Chapter 4 : Wasted Frappuccino

M A X E N E

"You liar, sabi mo hindi ka gutom?" tanong sa akin ni Travis at wala akong balak sagutin siya dahil oo, dakilang mapagpanggap ako. Sino ba naman kasi ang tatanggi sa nakahaing buffet?

Umalis na kami sa hotel at pumunta saglit sa pinakamalapit na mall. Kumain kami sa eat-all-you-can restaurant, dahil trip niya raw kumain ng seafood. I suggested the place kasi masarap ang seafood dito, especially the lobster and the scallops. "I can adjust my food schedule." tanging depensa ko sa kanya habang ninanamnam ang seafood marinara pasta.

He shakes his head clicking his tongue, "Still you liar." banat niya sa akin habang kumakain ng grilled spicy squid. Nang matapos kami kumain, grabe lang ang nararamdaman kong bigat sa tiyan ko, napasobra ba ako? Napaupo ako sa may bench at kaagad naman niya akong pinuntahan, "You look bloated." hindi ko alam kung compliment ba iyon o inaasar niya ako dahil talagang ayoko kung paano siya makatingin sa akin. Napakatalas ng mga mata niya na parang minsan hinuhuli niya ako sa sarili kong bibig. Hinding hindi ko pababayaang mapahiya ulit sa harapan niya. Binelatan ko siya at nakitang natawa na naman siya sa inasal ko habang iniinom ang grande sized coffee galing Starbucks.

"Bilhan mo nga ako ng frappe." utos ko sa kanya na dahilan kung bakit tinaasan niya ako ng kilay.

"Halos hindi ka na makahinga tapos frappe pa?" reklamo niya. Bakit, katawan niya ba ito? Pinapangunahan niya ako masyado.

"Did I stutter?" I look back at him, raising my eyebrow. I see him shaking his head as if he's disappointed seeing me with this kind of bratty attitude. Looks like this is how I'll push him away, "I wanted a frappuccino Travis!"

"You're one demanding woman, you know?" I can't tell if he's disappointed or amused by my attitude because of that playful smirk on his face. Ang hirap niyang basahin. Kainis.

"Para ma turn-off ka." bwisit 'to, kung gusto niyang magtagal ang arrangement na ito, paiikliin ko ito ng mas mabilisan. I have to show my worst side so I can immediately get rid of him. "Now get me a frappuccino." I demanded like a spoiled child.

"Para kang bata." mahinahon niyang sigaw at kaagad namang pumunta siya sa Starbucks para bumili ng frappuccino. Ngumisi ako, kapag nakahinga ako ng maluwag tatakasan ko siya, heh! Bakit kasi ang sarap kumain?

"Hey, you're Maxene Campbell, right?" a random guy approached me.

Ngumiti ako sa harapan niya, "Yes, how may I help you?" I should at least be polite.

"I would like to take a picture of you, if that's fine?" he looks like a decent guy, so why not?

"Sure." I said and I gave him some cute poses.

"Can I take a picture with you?" he asked a favor with a deep inviting voice. Napakunot noo naman ako nang tingnan ko siya pero nakangiti lang siya sa akin. Baka imagination ko lang iyon.

"Okay." nakangiting ani ko at pinabayaan siyang tumabi sa akin. Naramdaman kong hinawakan niya ako sa may baywang, "I think this is too close?" natatawa kong puna, mukhang masyadong malapit ang lalaking ito sa akin.

"Closer pa, dali." bulong niya sa akin at naramdaman ko kung paano humaplos ang kamay niya sa tagiliran ko. I suddenly felt a little uncomfortable and I gulped. Bago pa man mapindot ng lalaki yung camera niya kaagad naman akong hinila ni Travis palayo mula sa lalaki at tinapunan yung lalaki ng frappuccino. Teka, frappuccino ko ba iyon? Buwisit! "What the fuck dude!" singhal nung lalaki sa kanya.

