Chapter 45 : Calling Your Name
M A X E N E
I wake up next to him as I feel his arms around me.
Tulog pa si mokong.
I smiled playfully.
Inalis ko ng dahan dahan ang braso niya na nakayakap sa akin at kinuha ang cellphone ko na nasa side table para maisagawa ang plano ko sa tuwing ako ang nauunang magising sa amin.
Alam kong napuyat siya kagabi kasi...nag-session kami eh. Heh!
Our sessions aren't like before that became some sort of habit. Dahil ngayon, mas priority na niya ang pahinga ko dahil isa sa payo ng doctor ang huwag ako pagurin physically.
Let's just say that he just wants to prevent the worst that could happen to me and I totally get it.
Minsan kapag naglalambing ako sa kanya mas gusto niyang matulog na lang kami ng mag katabi. Pero nabawi naman siya ng lambing kapag nagrerequest ako na kantahan niya ako bago ako makatulog.
Para lang akong baby sa part na iyon.
Pero kasi sino ba ang hindi makakatulog sa ganda ng boses niya?
Ayaw na ayaw niyang pinapabayaan ko ang sarili ko. Kaya sumusunod na lang ako at nagpapaka-good girl. Para kung sakaling nasa mood kami parehas, heh, edi masaya.
Tulad ng nangyari sa amin kagabi.
Sobrang natutuwa lang siguro ako sa amin, kasi pakiramdam ko mas naging intimate kami kahit hindi kami madalas mag-sesssion.
Reward ko na rin sa kanya yung kagabi dahil sa mga ilang gabi na hindi na naman siya nakatabi sa akin dahil sa kaka-aral niya.
I'm just so happy that he's really keeping his word that he'll do his best to make up because of his failed grades last time.
Anyway, regarding the books that he's reading every night, the past week. It looks like they were first edition law books and he's obviously taking good care of those books.
With my curiosity I tried opening one book when I found him sleeping on the couch.
Pero kahit anong intindi ko, hindi ko rin talaga maintindihan o dahil kung anu-anong constitution ang topic ng librong na hinawakan ko. Sumakit lang ang ulo ko, paano niya iyon lahat naitatatak sa utak niya? To think na parang isang series na iyon ng mga novels na binabasa ko. Ganun kakakapal.
I flipped the pages in reverse and stopped by the time a handwritten note caught my attention on the first page of the book.
A smile forms at my face as I read it.
Travis,
Hope this book helps you. Use it well.
Proud of you,
Papa.
Gaano man ka-simple ang message na iyon, alam kong nakatatak na iyon sa puso ni Travis.
Ganon naman siya eh, kung ano pa yung pinaka-simple, iyon ang ikinasasaya niya ng tunay.
Ito rin siguro ang dahilan kung bakit talaga namang pinagsisikapan niyang makapagtapos ng law.
I'm so happy that he is supported by his adoptive father.
Lahat ng first page ng mga law books niya tinignan ko at hindi naman ako binigo ng assumptions ko.
Lahat ng libro niya may short notes na galing sa papa niya at lahat iyon handwritten, kahit pa yung iba eh halos repetitive na, but then how he delivers his words through writing surely meant a lot for his son.
I know kasi kahit ako, gusto ko ng handwritten letters, kasi dama mo doon ang emotions ng sender mo.
Bigla ko tuloy naalala si Laurenz, kasi hindi katulad ni Travis, he's a little unfortunate sa kinalakihan niyang pamilya.
Kasama nga niya yung biological father niya, pero hindi naman siya masaya dahil lumaki siyang isolated sa pamilyang nakasama niya growing up. Simula noong nag-highschool siya, natuto na siyang tumayo sa sarili niyang paa.
Gayunpaman, hindi rin naman biro ang pinagdaanan ni Travis. Kahit anong timbang ko sa naging sitwasyon nilang dalawa, isa lang ang masasabi ko, they experienced their own different hell in their lives and there's a phase that they just want to keep their own hell to themselves.
Kung si Travis laging nagtatago sa mundo, si Laurenz naman tinutulak lahat ng tao palayo sa kanya dahil parehas nilang ayaw masaktan.
Kaya lagi kong ipinaparamdam sa kanya na hindi siya nag-iisa.
Everyday won't pass without me telling him how much he means to me. I sighed as I looked at his adorably cute sleeping face.
