Chapter 18 : Insecurity, Pride and Jealousy

T R A V I S

DAYS AND WEEKS have passed. She said she needed to take a break from me and I respected it. She needs to rebuild herself again and I'm happy that she's trying her best in her own phase. I'm not rushing her. I'll wait until she's ready to come back.

Tinigilan ko na rin ang pagtetext kay Monique dahil ako lang naman talaga ang mapilit sa aming dalawa, binura ko na rin ang lahat ng messages naming dalawa dahil para saan pa.

I wake up one morning and I appreciate how blessed I am for having Maxene in my life. Para akong nagkaroon ng inspirasyong magpatuloy sa buhay. Mas nakakahinga ako ng maluwag ngayon. Ang mga hindi ko ginagawa dati ay kusa ko ng ginagawa dahil lagi ko siyang naiisip. Natuto akong mag-grocery dahil ayaw na ayaw niyang nawawalan ng pagkain sa kusina. Simpleng pagbabago lang iyon sa buhay ko, pero hindi ko pa rin maiwasang ngumiti dahil naging parte na siya ng sistema ko.

Ang lakas lang maka-teenager, ampucha! Minsan para akong tangang naglilinis ng bahay mag-isa. Nang pumasok ako sa loob ng music room muli kong hinanap ang litrato na itinago ko noon at naalala ulit siya. Gusto kong magyabang sa harapan niya ngayon, pero hindi na pala kami close. Natatawa na lang ako nang maalala ko kung paano ko siya palihim na tinitingnan noong high school noong nakilala niya ang babaeng nagustuhan niya. Pero hindi niya ako syempre katulad. Hindi ko naman ugali na awayin yung babaeng gusto ko. Pero buti na lang at kahit pa paano ay maayos silang dalawa. I'm proud of him and I wish him well.

Naging productive naman ang araw-araw ko at naging maganda ang resulta ng mga quizzes at exams ko. Pakiramdam ko sa susunod na pagkikita namin ni Maxene, pwede kong maipagmayabang sa kanya ang mga achievements ko sa school. Lalo na siguro kapag nalaman niya na siya ang inspirasyon ko para mas pagbutihan pa. Ano kaya ang reaksyon niya kapag sinabi ko sa kanya iyon?

I'm guessing she'll be flustered again. I miss seeing her reactions. I'm starting to like myself better this time. The 'me' that is filled with positivity.

"Hala siya, todo ang ngiti mo ah." bati sa akin ni Gerard.

"What's up?" bati ko sa kanya at nakita ko rin naman agad si Joshua na gulong-gulo akong pinagmamasdan.

"Anong meron dude?" nakakalokong tanong ni Joshua sa akin. Nagkibitbalikat lang ako dahil hindi naman ako palakwento.

Inakbayan ako agad ni Pierre at tinaasan ng kilay, "Mukhang ang saya nga natin ngayon ah?" hindi ko alam kung compliment ba iyon o statement kaya nginitian ko lang silang lahat pabalik.

"Kamusta na pala si Max?" tanong ni Gerard. "Pakisabi nakakamiss siya." same goes here.

"Kamusta kayo ni Max?" tanong ni Pierre na inoobserbahan ako.

I let out a small chuckle as I answered, "We're solid." I saw how he's amused by my response. Siguro naman sapat na iyon para respetuhin niya ang ugnayan namin ni Max, hindi ba?

"Aba, gaano ka-solid?" Gerard playfully gives me a light punch on my shoulder with a smile.

"Hula ko, may nangyayari na sa inyo 'no? Anong base na?" tukso ni Joshua at ngumisi ng nakakaloko sa harapan ko. Ungas talaga ito! "Hanep, hindi ka na virgin!" palaro ko siyang binatukan, sumosobra na ang bunganga ng gagong 'to.

"Congratulations sa'yo kung ganoon, Travis." bati sa akin ni Pierre at binawi ang kamay niya mula sa balikat ko, "Akala kasi namin hindi ka na titingin sa iba. Pero ngayon, mukhang masaya ka naman na talaga." hindi ko alam kung sincere niya akong binabati or hindi; dahil alam kong interesado siya kay Maxene, pero saka ko na lang siguro iyon iisipin dahil ayokong masira ang mood ko.

