Chapter 59 : Camping Trip Day 1
T R A V I S
Kahit naman sabi ko na dalhin na lang namin yung kotse para may privacy kami at kung may ilang gamit na hindi naman kakasaya sa ten seater van na nirentahan ni Alex, pinilit pa rin ni Maxene na makisama kami sa mga kaibigan niya.
Halos kumpleto sila, na nayaya nila Stephanie at Martin, nagawa pa nga nilang isama si Kenzo. Wala naman akong masabi dahil kung tutuusin sila-sila naman ang naging magkaibigan noong high school.
Sadyang ang liit lang talaga ng mundo.
Siyempre sa driver seat ay si Alex, I didn't expect him to drive a four wheel vehicle, noong high school kasi madalas siyang naka motor. Nabanggit na rin naman ni Maxene na may SUV si Alex noong nagkayayaang mag-get together sila. Katabi ni Alex yung tahimik na si Kathleen.
Nasa first row sila Laurenz, Sarah, si Ronnie; yung kapatid ni Sarah at si Martin na nasa malapit sa may pintuan.
Nagawa pa ngang pakiusapan ni Sarah si Lance na makipagpalit kasi gusto niya sa may tabi ng bintana maupo, pero dakilang alaskador naman talaga ang taong iyon at gustong-gusto inaasar si Sarah kaya yung kapatid ni Sarah ang pinaupo niya malapit sa bintana.
Napangiti ako, close pala talaga siya doon sa kapatid ni Sarah.
Si Martin naman yakap-yakap yung braso ng bestfriend niya habang may nakapatong na neck pillow.
Sa likuran ni Martin, andun naman si Abby, ang nag-iisang foreigner sa amin, agaw pansin kasi siya lang ang blonde, maliit siya compared sa ilang German teenagers na nakilala ko sa Europe dati, mas matangkad pa nga si Martin sa kanya. Sa totoo lang, hindi ko siya gaano napapansin dati sa school, to think na minsan ko nang narinig na nakaalitan niya yung grupo nila Adrianna dati.
Mula sa kaliwa ni Abby, katabi niya si Stephanie at si Kenzo na magkatabing natutulog ngayon sa biyahe. Narinig ko rin kay Maxene na sila Martin at Kenzo ang naghanda ng mga kakainin namin sa camp.
Pinreserve din ni Maxene yung regalo niyang cake para kay Laurenz kaya sa pinakalikuran kami umupo para daw maitago niya yung surprise cake ni Lance... ayaw niyang nasisira ang surprise niya lalo na at talaga namang pinagpuyatan niya ayusin iyon. Ginawa pa nga niyang picturan iyon at sinend sa group message nila. Kahit nga hindi ako kasali, isinali pa rin niya ako kahit wala naman akong masabi sa kanila.
Hindi ko naman kasi sila close talaga.
Tapos bigla pa niyang niyaya lumabas si Sarah para bumili lang ng swimsuit matapos niyang ayusin yung cake. Sinamahan ko na rin siya, kasi mamaya niyan mapano pa siya.
Hindi pa nga namin inaasahan na makikita si Stephanie kahapon sa mall, ang awkward pa kasi nasaksihan namin yung pakikipaghiwalay sa kanya nung boyfriend niya. Pero nang makita naman namin siya, parang wala lang sa kanya, kahit na sobrang nag-aalala sa kanya si Sarah. Narinig ko pa mula kay Maxene na pang-limang boyfriend na ni Stephanie iyon simulang mag-college siya.
I'm really flattered getting to know these people who I really haven't connected with in the past thru Maxene, though, for some reason, I really can't find anything to engage a conversation with them.
But who knows what will be the outcome, I'll just give it a try, like what Maxene advises me to do.
Mababait naman sila, come to think of it their friendship is more solid than what I had with the boys, kaya ang swerte rin ni Laurenz at nagkaroon siya ng ganitong mga kaibigan.
I just don't know if I'll fit in here or if I have a place here.
Buong byahe ata nakatulog si Maxene at pinabayaan ko lang siya matulog sa hita ko para naman maayos siyang makahiga, yung mga bagahe namin nasa ilalim ng upuan namin, yung iba nasa first row, pwera sa pagkain na katabi ni Kenzo at ni Stephanie.
Nakarating kami sa destination namin mga gabi na dahil sa traffic at ilang stop-overs. Muntikan pa kaming maligaw buti na lang at kahit pa paano, pamilyar rin naman ako sa lugar na pupuntahan namin.
Sana kasi dinala ko na lang yung kotse para kung sakali man edi convoy kami.
