Chapter 60 : Camping Trip Day 2
T R A V I S
Tumindig ang balahibo ko nang makarinig ako ng isang putok na hindi galing sa mga paputok na naririnig ko tuwing bagong taon. Sobrang lapit ng tunog na iyon sa paligid ko pero wala akong makita dahil madilim ang paligid ko.
Isang pamilyar na boses ang sumisigaw at nagwawala sa hindi kalayuan, hindi ko pa maintindihan ang mga salitang binitawan niya pero sa tono ng pananalita ng babaeng galit na sumisigaw, sigurado akong hindi iyon Ingles.
"Azrael!" Nag-aalalang boses ni mama at tinanggal ang nakatakip sa mga mata ko. Hindi ko alam kung nasaan ako, pero madilim pa rin ang paligid ko.
Niyakap niya ako agad at may inilagay na bagay sa likuran niya, nanlalabo na rin ang mga mata ko dahil ilang araw ng walang laman ang tiyan ko. Binuhat ako ni mama sa bisig niya at inilabas sa madilim na lugar na iyon hanggang sa unti-unti ng lumiwanag ang paligid ko, pero kahit anong pilit ko, malabo pa rin ang paningin ko.
"Focus on my voice, Azrael. Stay awake." Her voice is soft as her eyes look at me helplessly.
Usually mama smells like winter, mama's hair is white as snow and her eyes are blue like sapphire, but mama's scent is ugly as she carries me in her arms, her hair is stained red and her face is swollen as if something hurt her.
"Mama..." I uttered weakly as she shakes her head... I don't remember the expression I gave her, but it made her burst into tears.
"Travis!"
Boses ni mama iyon na para bang ginising ako sa isang masamang panaginip. Tinignan ko ang paligid ko at halos tulog pa ang lahat.
Sinabunutan ko ang buhok ko habang inaayos ang paghinga ko. Pilit kong inaalala ang panaginip na iyon pero kahit anong pilit ko sa sarili ko, para itong multo sa utak ko na bigla na lang naglaho. Ibang-iba ang panaginip na iyon sa bangungot na hindi ko kailanman makalimutan.
Ang bangungot na halos mawalan ng hininga si nanay sa harapan ko.
I took one deep breath as I convinced myself to get up before anyone could see me.
I check my phone and it's almost four in the morning, pero wala pang liwanag. Kumuha ako ng maligamgam na tubig at lumabas sa pasilyo ng rest house.
Ang tanging naaalala ko lang ay ang makitang muli ang mukha ni Mama sa panaginip ko, napangiti ako ng maalala ang maganda niyang mukha, pero kaagad din akong naluha nang maalala siya.
Mama, kaya mo po ba ako dinalaw sa panaginip dahil masama ang loob mo sa akin?
"Ang aga mo atang magising?" Napalunok ako nang marinig ko ang boses niya.
Si Laurenz.
I concealed my thoughts as I made a proud face, "Hindi ako sanay matulog sa double deck."
And just like that, silence fills the space between us.
Muli akong uminom ng tubig habang inaayos ang sarili ko sa harapan niya.
"Anong napanaginipan mo?" He asks almost in a whisper, almost with concern, I look at him with a smile and shake my head.
"I can't remember." I shrugged it off as I took a deep breath closing my eyes, "Forgotten dreams aren't important."
I heard him chuckling, shaking his head as if he didn't buy my excuse.
"Naalala mo noong mga bata pa tayo," Panimula niya, "Kinukwento ko sayo yung mga anino na nangugulo sa akin noong bata pa ako tuwing gabi?"
Napatingin ako sa kanya pero nakatingin na siya sa dalampasigan, "Kinukwento ko iyon kina Ate Leah at Kuya Leo noon, pero hindi sila naniniwala sa akin, pero ikaw na bihira ko lang makasama at makita noon, naniwala ka kaagad." He shakes his head as if that memory of his is hilarious, even if it's not.
