Chapter 55 : Cause and Effect
T R A V I S
Kada nagising ako ng Lunes ng umaga, hinihiling ko agad na bumilis ang araw para makakasama ko na ulit siya.
Just this last weekend, doon ako sa condo niya umuwi. Naging ganun ang panibagong set-up namin, para na rin nagkakaroon kami ng oras sa isa't-isa.
Kada nauwi ako sa condo niya, todo ang asikaso niya sa akin.
Bawi-bawi din daw kasi nga hindi na siya sa penthouse nakatira at busy din naman siya minsan sa work, minsan kinikita niya si Sarah, minsan naman nagbobonding na rin sila ng mommy niya.
I'm just happy to see that she's happy with the changes that's happening in her life.
At dahil siya ang nagluto, ako ang naghugas ng pinggan namin. Ayoko naman na siya na lang ng siya ang kikilos at mag-aasikaso sa akin.
Sabi niya pa noong araw na iyon, hihintayin niya matapos ko yung paghuhugas ng pinggan, pero nang balikan ko siya, hindi ko rin naman siya naabutang gising.
Kadalasan, masandal-tulog si babae.
Hindi ko na siya gaano kinukulit at pinapabayaang makapaghinga siya, ayoko rin naman abusuhin niya ang katawan niya. Epekto ata ng gamot ang dahilan kung bakit siya laging inaantok.
Sapat na sa akin ang nakakasama ko siya.
Minsan pa, nagrequest siya na kantahan ko siya bago daw siya matulog dahil gustong-gusto daw niya na naririnig ang boses ko, buti na lang at nakapikit siya noong naglambing siya sa akin ng ganun.
Sadyang ang lakas ng epekto sa akin ni Mine.
Kaya lang hindi ko pa natatapos yung kanta, tapos bigla siyang humilik.
I can't get enough of her.
Natutuwa ako na makitang masigla at malakas siyang kumain.
Though, wala namang pinagbago ang katakawan niya. Pwera na lang siguro sa sobrang lakas ng cravings niya.
Na sa tuwing may nakikita siyang pagkain sa TV or sa social media bigla-bigla na lang siyang nag-cracrave ng kung anong nakikita niya.
Choosy man siya sa pagkain pero kapag sinabi niyang gusto niya, talaga namang kukulitin niya si Natasha para lang magpabili ng pagkain.
Ayaw niya akong utusan kahit na willing naman ako, may kotse naman ako, si Natasha mag-cocommute pa.
Minsan naaawa na ako sa maid niya, hindi ko naman akalain na ganito ka-demanding ang babaeng ito.
O baka naman paraan niya lang din iyon para masolo ako.
Kung ganun lang, bakit hindi na lang niya bigyang ng weekend leave si Natasha, para makapagpahinga yung tao?
Ang gulo rin minsan ng mood nitong babaeng ito eh.
May pagkakataon pa na kapag siya ang nangungulit, dinaig niya pa ang isang batang paslit, buti na lang at mahaba ang pasensya ko. Pero kapag ako ang nangulit ang bilis niyang mairita.
Minsan may oras na clingy siya, minsan hindi.
Ang hirap na niyang basahin; sala sa lamig, sala sa init.
Nagmistulang roller coaster ride ang ilang weekends na kasama siya.
Isang beses nanood kami ng movie sa condo niya, The Orphan, The Fourth Kind at Drag Me to Hell ang pinili ko dahil hindi ko pa naman napapanood iyon, nakita lang namin iyon sa USB niya na hiniram niya daw sa bestfriend niya.
Natuwa naman ako dahil saktong thriller, sci-fi at horror ang genre ng mga movies na iyon.
Kahit kita naman sa kanya na hindi siya kumportable sa mga genre na pinili ko, pero dahil daw nasa condo naman siya at kasama niya akong manonood, susubukan daw niya manood na may kasamang unan, pantakip daw niya sa mukha.
Eh bakit pa siya manonood kung magtatakip lang siya ng mukha, tch!
Parang bata talaga eh.
She's already eighteen, pero hindi pa rin daw siya maka-move on minsan kapag nanonood siya ng horror.
I can say that we had fun watching the films, kahit na ilang beses siyang nagugulat o napapamura sa mga jump scares sa movie.
But then to be honest, what I enjoy watching the most, is seeing her frightened face.
My woman is so adorable.
