Chapter 58 : A Day with You

M A X E N E

From the city, we drove all the way to the south and it took us a two and a half drive reaching one of the underrated tourist spots in the country.

Napakaaliwalas ang hangin dito, sa sobrang aliwalas pinagbigyan ako ni Travis buksan ang bintana ng kotse para makita yung pinaka maliit na bulkan sa bansa na nasa gitna ng lawa.

I just appreciate the beauty of nature. The place looks so peaceful and serene especially when you're sitting right next to your favorite person.

He's wearing a simple black and red checkered jacket with hoodie hiding his white v-neck shirt. His eyes are on the road, driving carefully. He looks so cool wearing his ray ban aviator glasses.

Hindi ko mapigilang titigan siya, ang lakas na ata ng tama ko sa taong ito.

He seemed to notice my amused reaction to his peripheral vision which made him smile meeting my gaze for a while. He reprimanded me not to distract him because he was driving safely so we could reach our first destination.

Natuwa ako nang dalhin niya ako sa mala-Disney na theme park dito, napakalawak ng lugar, pero bibihira lang ang nadalaw dito dahil matagal na itong abandonado dahil nabaon daw sa utang ang theme park na ito.

For some reason, I felt like I've been to this place before, but I'm not sure enough when or maybe it's just one of those childish dreams since I always wanted to have a place like this when I was young.

Ano bang masasabi ko, eh, Disney girl ako?

Just imagining living in a colorful castle makes this little girl in me so happy wearing her tiara, napakababaw ko na talaga siguro. Tapos may mala-labyrinth garden pa, which reminds me of Alice in Wonderland, tapos may tree house pa na sobrang taas, makikita mo ata ang buong lugar mula doon sa taas, naalala ko tuloy yung eksena sa Peter Pan, lalo na yung treasure hunting.

Treasure hunting.

Hindi ko alam kung bakit naalala ko na naman yung naikwento sa akin ni Pierre noong debut ko. Kahit ilang beses kong isipin iyon, hindi ko maalala ng maayos ang naging kaganapan noong na-kidnap ako na kasama siya. Besides ano ba namang maaalala ng isang limang taong gulang?

"It's been years since I last went here." Sambit ni Travis, "Buhay pa si Mama noong pumunta kami dito." He chuckled recalling that specific memory, "Hindi ko pa alam na amusement park pala ito, akala ko ordinaryong lugar lang ito."

His face looks peaceful as if he's recollecting every scene in his memory of this place.

"Ilang taon ka noon?"

"I can't remember it clearly, maybe I was eight or nine." Alanganing sagot niya sa akin.

He chuckled awkwardly closing his eyes, "Iyon kasi ang mga panahong," he pauses looking into my eyes, "Ibang pangalan ang gamit ko."

I tilted my head beside looking at him curiously, anong ibig niyang sabihin doon?

"I mean, iyon ang mga panahon na naging kaibigan ko si Laurenz. Pero hindi ko pwede sabihin sa kanya na magkapatid kami." He smiles at me and looks away. "Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya kung sino ako..."

His eyes were blank as he stare far away, "Iyon din ang panahon na natuto akong magsinungaling kay Nanay at kay Mama. " His voice almost sounds guilty.

I made him face me as I put up a smile cheering him up as we took a walk around this peaceful park.

Hindi ko man nakilala ang mama niya ng personal, pero sa kung paano ikwento sa akin ni Travis ang mama niya na sobra kung alagaan siya, sobra kung asikasuhin siya kaysa sa papa niya at sobra kung magwala sa tuwing napapahamak siya, natatawa na lang ako dahil nakikita ko halos ang naging impluwensya ng mama niya sa kanya.

Natutuwa akong marinig ang mga detalyeng ito na tungkol sa childhood niya, malungkot man ang naging ala-ala niya kasama ng biological parents niya, pero may masasayang ala-ala rin naman siya kasama ng adoptive parents niya.

Dahil na rin sa maganda ang lugar, kumuha kami ng pictures na magkasama, hindi ko alam kung naka-ilang pictures kami, pero tuwang-tuwa siyang pinagmamasdan ang pictures naming dalawa.

