Chapter 7 : His Shadow
T R A V I S
Ang sakit na ng ulo ko. Ilang oras na rin akong nakatutok sa mga libro at notes ko. Ang daming terminology na kailangan kong sauluhin. Tinapos ko na ang lahat lahat para bukas. Kanina lang alas nuwebe pa lang, ngayon alas onse na. Siguro tama na ito, maaga pa akong gigising bukas.
I lay on my bed as I felt my phone vibrate. I unlock my phone and see that Gerard just sent a group message with a picture of a familiar face. Napatayo ako agad at kaagad siyang tinawagan.
Gladly sinagot naman ni Gerard ang tawag ko, "Dude, what's up? Kita niyo yung picture ano, akala niyo olats ako ah!" ang ingay sa paligid.
"Where is the girl?" I asked, controlling my temper. I told her to inform me her whereabouts kung aalis man siya, akala ko naman nagkasundo na kami doon. She's now my responsibility and I hate na ako ang masisisi kung sakali man na may mangyari sa kanya.
"She's still here in the bar-" binaba ko na ang tawag, nagbihis at dumiretso sa bar ni Gerard.
I arrived as fast as I could and I saw Gerard waving at me, "Hey Travis, wanna hang-out?"
Hindi ko masyadong pinansin si Gerard at hinanap si Maxene, pero hindi ko siya makita sa dami ng tao sa paligid, "Nasaan si Maxene?" I asked Gerard and he looks at me surprisingly.
"You know her?" nakangiti niyang tanong sa akin, "I didn't know that Travis Hayes knows Maxene Campbell."
Hindi ko naman talaga siya makikilala kung hindi nakasama ang profile ko sa marriage interview. To think na magkaibang magkaiba ang mundong ginagalawan namin, masyado siyang kapansin pansin samantalang ako, hindi. Kung hindi naman dahil sa marriage interview na iyon, hindi ko pag-aaksayahan ng oras kilalanin ang taong tulad niya, "No time to explain Ge, nasaan ang babaeng iyon?" muling tanong ko kay Gerard na dahilan kung bakit napakamot siya sa ulo niya.
"She's there somewhere, bakit ko naman siya babantayan? I got girls to please at the booth." my point exactly. Bakit ba masyado niyang pinapatunayan ang sarili niya sa banda? Ano na naman ba ang pustahan nila ngayon ni Joshua?
"I'll find her, thanks." sagot ko sa kanya at hindi na hinintay kung may sinabi pa siya ulit. Ang dami-daming tao ngayon, to think it's Sunday. People are reeking of alcohol. Badtrip!
Across the room I see her drunk with some guy who is obviously taking her vulnerability for granted. That guy whispered something in her ear and I saw how she smiled and nodded at him like an innocent child. He puts her hands on his shoulders and he puts something in his mouth. He's going to drug her. Motherfucker. Before I could let that happen I pulled her away from him.
"Dude back off, she's mine." babala ng lalaki sa akin. Akala mo naman papatulan ko siya, but then let's see what he'll do. I checked at Maxene and she's too drunk to stand. I pulled her close to my chest because she couldn't barely stand properly. The guy attempted to pull her away from me, I pulled his wrist with force enough for him to turn around. Sinipa ko ang hita niya kaya nakaluhod na siya sa harapan ko at sinakal siya gamit ng long sleeve niya. I couldn't help to smile, dahil naaalala ko pa ang itinuro sa akin ni Mama noon bilang self defense.
"Swallow it." mariin kong utos sa kanya at binitawan siya nang mapansin ko na nahihirapan siyang huminga.
"What the fuck!" he angrily says while he's catching his breath and retreats. Mga mapagsamantala! These types of people disgusts me.
"Dude, what the hell happened?" Gerard approached me, tiningnan niya si Maxene na lasing na lasing, "Wow, this girl could drink." he commented and I carried her putting her arms around my neck for enough support. Kung pwede lang na kaladkarin ko na lang ang babaeng ito sa inis ko. Ano na naman bang pumasok sa isipan niya at naglasing na naman siya? Kung iinom siya, dapat kaya niya. Hindi yung kulang na lang mapagsamantalahan siya ng ibang tao.
