Chapter 66 : Asymptomatic Catastrophe

M A X E N E

Humihinga man ang katawan ko, pero pakiramdam ko patay na ang kaluluwa ko.

It's true that my body survived my heart surgery.

Pero bakit pakiramdam ko, hindi pa nawala lahat ng sakit?

To be honest, it's never easy for me to cope up with the past few months. I had a series of episodes in my life that I hurt myself until I bleed.

Akala ko kapag sinugatan ko ang sarili ko, maililigaw ko yung sakit na iniinda ng puso ko, kaya lang kahit anong gawin ko, manhid na ang katawan ko sa bigat na dinadala ng puso ko.

My pain isn't physical but it surely hurts more than bleeding yourself out.

Siguro nga kung hindi ako nahuli ni Mom sa akto na sinusugatan ang sarili ko, baka na-ospital ako ulit. Naalala ko pang mahigpit niya akong yakap-yakap noon at ilang beses siyang humihingi sa akin ng tawad habang naluha siya sa balikat ko, pero tila nabibingi na ako sa paligid ko. Sadyang nag-malfunction ang five senses ng katawan ko.

My parents have me meet a psychiatrist to help me cope with my depression. The problem with depression is, it's not a physical wound that you could just cover using a band aid, it's an invisible wound that is inside your mind, your heart and your soul. My doctor prescribed me some antidepressants that I could take to calm me down from time to time.

Naka-ilang sessions din ako sa psychiatrist ko bago niya masabi na, kahit papaano ay umaayos na ang kalagayan ko. Minsan, nakikita ko sila Mom and Dad na kinakausap ng psychiatrist sa tuwing naiiwan ako sa isang kwarto kung saan pwede ako magsulat o mag drawing ng kung anu-ano dahil sabi ng doktor ko, kailangan ko daw ilabas ang saloobin ko sa paraang malaya akong gawin.

Nakakatulong rin ang consistent na pag-alalay sa akin ng mga tao sa paligid ko, magmula sa loob ng bahay hanggang sa pangungulit sa akin ng mga malalapit kong kaibigan.

"Maganda ito bestie ah, abstract." Nakangiting puri sa akin ni Sarah. Hindi ko alam kung binobola niya lang ako dahil kung titingnan yung gawa ko sa gawa niya, hindi naman mas may matinong imahe ang nasa canvas niya. Isa itong larawan ng isang malaking puno na katabi ng isang puting bangko at napapaligiran ito ng mga dilaw na bulaklak at damo. Buhay na buhay ang kulay ng painting niya, kaaya-aya sa mata, hindi katulad ng sa akin.

Naging habit na ni Sarah ang dumalaw sa mansyon, dapat pa nga ay kasama daw si Martin ngayon, kaya lang busy daw siya sa school. Hindi pa ulit ako nakakabalik ng condo, basta ayaw nila Mom at Dad na mapag-isa ako, lalo na ngayon.

I chuckled, "Sige nga, ano naman ang nakikita mo? Eh ang gulo-gulo ng gawa ko kaysa sa gawa mo." Lait ko sa sarili kong gawa.

Muli niyang sinuri ang larawan na nasa canvas ko. "Hmm, para siyang asul na bulaklak na natunaw." She paused, "Though hindi ko alam kung anong bulaklak kasi naka-smudge, pero maganda naman ang effect ng painting." Siniko niya ako ng nakangiti. "Portrait ba ito o landscape?" Tanong niya sa akin.

[A/N: Credits to the owner of this painting]

Muli kong tiningnan ang gawa ko, "Sa totoo lang, hindi ko alam." I shake my head and shrugged, "I don't even know what I'm doing, basta mapunuan ko lang yung laman ng canvas."

"Well, either way, maganda siya." Sarah said with a genuine smile, "Parang kahit sa anong angulo mo tingnan ang painting na ito, makikita mo kung ano ang totoong anyo niya."

My mind went blank as I looked at the picture once again. Maybe this is the effect of having an outlet for you to pour everything that you feel inside.

Maybe painting works, kasi sa totoo lang nawalan ako ng gana magsulat ng tula. Those were just made up words anyway.

I'm trying my best to be sane everyday, but I don't even know where I left myself, after what has happened to me. I just have this defense mechanism of shutting myself to the world.

Pakiramdam ko, hindi ako sapat.

Pakiramdam ko, mag-isa lang ako.

