Chapter 13 : Craving for Your Lips
T R A V I S
Hindi ko pinansin yung babaeng tinapunan ko ng kape dahil nakaharang siya sa daan. At ano bang ginagawa nito ni Maxene? Why didn't she step up? Hindi niya ugali ang lumuhod sa mga babaeng tulad ng mga ito na akala mo kung sino kung umasta.
Hinarap ko si Maxene at nakita ko naman na para na naman siyang batang natalo sa harapan ko, nagawa pa niya akong siringan. I grinned, pikon. "Found you."
"Hey," the girl attempted to call my attention but I didn't bother looking at her, "How dare you spill me your coffee?" inabot ko ang kamay ko kay Maxene at itinayo siya.
Tsk ang dumi tuloy ng damit niya. Gusgusing bata. Gusto ko man siyang asarin pero pakiramdam ko, wala siya sa mood.
"Tara na." yaya ko sa kanya pero hindi siya nagpapigil sa akin at inis na hinarap ang babaeng nag-eeskandalo. Inalis niya ang bonnet at salamin niya at hinarap ang mga ito.
"I'll pay for you JC kung ikatatatahimik iyon ng pride mo." now this is the Maxene I know.
"Maxene Campbell?" gulat na ani ng babaeng amoy kape.
"Oh my gosh, we're a fan." puri nila kay Maxene, "I'm sorry sa inasal namin sayo kanina. Hindi naman namin alam na ikaw 'yan."
"Oo nga," coffee girl's second friend speaks, "It's very rare for a celebrity na magstroll mag-isa sa mall."
Tiningnan ako ng pangatlong kaibigan ni coffee girl, "Not unless bodyguard mo yung kasama mo?"
I noticed how Maxene looked at them in disbelief, shaking her head.
"We're very sorry Maxene." the three girls speak in chorus with a smile on their face.
"Let's just say I'll let you slide," her voice is solid, "Will it change the fact that you just judge someone from what they wear and how they look?" mukhang napahiya ang tatlong babae sa harapan niya, "Your perfume couldn't hide the wretched smell of your behavior, mas mabaho pa ang ugali ninyo sa basura." I smirked. My feisty woman is on fire. "You know, it won't cost you much to be kind. Pero kung ano pa ang cheap, iyon pa ang hindi ninyo ma-aafford. What a shame." she shakes her head looking at them from head to toe "I pity people like you." tinalikuran niya na ang mga babae at kinuha ang braso ko. Pero mukhang hindi pa siya tapos at binalikan niya ang mga babae ng tingin, "One more thing. He's not my bodyguard, he's my boyfriend."
I wasn't able to hold back my smile as we walked away from that place.
"That's intense." I teased with a playful grin.
"Well, that wasn't supposed to happen." she confessed.
"What do you mean?" I assessed her reaction.
She sighs in defeat, "Well, usually I'll just do whatever they wanted. Dati kasi kapag napagtitripan ako ng ganoon, pinapabayaan ko na lang para hindi ako mag stand-out. Madalas akong lumalabas dati para bisitahin si Kenzo sa trabaho niya at dahil ilegal ang pagkikita namin, tinitiis ko na lang ang mga ganoong bagay."
My jaw hardened from that thought, "What made you fight back earlier?"
"I don't know," she says shrugging as her eyes meet mine, "Maybe because I'm with you?"
There's that glimmer of light twinkling out of nowhere again.
"I mean because you already see through my disguise, so why bother to hide, hindi ba?" she added and I smiled, shaking my head. Unbelievable. "May mali ba sa sinabi ko?"
"I can't say." it's vague.
"I hate it though," she added, "Magaling akong magtago pero nakita mo pa rin ako." she eyes at me like a child, "How do you do that?" I just chuckled and shrugged. Hindi ko rin alam. Basta ang nasa isip ko lang kanina ay matalo kita sa larong sinimulan mo para asarin ka. She put up a smile at me and uttered, "But then I felt free."