Sa pagkakaalala ko, ayaw na ayaw talaga nakikita ni Auntie ang pagmumukha ni Laurenz dahil magkamukhang magkamukha sila ni tatay.
Nakikita ni Auntie kay Laurenz ang mukha ng lalaking sobra niyang minahal pero sobra rin siyang sinaktan.
Hindi niya matanggap na nagkaroon ng iba si tatay at dahil sa akala ni Auntie na si Laurenz lang ang anak ni tatay sa labas, lahat ginawa niya para lang makuha ang gusto niya, kahit pa kunin niya si Laurenz noon kay nanay at paniwalaing patay na sanggol na isinilang ni nanay.
Pero hindi rin naman naging madali ang buhay niya habang lumalaki siya.
Sabik na sabik si Laurenz sa atensyon ni Auntie noon, pero kahit anong gawin ni Laurenz, hindi iyon pinapansin ni Auntie. In fact, sa tuwing nakikita ni Auntie si Laurenz, lagi niyang pinagmamalupitan ang isang batang walang laban, lalo na kapag nakakainom siya ng sobra.
Ang anino na sinasabi ni Laurenz, ay ang anino ni Auntie na gumigising sa kanya tuwing gabi sa pamamagitan ng pananakit sa kanya at paulit-ulit na sinasabi sa kanya na isa siyang pagkakamali sa buhay niya.
Kung sana nagkapalit na lang kami ni Laurenz ng sitwasyon; baka mas maging maayos siya sa pangangalaga nila Mama at Papa.
"Nakakaawa ka lang pagmasdan noon." Tanging sagot ko sa kanya. Pakiramdam ko may pader pa rin sa pagitan namin.
Umismid siya na para bang dismayado siya sa narinig niya sa akin, "Oo nga pala," napabuntong hininga siya, "The usual." His voice turned distant and cold.
My mind went blank in an instant. I don't even know the right words for him to hear.
Baka dahil sa hindi ako sanay na kausapin siya ng maayos, hindi ko alam kung paano siya kakausapin ng maayos, hindi na ako yung batang tinitingala niya noon.
Growing up, we just grew apart because of a lie that I instilled in his mind when we were still young.
"Kalimutan mo na lang iyon, mga bata pa naman tayo noon." I turned my back at him.
Maybe, I will never be a brother to him.
I tried Max, I just can't. I'm sorry.
Bigla akong nakaramdam ng disappointment sa sarili ko.
Nagsimula akong maglakad palayo sa kanya.
"Sa totoo lang, iyon ang unang pagkakataon na nagkaroon ako ng kakampi." Sambit niya na pumigil sa akin sa paglalakad.
"Iyon ang unang beses na may taong naniniwala sa akin." Nilingon ko siya at halata sa mukha niya na naiinis siya ngunit natatawa sa alaalang iyon.
"Nakakainis man, pero oo nga, magkapatid tayo." He shakes his head as if he's disappointed with that fact, "Dakilang mapagpanggap kang gago ka, samantalang ako naman, hindi basta-basta nagtatapat sa totoo kong nararamdaman. Badtrip, noh?"
Muli akong napalunok at muli niya akong tiningnan sa mata pero agad rin siyang napakamot sa ulo niya na parang gusto niyang bawiin ang sinabi niya sa akin.
Did he just...
Hindi ko alam pero sa narinig ko mula sa kanya, napangiti ako.
I once said that guys don't really talk about their feelings, but I really appreciated that Laurenz took the first step.
"Hoy, gago, anong mukha yan?" Nandidiri niyang kumento. "Mantitrip ka na naman, ano?" He hissed but I can tell from his gesture that he's uncomfortable for letting his guard down in front of me.
"Kakilabot kang hayop ka, kung pipilosopohin mo ako, aba magsalita ka na... dali na para masuntok kita, regalo mo na sa akin na masuntok ko yang pagmumukha mong nagmamagaling lagi."
Hindi ko napigilang hindi siya tawanan na dahilan kung bakit pinanlakihan niya ako ng mata, "Tingnan mo 'tong ungas na ito." He said irritably and he hissed at me.
