Chapter 43 : Real Score
T R A V I S
Dumalaw kami noong isang araw sa parents niya para sabihin ang desisyon niyang magpa-opera na siya.
Noong una natakot ang mommy niya dahil pabigla bigla si Maxene ng desisyon, lalo na at malapit na siyang mag-birthday. Kinokondisyon din siya ng asawa niya dahil ayaw naman niya na magpaopera ang anak nila lalo na at birth month niya.
Nabitawan din niya ang mga salitang, "We can pay for the surgery right away, kahit gaano pa iyon kamahal. What we can't refund is your life, if something unfortunate happens to you during your operation."
Naaalala ko pa ang hitsura ni Maxene noon na halos maiyak sa sinabi ng mommy niya. Kahit pa papaano, masaya akong makita na nagpapaka-ina na siya sa anak niya.
Dumaan na rin kami sa doctor niya at ipinaalam sa doctor niya ang desisyon niyang magpaopera.
Sinet ng doctor ang operation niya sa susunod na taon dahil na rin sa request ng mommy ni Maxene para sa kanyang anak. Pilit na nagpapakatatag ang daddy niya para sa kanyang mag-ina kahit na natatakot rin siya para kay Maxene.
But Maxene has already decided.
Aminado rin naman si Maxene na takot din siya sa kung anong pwedeng mangyari sa kanya, pero tama rin naman siya, hangga't may paraan para mapahaba ang buhay niya, ano pa man iyon, gagawin niya para gumaling lang siya.
Takot man din ako pero kailangan kong magpakatatag para sa kanya, lalo na at gagawin niya ito dahil lang sa gusto niyang tuparin ang pangako niya sa akin.
Nagpaalam siya sa akin na kikitain niya si Sarah ngayong araw dahil na rin sa namimiss na naman niya ang bestfriend niya kaya pinagbigyan ko na. Tutal nasa mansion naman sila ngayon na nag-bobonding so, hindi naman na ako kailangan pang mag-alala sa kanya.
Natapos na rin ang klase ko kaagad, tulad ng napagkasunduan namin ni Mrs. Santiago, minsan nakiki-sit-in ako sa iba niyang klase para makabawi sa mga naging absent ko noong midterms.
"Travis!" Muling tawag sa akin nila Gerard, parang kamakailan lang noong huli nila akong makita, pero grabe naman ang pagkasabik ng mga ito sa akin.
"Kamusta?" Tanging natanong ko sa kanila.
"Ikaw ang kamusta?" Balik na tanong sa akin ni Joshua, "Si Maxene, kamusta na?" Kahit pa paano naman halata sa boses nila na nag-alala sila ng sobra kay Maxene.
"She's okay." Tanging sagot ko, napansin ko naman na kulang sila, "Asan si Pierre?"
"Umuwi siya kaagad kasi pinatawag siya ng tatay niya." Sagot sa akin ni Joshua.
"Grabe pa naman ang tatay ni Pierre noh?" Kumento ni Gerard, "Hindi ko alam, takot na takot ako doon."
"Well, what could we say, he's not the great Senator Valentine for nothing." Kumento ni Joshua, "Kung hindi nga rin dahil sa kanya, hindi magiging governor si Dad."
"Ay balak din ba ni Tito magkaroon ng pwesto sa senate?" Tanong sa kanya ni Gerard.
"Sa pagkaka-alam ko oo." Bored na sagot ni Joshua, "Puro naman sila politika, alam mo naman yung mga iyon."
Why am I even listening to their conversation?
"Anyway, Travis, talaga ngang seryoso na ang status ninyo ni Maxene, ah?" Muling kumento sa akin ni Joshua.
I chuckled as I force out a smile. "What makes you say like its not that serious?"
"Dude, para namang hindi tayo magkakasama noong gabing halos magwala ka dahil sa stalker niya." Sagot niya sa akin, "Ibang-iba ka kung paano mo siya tingnan, kaysa noong si Moe pa ang mahal mo." There's this playful humor in his voice, "Talaga nga atang iba ang tama sa iyo ni Maxene, ano Travis?"
"Eh bakit ba kasi duda kayo ni Pierre sa kung anong meron sa kanila?" Curious na tanong ni Gerard sa kanya.
"Hoy, ungas, nagduda ka din naman, huwag kang magmalinis." Banat pabalik sa kanya ni Josh.