Pakiramdam ko, miski ang sarili ko, hindi ko na kilala.

Siguro ito yung ako, na napagod na rin unawain ang sarili ko.

Bakit kasi ang tigas ng ulo ko? Ilang beses pa ba ako dapat masaktan para lang matauhan ako? Alam ko namang sa huli, ako pa rin ang talo. Bakit kasi umasa ako? Bakit ba ang malas ko?

Bakit ba mahirap maging masaya?

"Aba, tulala ka na naman diyan." Ngayon si Kenzo naman ang kasama ko. Hindi ko na alam kung ilang araw na ang nakalipas, ni hindi ko na nga pinapansin kung anong petsa na. Basta sa barkada, madalas sila Kenzo, Sarah, Martin at Stephanie ang nakakasama ko.

Laking pasasalamat ko na lang talaga at kahit pa paano, nandiyan sila para sa akin at pinapayagan ako ng parents ko na makipagkita o dalawin nila ako sa bahay paminsan minsan.

Nakangiting inabutan ako ni Kenzo ng ice cream. Naka-tambay kami sa may seaside at kakatapos lang din naming mag-bike kanina sa park.

"Ang ganda ng sunset oh." I answered diverting his attention.

"Are you okay?" He asks with a sincere tone. Gusto ko mang magsinungaling, pero mahirap magpanggap sa taong mas kilala ka, kaysa sa kilala mo ang sarili mo.

"Little by little." I answered looking at him through my shoulder. "I'll get there, don't worry about me, Ken." I smiled.

"Alam mo namang nandito lang ako para sa iyo, Maxie, kahit ano pa man iyan, makikinig ako." He reminded me for the nth time.

"You really don't need to remind me that all the time." Hindi ko na nabilang kung ilang beses kong narinig ang mga salita na iyon, hindi lang sa kanya, kundi sa kanila.

"I can manage, ang kulit niyo rin eh, ano?" Natatawang sambit ko na dahilan para kumunot ang noo niya, "Are you guys talking behind my back?" He looks at me confused and amused by my reaction as I dismissed him, "No need to worry too much about me Ken."

He avoids my gaze with an awkward smile. "We're your friends, so it's perfectly normal for us to worry about you."

I sigh, "I know."

"Sadyang iba-iba lang tayo ng bigat na dinadala-dala sa buhay, ikaw, si Sarah, si Stephanie, si Martin, Ako..." He paused, "Pero nasa sa atin kung pababayaan natin ang sarili nating malunod sa karimlan o ang umahon mula sa pagkakabagsak natin."

"I wanted to." I say almost in a whisper, "I'm trying Ken."

"But you're not even talking about the problem Maxie," mahinahong sambit niya, "Sinosolo mo ang lahat."

Good point, eh hindi ko naman alam kung may makakaintindi ng nararamdaman ko. Let's just say that we all did felt a loss at some point in our lives, but their loss isn't like my loss.

I lost my child and That literally felt like a part of my soul just died.

"Gusto ko na lang kalimutan." I answered as if I'm humoring myself. "Lesson learned."

"But how about T-"

"That's just a phase." I cut him before I could hear his name. "Sadyang naging rebound lang namin ang isa't-isa." I scoffed, laughing at myself, "Kung hindi rin naman dahil sa arrangement, hindi mag krukrus ang landas namin." I hit his shoulder and puffed my face, "Ikaw kasi, iniwan mo ako." I try to humor the situation.

He shakes his head with a soft smile on his face.

"Bakit, kung liligawan ba kita ulit, may chance pa ba ako?" Pilyo niyang banat na dahilan kung bakit napaiwas ako ng tingin at palaro ko siyang hinampas.

"Joke lang yung huli kong sinabi. Acceptable naman ang rason mo kung bakit mo ako iniwan dati, so move on na lang." I tell him while eating my ice cream. Nagulat na lang ako nang punasan niya gamit ng hinlalaki niya yung ice cream na nasa pisngi ko.

"Para kang bata kung kumain, Maxie." Natatawang sambit niya.

I gulped as sudden memories played in my mind.

"I'll just wipe myself. Thank you." I gulped, erasing that image from my head.

"I'm sorry." His voice is modest.

"Wala yun, sus." I dismissed him. Forget it Maxene.