Nang minsan nasilip ko ang phone niya, nakita ko na naman ang iilang stolen shots niya sa akin na naka-nganga, o kaya nagkakamot ng kili-kili, nangungulangot at kung anu-anong kabalahurang itsura ko.

Sabi ko pa burahin niya iyon dahil ang pangit ko doon, pero hindi siya nagpaawat sa akin.

Kainis!

Nang makita niya akong nakasimangot, kinuhaan na naman niya ako ng picture. Bakit ba hindi na lang niya burahin yung pangit na pictures, kaya siya nauubusan ng storage sa phone eh!

Bahala nga siya diyan!

Nang matapos naming pasyalan ang buong lugar, sunod naming pupuntahan ay ang isang maliit na zoo malapit dito.

Para akong bata na tuwang-tuwa na gumala sa loob ng zoo. Naka-ilang pictures din kami doon kasama ng iilang animals at may iilang outdoor activities din kaming ginawa. Talagang nag-enjoy naman ako lalo na sa horse back riding.

Nakakainis lang kasi ayaw niya na walang mag-aalalay sa akin, kahit na ayoko dahil gusto kong matuto sumakay ng kabayo, pero in the end, wala rin akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya.

Ang daya lang niya kasi siya, walang umalalay sa kanya. Tch! Sabi niya marunong daw siya at oo nakita ko naman iyon pati nung mga caretaker ng zoo.

Edi siya na magaling!

May iilang babae pa nga na sa kanya nakatingin kasi ang cool daw niya, na parang sanay na sanay siyang mangabayo. Samantalang ako, parang batang nasa-walker, kailangan pa ng training wheels, badtrip!

Matapos namin sa zoo, dumerecho kami sa isang restaurant malapit sa susunod naming pupuntahan na amusement park, dapat masaya ako kasi amusement park ulit ang pupuntahan namin, pero hindi ko talagang mapigilang hindi mairita sa kanya.

"Kanina ka pa nakasimangot diyan." Sambit niya habang kumakain sa harapan ko.

I just hissed rolling my eyes at him.

"You didn't even allow me to take control of the damn horse." I muttered like a spoiled child.

"Have you ever learned how to ride a horse?" He asks, raising his eyebrow.

"Eh bakit ikaw, ang daya mo." I clicked my tongue, "Kung kaya mo, kaya ko rin!"

"So you're being competitive?" He crossed his arms. "Is that it?"

I hissed, "Kaya ko naman kasi iyon."

"Talaga ba?" He asks, assessing my reaction. I can tell that he is laughing at me inside his damn head from my reaction.

"Ewan sayo." Sagot ko, "Ayaw mo lang akong pagbigyan. Hindi naman na ako bata."

He shakes his head in disbelief. "But that's your first time riding one, right?"

Paano ba ako sasagot sa taong ito na hindi ako mapapahiya?

"Lahat ng first timers, may nag-aalalay sa kanila sa pagsakay sa kabayo, paano kung nagka-aberya?" Dagdag pa niya.

"Eh bakit kasi ikaw-"

"I've been riding horses since I was twelve." Proud niyang sagot sa akin, "Kaya kahit pa paano alam ko ang behavior ng isang kabayo."

"Pero-"

"Yung kabayo mo kanina," He cuts me, "Hindi siya palagay kapag hindi niya kasama yung taong umaalalay sayo kanina."

"Ang daya, edi sana nagpalit tayo ng kabayo." Sambit ko at tinawanan niya lang ang naging reaction ko.

"Kahit ganun man, hindi ko pa rin ikaw papayagan ng walang mag-aalalay sayo."

"Eh, naman Travis eh!" Nakakainis yung tono ko dahil oo, nagmamaktol na naman ako, "Ang daya-daya mo naman!"

"But hey, looking at the bright side, at least nakasakay ka na ngayon." His voice sounds casual. "Congratulations on your first horseback riding."