"Eh pano ba naman kasi, may point din naman ang argument ninyo. Kaya minsan, oo nakakapangduda din. But then again, iba ang tama ng kaibigan natin kay Maxene, sinabi ko rin naman iyon sa inyo ni P." Sagot pabalik sa ni Gerard kay Josh.
So pinag-uusapan nila kami noong mga panahon na hindi ko sila nasasamahan?
"Ano ba kasi ang akala ninyo?" Kasual kong tanong sa kanila.
Sadyang hindi ko gusto yung idea na pinag-uusapan nila ako ng patalikod.
"Well, tulad nga ng sinabi ni Pierre, baka nga pressured ka lang sa arrangement ninyo ni Maxene, dahil una sa lahat, arranged lang naman kayo, kaya inisip namin, parang pinaninindigan mo na lang." He speaks indifferently.
So iniisip nila na parang napilitan lang ako sa set-up namin ni Maxene? Funny.
"Tapos bumalik nga si Monique, na hinihintay mo ng matagal na panahon; eh alam naman namin na since highschool, si Monique lang, kaya laking pagtataka namin na bigla kang nag-shift kay Maxene."
Unbelievable.
"Ano namang meron kung ganoon?" Palaro kong tanong.
"Wala naman dude. It's just a sudden shift, ang bilis, ganoon, like less than a year, naging kayo ni Maxene, parang unbelievable naman iyon hindi ba?" Muling tanong niya sa akin, "Kahit pa sabihin na natin na may milagrong nangyayari sa inyo, imposible naman na naka-move on ka na kay Moe. Ilang taon mo rin siyang tinitingnan sa malayo... at nagawa mo nga siyang hintayin...tapos nang dumating si Maxene, parang nag-iba na ang lahat, nag-iba ka na. Ganoon."
Wala naman akong pinagbago, sadyang hindi niyo lang talaga ako kilala ng lubos. I keep my thoughts to myself.
I smirked, "Akala ko naman maliwanag na sa inyo kung ano kami ni Maxene, tinutukso niyo pa nga ako dati, hindi ba?" As far as I can remember, they even congratulated me, so ano ang tawag doon?
Masyado ba kaming mabilis? Nababagalan pa nga ako sa amin.
"Well, oo, tinutukso ka namin, iyon ay kasi akala talaga namin eh pass time mo lang si Maxene, just for show," he paused, "More like rebound to get over Monique, ganoon."
Maxene is not my rebound. That thought made me a little upset.
"Though minsan naglalaro pa rin sa isipan namin na, baka ginagantihan mo lang din si Monique; dahil diba dati, puro siya Laurenz." Dagdag pa ni Joshua.
"Why would I even do that to Monique?" I shake my head, "Hindi ko naman ugali iyon, besides, we're past that already." Everything is in the past now. "Me and Monique are just friends now."
"Pero hindi ba marami ding nalilink kay Maxene na ibang artista at models, pati yung nakaraan, yung Brandon." He paused, "Takte pre, ang dami mo pa lang kaagaw kung tutuusin kay Maxene."
"It doesn't matter." Matipid kong sagot. Sabihin man natin na marami sila, in the end, ako pa rin ang mahal niya. That's more than enough for me.
"Kung ganoon ang kumpitensya, mamaya mahirapan ka, lalo na at may nasagap kaming bali-balita na naging ex niya pala si Kenzo Mihara, biruin mo iyon?" Parang joke sa kanya ang mga sinabi niya, kahit pa ang totoo, hindi ko na gusto ang takbo ng usapan na ito. "Isn't that awkward? Ex niya yung loko na iyon tapos yung nangyari dati-"
"She knows everything about that Josh." I cut him off and he looks at me like he didn't expect that my tone would change like that.
Dapat ba akong matuwa sa sinasabi niya?
What's the real deal here?
"Talaga?" He looks at me in disbelief, "Hindi kayo nag-away after that?"
I shake my head containing my cool, "We're solid, sinabi ko naman iyon sa inyo." Nginitian ko siya.
"Well, dude, worried lang naman kami sayo," There's this little ray of concern in his voice. "Sadyang ayun lang ang napansin namin sayo," he paused, "Iba ang epekto sayo ni Maxene na hindi namin mapaliwanag."
I sighed, so they're waiting for me to tell them our real score, tama ba ang pagkakaintindi ko dito kay Joshua?
