Chapter 23 : Play Me a Song
M A X E N E
Umiyak man ako ngayon pero hindi na tulad ng dati.
Inaamin ko sa sa sarili ko na apektado pa rin ako, pero parang namanhid na lang yung puso ko sa sakit.
I'm in my old bedroom at kahit papaano namiss ko ang kwarto ko. Hindi na ako sanay matulog sa malaking kwarto ngayon. Maliit man ang kwarto ko sa condo, at least doon, malaya akong nakakagalaw.
I opened my cabinet at nakita ko naman na walang pinagbago iyon. My old clothes were still there. How can a simple pair of clothes holds a memory that I miss?
Yung sinuot ko nung camp, where I met my best friend. Yung uniform na sinuot ko nung kumuha ako ng summer job kung saan ko nakilala si Kenzo at yung white tshirt na sinuot ko nung araw na muli kaming nagkita ni Travis. Hindi ko pa pala nasosoli iyon sa kanya.
Nakakatawa, kung alin pa talaga yung mga nakatagong damit, iyon ang hinahanap ko.
Pumunta ako sa kabilang cabinet at nakita kong nandoon pa yung luma kong gitara, ang kulit, may stickers pa iyon. Pano kasi bata pa ako nung nag-aral ako ng music lessons. Katabi kung saan nakalagay yung guitar ko ay yung mga iilang poems na ginawa ko through out the years.
Bigla ko na namang naalala si Kenzo. Siya lang naman ang pinaglalaanan ko ng poems ko. Well, madalas siya ang inspiration ko, tapos yung iba yung poems ko sa frustrations ko sa buhay.
Aside naman kasi kay Sarah, wala na akong naging kaibigan. Buti pa nga siya at napapalibutan ng mabubuting tao. Matapos niyang magdeactivate ng social media, hindi ko na siya nahanap pa or baka inunfriend niya na ako talaga ng tuluyan.
I met her friends once, pero dahil nga sa ako yung other person, parang hindi rin ako gaano nag-eexist sa circle ni Sarah.
Nahiya na lang ako matapos noon kaya hindi na ako nagparamdam. Besides hindi ko rin naman alam kung bakit bigla na lang ako iniwasan ni Sarah, though I'm still considering the fact that she once liked Kenzo too.
I was there noong nagtapat siya, that was the same day na naging official kami ni Ken. Kaya ang laking joke lang nung araw na iyon dahil wala akong magawa kundi ang umiyak sa gilid kasi hindi ako pwede makita ng ibang tao. I was weak for leaving her without explaining things to her.
As much as possible, ayoko na mag kahiwalay na lang kami ng dahil lang sa isang lalaki, she's still my bestfriend, pero dahil sa may feelings siya kay Kenzo, mas pinili na lang niya na iwasan ako.
I tried reaching her, but she just shuts herself away from me. I can't blame her, I didn't try hard enough.
Seeing her letters, I miss her, I miss my best friend. Ganito na lang ako magpahalaga sa tao, napaka sentimental ko.
"Knock, knock." I immediately wipe my tears away, mamaya mapansin niya pa.
"Hey." I greeted him with a smile.
"Can I come in?" He asks, eyeing me and I nod. "Ang laki ng kwarto mo ah." Pagpuna niya.
"Yep, malaki nga." I commented with a smile.
"Stop." He looks at me and before I could realize it, his eyes were observing me. "Stop smiling, I know you just cried."
I couldn't help to purse my lips and look away. Basang basa na talaga ako ni Travis.
He touches the cheek where my mom hits me for the first time. Where he look at it as if it pinches something in him. I see him breathing heavily. I can say that he's controlling himself from getting angry.
I just put up a smile wanting to ease his worries, yet before I could speak, he pulls me close towards his arms again.
"I'm okay. Don't worry." I told him and feel him planting a kiss on my aching cheek.
"I had a talk with your Mom." He said next to my ears.
"What kind of punishment will I get now?" Hindi ko mapigilan itanong, since sanay na naman ako.
