Chapter 46 : Regrets of the Past

T R A V I S


Napalunok ako habang kinokontrol ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Travis."

Sa loob ng mahabang panahon ngayon niya lang ulit tinawag ang pangalan ko.

I look at Maxene and she's smiling with tears in her eyes, "She's calling you." She says almost in a whisper.

Hindi ko alam kung bakit hindi ko kayang harapin si nanay, napapikit ako. Nanghihina ako. 

I feel Maxene's hand on mine as I look at her. From the way she looked at me, her eyes were as if they were giving me enough courage to look back at my mother, and with all my strength I did.

She said nothing but she just smiled at me.

Her smile is like she's thanking me for something I did for her.

Muli niyang binalikan ng tingin si Laurenz at hinaplos sa mukha, "Kamukhang-kamukha mo talaga ang tatay mo." Pagpuri niya sa kanyang anak.

Tulad ko hindi alam ni Laurenz kung ano ang dapat niyang sabihin, pwera sa isang tanong na parang matagal na niyang gustong itanong kay nanay, "Bakit po iniwan ninyo ako?"

Nalungkot ang mukha ni nanay, umiling at napaluha, "Ang sabi nila sa akin, namatay ka noong ipinanganak kita. Mahal na mahal kita Laurenz, kaya hindi ko kinaya noong sabihin nilang wala kang buhay noong isinilang kita, halos ikamatay ko."

Pilit siyang ngumiti sa harapan ng anak niya, "Patawad kasi naging mahina si nanay. Patawad anak, patawad."

Punong-puno ng pagsisisi ang mukha ni nanay at inilapit niya ang noo ni Laurenz sa kanya habang hawak pa rin niya ang mukha ng kapatid ko.

"Pero alam mo ba," she paused, "Sa totoo lang, mas malaki ang naging kasalanan ko sa kuya mo." Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa sinabi sa kanya ni nanay.

Halata sa mukha ni Laurenz na gusto niyang magtanong, pero hindi niya naman alam kung paano.

Ayoko sanang mabigla si Laurenz, pero kasi hindi rin naman mapagkakaila kay nanay na masayang masaya siyang makita kami.

Muli akong tiningnan ni nanay at inilahad niya ang kamay niya sa akin. Napansin ko rin naman kung paano ako samaan ng tingin ni Laurenz.

Sa mga mata niya, hindi niya tanggap.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin, ni hindi ko alam kung dapat ko ba sila lapitan.

"Kuya," tawag sa akin ni nanay.

Nakaramdam ako ng matinding bigat sa dibdib ko pero hindi ko naman pwede ipahalata kay nanay iyon.

Pilit kong nginitian si nanay kahit pa sobrang sama ng tingin sa akin ni Laurenz. 

"Patawad kuya."

"Nanay, bakit po kayo nahingi ng tawad?" I started laughing it off, containing myself from the situation. "Wala naman po kayong kasalanan," I smiled at her and kissed her hand, "Huwag na po kayo mag-alala."

She's looking at me as if she sees right through me o baka ako lang ang nag-iisip na ganoon.

"Patawad, anak at nasaktan kita ng sobra."

Umiwas ako ng tingin at umiling pero bago pa man ako makapagsalita, hinaplos niya muli ang mukha ko, nginitian niya ako at tiningnan ako sa mata.

"Tama na, Travis." 

Tatlong salita lang iyon, pero pakiramdam ko mas lalong bumigat ang nararamdaman ko. 

Gusto kong balewalain ang sinabi ni nanay at isipin na hindi niya alam ang sinasabi niya, pero sa kung paano niya ako tingnan sa mata, hindi ko alam kung bakit bigla akong nanlambot.

Nanliit ako sa sarili ko. Ikinakahiya ko ang sarili ko. Kung pwede lang akong tumakbo ngayon ginawa ko na, pero hindi ko alam kung bakit wala akong halos lakas para tingnan si nanay ngayon.

Isa-isang tumulo ang mga luha ko sa harapan niya habang hindi ko maialis ang tingin ko sa kanya. 

Punong-puno siya ng pagsisisi. 

Pero sa likod ng mga ngiti niya, pakiramdam ko, matagal na niyang alam na niloloko ko siya.

Anong klaseng anak ako?