"I mean, hindi ka naman pala-away Travis, pero noong gabing iyon, halos patayin mo yung gagong bastos na stalker ni Maxene. Ibang-iba sa kung paano mo ipinabugbog si Laurenz gawa ng nasaktan niya si Monique dati. Dati halos hindi mo gustong madumihan ang kamay mo dati, pero ngayon-"
"Ano ba talaga ang gusto mong itanong sa akin, Joshua?" I cut him again.
Napansin naman niya siguro na hindi ko gusto kung paano niya ikumpara sila Monique at Maxene.
Napakamot siya sa ulo niya na para bang napahiya siya, "Well, ano ba talaga?"
Napansin ko naman na napailing na lang si Gerard sa hitsura ni Joshua.
"Talaga bang siya na, para sayo?" Nahihiyang tanong ni Joshua sa akin.
I guess I should answer their assumptions. "Yes." I answered, "I love Maxene and it's not just an arrangement anymore, it is real." I declared.
Kita ko namang nagulat siya sa sinabi ko. Si Gerard lang ang natutuwa sa kumpirmasyon ko.
"Kung ganoon, masaya kami para sayo dude," Sabi ni Gerard, "So tell us, ikaw yung sinasabi ni Maxene sa naging interview niya noong nakaraan?" Pagtatanong niya.
"Ako nga." I answered with pride. Ang kulit ng mga ito!
"Eh bakit hindi niya sinabi kung sino ka?" Pabalik na tanong ni Joshua sa akin.
"She want to keep things as private as possible, ayaw niyang ma-overwhelm ako." Sagot ko sa tanong niya, "Darating din kami sa point na ipapaalam namin, kapag naging official na kami."
Muling nagulat si Joshua sa sinabi ko.
"How are you going to make your relationship official Travis?" Excited na tanong sa akin ni Gerard.
"Secret ko na lang muna iyon." I smirked, "Bakit ba gustong gusto ninyo malaman ang tungkol sa lovelife ko?" I looked at Josh, "Eh kayo ba ni Adrianna, may progress na?"
"Ha?" Parang nawala sa ulirat si Joshua, "Wala pa, wala pa ulit."
Tinapik ko siya at umiling, "Imbis na kung anu-ano ang sinasabi mo tungkol sa relasyon namin ni Maxene, hindi ba mas maganda kung isipin mo kung paano mo makukuha ang pabor ni Pierre para maligawan mo si Addy?" Pilyo kong tukso sa kanya.
"Bakit ba lagi ninyo akong pinagtitripan ah?" Palaro kong banat. "Ganoon niyo na lang ba ako namimiss?" Ginulo ko ang buhok niya.
"Naghahalo lang ngayon ang isip ko." Parang wala sa isip niyang sagot sa akin.
Bigla akong naguluhan, "So are you saying that not taking Addy seriously?" I shake my head, "Lagot ka niyan kay Pierre." Muli ko siyang tinawanan.
Hinampas siya ni Gerard. "Loko ka talaga Josh, sabi naman sayo huwag si Addy." Napakamot naman sa ulo si Joshua, "Kung joke time lang, maghanap ka na lang ng ibang babae."
Usually bumabanat pabalik si Joshua sa tuwing nababara siya ni Gerard, pero parang may iba kay Joshua ngayon. Parang napahiya siya sa amin ni Gerard.
"Anyway, gotta run na rin, may klase pa ako, ingat kayo." Sabi niya at tumakbo na palayo sa amin.
"May problema ba yon?" Hindi ko maiwasang matanong.
"Hindi ko rin alam," sagot sa akin ni Gerard, "Pero lagi sila ni P magkasama, iyon lang ang alam ko."
"Eh bakit ikaw, hindi ka na nakakasama?" Tanong ko ulit sa kanya.
"Nasama ako pag free ako, hindi din naman tugma ang schedule ko minsan sa kanila, tapos, tapos may bar pa akong mina-manage, syempre ayoko naman masayang ang pinundar sa akin ni Mama. Parang, training ko na rin ang mamahala ng bar, para pagka-graduate, pwede na ako makatulong sa ilang business namin."
Napangiti ako sa nasabi niya. "Good for you then."
"Eh ikaw ba Travis?"
"Ano na naman?" Bakit ba lagi na lang ako?