Nagkaroon ng panandaliang katahimikan sa pagitan naming dalawa at nang maubos na namin ang ice cream namin, isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya at pinabayaan ko lang na akbayan niya ako.

"Hindi kita pipilitin Maxie, alam ko naman na hindi ito madali para sa iyo," his thumb rubs my shoulder, comforting me.

"Life might beat you up many times until you hit rock bottom," he pauses, "But remember this," he adjusted himself a little to meet my gaze, "Always choose to get back up, and try again Maxie."

I choose to smile, I convince myself to smile because I wouldn't want to cry again. I've had enough.

"Pick up the pieces and rebuild yourself." he says with a friendly smile, "The thing about life is learning from every experience that comes in your way. Sa buhay, magkakamali at magkakamali ka, at walang masama doon, dahil doon ka matututo. Besides, your downfall doesn't define your weakness, but only harness your strength."

Hindi ko alam kung bakit tuluyan na akong napaluha sa sinabi ni Kenzo sa akin.

He wipes my tears away as I let out an awkward laugh, "Ikaw, ha bumabanat ka na ng ganyan." I teased him, "Saan mo naman nakuha yang quote na iyan?"

"From your encouraging letters." He uttered.

"You still have them?" I asked, I couldn't hide my amusement as I heard him chuckled.

He tilt his head beside, "Iyon ang bukod tanging kayamanan ko noong walang-wala ako. At ikaw ang inspirasyon kong magpatuloy sa buhay." Light sparks in his eyes with a small smile.

I don't know why I felt a sudden guilt in front of him, I shake my head, "Ken, I-"

"I still love you." he admitted, "Pero alam kong hindi ka pa handa, kaya maghihintay ako Maxie, kahit gaano pa katagal, hihintayin kita, hanggang sa maghilom na ang mga sugat mo." He paused, "Sa ngayon, pabayaan mo lang ako na alagaan ka, kahit bilang kaibigan mo. Hinding hindi kita pababayaan Maxene."

Napayakap ako sa kanya dahil ayokong makita niyang naiyak na naman ako, agad din naman niya akong sinuklian ng isang mahigpit at mainit na yakap na para ba niya akong pinoprotektahan sa mga mananakit sa paligid ko.

Kenzo is just full of light and inspiration, he's always been my guide every time I lose my way. He just knows what to say for me to keep me going, and learning from him, life isn't much of a friendly fellow.

Natutuwa ako na hanggang ngayon, hindi pa rin nagbabago si Kenzo, kung sino siya dati, ganoon pa rin siya ngayon.

Alam kong may lugar pa rin siya sa puso ko, hindi naman talaga siya nawala, aaminin ko na lang iyon sa sarili ko.

I could never unlove him, what's not to love about Kenzo Mihara, he's a diamond in the rough.

But I know he deserves better.

Kahit hindi ko sabihin sa kanya, alam naman niya eh.

Masakit pa rin.

I gently let go of him.

"What if I'm not the same person whom you fell in love with?" my voice is insecure, "I'm sure you'll be disappointed."

He says nothing but plants a kiss on my knuckles meeting my eyes again.

"Ang Maxene noon at ang Maxene ngayon, ay iisang tao lang. You're still that same girl whom I loved three years ago... mula noon, hanggang ngayon, ikaw pa rin ang laman nito." Inilapat niya ang palad niya sa dibdib niya.

"There's always someone better than me." I told him and forced myself to put up a smile in front of him. "I know, you deserve better."

"But all I want is you. Maxie, you are enough for me." Ikinulong niya ang mukha ko sa mga kamay niya.

"Dearest dandelion, I promised you, I'd stay, for us to be reunited someday." He just recited the poem I made for him from way back.

I look into his eyes and see only me.

If I was that same girl, I'd probably be blushing in front of this kind hearted guy. If I was that same girl, I'd probably embrace him because he just gave me butterflies that flutters in my heart. However, I am not that same girl anymore. I don't know how to give a proper reaction from what he just said.

Marahan niya akong binitawan at nginitian, "Maghihintay ako, kahit pa gaano katagal. Mahal pa rin kita Maxie."

If only time machines were real, I know that I will choose him.

I will choose Kenzo this time... I want to love Kenzo all over again.

Pero alam ko na hindi pa ito ang tamang oras para bigyan ko siya ng sagot. Dahil sa pagkakataong ito, gusto ko muna sana maghilom ang sugat na iniwan niya sa akin.

