Chapter 47 : Mutual Memories

M A X E N E

Nakarating na rin kami sa bakery at kita naman kay Sarah na sobra siyang natuwa, kaya lang nagtaka ako at isang piraso lang ang inorder niya.

"Bakit isa lang?" I asked, "Ayaw mong tikman lahat?"

"Eh kasi ito lang ang extra ko." Nahihiya niyang pag-amin sa akin.

Yung dalawang boys na kasama namin ayun; si Laurenz naka-upo sa couch habang tinitingnan pa rin ako ng masama ng naka cross arms. Pikon na pikon si loko.

Si Travis naman kakapasok lang sa store siguro kaka-park lang din niya.

I playfully winked at him and he shakes his head hiding his amused face.

Muli akong humarap sa counter at nag-order ng apat na box ng cream puffs.

"Ang dami naman noon Maxene." Sarah whispered next to my ear.

"Gusto ko lahat tikman mo, hindi yung regular flavor lang." Sabi ko at niyakap naman niya ako. Napansin ko na nakakuha si Laurenz ng magandang pwesto sa loob ng store at nang magtugma ang mga mata namin, nag-peace sign ako sa kanya, pero nag-roll eyes lang siya sa akin.

Supladong antipatiko.

Matapos namin makuha ni Sarah yung inorder ko, sinamahan na namin sa couch si Laurenz at nagpakuha na rin ako ng maiinom kay Travis at walang reklamo naman niya akong pinagbigyan na nakangiti sa akin.

Buti pa yung boyfriend ko hindi topakin. Hindi katulad ng utol niya.

"Takaw mo." Saway ni Laurenz kay Sarah.

"Pake mo ba, masarap kumain," Sabat ko sa kanya, "Ang sama mo sa bestie ko." Pagtatanggol ko kay Sarah.

"Ito lang ang pinunta natin dito?" He looks a little dissatisfied, "Eh parang bavarian doughnuts lang ito. May cream sa loob." He reasoned.

"Natikman mo na ba?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi ako gutom." Pagmamaktol niya pero biglang tumunog ang tiyan niya.

Bigla ko tuloy naaalala yung unang araw ko sa condo. Paano ba naman kasi, tinanong ko rin si Travis noon kung gutom siya dahil kung saan-saan ko siya hinila noon at tulad ni Laurenz ngayon, todo tanggi man siya, sinagot naman ng tiyan niya yung katanungan ko.

Inabutan ko siya ng isang cream puff, "Sige na, kainin mo na."

"Masarap, swear." Malugod na pagkumbinsi sa kanya ni Sarah.

"Lahat naman ng pagkain, para sayo masarap." He clicks his tongue again and takes a bite of the cream puff I gave him.

Kita naman sa mukha niya na nagustuhan niya iyon.

"Ano, masarap, hindi ba?" I raised him an eyebrow.

"May sinabi ba akong hindi?" Pagsusuplado niya.

Nang makarating si Travis sa pwesto namin, napansin ko kung paano namnamin ni Laurenz yung lasa nung cream puff. Baka first time niya rin na nakatikim nun. That made me a little happy.

"Mas masarap siguro ito kung lalagyan ng konting cinnamon." Halos pabulong niyang sambit. But then he shakes his head as if he's having some sort of conversation in his head.

"Ha? Bakit naman cinnamon?" Curious kong tanong ko sa kanya.

"Huwag ka ngang epal babae." Umiwas din siya agad ng tingin sa akin. Napakasungit naman talaga nitong lalaking 'to.

I look at Sarah and I see her shaking her head from Laurenz's reaction, "Hindi mo kaya gayahin ang cream puffs, huwag mo nang tangkain." She teased him. 

With my surprise, I asked him, "You can bake?"

"Wala ka na doon!" Pabalang niyang sagot. Oo o hindi lang naman, pero hindi niya iyon maibigay sa akin. 

Pakiramdam ko sinusupladuhan niya lang ako dahil boyfriend ko si Travis.

I cross my arms at him and test his wits, "Sige nga, ano ang basic ingredients para mabuo mo mismo yung cream?"

"Egg yolk, milk, sugar and cornstarch." Pagmamayabang niya.

"Wow, I'm impressed." Pag-amin ko na ikinatuwa naman ni Sarah.

"Marunong din magluto iyan, kung anu-ano nga ang naiimbento niyang luto sa simpleng ramen lang." Natutuwang kumento ng kaibigan ko.

Naalala ko yung gabing nag-grocery kami, kaya ba marami siyang biniling ramen noong gabing iyon?

