Chapter 53 : Sweet and Spicy
M A X E N E
"One grande caffe Americano please." I ordered at the nearest coffee shop before I go straight to work.
I have a scheduled shoot today.
It's been a while since I worked and for some reason, I just miss working.
Siguro ganito na ako dahil nasanay na akong kumikita ng pera sa murang edad. Pero syempre, hindi parin maalis sa isipan ko ang mag-aral ng college.
Iba pa rin kasi kapag nakapagtapos ka ng college, plus hindi naman laging nasa taas ako, who knows mamaya ang yaman na meron kami ngayon bumagsak na lang bigla.
Though, huwag naman sana, kahit na ang hypocrite ko para sabihin iyon; dati gusto kong malugi kami dahil sa nasasakal ako ni mom.
I get her though. Her life before meeting dad isn't like the life she has now.
Mataas ang pangarap ni mom at gusto niya makamit ang pangarap na iyon ng hindi umaasa kay dad, yet since dad is that devoted to her; he supported her all the way.
Oo at may kaya ang pamilya ni dad dati, lumago na lang ang negosyo nila ni mom dahil sa pagsisikap nilang dalawa.
Lumaki ako sa layaw, hindi ako naghirap kahit kailan, pero ang kapalit naman noon ay ang minsang walang oras ng mga magulang ko sa akin.
Tapos ang tigas pa ng ulo ko dati.
Just imagining my past self, tama nga si Kenzo, napaka-immature kong tao.
Siguro kung hindi ko nakilala si Kenzo dati, malamang sa malamang para lang makapag rebelde kay mom kung saan-saan ko inaksaya ang pera ko.
But then everything happens for a reason.
I met Kenzo so I can be a better person. He breaks my heart for me to become stronger than who I was before.
Now that I am with Travis, I know to myself that I'm still working on to be much better than who I was yesterday, at tulad nga ng sinabi niya: being better is also a progress.
I'll be the better me. Iyon ang lagi kong pinapaalala sa sarili ko.
Nang makuha ko na ang order ko, biglang natripan ko kumuha ng dark chocolate macadamia cookie. I ordered five pieces. It's a little pricey compared to an ordinary cookie, but I can't help it.
Treat yourself. Pera ko naman ang ginagamit ko panggastos.
Sinahod ko naman ito at hindi rin naman ako laging gumagastos kung hindi kailangan.
Pero aminado ako na napakatakaw ko nitong mga nakaraang araw.
Nah, it's just my imagination, matakaw naman talaga ako. Kaya nga nagrerebelde na yung katawan ko sa katakawan ko.
Sinusunod ko naman na yung diet plan ko, pero tuwing madaling araw hindi ko pa rin mapigilang hindi kumain, especially lately I want something spicy.
Nagpabili pa ako kay Natasha kamakailan ng Buffalo wings, 12 pieces tapos ako lang ang kumain noon.
Nawindang din ako sa biglaang craving ko noon, dahil na rin sa nakita kong picture ni Stephanie kasama sila Sarah kumain sa Buffalo Wild Wings.
Sana sinabihan nila ako para nakasama ako.
Though I haven't updated them yet after my debut. Baka iniisip nila na busy ako.
I sighed.
Next time na lang ako ulit magcracrave. Because what I want now is some coffee so I could have the energy I needed for today's work.
Pagkalabas ko ng coffee shop, kinain ko yung isang cookie, sobrang namiss ko ang macadamia cookies nila, but then with my surprise ininit pala nila yung cookie na dahilan kung bakit natunaw yung chocolate chip.
My heart just breaks.
Sumalangit nawa ang natunaw na chocolate chip.
OA na siguro pero nayamot akong pagmasdan ang natunaw na choco chip.
Binigay ko na lang sa mga batang nanlilimos yung apat na cookies at pinilit kong ubusin yung kinagatan ko. Kasi angalang pati iyon ibigay ko sa kanila hindi ba?
Angalang itapon ko, eh sayang naman.
Just looking at the melted choco chip I'm really disappointed and disgusted by it. They should have asked me if I wanted it hot. Dahil ayokong natutunaw yung choco chip.
Badtrip talaga!
Maaaring sa iba ang 'star' ng dark chocolate macadamia cookies eh yung macadamia nuts, pero para sa akin, yung choco chip pa rin ang nagdadala ng flavor.