Tulong-tulong naman ang lahat sa pag-aasikaso ng mga dalahin at nag-rent sila ng isang bahay na kumpleto sa amenities at may dalawang malaking kwarto para daw saktong magkahiwalay ang boys sa girls.
Hindi ko alam kung bakit hindi ako komportable sa ideya, hindi ako sanay na maraming tao sa isang kwarto. Sana nga may iba pang kwarto kahit magsolo ako doon ayos lang, hindi lang talaga ako komportable.
Kung hindi kaya ng budget, edi kukuha na lang ako ng kwarto sa pinakamalapit na hotel dito, pero ng tingnan ko si Maxene, kahit wala akong sabihin, umiling siya bago ko man masabi sa kanya yung sana ay plano ko.
Tsk, masama bang gusto kong mag solo sa kwarto? Ayaw ba niya nun, edi pwede kaming magtabi?
Ang KJ ko naman kung ganun. Napabuntong hininga na lang ako sa naisip ko para sa amin.
Since hindi ko naman alam kung ano ang itutulong ko sa kanila, dahil halos lahat sila may dala-dala pwera lang sa mga bagahe nila, dumarecho na ako sa kwarto kung saan ko nakitang dumarecho si Alex at sabay higa sa pinakamalapit na kamang mahigaan niya.
Halatang pagod na pagod siya, eh ilang oras ka ba namang magmaneho, hindi ba?
Napatingin ako sa kama...
Narra na double deck pa nga ang kama namin. Bata pa ako noong nakakita ako ng double deck na kama, hindi ko alam kung saan ko ilalagay yung gamit ko dahil malay ko ba kung saan gusto pumwesto nung iba.
Nakita kong pumasok din agad si Ronnie, "Hello kuya," I gave him a friendly smile, "Saan mo balak pumwesto?"
"Kahit saan na lang." Kahit na sa totoo lang hindi ko pa alam kung saan ako pwepwesto.
"Mas presko sa top bed." Sambit ng bata at kinuha ang pwesto sa sumunod na kama ni Alex. Napatingin ako sa taas ng top bed, sige doon na lang ako pwepwesto.
Umakyat ako at natuwa naman ako at maayos at maganda ang beddings dito.
Inayos ko ang gamit ko pero agad iyon kinuha ni Martin, "Alam mo kaya may cabinet, doon inilalagay ang bags at iba pang gamit, wala namang mawawala sayo, private 'tong nakuha nating lugar."
Nginitian ko siyang tiningnan habang tinitingnan kung paano niya ayusin yung gamit niya sa isa sa cabinet na katabi ng pintuan ng kwarto. Ginaya ko na lang din siya. Ganun din naman ang ginawa ni Ronnie bago siya pumili ng kama niya.
"Labas ka na rin Travis, ha. Naghahain na sila doon." Pagyaya ni Martin, "Oniitan, labas na rin ha." Tingin niya kay Ronnie na naglalaro ng game boy.
Palabas na sana ako pero napansin ko si Alex, "Eh paano siya?" Tanong ko kay Martin.
"Pagpahingahin mo na muna, mamaya magugutom din yan." Sambit niya at lumabas na kaagad.
Paglabas ko agad naman ako sinalubong ni Max na malawak pa sa karagatan ang ngiti sa akin at hinila para tumabi sa kanya.
Naglalambing na naman siya.
"Tamis-tamis naman talaga..." Kumento ni Stephanie.
Maxene just hissed at her, her blush is almost obvious. I brushed her hand under the table.
"Bestie, tabi tayo." Paglalambing na naman ni Maxene kay Sarah at sinunod naman niya ang pakiusap ni Maxene sa kanya.
Tch, hindi mapaghiwalay eh.
"Pasalamat ka hindi ako selosa." Muling tukso ni Stephanie, this time kay Sarah naman.
"Sus, totoo ba?" Panunukso sa kanya ni Martin, "Yung totoo Teppy?"
"Hindi ako nagseselos sa kaibigan, noh. Umayos ka nga Mart!" Sagot sa kanya ni Stephanie, napatingin naman si Martin sa gawi ni Kathleen na katabi si Abby na nagsisimula ng kumain.
"Oops, excuse me, mainit po." Umilag si Maxene para magbigay daan kay Kenzo. Ipinatong niya ang bagong lutong ulam.
Bigla na namang nagshine ang mata ni Maxene at ganun din si Sarah.
"Ken, Afritada?" Tanong ni Sarah sa kanya. Umiling naman si Kenzo na nakangiti.
"Ah, alam ko yan," Si Stephanie, "Menudo!"
"Try again Ms. David." Natatawang hirit niya.
