Chapter 65 : The Etiquette of Resignation
T R A V I S
Bumalik lang din ako sa dati.
Tinatapos ko lang ang mga huling araw sa school bago magkaroon ng sembreak. Siguro pagkatapos nito, hindi na muna ako magpapakita kahit kanino.
Uuwi na lang muna ako sa bahay.
Matagal tagal na rin akong hindi nakakabalik doon sa bahay. I'm sure naman wala doon si Papa, doon na lang muna ako magpapalipas ng oras ng hindi nagpaparamdam kahit kanino.
"Hey, dude." Bati sa akin nila Joshua at inakbayan ako, "Nagpalit ka ba ng number at hindi ka namin matawagan?"
Pilit ko silang nginitian, "Nawawala kasi yung cellphone ko," I lied, "Kamusta na ba kayo?"
"Akala naman namin, nagpapamiss ka na naman." Kumento ni Gerard.
"Maxene time?" Pilyong tanong sa akin ni Pierre.
My throat went dry and my mind couldn't function properly after I heard her name.
"Dude, ayos ka lang ba?" Tanong sa akin ni Gerard, "Bigla kang nag-zone out. May problema ba?"
"Ah, wala naman." I let out a chuckle as I noticed Pierre putting up a smug smile. "So, saan kayo magbabakasyon this sembreak?" I just have to divert their attention somewhere before they could ask more about Maxene.
"Kamusta na pala si Maxene?" Muling tanong ni Pierre. "Matagal-tagal na rin namin siyang hindi nakikitang kasama mo."
Para akong natatanga sa tuwing naririnig ko ang pangalan niya.
"She's okay." I say humbly with a small smile as I carry myself.
"Nagkikita pa ba kayo?" Muling tanong ni Pierre sa akin.
"Oo naman, lagi kaming nagkikita." I answered casually. The irony of that question pinches my heart in an instant.
I know I'm being a hypocrite, Max and I broke up. Probably it's my ego and pride talking, dahil hindi ko matanggap na ako ang iniwan.
Hindi na nagtanong si Pierre at malawak na ngumiti sa harapan ko.
"Anyway, ano ba ang ganap?" Pag-iiba ko ng topic, "May plano ba kayo? Libre ako ngayon."
"Seryoso yan? Sa wakas makukumpleto tayo ulit." Bakas sa mukha ni Joshua ang pagkasabik, "Ano na P, libre si Travis."
"So I heard." Amusement is obvious in his voice. "At last you made yourself available for your friends."
Nginitian ko lang siya.
"Ikaw Ge, sasama ka ba?" Tanong ni Joshua na nakangisi kay Gerard.
"Try ko humabol, alam niyo naman na minamanage ko rin yung bar." Nahihiyang sagot niya at napatingin sa gawi ko na may lungkot sa mga mata niya.
"Humabol ka bro, hindi puro Edielyn, buti pa si Travis, nabawi na sa grupo, dapat ikaw din." Tukso ni Joshua kay Gerard.
"Hahabol ako. Don't worry." Tanging paalam ni Gerard sa amin.
Nagpatuloy lang ang araw ko na kasama sila Pierre at Joshua.
As usual, kabilaan ang babae nila. May umaaligid man sa akin dahil sa kulit ni Joshua na ibugaw yung ibang babae sa akin pero kinakausap ko lang sila ng normal lang.
Para akong naka-autopilot sa paligid ko. I'm just going with the flow, tulad ng dati.
Nakasunod naman si Gerard pero saktong natapos din agad ang so-called get together ng grupo.
Akala ko tapos na, pero biglang nagkayayaan pumunta sa dati naming tambayan noong high school.
Mukhang nagpatawag na naman ata ng meeting itong si Pierre sa fraternity. Miski sa ibang school may koneksyon siya.
"Mabuti naman at lahat tayo ay nandito." Sambit niya sa samahan. "Nandito tayo dahil magkakaroon ulit tayo ng initiation."
"Alam niyo naman na yung naging routine." Joshua seconded holding a strong authority among the brotherhood.
May ilang bagong salta na naka-blindfold, hindi man ako dumaan sa physical initiation dahil na rin sa kapit ko sa apat kong mga kasama, pero hindi talaga ako pabor sa hazing.
"Reminds me of the old days." Nakangiting sambit sa akin ni Pierre. "Shall we check on the recruits?"