Eh Maxene ano bang ipinagmamaktol mo eh natunaw lang naman, the flavor is still there-- pero ah! Basta. Ayoko ng tunaw.
Dapat tinanong muna nila ako bago nila ininit yung cookie.
Nakakainis.
My phone vibrates and I open it. Seeing his face on my phone immediately fills me with glee.
Mas lalo akong natuwa nang makita ko na tinext niya ako ulit.
TJ: Classes is over. Nag quiz kami, pasado naman ako. :)
He just updated me. I'm so proud of him.
Me: Hello Mine. OMY to work. I'm so proud of you. You should take your lunch now. xx
I replied and took a sip of my coffee.
Why does black coffee taste so delicious?
Bakit hindi ko ito na-appreciate dati?
Mamaya after work kukuha ako, yung espresso naman na may frappe.
TJ: I'm about to eat my lunch, buti hindi na ako pipila sa cafeteria, dahil may baon ako. Mag-ingat ka papunta sa work mo ah. I love you Mine. xx
Natuwa naman ako sa reply niya.
Tuwang-tuwa si mokong na may baon siya. Pero dati noong si Natasha ang pinagluluto ko hindi siya nagbabaon.
Nagbabaon siya kapag alam niyang ako ang nagluto.
Noong sinipag ako magluto, kahit pa madaling araw iyon, talaga namang ipinagluto ko siya bago pa ako ulit tamarin.
Nagulat pa nga kinaumagahan si Natasha dahil biglaan kong naisipang magluto ng pagkain ni Travis.
Ipinadala ko iyon agad-agad since pagkatapos kong magluto, inantok din ako kaagad at nag bawi ng tulog.
Tumunog ang phone ko ulit at nakita na may sinend sa akin si Travis na MMS.
TJ: This literally made my day. Will definitely do great in school so I can get that reward. >:D I can't wait for the weekends. I love you Mine. xx
I feel my cheeks heated.
Oo nga pala nagsiksik ako ng notes sa mga packed lunch niya.
Naalala ko tuloy yung simple notes sa kanya ng Papa niya, itatapon niya kaya yung mga post-it notes ko?
Me: Sana hindi nag moist yung post it notes sa fridge mo. Be sure na nakalagay sa ref mo yung baon mo ha?
TJ: You know I won't spoil it. Luto mo iyon hindi ba? Plus don't worry about the notes. They're all preserved. ;)
Kainis.
Me: Anong preserved? Post-it notes lang yan, you can throw them after you finished eating, huwag mo na rin iuwi yung disposables para hindi na hassle sayo.
TJ: Bakit mo naman naisip na itatapon yung notes? :/
Me: It's just some note in a piece of paper, it might get soaked kung mababasa din yan. -_-
TJ: You will never know. :P
Ano na naman kaya ang ginawa niya para sabihin na pinreserve niya yung notes ko?
Hay nako naman si Hayes.
But then imagining how he saved my notes made me smile as I felt those tiny little heartstrings.
Me: I love you. I'm almost near at work kaya matatagalan ulit bago kita ma-update.
TJ: Okay. I'm almost done with my lunch too. Just hanging around with the boys.
Me: The dumb trio? Lol.
Kasama na naman niya sila Pierre, Joshua at Gerard.
Pwede rin naman siyang makipagkaibigan sa iba kung gugustuhin niya. Hindi rin naman siya mahirap pakisamahan, sila Anderson nga magaan ang loob sa kanya.
Though kahit naman papaano mabait din naman yung mga kasama niya, pinagtanggol nga nila ako sa stalker ko noon.
Gumaan din naman ang pakiramdam ko sa kanila, lalo na kay Pierre.
TJ: Dalawa lang sila. You meanie. Si Pierre maaga ang tapos ng klase niya ngayon.
Me: Okay, I'll just update you when I'm done with my shoot, okay? I love you Mine. Xoxo
TJ: I love you Mine. Work well. I miss going to your shoots. You take care, keep me posted.
Why is my fiance this sweet?
Nakaka-inspire tuloy simulan ang araw na ito.
As usual ang brand na sinuot ko eh yung gawa ni mom, kaya nakailang palit din ako ng damit at nag-pose.
Dapat sanay na ako pero sa liwanag ng ilaw, pero hindi ko alam kung bakit ako nahihilo, lalo na sa flash ng camera.