I diverted my eyes into the sun that is rising from the lovely horizon.
Kasabay na paliwanag ng paligid ang pagkawala ng makapal na pader sa pagitan namin na nagtagal ng mahabang panahon.
Ako naman ngayon.
"Wala namang nagbago sa mukha ko, ano ba ang iniisip mo Lance?" I look at him amusingly.
"Psh, sabi na eh," inis niyang sambit, "Nagmamagaling ka na namang gago ka." His pride speaks for him as he uses curse words to hide his embarrassment.
I shake my head, "Ayos na yung ganito. Hindi ko rin naman inaasahan na mapapatawad mo ako sa nagawa ko sa iyo, noon." I paused taking a breath.
He seems to notice the sincerity in my eyes, "Sa totoo lang, pinilit kong makabalik dito." I admitted, "Bumalik ako dito para sa iyo at kay Nanay, kahit pa hindi naman na dapat."
"Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong niya.
I'll tell him soon, but not now.
"Matapos kong makapagtapos," panimula ko sa kanya, "Dadalhin ko si nanay sa England," Nakakita ako ng takot sa mga mata niya, pero hindi pa ako tapos, "Gusto ko sumama ka sa amin." Mahinahon pero ma-awtoridad kong sambit.
"Bakit naman ako sasama sa inyo?" He hides his insecurity, but I can hear him from the tone of his voice.
"Dahil kapatid kita, at sa pagkakataong ito, sana pabayaan mo akong makabawi sa iyo."
He dismissed me as he shakes his head with a little uncertainty in his eyes, "Sus, hindi ko kailangan ng kahit ano mula sa iyo." His eyes were sad.
Bigla kong naalala ang napag-usapan nila ni Sarah kagabi.
"Hindi ko kailangan ng awa mo o kahit nino man." Again, that's his pride, "Kaya ko mag-isa Travis."
I sighed, I've been telling those words to myself all these time.
"I heard you really want to be a doctor."
"At saan mo na naman nakuha ang impormasyon na iyan?" He looks at me in disbelief as he shakes his head, "You don't know anything about me. Kaya huwag kang masyadong nagmamarunong."
I know that he said those words because he just couldn't stand being honest around me, but I can read him like an open book.
"Kung hindi ka kayang suportahan ni Tatay," muli siyang napatingin sa akin, "Susuportahan kita sa kahit anong naisin mo, Lance."
"Hindi mo magagawa yon," His voice is solid, "Hindi mo pwedeng gawin iyon," he pauses as the strength of his voice fails him, "Don't give false hopes Travis, alam mo naman na--"
"Sa tamang panahon Lance," I cut him, "Konting tiis pa," I paused as I give him a promise as I give a light tap on his shoulder, "Babawiin kita kay Tatay. Babawiin kita sa kanila."
Napalunok siya at seryoso akong tiningnan, "Hindi mo na kailangan pang ipilit ang sarili mo para matanggap ka nila. Ako at si Nanay ang pamilya mo at sa pagkakataong ito, hinding hindi na kita abandunahin."
He chuckled and he gently push my hand away from his shoulder, "Ang aga-aga kung anu-ano ang sinasabi mo." he says, shaking his head. "Magkakape na lang ako, bahala ka diyan."
He walked away from me hiding that childlike smile on his face that I haven't seen for years.
I shake my head, maybe I too need some coffee.
M A X E N E
Natutuwa akong pagmasdan siya na nakikisama na sa iba.
Natutuwa pa akong makita silang nagkakape magkapatid kanina pagkagising naming lahat. Nabati pa nga sila nila Alex at Martin, pero sadyang pikunin lang si Laurenz kaya binabara-bara niya lang ang kuya niya.
Natuwa rin si Sarah para kay Laurenz kahit pa paano, pero dahil na rin sa narinig kong napag-usapan nila kagabi, hindi ko rin maiwasan na hindi mag-alala para sa kaibigan ko.