Tumayo si Maxene at inamoy iyon, "Mechado." She looks confident, but he laughed at her, "Huwag kang scam Ken, akala ko ba ayaw mo ng scam."
"Tanga kaldereta iyan," Sagot ni Laurenz na umiling sa mga tao sa paligid niya, "Palibhasa puro kayo kain lang."
Kahit kailan talaga Lance. Wala kang pinipili.
"Bunganga mo Mendez! For fun lang naman iyon, palibhasa masyado kang seryoso." Muling hirit ni Stephanie, "To be honest, alam ko namang kaldereta yun Kenzo."
"Sige, kunwari maniniwala ako." Banat pabalik ni Kenzo kay Stephanie at bigla naman siyang hinampas ni Maxene.
Kunuha ni Abby yung buong kaldero at sumalin ng ulam sa plato niya, "I'm damn starving and you clowns were just discussing nonsense."
Malakas din siyang kumain? Yung totoo, saan niya nilalagay yung kinakain niya eh ang liit-liit ng katawan niya?
Si Kathleen lang ata ang tunay na babae dito. Si Stephanie, parang lalaki rin kung kumain, naka taas ang isang paa sa upuan, buti na lang maayos ang pagkakaupo ni Maxene kahit na sa bahay ganyan din siya kung maupo.
On the second thought, parehas sila ni Sarah na naka-indian sit.
Natawa na lang ako sa utak ko.
"Hoy biik, nasaan yung kapatid mo?" Pambungad ni Laurenz kay Sarah, "Nauna ka pang kumain diyan, hanapin mo nga yun!"
"Suus, namiss mo naman kami kaagad," Kararating lang ni Martin na kasama si Ronnie.
"Asa unggoy." Pabalang ngunit mahinahon niyang hirit kay Martin.
Hmmm, odd. Bakit bigla siyang huminahon?
Biglang natawa si Stephanie na para bang nakarinig siya ng joke, "Yung unggoy natin nagpapahinga sa kwarto..." Tiningnan niya si Kathleen, "Pagtirhan mo ng pagkain yung unggoy na iyon ah?"
Tumayo si Kathleen, pilit na nginitian si Stephanie at nauna na sa amin.
"Hey Kathy, bakit mo naman inimis kaagad, mamaya kami dito hindi na mag-asawa niyan." Tukso sa kanya ni Martin pero deadma lang siya na para bang may sarili siyang mundo.
Matapos ng hapunan namin, naglinis na muna kami at nagpalit ng mas malinis na damit para sa pagtulog, sinadya kong magpahuli dahil hindi rin naman ako nagmamadali, lalo na at hindi rin ako sanay na matulog na maraming kasamang tao sa isang kwarto, pero si Laurenz parang sanay na sanay nang kasama yung mga kaibigan niya kaya at ease siya.
Hindi ko naman inaasahan na maabutan sa kusina si Kenzo, na hindi ko alam, inaayos ata yung kakainin bukas. Naramdaman ko na lang na biglang umakbay sa balikat ko si Alex, "Ano, gutom ka ba ulit?" Mukhang bagong gising siya.
I shake my head with a small smile as he lets me go.
"Ken-ken, ano ulam bukas?" Derecho niyang lapit kay Kenzo at kumuha ako ng maligamgam na tubig at sumandal sa pader. "Balita ko ikaw ang nagluto ngayon ah, akala ko pa man din si Mart."
"Tumulong naman si Martin, niluto niya yung adobo, pero nag request kasi si Maxie ng something spicy, kaya yung isang kilong adobo, hinati ni Martin, gusto rin pala nila Stephanie ng spicy, edi sana nagluto ako ng bicol express."
"Eh gata naman iyon pre, maselan." Kumento ni Alex.
Ngumisi naman si Kenzo sa kanya, "Maselan nga, pero kung gagamit ka ng powder, mas makakatipid ka, hindi ba?"
Biglang may humawak sa braso ko, "Anong pinag-uusapan ninyo dito?"
I smiled, it's her.
She looks at me like a curious child, "Ulam para bukas." Matipid kong sagot at nginitian naman niya ako.
"Akala namin matutulog na kayo," Bati sa kanya ni Alex, "Bakit gising ka pa Max?"
"Hinahanap ko kasi yung sampaloc, bigla akong nag-crave, pero kasi yung sampaloc ni Sarah maasim, gusto ko yung maanghang, kaya lang inagaw sa akin ni Stephanie yung sampaloc ko." Tingnan mo 'to, parang batang nagmamaktol na naman.
"Just share it with her then, hindi naman siya ibang tao." Natatawang kumento ni Kenzo sa kanya, "Kailan ka pa nagdamot sa pagkain?"