I force out a smile, "After you."
Bago naman sila siguro sumali ang mga ito, alam na nila kung ano ang dapat nilang asahan. Maayos naman ang iilan sa kanila, pero may iba rin na parang hindi makakayanan ang physical initiation na mangyayari. Sa hanay ng mga bagong salta, nakasunod lang kami ni Gerard sa likuran nila Pierre at Joshua.
"Teka, tapos na sa initiation ang mga ito, hindi ba?" Pierre asked tilting his head beside hiding his amusement, "Ang alam ko, isa lang ang isasalang ngayon." Tiningnan niya si Joshua at tinapik sa balikat.
Joshua turned his back looking at my direction with a serious face.
Yung mga nasa hanay kanina ay isa-isang inalis ang blindfold nila at humarap sa direksyon ko.
I have no idea what's going on, but I have to put up a tough face. "Is this some sort of prank?" I asked with authority. "Let me remind you of your place." Paalala ko sa mga tao sa paligid ko pero hindi nila ako pinapansin.
"Sa totoo lang, ikaw ang wala sa lugar, Travis." Ngiting tagumpay ni Pierre sa harapan ko.
"What are you talking about?" I retain my solid voice.
"Huwag ka na magpanggap Travis Hayes." He smiles unkindly at me, "Or should I say, Travis Sandoval Mendez?"
I shake my head. "I'm not sure who are you referring to." Hindi ako magpapasindak sa kanya.
Mapang-asar siyang pumalakpak sa harapan ko. "Huli ka na nga, mag-mamaang maangan ka pa? Ilang taon mo kami niloko, Travis? Akala ko pa man din kaibigan ka namin, iyon naman pala, matagal-tagal na kaming nag-aalaga ng ahas sa samahan."
I close my fist as I control myself. "Wala akong ginawang mali sa samahan, ako pa nga ang taga ligpit ng kalat mo, hindi ba?"
"Well, wala pa nga, pero matapos ng pagpapanggap mo at paggamit mo sa amin, sa tingin mo ba mapapalagpas ko ito? Mahirap ibalik ang tiwala sa taong matagal ka ng niloloko ng harap-harapan."
I gulped as I mentally prepared myself for how I could fight back.
"Your charade is over, Travis." He spreads his arms wide open, "It all made sense now, you and Laurenz Mendez, I can totally see the resemblance by the way." His voice is filled with sarcasm.
"At ano pa nga ang nalaman ko tungkol sa iyo," he paused with an amused face, "Ah, yung tungkol sa nanay mong nasa mental dahil may tililing siya sa ulo." He says mockingly disrespecting my mother. "Balita ko pa, nagtangka siyang magpakamatay noong akala niyang, namatay pagkasilang yung utol mo." He is now laughing at me.
"Stop." I meet his gaze as I contain myself.
"Ano kaya ang mararamdaman ng nanay mo kapag nalaman niya yung pagmamalupit na ginawa mo sa utol mo?"
"Just stop." I warned him.
He scoffs, "Well who knows, right?" he paused looking at me with a playful grin, "Baka bumigay siya ulit kapag nalaman niya ang ginawa mo sa kapatid mo."
Hindi ko na napigilan na suntukin siya pero agad rin akong itinulak ni Joshua palayo at humarang sa pagitan namin mariin rin akong pinigilan ng ilang tao na maka-isa pa.
"You goddamn son of a bitch! Don't you dare involve my mother with your games Pierre!" I snarled as he wiped his bleeding lips with his knuckles with that damn smug on his face.
"So this is your true color." He says with amusement. "Magkapatid nga kayo ni Laurenz Mendez, ano? Well, iyon nga lang, ikaw, nasa loob ang kulo mo." He clicks his tongue, "Masyado kang tuso, Travis."
"Kung gusto mo akong gantihan, gawin mo na, hindi yung puro ka salita." I dared him. "Huwag kang mandamay ng ibang tao. Lumaban ka ng patas, gago ka, tangina mo!"
"You're such a disappointment and a fraud Travis." He says, shaking his head. "I just did you a favor, because you can't give that to your own mother."
My heart is filled with horror from how he said those last words, "Ano ang ibig mong sabihin doon?"
"Alam na ng nanay mo ang sikreto mo." He grins like a winner in front of me.