"Paano pala kung hindi kita nakita kaagad?" tanong ko sa kanya at hinawakan ang kamay niya.
"I think I'll manage." I doubt it.
"So, I'm your boyfriend?" I teased, raising an eyebrow at her and seeing how she rolled her eyes at me.
"Well, you're my fiance, hindi ba?" yeah, but we're arranged. I wanted to remind her of that fact, but my thoughts were cut off when she said, "Wala akong choice. Unless you hated it."
What makes you say I hate it?
"So how will I get my reward?" binago ko na lang ang takbo ng usapan namin bago pa mapunta kung saan ito. May mga pagkakataong hindi rin siya aware sa binibitawan niyang salita, "For your information, I just did it to get my reward." pilyo kong ani sa kanya at pilit siyang bumitaw sa pagkakahawak sa kamay ko.
"Che, bahala ka nga!" she puffed her face at nauna na siyang maglakad palayo sa akin.
Tiningnan ko ang kamay ko na hawak lang ang kamay niya kanina.
Kenzo is lucky to have her.
M A X E N E
We headed to the cinemas and we're debating what movie we're going to watch. To be honest, it's been an hour since we're talking things out.
"Princess and the frog." I suggested.
"No. We're not kids." he said that almost offends the inner Disney girl in me.
"Fast and the Furious." he suggested.
"Why, because it has to do with stupid cars?" I asked, ayoko yung siya lang ang mag-eenjoy. Though maganda din naman ang Fast and the Furious.
"You bet." a huge smile forms on his face.
"No." I said and poof his smile was gone, "Dragonball Evolution."
"Looks awful," he looks at the poster, "So, no."
"Akala ko ba gusto mo ng anime?"
"That's not an anime, it is a depressing adaptation." he looks at it with disgust. I roll my eyes at him. He's hard to please, my goodness. "The last house on the left?" he suggested. Just by looking at it, I'm not a fan of horror, pero ayoko na lang ipahalata sa kanya dahil aasarin niya lang ako.
"That's ugly." I said, "The night at the museum?"
A straight line forms at his lips, "Not a fan of this genre."
I look at him with disbelief, "What?"
"This is interesting," he looks at another poster, "Human Centipede?"
"That's just morbid!" singhal ko sa kanya. Kung hindi tungkol sa kotse ang movie, puro horror or thriller ang gusto nito ni Travis. Yung totoo, saan kami magkakasundo?
"Eh kung umuwi na lang tayo?" naiinis na siya at naiinis na rin ako.
"Ugly Truth?" I suggested and he looked at the description, it kinda took his interest. Sa wakas naman-
"Ooh, rated R." he grins playfully, "Now that looks interesting." iyon naman pala ang dahilan kung bakit. Napasapo na lang ako sa noo ko. Pero dahil may napagkasunduan na kami, pumayag na rin ako.
"I'll buy us some tickets then?" I smiled going towards the ticket booth but he stopped me.
"I'll buy the tickets," he says proudly.
"What's with you men?" I look at him shaking my head, "Masama ba na nililibre kayo ng babae?"
"No, but I just don't like the idea of you buying it for us." ugh, boys! Si Kenzo rin ayaw na ayaw niya na nililibre ko siya.
"Just admit it Travis." again, ugh!
"Fine. It sucks, but yeah. Don't make this a big deal. Afford ko naman bumili ng ticket natin." he hissed. Inis na siya. Hindi naman big deal sa akin, baka sa kanya oo. Bwisit.
"Fine, pero bibili ako ng popcorns natin." he looks at me with disbelief as I explain, "Think of it as: mas mura naman ang popcorn, hindi ba?"
He shakes his head, "Fine." buti naman at pumayag na rin siya. Agad na rin siyang pumila sa ticket booth at bumili naman ako ng pagkain sa food stall. I bought two large bucket of popcorn and since hindi ko naman natanong si Travis kung anong flavor ang gusto niya parehas na lang ang flavor ang popcorns namin. Sana huwag na lang siya mag-inarte. Bumili na rin ako ng dalawang large soft drink, a hotdog, a burger, some fries and some chips. Alam ko naman sa sarili ko na trailer pa lang, marami na akong nakakain.