"Salamat." nakangiti kong ani.

"Eh sino naman ang mas angat sa dalawa?" napailing na lang ako habang tinatawanan ang katanungan ni Joshua, as much as possible ayoko ikumpara si Monique kay Maxene dahil una sa lahat magkaibang tao sila. Nagkataon lang sa ibang paraan ko sila minahal at mamahalin. Wait, did I just say that word in my head?

Masyado na akong nabibigla miski sa sarili ko. I'm taking things slowly on my own phase like what Maxene is doing. Basta ang alam ko, masaya kami. Masaya ako. Kahit na ilang linggo na kaming hindi nagkikita dahil nga sa kailangan niya ng space. We do text each other, pero bihira siya sumagot. Pinapalampas ko lang, hindi ko naman dapat pang isipin iyon. Baka busy lang talaga siya. Oo nga busy lang siya.

Yet why wouldn't she tell me her schedules like before?

"Hey are you still with us?" tanong ni Joshua. Parang may napag usapan sila kani-kanina lang bago ako mag-space out, "Kanina lang nakangiti ka, ngayon nagbago ulit ang mood mo, 'yos ka lang ba?"

I put up a small smile, "Naalala ko lang yung lecture kanina." I lied, "Pati iniisip ko lang kung kamusta ang grade ko sa midterm para mapaghandaan ko ang finals." I'm actually thinking of Maxene and our current set-up.

"Sus, mag chill ka rin minsan Travis. Kapag pasado na sa midterms, easy na lang dapat sa finals." nakangiting payo ni Gerard sa akin. Napapailing akong tinawanan siya.

Mamaya masyado akong nag-papaka-chill may nangyari na sa kanya ng hindi ko alam, lalo na at limitado lang din ang mga sinasabi niya sa akin. Ayokong magpakakampante lalo na at–

"Sana bumagsak ka." panunukso ni Joshua, "May prinsesa ka na nga, tapos makakapasa ka pa sa exams, unfair iyon. Dapat balanse." natatawa siya sa sarili niyang biro.

"Huwag kang killjoy Josh, let Travis celebrate." saway ni Pierre sa kanya, "Iyon nga lang Travis," he looks at me with a playful smile, "Don't celebrate early."

"What does that mean?" I put up a friendly face, keeping my cool.

"Well," Pierre showed me an article about Maxene going out with another guy, "Alam mo ba ito?" I look at it and it's just an article referring to a certain blind-item linking her to another guy because they have a picture together.

"Ah oo, nasabi niya sa akin iyan." I lied. Again I lied. This time to save my pride. Hindi kailanman sinabi sa akin ni Maxene na may kikitain siyang ibang lalaki.

Pierre shrugged non-interestedly, "Eh kailan ba kayo huling nagkita ni Maxene?"

"Why would you ask?" Ano naman pakialam niya? Be cool Travis, he's just asking you a question.

He chuckled, "It just so happens that I saw her with a different guy, mukhang nag-dedate sila." I just hate the thought of it. Bigla kong naalala ang sinabi ni Pierre noon, 'Kapag binitawan ka ni Maxene, may kapalit ka agad-agad.'

Biglang bumaliktad ang sikmura ko pero kailangan kong dalhin ang sarili ko ng maayos.

"Since everything is solid between the two of you," he paused, smirking, "Tulad ng sinabi mo," he faced me raising his head, "Pero bakit ganoon? Baka naman ikaw lang ang naniniwala na solid kayo?"

Hindi ako natutuwa sa mga banat niya sa akin, minamaliit ba niya ako? Pero ako lang ba ang naniniwala na okay kami ni Maxene? May kapalit na ba ako agad-agad?

"Grabe ka naman P. Alam niyo namang maraming paparazzi si Maxene. Maraming articles na pwede baguhin ang kwento ng bawat larawan, dapat nga sinusuportahan natin si Travis." Gerard reminded us, as this fact keeps me in place where I should be. I know Maxene better. Kung ano man ang sinasabi ng internet tungkol sa kanya, they're either just intrigues or facts. I hate to consider that they're facts.