She pouted and looks at me. Parang siyang batang naghahanap ng kakampi.
"Hey Max," Bati sa kanya ni Stephanie, "Ito naman, sorry na, huwag ka na magtampo."
"Hala ka Teppy, anong ginawa mo?" Hirit sa kanya ni Alex na nakakaloko, "Minsan na nga lang natin makasama sila Max, nambubully ka pa."
"Hindi naman ganun." Depensa ni Maxene para kay Stephanie.
"Eh, oh, ito na." Inabot sa kanya ni Stephanie yung container, "Kumuha lang naman ako ng isa, sorry na."
Something is really odd with her, hindi naman siya ganito dati pero ang cute niyang pagmasdan magtampo kahit sa mga kaibigan niya. She looks so comfortable around them.
"Hindi naman ako nagtatampo noh," Her voice sounds in denial as she scratches her head, "Ah basta, itutulog ko na nga lang ito." Maxene uttered as I noticed Stephanie tilting her head observing her reaction.
"Ang weird mo na Maxie." Muling banat ni Kenzo na napapailing at natatawa.
"Hay nako, ewan sa inyo." That's her pissed off tone. I took her arm and handed her a sealed container.
"Bukas mo kainin, nag toothbrush ka na hindi ba?" I reminded her and see her nodded at me. "Just keep that, hindi pa bukas yan, kaya wag ka na magmaktol diyan."
She took the container from me smiling widely. "Okie. Thank you!"
Good mood na siya ulit at niyaya niya si Stephanie na bumalik sa kwarto nila kahit na sa mukha ni Stephanie, naguguluhan pa rin siya sa mood swings ni Maxene.
"Ganyan ba si Max?" Curious na tanong ni Alex, "Moody masyado?"
"Ganun naman ang mga babae, hormonal." Tanging sagot ko at napansin kong hindi kumbinsido ang mukha ni Kenzo sa naging sagot ko.
"Sa bagay si Teppy nga sobrang suplada, highschool pa lang, mainit na ang dugo nun sa akin." Natatawang sambit ni Alex at napabuntong hininga, "Well, girls," he shrugs looking back at Kenzo, "They have their own charms, aren't they?" Nag-agree na lang siya sa sinabi ni Alex.
Maybe I'm just imagining things again, besides, hindi ko naman siya ganoon kakilala.
Nauna na ako sa kanilang dalawa dahil na rin sa late na kakain si Alex dahil nga sa nakatulog siya kaninang hapunan. Matapos kong makapagpalit ng damit at pumasok sa kwarto, laking gulat ko na lang kung saan nakapwesto si Laurenz.
Tulog na naman siya at naka-earphone, pero alam ba niya na ako ang nakapwesto sa top bed?
Pinabayaan ko na nga lang at dumarecho na rin kaagad. Makatulog na nga lang.
I DON'T KNOW what time it is but I'm still sleepy.
"Hey, Hayes..."
May umaalog sa akin, pamilyar naman yung boses, pero inaantok pa kasi ako talaga.
"Travis, gising na, umaga na oh..." Her voice is insisting, "The whole gang is waiting for the sun to rise, dali na."
Dahil sa hindi ako nag react, umakyat siya sa top bed at inalog alog ako.
Ang kulit ng babaeng ito talaga.
"Gising na...dali na..." Malambing niyang sambit. "Dali na naman oh..."
I couldn't help to smile, yung naiinis siya, pero dahil sa akala niyang tulog pa ako, nag-aalangan siya kung lalakasan niya ang boses niya o bubulungan ako.
I hear her sighed, "Baka nga tulog pa. Lalim ng tulog eh." I felt her closer as she plants a soft kiss on my cheek. I pulled her close to me.
Wala pa namang araw, kung tutuusin madilim-dilim pa nga pero may konting liwanag na rin na nanggaling sa labas.
"Hey, kapag may nakakita sa atin dito--"
"Five minutes." I tell her. "Let's be like this for five minutes." I put my face on her chest as I inhaled her scent.
She brushes my hair as I took her hand. I meet her eyes and see her smile at me.
Tumagilid ako kaya magkaharapan na kami ngayon.
"Inaantok ka pa ba?" Her voice sounds considerate.
"I just wanted us like this for a while." I tell her, "Mamaya kasi kasama mo na naman yung mga kaibigan mo."
She giggled, "You're also their friend, you know?" She uttered as she closed the gap between our foreheads.
I'm not sure why I'm not confident from what I heard, but I am trying. It's just everything is new to me.
I closed my eyes. I don't want to disappoint her and suddenly I feel her hand on my cheeks. "I am here with you."
Those words are enough for me to seal away these uncertainties.