Ang makitang pinipilit ng kaibigan ko na maging masaya para lang hindi mag-alala ang mga tao sa paligid niya... hindi ko alam pero may gusto akong gawin para kay Sarah para naman lumuwag ang pakiramdam niya.
Last day na namin dito kaya sinulit naman namin ang pagkakataon na magkasama-sama.
Sumaglit kami sa Ocean Adventure na walking distance lang mula sa resthouse. Kasama naman din iyon sa budget at nakakuha sila Stephanie ng discounted voucher sa isang online shop para lang makabisita dito sa oceanarium.
Natutuwa akong pagmasdan si Abby na parang batang aliw na aliw sa mga sea creatures at nakailang selfies rin siya kasama si Ronnie. Minsan hinihila niya si Martin at inuutusan na maging photographer nila.
Nagawa naman namin halos lahat pwera sa pag-hike sa forest, inaalala kasi nila ako. Ayoko naman na maging paimportante dahil lang may problema ako sa puso, pero sabi nila iyon ang napagkasunduan ng lahat kaya hindi na ako kumontra.
It's just a ten minutes hike, at sa totoo lang, kaya ko naman iyon, pero kasi iyon na ang napag-usapan nila.
Ang daya lang.
Hindi ko alam pero nakakatampo lang iyon, sana tinanong din nila ako. My opinion mattered too naman.
Bali, nanood lang kami ng dolphin at ng sea lion show. Matapos noon ay agad din kaming bumalik sa resthouse para doon na mananghalian, dahil gustuhin man nila Abby na doon kumain, pero pinaalalahanan siya ni Martin na out of budget, plus may pagkain pa naman na natira sa resthouse.
Though willing naman ako magbayad kung gusto nila, I can treat them naman, but they humbly refused my generous offer.
Unang kumontra sa akin ay si Kenzo at muli niya akong pinaalalahanan ako na mag stick na lang kami sa budget.
For all I know kuripot lang siyang tunay. Bigla tuloy akong nakaramdam ng konting inis sa kanya, konti lang naman, pero inis pa rin, kung tratuhin niya kasi ako parang kung paano niya ako tratuhin dati.
Kumain kami sa labas ng resthouse at nag-ihaw sila Martin, Laurenz at Kenzo ng pagkain habang tinulungan naman ni Travis sila Alex at Stephanie iset-up yung dahon ng saging dahil boodle fight ang arrangement ng lunch namin.
Si Kathleen as usual nagbabasa ng libro, si Abby naman nilalaro si Ronnie. Kung tutuusin, mabait naman si Abby, pero bakit kapag sa ibang boys nagmamaldita siya, lalo na kay Martin?
I sighed having a funny thought in mind. Though hindi naman masama kung may something sila, besides, they're not siblings by blood, their parents are married, though, conflict ba iyon?
Again, I see how Travis starts to be comfortable around the gang. I'm so proud of him and I'm glad that he's opening up around them as well. Baka dahil sa maayos na sila ni Laurenz, matanong nga sa kanya pagka-uwi namin.
I noticed my best friend trying her best to keep the positive mood going kahit na pansin ko na minsan wala siya sa sarili.
I'm sure she's still bothered about last night.
Bago ko pa siya malapitan, tinawag siya ni Martin na nagpapa-assist sa pagkain na ihahain sa lamesa.
Tumulong na rin ako, kasi pakiramdam ko hindi nila ako inuutusan.
Matapos kumain ay naligo ulit ang karamihan sa beach and this time kusa na sumasama si Travis sa kanila. Tuwang tuwa akong pagmasdan na inaasar nila Martin at Travis si Laurenz.
Since komportable na naman si Travis kasama ng mga boys, kinunchaba ko si Stephanie na samahan ako para makapamili ng ilang pasalubong sa shops, niyaya ko rin sila Abby at Kathleen para naman sama-sama kaming girls, gladly, pumayag naman sila.
