Chapter 36 : His Princess
M A X E N E
The ray of the sunlight wakes me and I yawn. I look at the person behind me and he's still sleeping peacefully with his arms around me.
Hinarap ko siya at inayos ang buhok niya. Muli niya akong nilapit sa kanya sa sobrang lapit niya ramdam ko ang hininga niya. To think na nagsession kami bago matulog kagabi. Akala ko pa talaga magagalit siya sa akin.
Pero hindi niya ako matiis. Heh!
But then again, I still have one more goal, iyon ay ang makilala si Travis ng nanay niya.
Hindi na naman niya kailangan magpanggap bilang si Laurenz. If only he'd tell his brother about their biological mother.
Pero siguro sa susunod ko na lang pagtutuunan ng pansin iyon. Lalo na at nasaksihan ko kung gaano katindi ang epekto ni Travis sa kapatid niya.
Bigla ko tuloy naisip si Sarah, pati kaya siya galit na rin sa akin ngayon?
I held his face and plants a kiss on his lips.
"Hey, it's morning." I tell him but he didn't open his eyes. I kissed him again. He's not waking up. I sighed, baka nga malalim pa ang tulog niya. Makapaghanda nga muna ng breakfast.
Nang aakmang aalis ako sa kama bigla niya akong hinila.
"Where do you think you're going?" Pilyo niyang tanong sa akin. His voice just resonates in my soul.
"Kanina ka pa pala gising. Kainis!" I hit him playfully and he chuckled.
"Good morning Mine." He said with a deep soothing voice as his hand pushes me for his lips to kiss my temple.
"Good morning Mine." I replied with a smile as he trace my face with his fingers.
I don't know how minutes has passed but we're still looking at each other eye to eye.
"Anong iniisip mo?" Hindi ko maiwasang tanong sa kanya, malulunod na naman kasi ako sa mga mata niya eh.
"Ikaw." That one word made my heart flutter.
"Ako?" I paused trying to sound casual, "Bakit naman?"
"Because you're the reason why I wake up in the morning."
Biglang uminit ang mukha ko, ang aga-aga nabanat siya ng ganyan.
"Tumayo na nga tayo, magluluto pa ako ng breakfast." Pagmamaktol ko pero hinila niya ako at ngayon naka-ibabaw ako sa dibdib niya.
I gulped thinking that we're both wearing nothing after last night.
He smiled at me playfully and pouts. Umiwas ako ng tingin pero binalik niya ang tingin ko sa kanya and I see him pouts again. That simple gesture warms up my heart.
Ang cute niyang maglambing, nakakainis!
His gesture alone tells me that he wants me to kiss him.
"Say please muna." Pagmamaldita ko sa kanya.
"Kiss me please." Aba, masunuring bata.
Matitiis ko ba ang mukha na iyan?
Para matapos na lang, nilapat ko ulit ang labi ko sa kanya. At naramdaman ko naman na ngumiti ang labi niya.
"More." He uttered with a husky voice.
"Spoiled." I teased him.
"More, please." He says with a gentle voice caressing my hair.
Bakit ba kapag naglalambing siya, ang cute niyang pagmasdan? Kainis naman talaga oh!
I kissed him again and this time I let him deepen the kiss. He savored my kisses as his strength guides me on top of him. I cage his face with my hands as his hand starts it's journey through my skin.
I cut the kiss. "Akala ko ba kiss lang?" I narrowed my eyes at him.
"But I want more." He answered with honesty though he is looking at me playfully.
He is now tracing my face as his hands found its way to remove the blanket hiding all of me. All of a sudden desire is visible in his eyes as he looks at me. He looks at me as if I'm the one who will complete him.
"Bakit ka ganyan makatingin?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Why ask the obvious?" He answered with a smirk on his face while his fingers tracing all the way up. He sits down while I'm still on top of him. He is now tracing my bosom with his fingers that sends shivers to my spine. His lips lands on my heart. He looks back at me again as if he's waiting for my permission.
His eyes wants me to say yes. His touches convinces me to say yes. He kisses my neck, my cheeks, my nose and my lips. Even his kisses wants me to say yes.