"That's a lot." nagulat ako nang makita ko si Travis sa tabi ko, "Just a reminder, we're not camping inside the cinema."
"Popcorn at softdrink lang ang sa'yo." inabot ko sa kanya yung bucket at tumbler. "Akin na iyong natira."
"Takaw." he commented and helped me carry the food I bought for myself. Pumasok na kami sa cinema, since free seating naman umupo na ako sa best spot in the house. Pinatong ko yung mga pinamili ko sa kabilang upuan, "Paano kung may umupo diyan?" considerate na tanong ni Travis.
"Walang uupo diyan, maniwala ka."
"Hindi ba mapupuno ang mga tao dito?" muling tanong niya, "Baka naman pangit yung movie."
He sits beside me and I know I just have to ask, "Is this the first time you watch a movie in the cinema?"
The lights may be dim, but I noticed that he looked at me with surprise, maybe he didn't know that I noticed the look of his honest face, "I'm just saying, baka pangit yung movie, kaya wala masyadong tao."
Liar. I couldn't help but smile at his reaction, "You really think I'll buy your lame ass excuse?"
"Nananood ako ng sine," depensa niya, kahit hindi naman talaga. Barbero. "Para sabihin ko sa yo-"
"Then you should know," I cut him politely, "It's just normal na hindi fullhouse ang cinemas, lalo na kung matagal na airtime ng movie. Mostly sa first showing, doon mo makikita na maraming manonood." I looked at him as I sip my soft drink, "This is actually the last day that they'll release this movie."
"Paano mo naman nasabi 'yan?" he asked with obvious uncertainty in his voice.
"Dahil may bagong movie na ipapalit bukas. Hindi mo ba pansin this cinema shows two different movies in different time slots?" Hindi siya sumagot. My theory is right, hindi siya nanonood ng movie sa cinemas.
"Baka nga kasi hindi naman maganda." sige, ipaglaban mo, future Attorney ka nga eh.
"Whatever." I ate my popcorn as soon as soon as mamatay na ang ilaw at magsimula na ipakita ang trailers. Marami namang tao kahit papaano. Yung iba couples, yung iba naman magkakabarkada, pero hindi puno ang sinehan. Sinilip ko si Travis, pero hindi siya nakatingin sa direction ko. His face looks a little defeated, "Tama ako, hindi ba?" I teased whispering in his ear.
"Shut up." naiinis niyang sabi, "Kapag hindi ka tumigil, hahalikan kita." pagbabanta niya sa akin na akala niya ikinatakot ko, eh ilang beses na niya ako hinalikan. Natatawa ako sa itsura niya. Pikon na bata.
Nagsimula na ang movie na Ugly Truth na pinagbibidahan ni Gerard Butler at Katherine Heigl. Tungkol ito sa dalawang magkaibang tao na may kanya-kanyang paniniwala sa pag-ibig. Hopeless romantic ang character ni Katherine Heigl dito na si Abby Ritcher at si Mike Chadway naman na ginagampanan ni Gerald Butler ay yung tipo ng lalaking masarap maging kaibigan dahil napaka-prangka sa tao ibang tao, pwera sa sarili niyang nararamdaman. Tama rin naman siya sa ibang facts tungkol sa pinagkaiba ng babae at lalaki.
Napansin ko yung katabi ko na parang nahihiya sa mga sinasabi ni Gerald Butler sa TV Show niya na Ugly Truth pagdating sa iniisip ng mga kalalakihan sa kababaihan. Again, facts. "Tahimik ka?" I teased.
"Manood ka na lang, pwede ba?" may halong panggigigil sa boses ni Travis dahil parang may iilang sinabi si Mike Chadway na gawain niya rin. Mukhang guilty si loko.