"Mauuna na kami Ge." pilit ko siyang nginitian at nagsimula ng maglakad palabas ng bar. I put Maxene on the passenger seat. Laking pag-aalala ko pa dahil baka maulit na naman yung ginawa niyang pag suka sa kotse na gamit ko dati. Mapapatay ko talaga siya pag sumuka siya sa kotse na gamit ko ngayon.
"Ken...wag mo ako iwan, please..." she murmured as a tear fell from her cheek. I tried to wipe her tears and recall her face earlier today. Nakangiti pa siya kanina, tapos ngayon iiyak na naman siya.
"Travis!" tawag muli sa akin ni Gerard at inabot ang mga gamit ni Maxene, "She left this." I take her stuff from his hands and put it inside my car.
"Thanks Ge. I appreciated it." I closed the passenger seat door and approached the driver's seat.
"How do you know her?" muli niyang tanong sa akin bago ko pa mabuksan ang pintuan ng kotse ko. As much as possible, I don't want anyone to know yet. I looked at Gerard and maybe I could trust him, at least him.
"She's my fiance." I tell him and see how his eyes widen as if he couldn't believe what he just heard.
"That's some twist of events." he commented, "I never knew that you'll allow yourself to be in this situation, not knowing that Monique is-"
"I should go Ge, ihahatid ko pa ang babaeng ito." I cut him and put up my usual smile just to evade any subject regarding her, "Maaga rin ang pasok ko bukas."
"Okay, ingat kayo ah." tugon ni Gerard at sumakay na ako ng kotse ko.
Napapaisip ako kung ihahatid ko ba si Maxene sa condo niya o papatulugin ko ulit siya sa penthouse. Mawala lang siya sa mata ko kung saan saan na siya nakakarating, to think na wala pang isang araw ng maghiwalay kami. Imbis na magpapahinga na sana ako... Istorbo!
Dadalhin ko na nga lang siya sa penthouse, para mabantayan ko na rin siya. Mamaya maisipan pa niyang tumalon sa unit niya. Lalo na at ganito na naman ang lagay niya. Sakit sa ulo ang babaeng ito. Badtrip naman talaga!
Wala siyang malay hanggang sa hiniga ko siya sa guest room, pero patuloy pa rin dumadaloy ang mga luha niya. She looks vulnerable, weak and helpless. I still couldn't forget how badly she wanted to end her life by jumping off the cliff that night. I wouldn't want to see how she throws herself in hell.
Kirot sa dibdib ko ang alaala ng gabing iyon nang muntik na siyang tumalon sa bangin na iyon kung hindi ko pa siya binalikan kaagad. I couldn't ignore the look on her face that night... because it was the same face I saw when my mother hung herself when I was young.
Wala akong magawa noon kundi ang umiyak sa harapan niya. Hindi naman niya kasalanan na namatay yung kapatid ko at walang may gusto noon, pero sinisisi niya ang sarili niya sa sinabi niyang kapabayaan niya bilang ina sa amin. She just lost it that day.
Kung hindi pa siguro dumating agad yung mga taong nag-ampon sa akin, malamang patay na ang nanay ko noong araw na iyon. Noong magising siya pagkatapos ang araw na nagtangkang siyang magpakamatay, halos wala ng buhay ang mga mata niya. Wala siyang ibang ibinubukang bibig kundi ang pangalan ng namatay kong kapatid pagkasilang ni Nanay sa kanya. Noong araw na iyon; lahat gagawin ko, gumaling lang si Nanay.
Lahat.
Kahit pa magsinungaling ako at akuin ang pangalan ng kapatid ko, ginawa ko. Halos mamatay ang puso ko noon dahil parang unti-unti nang nawawala si Travis sa mata niya. Pero sa tuwing napapasaya ko si Nanay, nawawala ang sakit na iniinda ng puso ko.