I just look how he tries his best to convince me until he say those words again with a soft voice, "Pretty please..."
I laugh at him inside my head.
"Hindi bagay sayo Travis." I teased him containing my glee.
"Please," He looks at me adoringly as he cups my face and brushes my lips with his thumb. "Make love with me Maxene...please..."
I don't know why that last request made my heart skip a beat.
I gulped and my palm touches his heart. His heart is beating for me. His eyes mirrors my soul. His heart and soul wants me to say yes.
I was about to say my answer but then my phone rings.
Kaagad naman akong umalis sa ibabaw niya at nakita kong napakamot siya sa kanyang buhok.
Impatient Travis looks adorably cute.
Pero kasi sigurado akong importanteng tao ang natawag sa akin gawa ng ringing tone na inassign ko dito. Alam naman ni Travis iyon.
Come to think of it siya nga ang may pinakamalakas na ringing tone since noong naparanoid siya kay Kenzo, na kapag hindi ko kaagad nasasagot ang tawag niya, kulang na lang magsalubong ang langit at lupa.
I immediately wear my robe to cover myself up.
I answered the phone without checking who is calling me.
"Hello."
"I'm home princess." It's Dad!
"Oh my God Dad, where are you?" I couldn't contain my glee. It's been a while since I hear my dad's voice. Mostly kasi puro texts lang kami, since busy siya overseas.
"I'm on my way home, can we see each other? Namiss kasi kita eh."
"Does Mom know that you're home?"
"Actually, you're the first person who I called. You know your Mom, she's busy." May konting pagtatampo sa boses ni dad.
"My schedule is free today Dad, I'll go there."
"Bring your fiance, I want to meet him." Napatingin ako kay Travis bigla na dahilan kung bakit tinaasan niya ako ng kilay. As if his face is asking me, 'what?'
Sungit!
"I'll ask if he's available." I reasoned.
Dad doesn't know that I'm staying with Travis. I don't want him to freak as much as possible. Baka magkaroon pa ng red flag si Travis kapag nalaman ni Dad na dito ako nagstastay sa penthouse niya. Kahit may permission pa ako ni Mom, iba pa rin syempre kapag si Dad ang makakausap ni Travis.
"Aba, if he can't make time for you, he's not worth it." Dad's voice is really pushy. "Ayoko na hindi ikaw ang priority ng lalaking iyan."
I giggled. Si Dad talaga naman oh.
"You don't need to spoil me too much Dad, kaya kayo nag-aaway ni Mom eh."
"You're my princess, why wouldn't I spoil you?" Paglalambing niya, "I love you. See me later okay? I'll call Maxwell and Beatrix as well, baka magtampo yung dalawang iyon."
"Okay Dad, see you. I love you." I ended the call and look at Travis na nagtatampo sa akin ngayon. "I have to go home Travis. My Dad just got home. I miss him."
"So I heard." Matipid niyang sagot. Ang cute niyang pagmasdan magtampo.
"Are you free today?" I asked him casually not minding that I ruined the mood he's trying to set earlier. Maasar nga siya ngayon, heh!
"It's a Sunday Max, where else should I go?" Pagsusungit niya. Nahawa na ata siya sa utol niya.
"Well, Dad wants to meet you." I said and he looks at me impassively as if he's thinking how he'll react, "Sabi pa ni Dad, kung wala ka daw oras sa akin, automatic hindi ka daw pasado sa kanya."
"Kailan pa ako hindi nagkaroon ng oras sayo Max?" He said getting up with me, "Halos lahat ng oras ko na sayo." May konting pagkabahala sa boses niya, is he scared to face my dad?
"Takot ka bang makilala ang Daddy ko?" I just have to ask him but then he just looks at me cautiously.
"Kahit sinong lalaki takot humarap sa tatay ng girlfriend nila." Pag-amin niya sa akin, "Pero haharap ako sa Daddy mo, dahil gusto ko makuha ang approval niya at malinis naman ang intensyon ko sa atin."
I giggled from his response. "To be honest, you're the first guy that I'll introduce to Dad."
Kumunot ang noo niya, "Hindi mo pinakilala si Kenzo?" he asked tilting his head, "First boyfriend mo iyon ah?"
