Potion #05
"Sweetest Mistake"
Chapter Five
"Take chances, make mistakes. That's how you grow. Pain nourishes your courage. You have to fail in order to practice being brave."
~ Mary Tyler Moore
APRIL LEDESMA
Para akong sirang plaka, pabalik-balik ako sa bag ko, sa kama at sa bintana. Nanlalamig na ako at halos basa na ng pawis ang aking mga kamay. Hindi ako sigurado kung nakita ba iyon ni sir, o baka alam niyang ako ang nagtapon ng likidong iyon.
Bakit ba kasi nasa baba siya tumambay? Demonyo talaga...
Namomblema na tuloy ako sa magiging epekto ng gayuma. Baka mas lalo pang humaba ang sunggay ng demonyo na iyon. Nakagat ko lang ang ang labi ko sa magkahalong inis at takot na raramdaman.
Ang malas-malas ko talaga.
Muli kong isinilid sa bag ang nagkalat kong gamit sa ibabaw ng kama. Ano pa kayang kamalian ang magagawa ko? Binuksan ko ang pinto at nagmamadaling umalis.
Hirap na hirap pa nga ako sa paglalakad dahil sa heels ko, sinasadya pa ng hagdan na ma-delay ako dahil sa mga nagdaraang mga tao. Patuloy pa rin ako para matapos na itong araw na 'to.
Ginalugad ko ng tingin ang baba. Bukod sa nakalimutan ko ang tamang daan, medyo namamangha rin ako sa mga gamit sa loob. May mga lumang banga at figurines kasi at naalala ko si si Lola Lucring na mahilig sa mga ganyan. Nabawasan tuloy ang pagkabog sa aking dibdib.
Sinundan ko lang ang isang daan at nasa sala na ako. Pero imbes na matuwa, dinaga pa ako dahil nasa upuan si Sir Andrew, nakahubad at tiempong nakita ako na papalabas mula sa daanan.
Kumunot ang noo niya, nagtakang nakatingin sa akin. "What the..."
Mabilis niyang tinabunan ang katawan niya ng mga braso niya, at kaunting napayuko. "What are you doing here?"
Umiwas din ako ng tingin. Baka akala niya pinagnanasahan ko siya. "N-nagbihis. M-masama ba?"
"Para ka kasing nakakita ng multo. Buhay pa ako for Pete's sake!" Agad niyang inabot ang basang t-shirt, isinabit niya sa magkabilang braso ang manggas nito.
Actually, demonyo pa nga eh!
"Di ko lang inaasahan na nandito ka. Sige po, aalis na ako."
Dumaan ako sa kinaroroonan niya, mabilis kong ginawa 'yon kahit hirap na hirap sa heels ko pero nahinto ako dahil sa paghawak niya sa braso ko.
Nakaramdam ako ng pag-iinit sa magkabilang tainga ko. Hindi ako sanay na hawakan sa braso ng isang lalaki. Lalo't ang lalaki na 'yon ay si Andrew pa. Ang hirap na tuloy gumalaw. Para bang trip pa ng katawan ko na makipagbonding sa demonyo na 'to.
Nakatingin si Sir Andrew sa akin. Namumutla. "Can you tell Mel na bilisan niya, nanlalamig na ako."
"O-ok!" Umalis na ako at hinanap si Melissa. Guilty rin ako dahil may kasalanan din ako sa pagkabasa niya.
Mabilis kong binagtas ang labas nang dumating si Melissa dala ang damit. Nakuha na siguro niya ang susuotin ni sir. Masasabi kong sa kanya iyon dahil sa kulay at sa grano ng tela. Pangmayaman.
"Aalis na ako, sir..." Pagpaalam ko pero nagsalita siya.
"Wait..." Inayos pa niya ang butones at kuwelyo. "Sabay na tayo."
Mabilis na tinapik ni Melissa ang balikat ko. "Bumabait na," bulong niya.
"Tumigil ka, baka madinig tayo."
Mahinang tumawa si Melissa. "Type ka. Lagot!"
Umirap lang ako at 'di na pinansin ang makulit kong ka-workmate.
~***~
Sabay kaming umalis sa bahay. Malayo konti ang venue ng binyag sa bahay nila Melissa kaya kailangan pang lakarin papuntang reception.
Tahimik naming tinahak ang daan at ayokong magsalita baka ma-pong na naman ako ng kasama kong lamanlupa.