Ang huling kita ko sa Tatay ko ay matapos maipasok si Nanay sa mental facility. Dahil sa hindi na raw ako mapapalaki ni Nanay ng maayos kaya mas mabuti pa raw na ipagkatiwala ako sa matalik niyang kaibigan. Gulong-gulo ako kung bakit kailangan pa niya ako ipaampon, bakit pati siya binibitawan na ako? Ano bang kasalanan ko at iniiwan ako lagi?
Pinalitan ng mga umampon sa akin ang pangalan ko at lumaki rin naman ako ng maayos sa pangangalaga nila. Hindi nila kailanman pinaramdam sa akin na hindi nila ako kadugo. Si Papa at si Mama ang bumuo sa kung sino ako ngayon. Walang araw na hindi ako inaalagaan ni Mama, pero hindi pa rin maalis sa isipan ko ang sitwasyon ni Nanay. Minsan kong hiniling na dalawin sana si Nanay, pero ilang taon bago ako napagbigyan ng mga nag-ampon sa akin. Dahil na rin may mga oras na binabangungot pa rin ako ng nakaraan ko at nauunawaan ko naman sila doon. Pero sadyang matigas ang ulo ko.
Just for them not to worry about me, I did everything I could to seal away those nightmares where they couldn't find them. I convinced them as I tell myself that those nightmares are gone... so that they could allow me to see my biological mother again.
Ilang taon pa ang lumipas at muli nagkita si Papa at si Tatay noon. Masayang masaya ako, iniisip ko pa noon na baka pwede na ako sumama kay tatay, pero laking gulat ko na malaman na ikinasal na siya sa iba at may anak na rin siya sa ibang babae. Naiwan na naman ako sa ere.
Pinilit kong ngumiti na lang at nagpasalamat na dinalaw niya ako kahit papano. Pero ang hindi ko inaasahang malaman; buhay pala ang kapatid ko. Ipinaliwanag sa akin ni Tatay ang totoong nangyari noon sa paraang maiintindihan ko dahil sa mata ng asawa niya isa lang ang naging anak niya sa labas. Nawalan ako ng karapatan maging parte ng pamilya nila dahil mas pinili ni tatay na ipaampon ako. Inunawa ko iyon kahit na nasasaktan ako, bakit hindi niya ako pwedeng ipakilala bilang anak niya?
Nang makita ko ang kapatid ko noong dinalaw namin ni Papa si Tatay sa bahay nila, kahit papaano ay napalitan kaligayahan ang puso kong nangungulila. Napakalusog niya at may kakulitan din taglay sa katawan. Masaya ako noon na nakikita kung gaano siya nasasabik na makita ako sa tuwing nabibigyan kami ng panahon para magkasama kahit saglit lang. Para sa isang bata na nawalay sa kapatid niya, sapat na ang mga hiram na oras na iyon para sa akin. Sinabi ko pa noon sa sarili ko na aalagaan ko siya hanggang lumaki siya, pero nagbago ang lahat ng pinahiya ni Auntie yung kapatid ko sa harap ng maraming tao. Nasaktan ako para sa kanya pero wala akong magawa para protektahan siya dahil nagtatago ako sa likod ng ibang pangalan. Sa mata ng mga tao, hindi kami magkapatid. Sa mata ng tao, magkaibigan kami dahil magkaibigan ang ama namin. Maraming nagbago matapos mangyari ang kahihiyan na iyon sa kapatid ko, sa murang edad napapa-away na siya noon. Siya ang pinaparinggan, tinataboy at sinisiraan ng mga tao noon. Kulang na lang tratuhin siyang basura lalo na at hindi niya kaya ipaglaban ang sarili niya noon.