Bago ko pa makalimutan, I click my camera and take another stolen shot of his sleeping face at this very moment.
I could not help but smile. Sleeping Travis is so cute and innocent.
Kamukhang-kamukha niya talaga si nanay Lynda. Kaya ang gandang lalaki eh. Kainis!
I'm sure maiinis na naman siya kapag sinabi kong cute siya. Pangbabae daw kasi para sa kanya ang salitang cute. Eh anong magagawa ko, cute siya para sa akin.
Kaagad kong sinave ang picture niya sa collection ko at muling napangiti sa picture na kinuha ko noong nahuli ko siyang natutulog sa sofa.
Heh, my precious stolen shots.
I tried fixing his hair and I kissed him. With my surprise I hear him grunted, "Five more minutes Max."
I couldn't help to smile, he spoke to me unconsciously na parang sanay na sanay na siyang ako ang kasama niya.
Well, paano ba naman kasi, ako na ang naging alarm clock niya. Hindi ko alam kung bakit mas nauuna akong magising sa kanya o dahil ba sa sensitivity ko pagdating sa pagtunog ng kahit anong alarms, mapa-cellphone man o yung alarm clock talaga.
Siguro dahil na rin sa nakasanayan ko sa trabaho.
I giggled. He's so adorably cute.
Inayos ko ang buhok ni Travis na tinatakpan ang mukha niya at muli siyang tiningnan... Ang pogi naman talaga eh. Kagigil!
Kinuha ko yung nightdress ko, yung robe ko at nagbihis na. Since alam ko naman na mamaya pa siya gigising mas mabuti pang magluto na ako ng agahan namin.
Today is a Sunday and as promised, bibisitahin namin si nanay Lynda, yay!
Excited na ako sa totoo lang, maybe I'll bake her some mocha fudge brownies, no wonder rin kung bakit mahilig yung magkapatid sa kape, kasi iyon ang flavor na gustong-gusto ng nanay nila.
Siguro unahin ko munang ihanda ang ibibigay ko sa nanay niya.
Buti na lang may supplies kami, lalo na at ako lang naman ang nagluluto dito para sa kanya. Inayos ko na rin yung mga gagamitin ko para tuloy-tuloy na ang pag-gawa ko ng mocha fudge brownies.
Kung tutuusin, mas bihasa ako sa paggawa ng sweets, iyon ay siguro dahil mahilig ako sa sweets kahit na ipinagbabawal sa akin ni mommy ang pagkain ng mga makakapagpataba sa akin.
Eh ano bang magagawa ko? Sweets makes me happy. Kaya nga sa tuwing natakas ako dati, lagi akong tambay sa chocolate, doughnut, cakes, ice cream and coffee shops.
Tapos may container pa ako ng chocolates ko sa kwarto ko na hindi mahahanap ng kahit na sino, well pwera lang talaga kay Natasha, pero minsan nadadaan naman siya sa suhol. Kahit naman siguro sinong babae, gustong gusto ng chocolates.
Who the hell will say no to chocolate anyway?
Oh, I remembered, Travis hates chocolate.
Well, hindi naman sa ayaw niya talaga, hindi lang siya fan ng kung ano mang sweets. Dahil na rin siguro sa inaalagaan niya ang boses niya, syempre, singer ang boyfriend ko eh.
Hindi siya katulad ni Kenzo na may sweet tooth.
Anyway, speaking of Ken, kamusta na kaya siya? Hindi ko pa ulit siya nakakausap matapos nung naging closure namin.
On the second thought, siguro mas okay na rin muna na hindi kami magkita, para na rin makapag-move on na siya sa akin. Though gusto ko sana siyang imbitahan sa birthday ko, pero para namang imposibleng mangyari iyon dahil for sure piling guests lang ang papupuntahin ni mommy.
I wanted to invite some friends at work, but not all my friends at work are my friends.
I would want to invite Sarah and her friends too, but one question remains at the back of my mind, can I also call them my friends too?
Kung tutuusin, si Sarah lang talaga ang naging kaibigan ko simula pagkabata. I still wanted to be a part of her life kahit pa na may mga bagong tao sa buhay niya. Minsan ko na rin naman silang nakasama, lalong-lalo na si Martin.
