Chapter 41 : Starstrucked

T R A V I S

Hindi na muling nagparamdam si Monique sa akin matapos ng naging sagutan nila ni Maxene. Siguro mas mabuti na rin ito para hindi na rin siya mahirapan. Maliwanag naman siguro sa kanya na hinding hindi ko bibitawan si Maxene.

She's my present and my future.

Pero may kung ano sa parte ko ang hindi mapakali, mamaya kasi ano na naman ang maisip ni Monique gawin, lalo na at hindi niya kayang mag-isa. Pero hindi ko pwedeng pabayaan na sa akin lang siya kumapit ngayon.

Hindi lang naman siya ang may pinagdadaanan.

"Mr. Hayes," Pagtawag sa akin ng professor ko, "Have you seen your grades so far?"

Hindi pa ako kailanman bumagsak, pero aminado ako, masyado akong preoccupied and distracted. "Yes Ma'm. Nakita ko po."

Sadly, hindi pa rin umabot ang grades ko sa passing grade. I failed my midterms.

"You do know that you need a miracle to pass my subject. Masyado kang naging kampate, Mr. Hayes. Praprangkahin na kita, imposible kang makakapasa sa majors mo kung hindi mo aayusin ang sarili mo." Paalala sa akin ni Mrs. Santiago.

Kahit pa masyado siyang strikta, kita naman sa kanya na tutok siya sa mga estudyante niya.

Siya ang pinaka terror na professor sa university at majority ng ka-course ko, kapag nakita nila na siya ang professor, either nalipat sila ng section or dinodrop nila para lang maiwasan nila si Mrs. Santiago.

"I understand Ma'm. Babawi po ako." Sagot ko nang buong kababaang-loob. "Salamat po sa paalala."

"Kung nahihirapan ka, pwede ka namang lumapit sa akin at magtanong," Payo niya, "Trabaho ko din naman bilang guro ninyo ang alalayan ang mga estudyante kong nahihirapan."

Napangiti ako sa sinabi niya, "Makakaasa po kayo Ma'm. Sadyang masyado lang po akong distracted noong nagdaang mga araw." Pag-amin ko sa kanya at tiningnan niya ako sa mata na para bang sinusuri niya kung nagsisinungaling ako o hindi, professor ko man siya, practicing lawyer na rin naman siya ngayon.

"Nagka-emergency lang po kasi sa pamilya." Pagdadahilan ko, "Kinailangan lang po nila ako."

Kahit na ang totoo, ayokong umalis sa tabi ni Maxene noong hindi pa siya nagigising. Pero tama naman ang excuse ko, doon na rin naman kami pupunta, she'll be my family. Maxene is my home.

"Well, I do hope that whatever your family is going through," she pauses as she looks at me with consideration behind her impassive face, "I do hope that you'll get through with it." Tinapik niya ako sa balikat.

"You can attend my other classes para kahit pa paano makabawi ka sa mga pinagawa kong activities noong absent ka." Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Iyon ay kung seryoso ka pang pumasa sa subject ko." Pagsusuplada niya.

"I'll take what you can offer Ma'm, para po makabawi din." Aayaw pa ba ako? Kung may paraan pa para kahit papaano makaahon ako sa failed grades ko, why not?

"Kung ganoon, alam mo naman ang schedule ng mga klase ko, ikaw na lang ang mag-adjust." Sambit niya at umalis na rin papunta sa kanyang klase.

Napahinga ako ng malalim doon at nagsimula ng maglakad palabas ng building namin.

Hindi naman sa kalayuan nakita ko yung mga kabanda ko.

"Yo!" Pagbati ni Pierre, "Long time no see, to think na nasa iisang university lang tayo."

"Oo nga, namiss ka na namin Travis!" Pagtatampo kuno ni Joshua. "Ano, lagi na lang si Maxene ang kasama mo? Edi ikaw na may girlfriend."

Napangiti naman ako sa kumento niya, "As if naman nababakante ka?"

Napakamot siya sa ulo niya, "May pinopormahan ako." Sagot niya, "Seryoso iyon." Napatingin siya kay Pierre. "Seryoso ako bro."

