Chapter 78 : Thread Of Heartstrings

M A X E N E

THREE YEARS have passed since the day I last saw him.

I remember that day as if it was yesterday. After I woke up, I sent him a message telling him that I am going to pay him a visit, pero noong pumunta ako sa penthouse, wala akong nadatnang Travis na naghihintay sa akin tulad ng dati.

Laking gulat ko pa noon nang makita na nakataklob ng puting tela ang lahat ng gamit niya doon kaya agad kong chineck ang loob ng kwarto at cabinets niya, pero lahat ng iyon, malinis na malinis na halos walang bakas ng taong nakatira doon, pwera na lang sa isang sulat na iniwan niya na naglalaman ng huling regalong binigay ko sa kanya, yung kwintas na binigay ko sa kanya noong sixth monthsary namin at yung singsing na isinauli ko sa kanya noong nakipaghiwalay ako sa kanya.

Nawala na lang siya ng parang bula noong araw na iyon.

Sinabi niya lahat ng ginawa niyang paghahanda na pag-alis niya sa sulat na iniwan niya para sa akin. Sinabi niya sa akin kung gaano siya nagpapasalamat sa akin dahil nakita ko siya bilang siya. Nagpapasalamat siya sa akin na naging inspirasyon niya para magbago. Nagpasalamat siya sa akin, dahil kahit na dumaan lang ako sa buhay niya, napadama ko sa kanya ang pagmamahal na hindi niya inaasahan na nagbigay ng liwanag at pag-asa sa kanya para bigyan niya ng pangalawang pagkakataon ang sarili niya na umahon mula sa kasalanan na nagawa niya sa nakaraan niya.

Sinabi niya sa sulat na iyon na tanggap na niya na matagal na kaming tapos at pinapakawalan na niya ako mula sa lahat ng sakit na ibinigay niya sa akin.

Na ang tanging dahilan kung bakit lang siya bumalik ay dahil sa hindi niya gustong ikulong ko ulit ang sarili ko matapos niya ako palayain noon. Na kung palalayain niya lang rin daw ako, mas gugustuhin niyang maging malaya na lang ako at maging masaya ulit, kahit pa hindi na siya kasama sa hinaharap ko.Na kahit mahirap, susubukan niyang gawin ang sinabi ko sa kanya noon na mag-move on mula sa relasyong hindi rin naman nagtagal sa pagitan naming dalawa.

Pero nakatatak na ata sa akin ang huling mga salitang sinabi niya sa sulat na iyon.

'Thank you for sharing this little phase with me. Thank you, even if it's just for a while, I was able to call you mine, but I have decided not to be selfish anymore because I know you deserve better. Take your phase and move on. I wouldn't stop you this time, because I owe everything to you. Thank you for loving all of me, this time I am setting you free. Goodbye, Maxene.'

Kulang pa ata ang lawa ng Taal sa ilang litrong iniyak ko sa una at huling sulat na binigay niya sa akin. Alam kong hindi ko siya masisisi dahil ako rin naman ang nagtulak sa kanya palayo, kung tutuusin naman, ako ang unang nang-iwan sa aming dalawa.

Masakit lunukin ang katotohanan na lahat ginawa niya para ipaglaban ako, pero hindi ko man lang ito nasuklian ng tama. Masakit lang na hindi ko man lang nagawang sabihin sa kanya ang mga salitang matagal ko ng hindi sinasabi sa kanya bago siya umalis.

Napagod ako, oo, pero hindi tumigil ang puso ko na mahalin ka Travis.

I should have asked further. I should have noticed or at least read his thoughts. I should have changed his mind, but what could change his mind, if there wasn't us in the first place?

Iyon ba ang pinaniniwalaan niyang dahilan para tuluyan na siyang bumitaw? Kaya ba ayaw niyang bitawan ko ang mga salitang iyon sa tuwing mabibigyan ako ng pagkakataon dahil alam niyang iyon ang mga salitang magpapabago ng desisyon niya?