Mabilis kong sinulyapan si sir. Relax ang jawline niya, ang mga mata niya ay normal lang na nakatingin sa daan at panatag ang fields of brow niya. 'Di siya galit.
"S-sir, type ka yata no'n kalapati, inihian ka kasi ng bonggang-bongga," pabirong kong sabi. Sana hindi magalit. Bakit ba kasi kinakausap ko pa!
Humarap si sir at tumawa.Ngayon ko lang nakita ang ngiti na iyon. Okay naman pala siya kapag nakangiti. Sana anyan na lang siya lage, hindi yong parang tigre na gutom. Laging galit, parang ayaw sa mundo.
Di ko maintindihan ang sarili ko, pakiramdam ko nasa ulap ako nang makita kong tumawa siya. His eyes were glittering with happiness, lalo na ang cherry-colored lips niyang nakangiti. Ayos na ayos ang mood ni Sir Dee ngayon!
"Maybe. . .pero pakiramdam ko, lalaki 'yong kalapati." At muling tumawa si Sir Andrew.
"Buti na lang at hindi ka na-badtrip, sir. Alam mo na..." dugtong ko sa pinag-uusapan nila at kaagad na tinakpan ang bibig.
Tinapik niya na balikat ko, mayamaya ay ngumiti. "Nah! Maliit na bagay lang naman."
Nang makarating kami sa mesa, kaagad na bumalik si sir sa mesa niya, inabot ang phone at nagtipa. Samantalang si Harvey at si Amanda ay parang may sariling mga mundo. Mga baliw!
Agad akog kinalabit ni Trisha sa balikat. "Hoy, bruha, bagay kayo ng halimaw." Malakas siyang tumawa.
"A-ako? Nako. . . malabo pa sa tubig ng imburnal 'yan sinasabi mo."
Siya? Makakasama ko lage? Never!
"Aba neng, noong nakita ko siyang ngumiti na kinakausap ka. May kinang akong nakita sa mga mata niya. Kinang mula sa puwet ng baso pero pwede na rin," patawang turan ni Trisha, at lumamon ng isang slice ng cake.
Kinang sa mga mata? Shete! Baka naman nang dahil iyon sa gayuma. Hindi rin ako sigurado kung sa gayuma ba talaga 'yon. Sa pagkakaalam ko, dapat may mararamdaman pa sana si sir bago iyon tumalab. Buti hindi ko binayaran iyon, lugi talaga ako apgnagkataon.
Tumayo na ako pero kaagad akong inabot ni Trisha. "Sandali. Saan ka pupunta?"
Inabot ko ang bag ko at nagsalita. "Kay Sir Andrew. . ."
Nanlaki ang mga mata ni Trisha sabay angat ng kanyang mga balikat. "Hoy! Ang hot mo naman yata girl. Wag magmadali, baka masakit ang lagapak mo."
Ang ingay talaga ni Trisha, minsan naisip ko kakambal na siya ni K Brosas? Ganoon kasi siya kung mang-alaska sa akin.
Bumitiw ako. "Gaga, magpapaalam na ako. Uuwi na."
Pagkatapos kong magpaalam kay sir at sa mga kasamahan ko, nagmamadali na akong umalis. Bukod sa ayaw kong makita si Harvey doon, gusto ko rin makausap ang may-ari ng gayuma. Gusto ko rin na linawin ang lahat sa kanya.
~**~
April, relax ka lang. . .stress ka lang dahil sa potion.
Isang oras ang naging byahe ko, pero imbes na magpahinga sa loob ng bus, 'di ko kayang magawa. Binabagabag ako ng konsensya ko sa nagawa ko kay sir. Paano kung totoo 'yong gayuma? Paano na lang kung may masamang idudulot ng gayumang 'yon? Paano na lang kung sa akin ma-inlove si sir?
Nanlaki ang mga mata ko sa naisip. Natigilan ako. No!
Nang makarating sa Quiapo, agad akong bumisita sa simbahan at taimtim na nagdasal. Humingi ako ng tawad, pakiramdam ko malaki ang kasalanan ko sa Panginoon.
Pagkatapos ay lumabas na ako at hinanap ang tindahan na "Pills and Potions". Halos mabali na ang leeg ko kakalingon pero wala akong nakita. Bigla kong naalala na ang tindahan na 'yon ay malapit lang sa puno ng mangga.