"Hindi lang naman basta-bastang ramen iyon," sagot niya sa kaibigan ko, "Haluan mo lang ng kahit anong karne, konting gulay at ng spring onion, mas sasarap ang lasa no'n."

With my curiosity I just want to ask, "How were you able to learn how to cook?"

He didn't say anything but he shrugged impassively.

Napatingin naman ako kay Sarah, "Bestie, hindi mo ipinagluluto si Lance?"

"Hindi maaasahan sa kusina ang babaeng 'yan." Derechong sagot ni Laurenz bago pa man makapagsalita yung kaibigan ko.

"Grabe ka naman, marunong din naman ako magluto." Namumulang sambit ni Sarah sa kanya.

"Oo, kung hindi sobra sa asim, sobrang alat o sobrang tabang naman." Pagrereklamo ni Laurenz.

Natatawa akong tinanong ulit si Sarah, "Bakit naman kasi sobra bestie?"

"Alam mo naman ako mag-sinigang, gusto ko sobrang asim. Tapos yung adobo, oo minsan napapasobra ako sa toyo..." Sarah stated awkwardly.

"Parang ikaw lang kapag tinotoyo...sobra." Bored na pagpaparinig ni Laurenz kaya siya nahampas ni Sarah.

Kulit din talaga nitong dalawang 'to eh. Aso at pusa.

"Edi, huwag mong kainin," she hissed at him, "Si Ronnie naman ang ipinagluluto ko, hindi ikaw."

"Kawawa naman talaga yung kapatid mo na iyon, hindi lang makapagreklamo." Sagot niya pabalik kay Sarah.

"Ay, speaking of Mamita, hindi ba aalis na siya papuntang US?" Tanong ko sa kaibigan ko.

Sarah sighs, "Yep, eh iyon naman talaga ang plano, then after graduation..." bahagya siyang napatingin kay Laurenz, "Hindi ko pa naman sure... pero plano kong hintayin ko si Ronnie maka-graduate dito ng college. Gusto niyang mag-medicine eh."

Wow, parehas pala sila ni Laurenz kung ganoon.

"Ulirang ate nga naman." I teased her.

"Ganun talaga," she sips her drink, "Lahat ng ipinagkait sa kanya noong bata pa siya, ibibigay kong lahat sa kanya."

Bigla kong naalala yung nagawa Daddy ng niya sa kanila magkapatid. 

"Tapos ano, magiging spoiled din siya tulad mo?" Laurenz teased her with a friendly smirk on his face.

"Hoy, hindi naman spoiled si Ronnie, mabait iyon, hindi tulad mo." Sagot sa kanya ni Sarah.

Laurenz clicks his tongue again making an annoyed face.

"Speaking, pwede ko ba iuwi yung iba kay Ronnie, para may pasalubong ako sa kanya?" Sarah asks me.

I nodded, "Sure, ikaw talaga para namang iba ka sa akin." Paglalambing ko. "Kaya nga kita dinala dito."

"Eh kasi, ang mamahal naman nito, kaya nahihiya akong magpa-take home plus libre mo pa." Nahihiyang pag-amin niya sa akin.

"Heh, sorry ka, bestie mo ako," I winked at her and she just shook her head bashfully.

Biglang nag-ring yung phone niya kaya kinuha niya iyon mula sa kanyang bag at tinignan kung sino yung natawag. Since nakita niyang nakita din ni Laurenz kung sino yung natawag, napansin ko kung paano kumunot ang noo niya habang sinusuri niya kung ano ang gagawin ni Sarah.

She answered the phone pero nilagay niya iyon sa loud speaker.

"Oi shitsuji!" Boses ni Martin, as far as I can remember, that is a Japanese word for sheep, pero bakit naman sheep ang tawag ni Martin dito kay Sarah?

Unless may iba pang ibig sabihin iyon na hindi pa ako familiar. Napatingin ako kay Travis dahil napangiti siya nang makita ang nalilito kong reaksyon. 

Then he whispered to my ear, "He just calls her, his servant." Napakunot naman ang noo ko, bakit naman ganoon ang tawag ni Martin kay Sarah? Siraulo talaga yung lalaking iyon.

"Tch! Lemme guess, kasama mo si asungot." Pagmamaktol ni Martin sa kabilang linya.

Hindi ko mapigilang matawa dahil tama ang instinct niya.

Nakita ko namang nag-roll eyes si Laurenz, "Bakit mo alam?" Banat niya kay Martin.

"Naka-loud speaker ako, huwag ka ngang epal." May konting irita sa boses ni Martin, though he answered him in a friendly tone. Ganoon naman si Martin, mapang-asar din. Same vibes sila ni Laurenz, kaya siguro lagi din silang clash.