"Nanay," pati ang boses ko nanghihinang tawagin siya, "Patawad po..." Napapikit akong na nakatungo habang hinahawakan ang kamay ni nanay. "Patawad po dahil binigo kita." Nanghihina kong sambit. "Hindi ko po kayo masisisi kung magagalit po kayo sa akin."

Hindi ko alam kung bugso lang ba ito ng damdamin ko, pero para saan pa kung magsisinungaling ako? 

Nandito na naman na si Laurenz, ano pang saysay na manatili ako sa tabi ni nanay?

Nagulat na lang ako nang halikan niya ako sa noo.

"Bakit ako magagalit sayo, kung dahil sa akin napilitan kang magsinungaling para lang maging maayos ako?"

Napalunok ako, "Paano po ninyo-" Halos hindi ko maituloy ang tanong ko sa kanya

"Nanay mo ako. Bakit hindi ko malalaman?" Halos paghinga ata hindi ko na alam kung paano gawin. 

"Pero bakit po pinapabayaan niyong gawin ko iyon sa inyo?"

"Dahil natatakot ako..." Mahinang sagot sa akin ni nanay, "Natatakot ako na baka bumalik ako sa puntong iyon ng buhay ko...Natatakot ako na masaktan kita ulit. Hindi ko kaya patawarin ang sarili ko dahil naging mahina akong ina sa inyo ng kapatid mo."

Umiling ako, ayokong ito ang isipin niya.

"Malaki ang pagsisisi ko nang makita mo ako sa puntong iyon, nahihiya ako sa iyo Travis." muling sambit ni nanay.

Hindi ko mapigilan ang mga luha ko at muli niya akong hinawakan sa mukha, "Binabangungot ka ba ulit?" Muling tanong niya sa akin pero walang boses na nalabas sa bibig ko.

"Wala po kayong dapat ipagalala nanay, ayos lang po ako." I forced out a smile kahit pa sa loob ko, unti-unti akong nadudurog.

"Sinabi sa akin ni Trudi lahat ng nangyari, bago siya namatay...sinabi niya sa akin lahat ng nangyayari sayo."

Napalunok ako.

"Sinabi niya sa akin ang unang beses na nagsinungaling ka sa kanya para pagtakpan ang gabi-gabing dinadalaw ka ng bangungot na iyon."

Umiling ako, "Kalimutan niyo na lang po iyon," I just want to convince her, but my lie is just too obvious, "Wala na po iyon nanay."

"Kasalanan ko naman lahat iyon eh," Her voice is filled with regret, "Pero ikaw ang nagdadala ng bigat ng mga kasalanan ko. Kung tutuusin pa nga ang sama-sama kong ina."

Muli akong umiling.

"Kaya bakit mo iniisip na magagalit ako sayo?" Muling tanong ni nanay sa akin pero wala pa rin akong masabi. "Sa totoo lang, iniintay ko lang ang panahon na dadalhin mo ang kapatid mo dito...pero wala akong sapat na lakas ng loob para sabihin iyon sayo, dahil ayokong isipin mo na hindi ka na mahalaga sa akin."

Sa sobrang bigat ng nararamdaman ko, gusto ko na lang itago ang mukha ko para hindi na sisihin ni nanay ang sarili niya. Pero magtago man ako, hindi ko naman mapigilan ang mga luha ko sa harapan niya. Dahil tulad ko, ito ang matagal na tinatago sa akin ni nanay...

Dahil takot siyang masaktan ako.

Niyakap ako ni nanay ng mahigpit, "Patawad anak...patawad at dinala mo ito mag-isa sa mahabang panahon...patawad kung naging mahina ako...kaya, tama na." Umiyak ako sa balikat ni nanay, "Kung hindi mo na kaya ang bigat, pabayaan mong tulungan kita sa panahong ito, anak."

Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Mahal na mahal ko po kayo Nanay." Halos pabulong kong sabi sa kanya habang pinapatahan niya ako.

"Mahal na mahal din kita kuya."

Hinalikan niya ako sa noo at pinunasan ang mga luha ko.

Hinawakan niyang muli ang kamay ni Laurenz at nginitian ang anak. Nakita ko naman kung paano niya punasan ang luha ni nanay.

At niyakap niya kami ng mahigpit.

"Kayo ang pinakamagandang regalong natanggap ko sa buhay ko."