Inayos ko ang get-up ko dahil ayokong mapuna na naman ni Hayes sa damit na susuotin ko, dahil pinagbantaan niya ako na kapag kinulang sa tela ang damit na susuotin ko, he'll mark me where anyone could see it at wala siyang pakialam kung makita man ng mga kasama namin iyon.
Buti nga ayos lang na mag backless one piece ako nung nag swimming kami, kahit na todo makabantay ang mga mata niya sa akin.
At kulang na lang na ihawin na naman niya sa inis yung ibang lalaki na lumapit sa amin noong naglalaro kami ng volleyball. Pero dahil sa pumagitna sa amin si Alex, inakala ng mga lumapit sa amin na si Alex ang boyfriend ko dahil daw pareho kaming model type.
Ikinatuwa man ni Alex ang compliment sa kanya, pero ikinainis iyon ni Stephanie dahil nagiging hambog na naman daw ang kaibigan niyang unggoy.
Nang balikan ko ng tingin si Hayes, hindi na siya naiinis, dahil kahit papaano, kasama ko naman sila Stephanie sa area.
Nagsuot ako ng tokong at nag tuck-in ako ng maluwag itim na shirt na may gray husky print, nakakamiss yung aso kong si Alpha. Pinabayaan kong nakalugay ang buhok ko at nilagay ang shades sa ulo ko.
Bago ako makalabas ng kwarto, biglang nanlalabo na naman ang paningin ko. Anong oras na ba, late na ba ako sa pag-inom ng gamot?
Pilit kong inayos ang sarili ko at ininom ang gamot ko.
Nang umayos-ayos na ang pakiramdam ko, biglang bumulaga sa akin ang mukha ni Kenzo.
Napasapo ako sa dibdib ko dahil hindi ko inaasahan na siya ang makikita ko matapos ako halos mahilo na naman kanina. "Siraulo ka talaga Ken," I hit him playfully, "Anong trip mo?"
"Maxie," tiningnan niya ako sa mata at napalunok ako, "Inaatake ka ba ulit ng sakit mo?" Bigla akong nakahinga ng maluwag sa tanong ni Kenzo.
"I'm fine," I tell him with a friendly smile, "My surgery is scheduled next year Ken."
He said nothing but nodded with a small smile looking at me, "Is there something bothering you?"
"Wala lang naman." Matipid niyang sambit, kahit na sa boses niya alam kong may gusto pa siyang iparating.
I throw a disappointing sigh, "Just spill it Ken."
He chuckled leaning against the wall crossing his arms, "Kilalang kilala mo na ako ah?"
I shake my head with a smile. I hissed and rolled my eyes at him. Conceited.
"Well, may interesting theory lang akong narinig mula kay Stephanie." Panimula ni Ken na dahilan kung bakit ako kinutuban.
"Ah, eh, ano naman iyon?" Patay malisya kong tanong.
Yet the truth is, I'm here thinking of another possible sensible conversation with him so I could divert his attention somewhere, yet before my mind could cooperate with me, Kenzo just asked me this one specific question in his mind as if he is solving me like a puzzle.
I feel like my lungs start to malfunction as I control my breathing, I gulped containing myself.
"Tatlong taon kitang kilala Maxene. Alam ko kapag mag bumabagabag sa'yo o wala." Kenzo is looking at me eye to eye.
"Grabe ka naman Ken, pwede bang nagbago na ako?" I sighed, smiling at him dismissing his topic, "I'm not like the person from three years ago." I said proudly, "Time changes people Ken, whatever that is, is just a theory with no proof."
"Ah," He made a smug face while nodding at me, "Eh, kung tanungin ko kaya siya, ayos lang ba sa iyo?"
I gulped again and this time I feel that I'm gripping the handkerchief inside my pocket tightly.
"Ika mo nga it's just a theory so wala namang masama kung magtatanong ako sa kanya, hindi ba?"
Natigilan ako sa babala ni Kenzo.
