet towards you." I shake my head, "Magkaibigan daw, pero may endearment. Funny!" I muttered.

"What endearment?"

Tch, narinig niya iyon?

"Mhie ang tawag niya sa iyo, hindi ba?" Tangina, tangina talaga!

"Yeah, kasi short for mommy iyon." she explained.

I scoffed, shaking my head, "So you're playing house now? With that guy?" May kung anong nakabara na naman sa lalamunan ko. Fuck this!

I look away as I put both of my hands on the counter controlling myself.

Baka nakakalimutan mo Travis, wala kang karapatan makaramdam ng--

"Travis, nagseselos ka ba?" her voice sounds dismissive that caught me off guard. I gulped attempting to look at her, but before she meets my eyes I looked away.

My chest starts to feel heavy. It's damn heavy that I can't think straight.

"Pasensya na, wrong question." She says almost awkwardly, "I just had a tough day at work, dinamayan lang din ako ni Francis dahil kasama ko siya sa trabaho. He's just here to cheer me up, so I hope I cleared all misunderstandings."

"Bakit hindi ka sa akin magsabi?" I asked her. I can't even recognize my own voice from my own restlessness, "Why ask someone else when I am here?"

What the hell am I trying to prove in this interrogation? Bakit ba ayokong magpatalo?

She smiled weakly and scoffed, "Travis, you left earlier with a note. You didn't even say when you're coming back, or if you plan on coming back. Now you're expecting me to wait for someone who isn't there for me, do you hear how stupid this argument is in the first place?" she shakes her head as her statement pinches a part of my soul.

Napahiya ako sa harapan niya.

"Ayokong makipag-away, please," she pulled herself together as she avoids eye contact, "Don't worry Travis, I'll be okay. I'll manage." she says with a small smile. "Let's just call it a day, kung balak mo man ulit umalis, maglagay ka ng specifics sa note mo, okay?" she uttered almost a whisper turning away from me.

I'm not yet done talking to her.

I hold her hand, stopping her from pacing, "I'm sorry, please let's talk." Properly this time.

"What else to talk about?" she asks not looking at me but I felt her fingers twitch with mine.

My jaw hardened, "This arrangement, between you and me." I gulped.

"What is 'this arrangement' between you and me, Travis?" her voice is uncertain as if she wants me to fill in the blank spaces for her quoting me.

"You know what." I squeezed her hand as she attempts to look at my way, "Should we pick up where we left off?"

"Matagal na naman tayong tapos, hindi ba?" she eyes on me as if she's looking into my soul, "Kaya ka nga umalis noon kasi walang tayo, hindi ba?" this is her, guarding her emotions from me.

I can't blame her for being tough around me, she has every reason to shield herself from me, but what she said... Yesterday... that's all I needed to hear to rebuild my resolve.

"Tama ka, tama ka Max." My voice almost retreats but I'm not going to let go of her hand, not until she hears what I have to say. I gulped gathering every ounce of courage I have and asked her, "Maxene, pwede ba ako maging selfish ulit?"

"Why should I give you that kind of permission?" she asks with skepticism.

"Because, I'm not going to hold back anymore." I declared. I'm betting it all-in, "So, let me rephrase my question," I uttered, this time, not breaking eye contact with her, "Can we start over?"

"Why?" That one question just removes every block of stronghold that I made to hide myself. I close my eyes as I search the answer that I hid inside my heart, that for so long that I forgot to feel how heavy those words are to carry all at once in the depths of my soul.

I stare into her eyes and tell her, "I'm still in love with you." I gulped as tears started to fall from my eyes.

Nanghihina ako sa harapan niya na ang tanging pinagkukunan ko lang ng lakas ay ang kamay niya na hawak ng kamay ko.

"I still love you Maxene." I am melting in front of her as my emotions scatter all over the place. She carries the weight of my tears with her other hand.

I put her hand on my chest so she could feel my heart invoking her name, "You're still here..." pulled her close to me and I'm glad that she allows herself to be closer to me. I almost smell that familiar honeydew in a warm summer welcoming me home.

"I love you so damn much..." I say like I ran a thousand miles. I trace her face, see her blink and smiled wholeheartedly, our foreheads touching one another. "I love you Maxene."

"I know," she locked our fingers together, "I know." she utters with a soft voice smiling at me as she kiss both of my knuckles.

I smiled at her and softly planted a kiss on her cheeks. I forgot how kissing her feels like. The warmth of her breath fuels my heart, moves my soul and ignites the frozen emotions I lock away in my heart. 

I kiss her lips as I feel my heart beating once again.

After all these years...

Everything feels like yesterday as my emotions scatter like the stars in the night sky.

Through distance and time...

I still love this woman, who turned my world around.

After all these years...

I have finally come home.

To her.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top