"Any plans for graduation?" Nalito ako sa tanong niya, tinawanan naman niya ako. "Bakit? Akala mo ba pupuntiryahin ko rin ang lovelife mo?" Pagmamaktol niya, "Ibahin mo ako, alam ko naman na napaka-private mong tao at hindi naman ako manhid para maramdaman na muntik ka na mainis sa mga banat ni Joshua kanina."
"For now, wala pa. After Graduation, edi, graduate, then after graduation I'll take the bars."
"Buti ka pa, hindi ka pressured," kumento niya, "Ang supportive ng Papa mo sa'yo noh?"
Napangiti na lang ako sa kumento niya, dahil tama siya. Malayo man si papa, alam ko namang suportado niya ako, as long as hindi ako magloloko, eh ang bisyo ko lang naman ay yung minsang pagsali-sali ko sa karera.
"Pero, masaya talaga ako para sayo." Muling kumento niya at palarong sinuntok ang braso ko. "Huwag mo na lang minsan pansinin yung mga pang-aasar nila Josh at P, nagseselos lang ang mga iyon dahil nga hindi ka namin minsan mahagilap."
Probably. I just shrugged it off.
Naghiwalay na rin kami ni Gerard pagkalabas namin ng university at pagkasakay ko ng kotse naka-receive ako ng text mula kay Maxene.
Maxene: Hey Hayes, how's school? Pauwi ka na ba? xxx
I couldn't help but smile at that simple message from her and she just gave me three kisses.
Travis: I'm just going to drop by somewhere, may ipapabili ka ba? ;)
Maxene: Can't think at the moment, nagpadeliver kami ni Sarah ng food, kaya medyo busog pa ako, but I'll appreciate anything you'll buy for me. ^3^
Cute emoji. Though I imagined her face similar to that.
Travis: Okay, I'll text you later kapag pauwi na ako, I love you. xx
Maxene: I love you too, ingat ah. Keep me posted. ^^,
Dumaan ako sa isang jewelry shop kung saan ko binili yung necklace na niregalo ko kay Maxene.
Pagkapasok ko kaagad naman ako nilapitan ng isang staff sa store.
"Hello sir, is there anything I can assist you with?" The sales lady asks me, mukhang baguhan lang siya.
"Travis?" Nilingon ko siya at kita naman sa kanya na hindi niya inaasahang makita ako.
Si Leah, yung half-sister ko, though hindi niya rin alam na magkapatid kami sa ama.
"Hi Leah." Matipid kong pagbati, "Kamusta?"
"It's been so long." She paused at nakipag-beso beso sa akin, "So tama nga ako?" tinaasan niya ako ng kilay.
"What?" I asked her impassively.
"Hindi lang chismis ng ungas na si Leonard na fiance mo ang isang Maxene Campbell?" Napailing na lang ako, hindi niya ako tatantanan tungkol dito.
"Babalik na lang ako siguro kapag nakaalis ka na dito sa store." Pag-iwas ko sa kanya pero muli naman niya akong hinila.
"Ano nga?" Inip niyang tanong, "Dali-dali, spill the beans!"
I sighed in defeat, "Yeah, it's true."
She squeals as if she's fangirling, ang tinis.
"OMG!" Sabi niya sabay hampas sa braso ko, "Ang swerte naman ng kaibigan ko! So nameet mo na rin ba yung Mommy niya?" She asks like a child, bigla kong naalala noong una ko siyang makilala dati noong mga bata pa kami.
Ibang iba si Leah sa mama niya. Oo may pagkasuplada din siya, pero mabait din naman siya. Madalas lagi niyang inaalila si Leonard dahil nga ampon lang ni auntie si Leonard, pero mas anak pa ang turing niya doon kaysa kay Laurenz.
Nagpaka-ate rin naman si Leah kay Laurenz, iyon nga lang, naiimpluwensyahan siya ng mama niya kaya minsan malayo ang loob niya sa half-brother niya.
"Yeah, I met her Mom." Matipid kong sagot sa kanya.
"How's she like?" She asks again.
"Edi kung ano ang alam mo." Ayoko na lang sagutin ang mga tanong ni Leah, pero kasi ang kulit niya.
"Kainis!" Pagmamaktol niya, "Wala rin pala akong makukuha sa'yo, parehas kayo ni Leonard!"