Sa circle nila, pakiramdam ko hindi ako nag-iisa, siguro kaya ko nasabi dati na parang hindi ako belong, iyon ay dahil malayo ang loob sa akin ng bestfriend ko tapos, iba-iba sila ng ugali na halos hindi ako makasabay dati.
Pero ngayon, I just figured them all out. Magkakaiba man sila ng ugali, they just complete each other as a group.
Si Alex ang parang naging backbone ng samahan nila, si Martin naman yung clown ng grupo, si Stephanie naman yung boyish Ate ng lahat, si Abby naman yung nagpapaka-prinsesita bratinella sa kanila, si Kathleen naman yung tahimik sa grupo nila, tapos yung isa pang kaibigan ni Alex na naging boyfriend ni Stephanie na si Julien, Si Laurenz na malakas mang-asar pero siya rin naman ang pikon, at si Sarah na naging parang nagmistulang pinagtritripan ng lahat.
Kahit na ang totoo ay: siya yung parang dahilan kung bakit nila nakilala ang isa't-isa.
That thought just made me smile. Kasi may ganong charm si Sarah na hindi niya alam. Kaya nga rin kaming naging magkaibigan dahil hindi siya mahirap lapitan, iyon nga lang minsan sa buhay niya, napagsamantalahan ang kabaitan niya, kaya kahit papaano, napilitan siyang magbago dahil doon.
Anyway, hindi rin naman mawawala ang tampuhan sa grupo, pero as long as lahat sila umaalalay sa isa't-isa, talaga nga namang mabibitawan mo ang mga salitang, friends forever.
Hindi ko man sigurado kung totoo, pero sabi ni Alex minsan na daw nilang nakasama sa grupo si Kenzo at yung isang kaibigan din ni Laurenz na Stephen daw ang pangalan, pero dahil sa minsang ilangan, alitan at hindi pagkaka-unawaan, hindi sila madalas na nakakasama sa grupo, tanging ang solid lang talaga eh sila Alex, Martin, Laurenz, Sarah at Stephanie.
Sana pwede ko rin maisama si Travis sa grupo na iyon. Iyon ay kung gugustuhin niya rin lang naman, dahil tulad ng nasabi niya, yung mga taong iyon, kaibigan ng utol niya na maaaring galit sa kanya dahil sa nagawa niya dati. Pero iba na naman na si Travis ngayon.
Nang matapos ako sa pagprepare ng brownies, ipinasok ko na iyon sa loob ng oven, I set my timer in thirty minutes to bake the tray of mocha fudge brownies. Sana talaga magustuhan ito ni nanay Lynda.
Habang nag-babake yung brownies, nagluto na rin ako ng almusal namin ni Travis.
Gumawa ako ng omurice dahil feel ko lang gumawa ng sarili kong version.
Nagsaing ako at nag-whisk ng ilang pirasong itlog. Hinanda ko na rin yung mga hiniwa kong bawang, sibuyas, at isang pirasong carrot na hiniwa ko sa cubes para mamaya isang gisahan na lang.
Nang matapos yung sinaing ko, pinagpahinga ko muna iyon ng ilang minuto at hinanda na yung wok para makapag-gisa na ako. Nang na-cooldown ko na yung kanin, sakto at kakatapos ko lang igisa ang bawang, sibuyas at yung carrot cubes. Naglagay na rin ako ng soy sauce para magkaroon ng additional flavor, plus konting asin at paminta. Tapos sa pan ko naman niluto yung itlog.
Matapos kong lutuin ang agahan namin, hinati ko sa dalawang serving yung kanin at inayos yung paglagay ng itlog sa kanya-kanya naming plato.
Siguro i-reheat ko na lang yung curry na niluto ko kagabi para naman hindi sayang at nagsimulang magtimpla ng kape namin.
Nagulat na lang ako nang may yumakap sa akin mula sa likuran ko.
"Good morning Mine." I feel his lips on my cheek.
Umikot naman ako at hinarap siya, "Good morning Mine." I kissed his lips, mga tatlong beses at naramdaman ko namang ikinatuwa niya iyon.
"Daming kisses ah." Pagpuna niya.
"Syempre, love kita eh." Paglalambing ko na dahilan kung bakit lumawak na naman ang mga ngiti niya.
"Ang bango ah." Pagpuna niya na ikinatuwa ko naman.
"You're hungry?" I asked as I handed him his mug.
He smirks at me, "It depends."
Tingnan mo 'tong lalaking ito, ang aga-aga, pilyo!