"Sabi sayo, kahit sinong babae, huwag lang si Adrianna." Pierre answered him indifferently.

Pinopormahan ni Joshua ang kapatid niya? This sounds interesting.

"Si Addy?" Gulat na pagtatanong ni Gerard, "Hoy Josh, umayos ka, ibang babae na lang, off limits ang kapatid ni P. Well, kahit ako kung kapatid ko iyon lagot ka sa akin. Kaya huwag si Addy."

"Ano ba yan, kaibigan kita Ge pero hindi ka kampi sa akin." Pagmamaktol ni Joshua kay Gerard. "Seryoso nga ako."

"Makati ka lang!" Banat sa kanya ni Gerard kaya nabatukan siya ni Josh.

"Kaya nga todo ang panliligaw ko dito kay P." Banat ni Joshua kay Gerard.

Kaya pala siya ang sanggang dikit ni Pierre ngayon. Make sense.

"Ibang babae na lang ang utuin mo Josh, huwag ang kapatid ko." Muling abiso sa kanya ni Pierre.

Napabuntong hininga na lang si Joshua at tumingin sa akin, "Eh ikaw bro, kakampihan mo ba ako dito?" Hindi ko mapigilang tawanan siya sa utak ko, ganon na lang ba niya kagusto si Addy?

"It depends." Matipid kong sagot.

"Ano ba yan Travis!" Pagmamaktol ni Joshua, "Seryoso nga ako kay Addy."

"Pero kasi kilala ka namin pagdating sa babae." Muli kong banat sa kanya kaya natawa sila Pierre at Gerard.

"Si Travis na ang humatol sayo Joshua," Banat muli sa kanya ni Gerard, "kung sa kanya alanganin ka, what more kay Pierre."

"Daya ninyo talaga," Pagmamaktol ni Joshua at napatingin kay Pierre, "kahit ikaw na lang ang ligawan ko, basbasan mo lang ako sa kapatid mo P."

Ngumisi si Pierre sa harapan niya, "Inuulit ko huwag si Addy." He paused, "What you have with her is just a fling Josh, katulad din yan ng iba mo pang flings. Makakahanap ka din ng iba." Banat sa kanya ni Pierre at kita naman sa mukha ni Joshua na para siyang na-offend sa kumento ni Pierre.

Sabihin na nating overprotective lang si Pierre sa kapatid niya. Syempre babae ang kapatid niya and knowing Joshua, kahit kailan hindi siya nagkaroon ng seryosong relationship kahit sa kaninong babae. Kaya hindi niya masisisi si Pierre na pumayag sa pinaplano niyang pagporma sa kapatid niya.

Pero kung titingnan ko naman si Joshua ngayon, parang tinamaan na nga si mokong. Hindi naman niya pahihirapan ang sarili niya, kung hindi naman niya gusto yung babae.

"Well, why not give him a chance?" I said as they look at my direction, nakita ko naman kung paano nagliwanag ang mukha ni Joshua, "People can change naman, malay ba natin kung seryoso nga si Joshua, hindi ba?"

"Seryoso ka ba sa sinasabi mo?" Dudang sagot sa akin ni Gerard, "Kung ikaw si Joshua, may chance pa, to think na napakaloyal mo Travis, nakita na rin naman namin iyon. Pero si Josh," napatingin siya sa kaibigan at umiling iling, "Sorry, dude, it's a no for me."

"Eh paano niya mapapatunayan ang sarili niya, kung hindi natin siya pagbibigyan?" Muli kong depensa para kay Josh.

"Buti na lang may kakampi na ako." Mahinang kumento ni Joshua.

"Huwag kang pakampante Josh." Paalala ko sa kanya, I'm just giving him a proper argument. "I'm not siding with you." Paglinaw ko sa kanya.

"Na kay Pierre pa din ang last say, since kapatid niya si Addy. Kung gusto mong patunayan ang sarili mo, dapat magpaka-good boy ka muna sa kuya niya." Tiningnan ko si Pierre pero patay malisya siyang umiwas ng tingin sa akin na may nakakalokong ngiti. Maybe he's considering my opinion.