"Kasama rin namin si Maxene ngayon pati si Travis." Sagot ni Sarah kay Martin. 

I know that she's not that comfortable around Travis, yet, but at least she was able to say my boyfriend's name. Not in a rush din naman, pero it's a good start.

I looked at Travis and I gave him a sweet smile.

"Bakit ka ba napatawag? Alam mong Sunday ngayon hindi ba?" Asar na tanong ni Laurenz sa kaibigan.

"I know it's a Sunday doofus!" Pang-aasar sa kanya ni Martin pabalik, "Hindi ikaw ang tinawagan ko kundi si Sarah, den Mund halten!"

Muling nagkaroon ng question mark sa utak ko pero kaagad naman iyon sinagot ni Travis para sa akin, "That's German," halos pabulong na sabi sa akin ni Travis, "He just told him to shut up."

Hindi ko napigilang taasan siya ng kilay. Kailan pa siya naging walking translator ko? He never fails to amaze me. He's so attentive.

He just give me a small smirk on his face while drinking his frappe. Casual niyang ipinatikim sa akin yun kahit na alam ko naman kung ano ang lasa ng inumin niya. 

Nakakainis! Para-paraan din talaga eh.

Bago pa mahalata nung mga kasama namin, ininom ko yung drink niya at nakita ko kung paano lumawak ang ngiti sa labi niya. Napaka pilyo nga naman!

Ang pula na siguro ng pisngi ko para tawanan niya ako sa utak niya. Humanda talaga siya sa akin mamaya!

"Anong meron Martin? Dali na." Rinig kong inip na sabi ni Sarah kay Martin. Nang balikan ko ng tingin yung dalawa, si Laurenz mukhang naiinis na naman. Pilit na nakangiti siya kay Sarah pero ang mga mata niya halatang nagkikimkim ng inis. 

Martin sighs frustratingly, "Kasi yung mga niyaya kong manood ng musical, hindi sila sumipot, so sayang yung tickets ko. Kaya I'm wondering kung pwede ko kayo mahila? Mahal pa naman 'tong mga tickets na ito." Pagrereklamo niya.

"Eh sila Alex nayaya mo ba?" Considerate na tanong ni Laurenz sa kanya na parang hindi na siya naiinis kay Martin.

Ang gulo din talaga minsan nito ni Laurenz, dinaig pa ang babae sa pagbago-bago ng mood. 

I see Travis laughing at me in his head again as I made a face because of his brother's mood swings.

"Dude, they ditch me, are you even listening?" Martin grunted, "Si Teppy last minute cancel ng lakad, si Kathy ewan kung saan mahahagilap, si Abby, nag-iinarte as always. Please kahit samahan niyo lang ako, kailangan ko talaga ito para sa school. Wala na akong ibang mahagilap, sige na please guys!" Pagmamakaawa niya sa kaibigan.

Sarah gave Laurenz a look as if she's asking him a favor. 

Oo at hindi lang ang isasagot nito ni Laurenz pero mukhang nag-eenjoy siyang pahirapan yung kaibigan ko. Kukutusan ko itong lalaking ito.

Nang mapansin niyang parang tatangihan na ni Sarah si Martin napabuntong hininga siya at nag-roll eyes, "Fine," matipid niyang sagot kay Sarah.

Lumiwanag ang mukha ng best friend ko habang nakikipag-usap kay Martin, tinanong na rin niya kung saan namin siya kikitain.

Napansin kong napakagat-labi si Laurenz na parang batang nanalo na sa pang-aasar niya sa kaibigan ko. Pero nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya muling nagkaroon ng tuwid na linya sa bibig niya at patay malisya siyang umiwas ng tingin sa gawi namin ni Travis. Ganoon na lang bumalik ang suplado niyang mukha.

He's unbelievable. Paano nakakatagal si Sarah sa toyo nitong lalaking ito?

Kaagad din naman naming pinuntahan kung nasaan si Martin. Buti na lang at hindi rin traffic kaya hindi rin siya naghintay ng matagal sa amin.

"Marty!" Tawag sa kanya ni Sarah at kumaway naman kaagad sa amin si loko at nilapitan kami. 

"Heya Martin!" Bati ko naman sa kanya at nakita kong tinignan niya yung orasan niya.

"May sasakyan ba kayo?" Tanong niya.

"Oo, bakit?" I answered and tilted my head beside.

"Malapit lang dito yung theater kung saan gaganapin yung musical, eh mga private vehicles lang ang dumadaan doon." Tapos pinakita niya sa amin yung tickets.