"Para magising ka." sagot sa kanya ni Travis na kulang na lang ay sunugin niya yung lalaki sa kung paano niya ito tingnan ng masama. Agad din naman umalis yung lalaki sa hiya at mukhang nadaan din siya ni Travis sa intimidation niya, akala mo kung sinong mabait. Tiningnan ako ni Travis at tinanong, "You okay?" his eyes almost look sincere.

I look back at him with a firm line on my lips, huwag niya nga akong niloloko sa pagbabait-baitan niya, sinayang niya yung frappuccino ko! "Ibibili mo naman ako ulit ng frappuccino, hindi ba?" I saw how rolled his eyes at me. Kita mo attitude? Bwisit siya. Hinawakan niya ang kamay ko at dinala sa loob ng coffee shop.

"Sabi mo frappuccino lang, you even order a slice of cake, a muffin and a cookie. Yung totoo, saan mo ilalagay ang pagkain mo?" he looks at me with a mix of disbelief and hilarity.

"Kasalanan mo ito, dinala mo ako dito eh." sagot ko sa kanya at nakitang muli siyang napailing.

"Sabihin mo wala kang kontrol sa pagkain mo." nakapalumbaba siyang hinarap ako. At least nga ako may binili, siya nga tambay lang dito. Hindi ba siya nahihiya? "Mga babae nga naman, tapos macoconscious kayo sa figure ninyo. Eh ang tatakaw naman ninyo." he commented as if he remembered someone from his memory.

"Sino naman iyon, girlfriend mo?" natigilan siya at umiwas ng tingin, "Tama ako 'no?" mukhang tama ako ah? Napilitan lang din ba siya sa arrangement namin? "Aminin mo na sa akin, dali." nakangiti kong kulit sa kanya habang dinuduro duro ang tinidor sa mukha niya na siyang dahilan kung bakit muli siyang tumingin sa direksyon ko na naka kunot na naman ang noo. I grinned. Looks' like someone is guilty. "You liar. Sabi mo kay mom, hindi ka pa nagkaka-girlfriend." umiwas siya sa tinidor ko kumuha ng tissue. Pinunasan niya ang gilid ng labi ko.

"She's not my girlfriend," he says with a soft smile hiding that melancholy in his eyes, "Ang baboy mo kumain." kutya niya sa akin.

"You can just tell me nicely so I can wipe it myself." I rolled my eyes at him, "I'm not a child." he let out a small chuckle, crumpled the tissue and put it beside my tray. "So tell me nga about this girl." I tried to break the ice, I'm starting to be curious about him. He's like a puzzle that doesn't want to be solved.

"No." mariin niyang sagot sa akin. Ang KJ. I made an annoyed face and avoided looking at his ugly face. Bahala nga siya diyan. Napansin ko na may mga pulubi sa labas at kumakanta at muli akong napatingin sa pagkain ko. I guess I'm good for the day. I smiled getting off my seat. Nag-order pa ako ng dalawa pang pasta at dalawang bote ng tubig. Dinala ko iyon sa table namin para kunin yung mga pagkaing hindi ko nagalaw, "Busog na ako Maxene." iritableng ani sa akin ni Travis, "Kakain ka na naman?"

I didn't answered him. I just rolled my eyes from his assumption, may hangganan din naman ang tiyan ko. Kinuha ko ang natira kong pagkain sa lamesa at lumabas ng cafe. I hear the kids singing and I have to say that they're gifted in some way, it's just sad that they'll do anything to get by. Bigla ko na namang naalala si Kenzo sa kanila.

"Hi!" bati ko sa mga bata, "Kumain na kayo?" nahihiya silang umiling bilang tugon, ang papayat nila, "Heto para sa inyo," nakangiting ani ko at niyaya silang umupo sa labas ng cafe, "Dito na lang din tayo kumain, isosoli ko rin kasi yung plates mamaya." tumango sila sa harapan ko na may maliit na ngiti sa kanilang labi.

"Salamat po Ate." nahihiyang sambit ng dalawang bata ngunit dahil sa gutom ay kaagad din silang kumain ng maayos.