I shake my head. "Well, he is my first boyfriend, pero ilegal kami. Kay Mom pa nga lang hindi na pasado si Ken, what more kay Dad, hindi ba?"
He gulps. "Okay." Matipid niyang sagot at napahinga ng malalim mula sa nalaman niya sa akin.
"Worried?" I fixed his hair.
"Nervous, but I'll manage." He says with confidence.
I smiled at him and hold his hand and kissed it. "Don't worry, okay?"
He smiles playfully and pulls me towards him for another kiss. "Sabay na lang tayong maligo." Pilyo na naman niyang banat na may paglalambing sa akin.
"No way." I answered. I'll have my fun first.
A firm line forms at his lips and he clicks his tongue. "Hindi na nga napagbigyan kanina, hindi pa din ngayon." He muttered like a spoiled child.
"Mauna ka na maligo kung ganon, para makaalis tayo ng maaga, tch!" Inis niyang sabi sa akin at sinuot ang boxer shorts niya at yung pj pants niya.
I just love teasing him like this. He is now fixing the bed.
I grab my towel and called him before closing the bathroom door. "Hey Travis." He looks back at me with a little ray of hope in his eyes waiting me to tell him to take a bath with me.
"I love you." I said with a smile and close the door behind me before he could approach me.
It's fun teasing him in the morning!
T R A V I S
Kainis, paasa si babae!
Dati ko pa gustong magsabay kami maligo pero ayaw niya. Maliligo lang naman. To think nakita ko naman na lahat iyon.
Hindi na nga ako napagbigyan kanina, to think na todo ang pagpapacute ko sa kanya.
She only has to say yes. Tch!
Katampo.
Kainis.
Pero kasi Daddy naman niya yung tumawag kaya bakit ba ako nagdradrama ng ganito?
Bwisit, mukha akong tanga!
Napakamot na lang ako sa ulo ko habang hinihintay si Maxene matapos maligo. Para akong batang nagmamaktol ngayon, kainis!
Nakakainis at nakakatawa lang ang hitsura ko ngayon talaga.
Biglang bumukas ang pintuan sa banyo, tapos na ba siyang maligo?
Bigla siyang sumilip at sumandal sa pintuan. Hindi pa siya naliligo. Sabi niya maliligo na siya, hinagis niya yung robe niya sa may labas ng banyo, napailing na lang ako.
Pinagtitripan na naman ba niya ako?
Nag-cross arms ako at tinaasan siya ng kilay, "Oh, tapos ka na?"
Nginitian niya lang ako pabalik. Tingnan mo 'tong babaeng 'to. Kung magpapacute siya, bahala siya diyan. Umiwas ako ng tingin sa kanya.
"Hala, nagtampo na nga." banat niya.
Sabi na eh, pinagtitripan na naman niya ako.
"Dalian mo. Hindi ka pa naliligo." Pagsusuplado ko sa kanya. "Pupunta pa tayo sa bahay ninyo hindi ba?"
Nagulat na lang ako nang lapitan niya ako at muling nginitian.
Tinanguhan niya lang ako at ginulo ang buhok ko. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Nakatwalya lang siya at hindi ko maiwasang tignan yung dibdib niya. Nang tignan ko siya sa mata, nainis na naman ako, kasi tinatawanan niya ako sa utak niya. Ano na naman kaya ang hitsura ko at napapangiti siya ng ganyan?
Nakakahawa ba ang pagiging pilyo?
Mas pilyo na ata siya sa akin ngayon ah!
"Yiee...ngingiti na iyan." She poked my cheeks, "Smile na, dali, dali..."
Bahala nga siya diyan.
"Dali na smile na Travis." Tiningnan ko lang siya at pinipigilan ang sarili kong ngitian siya.
To think na todo lambing ako sa kanya kanina, pero nagawa niya akong tiisin.
Ha! bahala nga siya diyan. Kainis!
Bwisit bakit kapag naiisip ko na para akong tanga sa harapan niya, mas lalo akong naiinis?!
Napabuntong hininga siya ulit.
"Hay, sasabihin ko pa naman sabay na tayo maligo, pero mukhang badtrip ka nga."