"It's just all about loyalty Joshua." Palarong sagot ni Pierre sa kanya. "Are you even loyal enough?" Taas kilay niyang tanong kay Josh.

"Basta, bigyan mo lang ako ng chance," pangungulit ni Joshua kay Pierre at nagkibit balikat lang si Pierre bilang sagot sa kanya.

Mahihirapan si Joshua. Iyon lang ang masasabi ko.

"By the way, bakit hindi ka namin mahagilap noong nakaraan?" Pag-iibang topic ni Gerard, "May nangyari ba sa'yo Travis?"

"Nothing to worry." Matipid kong sagot habang nag-iisip ulit ng panibagong topic bago pa nila ako makulit pa.

"Ilang araw kang hinahanap ni Monique sa amin," Saad ni Joshua, "Akala nga namin, kayo na."

Why would that happen?

"Alam ninyong engaged na ako kay Maxene." Natatawa kong sagot ko sa kanila.

"But that's not official." Kumento ni Pierre. "It's just an arrangement." He smirks, "Parang trial run lang, ganoon."

Is that how they see my relationship with her?

Hindi ko alam pero bigla akong nainis doon. Ganon ba kababaw ang meron kami ni Maxene sa mata nila?

"Well, she is my girlfriend." Depensa ko sa kanila. Bakit ba parang kailangan kong patunayan na sa kanila kung anong real score namin ni Max?

"But hey, hindi rin naman biro ang ilang taon mong paghihintay kay Moe, hindi ba?" Tanong ni Joshua, "Sabi nga sa amin ni Moe, nagde-date na kayo. Pero bigla kang hindi na lang nagparamdam isang araw sa kanya, hindi mo naman ugali iyon, plus that's Monique we're talking about."

"Oo nga, tapos ni hindi ka rin namin ma-contact. Tapos ang tagal mo ding hindi pumasok sa school." May konting pag-aalala sa boses ni Gerard. "Ano ba kasi ang nangyari sayo Travis?"

Ano pa ba ang nasabi ni Monique sa mga ito?

"It's true we went out, but just as friends." Matipid kong sagot sa kanila, pero mukhang hindi pa rin sila convinced.

"Baka nasasabi mo lang iyan dahil pressured ka sa set-up ninyo ni Maxene?" Muling tanong ni Pierre sa akin. "Si Monique pa rin naman ang mahal mo hindi ba?" He paused tilting his head beside, "You know you could still back-out sa arrangement ninyo ni Maxene. His voice is convincing me.

I really don't like how he pushes this conversation with me.

"I should go, pupuntahan ko pa si Maxene." I answered calmly. I have to contain myself around them.

"Aren't you worried of Monique?" Muling tanong ni Pierre sa akin, "After many years of waiting for her, may dumating lang na iba, nawalan na siyang halaga sayo?"

Parang kirot sa dibdib ko ang mga salitang binitawan niya.

I know I still care for Monique, pero hindi na iyon katulad ng dati. She's still my friend. May pinagsamahan din naman kami kahit pa paano.

"Hindi naman siguro ganon P," Sagot sa kanya ni Gerard, "Kahit naman pa paano may pake pa rin naman si Travis, iyon lang kasi, current girlfriend niya si Maxene ngayon, it's a conflict between the past and the present."

Nginitian niya ako at muling sumagot kay Pierre, "I think he's serious with Maxene, sadyang nalito lang din ako gawa nung nasabi sa atin ni Moe." He paused and looks at my way, "Sorry sa misunderstanding dude."

"It's fine." Matipid kong sagot at nginitian sila. Ayos lang kahit si Gerard lang ang naniniwala sa akin. Hindi ko naman din kailangang magpaliwanag sa kanilang lahat.

Nakita ko na lang napasapo si Joshua sa kanyang noo na para ba siyang disappointed sa naging reaksyon ni Gerard.

"Well ang totoo naman talaga, nagtatampo kami sayo, matagal tagal na rin yung huling nakasama ka namin." Nahihiyang paliwanag ni Gerard. "Tugtog tayo sa bar, ano, sama ka?"