Ang daya niya.

Ang daya daya ni Travis! Nagsarili na naman siya!

Kung alam ko lang, sana sinigaw ko na lang sa kanya. Sana kahit pa ilang beses niya ako halikan noon, sana sinigaw ko pa rin ang totoo kong nararamdaman para sa kanya.

That's the biggest regret that I carry up to this day.

I should have told him how much he means to me, I should have told him the words that will make him stay. I should have told him that I love him so much...

I told him before that my love for him isn't weak, but in the end, I lost the person who is always there fighting for me.

I know that I failed him.

Maybe, my love wasn't enough?

Or maybe he's right, to be honest, I don't know anymore as days pass by, I just grew up from feeling those butterflies in my stomach whenever someone took notice of me. Maybe I'm not that same girl who sees love as pure romance, flowers and sweet stuff.

I grew up and learned to appreciate myself even more. I finished my degree in college like what I promised to myself. I'm doing everything I love and I love my field of work now.

Sa tuwing ika-20 ng buwan, naging routine na ang lagi naming pagbisita kay Hope dahil iyon ang minsang binitawan niya sa akin bago siya umalis. Hindi ko naman inakala na nagbibilin na pala siya sa akin noong araw na iyon. Iyon nga lang, dahil sa bihira lang talaga ang asul na rosas dito, kaya puting rosas lang ang naaalay ko sa munting anghel ko na alam kong guardian angel na namin.

I wiped up Hope's gravestone with a weak smile, 'I hope you're okay where you are, don't worry Hope, I'll get by.' I spoke from my heart.

The wounds of the past healed through time and I am trying.

I tried entertaining Kenzo after I thought that having a break for myself would help me move on, and I swear I tried. Lalo na at bago pala siya umalis, ibinilin na rin niya ako kay Kenzo.

I remember the first deal we agreed on and looking back, he did fulfill his promise to me, na ibabalik niya ako kung kanino ako nararapat.

It wasn't my intention to fall for him and he didn't plan to fall for me. I had Kenzo before, he has Monique, that's supposed to be our way out from the arrangement that was set for us, yet everything changes when certain feelings emerge from nowhere. It just happens.

"Mama!" Napangiti ako sa sigaw niya sa akin habang nakasakay siya sa balikat ng Daddy niya. "Look, Daddy make me a kite that will reach the clouds."

Tinawanan ko naman siya at napatingin kay Kenzo, "Well, gusto niya daw makuha ni Hope yung listahan ng wishlist niya." nabasa niya ako ng ganoon kadali at binaba na niya ang makulit na bata, "Yung balloon daw kasi, agad ding daw pumuputok at hindi nakakalagpas sa kataas taasan ng langit."

"At saan naman niya nalaman iyon?" I raised an eyebrow.

"She's just that curious and she reads a lot on the internet, alam mo naman ang mga bata ngayon Maxie." Kenzo shakes his head with a skeptical smile on his face watching how the little girl flies her kite.

Sa bagay, may point siya, masyadong curious ang mga bata ngayon, lalo na at mas nananaig ang teknolohiya sa panahong ito. Pero sa tamang patnubay ng mga magulang, naalalayan ang kuryosidad ng mga bata ngayon, lalo na itong si Kenzo na sobrang strikto pagdating sa batang makulit, pero hindi rin naman mawawala sa kanya ang pagiging doting father, hindi lang siguro siya aware.

"Well, bakit naman sa tingin mo, saranggola ang sagot sa gusto niyang mangyari?" palaro ko siyang siniko.

"Eh, basta. Pabayaan natin ang bata na maging bata." inip na sagot niya. Hindi ko mapigilan ang tawanan siya sa utak ko.

"Ang sabihin mo, nauubusan ka lang ng sasabihin para maniwala yung bata sa iyo, Ken." Asar ko sa kanya at kiniliti siya, nakakatuwa na hanggang ngayon malakas pa rin ang kiliti niya.