Napalunok ako sa sinabi niya. Pumikit siya at tumalikod sa akin. "Oh well."
Hinila ko ulit siya pabalik sa akin.
Punyeta! Para akong nag-autopilot dahil lang sa sinabi niya.
She grins at me. Seems like she got the reaction she wanted from me.
Damn it!
"How dare you?" I raised an eyebrow.
"Smile muna." She says as if she's requesting me and I just did.
Fuck! Kailan pa ako naging uto-uto?
"Pogi talaga eh." Umiwas ako kaagad ng tingin, bakit ba sa tuwing pinupuri niya ako kinikilig ako. Ampucha!
"Fine you win." Badtrip. Gagantihan ko na lang siya mamaya, akala niya ah!
She held my hand and takes me inside the bathroom what I didn't expect is she prepared the bathtub for the two of us.
"Tada." She looked back at me as if she performed a magic trick in front of a child.
Tch! Cute.
She tilts her head beside with a playful smile on her face, she approached me and removes the towel that is covering her. That gesture just made me smile widely.
Napakapilyo naman talaga.
"Maliligo lang ah." She reminded.
I'll try my best not to disappoint her then.
I watched her get in the bathtub. I removed my clothes and get in with her.
I'm seeing her bare back and can't ignore how beautiful her skin is.
She gets the scrubber and starts cleaning herself. Kinuha ko yung scrubber mula sa kamay niya kaya napatingin siya pabalik sa akin.
"Let me clean your back." I uttered next to her ear and I see her nod at me with a smile.
Hindi ko mapigilan ang sarili ko sa presensya niya.
I just have the urge to kiss her nape and her neck and she didn't mind. I pull her closer and kissed her cheek. She just smiled. I cupped her face for her to meet my gaze as my lips reached hers.
"I love you." She said and I just embraced her. I have to contain myself for now.
"Thank you for this." I muttered next to her ear as I wash her body.
"Well matagal mo ng request ito eh." Sagot niya sa akin. "Nakulitan lang ako sayo Travis." Pagmamaldita niya.
So parang utang na loob ko pa na pinagbigyan niya ako?
Kiniliti ko siya. "Kanina mo pa ako pinagtitripan Max."
I see her laughing like a child in my arms. These moments with her are priceless.
She held my hand. Hinihingal na rin siya sa kakatawa. "Bad ka po." Sabi niya sa akin at sumandal sa dibdib ko.
"Mas bad ka po." Muli kong banat sa kanya at hinalikan siya sa kanyang noo. "Lakas trip mo po." Dagdag ko pa.
She giggled, "Ang cute mo kasi minsan pagtripan."
Cute? Kailan pa ako naging cute?
"Pangbabae lang ang salitang cute Maxene."
Muli siyang tumawa.
"What's funny?" Inis kong tanong. So ano, mukha akong babae sa kanya? Badtrip!
"Naglalambing lang naman," Pagsita niya, "Pikon eh."
I take her in my arms again. "Tch, naughty."
She looks at me and I see how she bit her lip. Suddenly I felt my heart in a rush. Her hand reaches for my face and guides me to her lips. I savored her kisses and she cuts the kiss releasing a breath and uttered my favorite words, "I love you."
I hide my face next to her neck. "I love you too." I uttered in defeat.
She laughs at me again. "Behave Hayes."
Paano ko gagawin iyon? Hindi ko naman kontrolado iyon! Badtrip naman!
Fuck! Napahiya na naman ako sa harapan niya. Ampucha naman talaga!
Hindi ko alam kung nakailang minuto kami sa bathtub pero ngayon nakapikit na ako at nakapatong ang braso ko sa gilid ng bathtub.
No touching and no looking daw. Dahil nadidistract ako.
Kainis!
"Kapag sinabing maliligo lang tayo, ligo lang talaga dapat." She is scolding me like a child. She's now scrubbing my hair with shampoo. I take a small peek to see her on top of me. "Pipikit ka o lalagyan ko ng sabon yung mata mo?"
"Ang sama mo." Mahinahong singhal ko sa kanya. Grabe naman talaga kung gagawin niya iyon.