After finishing those three movies, she told me that for some reason she couldn't explain, watching horror and thriller excites her and she selects two more.
Pinili niyang panoorin namin ang Final Destination at The Butterfly Effect.
Is it even a coincidence that those two different movies talk about how you react towards a given situation to you?
'That in every action, there's a reaction and for every cause, there's an effect.'
For some reason I enjoyed the movie, it's cool. Specially, The Butterfly Effect.
Matapos namin mapanood yung movies na iyon, nagbago na naman ang mood ni Maxene.
I tried reading her thoughts, yet for some reason I have a feeling that she's keeping me at bay.
It's making me uneasy.
I shake that thought out from my head and convince myself that I'm just being paranoid for nothing.
Hormonal naman ang mga babae. That's understandable.
After that weekend, balik ulit kami sa weekday routine namin.
Nilutuan niya ako ulit ng pagkain na ipinadala niya kay Natasha.
I kept all of her notes and served them as my inspiration everyday to do better.
I just don't want to disappoint her.
Like the usual, I attended my classes. Sometimes she has her work; she's doing her usual shoots and some commercials.
Minsan nga nabili ako ng magazine para lang makita yung pagmumukha ng fiance ko.
Kahit na ang dami niyang picture sa phone ko.
Inaabangan ko rin na lumabas yung commercial niya sa TV dahil hindi naman niya sa akin sinasabi kung tapos na o hindi, pero natapos na raw nilang ishoot iyon.
She updates me from time to time, yet most of the time she forgets to keep me posted unless I text her first.
Minsan nga kapag maagang natapos ang klase ko, dinadalaw ko siya sa condo niya, yun lang hindi ko matiyempuhang gising siya.
Hindi rin naman ako nagtagal dahil alam kong kailangan niya ng pahinga. Sadyang gusto ko lang talaga siya makita.
Anyway, malapit na naman ulit ang weekends kaya, babawi na lang ako ulit kapag nagkita kami.
Tumambay kami ng mga kabanda ko sa may parking lot habang kunwaring nagbabasa ako ng notes.
May isang oras kaming bakante pagkatapos ng lunch namin.
As usual pinabayaan ko lang sila na magkwentuhan, lalo na at namiss din naman namin si Pierre dahil sa pagbabago ng schedule ng klase niya.
May klase siya sa umaga hanggang lunch, tapos babalik siya mga late afternoon na.
Hassle ng ganung schedule.
"So, P, anong bagong ganap sa iyo?" Nakangising tanong ni Joshua sa kanya. "Namiss ka namin dude. Kwento."
Ngumisi lang siya at nagkibit balikat habang hawak ang phone niya.
"For all I know, what you really want to ask is Addy." He says, smirking at him.
"Talaga naman ikaw Josh," singit ni Gerard, "Scam!" dismayado siyang napailing sa kaibigan.
I can't help laughing at Gerard's humor in my head.
"Eh mukha namang basted na ako. Kaya bago pa niya sabihin, ititigil ko na lang." Sagot ni Joshua na pilit na ngumingiti sa amin.
Bigla siyang hinampas ni Pierre gamit ng notebook niya.
"Aray, hindi masakit dude!" Sarcastic na reklamo ni Joshua sa kanya.
"Anong gusto mo, sipain kita sa mukha?"
Hindi pa man sinusunggaban ni Pierre si Joshua pero napaatras rin siya kaagad. Masama kasing magbiro kasi si Pierre, minsan tinototoo niya.
"Si Joshua Wheeler na matinik sa babae, susuko, bakit?" Tanong ni Gerard sa kanya.
"Eh kasi," tiningnan niya si Pierre na parang nagtatampo, "Strict daw si kuya."
"Edi hanap ka na lang ng iba ulit." Kaswal na suhestiyon ko habang tinatawanan siya sa utak ko. "Tutal, ayaw mo naman na nababakante ka ng matagal hindi ba?"
"Ayoko na ng flings," he paused, "Mas okay na yung isa lang ang pinoproblema mo." He throws a big sigh, "Yung ibang flings nga kung makapagreklamo, dinaig pa girlfriend kung umasta."
"Eh matinik ka eh," Sambit ni Gerard, "Ayaw mo iyon, pinag-aagawan ka?"
"Hindi na ako iyon dude." Joshua clicks his tongue and cross his arms.
Nanlaki ang mata ni Gerard sa naging reaksyon niya. "Ay, talaga na ngang tinamaan na siya. So, hindi na scam yan, totoo ba?"