Para akong natanga sa paligid ko at sa isang iglap, hinampas ako ng paddle mula sa likuran kaya nawalan ako ng balanse para tumayo ng maayos. Hindi ko na maaninag si Pierre dahil sa mga taong kumukuyog sa akin.
Hampas sa likuran, sa tagiliran, sa hita, sa braso, hindi ko na alam kung saan pa nila ako sinasaktan, itinatabing ko ang braso ko para hindi nila mahampas ang ulo ko, pero habang tumatagal ay bumagsak na ako sa harapan nilang lahat ng tuluyan, at wala akong ibang malasahan kundi ang sarili kong dugo.
Sinabunutan ni Pierre ang buhok ko at inangat ang ulo ko para marinig ko ang huli niyang habilin sa akin, "I told you, know your place. Pinaalalahanan kita na huwag mo akong kakalabanin Travis."
My breathing is heavy as my eyes are getting blurry. I couldn't see his face clearly.
"Ito na ang huling araw na makikita ka namin Travis Hayes. Simula ngayon, hindi ka na parte ng samahan."
Everything fades to pitch black and the last thing I felt was my face on the cold concrete floor.
Papa and Mama were playing chess again.
"Check." Papa says humbly.
"Kakogo chyorta [What the hell?]" Mama is pissed, facing Papa.
Papa is looking at me with a friendly smile and Mama kisses my temple as she lets me sit beside her.
"I can say he's curious about what you just said." Papa said with amusement.
"Do you want to learn Russian, Trevis?" Mama chuckled, messing my hair.
"Too early for Russian." Papa tells her with one eye open, "You might fail as a teacher, Trudi."
"Are you belittling me, Joseph Hayes?" Mama's voice is unfriendly, but she maintains that dragon smile on her face.
Papa looks at me again, "Do you want to play chess?"
I nod, even if I don't know how.
Mama's arms are around me, "Let's beat your Papa in chess." her voice is enthusiastic, punching her palm.
"If I let you teach him how to play chess, he might lose too, you know?" Papa chuckled, "Knowing you, you're just impatient as ever Trudi."
Mama hissed, even if she's not a snake and her face is getting a little redder.
"Ano po ang ibig sabihin kapag Check?" I asked innocently. "Ibig po ba sabihin noon ay tama?"
"Hindi ganoon iyon, anak." Mama's Tagalog still has a foreign accent. "Ibig sabihin noon ay nahuli na ng kalaban ang King sa chess."
Papa chuckled, "You're cute when you speak Tagalog."
"Shush!" She dismissed him and she looked at me again, "Are you hungry?" I nod. "Then, I'll make some snacks, okay?" She kissed my temple again and stood.
"Ako rin, pahinging snacks." Papa's voice sounds playful.
"I'll give you, zmeinyy yad [snake venom] as a treat, you'd like that?" Mama is giving the dragon smile again around Papa and walks away from our table, I wonder what she said.
"Unahin muna natin ang mga piyesa sa chess, anak." Inisa-isa niya sa akin ang piyesa sa board game na ito at ang kanilang papel sa larong chess.
"Pawns, are your soldiers. Next in line were the rook and the knight. Next is the bishop, the queen and lastly the king. This is a strategy game and you need to think how you'll manage your pieces until you corner your enemy's king."
Ipinakita niya sa akin ang naging takbo ng laro nila ni Mama kanina. Nakakatuwa dahil naalala pa ni Papa ang mga ginawang moves ni Mama para lang matalo niya si Papa.
"Na-check ka na po pala ni Mama kanina, pero bakit po sa huli nanalo ka po ulit?"
Papa smiled, "Opponents like your Mama are aggressive and will strike you at your weakest," he paused, "But even if you're in your weakest, as long as you don't resign in the game, you can still turn things around by," Inilagay niya ang hintuturo niya sa kanyang ulo, "Using this."
"Kapag po ba nag-resign na sa chess, talo na?" Tanong ko sa kanya.
"Kapag nag-resign ka sa chess, ikaw sa sarili mo, tanggap mo na talo ka ng kalaban mo. Pero kapag alam mong kaya mo pa ilaban ang mga piyesa mo, even a pawn could check a king."
"Pero, hindi po ba, sila po ang pinakamahina sa lahat? Kasi po sila ang laging ipinapain?"