"Behave kasi." I don't know what face she's making but I heard her giggled and the next thing I feel is her lips on mine again. I attempted to opened my eyes but she cuts the kiss. "Close your eyes Hayes." She warned.
Kainis naman oh!
Nang matapos namin paliguan ang isa't isa dumarecho siya sa cabinet ko at hinanapan na naman ako ng damit na susuotin.
"Kahit ako na ang mamili Max, magbihis ka na."
"Wear your underwear first and this light brown colored pants." Naghahanap siya ngayon ng damit pang-itaas ko habang sinusuot ko yung inabot niya sa akin.
Mas inuuna niya akong damitan kaysa sa magbihis muna siya. "Wear this." Inabutan niya ako ng checkered polo at ng long sleeve.
"Bagay ba ito?" Hindi ko minsan magets ang combination ni Maxene pagdating sa damit.
"Wala ka bang tiwala sa akin?" She winked at me again. "Wear the polo first, then ipangibabaw mo yung long sleeve."
"Fine, I'll wear this. Magbihis ka na din." I say and she nodded.
Dumarecho na siya sa guestroom dahil nandoon ang cabinet niya.
Pagkabalik niya she's wearing her casual dress.
"What?" She might noticed that I'm a little uncomfortable with what she's wearing. Sobra naman kasing ikli ng dress niya. Masyadong obvious yung haba ng legs niya.
"Ayoko yan. Kung dito mo lang sa penthouse susuotin iyan okay pa. Pero sa labas, it's a no for me."
She looks at me in disbelief. "Sa bahay lang naman tayo pupunta."
"Well, paano kung magyaya ka na naman somewhere, tapos gabihin tayo ng uwi." I cross my arms. "Change it. Anything na mas mataas sa knee level is a no."
She puffs her face at muling bumalik sa guestroom.
Hinintay ko siya sa may living room area.
Nang makabalik siya, naka sleeveless turtle neck siya at nakapants. Tago nga ang balat niya, pero mas naging visual naman siyang tingnan dahil sa hubog ng katawan niya, lalo na sa may bandang hips niya.
Napalunok ako.
"No." Matipid at mariin kong sagot sa kanya.
"Are you kidding me?" She looks at me in disbelief.
"No." I'm not going to say it again.
"Ugh! Hayes!" She rolls her eyes at me and I couldn't help to smile that she's starting to get pissed.
Sinundan ko siya sa guestroom at nakitang naka-underwear lang siya. Ang daming nakakalat na damit sa kama niya. Ganito ba mamili ng damit ang mga babae? Tch!
"I've never been this frustrated sa kung anong susuotin ko. To think na lahat naman ng mga damit na iyon okay naman sa akin." Pagmamaktol niya. "Hindi ba bagay sa akin iyon?"
"Bagay naman." I answered. "Ayoko lang suot mo iyon sa labas." Napansin kong may short sleeve checkered v-neck dress siya na lagpas sa knee level at inabot ko iyon sa kanya. "Wear that."
"Pero mapupuna mo na naman na kita ang dibdib ko dito." Pilosopo naman talaga oh!
"Gawan mo ng paraan, magpatong ka o magsuot ka ng pangloob, I don't care, basta walang ni kahit anong masisilip sayo." Maingat kong paalala sa kanya. "I'll wait outside."
When she step out of the room, I couldn't help to smile at her. She wears a simple black t-shirt beneath that checkered dress. The necklace that I gave her is noticeable.
"Happy?" She rolls her eyes at me.
"Very." Matipid kong sagot sa kanya, "Now let's go." Nilahad ko ang kamay ko sa kanya at hinawakan naman niya iyon kahit na may konting inis siya sa akin dahil ilang beses ko siyang pinagpalit ng damit.
"Inis ka pa rin ba?" I asked while locking our hands together.
"Sinong hindi, tagal kong nakahanap ng damit na papasok sa panlasa mo, kainis!" Pagmamaktol niya. Asar talo. Nakaganti rin pala ako sa pantitrip niya sa akin ng hindi ko napapansin. Heh!
"I love you." I uttered next to her ear and plants a kiss on her neck.