Nang matapos silang kumain, sinoli ko na yung mga plato na ginamit nila. Buti na lang at may saktong may staff na lumabas para maglinis sa ibang table, "Nabusog ba kayo?" tanong ko sa kanila at tinanguhan nila ako muli, "Nasaan ang mga magulang ninyo?"

"Nasunugan po kami ng bahay Ate. Magmula noon, pa gala-gala na lang po kami sa daan namamalimos. Minsan po ay nagtatrabaho para lang kumita ng pera." kirot sa dibdib ko ang mga nalaman ko sa mga batang ito, they were just like seven or ten para ma-experience ang ganitong bagay.

I wish I could do something, but then I remembered that place. Kung saan lumaki si Kenzo. "Do you want to come with me?" tanong ko sa mga bata at kaagad naman nila ako tinugunan na mapagkumbabang tango, "But first we have to do something with your clothes." I said with a friendly smile as I took their hand. Binilhan ko ng damit yung mga bata at kita naman sa mga mata nila na nag-enjoy silang kasama ako. Nakakatuwang maramdaman na magaan ang loob nila sa akin. Pinayagan ko na rin silang maglaro sa arcade bago ko sila ipasok sa ampunan mamaya.

"What are you, Mother Teresa?" kumento ni Travis na nawala sa isip ko na kasama ko pala.

"Well look at them, they're happy." I told him. Tinawag ako ng mga bata na ngayon ay nakasakay sa merry-go-round at kinakawayan ako. "It's just sad to lose both of their parents, all they have is each other." I uttered waving back at them.

"Anong plano mo sa mga batang 'yan? Aampunin mo?" there's a little sarcasm in his voice, "Hindi pa nga tayo engaged may ampon ka na." pabiro niyang dagdag.

"I know a place." binunggo ko ang braso niya, "Trust me." I winked at him and saw a ray of amusement in his eyes.

Nilapitan ko ulit ang mga bata na ang pangalan pala ay Antonio at Miguel, "Ate, Ate, salamat ah! Masaya pala dito." nakangiting sambit ni Miguel sa akin na nakitaan ko ng pagkasabik sa naranasan niya sa araw na ito.

Hinila naman siya kaagad ni Antonio, "Sorry Ate makulit si bunso, ngayon lang kasi siya nakapunta sa ganitong lugar." nahihiyang ani niya habang sinusuway si Miguel.

Ginulo ko naman ang buhok ni Tony, "Kuyang kuya ka pakinggan doon ah? Huwag mo masyadong paghigpitan si bunso, okay?"

"Ate naman eh!" reklamo ni Tony sa akin na dahilan kung bakit mas lalo ko pa siyang inaasar.

Inalog alog ni Miguel ang braso ko at tinanong ako, "Ate, Ate, kasama mo ba iyon, si Kuya?" turo ni Miguel kay Travis na nakatayo sa likuran namin at nakapamulsa.

"Ah, oo, kaibigan siya ni Ate." nakangiti kong sagot kay Miguel at nakita kung paano nilapitan ng bata si Travis na parang nahihiya. Akala ko pati sa bata ay suplado siya pero ibang-iba siya kapag ako ang kaharap niya dahil kapansin pansin kung paano umamo ang mukha nito sa harapan ng bata habang naka-level siya kay Miguel. Hindi ko alam kung ano ang napag-usapan nila para magulat pansamantala si Travis pero agad din niyang binawi ang hindi inaasahan na reaksyon sa harapan ng bata at nginitian niya ito.

"Ate, sure ka hindi mo boyfriend iyon?" biglang tanong sa akin ni Tony.

"Bakit mo naman nasabi?" ginulo ko ang buhok niya, bata-bata pa nito, "Ikaw talaga, ang dami mong alam." para kang yung lalaking kasama ng kapatid mo ngayon.

"Maganda ka kasi tapos gwapo siya, bagay naman kayo." pagtukso ni Tony na iniwas ang tingin sa akin at naka-pout.

"Anong iniisip mo at naisip mo iyan?" natatawang tanong ko sa bata.