Papa smiles humbly, "A good player sees every opportunity of winning. Wala sa kung ano ang label ng isang piyesa ang lakas ng isang manlalaro, nasa kung paano mo laruin ang laro. Gusto mo ba malaman kung paano ko natalo ang Mama mo?"
Tinanguhan ko siya at hinikayat niya akong lapitan siya. Nilapitan ko siya, binulungan niya ako sa tenga, "Pinaniwala kong matatalo na niya ako."
"Bakit po?"
"Ang mga taong ayaw magpatalo, gagawin ang lahat para matalo ka nila. If you have them believe that they're winning, they'll let down their guard and from there, you'll see an opening."
I smiled admiring Papa. He surely thinks before he acts. Someday I want to be like him.
Bigla kong naalala si Tatay, madalas kasi wala siya sa bahay, ganito rin kaya kami ka-close kung nakakauwi siya palagi?
"Always remember this son," Papa caught my attention again, "as long as you still have the will to win, fight for it. Don't you ever surrender a fight Travis."
"Will you be disappointed if I lose?" My voice sounds insecure.
He shakes his head messing with my hair, "I would be disappointed, if you didn't fight hard." he says with a smile, "Everyday will give you a lesson, son. Hindi porket natalo ka, susuko ka na agad. Pick up the pieces you left and replay every scene in your mind, find the flaw and from there, you'll know where you will make your next move."
Papa embraces me.
"No matter what happens, I'll always have your back. No matter what, I'll support you all the way and no matter what other people say, you are my son."
I WOKE UP laying in a light green room. Sinubukan kong galawin ang kamay ko pero nakaramdam ako ng kirot. Buong katawan ko ata kumikirot.
"Travis." Si Laurenz, "Buti naman at gising ka na. Kamusta?"
"Ayos lang." My voice cracks.
"Anong ayos, eh ilang linggo kang tulog. Hindi ka naman ganyan noong huli kitang makita." May pag-aalangan sa boses niya kahit pa hinahaluan niya ito ng panunuya, "Sila ba ang gumawa sa iyo niyan?"
I look away, avoiding to answer that question.
"Tangina pala nila eh, matapos ng lahat, ito ang igaganti nila sa iyo?"
"Kasalanan ko rin naman," mahina kong tugon sa kanya. Bigla kong naalala, "Si Nanay, nakadalaw ka na ba ulit sa kanya?" Biglang kumirot ang tagiliran ko, kusang napa-bangon ako nang maalala ko yung sinabi ni Pierre.
"Kalma."
"Laurenz, sagutin mo ang tanong ko, nadalaw mo na ba ulit si Nanay?" Muli kong tanong sa kanya.
"Oo." Matipid niyang sagot na bigla ko na namang ikinatakot.
"Alam na ba niya?" My voice is guilty and deprived.
"Oo, Travis." Mahinahong sagot niya.
I put my forearm on my face, forcing myself to smile. I'm such a disappointment, a fraud, and a failure. Sunod-sunod ang unos na nangyayari sa buhay ko, hindi na ako nakaahon.
"Pero lahat naman ng ginawa mo, may kaakibat na dahilan." Mahinahong sambit ni Laurenz.
I chuckled avoiding him, "Iginanti ko lang si-"
"Huwag mo akong gawing tanga, alam ko na ang lahat Travis." seryoso niya akong tiningnan, "Sinabi na sa akin ni Monique ang lahat." Muli ko siyang tiningnan. "Hindi mo kailangan idahilan na si Monique ang dahilan kung bakit nakahanap ka ng rason para saktan ako." he paused, "Alam mong siya ang kahinaan ko, pero hindi mo kailanman siya ipinahamak noong araw na iyon."
I gulped as I met his gaze cautiously. I hate how he could read me openly like this. I look away. "Wala rin namang magbabago," I say closing my eyes with a faint smile on my face, "Nalaman na rin naman ni Nanay ang lahat, wala na akong mukhang maihaharap sa kanya, hindi na lang din ako magpapakita sa kanya." Mapait kong sambit, "I have nothing left, it's over." I muttered.
"Travis..."
"Malamang ito na ang karma ko sa lahat." My voice sounds apathy, "I just get what I fucking deserved." Natatawa kong lait sa sarili ko.
"It's too soon to be over, Travis." His voice is filled with sincerity, but a part of me wants to reject it. "Hindi ganito ang pagkakakilala ko sa Kuya ko." he said almost in a whisper.