"Kainis ka." Her voice is a little pissed off but her face is flushed. "Kagigil!" She attempts to let go of my hand but I hold her hand tightly.
"Don't you dare let go of me." I warned playfully.
"Kanina ka pa Travis." She glared at me, but she's still flushed.
I'm speechless from her reaction and I chuckled.
She fixed the collar of my shirt and looks at me again. "Pogi naman talaga ng boyfriend ko." She playfully commented.
That compliment alone made me smile.
M A X E N E
Nang makarating na kami sa mansion kaagad kong hinawakan ang kamay ni Travis at nginitian siya.
"Princess!" Dad approached us with delight in his eyes but then when he noticed that Travis is holding my hand, bigla sumeryoso ang mukha niya at kumunot ang noo niya. "Ehem."
"Si Dad talaga." I puffed my face, at bumitaw naman si Travis sa kamay ko bilang respeto kay dad. "Dad, I want you to meet Travis Joseph Hayes."
Travis gave a friendly nod towards dad and he held his hand. "Hello po sir."
Bakit pakiramdam ko kinakabahan siya?
Tiningnan ko si dad at parang dinadaan niya sa intimidation si Travis. Then bigla kong naalala, halos parehas sila ni Travis ng personality when it comes to meeting new people. I can say that he's assessing Travis in his mind.
I have to break the ice between them.
"Travis this is my Dad, Benjamin Taylor Campbell."
Kinuha naman kaagad ni dad ang kamay ni Travis.
"Nasabi nga sa akin ni Miranda ang tungkol sayo," Dad is eyeing on Travis, "Pero kung pasado ka kay Miranda, sa akin hindi pa. Kaya huwag kang kampante bata." Suplado niyang banat kay Travis at bumitaw sa kamay niya.
Nakita ko kung paano napalunok si Travis sa sinabi ni Dad.
"Dad, come on." I playfully hit him, "He's my boyfriend too, hindi ko lang siya fiance." Hindi ko alam kung bakit kay dad nasabi ko ang totoong status namin ni Travis.
Dad eyed on me. "Now, aren't you in a rush?"
"Dad, it's true. He is my boyfriend. So please be nice." Pakiusap ko kay dad at muling hinawakan ang kamay ni Travis.
I see how dad sighed in defeat. "Well, boyfriend pa lang naman." He uttered with a grin. "Hindi mo pa siya asawa."
I felt Travis' grip a little tighter.
Bakit naman kasi sobrang manakot si Dad.
"Let's go inside, talagang sinalubong ko lang kayo." He said and kissed my forehead. "I miss you princess."
I smiled at him but then when he looks at Travis he's giving him that familiar impassive face again.
Tumalikod na siya sa amin at nauna nang naglakad.
I looked at Travis and see how he contains himself in front of my father.
"Hey, don't worry." I assured him, "Sa una lang yan." He didn't say anything and smiles at me. How he holds my hand, it's like he's telling me that he'll be okay, as long as I'm with him.
Sa may garden area nagpa-arrange si Mom ng lunch.
"Musta pangit?" Pagbati sa akin ni Maxwell.
"Umayos ka nga Max?" I hate that it feels like I'm talking to myself. Parehas kasi kami ng nickname ni Maxwell.
Bakit kasi ayaw niya gamitin yung second name niya, psh.
He eyed on Travis who is sitting next to me. "Jowa mo?" Tanong ni Max sa akin, "Heh, iiwan ka din niyan, pangit ka kasi takaw pa."
"Eh kung kutusan kita?" I glared at him.
Alam din kasi ni Maxwell yung nangyari sa amin ni Kenzo, though at first kahit na bully yung kapatid ko na ito, hindi naman niya ako pinabayaan kung may oras siya.
Noong umiiyak ako, lagi din naman siyang nasa tabi ko kahit na naglalaro lang siya ng gameboy or ng psp.
"Walang forever." Banat niya. Hala saan naman siya humugot ng ganoon?
I grinned at him. "Heh, basted ka noh?"
Nakita ko naman kung paano siya napikon sa sinabi ko. "Walang bumabasted sa akin, ako nga ang nililigawan, sa gwapo kong 'to."