He didn't say anything but he held my hand tightly.
"Ayusin ko lang yung mga gamit ko, then bababa na ako ulit." He nods and notices the guitar that I have.
"That's mine, it's a little old, but it still works." Pagmamalaki ko pa.
He strums and adjusts some notes until he can hear the right tune, pero bumigay na yung string. I almost cried.
He looks at me feeling sorry. "Let's just have this fixed later, no wonder kung bakit hirap ka kapain yung gitara ko, ibang-iba yung notes na naalala mo."
"Pero nasira mo pa rin ang gitara ko." I pouted and he gave me a warm friendly smile. Seeing his gentle face suddenly makes the room vibrant from the gloomy atmosphere earlier.
How can his presence alone make me feel that I can keep moving forward?
Kahit na nasaktan ako, makasama ko lang siya pakiramdam ko lahat makakayanan ko.
Nilapitan ko siya at inabot sa kanya yung guitar case, kaagad naman niyang nilagay ang gitara ko sa case at tinago ko na rin ang mga poems and letters ko sa cabinet.
I sighed looking at my room.
"This room is just filled with sad memories... maybe, because this room is my cage." I wander my eyes around and suddenly he pulls me towards him and kisses me.
He kissed me tenderly. This is the first kiss that I have in my bedroom. This moment will mark this room forever.
"Ayan," he said cutting the kiss, "At least may new memory ka na sa kwartong ito na babalikan mo next time kapag bumalik tayo dito."
Natatawa ako, "Tayo?"
He nods. "Tayo." His words holds promise and security. He held my hand as we left my bedroom.
Muli akong bumalik kung nasaan si mommy. Nakatungo ako dahil hindi ko alam kung paano ko siya haharapin ngayon.
Sabi ni Travis nagkausap sila, so it means may panibagong plano na naman si mommy sa akin.
"Leave your condo keys Maxene." Is she taking away my freedom now?
Para hindi na lang siya magalit, I obeyed. But then I have to ask, "Would that mean that I'll be staying here Mom?"
She sighs and she turns to face me. "No."
Eh kung ganon saan ako titira?
"Am I," I gulped hiding my uncertainty, "Exiled?"
"No."
Ano, maghuhula na lang ba ako?
"You will live with Travis." sambit ni Mom na ikinagulat ko. "May spare key naman din siya hindi ba?"
I looked at Travis and see him grinning at me as if everything is according to his plan. Anong sinabi niya kay mom?
"Hindi ka aalis ng penthouse niya hangga't hindi siya kasama. Where you go, he goes. Kung may pasok siya sa school, magtiis ka sa penthouse, hindi ka lalabas unless it's work or quality time ninyong dalawa."
Bakit parang lahat ng conditions na iyon, pabor kay Travis?
Pati si mommy napaikot niya? How the fuck did he do that?
"This is the consequences of your actions Maxene," Mom intervenes with the emerging argument in my head.
I look at mom and face her. "Ayoko ng maulit ito, tigilan mo na si Kenzo, Maxene. Mahiya ka naman kay Travis."
Mom, if only you know, kami na ni Travis, but I don't know why I can't tell her.
"Yes Mom." I answered. Kasi iyon lang naman ang gusto niyang marinig.
"This is a warning Maxene," she paused and she approached me, "If he can't handle you," Mom is pertaining to Travis, "I'll have someone else who'll do the job."
I really hope he couldn't hear our conversation because this will hurt him.
"Mom, I thought we agreed, I'm okay with Travis."
"But still, you run away." Iyon at iyon ang nakikita ni Mom. "Again, you don't really need to love the person Maxene."
But I love him mom.
I love Travis now.
"I know Mom, I know." I answered. Containing my temper.
"Okay, off you go then."
Umalis na kami ng mansion at nakahinga na rin ako sa wakas ng maluwag.
Dumaan muna kami sa music shop para ipaayos ang gitara ko.