"Tigilan mo nga ako Laurenz." I scoffed looking at him mockingly as he looks at me disappointingly, "Now, get the fuck out of my room. Hindi kita kailangan dito." Malamig kong sagot sa kanya at umiwas ng tingin.
Buong pwersa niya akong kinuwelyuhan at iniuntog ang noo niya sa akin. I groaned in pain as I put my hand on my head. Pakiramdam ko naalog ang utak ko.
"You snap out of it!" Inis niyang sambit.
"Mind your goddamn business and leave me alone." I snarled.
This time he scoffs, shaking his head, "Don't mimic me, asshole!"
"Lumugar ka." Wala akong pasensya para harapin siya ng ganito. "Ang lakas ng loob mong pagsalitaan ako, akala mo kung sino ka!"
"Tangina mo Travis, kapatid mo ako tapos itinutulak mo na naman ako palayo, gago!" Inis niyang bulyaw sa akin. Para akong natanga sa pagitan naming dalawa, "Just to remind you, I've been doing that all my life, all thanks to you."
Natahimik ako sa sagot ni Laurenz sa akin. I'm a fucking mess.
"Just leave." I muttered looking away.
"Hindi ako aalis dito nang hindi kita nakakausap ng maayos." Ang tigas ng ulo nitong taong ito talaga!
"Stop wasting your time around me." I scoffed.
"Kung ayaw mong pag-usapan, edi huwag, paimportante." He hissed. "Anyway, balita ko, naospital ulit si Max, kaya dinalaw siya ni Sarah."
Kung ganoon malamang may alam na rin itong ungas na ito, so bakit pa niya ako tinatanong?
"I'm also sorry for your loss." He says almost in a whisper.
"Gusto ko na lang mapag-isa Laurenz." Just leave me be.
"Hindi pa ako tapos buwisitin ka." Mapang-asar niyang sambit. I rolled my eyes at him as he handed me his cellphone.
"Ano ito?" Kunot noo kong tanong sa kanya.
"Cellphone, tanga." pilosopo niyang sagot. Tiningnan ko ito at may nakitang recording. "Pakinggan mo muna iyan, baka sakaling maliwanagan ka. Matapos kong marinig ang nangyari kay Max at makitang nasa ganito kang sitwasyon, ewan ko na lang talaga." I see him sitting at the sofa as I press play.
Ito yung recording noong gabing tinawagan ko siya pero ang hindi ko inaasahan ay ang marinig ang ilang boses sa kabilang linya na pinag-uusapan ako.
"Paano siya makakauwi nito, eh nakatulog na siya?" that's Monique, "Ipagpaliban na lang natin ito." alanganing tutol niya sa mga taong kasama niya noong gabing iyon.
"Iisipin niyang lasing siya, naka-ilan rin naman siya kanina, kaya hindi na niya mapapansin iyon Moe." that's Joshua.
"Just stick to the plan Moe and after this we both get what we want, easy." That's Pierre.
"Pero-" Monique's voice is uncertain.
"Don't you forget, you owe a favor from my father; a favor is a favor. No refunds..." Muling paalala ni Pierre at doon na naputol ang recording.
So one thing is clear as day, after hearing this short recording. They fucking did something in my drink for me to pass out just like that.
But, when? How?
Lahat ng ininom ko, alam ko... alam ko ang lahat, pwera sa huling baso na ipinainom sa akin ni Pierre.
Goddamnit!
Matinding kapaitan ang paulit ulit kong nilulunok. Pakiramdam ko, pinagkaisahan ako ng hindi ko napaghandaan.
"Sa ngayon, magpalakas ka muna." Paalala sa akin ni Laurenz, "Kailangan mo ng pahinga. Hindi na rin kita pipilitin kung ayaw mong magkwento o magsalita." His voice almost sounds sarcastic, but sincerity is seen in his eyes.
"I'm fine." Matipid kong sagot habang pilit na alalahanin kung paano sila nakalusot sa radar ko. Masyado ba akong naging pabaya sa paligid ko? "Oo nga pala, sino ang nagdala sa akin dito?"
"Ako." He answers impassively.
"Paano mo nalaman kung nasaan ako?"
"May tumawag sa akin at sinabi na puntahan kita kaagad sa lugar na iyon." Matipid niyang sagot.
"Sino naman iyon?"