"Masyadong mahangin bro. Though kawawa ka naman kung basted ka man, so sad." I teased him.
"Si Hayley ba ang pinag-uusapan ninyo?" Biglang tanong ni Beatrix na pinatong yung juice at sinalinan kami isa-isa.
"Sino yon?" Umiwas agad ng tingin si Maxwell."Pangalan pa lang pangit na." asar talo si bata.
"Ah, Hayley pala," Tumango tango ako at tiningnan si Beatrix, "Tell me more sis."
"All I know is Hayley Eva David ang pangalan niya." Umupo si Trix sa tabi ko.
"Ay-va daw ang pagkaka-pronounce don, hindi E-va." Pagtama ni Maxwell habang nainom ng juice.
"Akala ko ba wala kang pakialam Max?"
Tinawanan lang namin siya ni Trix.
"Lakas trip ninyo. Ikaw nga Trix dakilang stalker ka din. Creep!"
Hala, madami na ba akong namiss sa mga kapatid ko?
"Wala akong ginagawa Kuya Max." Nahihiyang sagot ni Trix at napatingin sa akin. "Wala talaga Ate."
"Who is this boy then...hmm..." nagpalumbaba ako at nakita ko naman kung paano siya nagtatago ng kilig.
"Wa-wala lang iyon." Pagdeny ni Trix sa akin.
"Si Ronald Jaden Madison. Kapatid nung best friend mong pangit din ate."
Si Ronnie pa rin?
Nagulat ako. "Akala ko ba puppy love lang iyon?"
"Wala, crush niya daw. Deny pa nga." Tiningnan ni Max si Trix. "Ano, laglagan tayo ngayon!" Pagmamaktol ni Maxwell.
"Wa-wala lang naman talaga iyon." Pulang pula na si Trix at tinatakpan niya yung mukha niya gamit ng buhok niya. "Isa pa magkaiba naman kami ng school. Nakikita ko lang siya kasama ng friends niya minsan."
"Stalker ka Trix, huwag mo akong niloloko." Banat sa kanya ni Maxwell, "Turn off sa guys ang ini-istalk sila."
I reached my sister's hand. "That's just normal. Feelings mo yan eh." Ako nga dati iniistalk ko din si Kenzo.
"Wala, nagkampihan nga sila. Pero pag ako, grabe makalait." Side comment ni Max.
"Hoy, Maxwell Adam Campbell. Wala akong kinakampihan. Ate ninyo ako, mas sakit ka lang talaga sa ulo ko, alam mo yan."
Tinapunan niya ako ng bolang papel.
Ayaw na ayaw niya kasi tinawag siya sa buo niyang pangalan.
Then an idea pops into my mind. "Kaya ba siya ang Eva mo kasi ikaw si Adam?"
My brother glared at me at tulad ng nakasanayan kumuha siya ng rubber band at sinuot sa hinlalaki at hintuturo niya. Akmang patatamaan na naman niya ako ng mas maliit na papel na naka-fold. Mas masakit pa naman iyon kung tatama iyon sa balat mo.
Kaagad akong tumayo kasi mamaya mataaman niya si Travis.
Pero napagtagumpayan naman niyang tamaan ako sa noo.
Ngumisi siya ng nakakaloko. "Hah, headshot!"
Tumakbo ako pero humaripas naman siya kaagad ng takbo palayo sa akin.
Hinubad ko ang sapatos ko at tinamaan din siya sa ulo.
"Hah, headshot din." Pero imbis na ibalik niya sa akin yung sapatos ko, tinapon niya iyon sa malayo at binelatan ako.
"Heh, loser!" He puts up an L on his forehead with his finger, natatawa ako kasi sa perspective ko, baligtad yung L.
Namiss ko 'tong kutong lupa na ito.
"Lagot ka talaga sa akin lalaki ka! Bumalik ka dito!"
T R A V I S
Hindi ko naman ineexpect na ganito kaligalig ang mga kapatid ni Maxene. Si Trix lang kasi ang nakilala ko dahil siya yung umaalalay kay Maxene noong nasa hospital ako.