M A X E N E

This is the moment that I've been waiting for to happen.

This is the start where I'll redeem him from his past.

Kaya rin pala minsan naitatanong ni nanay sa akin sa tuwing nabisita kami kung nananaginip pa ba si Travis ng masama gabi-gabi, iyon ay dahil alam niya ang naging epekto ng ginawa niya noong bata pa siya.

I can't say that she's stable, but she's okay.

Pero natatakot pa rin siya sa pwedeng maging epekto sa kanya ni Travis ulit. Nakwento na rin niya sa akin dati ang tungkol sa isa niyang kaibigan na lubos na pinagkautangan niya ng loob...I just then realized that she's talking about Travis's adoptive mother. How Nanay is thankful that his Mama raised him like her own.

Natutuwa akong pagmasdan silang tatlo, kaagad naman akong tinabihan ni Sarah at miski siya naiiyak sa nangyayari sa magkapatid kasama ng nanay nila. 

I'm glad that Laurenz was able to hold back his ill temper towards Travis in respect of their mother. I think that's more than enough to see that he's trying to understand the situation between him and his brother.

Hindi rin naman niya ata inaasahan na makita ang side na ito ni Travis, nakita ko rin naman iyon sa kanya kanina simulang nakita niya kung paano umiyak ang kuya niya.

Maaaring galit pa si Laurenz, pero may consideration pa rin naman siya.

Pansamantalang umalis si Sarah para makabili ng drinks at pagkabalik niya kaagad kong niyaya sila nanay at yung magkapatid na kumain ng brownies.

Inabutan ko si nanay at nakita ko naman na natuwa siya sa ginawa ko para sa kanya.

"Masarap po diba?" I humored her and she nod giggling. Napansin ko namang napatingin siya kay Sarah, "Bestfriend ko po siya," pagpapakilala ko at nahihiyang tumungo naman si Sarah bilang tugon, "Girlfriend po ni Laurenz." Dagdag ko pa.

Biglang napaubo si Laurenz at napatingin sa gawi ko.

"Bakit, hindi ba totoo?" I teased him but he prefers to ignore me. I noticed that my best friend blushed from what I said.

"Ang bilis talaga ng oras," Tanging kumento ni nanay, "Sayang at hindi ko sila nakitang lumaki parehas." Travis held his mother's hand and smiled at her.

"Bestie, natapos mo na ba?" Tanong ko kay Sarah at parang nakuha naman na niya kaagad yung ibig kong sabihin at kinuha ang regalo niya kay nanay mula sa bag niya.

"Uhmm, hindi po ako marunong mag-bake tulad ni Max, pero sana po magustuhan ninyo," inabot ni Sarah yung ginawa niyang cream colored crochet shawl.

"Ang ganda naman nito hija." pagpuri ni nanay kay Sarah. 

Nang akmang ipapatong ni nanay Lynda sa balikat niya yung shawl, magkabilang inalalayan siya ng mga anak niya pero nang sinamaan ng tingin ni Laurenz si Travis, kaagad naman siyang bumitaw at umiwas ng tingin sa kapatid. 

Truce muna sana kayo guys.

"Sino ang nagturo sayo kung paano gumawa ng ganito?" Magiliw na tanong ni nanay kay Sarah.

"Yung lola ko po, sa mother's side," She smiles at her, "Bonding po namin mag-lola ang gumawa ng kung anu-ano na gawa sa yarn."

"Nakakatuwa, parehas pala tayo." Tanging nasabi ni nanay kay Sarah. Napansin ko na parang nagulat si Travis sa narinig niya sa nanay niya na para bang ngayon niya lang nalaman ang bagay na ito tungkol sa kanya. 

"Laki ka rin ba sa lola?" Muling tanong ni nanay kay Sarah.

"Opo, pero kasama ko pa naman po si Mommy, sadyang mas alaga lang po kami sa lola ng kapatid ko."

"Ah, may kapatid ka din pala?" Magiliw na tanong ni nanay kay Sarah, "Nakita ko na yung dalawang ang mga kapatid ni Maxene sa picture, ilan kayo magkapatid?"

Halatang sabik si nanay Lynda sa mga bata. Ganoon din kasi ang hitsura niya noong pinakita ko yung pictures namin ng mga kapatid ko.