"Ah, edi next time pwede na akong mag-solo ride?" My voice is hopeful.

"Uhmm, let me think about it," he paused, "Still no." He answered playfully which made me frown like a brat.

Muli na naman niyang pinunasan ang labi ko gamit ng tissue, "Hindi ako bata, sana sinabi mo na lang na may dumi ako sa bibig, hindi ba?"

He said nothing but laughed at me as his eyes looked at me with warmth.

Biglang nag ring yung phone ko na nakapatong sa lamesa.

Pierre is calling.

Napalunok ako nang balikan ko ng tingin si Travis, halatang halata na nag-iba ang timpla ng mukha niya.

Pinabayaan ko lang mag ring ang cellphone ko at nang maputol iyon pansamantala, inilagay ko sa silent mode ang cellphone ko.

"Hindi mo ba sasagutin iyan?" malamig niyang tugon. "Mukhang importante." He said monotonously, he's even avoiding to sound sarcastic.

"No, I'm with you today." My voice sounds submissive looking into his eyes. Bigla siyang umiwas ng tingin sa akin na siyang kinatakot ko na naman kaya napahawak ako sa kamay niya, "Let's enjoy today without any distractions." I tell him with certainty.

Nagtungo kami sa amusement park at kumuha ulit ng pictures ng magkasama. Naka-ilang rides din kami at nang dumaan ako sa bilihan ng souvernirs, nakailang bags din ako dahil tiyak na papasalubungan ko yung mga kapatid ko, pati sila Sarah.

Nakakita ako ng round simple silver locket necklace na may rose carving at agad ko iyong binili. Itinago ko ang mga pinamili ko sa bag ko habang hinihintay si Travis na nag restroom muna saglit.

Nakita ko naman ang cellphone ko na maraming miscalls at texts galing kay Pierre.

What I didn't expect was seeing Sarah's name in my call logs. She called me twice so I called her back.

Bakit naman kaya?

She answered after two rings, "Hi bestie."

I don't know but just by hearing her voice, I miss her already.

"I miss you." I tell her, "How are you Sarah?"

"I'm okay, napatawag ako para sana imbitahan ka, pwede mo rin isama si Travis kung gusto mo."

"Oh sure, saan ba?" I asked, "Anong meron?"

"Uhmm, nagyayaya kasi ang barkada na mag-outing, eh saktong malapit na rin ang birthday ni Lance." She paused, "So I'm just wondering if-"

"Sasama kami." Bago pa man niya matapos ang sasabihin niya sinagot ko na siya kaagad, "I'll just tell Travis, pero sasama kami."

"Okay, sabihin ko na lang din kina Teppy at Martin, sila ang nag-aayos ng outing eh. The more the merrier daw."

"True, kaya nga sasama kami, this is exciting." My voice couldn't even hide my glee, "Dapat bang may regalo sa birthday boy?" My voice almost sounds teasing her.

"Nako, hindi naman mahilig si Lance sa regalo, kung may ibibigay ka man, hindi naman siya maselan."

I smiled to that thought. "Okay, I'll just think of something, basta sasama kami, magtatampo ako pag hindi mo ako inupdate sa outing na iyan."

"Okay." I can imagine my best friend's face smiling from her answer, "Ingat ka Max, I love you."

"I love you too bestie. Hugs!" We ended the call and I turn to see him behind me. Napayakap ako sa kanya, "Sarah called inviting us for an outing, sabi ko sasama tayo."

He says nothing but smiles. It seems like he heard our discussion.

"Mag bibirthday na pala si Laurenz!"

"Yeah, sa October." Matipid niyang sambit na parang nahihiya siya.

"Wow, magkasunod lang kayo halos ng buwan." I sound amazed. He is still looking at me with warmth. "Sasama ka ah?"

He shyly looks away.

"Ay nakalimutan kong itanong kung ilang araw ang outing na iyon, may classes ka pa pala." Sambit ko na biglang nag ring ang phone ko.

I answered it without checking who is calling me, "Sarah..."

"Wait, what? Kailan pa ako naging babae sa iyo?"

