Potion #08

The Dating Game
chapter eight

"And in her smile, I see something more beautiful than the stars."

Across the Universe ~ Beth Revi


APRIL LEDESMA

~***~

Mataman kong tiningnan ang suot kong relos. Five minutes bago mag-eight.

Kaagad akong nakaramdam ng inip. Hindi naman ako perpekto pagdating sa oras, nalalate rin ako, pero iba na rin kasi 'yong naghihintay ka sa oras ng usapan.

Sa inis ko, mabilis kong hinugot ang cellphone at mabilis na tinawagan si Trisha.

Dapat ay grocery day ko ngayon dahil wala na akong stocks sa bahay, pero dahil sa kulit ni Trisha, pinili ko na lang na samahan siya.Madalang lang ako pumapayag sa  ga ganitong hirit niya pero pinagbigyan ko na. Ang lakas mag-drama sa tawag kaya agad akong napa-oo niya.

Iniwan ko si Minkie sa kapit-bahay namin dahil natutuwa siya rito. Buti na lang at hindi rin makulit itong si Minkie kaya pwedeng-pwede na iwanan doon. Kung hindi lang talaga makulit si Trisha, malamang ay hindi ko na siya pagbibigyan.

Ilang ring calls pa ang tumunog sa kabilang linya, hanggang sa may huminto nang sasakyan sa harap ko.Ang lakas pa ng music, may duda na ako sa kung sino ang huminto.

Iniluwa ng sasakyan ang kanina ko pang hinihintay na si Trisha. Agad niyang inalis ang suot na sunglasses at nakakunot ang noo.

"April, seryoso ka ba?" sarkastikong tanong niya sa akin.

"Yes, loud and proud!" taas noo kong sabi.

"Hindi ko alam kung nakulong ka ba sa kweba ng ilang libong taon pero friend ang pangit ng fashion statement mo!"

Kaagad kong tiningnan ang sarili ko."Wala namang masama sa suot ko, ah!"

"Friend, wala pero para ka lang kamag-anak ni Crisistomo Ibarra sa suot mong purple na saya at blouse na super loose. Isabay mo pa ang parang bunot mong buhok. April, you need a make-over!"

Tinapunan ko siya ng tingin. Hindi ko alam kung saan humuhugot si Trisha ng lakas ng loob para sabihin ito sa akin. Umatras ako kaunti at umiling.Hindi ko pa naranasan ang mga make over na mga ganyan at wala akong plano sa mga ganyang pag-aaksaya ng oras.

"Hindi na kailangan, the meeting will start at..."

Hinablot niya ang kamay ko at hinila ako. "The meeting can wait, ang pag-aayos diyan sa suot mo... Parang hindi ko na kayang hintayin."

Pumasok na kami sa kotse niya at hindi ko alam kung saan kami pupunta. Ilang minuto rin ang minaneho ni Trisha hanggang sa huminto kasi sa tapad ng isa sa mga well known salon dito sa amin.

Mabilis kong hinawakan ang kamay ni Trisha na kakabitaw pa lang sa manibela.

"Trish..."

Napairap lang siya sa ginawa ko. "You will be thanking me later, so stop with the kaartehan! Will you?"

Tumuloy kami sa salon. Hindi pa ako naka-try na pumasok sa mga ganito since hindi talaga ako palaayos sa sarili ko. Malakas ang kalabog ng dibdib ko habang tinatahak namin ang daan patungo sa loob-looban. Kaagad na lumapit ang isa sa mga nag-aayos.

"Hi, Maam Trish, ano po ang gagawin natin sa kanya?"

Umarko ang kilay ko kasi parang nag-uusap na pala sila before bago kami pumunta sa lugar 'to. Ito talagang si Trisha pahamak talaga sa simpleng buhay ko. Hindi ko na inintindi ang pinag-uusapan nila, wala naman akong alam sa mga terms nila kaya nagpatianod na lang ako nang akayin ako ng staff na umupo sa kanilang swivel chair.

"April, mag-relax ka lang, pagmulat mo, magiging diyosa ka na. Aalis mo ako at meron lang akong bibilhin!"

Hindi na ako nagprotesta pa. Nakaupo na ako kaya huli na para sa pagtakbo. Inalis ko na lang ang aking reading glasses at ipinikit ang aking mga mata. No choice tayo kung hindi magtiwala na lang sa gagawin sa akin ng staff na ito.

~***~

"Wow!" Muntik na akong mahulog sa munting stage na kinatatayuan ko nang magsalita si Trisha. Nakanganga siya, tila nakakita ng santo sa harapan niya.