Napabuntong hininga na lang ako, "Fine." Alam kong iniiwasan ni Maxene na sumama ako sa kanila, pero kahit pa paano naman naging kaibigan ko din naman sila.

"Nakumpleto din tayo sa wakas!" Tuwang-tuwang kumento ni Joshua.

"You can bring Maxene, kung hindi talaga kayo mapaghiwalay." Pabirong suhestiyon ni Pierre.

"Oo nga, wala namang masama, parang tulad ng dati." Dagdag ni Gerard. "Tayo, tayo lang naman."

Oo nga eh, noong unang beses kong dinala si Maxene, halos makumbinsi siya ni Pierre na mas piliin siya kaysa sa akin dahil lang sa nalaman niyang arranged lang kami. Tapos yung sumunod, nagawa niya pa akong ipahiya kay Maxene dahil sa ginawa ko dati kay Kenzo, sino ba namang tanga ang gusto pang pumangatlo, hindi ba?

Kung pwede ko lang talaga sabihin iyon, kaibigan ko sila pero parang hindi naman sila aware.

"Game, ano mamaya?" Tanong ni Joshua.

"Sige." Mukhang hindi na ako makakaatras dito.

Dahil may shoot si Maxene ngayon dumarecho ako sa venue. As always lagi ko siyang dinadalhan ng frappuccino, this time with doughnuts naman.

Nang makarating na ako sa venue, hindi ko naman akalain na ang shoot na magagawa ngayon ay taping pala nila ni Peter, hindi ko alam kung bakit bigla na naman akong nainis. Pero dahil sa trabaho niya ito, kailangan kong ihiwalay ang emosyon ko sa nakikita nga mga mata ko ngayon.

They just kissed again.

This time it's no longer a smack anymore, it's longer and passionate.

They're in character and it looks like the director is very pleased to see them do their job professionally.

"Okay cut!" Sabi nung director sa megaphone. "Good job guys!"

Mukhang kakatapos lang ng taping nila. Hindi ko tuloy alam kung paano ko siya malalapitan.

Pakiramdam ko ang layo-layo niya sa akin ngayon. Pakiramdam ko hindi ko siya maabot.

Then I remembered that fact, masyadong malawak ang mundo niya.

Fuck this insecurity!

I should contain myself before I lose my cool again. This is her work, I can't meddle with her work. I took a deep breath as I convinced myself repeatedly that this is just work.

This is just her work. It's just work.

Lalapitan ko na sana siya nang abutan siya ni Peter ng bouquet at sinabayan pa iyon ng simpleng panunukso ng ilan nilang katrabaho na natutuwa sa tambalan nila.

This is just her work. It's just work.

Tinanggap naman iyon ni Maxene na may ngiti sa kanyang labi at nagpasalamat sa mga tao sa paligid niya.

"Thank you for all your hard work guys." She says as friendly as she can be.

I force myself to approach her.

Everything is just work Travis.

Besides, ikaw naman ang boyfriend ni Maxene. I convinced myself.

"Maxene, may interview ka pa mamaya kasama si Peter. Para sa promotion ng movie ninyo." Paalala sa kanya ni Bridgette.

"Ay, shoot!" Napasapo siya sa kanyang noo. "I forgot to tell him about it."

No need, I'm here already.

"Kung gusto mo sumabay ka na lang sa akin." Sabi sa kanya ni Peter.

Bago pa man siya makapagsalita hinawakan ko na ka agad ang kamay niya.

Nagulat naman siya pero nginitian niya ako ka agad at niyakap. "Hey Hayes!" Malambing niyang tawag sa akin.

I have to maintain my cool. I must be more patient and understanding with her work. I have to contain this fucking insecurity that I have.

"Hey dude, kamusta?" Peter greeted me as friendly as he could be.

I just smiled at him in return answering him, "Ayos lang," I paused, "Nice to see that you did a good job at work." I added.

"Well, see you all later na lang sa interview." Sagot ni Maxene sa mga tao sa paligid niya, mukhang nakaramdam si babae. Masyado ba akong obvious?

"Okay then." Naglakad na paalis si Peter kasama ng PA niya.

"Bridge, gusto mo sumabay na lang din sa amin?" Tanong ni Maxene kay Bridgette.