Joshua just rolls his eye on Gerard's comment.
"Kaya ka lang naman nagkaganyan dahil natakot ka noong nakita mong may nagpakita ng interest kay Addy, hindi ba?" Tanong pabalik sa kanya ni Pierre.
No wonder.
Knowing Joshua, ayaw na ayaw niya na natatalo siya. Iyon ata ang likas na katangian namin sa grupo.
"High school pa lang, may gusto na si Addy sayo, pero patay malisya ka." Muling banat sa kanya ni Gerard.
Nanlaki ang mata ni Joshua na parang hindi niya inaasahan ang nalaman niya mula kay Gerard, "Hoy, pinagtitripan niya lang ako nung highschool!" Depensa niya.
Nakangiting napailing si Pierre sa naging reaksyon ni Joshua.
Napatingin naman si Joshua sa gawi ko na parang naghahanap na naman siya ng kakampi. "Don't tell me, alam mo din ang tungkol doon Travis?"
I lean on my car and just shrugged uninterestedly. He doesn't really need to survey the obvious.
"Mga gago!" Inis na reklamo sa amin ni Joshua. "Pinagtitripan niyo ako."
Ano pa ba ang sasabihin namin dito kay Joshua?
Natawa tuloy ako nang maalala yung sinabi sa akin ni Maxene ang first impression niya kay Joshua, feeling gwapo, hambog pero sabaw ang utak.
Napatingin na naman si Joshua sa gawi ni Pierre, "Dude naman, susubukan ko ulit, seryoso naman ako kay Addy eh. Ikaw lang 'tong pahirap."
Nakangising nagcross-arms si Pierre, "Nag-eenjoy kasi ako na pagmasdan kang nahihirapan," Tinaasan niya ng kilay ang kaibigan, "Kanina nga lang gusto mo nang sumuko, hindi ba?"
"Oo nga, kung ganun mo lang susukuan si Addy, parang wala rin siyang pinagkaiba sa mga babaeng dumaan sa buhay mo Josh," singit na naman ni Gerard, "Kung madali mong nakuha ang isang bagay na walang hirap, madali rin itong mawawala sayo."
Very well said Gerard. I'm really glad that he's stepping up.
"Kaya paghirapan mong suyuin si Addy, kung seryoso ka sa kanya," He paused, "Kung totoo na gusto mo talaga siya, mag-effort para sa kanya, para din makita niya na totoo ka sa nararamdaman mo. Sa amin ngang barkada mo, duda pa kami, si Addy pa kaya?"
"At kailan ka pa naging love guru?" Taas kilay na tanong sa kanya ni Joshua. Inis talo si loko.
"Olats ka pa rin Ge!" Inis na lait sa kanya ni Joshua, "Kung makapag-advice ka, parang may stable relationship ka na ah?"
Nagawa pa nga niyang maliitin si Gerard matapos siyang bigyan ng payo. "Bakit ako makikinig sayo, ni ang pumorma nga sa babae, kailangan mo pa ng tulong namin. Napaka-awkward mo pa naman."
Mga bata talaga.
"Hey baby!" Boses ng isang pamilyar na babae, lumapit ito kay Gerard at dinampian ng halik sa pisngi.
Laglag panga naman si Joshua sa nakita niya na dahilan kung bakit siya tinawanan ni Pierre.
"The fuck?" Tanging iyon lang ang lumabas sa bibig ni Joshua habang nakatingin kay Gerard at sa babae.
Who would have thought, it's Edielyn.
"Hi there guys." She looked at us and by the time our eyes met, she playfully winked at me.
"Heh. Sino ang olats ngayon sa atin?" Gerard smirks like a winner with his hands on her waist facing Joshua.
Joshua is looking at them dumbfounded.
"Kailan pa?" I couldn't help but ask.
Sa totoo lang hindi ko inaasahan na may mabibingwit si Gerard na babae tulad ni Edielyn.
Lalo na at noong nakausap ko siya sa birthday ni Maxene, it's not her type to date someone like Gerard na underdog.
Ika nga ni Joshua, awkward si Gerard sa babae. He sometimes mimics Joshua, Pierre or me towards how to have a conversation with girls.
Nagkatinginan silang dalawa na natatawa.
"On and off kami actually." Prangkang sagot ni Edielyn sa amin.