Mahirap magmahal ng hindi ka pa buo.

My phone suddenly rings and upon checking, I see Stephanie's number on the caller ID.

"I'm sorry." I told Kenzo and see him shaking his head with a smile. I answered the call.

"Avail ka girlfriend?" Tanong niya sa kabilang linya.

"Oo, kasama ko rin si Ken ngayon."

"Good, dalhin mo siya dito, itetext namin sa iyo kung saan at magbobonding tayo." Utos ni Stephanie na agad ring ibinaba ang tawag at agad din akong naka-receive ng text mula kay Martin.

Napatawa ako, magkakasama ang mga 'to.

"Tara, bonding daw, sabi ni Stephanie." Pagyaya ko kay Kenzo at hindi naman siyang nagdalawang isip na sumama sa akin. May kotse na naman ako at driver kaya hindi na hassle ang bumiyahe.

Natuwa ako nang makita sila na nasa food court at dali-dali akong niyakap ni Sarah, Martin at Stephanie na para bang matagal na nila ako hindi nakita. I'm just happy that they always want me to tag along with them.

"Kumain na kayo?" Tanong ni Martin sa amin.

"Hindi pa." Sagot ni Kenzo sa kanila.

Tiningnan naman ako ni Stephanie ng nakakaloko at siniko, "Muling ibalik, na ba ito?"

"Siraulo ka talaga Ms. David." Kenzo repramaids her by shaking his head.

"Aba, bakit naman hindi, di'ba? There's nothing wrong, parehas na naman kayong single." Intriga ni Stephanie kay Kenzo na dahilan kung bakit siya napakamot sa ulo niya.

"Nasaan sila Alex at Kathleen?" Tanong ko sa kanila, para na rin maiiwas ang panunukso nila kay Ken, "Si Abby?"

"Si Kathleen at Alex, mga busy." Agad na sagot ni Stephanie. "Si Abby naman-" Nilingon niya si Martin na para bang naghihintay ng sagot mula sa kaibigan.

"Huwag na lang hanapin ang wala." Matipid na sagot ni Martin. Mukhang may tampuhan na naman sila.

"Mukhang on the rocks ang barkada ah?" Kenzo teased them and Martin just shrugs it off.

"Sorry at kami lang." Nahihiyang paliwanag sa akin ni Sarah at nag-peace sign.

"Ano ka ba, okay lang naman. Nakatambay lang naman din kami ni Ken kanina, buti nga at niyaya niyo kami." I tell her and I just have to ask because I seldom see Laurenz tagging around with them whenever I'm around, "Si Laurenz, nasaan?"

"May klase pa." Tanging sagot sa akin ni Sarah at tumingin na rin kaagad kay Stephanie.

"Shall we commence the day?" Pagyaya ni Stephanie, "Operation walwal!" She lifts her fist on the air as if she's boosting our morale.

Natatawa akong tiningnan siya. "Anong walwal, grabe ah?" Something is different around her jolly aura.

"Ano ka ba Max, foodtrip, then konting laro sa arcade, tapos karaoke lang naman." Sagot ni Stephanie sa akin.

I smiled, shrugging at them as I let them lead the way. Game naman ako eh basta kasama sila, at hindi naman ako binigo ng expectations ko.

Saglit lang kami gumala sa mall, nag food trip, naglaro sa arcade at ang last stop namin ay ang mag karaoke.

Nagawa rin naman sumunod nila Alex at Kathleen sa gala ng barkada, kahit pa sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, parang iwas si Kathleen kay Stephanie, akala ko pa ay may alitan sila, pero sabi naman ni Martin, ay talagang tahimik lang si Kathleen na kabaligtaran naman ni Stephanie.

At dahil minalas malas kami at walang slots sa karaoke booth na nasa mall, nag-suggest si Alex na lumipat na lang kami ng lugar. Dahil sa may sasakyan naman, kaya pumayag na ang kalahatan at nakahanap din KTV bar.

Nagrent kami ng isang kwarto. May semicircle na sofa na nakaharap sa malaking screen. Nag-order na rin sila Stephanie at Martin ng makakain at si Alex naman ang nagyayang magkaroon ng konting inuman na siyang pagsang-ayon ng nakararami.

Wala rin namang kaso. Hindi na naman ako buntis, so pwede na ulit ako uminom. Nakakamiss din uminom at magpakalasing, buti nga at may mga karamay akong kaibigan ngayon.