"Yeah, of course I support our friend here." ani Pierre na binalikan ako ng tingin, "That's why as much as possible, I don't want to keep him in the dark."

I force out a smile looking at them. I look at the time getting up from my seat, "I'll be in my next class guys, catch up with you later." umalis na ako sa pwesto namin ng hindi sila nililingon at dumiretso sa susunod kong klase.

Pero miski ang usap-usapan ng ibang tao tungkol kay Maxene ay naging echo sa paligid ko.

"May non-celebrity boyfriend siya?"

"Wait, may bago siyang dinedate ngayon?"

"Wow ang sweet naman ng picture niya kasama yung guy."

"Akala ko nga nalilink siya doon sa isang artista, ang cute kaya nilang parehas tingnan. Naging magkasama na sila sa dating movie, hindi ba?"

"No wonder kung bakit most guys sa showbiz industry ay crush na crush si Maxene."

My heart begins to sink in bitterness. Gusto ko takpan ang tenga ko mula sa naririnig ko sa paligid ko.

"Travis," binati ako ng junior kong si Gio na papuntang Library. I tried to maintain my cool and faced him.

[A/N: Giovanni Severo is a character from a different book series titled: Weapon for Vengeance (The Fake Heiress). This chapter is dedicated to the author.]

"Kamusta Gio?" pilit akong ngumiti sa kanya.

"Bakit ganyan ang itsura mo?" kunot noo niyang tanong niya sa akin, halata ba na masyado akong balisa?

Natatawa ko siyang tinanong, "Anong bakit? May bago ba sa mukha ko?" tanong ko pabalik sa kanya pero parang hindi siya naniniwala.

He just sighs, "Babae ba yan?" hindi ko alam kung bakit niya na lang naisip na babae ang problema ko, "Kapag sakit sa ulo, iwasan." hindi ko mapigilang makita ang utol ko sa kanya. Pareho sila halos mag-isip. Maybe I can ask for a different voice, lalo na't matalino rin naman 'tong junior ko na ito, baka maliwanagan ako.

"Narinig mo yung usap-usapan tungkol sa isang celebrity?" panimula ko na dahilan kung bakit tinaasan niya ako ng kilay, "Madaming usap-usapan na may iba't-ibang lalaki siyang dinedate, kahit na may fiance na siya." as much as possible gusto kong maging third person ang kwento para hindi siya bias magbigay ng advice, "Ano sa tingin mo, is she cheating on her fiance?"

Tiningnan ako ni Gio na parang sinusuri niya ako, pero buti na lang at hindi niya nabasa ang kung ano man ang iniisip ko ngayon, "Are there feelings involved?" maingat na tanong niya, "Doon sa mag-fiance?"

"Oo." I answered with certainty. I mean, we're just taking a time off, pero may feelings na naman kami sa isa't-isa. We perfectly made that clear noong gabing iyon.

"Is there any reason, bakit nagdududa yung lalaki na kina-kaliwa siya ng fiance niya?" muli niyang tanong.

"Well the guy's fiance is a celebrity, so maraming na-lilink doon sa babae."

A firm line forms on his lips, "So the guy doubted this girl?" dismayado siyang napailing, "Waste of time yan, dapat iwan na ng lalaki yung babae. Parang ang landi-landi lang niyang pakinggan."

Anong sabi niya? Malandi? Itong batang 'to ang sarap kutusan! Nakikinig ba siya? Nakakainis na malandi ang nakitang description agad nito ni Gio kay Maxene. Akala ko pa man din matalino 'tong batang 'to! Hindi ko mapigilang umismid sa harapan niya, ngunit nang tingnan niya ako pabalik pilit kong inayos ulit ang sarili ko. Sana ay hindi niya nahalata ang pagka-inis ko sa sinabi niya tungkol sa fiance ko.