I traced my fingers on her face, on her neck, until my hand lands on her heart. I feel it beating in sync with mine and slowly I take her into my arms and take her sweet lips. She allowed me to deepen the kiss but before the mood between us carried us away, I heard the bedroom door opening and I cut the kiss hiding her under the sheets.
"Hay, akala ko ba pinuntahan ni Maxene si Travis?" Boses ni Martin.
I look at Maxene and see her biting her lip from frustration or from embarrassment. I put my index finger on my mouth telling her not to make a sound and see her rolling her eyes at me.
Naiinis na naman siya.
"Hanapin na lang natin, mamaya kung saan na iyon nagpunta." With my surprise, that's Kenzo's voice.
Maxene covers her face, I'm convinced that she's embarrassed right now.
"Eh so paano, gigisingin ba natin si Travis?" Nag-aalangan na boses ni Martin.
"Eh bakit kasi hindi pa siya ginising kanina ni Laurenz?" Curious na tanong ni Kenzo kay Martin, "To think na nagpahuli rin siya kanina, akala ko pa man din siya nag gigising sa kuya niya."
So alam na rin pala niya.
Nagpahuli si Laurenz kanina?
"Hay nako, bahala na nga." Boses ulit ni Martin at rinig ko ang ilang yapak niya at inalog ako, "Dude, gising na, mag-aalmusal na rin tayo."
Maxene hides her face on my chest, kunwaring nag-unat ako at binati si Martin na para akong bagong gising.
"I'll be up, five minutes." I tell him as I pretend to adjust my eyes.
"Okay sige, hindi ka ba pinuntahan ni Max, dito?"
I feel her hit me, "No." I answered Martin. "I just woke up."
"Okay sige, basta ha, labas ka na after." Paalala niya at umalis na rin kasama si Kenzo. Nakita kong sinarado na ni Martin yung pintuan kaya binalikan ko na ng tingin si Maxene na ngayon ay mangiyak ngiyak sa sobrang hiya.
Hinampas niya ang braso ko, "Ikaw, ikaw, ikaw kasi, kita mo, muntikan na tayong mahuli, muntikan na!"
Cute.
"Hindi naman nila nahalata." I teased her. "Hindi naman sumilip si Martin sa top bed, inalog niya lang yung balikat ko."
"Ewan sa iyo. Kainis ka talaga Hayes!" Naiinis na naman siya at akmang babangon na naman siya hiniga ko ulit siya. "FYI, tapos na ang five minutes, huwag kang scam. Kainis!"
"I love you..." Those three words changes her mood in a second. I kissed her cheek, "Ako na muna ang bababa, mamaya ka na sumunod, para hindi ka halata." I chuckled.
"What's funny?" Her voice is still pissed.
"Wala, ang aga-aga kasi tapos ginagapangan mo ako."
Muli na naman niya akong hinampas at pinandilatan ng mata, "Eh ikaw 'tong-"
"Shhh..." I pressed my index finger on her mouth, "Kapag narinig ka nila, mahuhuli kang guilty." I chuckled and she looks uneasy.
I clicked my tongue as I wave my index finger in front of her, "Well, not unless they knew that you're this--"
She looked away puffing her face, "I'm not like this around anyone...kahit kay Ken, hindi ako ganito..." Her voice is awkward and pouted, "Sa'yo lang." She says almost in a whisper.
How can I keep on teasing her like this?
I cupped her face and made her face me again. This face of hers is damn precious to me, it's so priceless that I want to keep this face to myself. I kissed her temple and helped myself up.
Bumaba na rin ako mula sa top bed.
"I'll see you later, Mine." I tell her and fix myself approaching the door, I look back at her and smile leaving the room.
Hinanap ni Sarah sa akin si Maxene, pero nagdahilan na lang ako na hindi ko siya nakita, hindi rin naman nagtagal at nilapitan na rin ni Maxene ang mga kaibigan niya, naka jacket siya, halatang malamig kasi pasikat pa lang ang araw.
From the shore we see the sun rise across the ocean. I feel Maxene's hand locking with mine as she puts her head on my shoulder.
Nang tumaas na ng konti ang araw, nag-suggest si Stephanie na mag group picture kaming lahat at camera ni Maxene ang ginamit nila. Nabanggit rin naman niya sa akin na niregalo iyon sa kanya ni Kenzo.
Kung tutuusin wala namang problema sa akin, lalo na at alam ko naman kung gaano siya ka-sentimental sa gamit na ibinibigay sa kanya. Maybe she's still thinking how she'll make up with me.
Ngayon kahit hindi ko tanungin, sinasabi na niya bago pa man ako ma-curious.