Naka-ilang takes din yung photographer dahil pumikit ako sa picture, buti na lang at naka-dslr siya kaya madali niya itong nabura, dati kasi talaga namang sayang sa film kung may picture ka na hindi magandang nakunan.
Walang delete button sa camera dati, makikita mo na lang iyon pagka-develop, hindi tulad ngayon na burado agad kung hindi iyon magustuhan ng photographer.
Luckily, nalabanan ko naman ang hilo dahil na rin sa pag-inhale ko ng vicks. Lakas maka-tanders pero effective. Ang bango kasi ng menthol, binigyan pa ako ng co-model ko ng menthol candy.
The shoot is finished after four hours.
Makakapag-kape na rin ako ulit sa wakas, lipat naman ako sa kabilang coffee shop mamaya.
"Thanks for the hard work guys." I tell everyone as I take my leave.
"Hey Max wait," Si Edielyn. "Do you wanna hang-out with us?" Pagyaya niya.
Mabait naman siya pero hindi ko alam kung bakit bigla kong naalala yung eksena na parang pinopormahan niya yung boyfriend ko noong birthday ko pa mismo.
But then again, why are you this immature Maxene, alam mo naman na may boyfriend yung tao.
Masyado ba akong judgemental?
Baka nasasabi mo lang yan dahil hindi ka usually nasama sa kanila after work hours. Socialize kasi Maxene.
Well to be honest din naman, hindi ko alam kung bakit aloof ako.
Pakiramdam ko kasi nanliliit ako at na-oout of place sa kanila. Lalo na lahat sila side line lang naman talaga nila ang modelling.
They're all college and soon to be graduating students.
"Sure, saan naman?" I answered as friendly as I could be.
Give it a try Maxene.
"Let's go out for coffee," Pagyaya ni Yna, "I badly need coffee, mag-rereview pa ako mamaya."
"Anong term niyo na ba?" Tanong sa kanila ni Abi.
"Midterms, bakit ikaw ba Abi?" Tanong sa kanya ni Edielyn.
"Trimester kasi kami, kaya, finals na namin, though chill lang ako since mataas naman ako sa prelim and midterm." Pagmamayabang niya.
"Edi ikaw na," singit ni Uriel, "Mas mauuna ka pa ata sa amin makapagtapos Abi."
Nginitian lang ni Abi si Uriel at tinapik sa braso, "Months lang naman ang pagitan ng graduation natin if ever noh."
Buti pa sila matatapos na.
"Let's go?" Pagyaya ni Yna sa aming lahat matapos niyang maayos ang gamit niya.
Tahimik lang akong nakikinig sa kanila at ipinag-order na rin ako nila Uriel ng coffee. Nasa labas kami ng coffee shop para daw presko. Kahit naman pa paano ay okay din naman silang kasama.
"Wala kang sundo ngayon?" Tanong sa akin ni Edielyn.
"Wala, may late afternoon classes sila." I'm pertaining to Travis.
"Your fiance is also taking law, hindi ba?" Tanong ni Yna sa akin at tinanguhan ko lang siya bilang tugon, "I'm sure mas mahirap ang curriculum nila."
"I'm not really sure." I answered with honesty.
"Ang taas kaya ng standards doon. Majority of the best lawyers in the country graduated from that school. As if pumepetiks lang siya doon. Well, sa school ko pa nga lang hirap na ako, what more yung jowa mo hindi ba?" Reklamo ni Yna sa sarili, "Pero wala eh, ginusto ko ito, kaya panindigan ko."
"Bakit ba kasi masyado niyong pinepressure ang sarili niyo?" Pagsingit ni Edielyn, "Kung mas iisipin ninyo ang stress, talagang malalagasan kayo ng buhok."
"Hoy babae, hindi ba same kayo ng university ng boyfie ni Maxene?" Pagpuna ni Yna sa kanya at tinanguhan naman siya ni Edielyn.
This is news to me. Hindi ko alam na same school sila.
"Tapos ikaw chill lang?" Reklamo ulit ni Yna, "Ugh, hustisya!"
"Time management lang, hindi rin naman madali ang course ko." Sagot sa kanya ni Edielyn.
"Eh ano bang course mo?" I couldn't help but ask.
"BS Biology. Stepping stone ko para maging doctor." Nakangiti niyang sambit.
"Eh bakit hindi ka na lang derechong kumuha ng course sa med school? Anong relate ng BS Biology para maging doktor ka?" I asked again.