"Ganito kasi 'yan Travis," he paused looking at me eye to eye. Masyado siyang prangka. Pero kasi Travis, ikaw naman ang humingi ng advice, tapos maiinis ka ngayon sa kanya? Tsk! "Kung may feelings na yung dalawa sa isa't-isa, bakit kailangang pagdudahan ng lalaki ang relasyon nila?" his theory made me stop from overthinking, "Dahil lang ba iyon sa usap-usapan, sa showbiz chika na sinasabi nila?" he paused shaking his head, "Alam mo, kung anumang relasyon ng mag-fiance na iyon, I can say that it's something serious. Dahil private silang dalawa, the guy doesn't wanna meddle with the girl's work and that's respect. Plus hindi naman tatanggapin ng babae na maging fiance niya yung lalaki kung hindi niya gusto ang lalaki in the first place, hindi ba?"

Pero arranged kami. Kung pwede ko lang sabihin iyon. Doon naman kami nagsimula. She picked me, because she–

"Sabihin mo, yung lalaki, masyadong insecure." dagdag pa ni Gio na ikinagigil ko ulit. Gago 'to ah! Eh kung suntukin ko ito? Sumosobra na siya.

"Bakit mo naman nasabing insecure?" I asked, keeping myself from getting irritated by his candid responses.

I see him scoffed at me, "Kasi masyadong maganda ang fiance niya, kaya threatened siya makuha ng iba." he shrugs looking away from me. "Alis na ako, kailangan ko pang pumasa, diyan ka na."

Nakakainis! Mali ata na sa kanya ako humingi ng advice. Pero bakit ako naiinis kung hindi naman totoo. Tsk!

However, that conversation with him made me aware of what I overlooked with the current setup I have with Maxene and the anxiety it causes me.

Insecure nga siguro talaga ako. Tangina!

M A X E N E

It's been weeks since I last saw him. It's true that I miss him, pero hindi pa ata ako handang makita siya. Kasing gulo ng utak ko yung puso ko. Ganoon na lang!

Miski sa sarili ko naguguluhan pa rin ako. Mamaya nito nagpapa-dalos-dalos ako. Mamaya niyan, hindi naman pala talaga niya ako gusto at dahil lang na mas sigurado siyang ako ang unang nahulog sa amin kaya nakakuha siya ng security sa akin hindi tulad noong si Monique pa ang babae sa buhay niya. Tao lang naman din si Travis. It's true that I allowed him to be selfish in front of me, pero paano kung gawin niya akong panakip butas lang para makalimutan ng tuluyan si Monique?

Sa sugal na ito, babae talaga ang talo.

Nakakainis!

We text each other from time to time, that's true but for some reason; I'm not satisfied with our current set-up. As much as possible, I try to keep myself preoccupied. I need distractions para maalis sa isipan ko si Travis Joseph Hayes.

May sinalihan akong cosplay event ngayon, kaya naman todo ang paghahanda ko para maging si Amane Misa ng Death Note. Ang lakas maka-goth ang outfit ni Misa-Misa, revealing but I have to stay in character. Sayang ang effort kung hindi ko naman majujustify ang pagiging Amane Misa. Tulad ni Misa, si Maxene Campbell ay parang isang idol, na bulag na nagmamahal kay Yagami Light. Pero 'di naman hamak ang layo naman ng personality ni Light kay Travis, though pareho silang tuso.

"Max, ready ka na ba?" yaya sa akin ng co-cosplayer ko. I joined a forum and meet some artists like me that do cosplays. Nakakatuwa naman at hindi ako weird para sa kanila. Kasi sabi ni mommy kapag nakita ako ng iba na nagco-cosplay, baka raw magbago ang tingin ng maraming tao sa akin. To my surprise, some artists like me do cosplay as a hobby and I'm glad to meet them and make them my friends in a matter of days. Yet there's one factor that I overlooked, they're all guys. Good looking guys.

Though two of them already have their girlfriends. Supportive nga yung girl friends nila eh. Sa sobrang supportive, ako ang inasikaso nila at hindi yung boyfriends nila. I'm cool with them because they're good people.

Si Peter na nag-cosplay bilang Light Yagami ay isang celebrity din na katulad ko. Though at first, hindi ako noon comfortable sa kanya dahil nga may pagkaplayboy ang image niya sa tao, not until I see this side of him na may pagka-jologs din pala tulad ko. Ang non-showbiz na girlfriend niyang si Audrey ay shiniship kaming dalawa dahil kuhang kuha raw namin yung characters sa anime.