"Gusto kasi kita Ate." napakagat labi siya na parang nagulat sa pag-amin sa akin, "Ewan ko, gusto kita. Mahal na kita Ate." natatawa naman ako, mga bata nga naman, napaka inosente sa pag-ibig.

"Hindi siya pwede sa iyo bata." sagot sa kanya ni Travis na bitbit si Miguel. Hindi ko alam kung bakit may parte sa akin na natuwa o kinilig sa kinilos niya na hindi ko inaasahang makita mula sa taong katulad niya. Kani-kanina lang ay parang ayaw niya sa bata, pero ngayon- "Akin si Ate." napalunok ako sa dagdag niyang sagot sa bata. Loko 'to ah!

"Pag tumanda ako, liligawan ko si Ate." tutol ni Tony kay Travis.

"Pag tumanda ka, may anak na kami." tama bang patulan ni Travis yung bata, mukhang tanga naman oh!

Tumingin sa akin si Tony na parang naghahanap ng kakampi, "Ate, wag ka muna magpapakasal, hintayin mo ako. Pakakasalan kita."

'Maghihintay ako sayo Maxie.' Iyon ang mga salitang iniwan sa akin ni Kenzo dati. Muli akong bumaba sa level ni Tony at tinapik ang braso niya, "Gusto ko mag-aral ka muna mabuti at magtapos ka ng pag-aaral sa eskwelahan. Pagkatapos no'n ay maghanap ka ng magandang trabaho para sa inyo ni Miguel. Gusto ko maging mabuti kang kuya sa kanya." nakita ko kung paano lumiwanag ang mukha ng bata, "Tapos kung hindi pa ako kasal sa kumag na ito-" pagturo ko kay Travis na tinaasan ako ng kilay, "Malay natin, hindi ba?"

"Talaga ba Ate?" tila kumislap ang mga mata ni Tony.

"Huwag mo ngang paasahin ang bata." supladong pagpuna ni Travis na hindi ko na pinansin. Bahala siya diyan.

"Basta sa ngayon, si Miguel muna ang alagaan mo, okay? Kapag na alagaan mo si Miguel at napalaki mo ang kapatid mo ng maayos, malay mo; baka isang araw may katulad ko rin na darating sa buhay mo." tanging payo ko kay Tony.

"Pero Ate, gusto ko ikaw." muling kulit ng bata.

"May...may iba na kasi akong gusto eh." pag-amin ko kay Tony na siyang ikinalungkot naman niya.

"Kung sino man iyon Ate, sana hindi ka niya saktan. Dahil kapag sinaktan ka niya, lagot siya sa amin ni bunso." payo sa akin ng isang bata na dahilan kung bakit ko ito ikinatuwa. Kahit papano ay mature rin siyang mag-isip. Para siyang si Kenzo, "Huwag na huwag kang iiyak ate ah, gusto namin masaya ka lang."

Sana nga ay madali lang gawin iyon. Pinakiusapan ni Miguel si Travis na ibaba siya saglit at muling nilapitan ako at nagulat ako nang nang magnakaw ng halik sa pisngi ko ang bata, "Hoy bunso, bakit naman ganun?" pagsuway ni Tony sa kapatid.

"Sabi ni Nanay, ang kiss daw sa pisngi ang pinaka magandang regalo na maibibigay mo sa isang babae, Kuya." ani ng bata sa kuya niya.

"Ah, so regalo pala iyon?" natatawang tanong ko kay Miguel na siyang tinugunan niya ng malawak na ngiti sa akin.

"Ako rin Ate, kung pwede." nahihiyang buwelo ni Tony. Nakakatuwa at may pagka-gentleman naman nitong batang ito. Lumapit ako sa bata at pinabayaan siyang binigyan ako ng halik sa kabilang pisngi pero pumangalawa rin ulit si Miguel na siyang dahilan kung bakit natawa kaming tatlo.