Kinuha ko na sa microwave yung ni-reheat kong curry.
"Breakfast." I tell him and hand him his plate. "Sa table or sa bar?"
"Sa bar na lang para hindi na malayo."
Kaagad ko namang ipinatong ang plato ko sa bar at umupo na rin siya sa stool chair. Bago ako lumapit, chineck ko muna yung binebake ko.
"Ano naman iyan?" He asked like a curious child. "Ang dami mong hinahandang pagkain ah?"
"I made nanay Lynda some brownies." Nilingon ko siya at nakita ko naman na ikinatuwa niya ang sinabi ko.
"We could just buy some for her." He uttered softly.
"Well, I want to give her something I made." Sagot ko sa kanya at muli na naman niya akong nginitian.
Tinabihan ko siya at tiningnan yung timer ko, baka pagkatapos naming kumain, tapos na rin yung brownies.
"Ito ang unang pagkakataon na nalaman kong marunong ka palang magbake." Pagpuri niya. "To think na minsan nabili ka sa labas ng cakes, brownies, cupcakes or doughnuts...tapos marunong ka naman pa lang gumawa."
"Well, ang cravings ko kasi, iba sa gusto kong paglaanan ng mga bine-bake ko," I answered, "When I make a dessert, that is always for someone special."
He smiles like a child pero bigla ding nawala iyon na para bang may naalala siya. Umiwas siya ng tingin at kumain ng niluto kong omurice. "This is delicious." He commented.
"What are you thinking just now?" I wouldn't let him change the topic.
"Breakfast." Matipid niyang sagod. Nag-pout ako at para namang nagets na niya yung ibig kong sabihin.
He sighs, "I just saw your ex the other day when I bought you some brownies," Nahihiya niyang panimula, "Plus I remembered that your previous passcode on your phone was once his birthday," napatingin siya sa akin ng bahagya, "Magkasunod kayo ng birth month, hindi ba?"
"Yes, it's true." Napaka-observant nga naman niya talaga. Naalala niya pa iyon?
"Do you also bake cakes?" His face is curious.
"Yep, I also bake cakes." Proud kong sagot sa kanya.
"Ginagawan mo rin ba siya ng cake dati?"
"Oo naman, dati, tuwing birthday niya," Sagot ko, "Pinaka-favorite niya ay yung chocolate or caramel based cake."
Biglang nalungkot ang mga mata niya pero nanatili ang ngiti sa labi niya, "Ang swerte niya naman talaga sayo, noh?" Muli siyang sumubo ng omurice, "Kaya mahal na mahal ka rin niya eh." He speaks almost in a whisper.
"Bakit, dati ba--" Hindi ko nagawang maituloy ang tanong ko dahil kita naman sa mukha niya na kahit kailan hindi siya nabigyan ng something ni Monique tuwing birthday niya.
"Noong nabubuhay yung Mama mo, I'm sure you celebrate your birthday with them, right?" At least I could ask about that.
He smiles weakly, "Of course we do," He pauses as if he remembers something nostalgic, "But my birthday with them was the day when they took me in."
"Anong ibig mong sabihin?" I asked, "Iisa lang naman ang birthday mo hindi ba?"
"Dalawa ang birthday ko Maxene," Panimula niya, "The other one was my real birthday, while the other is made for my birth registration."
Ang dami kong katanungan sa utak ko pero isa lang ang lumabas sa bibig ko, "Bakit?"
He chuckles weakly, "Anak ako sa labas ng biological father ko, it's just too complicated back then that he couldn't give me his name, lalo na at kasal siya sa ibang babae, tapos si Nanay, well...alam mo naman ang nangyari kay nanay..."
"Pero si Laurenz naman..."
"Magkaiba kami ng sitwasyon. Siya, kilala siya ng legal na asawa, pero ako hindi, ni hindi nga nila alam kung sino ako." He closes his eyes with a smile hiding that pain in his eyes.
Bigla nanaman akong nalungkot sa sinabi niya.
I held his hand and asked him, "When's your real birthday, then?" I just have to at least lift his feelings up.
"November 20." He answered almost in a whisper.
"Eh halos konting tumbling na lang iyon sa registered birthday mo, hind ba?" I humored him.
As far as I can remember, November 30 is his registered birthday.
"It's true."
"Pero bakit--?"