Si Anderson naman na bestfriend ni Peter ang nag-cosplay bilang si L. Si Lorraine na girlfriend ni Anderson ay talaga namang nakakuha ng plus points dahil crush din ni Lorraine si L.

Si Axel na mutual friend ni Peter at Anderson ang nag-cosplay bilang ang rebellious genius na si Mellow at si Daniel naman na kapatid ni Anderson ang nag cosplay bilang si Near.

Pumunta na kami sa event at kita naman na maraming tao ang dumagsa. Dahil sasali kami as group cosplayers, kumuha kami ng number sa draw-lots kaya lucky number 10 kami. Magkakaroon kami ng parang mini-scene na gagayahin namin sa anime mismo so kailangan ng acting. Handa na ang lahat, si Audrey ang kumuha ng scene na gagayahin namin at talaga namang nag practice kami para maperfect lang iyon. Aba sayang din ang trip to Japan for three days.

"Maxene, your phone is ringing." inabot sa akin ni Lorraine ang cellphone ko.

Travis is calling me.

Para walang istorbo, pinatay ko na lang yung phone ko. I need to focus. I'm still on a break, can't he understand that?

"Who called?" tanong ni Audrey.

"Wala lang 'yon." I lied. Focus Maxene, focus!

Nang tinawag na kami sa stage kaagad na naming ipinakita ang clip sa anime na gagayahin namin. I cheered the boys, reminding them that we have to win.

May eksena doon na kailangan ni Misa paniwalain si Light na kakampi siya at dapat siyang pagkatiwalaan ni Light. Kapalit ng tiwala ni Light ay ibinigay ni Misa ang Death Note niya sa kanya. Sa eksenang ito handang mamatay ni Misa para kay Light kaya hangga't magagamit siya ni Light, magpapagamit siya kapalit ng isang kundisyon; iyon ay ang maging girlfriend siya ni Light. Nagtapos ang eksena namin na magkayakapan na parang bang nagkaroon ng espesyal na pagtingin si Misa kay Light, kaya kailangan kong ipakita ang ekspresyon na iyon sa mga nanonood sa amin. At dahil live naming ginagawa ang eksena, marami ang naghiyawan at nagrequest na magkiss kami kahit wala sa scene; though may ganoong eksena sa live action adaptation na pinagbibidahan nila Erika Toda at Tatsuya Fujiwara.

Tiningnan ko si Audrey at nag thumbs-up naman siya bilang basbas na pumayag siya sa demand ng tao sa paligid namin. Tinanguhan ko si Peter bilang go-signal at dahan-dahan niyang nilapat ang labi niya sa akin. Muli naming narinig na nagtilian ang mga tao at kinunan kami ng pictures. Smack lang naman iyon so hindi naman dapat bigyan ng malisya. Tutal naman ako at si Peter, artista kami. Nang humiwalay ako kay Peter naaninag ko hindi sa kalayuan ang taong hindi ko nais makita muna sana.

He openly shows his angry face at me with a little disappointment seeing me kiss someone's lips that isn't his. I noticed how his jaw hardened and from afar it felt like I stabbed his heart. He closes his eyes and walks out the event center. His reaction hurts me.

Hindi ko na muna siya hinabol ng tingin kasi I need to stay in character. Pero paano niya nalaman na nasa event ako?

Dahil sa madali lang ang scene na ginawa ng grupo namin, kahit papaano ay naging first runner up kami. Buti nga fair mag-score ang judges, dahil alam ko rin naman na may mas magaling sa amin. Matapos ang awarding lumabas na kami ng event center, hindi na kami nag bihis dahil ang daming tao na nagpapalit sa restrooms, may malapit naman kaming nirentahan na kwarto para doon manatili hanggang bukas.

Nakita rin kami ng ibang fans at nagpapicture. Yung iba group picture ang request, yung iba naman ay couple picture namin ni Light. Miski si Audrey ay nag-ipon ng ilang pictures dahil natutuwa siya sa amin.

"So Maxene, kahit pala pa paano makakasama tayo sa Japan." nakangiting ani Axel na nakatabi at nakangiti sa akin.

"Oo nga eh, exciting. Akala ko hindi tayo aabot." tiningnan ko sila Lorraine at Audrey, "Paano ba 'yan, pupunta tayo ng Japan!"