Ngunit ng dahil sa isang kasinungalingan na binuo ko sa utak niya, natuto siyang tumayo sa sarili niyang paa; kahit pa ang kapalit noon ay ang paglayo ng loob niya sa akin. Pinutol ko ang pagkakaibigang nabuo sa amin hanggang sa naghiwalay na kami ng landas. Pinanindigan ko na lang ang pinaniniwalaan niyang papel ko sa buhay niya. I was the first person who became his friend, yet I was also the one who betrayed him and hurt him where I know will hurt him the most.
If only telling lies would save people from their misery, I would lie a thousand times even to myself just to save them.
Lalong lalo na si Nanay. I visit her from time to time disguising myself as my brother. Ayoko na rin magulo ang mundo nilang parehas, kaya pinabayaan ko na lang na magpatuloy ang mundo ng ganoon. Isa pa, hindi rin naman tama na sa akin manggaling lalo na at hindi rin naman sinasabi ni tatay ang totoo sa kapatid ko. Pinagtuunan ko na lang ng pansin ang paggaling ni nanay at kahit naman pa paano ay bumabalik ang dati niyang sigla. She gets better through the years. She could smile again and to see that she's no longer crying eases the weight of the anchor I feel inside my heart.
Pero hindi niya kailanman hinanap si Travis.
Kung ang pagpapanggap ko bilang kapatid ko ay ang tanging pinanghahawakan niya para bumalik siya sa katinuan at maging maayos siya ulit, ayos lang. Ayos lang.
Huwag lang siyang manghina ulit...
Huwag lang niya ulit gawin iyon...
Akala ko kay nanay lang ako magtatago sa likuran ng ibang pangalan, pero hindi ko rin maiwasang magpanggap sa harapan ng babaeng mahal ko dahil ayokong samantalahin ang pagkakaibigan na nabuo sa aming dalawa ng ilang taon.
Hindi rin naman naging maganda ang buhay ni Monique noon. Sa murang edad hindi rin siya nabigyan ng normal na buhay kasama ng biological mother niya na minsang binubugaw siya para lang kumita ng pera, natigil lang iyon nang kunin siya ng biological father niya at nagfile ng custody para sa anak niya mula sa isang bayarang babae na naanakan niya. Kinuha man si Monique ng father niya mula sa biological mother niya, pero hindi rin naging masaya ang buhay niya kasama ng step mother at step sister niya. Hindi man siya inaalipusta sa bahay nila tulad ng nararanasan ng kapatid ko pero nandoon pa rin ang pakiramdam niya na neglected siya dahil lang sa kung saan siya nagmula.
The first time I met her was when she's visiting her mother in the hospital. We became friends since then, I became her confidant and she became someone special to me as day goes by. I love how she expresses her thoughts around me. Kahit pa ano iyon, sa school, sa bahay at sa buhay niya. Like me, she learns to lie about everything that could hurt her. She endures, just like me. I know exactly what she feels because I'm exactly where she is. I want to protect her with all I have. I want to pour my love for her unconditionally because she deserves it. I want her to know that whatever happens, she'll have me.
But then our little world changed when she met Laurenz who has the same background as her. She fell madly in love with him. I thought I was enough because I'm the one who is closest to her. Hindi ko naman pinaramdam na mag-isa siya, pero sa iba pa rin siya nakatingin. But seeing how happy she is with him, I'm good just by loving her from afar.
Yet, one day Laurenz cleared the misunderstanding regarding their relationship. They tried but it just didn't work out. Hindi iyon matanggap ni Monique na lahat ginawa na niya para makuha lang niya ulit ang loob ang binata. Nabulag siya at nabingi. Wala siyang ibang gusto kundi si Laurenz lang. Nasaktan ako para sa kanya nang aminin sa kanya ng binata na hindi niya kaya ibigay kay Monique ang hinihingi niya sa kanya. Kahit ano pa ang dahilan ng binata ay hindi ito kailanman natanggap ni Monique, dahil si Laurenz lang ang pinanghahawakan niya noon para hindi siya tuluyan bumigay sa mga nangyayari sa buhay niya.