"Mas malawak ang pwede kong maging options kapag nagtapos ako ng BS Bio, pwede ako sa laboratory, sa pharmacy, sa science research, sa forensic science, sa food science pati sa marine and lastly sa hospital." She pauses, "Ayokong limitahan ang options ko, lalo na may times na pabago bago ako ng isip."
"Eh bakit ka naman kasi magbabago pa ng isip?" Tanong sa kanya ni Uriel.
"Wala lang, ika ko nga, ayokong mapressure, go with the flow lang ako." Sagot sa kanya ni Edielyn.
"Paano mo malalaman kung ano talaga ang gusto mo?" muli kong tanong kay Edielyn. "Marami kang pwedeng mapasukang trabaho ika mo nga, but how will you know if that is the one you wanted?"
"Only time will tell," she answers as carefree as she could be. "It's too soon to think about the future." She added and sips her coffee facing me with a smile, "Kung alam mo sa sarili mo na gusto mo ang tatahakin mong landas, kahit pa ano pa iyon, kahit gaano pa iyon kahirap, pagsusumikapan mong mapunta sa destinasyon na iyon."
"Napaka-vague naman ng sagot mo kay Max." Banat sa kanya ni Abi. "Eh ako nga gusto ko lang maging computer engineer or programmer, kahit pa minsan gusto ko lumihis ng landas at maging animator or designer."
"See," pagpuna ni Edielyn, "Why would you cling to a branch if you can embrace the tree?"
"Ano naman ang ibig sabihin noon?" Tanong ni Uriel sa kanya.
"Eh ikaw ba Uriel, anong gusto mo besides being a film director?" Muling tanong ni Edielyn sa kanya.
"Gusto ko maging journalist, maging author o maging scriptwriter manlang," she paused, "Teka nga, saan ba pupunta ang usapan na ito?" Curious na tanong ni Uriel sa kaibigan.
Muli siyang tinignan ni Yna at napangiti, "The world is bigger out there, so just be out there, tama ba ako Edie?"
Edielyn just nods at her with a friendly smile.
"Nagets mo ba iyon Abi?" Tanong ni Uriel sa katabi.
"Mahirap magsama ang dalawang yan, minsan nga sila-sila lang ang nagkakaintindihan." Abi muttered beside Uriel while drinking her frappuccino.
Bigla naman akong napangiti sa naintindihan ko. Oo nga naman, may point din si Edielyn.
Come to think of it, ang architecture ay isang malaking puno at sa bawat sanga noon ay ang iba't-ibang kaakibat na pwede kong puntahan pagdating ng araw.
As long as you know your destination, enjoy the journey.
Hindi ko maiwasang hindi humanga kay Edielyn.
Nang matapos na ang bonding naming lima nauna nang umalis si Yna dahil nga magrereview pa daw siya, si Abi at Uriel naman biglaang nagkayayaan magshopping.
Nagpaiwan ako saglit dahil kinailangan kong mag banyo at hinintay naman ako ni Edielyn since wala naman daw siyang lakad.
Pagkalabas ko ng banyo, laking gulat ko na lang ng makita ko si Monique na naka-uniform na kaparehas ng staff dito sa cafe.
Dito ba siya nagtatrabaho, bakit hindi ko siya nakita kanina?
Bago pa man ako makapagsalita, hindi ko na nalabanan ang hilo ko, nabingi ako sa paligid ko at unti-unting dumilim ang paligid ko.
T R A V I S
My phone rings and with my surprise, it is Monique.
Nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko ang tawag niya o hindi. Pero hindi naman kasi siya tatawag kung hindi naman importante.
"Moe." Matipid kong bati sa kanya.
"Travis." there's this uncertainty in her voice.
"What's wrong?"
"Uhmmm...kasi si Maxene," Bigla akong kinabahan sa tono ng pananalita niya na para bang hindi siya mapakali, "She's here earlier with a friend, nakita niya akong nagtatrabaho dito sa cafe and--"
"What happened to her?" Iyon ang gusto kong malaman.
"She collapsed earlier."
May kung anong bigat na naman akong naramdaman sa dibdib ko. Nagawa pa akong tawagin nila Joshua at Gerard pero agad akong pumasok sa kotse ng hindi sila pinapansin.
"Nasaan siya? Sino ang kasama niya?" I started the engine. "Monique, answer me, where is Maxene?" I couldn't hide my frustration as I waited for her to answer my question.