Nakita ko kung paano niya takpan ang mukha niya na parang nahihiya sa panlalaglag ni Mike Chadway sa mga alagad ni Adan. I even hear him cussed. Ang cute mo Travis!
Sinubukan ko yung isa sa mga tips ni Mike. Isinubo ko yung hotdog sa bibig ko at gulat na nanlaki ang mga mata ni Travis. Effective ata ang ginagawa ko. Can't help giving him an evil smile, "Why are you looking at me like that?"
"Nakakahiya ka tingnan, tigil tigilan mo yan." iritang suway niya, "Huwag kang nagpapaniwala sa sinasabi ng lalaki sa movie."
"Bakit, turn on ka?" I mocked him, probably provoked him a little because I noticed how his hand tightened its grip from the armchair.
"I wanna regret that we picked this movie." his voice is cautious, yet solid.
"Oh come on, loosen up dude." tinigilan ko na ang pantitrip ko sa kanya ngunit hindi ko naman inaasahan na kakagat siya sa kabilang dulo ng hotdog na kinakain ko.
I heard him let out a chuckle, "Don't dare me Maxene." he says intently as I feel how his tongue wipes the ketchup beside my lips. Napalunok ako at naramdaman na humina yung aircon, "Masamang iniinsulto ng ganoon ang mga lalaki." he says with a strong warning.
"Che!" hindi ako magpapasindak sa kanya. Pinunasan ko ng tissue yung bibig ko at sumagi yung kamay ko kung saan lumapat kanina yung–
I hear him laughing beside me, "Hindi ka mapakali 'no?"
Hinampas ko siya, "Bwisit ka!" May sumuway sa amin dahil napapalakas ang usapan namin. Kaagad naman ako tumahimik, "I hate you." pabulong kong ani sa kanya.
"Ganti, ganti lang." he tilted his head beside looking at me like a winner, containing his laughter, "Manood na lang nga tayo." he said while eating his popcorn. Sinubukan niya akong subuan pero tinanggihan ko. Hindi naman ako bata, "Pikon." he uttered. Siniko ko na lang siya mamaya mapalabas kami sa sinehan, siya ang sisisihin ko kapag napahiya ako dito!
Nagpatuloy lang ang movie at habang nagtatagal nakikita ang character development ng isa't-isa. Hindi ko alam kung bakit may pagkakahawig ang story sa sitwasyon namin ni Travis. Siguro kasi ang mature ng roles ng dalawang bida at parehas silang open minded.
Nagtapos naman ang movie ng may magandang ending at kuntento na ako doon. Successful endings were the ones who had a good closure.
Sa movie ko rin narealize na kapag mahal mo ang isang tao, hindi mo ito mahahanap ang sapat na dahilan kung bakit iyon ang nararamdaman mo sa kanya. Love exists everywhere, nasa tao kung pangangalagaan niya iyon o pababayaan. Bottomline is: you just love him/her unconditionally. That's it.
Akala ko pa doon na matatapos ang movie pero nagkaroon ng konting cut scene at may session na naganap sa kanilang dalawa. Hindi ko alam kung bakit hindi maalis sa screen yung mga mata ko, ang sexy ni Gerald Butler.
"Aba, yung mga mata mo, saan nakatingin?" natatawang ani ng katabi ko at sinaway ko lang siya, "Sa ending lang may ganyan, waste of time." dismayadong dagdag niya pa, "Ugly movie."
Nang magroll na ang credits tiningnan ko siya ng masama, "Bakit ba inis na inis ka? Kasi tama yung stated facts sa movie?"
Kinuha ko yung mga kalat namin para hindi na mahirapan ang mga staff na maglinis ng cinema. Kinuha rin naman agad ni Travis ang mga kalat namin mula sa kamay ko na para bang iisa lang ang iniisip namin.
"It's not true, it is pure fiction." depensa niya. I just know he'd say that. Nang akmang aalis na kami sa kinauupuan namin may nakita kaming couple na nag-PPDA.
"Ano ba yan PDA." mahinang pagpuna ko.