"You look... Human!"

Mabilis kong pinulot ang mini pillow sa malapit na upuan at tinapon iyon sa kanya. "Baliw, matagal na po akong tao! Gusto mong masampal ng birth certificate ko?

Umismid ang kausap ko. "Sige, para malaman mo ang tinutukoy ko, try to face yourself at the mirror, dali!"

Lumapit ako sa wall mirror at biglang napahawak bigla sa aking mukha.

Ang mahaba kong buhok ay naging maikli na, hanggang balikat. Ang makakapal kong kilay ay naging manipis na. Hindi ko na rin makita ang bangs ko sa aking noo. Hindi ko rin alam kung paano nila pinaputi ang brownish kong mukha. Para akong nakatingin sa ibang tao sa salamin.

"Namangha ka ba, friend?"

Mahina akong tumango sa sinabi niya.

"Actually, matagal ko na sanang ginawa ito. Pero dahil ubod ka ng OA kaya hindi ko na ipinagpilitan pa. You deserve to look good and to be admired, April. Kalimutan mo na ang mga old styles na nalalaman mo at embrace the new trend. Alam mo maganda ka naman, kaso hindi mo lang pinapalabas ang totoong kagandahan mo."

May inabot siyang paperbag. "Bumili ako ng isusuot mo sa meet up with the clients. For sure hinding-hindi ka ikakahiya ni sir niyan."

Nang inilabas ko ang nasa loob, tumambad sa akin ang isang silk whole dress na may asul na kulay. Natuwa naman ako kasi paborito ko pang kulay. "Salamat, Trish. Favorite ko pa talagang kulay."

Ngumiti si Trisha sa akin. "Pasasaan pa't naging kaibigan kita kung hindi ko alam ang kulay na babagay sa iyo."

Tumayo siya. "Hali ka na at uuwi pa tayo. Lalagyan kita ng light make-up para laglag salawal ni sir kapag nakita ka."

Mahina kong hinampas si Trisha sa balikat. "Tigilan mo na nga 'yan." At sabay kaming tumawa habang papalabas ng salon.

~~xxx~~

Sir ANDREW

The meeting started at 8pm but April was here 7pm kaya I was really happy on how April managed those things habang wala ako.

when I arrived, she was talking to Mr. Tanaga. Kita ko sa mga mata ng mga guest na masaya sila habang nakikipag-usap kay April She knew how to take charge of everything. Natigil lang ang pag-uusap nila nang akita ako ng hapon naming investor. He waved at me as if 'di ko pa sila nakikita.

"Yes, we want the best output, Mr. Salvaña. We want your output badly! It's perfection."

I smirked. "Good choice, Mr Tanaga. We will do our very best for this project!"

Tumingin si Mr. Tanaga kay April na abala sa pag-aayos ng mga papeles. "Your beautiful secretary deserves a good date. Will you give her a good time? Ang ganda kasi ng presentation niya at ang bait pa." Tumawa si Mr. Tanaga nang makita niya ang unexpected reaction ko nang makita ko si April.

She's so different.

Pinagmamasdan ko siya habang nakikipag-usap sa secretary ni Mr. Tanaga.

She cut her hair hanggang balikat, mas naging bagay pa sa kanya ang style ng buhok niyang may mga kulot sa dulo. She wore light make-up that gave her smile more power. Maganda rin ang kulay ng kutis niya when the light illuminated on her. Pati ang galawan niya, she seemed very ready for this. Nawala na ang lampang April na nakita ko.

A girlfriend material. Kaagad akong tumikhim at napailing. What am I thinking?

Nagpaalam na si Mr. Tanaga pero nandito pa rin kami sa mesa at nagpatuloy lang sa pagkain. April was enjoying her food while I couldn't take my eyes on her. She is stunningly beautiful.

"Nice hair style, April." I broke the silence. Tumigil siya at ngumiti sa akin.

"For a change, sir. Ayoko rin tumandang dalaga."

Nanlaki ang aking mga mata. "Someone will gonna take you out after this day, maganda kasi ang pagbabago mo. And I like it." Bigla akong natinik on my last statement kaya tumikhim ako to change it. "I mean, they will like it."

Isang matamis na ngiti lang ang isinagot ni April.