"On and off?" Gulong-gulo na tanong ni Joshua sa babae. Sa hitsura niya hindi pa rin siya makamove-on sa nakikita niya.
"Oo, on and off." ulit sa kanya ni Edielyn.
"Ano kayo, switch lang ng ilaw?" Banat ni Joshua na dahilan kung bakit na naman siya nabatukan ni Pierre.
Napailing na lang ako.
Tangina anong reaksyon yon Josh?
Edielyn giggles as if she remembered something funny and whispers something at Gerard's ear that made him flustered.
"Baby naman!" Gerard shakes his head, "Iba yon."
"Bakit, totoo naman ah?" Tukso ng babae sa kaibigan namin.
"Share naman." Singit ni Joshua na may pait sa boses niya.
"Wala, sa amin na lang iyon." Napapailing na sagot sa kanya ni Gerard.
"Kung kayo pala ni Gerard, bakit hindi ka nakiupo sa amin nung birthday ni Maxene?" Tanong ni Joshua ulit kay Edielyn. "Andun din naman kami nung araw na iyon."
"Nagkatampuhan kasi kami noon," Matipid na sagot ng babae.
"Eh kasi naman may kasama ka rin naman nung araw na iyon." Muling sagot ni Gerard sa kanya na parang sila lang ng babae ang nagkakaintindihan.
"I told you, it's just a coincidence," She reasoned with him, "He's just a guy from work. Nakatrabaho na rin siya ni Maxene."
"Nakakuha ka ng bulaklak mula sa taong iyon, impossibleng walang gusto iyon sayo." Depensa ni Gerard na may halong pagtatampo.
Buwisit! Ganyan din ba ang hitsura ko noon?
Napabuntong hininga si Edielyn at muling naglambing kay Gerard, "Baby, we're not going to argue about this again."
For real 'baby' ang tawagan nila? Lame! Ampucha!
"Fine. Hindi na nga." Nag-puppy eyes si Gerard at ngumiti na rin ulit.
Hindi ko alam bakit ako naiirita. Punyeta.
"Kung hindi kayo aware, nandito pa kami. Hello." Sarcastic na sambit ni Joshua habang kumakaway sa hangin.
Isa pa itong si Joshua, halatang ampalaya masyado si gago.
"Bakit pala olats ang tawag niyo kay Gerard?" Curious na tanong ni Edielyn kay Joshua.
"Eh olats naman talaga siya sa amin," Pagmamayabang ni Joshua sa babae at tiningnan si Gerard, "Sabihin mo Ge, ginayuma mo itong babae, noh?"
"Gago, hindi!" Nabato tuloy siya ni Gerard ng bolang papel, "Grabe ka sa akin Josh. Pinaghirapan ko mapasagot si Edie, hindi naman ako katulad mo."
Natatawa naman si Edielyn sa boyfriend niya at napapailing.
"Let it go Joshua," pagsingit ni Pierre habang tinatawanan si Joshua, "Ikaw na ang olats sa grupo ngayon."
"Bakit P, may jowa ka na rin ba?" Pag-usisa ni Joshua, "Come to think of it parang may nag-iba sayo, kwento naman. Mamaya magulat ako may girlfriend o fiance ka na rin, tangina talaga."
Tahimik na ngumiti lang si Pierre sa kanya.
"Oh hey, I remember you." singit ni Edielyn na pinagmamasdan pala si Pierre, "Yeah, ikaw nga iyon, hindi ba?"
"Ang alin baby?" Tanong sa kanya ni Gerard.
"He's the-"
"You may have mistaken me for someone else." Pierre cuts her with a smile on his face. "Though nice to meet you Edie."
Parang napahiya at naguluhan ang babae sa naging sagot sa kanya ng lalaki.
"I'm sorry if I did." She said. Her face isn't convinced, her eyes look certain otherwise.
Ilang segundo din silang nagsukatan ng tingin at nginitian lang ni Pierre si Edielyn at tiningnan ang relo niya.
"Well, I gotta go guys, may dadaanan pa ako." Pagpaalam niya sa amin.
"Dadaanan o kikitain?" Tanong sa kanya ni Joshua, "May chicks ka na rin ano, P?"
Derechong sumakay si Pierre sa kotse niya na hindi kami nililingon.
Tiningnan ko si Edielyn na parang inuusisa si Pierre hanggang sa mawala siya sa paningin ng babae.
"Wala bang kapatid na lalaki yung kaibigan niyo na iyon?" She asks us.