"Hindi na mahalaga iyon." He paused observing my reaction, "Bilin niya sa akin na hindi muna ipaalam sa iyo."
Sino naman kaya iyon?
"How sure are you, that you can trust this person?" Mahirap na magtiwala, lalo na ngayon, nagkaroon ako ng maraming kaaway.
"I don't trust the person." He says with honesty, "Pero dahil sa mas pinili niyang harapin ako, kaysa sa ipakita kay Nanay yung nangyari noon, nagmistulang utang na loob ko iyon para hindi ka na rin masira kay Nanay."
Naguguluhan akong tiningnan siya, "Pero sabi mo, alam ni Nanay na-"
"Hindi sa akin nagmula ang kwentong iyon." He paused, "Si Maxene ang nagsabi kay Nanay. Ipinaliwanag niya kay Nanay ang lahat, matagal ka ng pinatawad ni Nanay, Travis."
'Let me redeem yourself.' I remember Maxene telling me. I remember her face as the image of that memory pinches my soul. After all what she did for me, I failed her.
"Ano na ang plano mo?" Laurenz asked me cautiously.
"Wala." Matipid kong sagot. "We broke up." I admitted bitterly, "The engagement is off." My voice is submissive, "Anyway, na-arrange lang naman kami." My voice is insecure.
"Ah, so matapos mo marinig ang recording, wala kang gagawin?" He asks me in disbelief and I look away. "Ayos ah?"
"We're... just a phase." I muttered as I recalled the term she used. She suffered enough from me. She deserves someone better than a fucked up person like me.
Kung maisipan niyang makipagbalikan kay Kenzo, hinding hindi ko na siya pipigilan. Hindi hamak naman na mas maayos si Kenzo kaysa sa akin. Nagtagal nga sila ng ilang taon, at least may foundation na sila.
Mahal pa rin naman siya ni Kenzo. I'm sure she'll love him back.
Anyway, mas ayos na ang ganoon. Tutal, iyon rin naman ang naging usapan namin dati. Wala naman talaga sa plano ang magkaroon ng 'kami'.
I might probably get attached to that connection, because I know I never had that 'feeling' around Monique.
I'm invisible and I will always be.
"Kung sa arrangement lang pala naikot ang naging relasyon ninyo, hindi mo talaga siya minahal ng totoo." I don't know if he's insulting me or provoking me, besides he doesn't know anything. "Wala ka talagang gagawin?" I just hate the annoying tone of his voice.
I smiled bitterly looking away, "I respect her decision."
"No, you're just making up excuses to give her up. Minahal mo ba talaga si Maxene, Travis?"
"I fucked up!" I snapped, "Do you get it? I fucked up!" I sighed frustratingly. "Paulit-ulit ko lang siyang nasaktan hanggang sa naubos na lang siya." I say helplessly, "Kung alam ko lang na magkakagulo kami ng ganito, sana pinutol ko na lang ang ugnayan namin ni Monique." I tell him and see him shaking his head in disappointment, "I don't expect you or anyone to understand me. Pero hindi ko mapatawad ang sarili ko sa nagawa ko sa kanya, dahil sa akin, nawala ang baby namin, dahil sa akin kaya siya nanghihina ngayon. Dahil sa akin, paulit-ulit siyang nasasaktan."
Laurenz's eyes softened, "So involve na naman pala si Monique?" he uttered, crossing his arms.
"Like I said," I scoffed. "Karma. The irony, huh?" I said containing my thoughts.
"Do you really think of all people, gagawin iyon ni Monique sa iyo?" His voice is skeptical as he takes his snack out of the paper bag.
"Ginawa na niya iyon sa inyo, hindi ba?" I couldn't hide the bitterness in my voice anymore.
"Kung may taong mas na nakakakilala kay Monique, ikaw lang iyon, Travis." uminom ng soda at nagpatuloy, "Kapag kasama ka niya, hindi niya kailangang magpanggap sa harapan mo. Naging kaibigan ko lang naman si Monique dahil gusto niya makahanap ng kakampi sa akin. Dahil sa parehas kami ng pinagdaanan noong mga bata pa kami, tapos..." he paused looking at me cautiously, "Napagkamalan niya na ako ang nagligtas sa kanya noon dahil sobra siyang na-attached sa akin noon," he closes his eyes with a smirk, "Para namang hindi mo alam iyon."
I gulped bitterly. That's when I lied to her the first time. She had a false memory because of that incident.