"Don't give him any funny ideas Ken." My voice is solid, yet almost sounds dismissive.
"I said it's a theory, now you're telling me it's a funny idea?" He shakes his head, he looks at me with determination in his eyes, "Ano ba talaga ang meron Maxene?"
Napalunok ako, iniwasan ang tingin niya at napatungo.
"Huwag ka na lang mangialam Ken." Pakiusap kong sambit. Sana huwag na niya akong kulitin tungkol dito, dahil nakakairita na ang pagtatanong niya sa akin.
"Paano mo nasasabi ang mga salitang iyan sa akin, Maxie?" His voice sounds frustrated as he holds both of my shoulder, "Maxie, kaibigan mo ako, may pakialam ako sa iyo." He shakes his head, "It's normal that I worry for you."
Sincerity is clear as day in his eyes, but I can't say anything in front of him, I bit my lip.
"I can manage Ken." I tell him as I contain my temper.
"Pero Maxie..."
"I said stop it Kenzo," I just snapped in front of him, "Mind your goddamn business and you're so nosy!" Nagulat siya sa inasta ko, pero kung ito lang ang paraan para tigilan niya ako, gagawin ko. Ayokong pinapakialaman niya ang desisyon ko.
"Huwag kang umasta na boyfriend ko, Ken. Magkaibigan tayo, oo, pero ex pa rin kita." My voice is cold, but I'm not yet done, "Know your place." I reminded him inconsiderately.
He smiled bitterly as if I slapped his ego and pride.
"I know my place Max, I know my place very well." His voice was offended as he turned his back and started walking away from me.
I took a deep sigh.
Sumobra ba ako?
Tumalikod ako at nagulat akong makita sila Alex, Laurenz, at Travis.
"Hey guys," Patay malisya kong bati sa kanilang tatlo, "Kanina pa kayo?" Ngiti kong tanong na may paglalambing, lalo na sa kanya.
"Are you okay?" Travis asks me with concern.
Shit, ano ang naabutan nilang usapan namin ni Kenzo?
"Yep." I answered with a smile, "Lalabas lang kaming girls, balik rin kami mamaya."
"Nabanggit nga nila Teppy, ikaw na nga lang ang hinihintay sa labas." Alex reminded me with a smile, mukhang wala naman ako dapat ipag-alala dahil parang wala namang alam si Alex.
Bago pa man ako tumingin kay Laurenz, dinaanan niya lang ako.
"Ni hindi manlang niya ako pinansin." Pagtatampo side comment ko.
Tinawanan lang ako ni Alex, "Masanay ka na doon, minsan sala sa lamig, sala sa init." Alex taps my shoulder following Laurenz.
Travis holds my hand as I give him my sweetest smile, "I'm so happy for you and your brother." He said nothing but his eyes were observing me. "I'll just be with the girls," I tell him, "Don't miss me too much." I kissed his cheek and approached the door.
Sana lang hindi nila narinig yung naging usapan namin kanina ni Kenzo.
T R A V I S
Mga ilang oras na rin ang nakalipas matapos naming makita yung naging sagutan ni Maxene at Kenzo.
Ano kaya ang pinag-awayan nila at kailangan pa umabot sa puntong kailangan pa ni Maxene na manumbat sa ex niya?
She's not usually like that and what she told him, isn't really something I imagined her telling him, oo may past sila, pero bakit naman ganun?
Parang wala silang pinagsamahan. How she faced him earlier is different from the Maxene I knew noong hinahabol pa niya si Kenzo.
Looking at her ex, hindi naman ugali ni Kenzo ang mang-argabyado ng tao.
I even remember him telling me that he wouldn't do anything to upset her, but what happened earlier?
Ang awkward naman kung ako ang magtatanong kay Kenzo, hindi naman kami close, sa kanilang lahat alam kong hindi pa siya ganun ka komportable sa akin dahil na rin siguro ex niya ang girlfriend ko.