"Babae yung kapatid ng tropa namin." Supladong sagot sa kanya ni Joshua.
"Oo yung malapit ka nang ireject, kamo?" Lait sa kanya ni Gerard.
Para talagang mga bata itong dalawang ito. Hindi na nahiya sa babae.
"Why did you ask?" I just have to ask her.
"Kung ganun, hindi ako pwedeng magkamali," she started, "Siya yung tumulong sa amin ni Maxene noong nahimatay siya. Siya ang nakasama ko noong araw na iyon." Pag-amin sa ni Edielyn.
Dapat ba ako matuwa sa narinig ko?
"Sure ka ba baby?" Muling tanong ni Gerard sa girlfriend niya, "Baka naman kamukha niya lang."
"Eh baka naman kasi hindi si Pierre iyon." Joshua cuts her off before she could answer Gerard.
Halatang nainis si Edielyn sa tono ng pananalita ni Joshua.
Just to clear the tension between them, "What he means is, baka nga hindi talaga si Pierre ang nakita mo." I faced Edielyn as friendly as I could be.
Giving Pierre the benefit of the doubt.
Dahil kung totoo ngang kasama niya sila Edielyn at Maxene noong araw na iyon, ipapaalam naman niya sa akin agad-agad ang nangyari kay Maxene.
"I'm just saying what I saw, not what I presume." Her voice sounded offended as she composed herself with pride. She checks her watch as a thin line forms on her lips, "I'll go ahead, may klase pa ako."
Napakamot naman si Gerard sa inasta ng girlfriend niya. "Nako, mukhang badtrip na iyon. Ayaw niya kasi na napapahiya siya."
Inakbayan naman siya kaagad ni Joshua, "Naku po, mahihirapan kang sabayan ang ganong babae bro," sambit niya na napapailing, "Paano mo maloloko ang babaeng matalino?"
"Bakit ko naman siya lolokohin, siraulo ka talaga Josh. Bahala ka nga diyan!" Naglakad na palayo si Gerard at sinabayan na rin siya ni Joshua habang patuloy niyang inaasar ang kaibigan.
IT'S BEEN DAYS since that last encounter with Edielyn.
Minsan si Gerard hindi na nakakasabay sa amin, baka sinasabayan niya ang girlfriend niya.
Si Joshua naman, minsan matino kasama, minsan hindi.
Samantalang si Pierre, kasama man namin siya, pero para namang may sarili siyang mundo. Madalas pa nga niyang kaharap yung phone niya kaysa ang kausapin kami.
Something is different with him.
Bigla kong naalala yung sinabi ni Edielyn.
Gustuhin ko man tanungin si Pierre tungkol doon, pero hindi ko naman alam kung paano sisimulan.
Pwera sa nasabi ni Edielyn noong araw na iyon, hindi naman sapat iyon para lang pagdudahan ko si Pierre.
Sinubukan ko minsang magtanong kay Maxene tungkol doon, pero nitong mga nakaraang araw pabago-bago siya ng mood. Kailangan ko pang pakiramdaman kung okay yung mood niya o hindi.
Minsan nga, naabutang kong nagmamaktol siya over a soggy sandwich na ipinabili niya kay Natasha sa Subway.
Nakakapanibago ang mood swings niya. Hindi naman siya usually ganun.
Ilang oras pa bago siya kumalma noong araw na iyon. Nanood lang din kami ng movie sa condo niya kahit na pakiramdam ko yamot na yamot pa rin siya.
Then suddenly her phone rings and immediately a smile forms on her face just looking at her phone.
Akala ko pa si Sarah iyon, kasi kapag yung kaibigan niya na iyon ang natawag sa kanya, talaga namang ikinatutuwa niya iyon.
Usually she doesn't mind me hearing their conversation, kasi wala na namang tinatago si Maxene sa akin o kay Sarah.
She answered the call inside her room.
I didn't mind.
Matapos ng ilang minuto, lumabas na rin naman siya kaagad na para bang maganda na ulit ang mood niya.
She smiles widely and kisses my cheek and goes straight to the kitchen to get herself some snacks again.
Suddenly her phone screen lifts up.
Bakit naka-silent yung phone niya?
A message just prompted, with my curiosity, I took a peek at it.
PA: Nice talk. Cheer up, okay? Remember if you need someone to talk to, I'm just here for you.
I felt a knot forming in my chest.