"Dalawa lang po," Nahihiyang sagot ni Sarah, "Pero sabi ni Mommy sa amin katumbas namin ang dalawang dosena." Napatawa si nanay.

"May larawan ba kayo na magkasama?" Muling tanong ni nanay sa kaibigan ko kaya nilabas ko ang phone ko at ipinakita iyon sa kanya.

"Nako Nanay, handa po ako pagdating sa pictures." Pagmamalaki ko at nilapitan siya.

"Mamaya kung ano ang ipakita mo kay Tita, Max." Nag-aalalang sabi sa akin ni Sarah.

Ipinakita ko kay nanay yung pictures ni Sarah at ni Ronnie at nakita ko namang ikinatuwa iyon ni nanay.

Dahil hindi na nakatiis si Sarah, lumapit na rin siya sa amin ni nanay, "Anu-anong pictures ang meron ka diyan Maxene?"

"Edi yung pictures ninyo na kinuha ko sa Facebook." Sagot ko sa kaibigan ko.

"Halatang malapit kayo sa isa't-isa ah?" natutuwang pagpuna ni nanay.

"Nako Nay, kung alam niyo lang po." Hindi ko mapigilang kumento, "Kung tutuusin po, lahat ng kaibigan ni Sarah, kapatid na rin po ni Ronnie." Pagmamalaki ko, "Ito po yung picture namin noong nasa bahay po nila kami, tapos iyon po si Mamita."

"Mamita?" Curious tanong ni nanay.

"Mommy plus Tita po. Iyon po ang tawag namin sa Mommy ni Sarah."

"Ay, ang saya naman." She paused with a smile as she continues to look at the pictures they have together. "Para pa lang kapatid mo lang ang Mommy mo Sarah."

My friend gave her an awkward smile. "Kung tutuusin nga po, mas close pa nga po ng mga kaibigan ko si Mommy. Minsan nakaka-out of place na." Halos pabulong niyang sabi kaya kinurot siya ni Laurenz sa pisngi.

"Selosa." He teased her and grins.

"Hindi naman." She denied pouting.

"Close ka din ba sa Mommy niya?" Curious na tanong ni nanay kay Laurenz na tinanguhan niya lang bilang tugon.

"Opo, totoo iyan," Sagot ni Sarah, "Close po sila ni Mommy, sa sobrang close hindi ko alam kung bakit hindi ako minsan kinakampihan ni Mommy." Pagmamaktol ni Sarah na parang nagsusumbong kay nanay. 

"Magulo ka kasing kausap." Boring na sagot ni Laurenz sa kanya.

"Tapos dinadaan mo sa suhol si Ronnie." Dagdag pa ng bestfriend ko na parang naghahanap ng kakampi kay nanay.

"Bad influence ka lang. Baka mahawa sa kalokohan mo yung kapatid mo," siniko siya ni Sarah, "Tch, tingnan mo ito, pasaway pa. Behave." Pinandilatan niya ng mata yung kaibigan ko.

"Oo na, sige na, ako na pasaway." Sarah pouted crossing her arms. "Ako naman lagi." Pabulong niyang sambit. 

"Tapos yung minsan na inutos ni mamita, iuutos pa sa kapatid." Dagdag pa ni Laurenz. "Paraparaan din. Pero tamad lang talaga. Abuse of authority."

Aray, natamaan ako doon! 

"Pakiusap sa kapatid, ang tawag doon." Pagdepensa ko.

"Pinaganda mo pa, parehas lang naman iyon," Napalunok ako sa sinabi ni Laurenz, "Don't tell me, natamaan ka?" Tinaasan niya ako ng kilay.

"Hi-hindi ah." I denied and I heard Travis chuckled beside me with his eyes closed.

"Huwag kang mag-react, kung hindi ka affected." Sagot pabalik sa akin ni Laurenz. Ginigigil ako ng lalaking ito talaga!

Natigilan kami nang marinig namin si nanay na halos maiyak na sa kakatawa. 

Hindi ko mapigilang hindi ma-amaze sa tunay niyang ganda kapag tumatawa siya, sa simpleng ngiti nga lang niya, nagagandahan na ako, what more pa yung pagtawa, hindi ba?

Lalo na at talaga namang kamukhang-kamukha niya si Travis.