I couldn't help but look at her. Hindi ko maisip na dati, she ws lame, isa sa mga kinaiinisan ko pero nag-iba na dahil sa mga pinapakita niyang pagbabago. Simula nang makitulog ako sa kanila, I knew her deeper. I enjoyed how she deals with life kahit na mag-isa lang siya. Nakita ko rin ang pagiging determinado niyang lumaban sa buhay kahit mahirap. Ang swerte ng lola niya kasi nagkaroon siya ng anghel sa buhay niya.

Inabot ko ang glass with champagne at sinimsim ang laman neto.

This kind of woman doesn't give stress to her dates. Hindi siya mapili sa pagkain at lugar, a natural submissive, and for sure ang sarap siguro kasama neto.

Natigilan ako dahilan para mabilaokan ako sa iniinom ko. Mabilis siyang tumayo at kinuha ang napkin sa mesa. "Are you alright, sir?"

Her face was looking at me. The pretty April is near me. Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero parang ang tibok ng puso ko na lang ang naririnig ko. Nang hinimas-himas niya ang likod ko parang nagkakarerahan ang dugo ko paakyat sa tainga ko. Parang may kakaiba akong nararamdaman kapag nandiyan si April sa tabi ko.

"I'm fine, April. You can go back now."

I could watch you the whole night, pretty April.

"April, I want to ask you opinion on this. How can a girl like you living alone still feel happy?"

Napahinto siya sa pagsubo at nag-isip.

"Nasanay na ako sa ganito sir. Siguro iniisip ko na lang na ang may darating din na big break sa akin. Ayoko rin na dumating sa punto na magiging mag-isa na lang ako. Alam ko meron talagang nakalaan sa atin," she said while looking at me.

"i also believe in that, April. Alam mo, ang tao ay magbabago kapag natagpuan na nila ang taong kapares nila. Its like a jigsaw puzzle that makes everything complete when they saw the missing piece."

Muling ngumiti si April. "Sir, tawag diyan, paghihintay sa tamang panahon!"

"oh, well. As long as kaya pang mailagay sa planner ko ang petsa then I can wait for that magical moment to happen."Muli kong inabot ang kopitang nasa gilid at uminom.

Now I knew more about April. Masaya pala siyang kausap. May sense ang bawat pinagsasabi niya. Mukhang mas kailangan ko talaga kilalanin mga workers ko, para mas masaya.

She smirked. Hinugot niya ang cellphone sa bag at may binsa. Nagtaka ako kasi parang may dumira ng mood niya habang nagbabasa. 

"Did I interrupt your time with someone because of this meet up?"Hindi ko alam kung papaano sasabihin sa kanya na baka nagalit na ang boyfriend niya dahil dito. Ang alam ko kasi  parang wala naman.

"Wala naman, sir. May naghihintay lang sa akin sa bahay," mahina niyang tugon. Mahahalata ang pag-iba ng mood niya ngayon pagkatapos basahin ang text.

Madami pa kaming napag-usapan tungkol sa buhay-buhay hanggang sa naisipan na naming umuwi. Naisipan kong samahan na siya sa pag-uwi dahil parang malalim na ang gabi. Mabuti na lang at pumayag din siya. That's the least thing that I can do for her.

Muli ko na namang nakita ng aso niyang pug, super natutuwa ako dahil napaka-friendly neto. This time pumayag na itong hawakan ang likod niya, mabilils din niyang dinilaan ang kamay ko. mabilis kong kinuha ang cellphone ko, at nagpicture kaming tatlo kasama ng aso niya.  

Masaya akong nakilala ko si April dahil sa meeting na ito. She was interesting. I also enjoyed how she propose her ideas. Hindi ko akalain na okay na okay pala siyang kasama. Sana ay hindi siya magbago bilang sekretarya ko. 

Nasa loob na siya pero hindi ko pa rin magawa na umalis. Nakikita ko siya sa taas ng kwarto niya. Parang sinusuklayan pa niya ang aso niya. She doesn't feel the tiredness of doin it. malalaman mo talaga na mahal na mahal niya ang aso niya.

natigilan ako nang may babaeng pumasok sa gate niya. Nakatitig ito sa akin. Hindi ko alam kung may nagawa ba akong masama kasi ang tulis ng mga tingin. 

"Hindi ka dapat nandito," mahina niyang sabi. 

Hindi ko na pinatulad at kaagad nang tumalikod at umalis.

Thank you April.

Sa totoo lang praying ako na sana hindi ito resulta ng potion kasi may chemistry ang dalawa di ba? Aminin ninyo. . . Sana ay kinilig kayo at mas kikiligin pa kayo sa kaganapan bukas!

Hanggang dito na lang muna.

Luren of the North 😊🎈♥️

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top