Inisa-isa ko ang mga tindahan hanggang sa nakita ko ang puno ng mangga. Ang ipinagtataka ko, iba na ang karatula sa tindahan. Isa itong fortune teller shop.
Anak ng . . .Nasaan na ba 'yon?
Pumasok na lang ako sa shop dahil itatanong ko kung saan lumipat ang tindahan o baka kakilala niya. Agad kong napansin ang mga botelya ng palaka at ng kung ano-ano na katulad din ng pills and potion na nasa loob.
Napapitlag ako nang may narinig akong babae na nagsalita sa mesa. Akala ko rebulto, tao pala.
"Anong need mo, hija? Magpapahula ba you?"
Isang matanda 'yong nagsalita. May suot siyang balabal sa ulo, mahaba ang suot niyang makulay na damit. Nakaupo ang lola sa isang sulok na may bolang krystal sa mesa. Umiilaw 'yong bolang krystal niya.
Muli akong tinawag ng matanda. "Come, hija, Come! Alam ko na may mga questions you in your mind. Ano 'yon? Sekwenta bawat tanong at ibibigay ko answers. Bilis na!"
Napalunok ako ng maraming laway. Game na at nang matapos na ako. May pera pa naman ako.
"Ganito kasi 'yon madame---"
Tumikhim muna si lola at nagsalita. ". . .Madame Amelia, hija"
"Madame Amelia, may napagbilhan ako ng potion dito mismo sa puwesto mo. Gayuma ito para sa crush ko. Ang problema sa iba ko po naibuhos 'yong gayuma."
Nanlaki ang mata ng matanda. Naramdaman ko tuloy ang pag-unat ng mga kulubot niya sa may gilid ng mga mata niya.
"So it's you? Iyan ang napapala mo sa pagiging hard headed. Na-disturb mo ang natural na pag-ikot ng mga tadhana. Mina-mad mo si Kupido sa ginawa mo. "
Kumabog ang puso ko sa sinabing iyon ni lola. Di ko alam kung pinagalitan ba niya ako o nagbibigay impormasyon. Nagalit si Kupido? Nako baka totoong pana ang itarak niya sa akin.
Nagtanong muli ako. "A-ano po ang gagawin ko? Sising-sisi na po ako sa ginawa ko."
Walang kung ano-ano'y inilapit niya ang palad na halos kulubot na dahil sa katandaan.
"Sa bawat tanong ay may bayad. Money down before the answer!"
Ngee! Panira ng moment. Ngumiwi ako.
Mukhang pera naman pala itong si Lola Amelia. 'Di nga ako sure kung legit itong mga pinagsasabi niya. Dumukot ako ng isang daan sa bulsa ng bag ko at ibinigay iyon sa kanya.
"Kay laki ng problem mo hija. Dapat iwasan mo ang gustong mangyari ng potion para hindi magambala ang tadhana at ang mga pwedeng mangyari."
Hinimas-himas niya ang bolang krystal sabay ungol na 'di alam kung ungol ba o may hika lang siya. Tumingil siya at nagsalita. "Ayon sa bolang krystal, isa lang ang solusyon ng problema mo, pakawalan mo lang ang mga kinikimkim mo dyan sa loob mo. 'Wag mong pigilan ang dinidikta ng puso mo. At saka mag-ayos ka, mukha kang basura, hija!"
"Wala bang mangyayari kay Sir Andrew, dahil sa gayuma?"
Muli niyang inilapit sa mukha ko ang kulubot na kamay niya. "Ang bayad?"
Napangiwi ako sa paghuhuthot sa akin ng matanda. "Bayad na naman? May sukli pa nga ako eh!" Pinanliitan ko siya ng mata.
"Oo. Wala na. fifty rin kasi ang bayad sa crystal ball viewing. So wala ka nang sukli." Tumawa siya at sumilip ang gilagid na wala na ang ngipin.
Last na talaga 'to! Kumuha ako ng barya sa purse ko. Perfect 50!
"Hayaan mo lang ang gayuma, kusang mawawala ang effect niyon kapag nagtagal. Dont worry, babalik siya sa old self niya. 'Wag mo lang i-let na ma-fall ka kasi delecate lifes ninyo. May tanong pa? isang daan na. Increase kami now."
MUKHANG PERA NAMAN NETO!