"Nagkaroon ng issue regarding sa birth registration ko noon. Wala naman akong alam doon noong bata pa ako, basta ang alam ko lang pag birthday ko, masaya ako kasi kasama ko silang dalawa. Bago mabaliw si Nanay, lagi niya ako pinaghahandaan tuwing birthday ko," He paused as if he's remembering that specific memory in his head, "Naalala ko pa kung paano ko markahan yung birthday ko noon sa kalendaryo taon-taon."
I can't help to imagine that young Travis who is always looking forward to celebrating his birthday with his family.
And then his smile breaks, "Noong naintindihan ko ang sitwasyon ko, gulong-gulo ako. It's like I'm not supposed to exist in their lives but then again, I'm still here." he sighs.
"Kilala ko sila, pero hindi nila ako kilala. " naramdaman ko ang kirot sa likod ng mga salitang iyon mula sa kanya.
"Noong ipinaampon ako ni Tatay, tsaka lang ako nakilala bilang anak ng dapat ay Ninong ko talaga. Nagkaroon naman ako ulit ako ng pamilya kahit pa hindi ko sila kadugo. Pero minsan, hindi ko din naman matanggi na namimiss ko din yung dati kong buhay." he smiles with warmth in his eyes.
"I know I shouldn't compare, dahil kahit naman papaano, thankful din ako sa mga kumupkop sa akin. Since they adopted me, I celebrated a different birthday with them. I didn't really mind, dahil ayoko namang maging selfish para hilingin sa kanila na ipaghanda ako sa totoong birthday ko, lalo na at si Mama ang laging naghahanda para lang maging special ang araw na iyon para sa akin."
"Eh bakit hindi mo nasabi iyan noong nabubuhay pa ang Mama mo?" I asked tilting my head.
"Nahihiya ako kay Mama," pag-amin niya, "Hindi ako kailanman nagrereklamo sa kanila ng kahit ano. Lahat ng mula sa kanila tinatanggap ko lang, dahil natatakot ako na kapag nagpaka-selfish ako, baka iwan din nila ako. As much as possible ayoko sumama ang loob nila sa akin. Dahil, kung hindi dahil sa kanila, baka hindi ako kung sino ako ngayon."
I embraced him tightly and kissed his temple, I understand his fears very well. What happened to him isn't fair. I just want to believe that his real father has a good reason, maybe he thought that Travis could have a better life living with his good friend.
Kasi si Laurenz nga nabuhay ng kasama siya, so bakit si Travis, hindi pwede? Maaaring iyon ang iniisip ni Travis, kaya siya nasasaktan ng ganito.
He knows them, but they don't know him...kaya ganito na lang siya kung magtago sa mundo, kasi since then iyon ang nararamdaman niya. To think that all he ever wanted is to be recognized.
To be seen and accepted by the people who are close to his heart.
I slightly push, kiss his lips and smiled, "Well, thank you for telling me."
He smiles, "Well, you're the only person who allowed me to be this selfish. At least kilala mo ako, sapat na sa akin na kahit ikaw lang, alam kung sino ako." He says almost in a whisper.
My heart just melts.
"Sabi naman sayo, lahat ng tungkol sa'yo, kahit ano pa iyon, I have to know, I should know," I cupped his face, "You're that important to me Travis."
He blinks softly and looks at me filled with endearment, "I love you Maxene."
"Malayo pa naman ang November, but hey, it's four months from now," I said, "Now I wonder..." Napatingin ako sa kisame.
"What?" He looked at me with an amused face.
"How can I make you a cake, if you don't like sweets?" I faced him with curiosity and he smiles at me. "Enlighten me."
He chuckled from my reaction and shakes his head, "I don't really know."
I pouted, crossing my arms like a spoiled child. "You're not helping me."
He puts his face on my neck as if he's embarrassed of me again, "I'm sorry. Though you don't really need to Maxene."
I grab his chin and have him face me, "Hindi pwede iyon, birthday mo yun eh." He closes his eyes and closes the gap between our foreheads, "I'll think of something, basta I will make your birthday special."
He looks at me playfully, "What if, ikaw na lang kaya ang maging cake ko?" He asks as if he thought of something smart, "Baka maging fan na ako ng sweets kapag nangyari iyon."