"Aba, tigilan mo-- Maxie--" natatawa niyang suway at tumakbo sa likuran ng batang babae. "Mavy, your Mom is harassing me." Lambing ni Kenzo sa bata at nakita ko kung paano ibinaba ng bata ang hawak niyang sinulid at itinali ito sa kanyang jumper.

"I'll protect you, Daddy." the little girl declared with a familiar mischievous smile, seeing how she stood up for an example bully like me reminds me of the young version of me. "Mama no bullying." tinawanan ko siya sa utak ko dahil ginaya niya pa nga si Dora the Explorer.

I smirked, "Ah ganoon." hinabol ko ang munting bata at napunta sa habulan ang naging laro sa pagitan naming tatlo.

Pagod na pagod man ang dalawang mag-ama sa kakatakbo mula sa akin, pero kapag yung prinsesa namin ang natataya, agad din naman akong ginagantihan ni Kenzo dahil ayaw niya raw na nahihirapan ang munting bata sa kakahabol sa amin.

Maswerte rin naman ako at sa loob ng ilang taon, hindi ako iniwan ni Kenzo matapos ng biglang pag-alis ni Travis.

Nakailang manliligaw man ang dumaan pero si Kenzo lang ang masigasig na nanliligaw sa akin mula noon hanggang ngayon, pero ayoko naman pilitin ang sarili ko, dahil hindi ko masuklian ang pag tingin niya sa akin at talagang hanggang kaibigan na lang kaya kong ibigay sa kanya.

Nang mahimasmasan ang makulit na bata, pinalitan ko muna siya ng damit dahil pawis na pawis siya, pinulbusan ko na rin ang likuran niya para mapreskuhan siya, pero sa sobrang pagka presko niya, nakatulog na rin siya agad. Kinarga siya ni Kenzo at isinakay sa loob kotse dahil anong oras na rin, palubog na ang araw.

"Hay, pagod na pagod ang batang paslit." pinaringan niya ako kaya tiningnan ko siya ng masama. Hindi pa rin talaga nagbabago ang tingin niya sa akin, alam na alam niya kung paano ako aasarin. Bilang pang bawi, pinisil na naman niya ang magkabilang pisngi ko at tinawanan ako. "Ayan, may libreng blush, hindi ka na masyadong nag-mamake up kasi, ang putla mong tingnan." he teased, he's probably referring from how I present myself. Totoo naman, hindi na ako tulad ng dati kung mag-ayos, sinisimplehan ko na lang ang ayos ng make up ko dahil minsan, imbis na ipangbili ko ng make-up, binibili ko na lang ng kung anong gusto ng anak ko, tutal naman hindi ko naman kailangan ng sobrang make-up, okay na yung sakto lang.

I stopped my acting career and chose to have a private life, though I'm still representing my mother's brand in her company. I would like to support her business, kaya minsan nag-momodel pa rin ako para sa mga dine-design niyang mga damit, kahit hindi naman na daw kailangan, pero siguro sadyang praktikal lang din ako mag-isip dahil, trabaho rin naman iyon at kailangan ko rin kumita ng extrang pera para sa binubuhay kong pamilya, isa pa, I got bills to pay.

Mas ayos na ang bihira ako lumabas at makita ng tao sa TV, ayoko rin na maungkat ng media ang kahihiyan na nabuo sa akin noon. Laking takot rin ni Mommy na mangyari sa akin ang nangyari sa kanya noon, kaya sa sobrang pagpoprotekta niya sa akin, ang naging options para maalis ako sa kahihiyan noon ay ang ipaampon ko ang bata o ang magpakasal ako kay Kenzo; tutal naman daw, matagal ko na rin siyang naging kasintahan dati, para lang sa hindi ako magmukhang disgrasyadang babae.

But, I embraced my independence and stood my ground. Ilang taon na rin naman ako. I'm in my mid twenties anyway, I can still say that I am a working young adult, so no matter what my past is, it doesn't define the person I am today.