"Hi-hindi ko alam kung saan sila nagpunta Travis." I impatiently dropped the call since she can't give me any helpful answer.
Badtrip!
I went straight to Maxene's condo expecting her to be here, but I don't know what I should feel nang maabutan kong walang tao sa unit niya.
Kainis!
Kinatok ko si Natasha sa kabilang kwarto at agad naman niya akong pinagbuksan ng pintuan, "Where is she?"
"Po?" Gulat niyang tanong, hindi ko alam kung paano pa hahabaan ang pasensya ko.
As if naman alam ni Natasha.
Hindi ko alam saan ibubunton ang inis na nararamdaman ko.
She should have texted me or have her friend informed me about her whereabouts.
Nalaman ko nga kay Monique ang nangyari sa kanya pero tangina hindi ko naman alam kung nasaan siya ngayon.
This is so fucking frustrating!
"Hindi pa po nauwi si Ms. Maxene." Mahinahong sagot sa niya akin.
Napasuklay na lang ako sa buhok ko at sinubukang tawagan siya sa cellphone niya, pero hindi siya sumasagot.
"Goddamnit!" I hissed.
Hindi ko maiwasang mainis at nakita ko naman na nagulat si Natasha sa inasal ko.
Pilit kong kinalma ang sarili ko, alam ko rin na hindi ako pwede abutin ng gabi sa condo niya, pero hindi ako mapakali dahil wala ng araw at hindi pa siya umuuwi.
Muli kong hinarap si Natasha, "You tell me immediately if she comes home. Understood?"
Nakita ko naman kung paano siya ngumiti at sinagot ako, "Da, master Azrail. (Yes, master)"
"Don't call me that," Tinignan ko siya mata sa mata. "That's not my name here." my voice is solid as she acknowledges it.
"But that's the name that lady Trudi gave you," She meets my gaze, "I'm sure that she'll be proud that you're taking such strong authority."
I shake my head, avoiding her gaze.
"That name should be hidden forever." I muttered almost a whisper.
"But that name will also protect you," She answered back, "That's all my lady bequeathed to you, young master."
I dismissed that fact as I turned my back on her.
"Sabihan mo ako kung nakauwi na si Maxene, maghihintay ako." Nagsimula na akong maglakad palayo sa kanya.
Nang makabalik ako sa penthouse hindi ko alam kung bakit kinuha ko yung naipon ni mama na pictures namin simula noong ampunin niya ako.
It's been a while since I last look at these pictures as if it was just yesterday.
The earliest memory I had with her was when she was introduced by my biological father as his friend's wife.
Naging malapit din siyang kaibigan ni nanay dati.
Naaalala ko pa na lagi siyang dumadalaw sa bahay namin dati kung may oras siya dahil on-call ang trabaho nila ni papa.
Hindi ko pa naiintindihan dati kung ano ang trabaho nila, pero kinalaunan noong inampon nila ako, masasabi kong hindi rin naman sila basta-bastang tao.
Marami akong natutunan sa kanila at hindi naman sila nagkulang sa pagpapalaki sa akin.
As much as possible I don't want to be an embarrassment to them so I'm keeping myself at bay.
It's just there's a part of me that can't accept the fact that my adoptive mother would entrust me with such responsibility when the right time comes.
I don't even know if I deserved it. Hindi naman nila ako kadugo.
Nakakalungkot dahil sinubukan man nila ni papa magkaroon ng anak, pero hindi sila pinagpala.
Kaya noong dumating ako sa buhay nila, lalo na ni mama, ganoon na lang ang pagkasabik niyang ibuhos sa akin ang pagmamahal at oras niya na halos tinuring niya akong tunay niyang anak.
Sumakto pa ata ang pagkakataon na hindi ako rehistrado noon, kaya sila ang nag-asikaso ng birth certificate ko.
Mama gave me a new name so I can start over with my life leaving that one name that my biological mother gave me.
Travis.
I saw the last picture I had with her before she died. She's still pretty without her platinum blonde hair.
Tinanong ko pa dati kung bakit iyon ang ipinangalan niya sa akin, naalala ko pa ang sinagot niya sa akin noon.
Azrael means angel of God. The helper of God.
He's an archangel that has four faces and four thousand wings and he speaks every language of the people on earth. Some might say that he is an embodiment of evil, but not necessarily evil or specifically evil itself. He avenges those who had been wronged during their life.