Agad namang napansin ni Maxene na sinilip ko yung phone niya kaya nainis na naman siya.
She even reminded me about respecting each other's privacy.
I'm fully aware of the obvious, yet she shuts down my curiosity just like that.
Ni hindi manlang niya ako bibigyan ng idea kung sino ang kausap niya, dati naman kahit hindi ako magtanong, sinasabi niya.
Ayoko naman na pag-awayin namin ito.
Hindi naman niya kailangan ipamukha sa akin na masyado akong paranoid.
I don't even know if she's teasing me or she's being sarcastic.
Paano ko siya maintindihan kung hindi ko naman siya mabasa?
Hindi naman ako mapaparanoid ng walang dahilan.
Ni ang ikwento sa akin yung nangyari noong nahimatay siya hindi niya masabi sa akin, lagi niyang sinasabi na huwag akong mag-alala sa kanya.
I don't know how to react. It feels like I'm being restricted.
To be honest, I really wanted to ask her about what I heard from Edielyn. I just don't know where to start.
On the second thought, should I believe in a stranger?
Oo co-model siya ni Maxene at girlfriend ni Gerard, pero hindi ko naman siya ganun ka-kilala para paniwalaan siya.
I shouldn't doubt Maxene.
I know, I shouldn't.
Because the last time I did, I wasn't able to hold myself back and I hurt her.
Iyon na ang una at huling beses na pababayaan ko ang sarili ko na sumabog ng ganun.
Kailangan kong ayusin ang sarili ko, ang emosyon ko at ang isipan ko.
Maybe I am being just paranoid over nothing, besides, she's my girlfriend and my fiance, I know she won't hurt me.
She loves me and I trusted her the most.
I trust her, but why do I feel that she's keeping me at bay?
What worries me is there are these little changes in her that I find alarming.
Tulad na lang ng minsan ko siyang natanong sa red bracelet niya na nawala daw niya.
I asked her where she misplaced it, but then she didn't give me a proper response and just dismissed the topic as if that didn't matter to her.
She's not usually like this.
Hindi ko na lang pinalaki ang issue.
It's just a bracelet, but then again these little changes are making me uneasy.
Dalawang araw ko lang nakakasama si Maxene sa isang linggo, iyon ang bagong set-up namin.
Pero pakiramdam ko hindi ko siya kasama ng buo dahil may kahati ako sa atensyon niya.
Hindi ko naman pwedeng idemand ang isang bagay na hindi naman niya gusto ibigay, lalo na at nitong nakaraang araw, paiba-iba siya ng mood.
Pilit ko siyang binabasa, pero na hindi siya katulad ng dati na lahat sinasabi niya sa akin.
Did I do something to upset her?
Sinubukan kong balikan ang ilang araw na nakasama ko siya, pero wala naman akong ginawa para mag-iba siya ng pakikitungo sa akin.
This is making me uncomfortable.
Ilang araw pa ang nakalipas bago mabuo ulit ang banda tuwing break time.
For some reason, natigil ang pagbibigay sa akin ni Maxene ng baon dahil na rin sa naging busy siya. Inunawa ko naman siya at afford ko naman bumili ng pagkain.
Kung tutuusin, ganito rin naman ako dati.
Napagkasunduan na tutugtog kami sa bar ni Gerard ulit since matagal tagal na rin daw na hindi kami natugtog gawa na rin ng kanya-kanyang schedules.
Mukhang nagkatampuhan na naman sila ni Edielyn kaya naging karamay na naman namin ang isa't-isa.
Si Joshua nililigawan pa rin si Addy, samantalang si Pierre parang may pinopormahan din na babae na hindi naman niya ikinukwento sa amin.
We arrived at the bar around 7PM.
Tinawagan ko si Maxene pero naka-ilang tawag din ako at hindi niya sinagot ang tawag ko.
Baka tulog na siya.
Sa bagay noong pinupuntahan ko siya ng ganitong oras, madalas naabutan ko siyang tulog.
Masyado pa namang maaga kaya marami pa kaming oras para maghanda para mamaya. Nagprapractice kami saglit at nang tuluyan nang bumigay yung pick ni Pierre, sinubukan niyang maghanap ng reserba pero mas kinailangan niyang magbanyo dahil sumama daw ang tiyan niya.
Ihinagis niya kay Gerard yung susi ng kotse niya at para namang nag-autopilot si Gerard sa pagsalo nito.