"Wala naman talaga akong masabi." Matipid kong sagot, pero nagmamaktol pa rin siya. I sighed, "Bahala ka diyan." Tanging sagot ko at umikot sa store niya.
Kung si Leonard ang pinahawak sa hotels nila, si Leah naman ang sa ilang local clothing line, shoes at jewelries nila.
Kahit na ang totoo, gustong-gusto ni Leah na maging fashion designer tulad ni mommy ni Maxene. Pero dahil sa ayaw niyang madisappoint si Auntie, kung ano ang gusto ni auntie kunin niya noong college, iyon ang kinuha niya.
Dahil aanhin mo naman daw ang isang course na hindi mo magagamit sa negosyo nila balang araw? Lalo na at gusto ipamana ni auntie lahat kay Leah, dahil ang tanging ipinaglalaban ni Auntie ay ang legal na karapatan ni Leah bilang anak ni tatay.
"You know what's funny?" She started talking beside me as my eyes roam around her shop.
Since hindi ko pa naman nahahanap yung babagay kay Maxene, papatulan ko na lang muna si Leah. "Ano?"
"I heard this conversation between Dad and Laurenz the other day," That immediately caught my attention.
"Narinig ko na gusto ni Lance maging doctor, pero kontra si Mama. As usual." She paused, "Magastos pa man din ang course na iyon, pero ang lakas ng loob ni Lance kumuha ng scholarship para makapasok lang sa med school." She scoffed, "Eh paano siya pagbibigyan makakuha ng scholarship, eh kung tutuusin, afford naman niya. Napahiya pa nga si Mama dahil doon, kaya ayun, nasaktan na naman siya ni Mama."
"Ah, ganon ba?" Tanging kumento ko.
Kay Laurenz ni Auntie ibinubunton ang lahat ng sama ng loob niya kay tatay simula pa pagkabata niya. Hindi ko naman alam kung bakit hindi magawa ni Tatay na protektahan yung anak niya mula sa asawa niya.
Nakakainis lang.
"Pero, sa totoo lang hindi ko rin maiwasan na malungkot para sa kanya." Mahinang kumento ni Leah.
Napatingin ako sa kanya, "He's really trying his best through all the years, pero kahit anong gawin niya, pagkakamali ang tingin ni Mama sa kanya." She sighs as a firm line forms at her face, "Well, kahit naman pa paano, kapatid ko iyon, so no choice." There's this sincerity in her voice that hides in her sarcastic tone that made me happy a little bit.
I chuckled, "Kaya ba si Leonard ang lagi mong inuutusan para umalalay kay Laurenz?" Tiningnan niya ako na para bang napahiya siya sa sinabi ko.
"Huwag kang epal Travis." Pinandilatan niya ako ng mata at tinawanan ko naman siya sa utak ko. "Ano bang hinahanap mo para makaalis ka na dito sa shop ko." Inis niyang sabi sa akin.
"Now that's rude, is that how you treat your customers?" I teased as if I'm offended.
Sinakyan naman niya ang trip ko, "My apologies, ano po ba ang hinahanap ninyo para matulungan kita sa pagpili?"
I smiled at her. "I'm looking for a ring." I answered, that made her grin at me.
A firm line forms on my mouth.
"We have some new designs that we haven't put in display yet, baka doon makahanap ka ng magugustuhan mo?" She suggested in a friendly manner as I nod at her.
Dali-dali niyang kinuha ang mga undisplayed set of rings at pinakita sa akin.
Mukhang magaganda nga.
"Mukhang seryoso ka kay Maxene, ah?" Hindi na naman niya mapigilang kumento. "Do you love her?" Muling tanong niya, habang napili ako ng singsing na babagay kay Maxene.
"But then is it true that you just dated her for a year?" Napailing na lang ako, bakit ba ang mga tao ngayon, atat na atat sa status namin ni Maxene? "Ano iyon, easy to get si Maxene Campbell?" Muli niyang tanong na ikinainis ko naman.
I look at her with a serious face. Baka kasi hindi siya aware na sumosobra na siya. Oo magkaibigan kami, but I still want to keep things privately.
"Ito naman talaga, hindi mabiro, ang seryoso mo masyado Travis, sige ka, isusumbong kita kay Ninong!" Napailing na lang ako sa reaction niya dahil spoiled din naman siya kay Papa kahit papaano.
Nang mapansin ko ang isang singsing na alam kong babagay kay Maxene ka agad ko iyon kinuha at inusisa.