Mas okay na kami na ganito.
Nagsabay-sabay kaming mag-agahan lahat. Kahit pa paano nakakasali na ako sa mga nagiging kwentuhan nila, salamat na lang din siguro sa pagiging welcoming ni Alex at Martin.
Si Stephanie casual lang naman kausap, ganun din si Sarah na laging kasama yung kapatid niya, si Abby kung hindi ka niya trip kausapin, hindi ka naman niya kakausapin, ayos lang naman iyon kasi hindi naman ako mapilit. Si Kathleen, tahimik lang talaga, pero kahit pa paano nangiti naman siya. Si Kenzo naman ayos lang din na kausap kahit pa paano, si Laurenz naman, alam kong nangangapa pa siya.
Tulad ko hindi ko, mukhang hindi niya rin alam kung paano kami makakapag-usap ng maayos and knowing him, he will surely not take the first move, unless it's required or someone pushes him to do so.
Maraming naging activities na kasama sila and I have to admit, it is fun being with them.
Mula sa snorkeling, kayaking, banana boat kung saan lahat ng nakasakay doon ay nahulog.
Tapos sa parasailing naman talagang pinagtripan nila si Laurenz na sumakay kasi alam nilang may takot siya sa heights. Pero napilit din naman nila dahil pina-una na nilang pasakayin si Sarah doon kaya talaga namang wala na siyang takas.
Iba talaga kapag kilala ka na ng mga kaibigan mo.
I'm just happy for him.
Ngayon at nag break kami sa activities, kakatapos lang din namin mag-lunch.
Nakikita ko silang naglalaro sa may beach ngayon. My eyes automatically see her wearing that one piece backless swimsuit. Her hair is tied up into a knot, siya rin siguro ang nag-ayos sa buhok ng bestfriend niya kasi parehas sila ng ipit, though si Sarah double bun ang ayos ng buhok niya.
Si Abby naman naka twintail braid, si Stephanie nakapony tail lang at si Kathleen nasa kabilang beach chair na nagbabasa ng libro.
Nagkayayaan ulit na magswimming at napilit ni Martin si Kathleen sumama sa kanya habang ako naman ang niyaya ni Alex, pero nagdahilan ako na susunod ako maya maya ng konti, pero sa totoo lang ang presko kasi, at ang aliwalas ng paligid tsaka kahit pa paano naman nakalangoy na ako kanina.
Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakaidlip pero bigla na lang akong naalipungatan nang may umupo sa tabi ko, "Sorry, did I wake you up?"
I shake my head and hold her hand. She's now wearing her cardigan hiding her swimsuit, palubog na ang araw.
"Are you okay?" She asked me and I nodded. She made a skeptical face, she's still worrying about me getting along. I sit up and put my head on her shoulder.
"I'm just a little tired." I tell her, "But I really enjoyed today." Ayoko naman sabihin niyang KJ ako.
She sighs looking at the sunset and giggles suddenly as if she's remembering something in her head.
"What is it?"I asked her.
"Let's take a picture." She says biting her lip containing her smile.
Pumayag naman ako at nang magpicture kaming dalawa, pinakita niya sa akin yung litrato na kinuha niya gamit ang cellphone niya.
What the fuck!
I looked at her in disbelief shaking my head. "Totoo ba ito?"
"Kamukha mo na si nanay, lalo na kapag naka-make up." Now she's laughing at me.
I wiped my lips and there's this lipstick on my lips! Sinong baliw na nag-make up sa akin?
Hinubad ko yung shirt ko at pinunasan ang mukha ko, kainis!
"Where are you going? Hey!"
Bahala nga siya, ilang oras ganun ang hitsura ko? Siya ba ang nag make up sa akin? Nakakainis talaga! Tapos mamaya may iba pang nakakita.
Dumerecho ako sa beach para maghilamos, nakakainis naman talaga!
Nakakahiya.
I see her through my peripheral vision, still hearing her laughing at me.
"Hey Hayes." Her round eyes looking at mine, I swimmed away. Bahala nga siya diyan. Badtrip! She could have told me earlier.
She embraced me from behind.
"Anong trip mo?" Hindi ko maitago ang inis ko.
She put her hands on my shoulders observing my reaction, "Hey, for your info, hindi ako ang nag makeup sa iyo." She said with pride, "Though, I let them use my makeup."
"What the fuck Max, sinong baliw ang gumawa sa akin noon?"
"Hey, chill lang." Her face looks a little worried, "It's just a prank." Her voice feels a little guilty.
I sighed. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman, pero mas lamang ang hiya. Hindi ko alam hiyang hiya ako.