Nagawa pa nga siyang utusan ni Pierre na kunin yung reserba niyang pick sa kotse niya at agad siyang dumarecho sa banyo.
Why would he even ask Gerard, isn't it obvious that Ge has a lot of his hands? Hands on din si Gerard sa staff niya sa bar.
I grab Pierre's keys from Gerard telling him, "Ako na."
Nagpasalamat naman siya at bumalik na rin kaagad sa trabaho.
Nakakatuwang pagmasdan si Gerard na parang ang laki ng pinagbago niya. Mas nagmature siya ngayon kung tutuusin. Mas mature na nga siya kung tutuusin kaysa kay Joshua.
I suddenly remembered his girlfriend. Impluwensyang Edielyn siguro.
Ganito rin kaya ang naisip nila sa akin kaya minsan nilang sinasabing nagbago daw ako?
Impluwensyang Maxene. That thought made me proud.
Nang makarating ako sa parking lot, nasupresa ako na makita yung kotse na gamit ni Pierre ngayon.
Kailan pa niya ulit ginamit ang Volvo S80 Sedan niya?
The last time he used this car was when we were still in high school.
Binuksan ko ang kotse niya at kinuha yung pick holder sa glove compartment at kumuha ng isang pick. Bago ko isarado yung compartment, isang pamilyar na bagay ang pumukaw sa mata ko.
Yung red bracelet namin ni Maxene.
Bakit ito nasa compartment ng kotse ni Pierre?
Yung bigat sa dibdib ko na pilit kong binabalewala nitong nakaraang araw, bigla ko na namang naramdaman.
"There you are," pagpuna ni Pierre at kinuha na rin kaagad yung pick at susi niya sa kamay ko. "Joshua just arrived hinatid pa raw niya kasi si Addy." Sinarado na rin niya kaagad yung pintuan ng kotse niya.
"Let's go," Pagyaya niya at napansin yung hawak-hawak ko. Nginitian niya lang ako at sinabing, "Ay, kay Maxene iyan, nalaglag niya sa kotse."
"Kailan?" Wala sa sarili kong tanong.
He shrugs, "I don't know when," his voice sounds as if he doesn't care, "Baka kahapon o noong isang araw, hindi ko alam." Sagot niya at nagsimula nang maglakad sa akin palayo.
FRIDAY came.
Pagkatapos ng araw na ito magkikita na kami ulit ni Maxene.
I'm supposed to look forward to today, yet for some reason, I'm feeling numb about today.
After what I've learned last night, even if he didn't spill everything, one fact is clear as day:
Pierre and Maxene are seeing each other behind my back.
It took me how many weeks just to realize what's going on.
Of course PA is his initials!
Siya ang katext ni Maxene every now and then, siya ang tumatawag kay Max tuwing kasama ko siya.
Si Pierre ang kahati ko sa atensyon ni Maxene.
Fuck, the goddamn irony!
Base sa nasabi ni Pierre, madalas silang nagkakasama ni Maxene.
I don't mind if she makes friends with some guys because I trust her.
Yet, because of whatever connection they had, there's this familiar feeling that I haven't felt for a very long time since I got to be with her.
Maxene and I, have us. That's one fact.
Yet, why do I feel neglected?
Why does she have to see him if she has me?
What does he have, for her to set me aside?
Is she tired of me?
Series of questions in my mind begins to sink me slowly in a quicksand.
I can't move. I can't breathe properly. Then this question hits me the most:
Mahal pa ba niya ako?
Bago pa man ako dalhin ng isipan ko kung saan, muli kong inayos at dinala ang sarili ko ng maayos.
I texted Maxene.
Travis: Good morning mine. OMY to school.
I checked the time, baka masyado pang maaga at tulog pa siya. Hindi ko na hinintay na magreply siya. Magrereply naman siya kaagad sa akin kung gising na siya eh.
Pumasok ako sa school at tulad ng nakagawian, may kanya-kanyang mundo ang mga tao pero isang usap-usapan ang pumukaw sa atensyon ko.
"Nakipagbreak na ba si Maxene sa boyfriend niya?"
"School mate natin yung boyfriend niya hindi ba?"
"Oo yung diba siya yung nasa banda?"
"Eh iba na ang dinedate ni Maxene ngayon."
"Nakita ko nga sila minsan sa mall, ang sweet kaya nila."
"Alam niyo naman ang mga celebrities, sasabihing friends lang, pero may something sila."