Sometimes love can be hideous, Monique becomes she's not to the point that it almost destroys her. At first, I couldn't do anything to oppose her because I didn't want her to hate me. It pains me seeing how she's neglecting herself just to fill the void in her heart. Kaya kahit anong taboy niya sa akin noon, hindi ko siya magawang pabayaan dahil alam kong kailangan niya ng kakampi at ng taong maiintindihan sa kanya.
Sana ako na lang.
Ako na lang Monique.
You only have to look at me.
Everything in her world was falling apart and the last blow that she received was when she found out that her mother commits suicide. Nagkaroon siya ng nervous breakdown noon na halos nawalan na rin ng liwanag ang mga mata niya at piniling sumunod na lang sa biological mother niya dahil pakiramdam niya nag-iisa na lang siya at walang kakampi. I know I've had it and I stopped her making her believe that I was him. That's the first time I lied to her. To save her.
But why wasn't it enough for her to see through me?
The day finally came when I admitted her the feelings I've been hiding for years. I confessed, but still I wasn't allowed to cross that border. She left telling me that she had to find herself after everything that has happened to her and I promised her that I'll wait.
I'll wait for her.
Yet she didn't say a word after that.
My loyalty is with her. Only her. My heart wants to be with her.
But will she ever see me?
Pinupunasan ko ngayon si Maxene at nakitang naalimpungatan siya. May ilang butil pa rin ng luha sa mga mata niya. Kinamusta ko siya ng maayos pero tuluyan na siyang lumuha sa balikat ko. Her tears are heavy. She's putting up a facade when she's with different people.
She's different from Monique. Maxene has no close friends around her and was isolated her whole life because of her mother. She had Kenzo but then he left her. I can say that she's holding enough behind that face when people see her. Sanay na siyang ngumiti lang, kahit na sa loob niya unti-unti siyang nababasag. She has no one. I know exactly how that felt like.
"Bakit?" naiiyak niyang tanong at bahagyang tiningnan ako, "Bakit kulang pa ako?" tanong ng isang batang naliligaw sa kadiliman.
How can I answer that same question I'm asking myself all my life?
Niyakap ko lang siya dahil sa ngayon pagdamay lang ang kaya kong ibigay sa kanya ngunit bahagya niya akong tinulak at muling tiningnan ako sa mata. Hindi ko alam kung bakit pero sa mga mata niya, nakikita ko ang sarili ko. Ilang beses ko nang iniiwasan ang mga mata niyang iyon, pero may pwersang hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko magawang iwasan siya. Oo maganda si Maxene. Inamin ko rin naman sa kanya na attracted ako sa kanya.
I'm just a guy... I appreciate her beauty. But there's so much more than her pretty face.
For, like me she hides her wounded soul with a smiling face.
Like me, she was all alone.
Like me she's forcing herself to pretend that everything is okay until she can't carry the pain anymore.
I remember her face asking me, 'Lumalaban pa rin ako, pero hanggang kailan?' She's losing her light little by little. Looking at her eyes, I know to myself that I wanted to save her too. I want to do anything for her. I would help her get what she desires. If she wants to be free then I'll set her free.
Maybe this is me saving the people from their misery. Maybe this is me because unlike the child I was, I know I can do something to save people like Monique or Maxene.
I wasn't ready when she pulled me close and kissed me. She's crying as we share this kiss. I feel her sorrow and pain from this kiss as I kiss her tears away. I couldn't stop her from crying but I will wipe them all until she cries no more. I hear her heart screaming for help because she's drowning from her agony.
I can hear her very well. I will pull her out of that hell and I'll lessen the burden so she could breathe. If I can unload the weight in her heart through this kiss I would.
This is actually the second time we kissed, the first time was an experiment because she has this effect on me that I want to understand myself: That I want her for myself.
Want is different from love. I couldn't love her. I know I wouldn't. Ever.
She's running towards her Kenzo. I'm still waiting for my Monique.
Her kisses were needy and I responded.
Her kisses demanded comfort, I held her hand.
Her kisses are painful and sad-
"Ken..zo..." she called for him and I stopped, this has to stop for I will never be him.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top