"Plus, you heard the recording," ngumuya siya ng burger at nagpatuloy, "Halata namang tutol siya sa plano ng tropa mo sa iyo," He looks at me, "Do you even think that Monique would do that to you, after everything that you've done for her?" He paused, "Kung tutuusin, malaki ang utang na loob niya sa iyo, so why of all people, will she betray you?"
I really don't want to accept this reason, yet I know that he has a strong point.
Suddenly, I remembered what she told me before.
'Ayokong dumating ang araw na kapag nagunaw ang mundo mo, wala kang masasandalan.'
'Natatakot lang ako para sayo, Travis, dahil hindi mo kailanman ipinakita sa ibang tao ang kahinaan mo.'
'Travis, hindi ko alam na buntis siya. Hindi ko ito ginusto.'
'I'm sorry Travis, I never meant any of this to happen, sayo pati na rin kay Maxene.'
Am I careless, for not reading between the lines?
Everything starts to make sense, but why?
So, all this time, she is giving me hints already?
Kung pinlano man ni Pierre ito lahat, bakit?
Kung gusto niya ako gantihan, dapat matagal na niyang ginawa iyon sa akin, yet I couldn't understand, why only now?
Bakit kailangan madamay si Maxene?
Ganun na lang ba niya gustong makuha sa akin si Maxene?
So, is this some sort of competition?
Alam ko naman kung paano siya pumorma sa ibang babae at walang-wala iyong pinagkaiba sa kung paano niya pormahan si Maxene dati noong nagsisimula pa lang kami.
Nakailang attempts man si Pierre na makuha ang loob ni Max, hindi naman siya nagtagumpay. Hindi rin naman consistent ang pangungulit niya kay Maxene noon, lalo na umiwas rin naman si Maxene sa kanya.
Something isn't right. Something didn't fit the argument.
Kahit kailan hindi naghabol si Pierre sa babae. Ni wala siyang seryosong babae... So what's with Maxene?
What's the real deal?
"Na-stroke ka na ba?" Hindi ko napansin na inaabutan pala ako ni Laurenz ng burger at kinuha ko naman iyon mula sa kanya, "Kahit ikaw pa ang pasyente dito, susungalngalin kita, huwag kang paimportante, sinasabi ko sayo." He warns.
"Napaisip lang." I paused looking down at the burger.
"Aba, mahirap mag-isip ng walang laman ang tiyan." Suplado na namang banat niya at nagpatuloy sa pagkain ng burger.
"Salamat." I say humbly.
"Mura lang yung burger, buy one take one yan, aba, 'take one' lang yung sayo." Pabalang na naman niyang sagot, "Kung hindi masarap, edi wag mong kainin."
"You know what I mean." I can't just let him ignore my gratitude. He took a deep sigh as I gave him a small smile, he hissed.
"Magpalakas ka na muna sa ngayon." He reminded me. "Iuumpog ko ang ulo mo sa pader sa susunod na magmaktol ka, kaya umayos kang gago ka." He warns shaking his head with a small smile.
ILANG araw din akong nanatili sa ospital para maka-recover at nang madischarge na ako, nakatanggap si Laurenz ng tawag mula kay Sarah.
"Oh, bakit?" Kahit talaga kailan, napakasungit nitong taong ito sa girlfriend niya. "Ha?" Biglang nagbago ang tono ng boses niya at napatingin sa akin. "Stay calm, pupuntahan kita. Tahan na, basta't diyan ka lang, hintayin mo ako, kapag umalis ka diyan, lagot ka sa akin." Demanding pero mahinahon niyang sagot kay Sarah at ibinaba na niya ang tawag.
"Oh, bakit daw, namimiss ka?" Tukso ko sa kanya, pero nag-aalangan siya kung sasagutin ko o hindi.
"Si Maxene." The uncertainty from his tone gave me an uncomfortable feeling. "She just had a fatal attack."
My heart literally sinks in horror.
"Kailangan na siyang maoperahan ngayon na raw mismo."
"Sasama ako Laurenz." Tanging sagot ko sa kanya at minaneho niya ang kotse ko papuntang ospital.
Sinamahan ako ni Laurenz hanggang sa makita niya si Sarah na naiyak.