"Nag PDA na rin tayo, mas public pa diyan." he said almost sounding prideful with a playful grin. I hit him. Nakakainis siya. Anong katawatawa doon na para bang proud siya? Sheesh! Nauna na ako bumaba sa kanya. Pakiramdam ko lalagnatin ata ako.
Nang maalala ko ang gabing iyon, hindi ko alam kung bakit hindi ko mahanap sa sarili ko kung bakit gusto ko ulitin iyon.
I want to feel that kind of kiss again.
Hinatid na rin ako ni Travis malapit sa condo. Hindi ko na siya pinapasok dahil gusto ko rin naman lakarin mula sa gate ng condo hanggang sa papasok ng building. Nagpasalamat na rin ako sa pagsama niya sa akin sa araw na ito, "Good night."
"That's it?" he asked, tilting his head.
"Yeah, I know you're tired. You better go home na rin." paalala ko sa kanya.
"How about my reward?" I roll my eyes at him, bakit hindi pa niya iyon nakakalimutan? Then I saw the unexpected. He just pouted in front of me, this is the first time I see this face. It's dangerously cute.
"I'll buy anything you fancy." I said, convincing myself not to kiss those damn lips of his. Pero umiling siya na para bang iisa lang ang iniisip namin. Yung totoo Maxene?
"I don't want anything," he gazed at me intently, I gulped. "Kinakabahan ka ba?" tinaasan niya ako ng kilay. Dapat malusutan ko ang sitwasyon na ito.
"Wag ka ngang ganyan, sorry na at biniro kita ng ganoon kanina," umaatras ako pero malaki ang hakbang niya papunta sa akin, "Hindi ba ako pwedeng mag joke?"
"Well, you sort of offend me. I think you deserved to be punished missy." he grins and speaks mischievously.
"Joke lang naman iyon Travis. Come on." I tried to beg, kaya lang hindi effective. I suddenly felt the wall behind me and he trapped me. Oh shit! Paano ako makakalusot nito?
"Will you look at that?" he faced me with that smug face of his as my eyes looked into his arched lips. I'm drowning from his gaze. Just to get this over with, I grabbed his collar and kissed him. He attempts to deepen the kiss as I feel his hand on my nape but I immediately push him and run away from him before I get carried away.
Kailangan kong labanan ang tukso na iyon, nakakainis si Travis! Nakakainis pero nakangiti ako, yung totoo? Napapakagatlabi na lang talaga ako.
I look back at him. Buti na lang at hindi na niya ako sinundan pa. Tinigilan ko na rin ang pagtakbo, "Bayad na ako sayo ha." I waved at him and he looked at me with disbelief and hilarity.
Patalikod akong naglalakad palapit ng condo nang makita ko ang isang motor na papunta sa akin. Parang walang break yung motor sa bilis ng takbo nito at naestatwa ako sa gitna ng daan. Kahit anong kumbinsi ko gumalaw, parang nag shutdown na lang ang katawan ko.
"Maxene!" boses ni Travis ang narinig ko ngunit bago ko pa man siya salubungin ng tingin naitulak na niya ako palayo.
The driver was able to jump away from the motorcycle before it crashes to the wall. May mga ibang tao na tumulong na rin sa driver at kaagad ko namang pinuntahan si Travis na bumangga sa isang kotse na naka park malapit sa condo. I look at him and see him bleeding, "Travis." I take him in my arms, "Huwag kang pipikit." may dugo sa ulo niya. Inangat ko ang ulo niya at humingi ako ng saklolo.
"Ayos ka lang ba?" his voice is soft, attempting to cup my face, "Napalakas ba ang tulak ko sa'yo?"
"Travis, stay conscious please." saglit niya akong nginitian at pinunasan ang luha ko sa pisngi.
"I'm sorry Max," his eyes are getting heavy. I shake my head. "Iidlip lang ako, saglit lang."
"Travis, Travis, no, no, no." the strength of his hand just drops. Wake up Travis!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top