O shit, si Pierre.

"Mukhang busy ka ah?" boses na nagtatampo, "Dati naman sinasagot mo agad ang tawag ko."

Napalunok ako at mukhang nahalata naman ni Travis kung sino ang taong kausap ko sa telepono mula sa naging reaksyon ko.

"Hindi ka nagsasalita diyan, hindi naman naputol. Odd."

"Uhmmm, sorry, busy ako eh." Matipid kong sambit habang mata sa mata akong tinitingnan ni Travis ngayon.

"Busy daw, nasaan ka ba, bakit maingay? Lumabas ka ba? Puntahan kita gusto mo?"

"Uhmmm, huwag na Pierre, I'm okay, kasama ko din ngayon si Travis," Sagot ko na nakatingin sa kasama ko na parang nagkikimkim na naman.

"Eh so ano, hindi tayo pwede mag-usap? Dati naman pwede ah? Daya mo naman Angel, to think that we're friends, come on."

Muli akong napalunok.

"Just go somewhere private para makapagkwentuhan tayo, tulad ng dati. Hindi naman aalis yang si Travis, dali na saglit lang."

Kakaayos lang namin pero pakiramdam ko ang lumalayo na naman ang loob niya sa akin sa kung paano niya ako tingnan ngayon.

He looked away and almost turned his back at me. I immediately grabbed his hand locking with mine but he's still not looking at me.

"Pierre, I really gotta go, next time na lang. Bye." I ended the call bago pa magtagal ang usapan namin.

Hinarap ko siya, "I'm sorry, akala ko si Sarah yung tumawag, I should have checked."

"Wala naman akong sinasabi." He is facing me impassively, "Just do what you gotta do."

"Travis..." I bit my lower lip. "Let me break it down with him," I tell him, "Mahirap din kasi na bigla ko na lang siyang iwasan, to think na naging magkaibigan rin kami kahit pa paano."

He says nothing but assesses my reaction as if he is reading my thoughts.

Well, he doesn't have to read me because I'm going to tell him exactly what I'll do, "I'll set some boundaries with him, I'll stop entertaining his calls and texts... My loyalty is with you without a doubt. I am only yours... I love you Travis..."

I hold his hand and put it on my face, "Please trust me... Mine..." My voice is pleading with him.

He stares at me seriously, he says nothing but he claims my lips in public and takes me in his arms holding me tightly. "I do..." He kisses my temple. "Always..."

Ang pinakahuling pinuntahan namin ay ang Highlands Spa and Lodge.

"By the way, how long did you know all these places?" I couldn't help but be curious. Hindi naman siya gala tulad ko, pero marami-rami din kaming pinuntahan ngayong araw na ito. Buti na lang at nakakaidlip-idlip din ako minsan kapag nagmamaneho siya, so may extra battery ang katawan ko.

He smiled and locking his hand with mine, "I've been planning this for a while and as much as possible, gusto ko mapuntahan natin lahat, lalo na matagal tagal na rin tayong hindi nakakalabas na magkasama."

I'm completely speechless as I look at him with awe. I kissed his hand and embraced him. "So, are we going to stay here for a night?"

"Bakit, gusto mo na ba umuwi agad?" Pilyo niyang tanong sa akin pabalik. I shake my head with a wide smile, "Good, dahil gusto ko sulitin ang oras na kasama ka."

"At nabawi pa nga ako sa iyo." Paglalambing ko na dahilan kung bakit mas lumawak ang ngiti niya sa kanyang labi.

Binati kami ng reception at nagcheck in na rin kami. Mukhang dito na rin kami maghahapunan.

"This place is so beautiful." Sambit ko na hindi maiwasang mamangha sa paligid ko. Ang ganda ng pagkakadesign sa loob at labas ng lugar.

"Kung interesado po kayo, nakadiscount po ang spa services namin. Sigurado pong malayo pa ang binyahe ninyo para po maka bisita sa bayan namin, para din po makapag-relax kayo bago po kayo kumain ng hapunan."