Magkakatabi kaming tatlo nila Sarah at Kenzo, si Martin naman ay katabi ni Stephanie, sila Alex at Kathleen naman ang magkatabi.

Nagkaraoke kami hanggang sa maubos ang mga boses namin, halatang may mga tama na kami dahil nga sa kung anu-ano na lang ang pinipindot sa karaoke machine.

Sila Martin at Sarah ang halos kumanta, minsan nakikisali ako at si Stephanie.

"Hindi ka pa nakakapili ng kanta Kathleen." I tell her with a friendly smile giving her the song book.

"Heto kinuha ko sa mga gahaman na kanina pa nagwawala," I'm pertaining to the others. I just want her to loosen up a bit.

"Pumili ka na." I tell her and see her looking at Alex who is laughing at Stephanie who is singing the wrong lyrics.

Stephanie is being silly as always.

Kinuha sa akin ni Kathleen yung song book at pumili ng isang kanta.

Nang kanta na niya ang tumugtog, natahimik ang lahat at nakining sa kanya.

She started to sing Maybe by King.

[There I was waiting for a chance, hoping that you'll understand the things I want to say
Why don't you try to open up your heart
I won't take so much of your time]

The message of the song just saddens me. It felt like she's asking for that someone to open up his doors for her. Kaya lang yung taong iyon, may ibang minamahal.

[Maybe it's wrong to say please love me too
'Cause I know you never do, somebody else is waitin' there inside for you.
Maybe it's wrong to love you more each day 'cause I know she's here to stay
But my love is strong. I don't know if this is wrong, but I know to whom you should belong.]

Parang nagkaroon na naman ng tinik sa dibdib ko nang mairaos niya yung chorus. Bakit ba may mga kantang ramdam mo yung lyrics?

Natapos ni Kathleen yung kanta at nakita kong pinalakpakan siya ni Stephanie na nakangiti kahit lasing na siya.

"Mamahalin ka rin ng taong iyon." Nakangiting sambit niya at nag-thumbs up, "Tiwala lang Kath."

Nakita ko kung paano umiwas ng tingin si Kathleen kay Stephanie pero wala lang naman iyon kay Stephanie dahil sa sumalang na kaagad yung kanta nila ni Sarah.

Across the room, I noticed Kathleen looking at Alex while he was looking at her singing beside her best friend.

Nang matapos ang bonding ng lahat, sinundo ni Laurenz si Sarah na ngayon ay hindi makapaglakad ng maayos. Nagkayayaan muna magkape sa Starbucks para kahit papaano ay mahimasmasan kaagad yung mga sumobra ng inom, pero ayaw ni Stephanie magkape dahil gusto na lang daw niya itulog ang pagkalasing niya. Gusto man siya kontrahin ni Alex, pero pinabayaan na lang niya ang babae na matulog sa sasakyan niya. Sa aming lahat, si Stephanie yung pinaka na lasing ngayong gabing ito. Operation walwal nga sa kanya.

"Ihahatid ko na lang si Teppy pauwi." Paalala ni Alex sa amin.

"Eh dude, si Kath?" Tanong ni Martin sa kanya.

"Ayos lang, out of way naman ako." Tanging sagot ni Kathleen sa tanong ni Martin.

"Sumabay ka na lang din sa akin Kathy." Pakiusap sa kanya ni Alex, "May sasakyan naman."

Umiwas si Kathleen ng tingin pero agad din niyang tinanguhan si Alex. Since hati ang grupo, nag-volunteer akong ihatid sila Kenzo, Sarah, Laurenz at Martin, pero tinanggihan ako ni Martin dahil sasama daw muna siya kina Alex, pinabayaan ko na lang dahil nga mukhang may problema na hindi rin nila maikwento sa akin.

On the rocks nga ata ang barkada.

Inihatid ko ang tatlo kong kaibigan sa pinakamalapit na train station at nagpasalamat ako sa pagsama nila sa akin sa araw na ito kahit pa may kanya-kanya silang schedules.

Niyakap ko sila Ken at Sarah dahil hindi naman hugger si Laurenz, sinusungitan pa rin niya ako minsan kahit na hindi naman na dapat. Nasanay na lang ako na ganoon siya, ika nga ni Sarah, si Laurenz lang ang pinaka moody na lalaki sa samahan nila.