*****

Sumakay kami sa kotse ni Travis papunta sa ampunan kung saan ko sila dadalhin at bibigyan ng panibagong tirahan. Late ko na napansin na hindi ito ang sasakyan na gamit niya noong gabing nagtangka akong tumalon sa bangin, yet at the second thought baka ito rin iyon at pinaayos na niya yung side mirror niya. Just remembering fragments of that night makes me cringe. Nagtatakang pinagmasdan naman ako ni Travis na dahilan kung bakit inirapan ko lang siya at pinabayaang magmaneho siya ng tahimik habang nasa likuran yung dalawang bata. Buti na lang at hindi traffic kaya nakarating kami agad sa destinasyon namin, "Dito na ba iyon?" tanong sa akin ni Travis, tinanguhan ko lang siya at nilingon ang dalawang bata na nakaidlip sa haba ng biyahe.

"Antonio, Miguel." tawag ko sa kanila at nagising naman sila kaagad, "Nandito na tayo." nakangiting ani ko.

"Ay si Ate pala, akala ko si Nanay." natatawang kukurap kurap na sabi ni Tony na bakas ang lungkot sa mga mata niya. Bumaba na kami ng kotse at hinawakan naman ni Miguel ang kamay ni Travis na siyang dahilan kung bakit napangiti si Travis dito.

"Angela, napa bisita ka?" agad na bati sa akin ni Sister Elizabeth. Siya ang mother superior ng ampunan na ito.

"Hello po Sister," bati ko at nag mano sa kanya, "Natagpuan ko po sila sa kalsada, sana po pwede sila manirahan dito." panimula ko at kinuwento ko na rin ang masalimuot na pangyayari sa magkapatid. Nakita ko rin kung paano nahabag ang madre sa sitwasyong ng magkapatid. Napatingin si sister sa kasama ko na dahilan kung bakit nginitian nila ang isa't-isa at mapagkumbaba na tinanguhan siya ni Travis. "Tony, Miguel, tara." sinenyasan ko ang magkapatid na lumapit at pinakilala ko ang madre sa kanila, "Siya si Sister Elizabeth. Siya na muna ang mag-aalaga sa inyong dalawa ah?"

"Dito na tayo titira Kuya?" tanong ni Miguel sa kapatid na magkahawak kamay. Tiningnan ako ni Tony na may ngiti sa kanyang labi.

"Dito na kayo titira." sagot ni Sister Elizabeth sa kanila na ikinatuwa naman ng dalawang bata. Pinaubaya na ni Sister sila Antonio at Miguel sa isa pang kasamahan niya sa ampunan. I'm sure naman na maalagaan sila dito hanggang sa may mag-ampon na sa kanila.

"Salamat po ulit Sister, ha?" hinawakan ko ang kamay niya.

"Wala iyon, masaya ako at nagkita tayo ulit, matagal tagal na rin na huli tayong nagkita."

"Opo nga eh. Sorry po at naging busy ako sa school at sa trabaho." tapos bantay sarado pa ako.

Napatingin siya kay Travis at agad niya rin akong tinanong, "Bago mong nobyo?"

"Ah, kaibigan ko po." sagot ko kay sister na hindi tinitingnan si Travis.

"Sabi ni Kenzo, hiwalay na kayo. Hindi ba totoo iyon?" nag-aalala na tanong ng madre. Pati ba naman kay sister sinabi niya iyon? "Anong nangyari hija?"

Napalunok na lang ako at hindi makatingin kay sister, "Hindi ko rin po alam eh."

"Angela..."

"Napagod daw po siya sa akin. Napagod siyang ipaglaban ako. Napagod daw po siyang mahalin ako." hindi ko maiwasan na maluha habang naaalala ko kung paano niya sinabi ang mga salitang iyon na hindi ko inaasahan na marinig sa kanya. Tatlong taon, tatlong taon bakit naman ang bilis nawala noon sa amin? "Ano pa po ba ang kulang sa akin? Lahat naman po ay binigay ko na pero kulang pa rin?"

Hinaplos niya ang ulo ko at pinatahan, "Pasensya ka na at naitanong ko pa ito sa iyo. Hindi ko naman akalain na sariwa pa ang sugat diyan sa puso mo."