"Well, kasabay ko kasi papunta doon sila Charmaine, mag-lunch muna kayo, then derecho nalang kayo sa studio mamaya." Paalala sa kanya ni Bridgette.

"Okay." Maikling sagot sa kanya ni Maxene at kinuha niya ang mga gamit niya, pati yung bouquet na binigay ni Peter sa kanya.

Nang makarating na kami sa kotse, pagkasakay namin ka agad niya akong hinila sa kanya at hinalikan. Tinugunan ko naman iyon ng buong puso. Lahat ng kinikimkim kong emosyon kanina bigla na lang umagos sa pamamagitan ng pagtugon ko sa mga halik niya.

She left me breathless as she cut the kiss. She looks at me adoringly, "Anong oras ka dumating?" She asks.

Hindi ko alam kung paano siya sasagutin, angalang sabihin ko sa kanya yung nakita kong eksena nila na naghalikan sila.

"You saw that scene, huh?" She reads me too well before I could contain my jealousy. "It's just work." She sighs looking at me. "I just have to stay in character." She assured and reminded me, kahit alam ko naman.

My eyes see that bouquet again. I'm still composing myself in front of her.

"That's from all the staff, sadyang pina-abot lang nila kay Peter para ibigay sa akin." She explained without me asking anything about it.

I chuckled. "Masyado na ba akong obvious?" I asked keeping my cool.

"No, I just know you better." She smiled, "I love you. You know that, right?"

"I know." Tanging nasabi ko sa kanya at inabot ang frappuccino niya, her eyes were filled with glee.

"This is the reason why I love you so much." Banat niya sabay inom ng frappe.

"Can I ask why?" I asked her with a smile on my face.

"You know the little things that could make my day." She smiles and her smile just warms up my heart. "So, how's school?" She asks while sipping her drink.

"It's just school." Sagot ko sa kanya at kumuha siya ng doughnut na nasa backseat. "Ayos naman ang lahat."

She looks at me with worry in her eyes as she sees my grade slip. Napaiwas ako ng tingin.

She shouldn't have seen that. I just humiliated myself in front of her again.

"This is all because of me, huh?" There's this worry and guilt in her voice.

I look at her, "It's not your fault Max. Don't think it that way." I tell her as I put her cup away and put her hand on my face.

"Trust me." I kissed her hand again. "Babawi ako sa school."

She smiled a little, "Dapat lang bumawi ka, kundi magagalit ako sayo." She teased cheering me up and cups my face, "I'll support you along the way," She looks into my eyes, "Whatever happens, kaya natin to."

This is why I love her so much. She never made me feel like I was alone.

I took a bite from her doughnut. I need to refrain myself bago pa ako ma-excite sa presensya niya.

She hits me, "How dare you?" She ate the whole remaining doughnut, "May doughnut sa likod." Saway niya na parang bata ang kaharap niya.

I playfully wiped the remains of the glaze on my lips with my thumb and saw how she flushed because of that simple gesture.

But what I didn't expect was how she put my thumb in her mouth that jolts every part of my body.

"That's unfair." I muttered almost in defeat while shaking my head.

I know I have to contain myself around her at the moment.

"Well, sayang yung glaze." She smirked with triumph and wiped it with a dry tissue from the doughnut box. "Plus your thumb is dirty. I just want them cleaned."

She's using those words hiding what she really meant.

"Naughty woman." I muttered and I heard her giggled as I started the engine.

Kumain kami ng lunch malapit sa may studio para daw hindi na malayo ang pupuntahan namin.

"Grabe, ulyanin na ata ako, nawala talaga sa isipan ko na may interview ako ngayon kasama si Peter." Kwento niya habang nakain ng marinara pasta, pizza at garlic bread. Napakatakaw naman niya talaga.

"It's fine," I tell her reassuringly, "Wala din naman akong gagawin, so sasamahan na lang din kita."

She smiled playfully, "Lagi mo naman akong sinasamahan. Hindi ka ba nagsasawa sa pagmumukha ko?" She teased.

I get a napkin and wiped the sauce from her lips.