"Sadyang mababaw lang siguro ako para matawa sa tuwing nakakarinig ako ng mga ganitong kwento sa iba." Kumento niya habang kinakalma ang sarili niya, "Ilang beses ko rin kasing sinubukan isipin kung ano kaya kung naranasan ko rin iyon." May panghihinayang, lungkot at pananabik sa boses ni nanay.

"Sa totoo lang, masaya akong makita kayo na lumaki ng maayos kahit pa, hindi kayo magkasamang dalawa." Parehas nagka-iwasan ng tingin ang magkapatid.

"Hindi man madali, pero nagpapasalamat pa rin ako at sobrang ipinagmamalaki ko kayong dalawa." Tiningnan ni nanay ang mga anak niya.

"Kung pwede po, minsan labas po tayo nanay," I tell her, "Para naman po makapasyal kayo sa ibang lugar."

Umiling siya, "Hindi pa ako kumportable lumabas, kuntento na ako dito."

Gusto ko pa mang magtanong pero hinawakan ako kaagad ni Travis sa kamay na para bang sinasabi niya sa akin na, huwag ko na ipilit pa.

"Hindi ko na maibabalik ang oras na nawala sa atin, pero sana magawa ko pa ring maging nanay sa inyo," tiningnan niya yung dalawa niyang anak at muling nginitian "Mapagbigyan niyo pa sana ako."

Hinawakan ni Travis ang kamay ng nanay niya at tinanguhan ang nanay niya. 

Si Laurenz naman nginitian niya lang ang nanay niya ngunit muli siyang niyakap ng mahigpit ng nanay niya at tinugunan naman niya iyon ng mahigpit na yakap.

I lock my hands with Travis and see him smile at me softly.

Nagpaalam na kaming apat kay nanay at nangakong bibisita ulit sa susunod. 

Masaya ako dahil sa susunod, apat na kaming bibisita sa kanya.

Nang makalabas na kami ng facility tahimik kaming apat na naglalakad hanggang sa makarating na kami sa may parking area.

Nagulat na lang ako nang kwelyuhin ni Laurenz si Travis na akmang susuntukin na naman niya ang kuya niya pero humarang ako sa pagitan nila.

"Laurenz, please...huwag naman..." Pakiusap ko sa kanya.

His eyes are still angry at him.

"Lance..." Pati si Sarah pinipigilan siya.

"Pabayaan mo siya Max." Halos pabulong na sabi ni Travis sa akin pero hindi ako aalis sa harapan niya.

"Please Laurenz, understand." Muli kong pakiusap ko sa kanya.

"Understand? Huh," He scoffs, "Tumabi ka dahil ayokong saktan ka Maxene. Kanina pa ako nagtitimpi sa taong yan!"

"Would it even make you feel better saktan mo ang Kuya mo ng ganito?" I asked him and the word kuya made him flinch. "Magkapatid kayo Laurenz...please..."

Hinawakan ni Sarah ang braso ni Laurenz, "Tama na... Lance... please..."

He let go but was still glaring at him.

Nakahinga ako ng malalim at nakita ko naman na ganun din si Sarah, pero sa hindi inaasahan nagulat na lang ako nang hilahin ni Laurenz si Travis palayo sa akin at sinuntok siya sa mukha.

Akala ko naman hindi na niya itutuloy.

Muli siyang pinigilan ni Sarah at muli akong humarang sa harapan ni Travis.  

"You kept this all from me all these years," Laurenz blamed him. "You kept her from me!"

"Laurenz, please listen..." Muli kong pakiusap pero pinigilan ako ni Travis at pinunasan niya ang nagdudugo niyang labi.

"Napaka-selfish mo para itago sa akin yung totoo tungkol sa tunay kong ina." Laurenz's eyes were angry, frustrated and sad. "You're a despicable asshole Travis!" He cursed him. He just couldn't contain his anger towards his brother any longer.

I feel Travis's heart in pain, but he's not saying anything back at Laurenz. 

"Hindi niya ginusto iyon Laurenz," depensa ko dahil ayokong pinapahirapan niya ng ganito ang Kuya niya. Lalo na at matagal din niyang kinikimkim ang lahat ng ito. 

"It's...it's complicated...please, pabayaan mo naman sanang magpaliwanag siya sayo, hindi ito madali para sa kanya..." Pakiusap ko sa kanya.