I raised him an eyebrow, "Alam mo, malagkit yung icing kapag nilagay ko sa buong katawan ko." Ang pilyo niya ah, sasabayan ko siya! "Tapos paano yung candle? Saan ko ilalagay iyon? Angalang sa ulo ko?"
He might be imagining that picture in his head kaya siya natawa.
His laughter is just music to my ears.
He pulled me close to him again as he calmed himself down and brushed his thumb on my lips to my cheeks, "I'm still waiting for you to say my favorite words."
"I love you too." I said and he smiled, this time his eyes were smiling too. "I love you, that's why I'm going to make your birthday special."
"Being with you is special alone." Sagot niya kaya kinikilig na naman ako.
Kainis!
I held his hand again and put them on my face, "Basta, from now on, you will never be alone anymore." I kissed both of his hands, "Kasama mo na ako, okay?"
He says nothing as pulls me close to his arms again and kisses me passionately.
After we ate our breakfast, he washed the dishes as I prepared the brownies that I'll give to his mother later.
Pinatikman ko siya ng isang bar at natuwa naman ako dahil nagustuhan niya yung flavor.
At least may idea na ako sa pwedeng flavor na gagawin kong cake para sa kanya.
Heh! Para-paraan Maxene.
Nagsabay na rin kaming naligo and when I say, maliligo lang kami, ligo lang talaga.
And for some reason, he was able to contain himself around me unlike before.
Ayaw na ayaw niya kasing napapahiya siya sa harapan ko. Parang siyang bata na nagpa paka-cool lagi, ganun si Travis.
Nang matapos na kaming maligo, kaagad na naman niya ako pinaalalahanan sa susuotin kong damit.
Bawal ang sobrang ikli at dapat daw below the knee level ang haba kung plano kong mag-skirt, bawal magsuot ng fit, at higit sa lahat, anything na revealing sa upper body ko ay bawal; so, bawal off shoulder, bawal sleeveless, short sleeve, pwede pa. Napaka-conservative naman talaga ng boyfriend ko!
Paglabas ko ng kwarto natuwa naman ako sa get-up niya. He's wearing a simple white shirt together with a blue checkered flannel shirt and a denim pants. He's also wearing the shoes I bought for him.
Looking at him on how he looks at me, I can say that he's pleased too. I'm wearing a white polo dress that is below the knee level with a ribbon on my waist.
He approaches me with a smile on his face and for some reason, his smile just made me smile.
"Why are you smiling?" He looks at me as if he's teasing me, raising me an eyebrow.
"Wala lang," maitipid kong sagot at tinagilid ang ulo ko para tingnan siya ulit, "Pogi mo kasi eh."
He looks away shaking his head with a smile on his face. Nagpipigil na naman siya ng kilig, "Umalis na tayo para mas mahaba natin makasama si Nanay, mamaya mo na ako bolahin."
Bola daw? Kinikilg naman siya.
Kinuha ko yung brownies na nasa countertop at umalis na rin kami kaagad ng penthouse.
T R A V I S
Nang makarating kami ng institution, simula noong dinala ko si Maxene dito, siya na lagi ang naghahanap kay nanay.
Miski yung reception, kilala na siya, pati yung ibang psychiatric nurses. Parang mas anak pa siya ni nanay ngayon, kaysa sa akin.
Gustuhin ko man na lagi siyang dinadalaw pero hindi rin minsan kinakaya ng puso ko.
Mahal na mahal ko si nanay, as much as possible ayokong makita niya na hindi ko kaya. Gusto ko kapag nakikita niya ako, I'm at my best. Dahil ayokong mag-alala siya, lalo na at kapag hinaharap ko siya, pangalan ni Laurenz ang ginagamit ko.
Twice a month na kami kung dumalaw kay nanay ngayon, natutuwa naman ako dahil kahit papaano parang maganda ang epekto kay nanay na napapadalas ang pagdalaw-dalaw namin sa kanya. Sana nga maging maayos na siya dahil gusto ko na rin naman siyang iuwi.
"They said that we should just wait for your Mom in her room." She said as she approached me. I just gave her a light nod and took her hand again.
Pagkabukas ng pintuan ng kwarto ni nanay, nagulat ako sa dalawang tao na nakaupong sa maliit na salas na nasa loob ng kwarto niya.
Naramdaman ko na lang na hinawakan ni Maxene ang kamay ko ng mahigpit at katulad ng dati, pinabayaan ko siyang hilahin ako papunta kung nasaan sila nakaupo ngayon.