Hindi ko rin naman alam kung sasabihin sa akin ni Maxene kung ano ang napag-awayan nila, dahil sa mga mata niya nga lang kanina, alam kong ayaw niyang mag-alala ako.
Pilit niyang itinatago iyon sa kilos niya at iniiwasan niyang magtanong pa ako tungkol doon.
Patay malisya man si Alex kanina, pero si Laurenz halatang hindi niya nagustuhan ang nakita niya, oo hindi rin naman sila close ni Kenzo, pero mataas ang respeto niya doon sa tao.
Nagmemeryenda halos ang lahat habang iniintay namin sila Maxene.
Nagulat na lang ako nang abutan ako ni Kenzo ng beer.
"Salamat." I humbly tell him.
He smiled awkwardly as if he's guilty of something, I couldn't help asking him, "Anong nangyari kanina?"
"Wala, nainis ko ata si Maxie, ganun naman iyon kapag may hindi kami pinagkakasunduan." His answer is in the gray area. "I may have overstepped." He says with a little ray of bitterness in his eyes.
I don't know why but his answers don't satisfy my curiosity, but then again. I tried asking. I look away as I notice him drinking his beer and I drink mine.
"Don't ever give up on her, Travis." He says almost like giving me something, "Matigas ang ulo ni Maxene, ayaw na ayaw niyang pinapakialaman at pinapangunahan siya sa mga desisyon niya."
I know that for sure. Iyon ata ang common ground namin.
But then again, what made him tell me those facts? Sa tingin ba niya hindi ko ganun lubos na kilala si Maxene?
"If you can't access the main door, you have to find your way in, just for you to know what's in her mind. Kahit pa basagin mo ang bintana o maghukay ka para lang makapasok sa isipan niya, basta huwag na huwag mo siyang susukuan."
"Ano ba talaga ang gusto mong sabihin sa akin?" I look at him seriously as I see him looking at his can of beer.
Halatang may gumugulo sa kanya, pero hindi niya alam kung ipapaalam ba niya sa akin o hindi.
"That's just a friendly advice," he says casually and he sighs, "Ika nga ng Mommy niya, isa siyang tupa na kapag naligaw ng landas, ikakapahamak niya iyon."
Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong isipin. May patutunguhan ba ang pag-uusap namin na ito?
"She clearly told me to know my place." His voice is insecure, "Kaya hanggang payo lang ang maibibigay ko sa iyo. Dahil kahit pa pinagsalitaan niya ako, hindi ko maiwasan na magmalasakit sa kanya."
Hindi ko maiwasan maalala sa mukhang ipinapakita ni Kenzo sa akin ang dating ako, noong si Monique pa ang babae sa buhay ko.
Alam ko ang lugar ko sa pagitan namin noon ni Monique at hanggang maaari, ayokong lumagpas doon dahil alam kong si Laurenz ang gusto niya at kahit na hindi siya sa akin nakatingin noon, kahit anong gawin niya, sobra pa rin akong nagmamalasakit sa kanya, dahil sa paraang iyon, kahit pa paano, maipaparamdam ko sa kanya kung gaano siya kahalaga sa akin.
And I was right all these time, Kenzo still loves Maxene.
I can't take that away from him but I respect him for being casual around me.
"I'll do what I can do for her." I tell him as I acknowledge his advice looking away. I'll do everything for her.
"I was wrong about you though," he candidly admitted, "But I'm glad that she's with someone like you."
Hindi ko alam kung bakit ikinatuwa kong marinig iyon mula sa ex niya.
"I get that a lot." I answered as we toast.
"Funny twist is," Muli niyang banat, "Kapatid mo pala si Laurenz Mendez."
I just shrugged and saw him looking at me amusingly, "Now I can see the similarity."
"Compliment ba iyan?" Tinaasan ko siya ng kilay at natawa naman siya. "Mas matino naman ako kaysa doon kay Lance."
"Parehas lang kayong may sayad." Iling-iling niyang sambit, naalala ko rin tuloy bigla ang nangyari sa kapatid niya.