"You know if you eat like a child, I have to clean that sauce on your face." Kaswal kong banat na dahilan kung bakit siya nasamid. Tinawanan ko siya sa utak ko.

She glared at me, "Behave, mamaya may makarinig sayo." She says almost in a whisper.

Nakapalumbaba ako sa lamesa, "Bakit ano ba ang iniisip mo?" Palaro kong tanong sa kanya at nginitian siya.

Napalunok siya na para bang napahiya siya sa sinabi ko.

She's not the only one who can use words like that.

"Wala naman akong ibang ibig sabihin doon." Dagdag ko pa at sinubo ang pasta ko. "I just want to clean it." I said as I see her reaction as I lick my lips playfully.

She rolls her eyes at me and shakes her head. She's pissed, but she's flushed. "Badtrip!"

That reaction made me smile.

Tama na nga, mamaya mapasobra ako.

"Anyway," I started, "Niyaya ulit ako nila Josh mamaya tumugtog sa bar." She eyed on me carefully, "I just couldn't say no this time."

"Sasama ako." Sabi niya bago ko pa man siya matanong. She just reads me too well.

"Lagi mo naman akong kasama, hindi ka ba nauumay sa pagmumukha ko?" I mimicked her and she smiled at me.

"Walang originality." She commented while giggling.

I just love to hear her laugh from my humor.

Nang makarating na kami sa studio, pinagpalit siya ng damit ni Bridgette para daw fresh siyang tignan sa camera. Inayusan din siya at nilagyan siya ng make up.

Nakita ko si Peter na kakalabas lang din sa kanyang dressing room. Nginitian niya lang ako at ganoon din ang sinukli kong tugon sa kanya.

"Peter ikaw muna ang iinterviewhin, then si Maxene naman mamaya." Paalala sa kanya ng PA niya.

So hiwalay pala sila ng interview kung ganon?

Nang makalabas na yung mga nag-ayos kay Maxene, pinayagan na ako ni Bridgette pumasok sa dressing room niya.

Binigyan niya ako ng matamis na ngiti. Naka-casual dress siya, kung tutuusin, parehas sila ni Peter ng kulay ng damit.

Above the knee level ang dress niya at nahalata niya siguro na hindi ako kumportable sa kung anong suot niya. Lalo na makikita siya sa TV.

"They arrange this get-up for me." She reminded, "Magpapalit din ako mamaya, okay?"

"Bagay naman sayo." I tried to compliment her, para naman hindi siya masyadong mag-alala sa akin. Masyado ko na ata siyang pinaghihigpitan, mamaya masakal naman siya sa akin, to think na bagay naman sa kanya yung suot niyang dress.

Nang matapos na ang interview kay Peter, nag-commercial saglit yung show at pumunta na kaagad si Maxene sa upuan na inihanda para sa kanya.

"You can watch there sa TV screen." Payo sa akin ni Bridgette at sinunod ko naman. So ganito ang hitsura niya kapag nasa TV siya, mas maganda siya sa TV kung titingnan.

The show is back on air and the interview started. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing nangiti siya, napapangiti din ako.

The host talks about her upcoming show with Peter. Her character and how she was able to relate with her character in the story. Since that's their upcoming movie; the less questions about the story, the better para no spoiler.

"Just give us a heads up, how are you connected with your character, kahit pa ibang-iba siya sa naging character mo sa mga nagdaan mong movies?" Muling tanong sa kanya ng interviewer niya.

"Well, parehas po kaming pasaway ng character ko, that I'll admit, but unlike me, my character relies on her fame and wealth dahil nga," she pauses as if she's considering if she'll tell a lie or not, "Angeline has no one. Walang oras ang parents niya sa kanya kaya itinutuon niya sa ibang bagay ang kaligayahan niya."

That part she could relate. But she hides that fact in her heart that no one would ever know, but me.

"How did Raphael change Angeline's life?" Tanong ng host pertaining to her and Peter's character.