Alam ko naman na darating din ang araw na ito, pero hindi pa rin ako mapakali sa kung anong pwedeng mangyari ngayon lalo na at nandito si Laurenz sa kwarto ni nanay.
Na nandito na ang matagal ng hinahanap ni nanay.
Hindi ko alam kung paano ni Laurenz matatanggap o kung matatanggap ba niya kung ano ang totoo.
As expected, Lance looked at me irritably.
If only looks could stab me, I'd probably be bleeding to death right now.
Tanging kamay lang ni Maxene ngayon ang pinagkukuhanan ko ng lakas para harapin ang kung ano man ang possibleng mangyari ngayon.
"Kanina pa kayo?" Tanong ni Maxene sa bestfriend niya.
Ramdam ko naman na nag-aalinlangan pa rin si Sarah sa presensya ko, kahit minsan na namin siyang naihatid ni Maxene noong nakaraang araw sa bahay niya.
Hindi ko rin naman siya masisisi doon, malaki din naman ang naging kasalanan ko sa kanya.
Bago pa man sumagot si Sarah, kaagad namang tumayo si Laurenz at hinarap si Maxene, "Anong ibig sabihin nito?" Nginitian lang siya ni Maxene, "Anong ginagawa ninyo dito?"
Sinubukan siyang hilahin ni Sarah pabalik, "Bakit ba tayo nandito, ha?" Tanong niya kay Sarah pero hindi makasagot si Sarah. Sa hitsura niya masasabi kong alam na niya. Maaaring sinabi na ni Maxene sa kanya kaya hindi niya masagot si Laurenz.
"Ano, walang sasagot sa inyo?" Inis na tanong ulit ni Laurenz at tiningnan kami isa-isa.
Gustuhin ko mang magsalita, walang nalabas na boses sa bibig ko hanggang sa marinig ko na lang ang boses niya.
"Laurenz..."
Tumalikod ako at nakita ko si nanay.
Nang akmang yayakapin ko siya, nilagpasan niya lang ako na para bang hindi niya ako nakikita. Muli ko siyang binalikan ng tingin at nakita ko naman kung paano niya tingnan yung kapatid ko.
"Ikaw na ba iyan anak?" Muli niyang tanong sa anak niya habang hinahaplos niya ang kanyang mukha, "Ang laki-laki mo na." Hindi mapagkakaila ang pagkasabik ni nanay sa nawalay niyang anak.
Habang tinitingnan ko si Laurenz, kita sa mga mata niya na naguguluhan siya at hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman, kung paano niya tutugunan ang babae sa harapan niya na anak ang tawag sa kanya.
"Kamukhang-kamukha mo talaga si Terrence." Pagpuna niya sa kanya na may ngiti sa kanyang labi.
I closed my eyes and gulped bitterly. Why do I feel like I am falling in a bottomless pit?
"We're here because of her, Lance," Mahinahong paliwanag sa kanya ni Sarah, "Siya ang biological mother mo Laurenz." Muling tiningnan ni Laurenz si nanay at tuluyang lumuha sa harapan niya.
Hinalikan siya ni nanay sa noo at niyakap ng mahigpit.
Masayang masaya ako para kay nanay. Totoo iyon.
Pero pakiramdam ko, nawalan na ako ng papel sa buhay niya dahil nandito na naman na si Laurenz na matagal na niyang hinahanap-hanap.
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman, dahil sa mahabang panahon na nakasama ko si nanay, pinaniwala ko siyang ako si Laurenz.
I faced my mother with a lie for a very long time.
Anong klaseng anak ako?
Bigla akong nanliit sa sarili ko.
Kung dito na magtatapos ang pagiging anak ko kay nanay, ayos lang, basta maging masaya lang siya.
Bahagya akong bumitaw sa kamay ni Maxene at tumalikod, "I'll just get us some drinks." Halos pabulong kong sabi kay Maxene.
I don't know, I just want to run away at this very moment.
Do I even have the rights to be here? The real Laurenz is here anyway.
"Travis..." Maxene's voice is sad and I just can't face her knowing that this is painful for me too.
I was about to walk to the door hiding my feelings away before I could lose myself from my overflowing guilt towards the two people I've wronged in this room the most.
Not until I hear her voice calling my name.
"Travis."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top