Enthusiasm is visible in his eyes. He tried strumming my guitar again and it seems like he got the tune that he needed to hear.
Since may katandaan na yung gitara ko, ipinaayos na rin niya iyon sa nagrerepair. Kahit na sabihin ko na ayos lang kahit hindi, Travis still insisted. Masyado ko na daw kasi napabayaan yung gitara ko.
Niyaya niya na rin ako kumain sa labas, so we could buy some time while waiting for my guitar to be finished. Pina-rush ni loko ang pagpapaayos. Pinabayaan ko na lang since, nag-eenjoy naman siya sa ginagawa niya.
I'm currently waiting for him to come back kasi inutusan ko siya bumili ng maiinom. Bigla na naman ako nag crave sa Cafe Mocha ng Starbucks, ewan, iba pa rin talaga pag local flavor, sa Japan kasi iba ang lasa ng kape doon.
Hindi ko alam kung bakit ako nainspire bigla magsulat ng poem sa isang tissue paper.
Napangiti nalang ako bigla, kasi siya ang inspirasyon ko sa tulang ito.
"Here's your cafe mocha and a banoffee pie." Inabot niya sa akin at naupo sa tabi ko.
"Bakit may extra?" Tanong ko sa kanya habang umiinom siya ng frappe.
"Kung ayaw mo, edi sa akin na lang." He grins playfully.
Seeing him looking at me like that, flatters me. Kahit hindi ko sabihin, alam niyang hindi sapat sa akin ang kape lang.
"What's that?" He asked me as I hid my poem from him.
"Wala lang ito." nakakahiya, mamaya laitin niya pa ako.
"Kung wala lang, bakit mo itinatago?" He asked with obvious suspicion in his face.
Angalang sabihin ko na nainspire ako gumawa ng poem dahil sa kanya, nako, magmamayabang na naman siya.
"Patingin Max." ang kulit niya kaya kaagad ko namang pinunit na iyon at tinapon.
Kumunot ang noo niya.
"Wala lang talaga iyon." depensa ko at kinain ang banoffee pie.
Bigla siyang nanahimik at nanlamig. Parang nag-iba ang ihip ng hangin sa pagitan namin. Hindi ko mabasa ang nasa isip niya. Masama ang kutob ko dito.
Nagtatampo ba siya?
I feel like I have to say something... pero hindi ko alam kung ano. Umiwas siya ng tingin na para bang nawalan siya bigla ng gana na makasama ako.
Hala! Nagtampo na nga!
"Travis." I called him pero deadma lang.
Napakagat labi ako, sobra ko ba siyang napikon?
"Huy, pansinin mo naman ako." Nag-cross arms siya at nag-earphones.
Dinededma niya ako!
Nakakainis!
Kinukuha ko ang kamay niya pero naiwas siya. Ano ba ito? Nakakafrustrate. He even closes his eyes at halos blanko ang expression niya.
Typical Travis face, around a stranger.
Eh ako ba stranger? Girlfriend niya ako. Tapos gaganituhin niya ako?
"Travis naman." Tawag ko sa kanya pero hindi naman ata niya ako naririnig. Naka earphones nga eh! Badtrip!
"Tutal hindi mo naman ako naririnig, sige sabihin ko na. Poem lang iyon, nainspire lang ako isulat." Tiningnan ko siya pero hindi pa rin niya ako pinapansin, bahala nga siya.
"Sinulat ko iyon sayo." Halos pabulong kong sambit.
No avail, hindi niya ako talaga pinapansin, maybe I'll just say it out loud then.
[A/N: Not really a poem but a lyrics from the song (The only hope for me is you), pagbigyan niyo na ang trip ni author, next time ako babawi ng original poem]
"If there's a place that I could be
Then I'd be another memory
Can I be the only hope for you?