"May tickets ka ng The Lion King?" Hindi maiwasan ni Sarah na ma-amaze, "Sana sinabi mo sa akin noong una pa lang!"

Martin rolls his eyes at her, "Well, ayokong umepal sa Sundate ninyo ni Lance, pero kasi nga hindi ako sinipot ng mga dapat ay kasama ko ngayon, kaya," nag-peace sign siya kay Laurenz at nag-wink, "Sorry na dude."

"Nandito na kami, may choice pa ba kami umatras? Lalo na at hindi ka naman matiis nitong kaibigan mo." Pagrereklamo niyang sagot.

As if naman Laurenz. Hindi daw matiis eh mas hindi ka matiis ni Sarah, she was about to say no to Martin, epal ka lang. Sapatusin kita diyan eh!

"Ikaw naman, parang hindi mo ako kilala," Taas babang kilay niyang sagot kay Laurenz at napailing na lang siya sa inasta ni Martin at napangiti.

Mukhang may iba pang agenda 'tong dalawang ito ah?

Hmmm, boys.

"Martin," I called him and see him smiling at me, "Si Travis, boyfriend ko." Proud kong pagpapakilala sa kanya.

"Ah, siya pala." Martin says as if he remembers something, "Yep, I remember him now," Martin nods as if he confirmed something in his mind and gives us an awkward smile, "Nakakahiya nga yung first encounter namin eh."

I look at Travis and see him trying to remember that specific memory Martin was talking about.

"Bakit naman?" Balik kong tanong kay Martin.

"Oh, I remembered." Travis nodded as if he remembered that mutual memory he's talking about, "Hannah Montana, tama ba?" Pagturo niya kay Martin.

"Ah, heh, oo iyon nga," Nahihiyang sagot ni Martin at napakamot sa kanyang buhok, "Not so cool." Palaro niyang tinakpan yung mukha niya.

"Ano namang nakakahiya doon?" Curious kong tanong.

Tinignan ako ni Martin at napabuntong hininga, "Well, let's just say that I like her as a singer and an idol, but knowing a guy liking Hannah Montana, is so gay."

"Well, why bother thinking of what other people might say?" I reasoned, "Eh gusto mo iyon."

Kumunot ang noo ni Martin, "Yeah, but people assumed that I was gay because of that," he even pointed Laurenz, "Pati nga yung ungas na iyon, nasabihan akong bakla!"

"Hoy, makaturo ka naman!" Reklamo sa kanya ni Laurenz. "Baka ma-nuno ka!" He smirks at him, "Ingat ka, baka hindi ka na tumangkad."

"Suntukan na lang, ano?" Sarcastic na sagot ni Martin na parang batang naghahamon.

Natawa na lang ako sa nakikita kong harapan ng dalawang magkaibigan.

"They just misunderstood you, but then again, they were wrong about you." I commented.

Though I admit, at first I also thought that Martin was gay, because he's just that softie for a guy. He likes cute stuff and he loves Disney na hindi pangkaraniwang trip ng most guys na kilala ko.

Martin pouts like a child looking at me,  he's also cute, no wonder why he attracts some girls too, now I'm wondering, does his step-sister also like him? Hindi naman sila magkadugo, so that's not impossible, right?

"Nagduda ka din naman sa akin noon Max, hmp!" Nagtatampong sambit niya.

"Hey, hindi ah." Pagtanggi ko.

"Well, Sarah told me." Pag-amin niya sa akin at nag-cross arm sa harapan ko. 

Napatingin naman ako kay Sarah. Sa mukha niya, alam kong hindi siya mapakali. No wonder bakit lagi siya ang pinagtitripan sa circle nila.

I somewhat get why Laurenz also likes to tease her a lot. She makes awkward faces that are priceless to ignore.

I see her fixing her hair while biting her lip awkwardly.

"Sorry na Max, alam mo namang hindi ko matiis yang si Marty," panimula niya at ngayon at parehas kami ni Martin na nakaharap sa kanya, pakiramdam niya siguro ginigisa namin siya. "Kung tutuusin, siya yung guy version mo, wala akong matago sa inyo, nakakainis!" 

"Well, kaya mo nga kami bestfriend hind iba?" Halos sabay naming sagot ni Martin kay Sarah at natawa naman kaming parehas sa sinabi namin.

Nanlaki ang mga mata ni Sarah sa amin. "Parang in-sync ang utak ninyong dalawa."

I give Martin a high-five and a fist bump. 

"We cool." He nodded at me.

"Yep, we cool," and I answered him back.

"Bakit pakiramdam ko lagot na naman ako?" Awkward niyang sambit na ikinangiti ko naman.