"Sounds good." Sambit ko sa receptionist na Thea ang pangalan, "May promo po ba for couples?"

"Meron po Ma'm," binalikan niya ng tingin ang reservation namin, "Do you wish to claim it? Para po maipahanda na po namin ang room at ang therapists ninyo."

Binalikan ko ng tingin yung kasama ko at kita naman siguro sa mukha ko na gusto ko magpa-spa.

"Okay, we'll take it." Matipid na sambit ni Travis sa reception at pinaderecho kami sa spa room bago kami paakyatin sa kwarto namin.

Nagpamasahe kaming dalawa ni Travis para kahit pa paano ay marelax kaming dalawa.

Pero sa hindi inaasahang pagkakataon nahuli ko; na si ate na therapist na naka-assign sa boyfriend ko na sobrang lagkit lang kung makatingin sa kanya.

Kulang na lang ay matunaw ang boyfriend ko, sa kung paano siya makatingin sa kanya.

This spa is supposed to be dim lights, pero hindi, dahil sa liwanang ng buwan na makikita mula sa bintana. May curtain naman, pero sadyang mataas siguro ang lugar ng lodge na ito.

Ito namang si Hayes, hindi ko alam kung nilalandi ba si ate dahil kung makapag-compliment naman kasi aakalain ko talaga na nagpapacute siya sa masahista niya.

"Ayos lang po ba ang pressure sir?" Kaswal na tanong ni ate.

"Hindi, sakto lang." Sagot ni Hayes na hindi ko alam kung sinadya ba niyang umungol, pero leche naman kasi!

Halatang natuwa si ate sa reaksyon sa kanya nitong ungas na si Hayes!

Sinubukan kong pumikit para hindi na rin pansinin si Hayes, pero dahil nga sa hindi divided ang kwarto namin, kitang-kita sa mukha ni ate therapist na nag-eenjoy at kinikilig siyang masahihin yung boyfriend ko.

Tapos, mukhang gustong-gusto naman din nito ni Hayes.

Parang siya lang yung nag-enjoy sa spa treatment namin. Nakapikit siya ngayon na nakahiga, halata sa mukha niya na relaxed na relaxed siya.

"Mag-iiwan po kami ng tsaa dito para po sa inyo, magrelax po muna kayo ng five minutes at pwede na po kayo pumunta sa kwarto ninyo."

"Sige, salamat." Nginitian niya si ate na nagmasahe sa kanya.

Nag-tip ako sa therapist ko, sa kanya lang, hindi doon sa therapist ni Hayes, bahala siya!

Mukha ngang sobra-sobra na sa tip si Ate, enjoy na enjoy nga niya hilutin ang boyfriend ko.

I hear him sighed with satisfaction.

"Relaxed ka?" I asked with a friendly tone, trying not to sound sarcastic.

"Very." He answered with a soothing voice. His face looks pleased even if his eyes were closed.

"Magaling manghilot si Ate?"

"Sobra, ang sarap nga sa pakiramdam eh." He puts both of his hands behind his head. "Relaxing..."

Edi siya na ang nag-enjoy!

A thin line forms on my lips as I help myself up. I cover myself with a robe.

"Sabi nila, relax for five minutes daw, tapos aalis ka na agad?"

"I'm hungry, I want to eat." I lied, basta naiirita akong tingnan siya.

He grabs my waist, "Hey, why are you in a hurry?" He smiled at me but I retained my poise, "Sabay na tayo." He locks his hand with mine.

We eat dinner quietly inside our room. Nag-oopen man siya ng topic pero kahit anong kumbinsi ko sa sarili ko na umayos, sa harapan niya, hindi ko pa rin talaga mapigilan ang sarili ko na hindi mairita.

Ang babaw ko na siguro talaga. Naiinis ako sa sarili ko pero hindi ko naman mapigilan ang sarili ko.

Moodswings.

I diverted my attention to the interior design of the place, mostly earth accent ang color ng paligid, a mix of cream, green and brown palette. Kulay palang alam mo na malapit sa nature.

Niyakap ako ni Travis mula sa likuran. "Why are you so upset?"