Because you're the only hope for me
And if we can't find where we belong
We'll have to make it on our own
Face all the pain and take it on
Because the only hope for me is you alone. "
Nakangiti ako kahit na wala akong kausap, mukha akong tanga. Mukha akong tanga kasi first time ko siya ginawan ng tula. Nang binalikan ko siya ng tingin, nakita kong nakatitig siya sa akin na may malawak na ngiti.
Hindi na rin siya naka-earphones.
"I love it." He said. So he's been listening to me all this time? "We can make a song out of it."
"Pinagtitripan mo ba ako?" Asar kong tanong sa kanya.
He put up a clueless and confused face, "I'm talking about the poem."
"I mean kanina mo pa ako naririnig, pero kung dedmahin mo ako wagas?" I hit him and he chuckles. "Anong trip mo?"
"Frustrating, hindi ba?" He said with a smug face, "Quits na tayo Max."
What does he mean by that?
"Hindi naman mahalaga kasi yung poem, ni hindi pa nga tapos iyon, ang kulit mo." Pagmamaktol ko.
"Lahat ng galing sayo, ano pa man iyon," he paused as he looks into my eyes, intently, "They all matter to me."
I gulped. Alam kong dapat masanay na ako sa banat niya na ganito, but then from how he say those words; parang bumalik yung oras na first time ko narealize sa sarili ko na may feelings na ako sa kanya.
"Kaya huwag mong masyadong minamaliit ang sarili mo, para mo narin akong minamaliit niyan." He added as he looks at me with a small smile on his face.
Yung totoo, bakit pinapakilig niya ako ng ganito?
May halong panunuya sa boses niya, pero hindi ko maintindihan kung bakit tuwang tuwa ako sa banat niya. Huminga ako ng malalim, umiling at napatayo.
"Woman, where are you going?" alam kong nakasunod siya sa akin.
I'll just let him be, mabagal din naman ako maglakad eh. Napahawak ako sa dibdib ko, kumalma ka naman.
Pero sadyang kulit niya hinablot niya ako pabalik sa kanya.
"Are you trying to get away from me?" Pilyong pabulong niyang banat malapit sa tenga ko.
I shook my head as I feel my face smiling. I turned around and faced him.
"You know what, you just made me fall in love with you for the second time around." His face softens. "I just couldn't contain myself, so I tried walking away for a bit." I am feeling a little bashful about my feelings, yet I don't know where I got the courage to be this open to him.
I looked at him and smiled, "I love you Travis Joseph Hayes."
His eyes mirrored my soul as he held my face and uttered, "I love you too Maxene Angela Campbell." He puts his forehead in mine and he embraces me.
Nang makuha na namin ang gitara ko si Travis ang unang umusisa, since alam ko naman na alam niya ang ginagawa niya, pinabayaan ko na muna siya at nagmuni-muni sa loob ng store.
Mula sa labas ng store nakita ko ang isang taong malapit sa buhay ko.
Si Sarah.
Gusto ko siyang lapitan ngayon pero may kasama siya, boyfriend niya kaya iyon?
Pero miski yung boyfriend niya familiar sa akin.
His smile looks almost similar to him.
Nakauwi na kami ng penthouse at ngayon ay nagluluto ako ulit ng kakainin namin, si Travis abala parin sa gitara ko na hindi ko pa nakikita ang hitsura mula kanina.
Pakiramdam ko may pinaayos siya doon para mas lalong gumanda ang tune, at least yung tune naririnig ko, mukha ngang may nagbago sa gitara ko.
I called him para kumain na at kaagad naman niyang itinago yung gitara ko na para bang may hinahanda siyang supresa sa akin.
Tulad ng nakagawian kumain kami at nang matapos, tinulungan niya ako maghugas ng pinggan-- aba, bago ata ito?
"Kailan ka pa natuto maghugas ng pinggan, aber?" Pagtataray ko kuno.
"Kailangan ko matuto, baka kasi pagalitan ako ng asawa ko pagdating ng panahon." Napalunok ako sa banat niya. Is he talking about me?