I feel my face smiling just by looking at it.
"I think I'll take this one." Sabi ko kay Leah.
She smiled at me as she takes the ring from my hand and put it inside a box, "Good choice." Proud niyang sabi sa akin. "I'm sure magugustuhan niya iyan."
"Bola, sabihin mo naka-sale ka lang ngayon." Inabot ko sa kanya yung card ko.
Ngumisi naman ulit siya ng nakakaloko, "Aba, siyempre naman, napaka-galante kaya ng mga Hayes sa store ko."
Napa-iling na lang ako sa naging kumento niya.
"Do you need a paper bag for that?" Tanong niya.
"Hindi na kailangan," I put the ring in my pocket. "Thanks Leah." Sabi ko sa kanya at umalis na ng store.
Pagkalabas ko ng store kaagad kong naalala na bilhan si Maxene ng pasalubong, siguro brownies naman ngayon. Tutal mahilig naman siya sa sweets. Kinuha ko yung brownies na may marshmallow, kasi noong isang araw lang halos nagcracrave siya sa marshmallow dahil lang sa nakita niya sa TV.
Parang bata talaga.
Everything went well and I'm on my way to the parking lot nang mapansin ko ang isang pamilyar na tao sa buhay ni Maxene.
As much as possible I don't want to be involved, but the way how people treat him is a little unfair. Lalo na at nakita ko rin naman kung paano nila halos bastusin yung babae na pinagtanggol lang naman Kenzo sa tatlong customer nilang lalaki.
"May toothpick sa pizza namin, angalang bayaran namin ito ng muntik na kaming makalunok ng toothpick." reklamo ng lalaking naka-checkered polo.
"Oo nga, mamaya niyan yung babae na nag-serve sa amin yung naglagay ng toothpick sa pizza namin." sumbat ng lalaking naka v-neck shirt.
"Nasaan ba ang manager ninyo?" tanong na may halong pangmamaliit ng lalaking naka black shirt.
Entitled scumbags.
"Ipagpaumanhin po ninyo, pero hindi po namin magagawa iyon sa customer namin." Depensa ni Kenzo sa customer nila. "Maayos po naming sine-serve ang mga pagkain dito. Kung sagabal po sa inyo iyan, pwede niyo naman po hindi tapusin ang kinakain ninyo." Mahinahon niyang sagot na para bang sanay na sanay na siyang humarap sa mga ganoong klaseng tao.
"Hindi pwede iyon, gusto namin ng refund!" Singhal ng customer nilang si Checkered.
"Yang babae ang dahilan kung bakit halos makalunok na ako ng toothpick, siya ang pagbayarin ninyo sa kinain namin!" muling sisi ni V-Neck.
"Nagkakamali po kayo." Depensa nung babae na nasa likuran ni Kenzo.
"Anong mali, tanga ka ba?" Sinigawan niya yung babae, "Customer is always right, serbidora lang kayo, kaya kung ayaw ninyo matanggal sa trabaho, sumunod kayo sa utos namin at iharap ninyo ang manager ninyo para makakuha kami ng refund!" muling reklamo ni Black.
Ang kakapal naman talaga ng mukha ng mga taong ito. Hindi na sila nahiya na pinagtitinginan sila ng mga tao sa paligid nila.
Inusisa ko naman yung pizza store at kahit pa sa labas nakaupo ang mga customer nila, hindi naman ako binigo nito pagdating sa security features nila.
Nilapitan ko sila at nakita ko naman na nagulat si Kenzo na makita ako.
Tinapik ko si Black since dinadaan niya sa intimidation at pagiging entitlement ang mga staff ng pizza store. Nginitian ko sila isa-isa, "Bago kayo magreklamo, tingnan niyo muna kung mapapahiya kayo o hindi sa pag-aakusa ninyo sa tao."
"Sino ka--" Hinigpitan ko ang pagkakakapit ko sa balikat ni Black kaya naman natahimik siya. Huwag na niyang subukan.
"May security camera sa paligid, kayo ata ang tanga para isisi sa iba yung ginawa niyong kalokohan." Natahimik silang tatlo at tiningnan yung security camera sa labas ng pizza store. Kaagad nilang nilabas ang pera pambayad nung bill at nag-walk out.