Pero ang pinaniniwalaan ni mama sa sinabi niya sa akin ay yung nauna niyang sinambit.
Kahit hindi niya ako kadugo; ang matagal na niyang hinihiling ay napagbigyan noong tinawag ko siyang Mama.
Simula noon, nagbago ang buhay niya at magpaka-ina siya sa akin.
She said I was her second chance in life to start over and wished that I could allow her to be on mine too.
Mama is Russian, she married Papa whom she met when he was assigned in Budapest and their story is one hell of a roller coaster ride.
Bago magkasakit si Mama, sinubukan ni papa pumasok sa pulitika dati pagka-retire niya sa military, pero ayaw ni mama dahil lagi niya pang sinasabi dati sa pulitika sa bansa ay:
Pakosti po deshevke. [Dirty deeds done dirt cheap]
Para na lang hindi tuluyan mainis si mama, hindi na rin tumuloy si papa. Lalo na at mainit ang mga mata ng tao sa kanya sa loob ng pulitika.
Maaaring minamaliit nila si papa dahil hindi siya nakapagtapos ng kolehiyo, pero daig pa niya ang mga nagtapos sa eskwelahan sa dami ng mga natutunan niya sa labas ng bansa matapos siyang madestino sa sa malayong lugar.
Marami din siyang karangalan na inuwi sa bansa at talaga naman mismong presidente ng bansa ay kilala siya, nirerespeto at ipinagmamalaki siya.
I am proud of my adoptive parent's success in their life.
I will be forever thankful for the both of them, I am forever in their debt.
After mama died, papa handed me the papers that mama arranged for me.
Affidavit of one and the same person.
She let me keep my original name supporting the name that she gave me.
'Let me protect you by giving you this name, my son.' I remember her saying those words.
In the paper stated that:
Both the names Travis Joseph Sandoval and Azrael Trevis Romanov Hayes refer to one and the same person.
How can a name change everything?
If I were to choose, I wouldn't want to carry the name that my adoptive mother gave me. But I can't ignore the fact that I am their son legally, so I still have to use the surname of my adoptive father.
But the thought of me being someone greater than just being Travis, being Azrael Romanov Hayes could make my life easier. But then, I can't abuse such authority just because I own that name.
Besides, I know I am not ready... and I don't know when I'll ever be.
My phone vibrates again as I check my inbox.
Maxene: Hello Mine. Just got home. Hang-out with Edielyn. I had fun so I'm sorry if I wasn't able to answer your call earlier. Don't be mad, okay? I love you. xx
She didn't even inform me that she collapsed earlier.
I'm not going to let this slide.
I immediately called her and she answered after ten rings.
Bakit ang tagal niya bago sagutin ang tawag ko?
"Hello." Matipid na pagbati niya sa kabilang linya.
Ni hindi niya ginamit ang endearment namin.
"Bakit ang tagal bago mo sagutin yung tawag ko? What the hell happened to you?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya pero wala akong narinig na sagot mula sa kanya.
"Nakita ka daw ni Monique na nahimatay kanina sa cafe," I tell her, "Ano ang nangyari sayo Maxene? Saan ka dinala ng kaibigan mo? Bakit hindi niya ako sinabihan?"
There's still this wave of silence that makes me feel uneasy.
I don't like this silence.
"Maxene!" Hindi ko na napigilan taasan siya ng boses.
"Wala lang yun, don't worry." There's this uncertainty in her voice that worries me.
Is she hiding something from me?
"Akala ko ba no secrets?" I throw a huge frustrating sigh, "Ni hindi ko alam kung saan ka pupuntahan kanina," I added, "Sinabi ba ni Natasha na dumaan ako diyan kanina?"
"Yeah she told me, I'm sorry Travis." The tone of her voice is a little restless.
Something is off.
"Just tell me what happened to you." Naiinis na ako, mahirap bang sagutin ang tanong ko?
"Nahimatay ako sa gutom kanina," she answered laughing at herself, "Nahihiya akong sabihin kasi ganun lang iyon kababaw," She paused but she's not finished, "Light lunch lang kasi ang kinain ko before work, so ayun..."
I sighed, shaking my head.
"Iyon lang ba talaga?" For some reason her excuse isn't good enough for me.
"I promise iyon lang talaga, it's embarrassing, but don't worry, kasama ko naman yung co-model ko, she helped me, hindi ko naman inaasahan na tatawagan ka kaagad ni Monique tungkol doon."