"So ano, mas madali sayo na paikutin ako, gawin akong tanga? Ganoon ba? Bata pa lang tayo, ginagago mo na ako Travis!" Disappointment is obvious in his voice. I can't blame him but my heart is breaking for Travis.

"Tapos malalaman ko, magkapatid tayo?" Laurenz scoffed, "Tangina isang malaking joke iyon! The irony nga naman, ikaw Kuya ko? Kasukasukang magkaroon ng kapatid na tulad mo hayop ka!" His voice is filled with antipathy and sarcasm towards him.

"You have all the time, to at least tell me the truth, dahil kung matino kang kapatid, kahit iyon man lang, sana nagawa mo para sa akin." He blames him again.

"Buong buhay ko, akala ko iniwan ako ng totoo kong ina, tapos ganito ko malalaman ang totoong dahilan, na nabaliw siya dahil akala niyang namatay ako pagkasilang niya sa akin?" His voice almost breaks, "Tapos ikaw na nagmamagaling, mas piniling mong manahimik na lang at sarilihin si nanay." He takes a deep breath containing his temper towards Travis,

"Gago kang hayop ka! Napakasama mo talagang tao Travis! Napaka-unfair mo para gawin sa akin lahat ito!"

I understand why he is angry at him, but I want him to understand his side too. 

Hindi ko napigilan ang luha ko. Hindi naman ginusto ni Travis ito.

If only Laurenz could listen.

"Tama ka nga Lance," Travis started talking, taking a deep breath. I look at him, "Aaminin ko na lang na selfish ako." His eyes weren't crying like Laurenz's, but his heart is.

"Napakaselfish ko nga para itago si Nanay sa akin, dahil siya na lang ang meron ako." He gulped facing Laurenz not like how he faced him before, but as his brother, "Ilang taon pa ang nakalipas bago ko nalaman na buhay ka. Ni hindi mo nga alam kung sino ako, kung hindi pa dumating ang araw na ito dahil miski ata si Tatay ayaw niyang malaman mo kung sino ako sa buhay mo."

There's a sudden bitterness in Laurenz's eyes as he listens to his brother.

"Iniwan ako ni Tatay matapos mabaliw si Nanay. Kinuha ka niya. Nalaman ko na lang ang lahat noong unang beses kayong dumalaw ni tatay sa amin ni Papa...na Ninong mo. Bata ka pa noon, kaya posibleng hindi mo naalala iyon. Umasa ako noong araw na iyon Lance, umasa ako na kukunin ako ni tatay para magkasama tayo, pero hindi nangyari iyon. Hindi man madali ang naging buhay mo sa kamay ni Auntie, pero kinilala ka niya at dala-dala mo ang pangalan ni Tatay, eh ako?" He force out a smile looking at him with pain in his eyes, "Mas pinili niya na iwanan, itago at ipaampon ako. Sa tingin mo ba fair iyon lahat sa akin Laurenz?"

Laurenz avoids his gaze as Travis closes his eyes and gulps bitterly. 

I held his hand tightly giving him the strength he needed.

"Hindi ko kailanman hihingiin sayo na patawarin ako Laurenz," he paused, "Kung gusto mo akong gantihan sa mga nagawa ko sayo, tatanggapin ko iyon lahat." He pauses as he meets his brother's eyes.

"Despise me as you please, I don't mind... but I am sorry for everything." He says almost in a whisper. "I can't undo what I've done to you, but I regretted everything. The last thing I would want was to hurt you, but then I did. Nagpadala ako sa galit at ibinunton ko iyon sayo...sa inyo ni Sarah."

I can't help smiling from his admission to him. 

I'm just so proud of him for saying and doing the right thing after all these years. It takes enough courage for him to do this. 

I look at Laurenz and I can tell that his brother's words get through him...kahit pa paano.

Ilang minuto rin na balot ng katahimikan ang pagitan nila na para bang binabasa nila ang isa't-isa.

Umiwas ng tingin si Laurenz at muling nagsalita, "Screw you."

Ilang beses ba niya sasaktan si Travis ng ganito?

"Hinding hindi ko matatanggap na kapatid ko ang isang gago na tulad mo Travis!" Dagdag pa niya.

Travis chuckled closing his eyes, hiding the pain in his heart.