I choose to be a responsible mother to my child. I wouldn't want to marry someone out of convenience just to save myself from humiliation, nor is the option of having my own daughter adopted and be a daughter of someone else.

Kaya ko naman at kakayanin ko ang lahat para sa anak ko.

She's all I have left and I wouldn't let anyone take her away from me.

Kenzo respected my decision as it is, yet he wouldn't like to let me carry the responsibility alone, especially since he grew up without knowing his father.

Naiintindihan ko naman siya sa parte na iyon at mula naman sa umpisa, halos hindi niya ako iwan at napamahal na rin sa kanya ang bata. Pumayag ako na siya ang tumayong ama ng anak ko dahil ayoko rin naman ipagkait iyon sa anak ko, lalo na at kita naman sa anak ko na, mahal na mahal niya si Kenzo.

Nakangiting pinagmamasdan ko si Kenzo sa pag-alalay sa batang natutulog ngayon sa baby chair na nakalagay sa likuran ng kotse.

Umayos siya ng tayo at hinarap ako, "Oh and by the way, before anything else, I just want you to know that I took your advice." he declares with pride as I tilted my head beside wondering what he could mean, "I got the job in France."

"Oh my God," I embraced him, napaka-ulyanin ko na, oo nga pala, sinabi ko sa kanya na subukan niyang palawakin ang mundo niya, he established his name here in the country so well that he should try to make it out there. "I'm so proud of you Kenzo!"

"So you're looking at the next sous chef in France, maybe soon head chef." he says with pride with both of his hands on his waist.

Napaiyak ako sa harapan niya kahit pa alam kong mauumay ako sa pagmamayabang niya sa harapan ko, "I'm so proud of you Ken. You totally deserved it."

"Well, all thanks to you." he wipes my tears away looking at me with certainty.

"Ken..."

"Come with me, to France, kayo ni Mavy." I know he's going to say that, I shake my head, "Pero ayokong iwan kita mag-isa dito Maxene."

"I'm not alone." I tell him as I look at my little angel, "I have her."

"Maxene..." he uttered my name in melancholy.

"I want you to reach your dreams, Kenzo, don't let my choices drag you down." I say with a smile, "In fact I am happy that you took my advice."

"Malaki rin ang utang na loob ko sa pamilya mo, naging scholar ako ng Daddy mo at ayoko naman na maging bad shot sa Mommy mo."

"Wala ka naman na dapat pang patunayan sa mga magulang ko, iba na ang dati sa ngayon Ken."

He let out a small chuckle, "I know. Old habits die hard, sorry." he says awkwardly and I take his hand.

"Now we're parallel to one another as we face the future ahead." I tell him as I feel his hand locking in mine not breaking eye contact.

He smiled weakly, "But we passed beyond intersection." he uttered with regret.

I gulped, "Ken..."

"Alam ko naman," he started as he hold my hands together, "Hindi mo naman ako pinaasa Maxie, you made it very clear of the only thing you could give me. Pero sapat na ang pinabayaan mo akong tumayong ama sa anak mo, dahil alam ko naman ang pakiramdam na walang kinikilalang ama at ayokong maranasan niya iyon." Tiningnan niya ang bata na nasa loob ng kotse, "Siguro, sadyang, ayoko lang na iwan siya..." he says filled with sincerity and love for my daughter. "At ikaw." he sighs, "Making the both of you smile means everything to me."

"Ken," I smiled at him, "Thank you for everything." I cupped his face and felt him kissing the palm of my hand.

Niyakap ko siya at mahigpit niya akong niyakap pabalik.

"So kailan ka aalis niyan?" I asked him.

"Next month," he says softly and change the mood between us, "Sa ngayon, umuwi na tayo para makapag celebrate tayo sa bahay. Pagluluto ko kayo ng exclusive dish na nabuo ko sa hotel."

I smirked at him, "Aba, mukhang masarap yan."