Martin grins playfully, "Lagi ka namang lagot sa amin. Well, hindi lang naman sa amin ni Max, ka-alyado din namin si Lance pati sila Teppy, hindi ba?"

"Bullied na naman ako." Napabuntong hininga si Sarah na napapailing.

"Bullied with love naman," I smiled at her and hugged her, "Ikaw naman, para na tayong magkakapatid, huwag masyadong magdamdam."

"Nako, mabait ka pa diyan sa bestfriend mo Maxene." Martin puts his hand on his waists while shaking his head, "Kung ako ikaw, at hindi ako kinausap ng mahabang panahon, aba, hindi ko liligawan yan! Bahala ka, who you pala, ha?"

Nahampas ni Sarah si Martin. Sa mukha niya hiyang-hiya na naman siya sa pangigisa ni Martin, "Pabebe kasi masyado, real talk lang iyon bes!"

Napansin ko namang nakangiti sa amin si Laurenz pero umiwas din siya agad ng tingin sa amin.

Since nakatalikod si Sarah sa kanya, hindi na niya napigilan ang sarili na tawanan si Sarah ng hindi niya alam.

Then I suddenly realize, parehas pala silang may topak.

That thought made me smile. They just fit together, kahit na hindi ko gets ang topak ni Laurenz... Sarah was there to balance him out, as he was for her.

"Naman eh." Inilagay ni Sarah ang magkabilang kamay niya sa kanyang mukha na para bang tinatakpan niya ang namumula niyang pisngi sa hiya.

"Tama na nga," Pag-awat ko kay Martin. "It's all in the past."

"Ay nako, hindi ako magsasawang ipaalala diyan sa kaibigan natin ang topak niya. Mamaya kasi hindi siya aware sa epekto ng topak niya sa mga totoong nagmamalasakit sa kanya." Parang may pinapagalitang bata si Martin and I notice how Laurenz agrees on Martin as he give him a light nod.

"Hays, tigil na nga," Napabuntong hininga si Sarah kaya tinawanan siya ni Martin at inakbayan.

"Labyu bes!"

Sarah blinked embarrassingly and Laurenz clicked his tongue that made an annoyed looking face towards Martin. 

Mukhang nakuha naman ni Martin ang ibig sabihin ng inasta ni Laurenz.

"Sige I labyu din Laurenz, huwag ka na magselos." He gives him a flying kiss and Laurenz just looked at him in disbelief. "Hay, I'm so loved." Side comment ni Martin na naka-akbay pa kay Sarah. Halatang iniinis si Laurenz.

I can't help to laugh at them. Martin is so comical.

"Tara na nga sa theater." Pagyaya ni Martin.

So nagstop-over lang kami sa mall kung saan namin sinundo si Martin at dumerecho sa theater kung saan namin panonoorin ang musical ng The Lion King.

This is so exciting!

Pagkababa namin kaagad naman akong namangha sa laki ng lugar.

Travis held my hand and looked at the place in front of us. He looks guarded for some reason I can't tell. But I just have to ask him, "Do you know the place?"

He smiled at me, "Isa ito sa hotels nila Pierre, Mommy niya ang humahawak dito," He explained, "The name of the hotel means sun in French."

"Is his mom French?" Muli kong tanong sa kanya at tinanguhan niya lang ako while locking our hands together. "Well who would have thought, huh?" I commented with a smile but still I see worry in his eyes, "What are you worried about?"

He shakes his head kissing my hand, "I'm not worried," he denies, "Ayoko lang makita nila tayo dito, plus," he paused as he looks at his brother, "As much as possible I don't want to cause him any trouble, lalo na nasa teritoryo nila tayo." He looks back at me, he's just that cautious.

"I'm here so I won't let anyone come near my friends," I assured him, "Tulad mo, I'll do whatever it takes to protect them. I promise." I smiled at him and he nodded at me.

Hindi naman niya kailangang sarilihin ang lahat, lalo na at kasama niya ako.

"Guys tara na." Pagyaya ni Martin at pumasok na kami agad sa loob.

Nang nasa loob na kami ng theater, ang arrangement namin ay: mula sa kanan, magkatabi kami ni Travis, tapos katabi ko sa kaliwa ko ay si Martin, tapos si Sarah at si Laurenz.

Napatingin ako kay Travis at tinanong siya, "Have you ever watched a musical before?"

"No I haven't." Matipid niyang sagot. "So I don't really know what to expect."

"Ah ganun, pero alam mo ba ang story ng Lion King?" Tanong ko ulit sa kanya.

"No idea." Mahinang sagot niya.

I look at him in disbelief, "Why? It's a masterpiece."