"Eh hindi ba official na daw sila nung isa?"
"Kung official sila nung isa, eh bakit iba ang kasama niya?"
"Baka naman for show lang iyon?"
"Who knows, pero ha, mas bagay si Maxene at Pierre."
I've heard enough. I choose to walk away.
Hindi naman ako dapat magpaapekto, official na kami, ako ang boyfriend niya. Ako ang fiance niya.
Ako ang mahal niya.
Tila nagkaroon ng anay sa dibdib ko na para bang unti-unti akong inuubos.
Umayos ka Travis.
My phone vibrates and I see her name on my screen.
Maxene: Good morning, just woke up. Hope you do well in school, see you later? I love you mine. xx
HER WORDS are enough.
Lunch break at nagkasabay-sabay kami ulit na apat mag lunch, nakaupo kami sa usual naming pwesto.
Sa totoo lang wala akong ganang kumain kasama sila, lalo na at nakikita ko na namang may parang may katext si Pierre. Hindi maalis sa isipan ko na baka si Maxene iyon.
Matapos ng update niya sa akin kaninang umaga, hindi pa siya ulit nagtetext sa akin.
Pero kay Pierre, sunod-sunod ang text niya.
Nagdahilan na lang ako sa tatlo at dumarecho sa parking lot. Sa labas na lang siguro ako kakain.
Gusto ko na munang mapag-isa para makapagpalamig.
Nagulat ako nang may nagtakip sa mga mata ko, pabango palang niya alam ko na. Agad kong inalis ang mga kamay niya sa mata ko at tiningnan siya.
"Surprise Hayes!"
I look at her dumbfounded. My emotions were all over the place again.
She's here smiling to no one but me.
Her eyes see only me.
I took her in my arms as I inhaled her intoxicating scent.
I love her so damn much.
"You missed me that much, huh?" Her cheery voice is teasing me. Masyado ko ata siyang nayakap ng mahigpit.
I let her push me a little to meet my eyes, "Ipinagluto kita ng lunch," she raised the pack of lunch with glee, "Sabay na tayo kumain, may shoot din ako mamaya, kaya naisipan kong dumaan muna dito para sabay na tayo mag-lunch."
She's here for me.
I said nothing but smiled back. She locked hands with mine.
I was about to take her inside my car to take her somewhere, but then she asked, "Nasaan yung tatlo? Sabay na tayo kumain sa kanila."
Can I say no?
Yet how, if her face is adoringly convincing me?
Bumalik din ako sa pwesto namin kasama si Maxene at kumain ng lunch.
After eating, Maxene catches up with the boys and is surprised to know that Gerard and Edielyn are going out.
"I'm glad that Gerard got what he deserved," Maxene says with pride and looks at Gerard, "I'm happy for the both of you." Her voice is filled with glee.
"Pusta ako in three months, magbebreak yung dalawang yun." Hirit ng ampalayang si Joshua.
Napailing na lang si Gerard sa inasta ng kaibigan na natatawa.
"Ang sama mo, you should at least support your friend here," Sagot sa kanya ni Maxene, "Dapat nga masaya ka para sa kanya."
"We can't really say," Pierre says almost teasing her, "But you're right. We always get what we deserve." Maxene gives him an impassive face that made him shrug uninterestedly, "What? Nag-agree naman ako sayo ah?"
Maxene shakes her head, smiling at him.
Natapos ang lunch break namin at kinailangan na rin umalis ni Maxene para sa shoot niya.
"Bakit hindi tayo magbonding ulit after classes, sa bar?" Pagyaya ni Gerard.
"Oo nga, tagal na rin noong huling nakasama ka namin Max." Joshua seconded.
"Kayo, napaka matampuhin ninyo, noh?" Maxene giggles, "Fine, count me in."
"Should I call you a cab?" I asked her, holding her hand.
"No need Travis, ihahatid ko na lang si Maxene." Pierre answered with an unfamiliar authority.
"Oo nga, para makalibre." Maxene playfully winked at me.
"Anong libre, alam mo bang sumama ang tiyan ko noong pinakain mo ako ng street food." Muling hirit sa kanya ni Pierre.
"Arte." Maxene hissed at him and looked back at me with a smile. "Gotta go, okay, see you later?"
I just smiled and nodded at her.
Just like that she let go of my hand and went inside his car.
I see them as they go.
Leaving me with uncertainties.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top