Kahit hindi ako magsalita, alam niya. Ang lakas naman talaga ng pakiramdam ng taong ito.

He's just that wary of me.

"Wala, just ignore me." Matipid kong sambit, "Lilipas din ito."

Pumunta siya sa harapan ko at tiningnan ako sa mga mata, pero agad din akong umiwas ng tingin dahil nga nabababawan ako sa nagiging takbo ng isipan ko ngayon.

He cupped my face make me face him and smiled at me, "We're here to relax." He reminded with a warm and friendly tone.

"I know." I bit my tongue looking away. Nabababawan na talaga ako sa sarili ko.

To think na ako naman ang nagrequest na spa massage. Pero naman kasi, bakit ba ang init ng ulo ko to think na wala naman siyang ginagawang masama... Ako lang naman ata ang nagbigay malisya kanina.

Hay nako, ewan sayo Maxene, umayos ka sabi! Nagpapaka-immature ka na naman, the therapist is just doing her job.

Travis is still looking at me, trying to read my thoughts with that little ray of amusement in his eyes.

"Wala lang talaga ito," Pilit ko siyang nginitian, "Baka pagod lang." Nang akmang tatalikuran ko siya, bigla niya akong hinila papunta sa kanya at hinalikan.

Just like that my emotions were spreading like wildfire. I am kissing him back breathlessly.

His palm lands on my chest, "Calm down." He brushes his thumb on my face, as his forehead touches mine, his eyes stares into my soul and he chuckled, "Alam mo ba, ganitong, ganito ang hitsura mo noong nagselos ka kay Edielyn."

"I can't remember that." I denied, gulping avoiding his gaze, "I'm drunk that night." I just remember fragments of that night.

Sinobrahan ko talaga ang inom noon dahil hindi din naman niya nabilang kung nakaka-ilang shot ako kasi may kausap siyang ibang babae, to think he said that he won't take his eyes off me.

Kainis.

He laughed shaking his head cupping my face to lock gaze with me. "Inamin mo na nga sa akin noon na dakilang selosa ka rin."

I look away, "Hindi ako selosa, bakit ako magseselos, may ikakaselos ba ako?" I made a proud face but my voice almost squeaked.

"I can tell that you're bluffing." He said playfully.

I'm one hell of a bad liar. Geez!

I hissed at him, "Bahala ka nga Hayes, itutulog ko na lang ito."

With slight force he pulls me to him, caging me in his arms again, "Just admit it, you're as selfish as I am." He inhales my scent. "Witnessing how fuming you are earlier", he pushed me enough to cup my face again, "You're a little impatient than me, do you know that?"

Muli akong umiwas ng tingin dahil nahihiya akong harapin siya.

Dahil tama siya.

Baka nga kung ako siya, at nakita kong hinaharot siya ng kaibigan ko baka mag wala na talaga ako ora mismo kapag nakita iyon ng dalawang mata ko.

Pero siya ilang linggo niyang tiniis iyon para unawain ako, kahit na nasasaktan na siya... tapos heto ako, sa simpleng therapist lang nagmamaktol ako ng ganito.

I looked at him apologetically and sighed, feeling embarrassed of myself.

"I'm sorry." I paused, "You're right. Sorry, hindi ko mapigilan ang inis ko..." His both hands are cupping my face, his eyes filled with gleam, "I'm just being impulsive. I'm so childish."

Natawa siya sa banat ko at muling hinalikan ako sa pisngi, "Just be honest about it." His voice is almost teasing me, "Say it Maxene... I won't judge... Tayo lang ito... Ako lang ito..."

Bakit ba pakiramdam ko alam niya ang totoong dahilan kung bakit ganito ako naiirita sa nangyari kanina?

His dark brown eyes almost hypnotizes me to submit these hidden desires I have for him.

"I just don't..." I paused and saw him tilting his head beside, I gulped, "I don't want anyone else to touch you..." I held his forearm all the way to his shoulders looking into his eyes. "I'm just being protective of what's mine." I paused looking at his face, "Because you're my Travis."