"Pero ang malaman na hindi lang pala ako ang dumaan sa impyerno," bahagyang tinalikuran kami ni Laurenz at humarap kay Sarah, "Hindi naman pala ako nag-iisang nagbakasyon doon kahit papaano." Halos pa bulong niyang sambit.

I noticed that sudden warmth in Travis's eyes as he looked at his brother.

Mukhang naasar na naman si Laurenz kung paano siya ngitian ni Sarah kaya kinurot na naman niya ang pisngi ng kaibigan ko.

"Aray naman Lance! Lagi na lang?" She rubbed her cheeks and puffed it in front of him.

"Mauna na tayo." Pagyaya niya sa girlfriend niya. 

Nginitian kami ni Sarah at nagpaalam na rin sa amin. 

Pero bago pa man sila makalayo muling nagsalita si Travis, "Ngayon at alam mo na ang lahat, sana magkaroon ka ng oras para bisitahin siya dito."

Laurenz clicks his tongue, "Abuse of authority." He muttered and looked back at us.

"Huwag kang magmagaling dahil wala kang karapatan utusan ako," he says impassively, "May sarili akong utak. Hindi ako tanga." He added and walked away left just like that.

"Grabe naman talaga magsalita yung utol mo na iyon, sarap kutusan." Hindi ko maiwasang kumento at hinarap si Travis. 

"That's more than enough." He said, his voice is contented.

"Anong ibig mong sabihin doon?" I'm confused and pissed at the same time. "Nagawa ka nga niyang suntukin ulit kanina, kainis!" Pagmamaktol ko.

He didn't answer but his eyes looked pleased from what happened.

I cupped his face, "Sorry hindi ko siya napigilang saktan ka."

He shakes his head, "I'm okay Maxene."

"Pero kahit na... sinuntok ka pa rin niya. Tapos nakapagbitaw pa siya ng masasakit na salita sayo."

He smiled at me, "Ganoon talaga si Laurenz, masyado lang siyang... prangka."

"Dapat may hangganan ang kaprangkahan ng isang tao," I defended, "Dahil nakakasakit rin naman ang sobra."

"It'll take time." Matipid niyang sagot sa akin.

"What do you mean?" 

"We'll get there, when we get there." He avoided my gaze with a smile, "I can tell that we just compromised."

"Paano mo naman nasabi iyon?" The way I see it Laurenz is still angry at him.

He shrugged, "I just know." He uttered with certainty.

"He's still mean to you." I tell him. Still feeling bad about what happened earlier.

"Sabi ko sayo, ganoon lang talaga iyon," His whole face is smiling at me, "You may have misunderstood him."

"Wow, pinagtatanggol ni Kuya si bunso." I teased him raising an eyebrow.

He said nothing but he smiled at me.

"Are you sure that you're okay?" I cupped his face again.

He takes my hand and kisses it. "Never better."

"Kapag talaga inaway ka ni Laurenz, mababatukan ko siya kahit pa girlfriend niya yung best friend ko." He chuckled and pulls me close to him for a tight hug.

He put his face on my neck savoring my scent again.

"Thank you for everything today Maxene," his heart uttered. I embraced him with all the love I could give him, "And thank you for not giving up on me."

I kissed his temple. "I love you, always Travis."

"Hindi ko talaga kaya ito gawin mag-isa..." His voice admits weakly.

"Kaya nga ako nandito para sayo, para alalayan ka." I finished his statement and he pushed me enough for him to cup my face again. I hold his hand that is cupping my face. "You will never be alone, because I'm here."

He smiled and immediately his lips landed on mine. He kisses me passionately and I'm happy to feel that his heart is starting to heal from the pain of his past. 

He smiles as he cuts the kiss. He kisses my forehead and I'm on his arms again.

But then I suddenly realized that I forgot something.

Humiwalay ako kaagad kay Travis at nakita ko namang nagulat siya, "What's wrong?"

"Kailangan nating habulin yung dalawang iyon." 

Nakita ko naman kung paano kumunot ang noo niya, "Bakit?"

"Yung invitations para sa debut ko, hindi ko naiabot kay Sarah kanina." Napakagat ako sa labi at nakita ko namang tinawanan na naman niya ako.

Kaagad kaming umalis sa institution at buti na lang at naabutan namin sa bus stop sila Sarah at Laurenz.