Napailing na lang ako, mga tao nga naman. "Salamat po sa tulong ninyo." Sabi nung babae na pinahiya nung tatlong lalaki kanina.
Wala akong masabi kaya nginitian ko na lang siya.
"Sige na Angge, back to work na tayo, punasan mo na yang luha mo bago ka pa makita ni manager." Sabi sa kanya ni Kenzo.
"Salamat din Kuya Ken." Sumunod naman siya kay Kenzo at bumalik na sa trabaho.
Umiwas ako ng tingin sa kanya, "Mauna na ako."
"Salamat Travis." Matipid niyang sambit at nginitian ko na lang siya bilang tugon, "At congrats din sa inyo ni Maxie."
Binalikan ko siya ng tingin, "Para saan?" What's that mean exactly?
"Official na kayo, hindi ba?" nalilitong tanong niya.
I'm confused, "Hindi kita maintindihan."
"She just announced that she's in a relationship on national television," pagpuna niya, "That means she just made it official."
Hindi ko pa rin talaga maintindihan.
"Hindi ba niya sinabi iyon sa'yo?" Muling tanong niya na para bang binabasa niya ang reaksyon ko, "Mali pa ata na sa akin mo narinig." Sambit niya at tumalikod na sa sa akin at bumalik na sa trabaho niya.
Pagkasakay ko ng kotse kaagad akong nagtext kay Maxene.
Travis: Papunta na ako diyan.
Maxene: Yaaay! IMY!
I don't know why I feel stupid for smiling from what I just learned from her ex.
M A X E N E
Gumawa kami ni Sarah ng bracelet charm at isinuot namin iyon sa isa't-isa.
"Reminds me of the old days." Tanging kumento ko sa kaibigan ko.
"I'm really happy that we're okay now." Emotional niyang sagot sa akin na dahilan kung bakit ko siya niyakap ulit.
"Well, through ups and downs, we'll still best friends. Forever iyon!" Sagot ko sa kanya at tinanguhan naman niya ako.
"But do you think magwowork din iyon para sa kanila?" Tanong niya, "I mean, ngayon at nalaman ko mula sayo ang tungkol sa bagay na iyon, hindi ko alam kung paano ko ipapaalam sa kanya ang tungkol dito."
"Trust me." I tell her. "No matter what, aalalay naman tayo sa kanila eh."
Napangiti naman siya at sumang-ayon sa akin.
"By the way, kailan pala yung operation mo?"
"Next year pa, ayaw ni Mommy this year eh."
"I will pray for you." Hinawakan niya ang mga kamay ko. "For now, eat healthy muna." Kinotongan niya ako. "Hindi yung puro tayo junkfood and softdrinks."
"Ito talaga, minsan lang naman." Pagmamaktol ko.
"Sorry, ewan ko ba, nahawa na ata ako doon kay Lance!"
Napangiti ako, "Bakit, bakit?" I poked her arm, "Dali kwento."
"Wala naman, kasi nga hindi ba, dati rin, YOLO ako pagdating sa mga pagkain, eh nagkataong sumosobra ako sa mga kinakain ko, kaya minsan hindi balance ang hormones ko. To think na both parents ko diabetic, kaya impossible na hindi ko mamana iyon sa kanila."
"Eh anong connect doon ni Laurenz?"
"Control freak kasi iyon!" Pagmamaktol ni Sarah, hindi ko alam bakit ako napangiti sa sinabi niya, "Ayaw niya na sumosobra at nagkukulang ako sa kinakain ko, sa kanya ko nga natutunan ang salitang eating in moderation."
"Hindi diet ang term niya?"
She shrugged, "Hindi ko alam doon. Pero noong nag-fun run kami kasama sila Teppy, tinakbo namin ang 20km."
"Woah! 20km?" As if matakbo ko iyon.
"Oo. Actually trip lang nila Alex sumali, nadamay lang kami, eh since bonding time din kasama sila, kaya pinilit ko na sumali kami ni Lance. Kaya lang nang matapos yung fun run, nahimatay ako."
"Oh my, what happened?"
"It's a funny story." Nahihiya niyang sambit.
"Ano nga ang nangyari?" Pangungulit ko.
"Low blood ako that day. Ewan ko. Sinubukan ko lang umupo noon matapos ang fun run, tapos parang umikot ang paningin ko at nahimatay na lang bigla. Si Alex pa nga ang bumuhat sa akin noon."