Umuwi na rin ako sa mansion pagkatapos, wala rin naman ako nadatnan na sumalubong sa akin sa bahay kaya dumerecho na lang ako sa kwarto ko at nagpahinga.

Kinabukasan ay sumabay ako kina Mom mag-agahan. Kaming tatlo lang, ulit. Si Dad hindi ko minsan naaabutan sa agahan, sobrang bihira rin siyang umuwi ng maaga sa bahay, parati siyang may ka-meeting na importanteng kliyente. Pero mas ayos na at hindi na siya lalabas ng bansa, na dito na lang siya sa bansa magtatrabaho.

"Good morning Maxene." nakangiting bati ni Mom sa akin, kahit pa labag sa kalooban ko ay nginitian ko na lang siya. Hinainan niya ang plato ko at sinalinan ako ng juice.

I know she's trying her best to make it up with me yet I know in my heart that I couldn't forgive her after she decides to disown my unborn child like it was some sort of bad omen that I gave to my life.

Ang gusto ko lang naman ay mabigyan ng maayos na libingan ang anak ko, pero hindi niya iyon ginawa, buti pa ang mga alaga kong aso na namatay, alam ko kung saan nakalibing, pero yung anak ko, ni hindi ko alam kung saan na siya napunta matapos ako magkaroon ng miscarriage.

Gusto ko panatilihin ang respeto ko kay Mommy, dahil iyon na rin ang paulit-ulit na paalala sa akin nila Kenzo, Sarah at Tita Mary; na mommy ni Sarah.

Buti pa si Tita Mary naiintindihan ako, kung pwede lang pumili ng mommy, mas gugustuhin ko na lang na maging mommy din si Tita Mary.

"Do you like something else?" tanong ni Mom, mukhang napansin niya na hindi ko ginagalaw yung inihain niya sa akin.

"It's fine." matipid kong sagot at sumubo ng pancakes.

Lumapit si Joanne at may binulong kay Mom. I noticed how her cheeks turned pale as she excused herself from our table.

"Mom is really making up with you, Ate." Maxwell reminded me, "Sana naman makita mo iyon."

"Kuya-" Beatrix reprimanded him.

"Our parents are not perfect, but they surely love us." Muling banat sa akin ni Maxwell.

"Iba ang pagmamahal, sa pangingialam." I muttered and surprised when he stood up looking at me as if I offended him.

"Mahal ka ni Dad, lalo na ni Mom, lahat ginagawa nila para bumawi sa iyo. Huwag kang selfish Ate." he says with pain in his eyes.

Gusto ko mang bumawi sa sinabi ni Maxwell sa akin, pero ito ang unang beses na nakita ko kung paano siya naapektuhan sa krisis na nangyayari sa pamilya namin. He walks out and I see Beatrix holding up a smile for me.

"Masyado na ba akong selfish?" I asked with my voice insecure.

She shakes her head, "Ate, every one of us are in pain. But this is not the right time for us to fall apart. We're a family, at the end of the day, all we have is each other." She said as she held my hand. "I'm sorry that you're in pain, but it affects us too. We don't want you to carry this burden alone, kaya sana pabayaan mong mahalin at protektahan ka namin."

I cried a tear as she embraced me.

I will try.

After breakfast, I decided to humble myself and apologize to Mom. I know she's in her study so I'll just knock on her door, yet for some reason I felt that someone is with her after I hear an unfamiliar voice calling my mother's name.

"How are you Miranda?" I'm not sure how that simple greeting makes me feel uncomfortable.

Inilapat ko ang tenga ko sa may pintuan para mas marinig ko pa kung ano ang pinag uusapan nila.

"Franco." Bati ni Mom sa lalaki, that name is familiar. "What are you doing here?" My mom's voice is solid, distant and firm.

"Am I not allowed to visit an old friend?"

"Pero sabi ni Benjamin, pupuntahan ka daw niya ngayon, hindi ba dapat magkikita kayo?" tanong ni Mom sa lalaki.

"True, but I want to have a little fun with him."

What does that suppose to mean?

"Nagustuhan mo ba ang mga niregalo ko sa iyo?" muling tanong nung lalaki kay Mom. "I'm sure after you knew what happened with you eighteen years ago, you'll despise Benjamin, pero mukhang nagbago ka na Miranda. Hindi mo ba kinamumuhian ang lalaking gumahasa sa iyo?"