"Si Raphael po kasi, siya yung goal-oriented type of guy. He's living with his mother after his father left them with his sister. Siya ang tumayong padre de pamilya sa kanila. He has no room for mistakes dahil sa kanya naasa ang family niya. Pero nagbago po iyon nang makilala niya si Angie. Ang mundo niyang organize, nagulo dahil sa kanya. Sa part naman po ni Angie, nagbago ang mundo niya nang maranasan niya na hindi nakukuha ang tunay na kaligayahan sa material na bagay and then ayun po, doon nagsimula ang kwento nilang dalawa."

"Sa naging love story ni Angeline at ni Raphael, anong pinaka-tumatak sayo na naka-relate ka?" Tanong ulit ng host sa kanya.

"Ano po ba," she giggled as she thinks of how she'll answer the question, "Love transcends all boundaries." Tanging kumento niya.

"Care to explain that further?" Sabi ng host na nakangiti sa kanya.

"Every relationship has their own conflict, but then as long as you choose to love that person beyond their flaws, it transcends into a deeper connection with your significant other."

"Love is just an emotion, there's no explanation who or why, or when or how." She added with a smile.

"It just happens and sometimes the most unplanned, happens and everything just makes sense kapag kasama mo ang taong iyon. Na parang ang dating hindi mo magawa, nagagawa mo, dahil may naniniwala sayo na higit ka pa sa inaakala mo." There's this familiar spark in her eyes as she say those words that made me smile.

"Sila Angie at Raph po, sobrang magkaibang magkaiba silang tao, ni wala silang napagkakasunduan. Pariwara si Angie, she's a brat, she gets what she wants but it wasn't enough for her to be happy." She pauses and continues, "Si Raph naman po he's focused to make his family happy. He's happy to make his family happy, but it wasn't enough to feel that he is completely happy. Then they just met." she shrugs casually smiling at the host as she added, "Love helps you grow to be the better version of yourself. It has many forms, sa friends, sa family at sa loved one mo...even in yourself, love is there."

"Totoo naman iyon and so far this role of yours is a little mature unlike your previous roles." Pinakita sa screen yung trailer ng upcoming film niya. "You've grown as a fine actress Maxene from a child star."

"Salamat po." Humble niyang sagot sa host.

"But then I couldn't help but notice that spark in your eyes Maxene, na para bang may bago sayo?"

She couldn't hide her blush giggling awkwardly.

"You're blooming," Pagpuna ng interviewer niya at natawa lang siya sa narinig niyang compliment para sa kanya, "For your fan's sake, please don't mind me asking, are you in a relationship already?"

I look away from the TV and see her on set.

"Masyadong tahimik ang love life mo sa industry. May mga nalilink sayo, but those were just rumors, as you said before."

Maxene smiles awkwardly as if she didn't know how to answer the question.

"So ano na nga, kasi impossibleng wala. Sa ganda mong iyan, there must be someone special, right?"

Ayos lang naman kung hindi niya sagutin.

If she's feeling a little uncomfortable because she's aware that I am around the area, I can leave. She locked eyes with me for a while and I smiled at her telling her 'I'm okay'.

I turn my back so she can answer the question freely, but when I was about to walk out--

"I'm committed already with someone." She answers with pride. "And yes, I'm currently in a relationship."

Her admission to the media overwhelms me. Muli akong napatingin sa gawi niya.

"Is he in the same industry?" Muling tanong ng interviewer na may ngiti sa kanyang labi.

"Hindi po." Matipid na sagot ni Maxene.

"Well, can you at least describe him for us?" Pag-uusisa ng interviewer. "With just one word."

She smiled with whatever she has on her mind.

"He's selfless." She smiles with warmth, "But he doesn't know that." She teases as if I'm not in the area. Tinawanan lang siya ng interviewer niya.

"Well if you have a message for him kung nanonood siya ngayon, anong gusto mong sabihin para sa kanya?"

She's blushing again and I couldn't contain my smile as I wait for her answer on national television.

"Thank you for being with me through my ups and downs. You help me to become the better version of myself. My love for you will transcend all boundaries..." She paused, "I will support you all the way as you reach your dreams, so don't give up, okay?"

I want to hug her so bad right now so she could feel my heart that is crazily beating for her at the moment.

Ikinatuwa naman iyon ng interviewer at kita naman na kikilig siya sa naging sagot ni Maxene.