"Anong ginagawa mo dito?" yung Mommy ni Maxene, "Ikaw ang dahilan kung bakit nag-aagaw buhay ang anak ko ngayon!" Sumbat niya sa akin na lumuluha habang mahinang hinahampas ang dibdib ko. "This is all your fault, Travis!"
Wala akong maisagot sa harapan ng Mommy ni Maxene at hinila naman siya agad ng asawa niya at kinalma.
"Miranda," mahinahong suway ng Daddy ni Maxene, "Just let him be for a while," he looks at me as if he is reading me, "You can stay, hanggang sa matapos ang operation niya. Pagkatapos noon, tsaka ka na umalis."
"Salamat po sir." I couldn't look him in the eye, I'm filled with nothing but guilt.
Dumerecho sila Sarah at Laurenz sa chapel, habang nanatili ako sa labas ng operating room at doon na taimtim na nagdarasal.
God please, save her. Let me take her pain instead, just save her.
Ilang oras ang nakalipas at lumabas na ang doctor niya.
"Kamusta na yung anak ko, Doc?" Her mother asks.
"The operation was a success, but she's still unconscious. Ililipat na rin namin siya sa kwarto niya."
"Maraming salamat po Doc." Her father smiled weakly.
Inabangan ko na makalabas si Maxene sa operating room at sinundan siya hanggang sa tapat ng kwarto niya.
Hindi ko pa alam kung papayagan ako ng Daddy niya na pumasok, dahil halata naman na ayaw na ako makita pa ng Mommy niya na makalapit kay Maxene. Sinaraduhan pa ako ng Mommy niya ng pintuan, hindi ako makagalaw dahil alam ko sa sarili ko na ayokong umalis na hindi ko siya nakikita.
Hindi rin naman nagtagal at muling bumukas ang pintuan ng kwarto ni Maxene at lumabas ang parents niya, yung daddy niya lang ang nakatingin sa akin at tinapik ako sa balikat, "This will be the last time, Travis." his voice is firm yet distant, "Make it worthwhile."
I gave them a polite nod as I saw them walking away from me.
With all my strength, I entered her room hearing nothing but her heart monitor.
Looking at her sleeping face, it is noticeable that she lost a lot of weight. She's pale. Her lips are chapped, naka dextrose at naka-oxygen mask siya.
"Congratulations for surviving the surgery." My voice sounds casual as if I'm talking to her normally, "Pagkagising mo, kumain ka ng marami. Ang payat mo na kasi." I fixed her hair, until I found her free hand. I softly locked it with mine. I miss holding her hand.
I noticed the tattoo she designed for us and remembered the words she humored me using Hope's ultrasound pictures.
'I was made out of big hearts.'
Muli ko na namang nararamdaman yung mainit na likido na galing sa mga mata ko. Muling kumalat ang emosyon ko na pilit kong itinatago noong iwan niya ako.
I'm so sorry Maxene, alam kong hinding hindi mo na ako mapapatawad. Ilang beses na kitang nasaktan, pero ilang beses mo rin akong inunawa.
I can't say the words because of my overflowing guilt.
I'm not over her and I don't know if I'll ever be. I still love her, but I can't allow myself to be selfish around her anymore. She had enough pain in her life already. I don't deserve to be around her, she deserves to be happy, even if it's not me.
I kissed her hand as I put it on my face, her hand was cold as I warmed it with my hand.
"I love you." I say to her, even if I know that I won't hear those words from her ever again. I put her hand back as I leaned and kissed her temple, "Always." I uttered, one last time.
I chuckled, imprinting her face on my memory and in my heart. I head towards the door, without looking back, 'this is the last time', I hear her dad's voice in my head reminding me.
Binuksan ko ang pintuan at sinalubong niya ako.
Her eyes were focused, meeting my gaze. She's serious as always.
She's handing me a USB keychain.
"Why are you giving me this?" I asked her, handing the little thing in her hand but she kept her distance away from me. "I told you-"
"I'm not going to force you, if you don't want it," she uttered as if she just read my uncertainty, "But this involves Miss Maxene."
She hides her emotions but in her eyes there's pain. She's angry. I can feel it from her composure, "Everything you need is in there."
I gulped as I looked at the little thing on my hand.
"What's this?" I asked.
"Tvoy vrag." Natasha says with a cold voice as she holds the door knob attempting to open it, "Do not forget who you really are, young master." she reminded me as she entered her room.
Tvoy vrag means 'your enemy' in Russian.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top