Umiling ako at kinukumbinsi ang sarili ko na ayos lang ako, "Baka po sadyang tama lang siya. Hindi naman po nagkakamali si Kenzo. Sa aming dalawa, siya naman lagi ang tama."

"Angela, huwag mong ibaba ng ganyan ang sarili mo," pinunasan niya ang mga luha ko na hindi ko inaasahan na bumagsak ulit mula sa mata ko. Akala ko ubos na ang luha ko, hindi pa pala. "May dahilan ang lahat. Magtiwala ka lang."

Mapait ko siyang nginitian, "Bumisita po ba siya ulit sa inyo?"

"Hindi na." may panghihinayang na sagot ni Sister sa akin.

"Ano po ang ibig ninyong sabihin?" naguguluhan kong tanong, laging dumadalaw si Kenzo dito sa ampunan dahil halos pamilya na ang turing niya dito kaya paanong hindi na?

"Matapos niya kunin ang mga natirang gamit niya dito, hindi na siya muli pang bumalik Angela."

"May sinabi po ba siyang dahilan?"

Umiling si Sister Elizabeth na may pag-aalala sa kanyang mga mata, "Kilala mo naman ang batang iyon, magsasabi naman iyon kung ano man, pero magmula noon, hindi na siya bumalik."

Bakit naman kaya?

Biglang nag-ring ang cellphone ni Travis at nag-excuse sa amin. Lumayo siya saglit para sagutin kung sino man ang tumatawag sa kanya.

"Mukhang mabait ang binatang iyon ah." nakangiting ani Sister Elizabeth.

"Sister, kaibigan ko lang po iyon." muli kong paalala sa madre.

"Wala naman akong sinasabing kakaiba ah." minsan pilyo din 'tong si Sister eh.

"Maxene, kailangan na natin umalis." sabi sa akin ni Travis, tinaguhan ko lang siya bilang tugon at nagpaalam na rin ako agad kay Sister Elizabeth. Binigyan ko ng malaking yakap ang dalawang magkapatid. Pinayuhan ko sila na iingatan nila ang isa't isa at magpapakabait sa ampunan. Tinugunan din naman nila ang payo ko na may malawak na ngiti sa labi. At least kampante na ako na magiging okay sila dito.

Kinawayan ko sila nang umalis na kami sa ampunan. Tiningnan ko ang kasama ko na nagmamaneho na ngayon, "Mahilig ka pala sa bata?" puna ko para hindi ako malunod sa katahimikan naming dalawa.

"The kid just reminds me of someone." matipid niyang sagot na para bang iniiwasan niya ang topic na iyon.

"Don't tell me nagkaroon ka na ng anak?" pabiro kong tanong sa kanya at nakita ko naman na umiling siya, "Single father ka ba?"

"Shut up." napikon ko na naman ata siya. Sige tatahimik na lang muna ako. Nagrelax na lang ako sa passenger seat at tumingin sa labas, "Tumahimik ka?" tanong ng driver kong masungit.

"Sabi mo 'shut up', madali naman ako kausap." I crossed my arms. Sa totoo lang inaantok ako alam ko naman na malayo layo pa ang biyahe namin pauwi.

"So nagka-boyfriend ka na pala?" tanong niya sa akin.

"Chismoso." I hissed.

"Si Kenzo Mihara iyon, hindi ba?" binalikan ko siya ng tingin.

"Kilala mo si Kenzo?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

"Well, we used to be schoolmates noong high school." ano ba 'tong taong ito, paputol putol magkwento. Kainis!

"But you do know him, right?"

"Yes."

"Naging close ba kayo?" muling tanong ko.

Umiling siya, "Not quite."

"And so. Now you know, so what naman?" wala naman atang patutunguhan ang pag-uusap namin na ito.

"Aren't you going to ask the right question?" pilyo niyang tanong sa akin.