"I heard what happened to your brother though," I said apologetically, "I'm sorry."
"Kahit saglit ko lang nakasama si Ichirro, masaya ako. Kahit pa hindi ko na rin naabutan ang tatay ko, sapat nang minsang dumaan si Ichirro sa buhay ko at wala akong pinagsisisihan sa mga desisyon na ginawa ko nitong nakaraang taon."
I know he's just saving some of his pride, but I know he regretted one thing: He regretted leaving Maxene.
"Kung iniisip mong nagsisisi ako na naghiwalay kami ni Maxie," He paused as I look at him, shaking his head, "Sa totoo lang oo, pero unti-unti natatanggap ko na iyon."
He's this honest. I'll give him that.
"Masaya ako na nakikita siyang masaya ngayon, kahit pa sobra ko siyang nasaktan, masaya ako dahil sa oras ng kadiliman sa buhay niya, nandyan ka para sa kanya." He paused but he's not done, "Kaya sana, huwag na huwag mo siyang bitawan, kahit ano pa ang mangyari."
"Salamat Kenzo." Tanging sagot ko sa kanya.
Kung siguro mas kinilala ko pa siya dati, baka naging magkaibigan kami.
Nagulat na lang ako nang biglang may yumakap sa magkabilang balikat ko.
"Pinag-uusapan niyo ba ako?" I feel her weight on my shoulder as I shake my head. I notice Kenzo drinking his beer straight sitting beside me.
"Hoy Ken," May inis pa rin sa boses niya, "Gusto mo ba ng strike three? Kapag strike three, FO na tayo agad." There's this humor in her voice but I can feel she's a little anxious.
"Alam mong ayoko ng away Maxie, kaya aalis na ako." Casual niyang sagot, pinagpag ang shorts niya at naglakad ng palayo sa amin.
Agad naman akong nilapitan ni Maxene at tinignan sa mata.
"What did he tell you?" She asks, "Did he said anything stupid?" Ano bang ikinakabahala niya? Para namang sa tono niya, wala siyang tiwala kay Kenzo.
"Masama bang mag usap kami ng ex mo?" I chuckled, seeing her like an annoyed child.
"May masabi lang iyon si Ken, kung ano man ang sinabi niya, huwag kang maniniwala doon." Her voice sounded a little defensive.
"Akala ko ba make friends." I tell her, "Here I am doing my part, aren't you happy?"
Her face softens.
"Of course I do. I'm proud of you." She kissed me, "You have to tell me everything, simula kay Laurenz." She says with excitement and glee.
"Lahat naman sinasabi ko sa iyo," panimula ko, "Lahat naman alam mo, pero ikaw..." I tilted my head as I see that my words frets her.
"In time, I will tell you everything." She says with a half smile, "Will you trust me?"
"So, may tinatago ka nga sa akin?" Taas kilay kong tanong sa kanya. Ito ba ang binabalak sabihin sa akin ni Kenzo kanina?
"I will tell you soon, just not now." She holds my hand tightly, "Now, I just want to hear you trust me."
Hindi ko alam kung maiinis ako o matutuwa dahil may parte sa kanya na sasabihin naman niya, pero hindi pa ito ang tamang panahon.
Then I remembered him telling me: matigas ang ulo ni Maxene, ayaw na ayaw niyang pinapakialaman at pinapangunahan siya sa mga desisyon niya.
I blinked as I answered her, "All my life." I smile everytime I see that ring on her finger. I kissed her hand, "I trust you all my life Maxene."
She smiled sheepishly as she closed the gap between our foreheads, "I love you, mine."
I brush my thumb on her face, "Always, mine."
"Tama na nga iyan, kabitter kayo sa mga taong single!" Panunuksong sigaw ni Stephanie, "Mag-iimpake na kayo at uuwi na rin tayo, para hindi din tayo abutin ng gabi sa daan."
Maxene shakes her head and helps me stand but with my surprise she pulls me close to her as she takes a picture of us together feeling her lips on my cheek.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top