I see how their eyes sparkled. "All thanks to you Maxene!" nakangiting ani Lorraine.

"Ikaw talaga ang nagpa-panalo sa atin eh." puri ni Audrey na inakbayan ni Peter.

"Hey babe, may contribution din naman kaming boys, grabe ka." ang sweet naman ng dalawang 'to. Nakita ko pa kung paano kurutin ni Audrey ang pisngi ni Peter.

I look at Lorraine who is walking beside Anderson, "Raine, ikaw, ready ka na ba magpaalam sa parents mo?"

"Ipapaalam mo naman ako, hindi ba?" lambing na pagtatanong ni Lorraine sa kanyang boyfriend. Nginitian naman siya ni Anderson at hinalikan sa ulo ang dalaga.

Ang sweet naman ng mga couples na'to.

"Ano ba yan nilalanggam ako sa inyo." naglalakad ako paatras sa harapan nila habang pinupuna ang dalawang couple, "Basta dapat paghandaan natin iyon, kasi by Friday aalis tayo sana handa na ang passports ninyo."

"Oo naman Maxene, kami pa ba?" nakangiting ani ng dalawang couple sa grupo.

Nakita ko si Daniel na tahimik lang sa likuran at kumukuha ng litrato. Sana ay kasing tahimik niya ang kapatid ko.

"Ay Maxene, may boyfriend ka na ba?" tanong sa akin ni Lorraine.

"Bakit mo naman na tanong?" am I avoiding this topic?

"Yung phone mo kasi nag-ring kanina, akala ko naman naka-off kaya sinagot ko na dahil nasa stage kayo nila Peter kanina."

Now that's why he knew. Napasapo na lang ako sa ulo at napabuntong hininga.

"Hindi mo naman sinabi na may boyfriend ka na pala." nahihiyang napakamot si Axel sa kanyang buhok.

"Guys, guys, hindi ko iyon boyfriend," natatawang sagot ko sa kanila. Kasi we're taking a break, ayoko naman na biglain ang kung ano mang meron kami ni Travis. Kahit na nalaman niya na yung feelings ko sa kanya, hindi pa rin ako palagay sa set-up naming dalawa.

"Eh sino nga kasi iyon?" makulit na tanong ni Peter, "Nasa showbiz ba?"

"Nako, hindi." matipid kong sagot.

"So non-showbiz?" sunod na tanong ni Audrey. Ayoko na lang sagutin ang tanong pero dahil ata sa reaksyon ko ay naliwanagan si Audrey para tanungin ako ulit, "May picture kayong dalawa?" her eyes sparkled, "I bet gwapo ang boyfriend mo, kasi maganda ka eh."

Sadly we have no pictures together, but I have stolen shots of him saved in my phone. I wasn't able to answer nor change the topic when I noticed a familiar person waiting near his car. Naka sandal siya sa kotse at naka cross arms siya na pinagmamasdan ako. Akala ko nga ay umalis na siya.

"Oh my, siya ba iyon?" tanong sa akin ni Audrey.

"Hala, lagot ka." panunukso ni Peter, "Mukha siyang galit sa'yo." hinampas ko na lang siya Peter ng natatawa para itago ang pagkabalisa ko. Nang balikan ko ng tingin si Travis, seryoso pa rin niya akong pinagmamasdan pati ang mga kasama ko. Hindi ko siya mabasa. Ano kaya ang iniisip niya?

"Mauna na kayo." ani ko sa kanila at nakuha naman na nila ang ibig kong sabihin, they reminded me to visit their room later and I just nodded without asking why and see them walking ahead of me. I sigh as I face him. Hindi naman ako dapat ma-guilty sa harapan niya, pero bakit pakiramdam ko may kasalanan ako? I fixed myself and cleared my throat. I approached him and smiled, "Hello, kamusta?"

Hello kamusta, napaka-casual naman ng pagkakabati ko sa kanya.

He's just standing in front of me with his hands in his pocket now. His eyes were still angry. I don't like facing Angry Travis. He gulps and he closes his eyes, containing his emotions, "Your new friends look nice." there's bitterness in his voice and meets my eyes again. I don't know what else to say.