Bigla na namang nagbago ang boses niya nang malaman niya na tinawagan ako ni Monique.
"She just informed me what happened to you, I should be at least grateful for that, hindi ba?"
"Talaga ba? Yun lang ba iyon?" She tries to mimic me. I chuckled.
"I swear, that's just it." I tell her calming myself down, "She couldn't answer more of my concern kaya binabaan ko din siya agad ng tawag at agad na pinuntahan ka diyan kanina."
Hindi ko kailanman binabaan si Monique ng tawag, ngayon lang.
Sana hindi niya minasama iyon, sadyang nag-aalala lang ako kay Maxene para intindihin pa siya.
"Hala, bad ka po." Her cheery voice is teasing me. "Magtatampo iyon sayo."
I sat down on the sofa still talking to her on the phone.
I dismissed her mischievous tone, "Are you sure you're okay?" I asked her.
I still can't ignore the fact that she collapsed earlier without telling me about it.
Parang iniiwasan niya rin na mapag-usapan namin iyon.
"Did you take your medicine?"
"I did, don't worry, I'm fine, Mine."
"I want to see you, can I come over?" I want to see if she's telling me the truth or not.
Mamaya niyan sinasarili niya lang dahil ayaw niya mag-alala ako.
"Bawal ka na pumunta dito, curfew." She reminded.
I checked the time and it's late, baka pagod na rin siya, "Can I at least come over tomorrow morning?"
There's another wave of silence on the line again.
This silence is unusual between us.
"Okay lang naman dumaan ka dito, anong oras ba?" She asks, "Para makapag-alarm ako."
"Before lunch or earlier." I tell her.
I hear her giggle again, "O sige, mag-aalarm ako para sayo."
"No need." I tell her, "I just want to see you, kahit maabutan kitang tulog."
"I'll still see you tomorrow, okay? Sabay na tayong mag-breakfast bukas. So, mga 9am?" She says with her usual cheery voice.
"Sounds great."
"I don't want to keep you and I'm a little tired, so can I say good night?"
"Fine, magbabasa pa ako ng books bago matulog. Nagbabawi."
"Oo nga eh. I'm so proud of you, good job for passing your quiz today!"
Natuwa naman ako sa pagbati niya sa akin.
I'll just have to go with the flow for now.
"I'll have that reward over the weekend," pilyo kong sagot sa kanya, "I have a solid proof to support my claim."
"Whatever future attorney Hayes." By the tone of her voice I pictured her rolling her eyes at me. "I won't give you notes anymore."
"I'm just kidding." I love getting notes from her. "I love your notes, Mine. They motivate me."
"Suuus naman talaga siya oh." Boses nagpipigil ng kilig. The image of her flushed face made me smile.
"O siya, baba ko na, inaantok na talaga ako, mag-dinner ka ah, nag-dinner na rin ako, at uminom na rin ako ng gamot."
I chuckled, "Okay, okay. Good night Mine."
"Good night. I love you Mine."
"I love you too, sweet dreams."
"I'll see you in my dreams Mine."
I chuckled. "Ibaba mo na Maxene."
"Okay."
She ended the call just like that.
Mas maaga ko na lang siyang pupuntahan bukas.
As much as possible I wouldn't want to be paranoid, I also consider the fact that she doesn't want me to worry kaya hindi niya agad ipinaalam sa akin na nahimatay siya kanina.
Pero naman kasi, wala na naman ako sa tabi niya noong nangyari iyon.
Bukas ko malalaman kung tamang hinala ba ako o hindi.
My phone vibrates and I see her name on the screen.
She sent me a MMS and I immediately opened it and for some reason seeing her face like this made me smile wider.
Maxene: Picture na muna, kasi sabi mo gusto mo akong makita, hindi ba? I'm okay, don't worry. I love you Mine. Good night, xx
Looking at her picture, I'm a glad to see that she's not that pale. Mukhang kaka-tanggal niya lang din ng make-up, naka-pj's na siya na nakahiga sa kama.
You should at least calm down Travis.
Travis: Okay. Sleep well, see you tomorrow. I love you Mine. xx
I hit send. I smiled and saved her picture in my album.
Insufficient storage.
I sighed and chuckled.
Mukhang kailangan ko na ulit ilipat yung ibang pictures niya sa laptop.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top