He didn't answer me and just shrugged. "Well, all I know was it's based on William Shakespeare's Hamlet."

"True, pero siyempre may ibang binago doon." I reasoned then I remembered, "No idea ka sa lahat ng Disney films?"

Umiling lang siya bilang tugon sa akin, "Ano bang klaseng childhood meron ka at excluded si Disney?" Natawa na lang siya sa reaksyon ko.

"Sorry for disappointing you," He said almost a whisper, "Told you, they're just for kids." He teased with a smirk.

"Pagkauwi natin, imamarathon natin lahat ng Disney films," I declared pouting, "Kailangan mong mag-catch up sa lahat ng films nila. Hindi naman lahat ng Disney films pang-bata lang." I defended, dahil hindi pwede ito, he's missing a lot!

The more I get older, the more I see the heart of every film they have and I can say na mas na-appreciate ko ang Disney films nung tumanda na ako. Ewan ko, baka ako lang ang ganito mag-isip.

He simply gives me a smile and nods, "If you say so, then I guess I'll give it a try." Humble niyang sagot na ikinatuwa ko naman.

The musical play starts with the film's opening 'The Circle of Life' that is played by an amazing orchestra.

I know that we're not watching a film, but how I see the scene that is playing on stage is almost similar to the film. It gives me the same emotion.

Magagaling ang singers, they simply give me goosebumps that made my inner child want to sing with them on top of her lungs.

Napatingin ako sa gawi ni Martin at kita ko namang tutok siyang nanonood samantalang si Sarah mukhang nagiging emotional sa pinapanood niya habang nakiki-kanta sa musical.

Kung si Sarah nga hindi napigilan ang sarili sumabay sa kanta, bakit naman ako magiging conscious sa paligid ko? I'm with my friends anyway.

Sinabayan ko siya at napansin naman niyang nakatingin ako sa kanya at ngumiti sa gawi ko. Since parehas kaming nakanta na, si Martin naki-kanta na din.

"It's the circle of life and it moves us all
Through despair and hope through faith and love
Till we find our place on the path unwinding, in the circle, circle of life."

Nang matapos na ang opening nagtawanan kaming tatlo, don't tell me hindi rin alam ni Laurenz ang Lion King?

"I got chills, literally." Tanging kumento ni Sarah na nakangiti.

Martin agrees, "Sobrang nadala ako. Ang taas ng mga boses nila!"

"Edi sumali ka doon, tapos ikaw yung gaganap na unggoy na ihahagis si Simba." Laurenz teased him. I couldn't help to smile, so he knows Lion King.

"Have you watched the film?" Hindi ko mapigilang tanong sa kanya.

"Oo, paulit-ulit sa bahay nila Sarah, konti na lang mamemorize na niya yung dialogues sa film." Sarcastic niyang sagot.

"Sorry naman, ang ganda kasi talaga eh," Sarah tells him, "Aminin mo nga din, napaiyak ka nga nung first time mong mapanood yung movie."

Now that's cute.

"Shh!" Pagsaway ni Laurenz, "Bawal maingay. Mahiya ka nga."

I couldn't help to giggle, he's diverting her attention away from that specific memory they shared.

May pagka-softie din pala si Laurenz kung ganoon.

Nang balikan ko ng tingin si Travis he's still looking at the stage with awe. I held his hand and he looked my way with a soft smile on his face.

"So?" I raised an eyebrow asking for his reaction.

"I think I'm going to like this." He admitted and I smiled with pride.

We watch the rest of the musical. We laughed at some scenes and we got emotional by the time Mufasa died.

Kahit mapa-musical play or movie, hindi pa rin ako talaga maka-get over sa pagkamatay ni Mufasa. 

Then the following scene was the scene when Simba blames himself for his father's death and runs away.

Then he meets the dynamic duo: Timon and Pumbaa. Then Nala found him and they fell in love, but Simba's pain holds him back from facing Nala with the truth.

For some reason, I couldn't help to look at Travis while that scene was playing on stage.

Baka dahil sa halos kaparehas niya si Simba sa part na iyon?

Masyado lang siguro akong attached na sa kanya para makumpara ang ganung mga details mula sa isang pamilyar na scenario sa nangyari talaga sa buhay niya.

Then the following scene was when Simba and Scar duels and like in the movie, it ends well as the rightful king came back to take care of his pride.

Nang matapos ang musical play nagpalakpakan ang lahat ng tao at dahil hindi ko mapapalagpas ang moment na ito, I suggested a group picture to save this in our memory.

Lalo na at sa araw na ito, magkasama sa iisang picture sila Laurenz at Travis.