"Bakit ka ba nagpunta dito Travis?" tanong ko sa kanya. "We're on a break, hindi ba? I thought we agreed on that?" hindi pa ako handa, pero bakit kung paano mo ako tingnan ngayon parang hindi ko na yata kayang panindigan?

He chuckled inwardly, "I can see that you're not happy to see me." his voice starts to become distant. He smiles with sadness in his eyes, "You look pretty by the way." He compliments me as if he's just prolonging this conversation between us, "Bagay na bagay kayo nung hinalikan mo kanina." napalunok ako sa sinabi niya. He's looking at me with great insecurity. He closes his eyes as if he's hiding himself away from me. "Sige, alis na ako." he started to move away and right before he opened his car he looked at me one last time and said, "I just missed you, that's why I came to surprise you. I'm sorry if that disappoints you." he uttered weakly, holding himself together without looking at me.

Something just pinches in my soul after I hear those last words from him. Hindi ko alam kung anong pwersa ang sumanib sa akin, pero lahat ng dala-dala kong gamit, lahat iyon binitawan ko para lang pigilan siyang umalis. I held his face dearly as I invoked his name, "Travis." with all my strength I kissed his lips.

He pulled me towards him as he deepened the kiss, his left hand was on my waist while his right was holding my nape. His kisses were frustrated, anxious, insecure and sad. Now both of his hands were on my face not letting go of my lips. He kisses me as if he wants to brush off that smack I had with Peter earlier. When we were able to catch our breath he brushed my lips and looked at them with a hurtful smile, "I hated that someone just kissed those lips." his jealousy is clear as crystal.

"Smack lang naman iyon." I defended trying to contain my feelings around him. His reaction causes some fireflies to sparkle in my heart.

"Those lips are bound to mine," he says selfishly, "You're mine Maxene." his words were dominating and I'm still in his arms, his right hand cupping my face.

I smiled awkwardly and kissed his cheek. "Is this the very first time that you were jealous of someone?" I asked tilting my head beside.

"This is the first time I am allowed to." I look at him with confusion. "You are my fiance Maxene. You. Are. Mine. Doon pa lang, may karapatan naman ako magselos hindi ba?" his question seeks validation. The tone of his voice is irritated yet he's still keeping himself at bay.

"Pero, arranged lang naman tayo hindi ba?" I teased. His eyes were still clouded by his jealousy, even if he's trying his best to conceal himself from me. Jealous Travis is so cute. He's so cute that it makes me want to tease him even more.

He looks like a defeated child, "But you said you love me." he uttered with a weak voice. That fact alone hits my core, "Nakalipas na ba iyon?" he looks down feeling humiliated, "Hindi na ba ako pwedeng maging selfish Maxene?"

I cupped his face, met his eyes and smiled at him. His reaction pinches my heart. I know that he heard me admit my feelings for him indirectly and seeing how he's weighing our situation made me remember how he tries so hard not to get swayed by our arrangement. That he's just like me. I look at him and see how scared and confused he is, especially that it's been weeks since I took a break from him. Pero mula noong gabi na hinanap niya ako hanggang sa hinatid niya ako sa condo at nirespeto ang hiningi kong space, wala pa ring nagbago sa nararamdaman ko sa kanya. I know I just have to tell him directly, "I love you Travis." I say the words and light sparks in his eyes, "I am still loving you, even if I'm still fixing myself." I confessed, held him close until our forehead touched one another. I looked into his eyes and his eyes smiling at me as if he's keeping himself from melting in front of me, "So, yes, you're still allowed to be selfish around me." he laughed as if he could cry. He's looking at me filled with endearment. He planted a kiss on my temple.

"Take your stuff sa kung saan ka man naka check-in ngayon. We're going home tonight." he says soothingly. Halata sa boses niya ang pagkasabik sa akin.

"Pero bukas pa ang check-out ko, sayang naman ang ibinayad ko sa nirentahan kong kwarto." I pouted and a firm line forms at his lips and an idea pops in my head. "Unless you want to stay with me?" his eyes ignited.

"Sounds like a plan." he answers mischievously with a proud smile.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top