"Sinugod ka ba sa hospital?" There's worry in my voice.
"Hindi na kailangan." Sagot niya sa akin, "Pinakain lang ako ni Lance ng candy, naging okay na ako kaagad."
"Okay, that's odd. Why candy?" Anong mapapala ng candy?
"Kailangan ko daw ng sweets para mag-stabilize yung sistema ko, pinagalitan pa nga ako nun matapos akong magkamalay, kasi bakit daw hindi ako kumain bago tumakbo, walang laman ang tiyan ko kaya saan daw kukuha yung katawan ko ng energy, badtrip hindi ba?" She pouted like a child, "Ako na nga nahimatay, ako pa pinagalitan."
I giggled, "Worried lang sayo si Laurenz kaya niya siguro nagawa iyon." I teased, "Pero ang galing ah, he knows basic first aid skills."
"Totoo, actually, gusto niyang mag doctor," she says with pride, "Pero hindi pwede." There's a sudden sadness in her eyes, "Kontra yung Mama niya."
Bigla naman din akong nalungkot doon. Buti pa si Travis suportado ng Papa niya, kahit pa hindi niya kadugo yung papa niya.
"Nakonsensya pa nga ako kasi pinilit ko siyang sumubok kumuha ng scholarship para makapasok sa Med school, yung allowance niya sa Daddy niya, dadaan muna sa Mama niya bago niya iyon makuha. Minsan tinitipid pa nila si Laurenz."
Badtrip na Nina Mendez yan!
"Dahil nga din sa payo ko kaya nasaktan na naman siya ng Mama niya." She laughs embarrassingly, "Hindi ko alam minsan kung nakakatulong ba ako sa kanya or nagiging pabigat na ako, pero dahil sa gusto ko lang naman matupad niya ang pangarap niya, kaya pinupush ko siya gawin kung ano talaga ang gusto niyang gawin."
Inakbayan ko siya, "Well, there's nothing wrong with that." I assured her, "Kasi para naman sa ikabubuti niya iyon. Kung hindi man ngayon ang panahon para sa kanya, malay mo, balang-araw, hindi ba?"
She gave me a soft smile, "Do you really think so?"
"Positive lang." I tell her, "He'll get there and when he does, just support him."
Tinanguhan naman niya ako bilang tugon.
Nagulat na lang ako nang may humalik sa pisngi ko, kaagad naman akong tumayo at niyakap siya.
"Kararating mo lang?" I asked him and he just smiled at me. Mukhang good mood si loko ah?
"I bought you some brownies." I look at the box and I feel delighted. "With marshmallows."
I open the box and eat one slice.
OMG! Bakit napakasarap ng brownies with marshmallows?
Kinuha ko yung box mula kay Travis at tumabi kay Sarah. Nagulat na lang siya nang subuan ko siya ng brownies.
"So yum!" Sambit ko pagkalunok ko at tinignan si Sarah. "Yum, hindi ba?"
Tinanguhan niya lang ako bilang tugon na may maliit na ngiti sa mukha niya.
Umupo naman si Travis sa harapan namin, "Walang thank you?" ito naman, tampo agad.
Agad ko naman siyang nilapitan at sinubuan din ng brownies. "Thank you." I smiled and see him eat the brownies I gave him.
"Hindi na rin ako magtatagal Max." Pagpapaalam ni Sarah matapos siyang uminom ng tubig.
"Ihatid ka na lang din namin." I tell her, "It's late na rin."
"Kaya ko naman mag-commute." Nahihiya sambit ni Sarah.
Napatingin ako kay Travis and immediately, he just knows what to say.
"We insist." He looks at Sarah, "Para hindi na rin mag-worry sayo si Maxene."
Napangiti ako, ang bait ng boyfriend ko.
Sarah just nodded bashfully in response.
Nang mahatid namin si Sarah sa kanila ng maayos. Nagpasalamat siya sa amin at niyakap ko siya bago siya lumabas ng kotse. Kinawayan niya pa ako pagkapasok niya ng bahay nila at pagkapasok niya, umalis na rin kami kaagad ni Travis.
Hindi ko na halos marinig yung sinasabi ni Travis dahil sa pagod ko or dahil sa ininom kong gamot na nireseta ng doktor sa akin.
Habang tinitingnan ko siyang nagsasalita, napapikit na lang ako at nakatulog sa biyahe.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top