"Kasal pa rin kami ni Ben." mariin na sagot ni Mom, "Nagkamali siya, oo, nasaktan ako, oo, pero unti-unti pinapatawad ko siya, para sa mga anak namin."

The guy chuckled, "Hindi mo naman minahal si Ben, hindi ba?" He paused, "Come on Miranda, you always say that you don't need to love the person, you just have to make it look real, sayang nga lang at hindi na natuloy ang pag-aartista mo, pati nga mga anak mo napaniwala mo sa naging set-up ninyo ng asawa mo."

I couldn't help crying from what I just heard.

I couldn't help but bite my lip. So tama nga ako, hindi minahal ni Mom si Dad? Na isang kasinungalingan lang ang pinapaniwalaan naming magkakapatid? Na dahil sa akin...

Natahimik panandalian ang paligid at nakarinig ako ng malakas na sampal mula sa loob ng study. "I'm not going to allow you to insult my husband inside my home, Franco. You better leave, now."

The guy chuckled. "Oo nga pala, sinabi na ba ni Ben sa iyo na, sa akin na ang negosyo niya sa ibang bansa?"

"That's impossible..." Mom's voice is filled with disbelief.

"Well, I gotta hand it to him, lahat nga talaga gagawin niya para sa pamilya niya." He says with pride. "Kaya lang, hindi pa iyon sapat."

"What are you saying, Franco?" Mom's voice starts to break down.

Before I could hear what that person is about to tell mom, a familiar hand lands on my shoulder as he faces me. "Maxene..." Dad's voice filled with uncertainty.

"Dad." I uttered and hugged him. I'm just lost for words at the moment.

"Go to your room, now." He says keeping himself together.

"But Dad." I look at him and see him smiling at me.

"Go on, please princess." Pakiusap sa akin ni Dad at sinunod ko na lang iyon at nakitang pumasok siya sa loob ng study.

Hindi ko alam kung ilang oras na ang nakalipas pero narinig ko na lang na may sasakyan na umalis mula sa mansion. Nakaalis na ata yung Franco.

Nakita kong nakabukas ang study ni Mom at narinig kong umiiyak siya sa harapan ni Dad. "Ben, please explain why..."

"I'm sorry, I have to." Nakikita kong naluha si Dad sa harapan ni Mom, "Miranda, alam mo naman ang sinasabing utang ni Franco, pera lang naman iyon..."

"Pero Benjamin..." Mom's voice falters.

"Kung kailangan ko pagbayaran ang kasalanan ko, kahit ako na lang, gagawin ko para sa inyo." nakita kong niyakap ni Mom si Dad ng mahigpit, "I'm so sorry Miranda. Hindi ko naman inaasahan na pati ikaw ay iipitin niya ng ganito, akala ko sapat na yung ginagawa ko para sa kanya..."

I need answers. I opened the door and saw both of them startled from my presence. "Dad, Mom, what is going on?".

"Maxene," Mom wipes her tears away, "Mag-uusap lang kami ng Dad mo, please go to your room."

"I'm eighteen Mom, please, I want to know what's going on." If this is about my family, then I should know what's going on.

"Who's the guy earlier, what does he want?" I look at them and see Mom looking at Dad with worry in her eyes.

"Maxene you don't have to worry-"

"Don't lie to me Dad, please." I know what he's about to do and I won't let him. "I want to understand. Please..."

Mahigpit na hinawakan ni Mom ang kamay ni Dad at hinarap nila ako. Ipinaliwanag nila Mom at Dad sa paraang maiintindihan ko ang nangyayari sa kasalukuyan namin.

Nalulugi na ang negosyo ni dad sa ibang bansa, kaya nagawang ibenta ni Dad ang shares niya overseas, na siya ring dahilan kung bakit hindi na siya mag-aabroad ulit. Samantalang si Mommy naman, mas tinanggap na lang niya na ma-demote siya sa trabaho kaysa sa tuluyang mawala ang lahat ng pinaghirapan niya dahil hindi niya inaasahan na yung dahilan kung bakit nalugi ang negosyo ni Dad at ang pagkakasabotahe sa kumpanya ni Mom ay dahil sa isang tao lang. Yung bisita ni Mom kanina, si Franco.