"Wala na ako sa mood Travis, mag drive ka na nga lang diyan." tanging sagot ko sa kanya bago pa ako mapikon, badtrip siya. Pumikit na ako at sinubukan umidlip.

T R A V I S

I stopped the car, turned off the engine and attempted to wake her up, "Wake up we're here."

She yawned like a child and adjusted her eyes. By the time she realized where we were, her eyes widened, "Why are we here at your place?"

"Your Mom called me earlier telling me na hindi pa tapos yung arrangements sa condo mo, kaya dito ka na muna magpalipas ng gabi." nasabi na rin naman sa akin ni Mrs. Campbell na nagtext na rin siya kay Maxene, hindi ba niya tinitingnan ang cellphone niya? Tsk!

"No fucking way." niyakap niya ang sarili niya. Tsk, paniguradong iyon na naman ang iniisip niya. Napalunok ako nang umangat ng bahagya yung dress niya. Why is she this careless?

Umiwas na lang ako ng tingin at inayos ang sarili ko. "Tch. Arte," Kung ayaw niya, edi huwag, I checked my watch and it's really getting late. Ayokong mapuyat, "Masyado ng gabi at may pasok pa ako bukas. Kung mag-iinarte ka bahala ka dyan." nauna na akong maglakad sa kanya pero narinig ko naman na hinabol niya ako na parang natutuwang bata. Kanina lang badtrip siya, tapos ngayon dinaig niya pa ang isang batang inosente habang pinagmamasdan ako.

"May pasok ka pa? Saan?" she starts to ask questions again, konti na lang maiinis na ako dahil halatang halata na hindi niya talaga inaral ang profile ko. This is just basic information that she didn't even bother checking. Keep your cool Travis, keep your cool. "What course are you taking in college? Can I go to your school tomorrow?"

Nasa elevator na kami at agad din nagsarado ang pintuan ng elevator. I clicked PH and muttered, "Ang daming tanong." buwisit, konti na lang talaga.

"You know I really want to go to school, yet since third grade Mom stopped letting me go to school. From then, homeschool na ako. Though noong high school nakakapasok din naman ako sa school pero limited time lang at wala pa akong classmate. Napaka-private ng lessons ko, kaya I miss going to school and meeting different people." she really didn't need to say what I already know, ang daldal niya, nakakairita. Ang ingay! This will be the longest torture in this elevator ride that I endured for how many minutes.

Buti na lang at tumigil na yung elevator sa penthouse dahil nababadtrip na ako sa kakulitan niya, "Hey, can I go to your school, please, please, please, please." there goes that annoying voice again.

I brushed my hair and grunted, "Fine! Just stop. Okay?" konting katahimikan lang, utang na loob babae!

"Yay!" she almost squeals with glee raising both of her hands with excitement. Bata, para talaga siyang bata, "So anong ngang course mo?"

"Law. I'm taking law." bakit ba kasi hindi mo man lang binasa ang profile ko? Tsk, kung pwede ko lang tanungin iyon sa kanya. Buwisit!

"Wow naman," I see her nodding as if I impressed her, "Future Attorney Travis Joseph Hayes," she made a proud face that made me shake my head, "It has a good ring to it." she added teasing me as she raised her eyebrow with a smile. I chuckled, hiding my amusement from her candid reaction. Parang kanina lang badtrip ako sa kanya ah!

I went inside my bedroom to grab some clean clothes for her. Wala naman akong ibang maipapahiram sa kanya kundi ang t-shirt ko kaya bahala na lang siya kung paano niya iyon gagamitin. Buti na lang at bago ito mangyari ay naipalinis ko ang kabilang kwarto. Doon siya matulog. Nang lumabas ako nakita ko na naman na inikot niya ang mata niya sa paligid niya, she's cautious, but not that cautious. She's the embodiment of irony. A challenge that I'm starting to understand little by little. Hinagis ko sa kanya ang white shirt ko, "Wear that when you sleep, yung guest room nasa kabila." tinuro ko ang guest room na katabi ng music room at nagpaalam na sa kanya na kailangan ko ng matulog.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top