As much as possible I don't want any of these people to see this side of me, they barely even know me and in the first place, I really don't belong here.
I am trying to get along, but still... I can't just let my guard down...
She touched my face, "I'm sorry if the prank is too much for you," She paused, "Ginawa lang nila iyon hindi para pagtawanan ka," she starts to explain, "They want you to at least open up to them and pranking you is just their way..." She shrugs and fixes my hair, "Masyado ka raw kasing stiff."
"Maxene..."
"With these people, you don't need to put up your mask," She says as if she just read my thoughts, "You don't need to pretend to be someone you're not... Lalo na ngayon, they acknowledged you to how I see you."
I really can't sort out my feelings right, maybe because I am stuck with that image of me from years ago where these people still hate me.
When he still hates me.
She pressed herself towards me, "Niyaya ka nila mag swimming kanina, nag dahilan ka pa." She puffed her face, "A bridge couldn't be built by only just one person, you have to meet them halfway."
I nodded with a small smile, "You're being too hard on yourself again, aren't you?" Her voice teases me.
"I concede this argument," I tell her, "You just have all the facts in front of me." I embraced her as I took her lips. She cuts our kiss as she embraces me tightly, "What would I do without you?"
I hear her giggled, "Tara na, inaayos nila yung karaoke sa bahay, nagrent si Alex, tapos they have some drinks there too."
Naligo muna ako ulit at nagsuot ng malinis na damit, pagkalabas ko, nasa living room silang lahat at napindot na sila ng kakantahin sa karaoke.
Pagpasok ni Laurenz na galing sa labas kasama sila Alex at Abby, biglang tumugtog yung karaoke at si Martin yung may hawak ng mic.
"Handa, awit!" Sambit ni Martin ng sinalubong nila Maxene at Sarah si Lance.
"Gurang na si Mendez," Napatingin ang lahat sa gawi ni Martin at natawa si Stephanie sa pagbabago ni Martin ng lyrics sa kanta ng Happy Birthday. "Mahal naming Laurenz... Matanda kang pikuning bata... Bawal sumimangot... YAAAY!"
Natawa na halos ang lahat sa paligid niya at kita naman sa tenga niya na namumula na naman ito sa inis, "Gago ka Martin, hayop!"
"Aray naman, inayos ko yung kanta, effort iyon." Banat ni Martin na hawak pa rin ang mic.
"Blow the candle na." Sabi ni Sarah sa kanya pero bago niya gawin, pinigilan siya ni Maxene.
"Wish ka muna. Dali."
"Tch, hindi na ako bata." Yamot niyang sagot.
"Dali na!" Pangungulit sa kanya ni Maxene.
A firm line forms on his lips as he closes his eyes for a while and blows the candle.
"Happy bornday Lance!" Muling hirit ni Martin.
"Bitawan mo yung mic, irita yung boses mo!" Inis na utos niya sa kaibigan.
"Ano namang wish mo?" Intriga sa kanya ni Stephanie.
"Wala, wala akong wish." Pag-iwas niya, "Kumain na lang tayo." Tiningnan niya si Sarah, "Anong ba ang trip niyo at may pa-ganito pa?" He rolls his eyes, "Hindi na tayo high school, mga bata pa rin kayo mag-isip."
"Ay sus naman, so hindi ka masaya?" Inakbayan siya ni Alex, "Minsan na nga lang tayo mabuo, tapos nagsusuplado ka pa rin."
"Pinagsasasabi mo? Tch!" Inis niyang tulak kay Alex.
He's just not that honest with his feelings. Pero sa mga mata niya, alam kong natutuwa siya sa pinakitang effort sa kanya ng mga kaibigan niya, lalo na ni Sarah.
Kumain kami at nag karaoke hanggang sa mapagod silang lahat, si Maxene hindi uminom at wala siyang ginawa kundi ang papakin yung pulutan kaya yung mga kasama niya, sila agad yung nalasing. Ang takaw na naman niya. Napapailing na lang ako sa pagsabotahe niya sa mga kaibigan niya habang tinatawanan niya ang mga tao sa paligid niya na malasing.
Nang dumaretcho na halos ang lahat sa kwarto, napansin kong wala pa si Laurenz sa pwesto niya.
Napansin ko rin na bukas pa yung front door kahit na nakapatay na lahat ng ilaw.
That's odd.
I approached the door and checked if anyone has stepped out. Hindi sa kalayuan nakita ko si Sarah at Laurenz na parang nag-uusap.
Mukhang seryoso silang nag-uusap, pero ang hindi ko inaasahan ay makitang nagtatago si Maxene na naka bonnet at naka hoodie sa palumpong.