I opened the window and called them, "Hey bestie!" 

"Oh, Max." Inabot ko sa kanya yung invitation.

"Forgot to give it to you earlier. Kasama ka sa eighteen candles ko ah!"

"Wow, for real?" She looks at me in disbelief.

"Oo, bakit ayaw mo?" I pouted. "Kasama ka rin sa eighteen treasures ko."

"Pwede ba iyon? Dalawa?" Muling tanong ni Sarah sa akin.

"Bat ba? Alam mo kung mag-uusap tayo ng ganito, sumabay na kayo sa amin."

"Pumayag ka na lang kasi sa gusto niya!" Reklamo sa kanya ni Laurenz. "Mamaya dumating na yung bus, nakikipagdaldalan ka pa diyan."

I smirked as an idea popped into my head.

"Dalawang speech ang dapat mong ihanda para sa akin Sarah." I faked laugh evilly.

"Grabe ka naman sa akin Max. Isang speech na lang."

"Ayoko, gusto ko dalawa."

"Ang spoiled mo sa part na iyon." narinig kong kumento ni Travis and I playfully hit him to shut up bago masira ang plano ko.

"Just leave. Pwede ba?" Kumunot ang noo ni Laurenz sa akin. "Nabigay mo na yung dapat mong ibigay. Ngayon, alis!"

"Sabay na lang kayo sa amin, dali na." Pangungulit ko.

Tingnan ko lang kung hanggang saan tatagal si Laurenz.

"No." Naiinis niyang sagot sa akin, pero hindi ako papatinag.

"Ay bestie, nakahanap ka na ba kung saan ka makakabili ng cream puffs?"

Nakita ko naman kung paano nagliwanag ang mga mata ng bestfriend ko. Iyon kasi ang gusto niyang matikman matapos niya mapanood yung isang Jdrama sa TV na sinusubaybayan niya. 

Kita sa mukha ni Sarah na natutukso siya pero sinamaan siya ng tingin ni Laurenz.

Hindi ako magpapatalo sa antipatikong iyon.

"Kung sasama ka sa akin ngayon bestie, hindi ka magsisisi. They have the best cream puffs in town. Plus bihira lang ang bakeries na nagawa ng ganun dito."

Napakagat labi si Sarah. Heh! Alam ko ang kiliti ng bestfriend ko.

The bus arrived and Laurenz gave me a triumphant smirk on his face. Don't celebrate early dude.

"Sabihin mo na lang sa akin kung nasaan yung bakery na iyon Maxene." Pakiusap ni Sarah.

"Ayoko nga." I grinned. Kita naman kay Laurenz na parang natatalo ko siya.

"Ensaymada, cheese bread, Spanish bread o pan de coco na lang ang kainin mo!" Inis niyang suhol sa bestfriend ko. "Kahit ilan bibilhan kita huwag ka lang sumama diyan sa babaeng iyan."

"Ay, eh paano ba yan mas masarap ang cream puffs bestie." I dismissed Laurenz's suggestion.

Sarah gives Laurenz a look, na para bang nagmamaka-awa siyang payagan siyang sumama sa amin.

Looks like I'm going to win. 

Laurenz looked at me irritably, gritting his teeth as I raised him an eyebrow.

Asar talo!

"Lance, saglit lang ako. Matagal ko na rin kasing ipinapahanap iyon kay Maxene, eh bihira lang naman ko lumabas. Please."

"Oo nga Lance," I teased calling his nickname, "Dali, aalis na yung bus oh."

I pissed him off for good.

I win!

Laurenz clicks his tongue and brushes his hair out of frustration and in an instant nakasakay na sila sa back seat.

"Heh!" I grinned back at him. "Bakit sumama ka Laurenz?" I asked him playfully.

"Hindi ako napatol sa babae, hindi porket best friend ka ni Sarah magiging maluwag ako sayo." He is still glaring at me.

"Pwede ka namang mag commute mag-isa." I pouted and noticed Travis shaking his head with a smile. I think he is enjoying what he is seeing.

"Dalhin mo na lang kami sa bakery na iyon ng maka-uwi na kami. Bwisit!" Laurenz demanded like a spoiled child.

"Ay, ano ba yan, pikon." I teased him again.

"Badtrip naman talaga!" He muttered like a defeated child.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top