"Sino naman kayang asawa iyon, swerte naman niya at marunong ka na tumulong sa gawaing bahay." Sasabayan ko ang trip niya, kahit ang totoo kilig na kilig ako.
Bigla siyang pumunta sa likuran ko at bumulong. "Ako ang maswerte sa kanya."
Pinapakabog na naman niya ang puso ko, nakakainis!
"Kinikilig ka no?" Panunukso niya, kung wala lang akong hawak na hugasin, malamang nahampas ko siya.
I checked his dishwasher at napansin ko na may tupperware doon. Patay malisya naman siyang umiwas sa akin.
"Sabi sayo itapon mo na ito eh. Iniwan mo pa dito." Asar kong sabi, kuno.
"Sabi mo dati, sayang, kaya tinago ko na lang." Depensa ni mokong.
"Eh bakit nasa dishwasher?" Muli kong tanong.
Napakamot siya sa ulo. "Basta."
"Basta daw, tch!" I muttered, "Tamad eh."
"Naiwan ko lang yan diyan, pero hindi ako tamad. Naghuhugas nga ng pinggan oh." Depensa niya.
Sus, huwag nga ako Hayes!
"Hindi mo naman ugali 'yan, anong meron?" Tanong ko sa kanya na dahilan kung bakit ngumiti na naman siya ng nakakaloko.
"Para mas lalo mo ako mahalin." He says with pride.
Nakakainis!
Nakakainis kasi kinikilig ako!
"Bahala ka nga diyan!" Dumerecho ako sa guestroom dahil dito na ako titira for real.
Palaisipan pa rin sa akin kung ano ang naging usapan ni mommy at Travis para umabot sa ganito ang set-up namin.
I shake my head just by imagining his cunning face. I remembered that same face when we agreed with our own arrangement.
Sinimulan ko ng ayusin ang gamit ko sa cabinet. Wala din naman ako masyadong gamit dito eh.
T R A V I S
Sayang at hindi ko nakunan ang reactions niya ngayong araw, sinoli ko na kasi sa kanya yung phone niya, as promised pagkauwi namin.
My favorite memory of today is when she told me that I just made her fall in love with me for the second time around.
She looks beautiful earlier, well kahit naman ngayon, but her face earlier was like an angel. I will surely save that image in my head.
Pagsisikapan ko pang mabuti talaga para pakiligin siya.
To think todo pigil ako nung sinuot niya sa akin yung bracelet noong nasa Japan kami.
Destiny daw, eh hindi ako naniniwala sa destiny, pero ampucha naman! Kinilig ako ng sobra doon. Hindi ko talaga tatanggalin ito kahit sa pagligo ko.
Gago Travis, kailan ka pa naging corny? Napapailing na lang talaga ako.
Pumasok na siya sa loob ng guest room matapos ako bumanat sa kanya kanina.
Kilig na kilig si babae.
Ano naman kaya ang ginagawa niya doon, as if naman doon ko siya patulugin, asa!
Natapos na ako maghugas ng pinggan. Hindi ko naman akalain na madali lang pala, ang babaw ko para makaramdam ng sense of accomplishment sa paghuhugas ng pinggan.
Maipagmamalaki ko ito sa kanya. Heh!
Ang bagong set-up namin ay live-in.
Nakakatuwa at nauto ko ang nanay niya. Mas okay naman ito kaysa sa manatili siya sa mansion nila.
Ang laki-laki nga ng bahay, pero para naman siyang nasa hawla.
Excited na ako ipakita sa kanya yung gitara niya, sana magustuhan niya.
Sakto pagkalabas niya ng guest room sinenyasan ko siya na umupo sa tabi ko.
Napansin ko kaagad yung dala dala niyang paper bag. Ano naman kaya iyon?
Napansin naman niya na nakatingin ako sa paper bag, kaya tinanong ko na, "Ano yan?"
Inabot niya sa akin yung paper bag. "New phone mo. Sabi mo nasira yung phone mo dahil sa akin, hindi ba?"
"This is not really necessary Max." Kailan niya ako binili ng phone?