Nang makalabas na kami ng theater Martin faces us, "Super thank you talaga guys sa pagsama sa akin ngayong araw na ito."

"Ano ka ba, wala iyon." I tell him. "I'm sure lahat naman tayo nag-enjoy sa play."

"Totoo!" Sarah seconded, "Hindi pa rin ako maka-get over. Anyway, Martin, hindi ba gagawa ka rin ng play?"

"Oo, kaya kumuha ako ng inspiration." Sagot sa kanya ni Martin. "Plus suggested ng professor namin na manood kami ng musical play, then gagawa kami siyempre ng feedback, usual school stuff."

Kaya pala niya nasabi na kailangan niya ito para sa school.

"Eh ano ba ang gagawin mong play Martin?" Curious kong tanong, "Pwede bang manood if ever? I'm sure I won't miss it for the world."

Martin grins at me, "Heh, bawal ko sabihin. Pero I'll try asking if pwede ako mag-invite."

"Yay!" I couldn't contain my glee.

"Kahit clue sana Martin," Sarah pleaded.

"No!" He hissed, "Pag sinabing bawal, bawal. Pasaway eh."

"Halos parehas naman tayo ng course, malay mo naman makatulong ako." She pouted.

"Paraparaan din ah?" He puts his hands on his waist, "Same industry oo, pero magkaiba pa rin. Animation ka, ako sa film."

"Ang cool pala kung magiging duo kayo gumawa ng film noh?" I commented, "In the future."

Martin grins at me, "Oo, ako director, tapos si Sarah ang pagtratrabahuhin ko ng lahat."

"Grabe ka!" Pagmamaktol ng best friend namin.

"Bakit, since high school naman tandem na tayo. So bakit pa ako maghahanap ng iba kong makakatrabaho kung sakali, hindi ba?" He defended. "Tanda mo pa ba yung Beauty and the Beast natin? Ako ang nag-director nun, kaya nanalo tayo!"

Napansin ko namang namula si Sarah.

"Ay talaga?" I asked, kasi nung mga panahon na iyon, wala akong contact kay Sarah.

"Oo, iyon yung tinandem ko yang dalawang yan." Pagturo ni Martin kay Sarah at Laurenz. "Malabong-usapan pa sila noon, pero hey, I'm proud to say that we won in that play."

I grinned at Sarah and Laurenz, "Yieee, totoo ba?"

"Wala akong naaalala." Laurenz denied, even though his ears are reddening.

Martin clicks his tongue at him, "Magsisinungaling lang, halata pa."

"Manahimik ka nga pandak." Inis na sabi ni Laurenz kay Martin.

"Tell me more, tell me more." Pangungulit ko kay Martin. Gusto ko lang inisin si Laurenz ngayon talaga.

"Anong more? Walang more Maxene, mga indenial pa sila noon, ewan ko ba sa dalawang iyan." Pagmamaktol ni Martin. "Kung hindi nga lang dumaan ang prom, baka hanggang ngayon, nagpapakatorpe pa rin yang si Laurenz kay Sarah."

"Eh kung suntukin kita?" Laurenz warns as he glared on Martin.

"Totoo naman ah?" He pouted, "Obvious ka masyado, pero kapag kaharap mo na, todo deny ka naman. Para kang tanga. Tapos imbis na magpakatotoo ka na lang, kung anu-ano pa ang sinasabi mo...kaya nalayo minsan ang loob sayo ng best friend ko eh."

"Ay, intriga..." I teased, adding fuel to the fire. "Mukhang masaya ito ah."

Nakita ko namang namumula na siya sa inis, "Just forget it pwede ba?" Nayayamot siyang napakamot sa buhok niya, "Umuwi na lang tayo, punyetang araw ito!"

I giggled from his reaction and noticed Travis smiling as if he's remembering something from his memory.

Bago kami magkahiwahiwalay, saglit muna kaming nagkape at ibinili ko si Sarah ulit ng pang-pasalubong kay Ronnie.

Napabili na rin si Martin ng cheesecake, para daw kay Abby kahit na masama ang loob niya sa step-sister niya. Eh dahil nagtext naman daw siya na nahingi ng sorry, pinatawad na niya.

Hinatid namin si Martin sa terminal ng bus dahil mas malayo ang uuwian niya kaysa kina Sarah at Laurenz.

Muli siyang nagpasalamat sa araw na sinamahan namin siya at bago siya sumakay ng bus iniabot ko sa kanya yung invitation ko para sa birthday ko.

I even reminded him na bawal umabsent and he simply gives me a nod with a wide smile on his face at sumakay na ng bus.