Natatawa akong pagmasdan si Maxene at si Maxwell na naghaharutan. No wonder kung bakit nasasabayan niya ako kasi gawa ng kapatid niyang pasaway.
Nakita ko naman si Trix na napapailing na lang sa nangyayari sa dalawa niyang kapatid. Pero nang nagkasalubong ang mga mata namin, kaagad naman siyang umiwas ng tingin. Napakamahiyain naman talaga nito ni Trix.
"Be more confident." I tell her drinking my juice. "Maganda ka naman, parehas kayo ng Ate mo, I'm sure mapapansin ka din ng crush mo."
Napalunok siya at umiwas ulit ng tingin. Hindi ko na nga siya kukulitin.
"Okay na yung sa malayo ko siya tinitingnan." Mahinang kumento niya, "Ayoko naman magaya kay Ate."
"What do you mean by that?" I couldn't help but ask her.
"Wala lang, para walang expectations." She smiled timidly. "Okay na yung little happiness kapag nakikita ko siya."
Kabaligtaran nga ni Maxene si Trix. Though maaga pa naman para sabihin dahil bata pa naman siya.
"Okay lang iyan, inspiration." Tanging kumento ko at napangiti naman siya sa akin.
Bumalik naman si Maxene at kitang hingal na hingal siya sa paghabol kay Maxwell. "Lintik kang bata ka, mamamatay ako sayo ng maaga!"
Inabutan naman siya ng kapatid niya ng tubig bago ko pa man iyon magawa, "Sino ba kasi may sabing habulin mo ako? Alam mo naman bawal kang napapagod."
Ininom ni Maxene yung isang basong tubig at kinalma ang sarili niya.
I held her hand.
"Ayos ka lang ba?" I asked. She just nods while catching her breath.
Namumutla siya.
"Hoy Ate, huwag kang magpakita ng ganyan kay Dad, lagot na naman ako kapag may tinopak na naman yang marupok mong puso." May konting takot sa boses ni Maxwell at hindi ko naman napigilan na hindi mag-alala.
"Maxene..." I cupped her face and she hide her face next to my shoulder. I don't know what I'll do if she faints.
"Shh...I'm okay." She locks her hand on mine whsipering to my ear, "Umaarte lang ako, ganti ko na lang din kay Maxwell. Heh!"
"That's not a nice joke." I warned her. Dahil kahit ako kinabahan sa hitsura niya, akala ko pa hihimatayin siya.
Umayos siya ng upo at napatingin kay Maxwell. "May kakampi ka na Maxwell! Badtrip." Pagmamaktol niya pero hawak niya pa rin ang kamay ko.
"Buti na lang talaga," Sagot sa kanya ni Maxwell at huminga ng malalim, "Umayos ka nga pangit, para kang bata!"
"That's not how you talk to your Ate, Adam." Natigilan si Maxwell nang pagsalitaan siya ng Daddy nila.
Umupo naman si Maxene ng maayos.
"Princess are you okay?" He asked her with a little worry in his voice.
"Naglalaro lang po kami kanina Dad, don't worry. Don't be hard on Maxwell, ayaw niya din ng nagpapatawag sa second name niya Dad."
Her dad just smiles at her. "Fine, if you say so."
"Thanks Dad." She says as her father kiss her forehead again and walks towards his seat.
"Maxwell." Matipid niyang tawag sa anak niya.
"Sorry po Dad." Sagot niya sa daddy niya na nahihiya, "Sorry din Ate." Napakamot siya sa ulo niya.
"Welcome home po ulit Daddy, we miss you." Pagsingit ni Trix na dahilan kung bakit gumanda na ulit ang mood ng daddy nila.
"Daddy's girl ka, no?" Bulong ko kay Maxene.
"Well, as you heard, I'm his princess." Mahina niyang sagot sa akin na nakangiti.
I brushed my thumb on her hand under the table.
May dalawang taong lumapit sa daddy ni Maxene at kaagad ko namang namukhaan ang isa sa kanila.
Ngayon ko na lang ulit siya nakita matapos ng ilang taon.
"Welcome back Ben." Pagbati niya sa daddy ni Maxene.
"Terrence." bati sa kanya ng daddy ni Maxene.
Si tatay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top