"Open line naman iyan," so sa Japan pa niya ito binili? "Dali, gamitin mo na, yung sim mo, nasaan ba?"
Kinuha ko yung wallet ko at inilagay yung sim sa new phone na binigay sa akin ni Maxene.
"Nawala lang sa isip ko kanina, pero afford ko naman bumili ng phone." Ampucha, grabe ang saya-saya ko!
First time akong niregluhan... ng masasabi kong girlfriend ko.
Act cool Travis.
"Ayaw mo ba?" may pagtatampo sa mukha niya, huwag niya nga ako pakitaan ng ganyang mukha!
Gago Travis yung totoo? Ikaw ang lalaki dito hindi ba?
Umayos ka. Cellphone lang yan. Tangina!
"I love it." I answered her casually, "Sabi ko nga sayo, everything from you matters to me."
Lagot ka talaga sa akin mamaya Max.
She smiles and everything is just perfect.
"Open it, dali." She says, I was lost in a moment, at sumunod naman ako, pagkabukas ng phone nakita ko yung picture namin na magkasama.
"You like it?" Tanong niya pa.
I kissed her, "I love it."
"Lookie oh, I also changed my phone para parehas tayo."
Same wallpaper, same phone, tangina talaga, bakit ang sarap sa pakiramdam?
"Nasaan na ang old phone mo?" I asked keeping my cool.
"Iniwan ko na sa bahay, besides lahat naman ng pictures natin doon, nilipat ko na sa phones natin. Madali lang naman magcopy." She winked.
"So may kopya din ako ng pictures natin?" I tilted my head beside and she nod, but I'm not convinced. "As in lahat?"
She looks away and I knew it.
"Well, hindi technically lahat, yung magagandang pictures lang." She reasoned.
"I want the candid ones, you even took stolen shots of me." Pagmamaktol ko, mas gusto ko yung candid. Mas maganda siyang tingnan doon.
Binelatan niya lang ako.
"Ibigay mo sa akin yung candid pictures, kundi hindi kita papansinin." I threatened her.
As if matiis ko siya. Pero kailangan ko manindigan, parang ginawa ko kanina. Ang cute niyang pagtripan.
"Ang pangit ko kaya doon." She made a goofy face.
I pulled her chin next to my face.
"Nasaan ang pangit, nasaan?" Inusisa ko ang mukha niya. "Wala naman ako nakikita, bulag ka ba?"
"Baka ikaw ang bulag." She rolls her eyes looking away from me but I hold her chin facing me.
I grinned. "Oo, bulag sayo."
Muli ko nanamang nakitang namula ang pisngi niya kaya kinuhaan ko siya ng picture.
"Burahin mo iyan Hayes!" She demands like a child.
"This is my phone, kaya bawal mangielam ng phone!"
"Eh bakit mo alam yung passcode ng phone ko?" Muli niyang tanong.
"Sinabi mo sa akin dati." I lied. But seeing her uncertain reaction, she might consider what I said is true.
"Kailan iyon?"
"Basta. Wala namang kaso kung malaman ko. Hindi ko naman na pakikialaman yung phone mo."
Asa! Hahanapin ko pa yung tarantadong na nagsend sayo ng picture namin ni Monique. Lagot sa akin kung sino man ang gagong iyon!
"Mabuti naman, kasi pinalitan ko na yung passcode." Pagmamaldita niya.
Fuck!
"Fine." I said as if I don't care.
"Great." She answered as if it doesn't matter.
Naiinis ako pero hindi ko alam kung bakit ako naiinis. Badtrip!
"Whatever, anyway here's you guitar." Inabot ko sa kanya yung gitara niya at kita naman sa mukha niya na ikinatuwa niya iyon at dahil ngumiti na siya ulit, masaya na ako ulit.
She strums at dahil naninibago siya, nagpaturo siya ulit sa akin at dahil mabait ako, tinuruan ko naman siya.