Anong ginagawa ng babaeng iyon doon? Tch!
Maingat ko siyang nilapitan at binulungan, "Hey, what are you--"
Maxene shuts me as she listens to their conversation. Chismosang babae ito ano na naman ang trip nito?
"Lance," That is Sarah's voice with uncertainty, "After graduation..."
"Sa States na mag-aaral ng college si Ron, hindi ba?" Nakatingin siya sa malayo.
"Oo, iyon ang sabi ni Mommy, pero Lance..."
"Mas maganda kung sabay na kayong lumipad papunta doon." He speaks casually.
"Pero Lance," She held his hand, "What if kung sumama ka na lang sa amin? Tutulungan ka naman din ni Papa, plus malapit ka naman kay Mommy, kahit doon ka na lang sa states mag med school, para naman--"
Bumitaw siya sa kanya at tinignan siya, "I'll manage Sarah, don't worry."
"Laurenz..." She sighs. "Pero paano... paano na tayo..."
"Edi break."
Anong sinasabi niya? Seryoso ba siya? Ilang taon na sila tapos ganito lang siya bibitaw?
Natigilan si Sarah, "Bakit mo naman nasabi iyan?" She laughed, "Ikaw ha, joke iyan hindi ba?"
Muli siyang tiningnan ni Laurenz at natahimik silang dalawa.
"Edi hindi na lang ako pupuntang States." Her voice is stubborn.
"Sarah."
"Hindi pwedeng break Lance, huwag naman ganun." Umiyak na siya sa harapan niya. "Dito na lang ako kaya ko naman, ilang taon na rin noong umalis si Mom, nakayanan ko naman kasama si Ronnie, sasabihin ko na lang kay Mom na magpapaiwan ako."
He cages her face with both of his hands, "Kapag ginawa mo iyon, magagalit ako sa iyo."
Bakit ba ginagawa niyang komplikado ang lahat? Nakakainis, hindi ko inaasahan na ganito siya? Ano ba ang iniisip niya?
"Eh so ano, LDR?" Laurenz shakes his head, "Aside sa break, may iba pa bang reasonable option?"
"May katapusan ang lahat Sarah." Mahinahong sambit niya, "Ayokong hilahin ka pababa, kung hanggang dito lang ako."
She hits him weakly with tears on her eyes, "Ang daya mo, ang daya-daya mo. Bakit parang matagal mo ng pinag-isipan ito? Bakit ang bilis mong magdesisyon? Bakit pakiramdam ko binigyan mo tayo ng deadline?"
He says nothing but hugs her tightly, calming her down.
Pinunasan niya ang luha ng girlfriend niya, "Panda ka na ngayon." He chuckled.
"Bakit ba parang wala lang sa iyo ito?" Her voice sounds a little frustrated. "Maiintindihan ko naman kung may iba ka, may nagugustuhan ka na bang iba?" Her voice starts to sound insecure, "Pago--"
He squeezes her cheeks, "Wala sa isip ko ang magdagdag pa ng ikakasakit ng ulo ko, parang hindi mo ako kilala, mas masakit pa nga ang ulo ko sa iyo kaysa kay Ronnie." He says smiling at her playfully.
"Pero kasi Lance... hindi kita maintindihan, bakit matapos nang araw na iyon, parang nagbago ka?"
He says nothing and shrugs.
"Ano ba talaga ang dahilan Lance?"
"Let's just talk about this next time." He's dismissing this topic with her.
"Laurenz... what's your wish for your birthday?"
"Ang maging masaya ka. Ang matupad mo ang pangarap mo. Ang maging mas matatag ka pa para kay Tita, kay Ronnie, at para din sa Papa mo."
"Lance..."
"Hay nako, tigilan na nga natin ang drama, basta masaya tayo ngayon." Mangungulit pa sana si Sarah sa kanya pero halata naman kay Laurenz na iniiwasan niyang mapag-usapan nila ang isang bagay na nakapagbigay kay Sarah ng pag-aalinlangan.
"Matulog ka na, susunod rin ako kaagad." He sees her walking away from him, suddenly, she stopped pacing.
"Just tell me at least this one thing Lance," She looks back at him with a broken smile but before she could fill in the blanks from her uncertain tone, he tells her:
"I love you Sarah."
Knowing him, I know that Sarah knows that he seldom say those words. I see how her eyes shine as she smiles at him and walks away.
"Papasok na rin ako kaagad ha." Paalam sa akin ni Maxene at sinundan yung bestfriend niya. Kita sa mukha niya ang matinding pag-aalala para sa kaibigan niya.
Maybe I'll just ask her about it next time.
Yet how am I going to ask him?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top