Tumayo na ako at umalis na. Mauubos lang ang pera ko sa mga sagot niyang 'di ko alam kung totoo ba. Madalas kasi mga timing-timing lang 'yang mga ganyan.
Pumunta na ako sa main highway at naglakad-lakad na lang. Inilakad ko na lang ang mga tumatakbo sa isip ko baka naman mabaliw pa ako sa kakaisip.
Parusa ba ito sa akin sa pagmamadali ko? Cupid naman, wag na please!
Nang mapansin ko ang paligid, gabi na pala. Madilim na at maitim na ang ulap. Kumulog na rin. Bago pa ako makasilong ay bumuhos na ang ulan. Nagmamadali na akong naglakad pero naiinis ako sa kanina pang bumubusinang sasakyan. Parang bumubuntot kasi sa akin.
Wrong way ba ako? Ba't nag-iingay 'to?
Huminto ang sasakyan nang tumapat ito sa akin. Bumukas ang tainted na bintana ng kotse at nakita ko si Sir Andrew sa loob.
Agad akong umiwas ng tingin sa kanya. Bakit ba siya nandito?
"Halika na! Ang lakas ng ulan. Magkakasakit ka niyan."
Bago pa ako anurin ng lakas ng ulan ay pumasok na ako. Wala naman akong choice kung hindi ang pumasok sa sasakyan. Basang-basa akong umupo sa front seat at iniabot niya sa akin ang isang puting tuwalya. Nagbanggaan ang mga kamay namin. May kakaiba na naman akong naramdaman. Baka kilabot ito kasi ni hindi ko pinagnanasahan 'tong tao na 'to. Nawala naman kaagad ito nang maalala ko ang matanda.
Umiwas ka April!
"Bakit ka ba nagpapaulan? You will get sick. Kailangan ka pa naman sa opisina."
Matipid na ngumiti ako. Hindi ko kasi alam ang isasagot sa kanya. Inabot din niya sa akin ang isang pang puting tuwalya para daw 'di ako lamigin.
"Next time, kapag magpapaulan ka, wag dito! Madaming sasakyan. Hindi yung mukha kang engot sa daan!" Tumawa siya.
Bakit panay tawa na 'to. Naweweirduhan na ako sa iyo ha!
Hindi ko maialis sa aking paningin ang ganda ng kanyang mga mata kapag tumawa at ang mga ngipin na kay puti. Kung hindi lang siguro siya may pagkademonyo, malamang naging crush ko na siya.
Napailing-iling ako. Hala bakit ganito si sir sa akin. Dahil ba 'to sa potion. Hindi pwede 'to!
Tumahimik bigla si sir. Imbis super lamig dahil sa ulan, parang naging mainit. Nagmumukhang disyerto sa loob.
"S-sige sir! Sir nasa kanto lang. . . 'yong p-pad ko. S-salamat po sa mga towel."
"Saan ba? Ihahatid na kita."
"Nako! 'Wag na s-sir."
"I insist!"
Tiyak na hindi talaga siya titigil kapag hindi ko pagbibigyan 'tong gusto niya. Muli akong napabuntong hininga.
"Sa may blue na gate po."
At parang 'di ako makahinga dahil sa pumasok pa sa eskinita ang sasakyan ni Sir Andrew. Parang pinahihirapan ko pa siya. Nang huminto ang sasakyan sa gate ng pad ko, pinagbuksan niya ako ng pinto. Natigilan kami pareho nang marinig namin ang malakas na pagkalabog ng makina ng sasakyan niya. Tumirik ito at 'di na umandar.
Nagpaulan na si Sir Andrew para ayusin ang sasakyan pero parang 'di niya alam kung ano ang gagawin.
Lumakas ang ulan at hangin. Unti-unting namumuo ang tubig mula sa lumang drainage sa kabilang kanto at umaapaw na. Naisip ko na hindi na ito magagawa ni sir kaya nilapitan ko na siya.
"Sir, pasok na muna tayo. Bukas na natin ipapaayos 'yan kapag wala na ang ulan. Basang-basa ka na po."
"All right!" His lips firmly pressed.
Pinagsaluhan namin ang payong na kanina ko pa hawak. Naka-cross arms ako para maiwasan 'yong unexpected hug.
Asa ka naman na yayakapin ka! Mukha mo, April!
To be continued..
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top