"Grabe naiintriga ako sa taong ito." Kumento ng interviewer niya, "This is the first time that you admitted that you're already have someone special to you. Masaya kami para sa'yo Maxene."

"Salamat po." Sagot niya na nakangiti. Humble masyado.

Before the interview ends, the host lets her promote her upcoming film and asks for everyone's support. Muli siyang inabutan ng bouquet and the show ended.

I just can't take my eyes off her.

"Ikaw yung sinasabi ni Maxene, hindi ba?" Tanong sa akin ni Bridgette na nakangiti sa akin.

"Why not ask her about it." Matipid kong sagot, pero parang ikinatuwa niya ang sagot ko na para bang umamin na ako sa harapan niya.

"Masyadong private si Maxene, to think na ikaw lang naman ang lagi kong nakikita na sinusundo siya at kasama kung nasaan siya." Panunukso niya. "It's impossible na friends lang kayo."

Her curiosity speaks for her.

Maxene approached me with that same warm smile on her face and kissed my cheek as if there's no other people around us.

Dapat ba akong matuwa?

"Oo Bridge, kulit," Sagot ni Maxene kay Bridgette, "Matagal nang kami. Akala ko naman obvious iyon." She held my hand and I lock it with hers as we started walking.

I can't help myself from smiling at her.

Nakita naman namin kung paano kiligin si Bridgette sa nalaman niya sa amin ni Maxene.

Maxene clings on me, kung kami lang malamang kanina ko pa siya hinalikan.

"Bakit hindi mo pa sinabi na kayo na sa media?" Tanong ni Peter, "Pinanood ko kayo sa loob ng dressing room, sayang naman iyon Maxene."

"Well, technically, sinabi ko naman. I just didn't say who." I'm just looking at her as she talks to him.

"Ayoko namang ma-overwhelm si Travis, plus mamaya magkaroon pa ako ng kaagaw kapag nalaman nila kung gaano ka-pogi ang boyfriend ko." Muli niya akong tiningnan na may matamis na ngiti.

Bakit ang hirap magpigil ng kilig kapag ganito siya kalapit sa akin?

"Baliw." Kumento ni Peter sa kanya, "Anyway, happy for you, sa wakas na-clear na rin ang naging chismis tungkol sa atin."

"Oo nga eh," Matipid na sagot ni Maxene at tinignan ang oras, "Hey we gotta go na rin." Pagpapaalam niya, "Wala naman na akong schedule after this, hindi ba Bridge?"

"Wala naman na." Tanging sagot sa kanya ni Bridgette.

"Oo nga uwian na, para makapagpahinga naman. Aga kong gumising para sa set kanina." Sabi ni Peter at nauna na sa amin pagkarating namin sa dressing room ni Maxene.

"Magpapalit na muna ako ng damit." Sabi niya sa akin pero pinigilan ko siya.

"You're beautiful." I told her and she blushed again.

"I'll just get my stuff na lang kung ganoon." She said. Tinulungan ko siya at dinala lahat ng gamit niya sa kotse.

Pagkasakay namin ng kotse bigla niya akong tinanong, "So where to next?"

I held her hand and kissed it. "I love you so much." I just have to say those words before my heart just burst from my chest.

She leans to kiss my cheek again locking our hands together. "I love you too Travis."

"So about what you said earlier--" I started and she let goes. Nahihiya siyang ulitin niya sa harapan ko yung sinabi niya sa interview kanina.

"Just ignore it." She pursed her lips feeling a little embarrassed.

But I just have to be honest about it, "It made me happy."

Muli naman siyang napatingin sa akin.

"I really wanted to tell the world about you," She kissed my shoulder, "Pero kasi, madamot ako eh."

Natawa ako sa sinabi niya, "Kapag nalaman pa ng iba na pogi ka, tapos magaling pang kumanta, tapos matalinong nag-aaral sa law school, baka maagaw ka pa nila sa akin."

Bolera.

I pull her for a kiss.

"I'm all yours Maxene." I say as I cut the kiss, she smiles and looks at me like I'm her everything.

Wala na akong mahihiling pa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top