"Aba syempre, ako pa ba?" sambit niya at binuksan ang pintuan ng passenger seat.

"Ah, ano, tapos ako ang mag-mamaneho?" Asar ko sa kanya.

"Bakit, kotse mo ito, kaya ikaw ang magmaneho." Supladong sagot niya at sumakay na ng kotse.

Mamimiss ko siya, pero ayokong ipagkait sa kanya ang mundo dahil gusto kong makita siyang matupad ang mga pangarap niya.

IT'S BEEN A YEAR after I saw Kenzo.

He updates me from time to time dahil nauso na rin naman ang video chat, thru Skype.

Aminado siyang namimiss niya ako pero mas namimiss niya raw si Mavy na ngayon ay four years old na at pumapasok na sa kindergarten. Natutuwa siyang magkwento sa Daddy niya na nakakakuha siya ng stars sa school at may mga naging kaibigan na rin siya sa school.

Ngunit isang araw, na matapos ko sunduin ang anak ko mula sa school, nawala ang sigla ng mga mata niya, hindi ko pa alam kung may nangyari ba sa school kasi hindi niya kinukwento sa akin. Pero isang beses nang gumawa ako ng plates para sa iprepresent ko sa client, narinig ko na lang siya na umiyak sa kwarto niya kaya dali-dali akong pinuntahan siya na para bang kagagaling niya lang sa masamang panaginip noon.

Pinatahan ko siya at niyakap, "Baby, bakit?"

Hindi ko maipaliwanag ang kirot na nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko siyang umiiyak, pero na-tanga ako sa tanong niya sa akin noong gabing iyon, "Mama, am I adopted?"

I cupped her face, "Why would you say that?" I put up a smile to her, "Anak kita, Mama mo ako, bakit mo naman iniisip iyon?"

She looks down, her face filled with insecurity, "My classmates say that I'm probably adopted, because our names aren't the same." She looks at me as I see tears in her dark brown eyes, "Even Daddy has a different name, but why is that?"

I bit my lip. How can I explain the truth to a four year old kid?

I look at her as I take every ounce of courage I have and tell her a story about a little girl who was taken by pirates to go to Neverland with a young boy to be with one of the lost boys and handed her a small piece of jewelry that could be opened by the person who owns it.

"If you said that someone owns this, why are you giving this to me, Mama?" The little girl's eyes are filled with hope and I want to keep it that way.

"Because that was a gift, specially made, only for you." I explained as I embraced her from behind and saw her smiling at me. "It only needs a little amount of trust, love, hope," I grabbed her sparkly wand, "And pixie dust to fullfill your heart's desire, sweetheart."

"But I want to open it already, Mama." The little girl couldn't hide her excitement as she attempted to open it but her little hands failed to open the simple locket as I saw her impatient face come to place. "It is stuck Mama." she pouted with impatience.

"Only a magic word could open that locket, baby." I tell her with a smile as I see how she believes in me.

"What is the magic word Mama?" The little girl tilted her head with enthusiasm as she looked at me filled with curiosity. I cupped her face, poking her nose that made her giggle and I whispered her a secret that I have been keeping since last year after I saw a vase holding three blue roses on that specific day.

Ayoko pa umasa noon, pero yung naging caretaker ng sementeryo ang nakapag sabi sa akin nang minsan na napadaan siya malapit sa puntod ng anak ko; taon-taon sa petsang iyon, laging may nag-iiwan na asul na rosas sa puntod ni Hope.

I look at the calendar and see that November 20 is coming.

I know that I'll be expecting another blue rose.

"Inside the locket, you will see what you're looking for, sweet Mavy," I tell her and see her smiling at me listening with light in her dark brown eyes, "And when you see flowers that are blue as sapphire, do not let the flower bearer go, for that person holds the key to open that sweet treasure that you're holding on your hand." the little girl nodded at me with a wide hopeful smile.

I owe my child a promise.

That we will find that 'lost boy'.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top