"Madali lang naman, at least ngayon mas maganda na ang tune." Sabi ko sa kanya at tinanguhan niya lang ako na parang bata. Ang cute talaga niya.
"Travis, play me a song." She requested.
"Ano namang kanta?" I took her guitar.
"I don't know," she shrugs, "Any song you felt playing for me." There's this spark in her eyes that I don't want to disappoint.
"Akala ko ba mas gusto mo si Radcliffe tumugtog?" I grinned.
"I do, but Radcliffe isn't my boyfriend." She answered. Boyfriend. Masyadong bias pero natuwa ako.
Kung pwede lang na hindi na ako tumugtog, at halikan ko na lang siya, ginawa ko na, but this is her first request from me.
I wouldn't want to waste this moment with her.
Pero anong kanta ang pwede ko ialay sa kanya?
She sits down with one leg up at nakapalumbaba siya sa tuhod niya na iyon. Kababaeng tao, ganyan maupo. Pasalamat siya kaming dalawa lang.
I started to strum the guitar and then I knew what song exactly I should sing for her.
Then I remembered, that night when she wanted to jump on that cliff...
Where it all started...
[Nobody knows just why we're here
Could it be fate or random circumstance
At the right place at the right time
Two roads intertwine]
I'm not a believer of fate, yet for some reason, it seems like fate leads you to me.
You're the unexpected encounter, I never imagined to choose and stay with someone like me.
[And if the universe conspired
To meld our lives to make us fuel and fire
Then know where ever you will be
So too shall I be]
I didn't really expect that you and I will meet again after that.
Remembering how you looked that day and even if you try so hard to push me away, I thought that you're someone who I can't keep up with.
But you're an irony, that keeps surprising me.
You tend to put an act to put on a show. Yet, effortlessly your heart speaks more about your authenticity.
[Close your eyes dry your tears
'Coz when nothing seems clear
You'll be safe here
From the sheer weight
Of your doubts and fears, weary heart
You'll be safe here]
Ilang beses kang umiyak noon nang dahil sa kanya, hindi ako magsasawang punasan ang mga luha mo, kahit pa walang kasiguraduhan ang kasunduan natin noon.
Ngayon at sa akin po pinagkatiwala ang puso mo, gagawin ko ang lahat para hindi ka na muling umiyak pa.
[When the light disappears
And when this world's insincere
You'll be safe here
When nobody hears you scream
I'll scream with you
You'll be safe here]
Sa saglit na panahon na nagkasama tayo, mas nakilala mo ako kaysa sa sarili ko. At kahit minsan na kitang nasaktan, mas pinili mo pa rin na unawain at intindihin ako.
Ang pagmamahal mo no'ng gabing wasak na wasak ka na, ang naging liwanag ko para hagkan ka.
Hindi ka na kailanman mag-iisa Max. Kasama mo na ako. Magkasama nating haharapin kung ano ang pagsubok na darating sa atin.
[When no one understands
I'll believe
Put your heart in my hands
You'll be safe here]
She looks at me with teary eyes.
I chuckled, "Pangit ba?" I tilted my head beside and I saw her shaking her head.
She approached me and I put the guitar beside. She kneel in front of me and faces me with a warm smile.
"Ang galing talaga kumanta ng boyfriend ko. No wonder bakit naiiyak ako, kasi tagos sa puso eh." alam kong binobola niya ako pero effective.
I take her in my arms and savored her scent.
"Syempre, first time nagrequest ang girlfriend ko eh. Dapat galingan ko, hindi ba?" Narinig ko naman na tumawa siya kahit na nararamdaman ko ang luha niya sa leeg ko.
I pushed her enough for me to wipe her tears away, "Tch, iyakin lang yung girlfriend ko, uhugin pa." Pang-aasar ko sa kanya kahit hindi naman siya uhugin. Inayos ko ang ilang hibla ng buhok niya.
"I love you Travis." She uttered softly and kisses me, I kissed her back cupping her soft face.
"I love you too Maxene."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top