I somewhat understand my Mom's resolve to save what we have. That's why she keeps insisting that I should be arranged with someone who belongs in a prestigious family. Hindi para iahon ang pangalan at reputasyon namin, kundi para makawala sa tanikala na itinali ni Franco sa pamilya ko.

I suddenly remembered what Mom told me before, 'Be a role model to your siblings.'

And there comes Trix's voice from earlier, 'We're family'.

My heart is broken for them, seeing them in defeat.

Dad is disappointed in himself. He was supposed to be the foundation of the family, but he was weak not to notice that the good deed from a friend could turn out to be corrupted, especially when money is involved and manipulated. As for Mom, she didn't expect that a friend would black mail her just because he wasn't able to get what he wanted from her in the first place.

As far as how I understand it, matindi ang nabuong galit ni Franco kay Dad dahil imbis na sa kanya na ikasal si Mom, hindi iyon natuloy dahil lang sa naging scandal na pilit itinatago ni Mom noong kasing edad ko lang siya. Naging kasiraan ni Mom dati na machismis na disgrasyada at malandi siyang babae. Because of that disgrace, Mom turned down Franco's proposal after she realized that she's pregnant. Mom doesn't want to marry someone out of convenience, that's how prideful she is, not until Dad pursues her even if it took years for her to accept him.

Pero hindi rin naman nagtagal at nalaman ni Franco na si Dad ang totoong dahilan kung bakit tinanggihan ni Mom ang dating manliligaw. Nang makuha ni Franco ang lahat ng impormasyon tungkol sa sikreto ni Dad, ipinadala niya iyon kay Mom at inasahan na iiwan ni Mom si Dad, pero hindi iyon natuloy.

Oo, nung una masakit malaman ang katotohanan, hindi rin naman madali para kay Mom ang nangyari sa kanya noon, however the sin doesn't make a person, it's how the person resolve to redeem himself from that sin.

But then I'm scared of the worst that could happen if he decides to speak ill of my family's name, lalo na at napakamaimpluwensya niyang tao. Mahirap kalaban ang tao na may posisyon sa gobyerno, lalo na at halos siya na ang humahawak sa negosyo nila Mom at Dad.

"Is there any way to save what we have?" I asked my parents as they looked at me with uncertainty. "I don't want you to carry this problem alone, I want to help in any way I can, Mom, Dad." I uttered looking into their eyes as I thought of my siblings.

As much as possible, Mom and Dad don't want to involve me anymore with the family's issue, especially knowing that I've suffered enough the past months after I was arranged. But things are different now.

Matapos kong marinig ang lahat ng problemang itinatago ng mga magulang ko sa aming magkakapatid, biglang umecho ang sinabi ni Maxwell sa akin kanina. 'Ginagawa nila ang lahat para bumawi sa iyo, huwag ka namang selfish Ate.'

This time, I have to take a stand for my family. I have to do what's best for my family, even if I have to set aside what I'm fighting for in the first place.

THE NEXT MORNING, my parents and I arrived in a familiar hotel.

Solaire. It means sun in French.

This is unlike the first time when I am walking behind my Mom meeting one of her prospects for me; this time I am walking side by side with my parents wearing my best behavior.

Nag-aalangan pa si Mom na ituloy ang arrangement na ito dahil iniisip niya ang pwedeng maging epekto nito sa akin, pero sa pagkakataong ito, sila ni Dad ang iniisip ko, pati ang mga kapatid ko. Kung ito lang ang kabayaran na hinihingi ni Franco para tigilan niya ang mga pamilya ko, I'll do whatever it takes.

Dumerecho kami sa isang private dining area at nagulat ako sa isang pamilyar na tao na pumukaw ng atensyon ko. They're both wearing a formal suit as our parents casually greeted one another.

He gave me a friendly smile as he introduced himself to my parents and without further ado, he introduced his father to me. "Maxene, I would like you to meet my father, Senator Franco Étienne Valentine."

"It's so lovely to finally meet you." The Senator said with a smile.

Up close I didn't expect that I would be looking at the old version of him. He definitely looks like his father, they have the same nose, jawline and lips, but his father's hair is a little curlier than this friend of mine.

"Hello rin po Senator, nice to meet you." humble kong bati sa kanya na siyang ikinatuwa niya at sabay bati ko sa binatang katabi ng matipunong ginoo. "It's been a while, Pierre. How's everything?" I asked with a friendly smile.

"All's well ends well, Maxene." He answered with a ghost smile on his face.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top