He blinks with a smile as my hand lands on his face and he kisses it without breaking eye contact. I embraced him and kissed his heart.

"Happy sixth monthsary, Mine." Bati ko sa kanya na dahilan kung bakit tinugunan na naman niya ako ng matamis na ngiti. "Ah, I almost forgot." I hold his hand as we enter the bedroom. I signal him to wait for me to bed.

"I also have a gift for you." I say approaching him. Sa ekspresyon ng mukha niya hindi na naman niya iyon inaasahan. I give him the box, "Open it, dali."

Pagkabukas niya, nakita ko kung paano kumunot ang noo niya na para bang naguguluhan siya sa ineregalo ko sa kanya, "Are you even sure this is mine, baka naman kay Sarah dapat ito?"

"So porket may rose carvings, pang-babae na? Ganun ba?" Umismid ako sa harapan niya, "Open it." I said and he did. "I put in our picture together inside the locket, maganda hindi ba?" My voice is almost teasing him.

His gaze softened as if his eyes could cry, "I love it." He kissed my temple, "Thank you, Mine."

Isinuot ko yung necklace sa kanya, at malumanay na tiningnan niya ako muli sa mga mata ko, "Yan, mauumay ka sa pangit kong mukha sa tuwing bubuksan mo iyan."

He chuckled tilting his head beside looking at me adoringly.

"I just want you to know that, no matter what, you'll always have me," His eyes shine, "And we'll always have us." I held his hand and kissed his cheek, "I love you, Mine, always."

"Always yours..." He uttered a promise as he took me in his arms.

T R A V I S

Mahimbing siyang natutulog sa tabi ko habang pinagmamasdan ko ang natutulog niyang mukha.

She's in deep sleep after I sang her a song.

Parang bata naman talaga.

I opened the locket she gave me and opened it. Inside there's a picture of us together.

I just love it. I love it so much that my heart couldn't bear the happiness she's giving me.

Seeing her beside me like this brings my heart at peace.

Nangangalahating taon na pala kami, parang kailan lang.

"Happy sixth and more months with us." I uttered softly, engraving the image of her face in my heart.

I trace her face gently using my knuckles.

Bigla kong naalala yung unang beses ko siyang napagtaasan ng kamay.

That won't ever happen again, I promised that to myself and to her. If I have to endure all my shit, I would, huwag ko lang siyang masaktan.

Siniksik niya ang mukha niya sa dibdib ko at niyakap ko siya.

I kissed her forehead and I will never get tired kissing and loving her.

Kita naman na napagod siya ngayong araw sa naging date namin.

Matagal ko rin pinagplanuhan ito at masaya naman ako na makitang nag-enjoy siya, kahit na ilang beses rin siyang tinopak gawa ng mood swings niya.

Noong una sa hindi ko pagpayag na walang aaalalay sa kanya sa pagsakay niya sa kabayo, tapos itong kasunod, pinagselosan niya yung therapist na na-assign sa akin kanina.

I smiled, closing my eyes.

Selosang tunay si Mine. Mas matindi siyang magselos kaysa sa akin.

Hindi ko alam bakit sa tuwing nakikita kong nagseselos siya, ikinatutuwa ko iyon. Minsan gusto ko pa siyang asarin, pero ayoko naman na dahil doon sumama ang loob niya sa akin.

Her actions meant more than her words could express.

Hindi ko alam, pero sapat na sa akin na maramdaman na: katulad ko rin siya.

That I'm just being protective of what's mine.

And she is mine.

I trust her no matter what happens.

'You'll always have me.' That's what she told me.

Her words will forever be imprinted in my heart.

"Azrael."

Sambit niya sa isang pangalan na dahilan kung bakit parang nabingi ako sa paligid ko at tanging bilis lang ng tibok ng puso ko ang naririnig ko.

I pull myself from her a little to check up on her but she's in deep sleep.

Hindi ko inaasahan na maririnig kong tatawagin niya ang pangalan na iyon sa panaginip niya.

How did she knew about that name?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top