"Hanggang dito na lang din kami." Laurenz uttered holding Sarah's hand while looking at me.

"Ihatid na namin kayo, malapit lang naman yung bahay ni Sarah, plus sa iisang building lang naman kayo ni Travis nakatira." pangungulit ko.

He looks at Sarah and I see her shrugged at him with a smile.

He takes a deep breath and looks at me again, "Napagbigyan na kita Maxene, kaya hanggang dito na lang," He eyed on me carefully, "Akala mo ba hindi ko alam ang ginagawa mo?" Napatingin siya kay Travis at hindi ako makatingin sa boyfriend ko dahil guilty ako.

Umiwas ako ng tingin kay Laurenz, buwisit!

Magkapatid nga sila talaga! Hmp!

I hear him sigh again, "Kailangan mo din magpahinga agad, sabi ni Sarah bawal kang napapagod." He reminded as friendly as he could be facing me impassively.

"Oo nga Max, don't worry, ihahatid naman ako ni Lance sa amin." Sarah added. "Anong oras na din, mamaya mapano ka pa."

Napabuntong hininga na lang ako, "Okay, fine," I tell her, "Mag-iingat kayo ah?" Tinanguhan naman ako ni Sarah at napansin ko namang nagkatinginan ulit si Laurenz at Travis, pero si Laurenz ang unang umiwas ng tingin.

Sarah shakes his arm and Laurenz makes a face, "Salamat na lang." He says almost like he is forced to, but from the bottom of my heart, I feel that it's almost a genuine appreciation of what we shared today.

Sarah bids us goodbye as they walk towards the train station.

Napatingin naman ako kay Travis at nakita kong nakangiti siyang tinitignan si Laurenz na naglalakad palayo sa amin hanggang sa hindi na namin sila naaninag.

Agad naman kaming sumakay na ni Travis sa kotse pagkatapos namin ihatid ng tingin sila Laurenz at Sarah.

I can't help to notice the smile that Travis has on his face.

"What?" He asks while starting the engine.

I shake my head, "Wala lang, you look happy. So I am happy too."

He chuckled looking at me with wonder in his eyes.

"This is one memorable day, right?" I paused, "Ang daming nangyari, buti na lang talaga buong araw natin sila kasama. Kaya lang biruin mo iyon, napansin din pala ni Laurenz yung kalokohan ko?"

"He's just that wary."

"Like you?" I raised an eyebrow and I saw him shaking his head with that same smile on his face. "Pero, mas pikon siya sayo, noh? Tapos makalas pa ang toyo." 

"I agree with that." He looks at me and immediately back on the road.

Pagkauwi namin sa penthouse kaagad naman ako naka-recieve ng text kay Sarah telling me na naka-uwi na siya at nagpapasalamat siya sa pasalubong na binili ko para kay Ronnie.

Nagtext din ako pabalik sa kanya at sinabing nakauwi na rin ako... kahit na nagstastay ako ngayon sa penthouse ni Travis.

Hindi ko naman kailangang sabihin lahat kay Sarah, ang alam niya kasi nauwi ako sa condo ko. Alam man niyang boyfriend ko si Travis, pero hindi ko naman sinasabi na live-in kami.

Syempre I still keep things on my own, lalo na alam kong super conservative nga naman ng kaibigan ko na iyon... isa pa, ayoko namang magduda siya ulit lalo na at wala pang one year kaming magka-relasyon ni Travis pero ang layo na ng napuntahan ng relasyon naming dalawa.

He hugged me from behind and kissed my shoulder, my neck and my cheeks.

"Daming kisses ah." I giggled putting my phone away and turned to face him.

"I love you." He uttered looking into my eyes.

I embrace him as I listen to his heart. I'm happy that his heart is happy. I feel him kissing my temple as his arms hold me tightly.

"I love you too Travis." I told him and pushed him a little to meet his gaze.

I couldn't help to melt from his gaze.

"Oo nga pala," I started to divert his attention, "Nakita kong tinatawanan mo si Laurenz kanina noong ginigisa siya ni Martin...do you know something I don't?" I asked him and he looks at me with a smile on his face.

"Okay, I'll tell you," he said then his phone vibrates, he checks the time and looks back at me again, "But first, you have to drink your medicine then let's just talk this to bed. Para makapagpahinga ka na rin."

"Okay." I obediently tell him and he pulls me for another kiss.

"I love you." He says his favorite words again at kapag hindi ako sumagot agad, mapapakagat-labi siya at mag-popout, like any second now...

He just pouted in front of me.

I couldn't help laughing at him in my head.

This is the childish side of him that I will always love.

"I love you too." I tell him and he smiles.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top