~EPILOGUE~

~EPILOGUE~

{ T H E - O N E -  T H A T -  G O T -  A W A Y }

HER POV

Three years... three years na ang nakalipas matapos kong sumagot ng "oo" kay Derek. Three years ng kami... at three years ko narin s'yang niloloko. Well, hindi lang s'ya ang niloloko ko, pati sarili ko.

Sa loob ng tatlong taong pagsasama namin, naging masaya naman ako. Si Derek, maloko s'ya, playboy s'ya noon pero mukhang talagang nagseryoso na s'ya nung maging kami. Sabi n'ya ako palang ang babaeng sineryoso n'ya at alam ko yun, ramdam ko naman yun kahit hindi pa n'ya sabihin... kaya nga mas nakokonsensya ako habang tumatagal. Wala kasi s'yang kaalam-alam na yung kauna-unahang babaeng sineryoso n'ya, sinagot lang s'ya para makapaghiganti sa isang jerk. Wala s'yang kaalam-alam na yung kauna-unahang babaeng minahal n'ya ng totoo at akala n'ya mahal rin s'ya, hindi s'ya totoong mahal.

Tinry ko... God knows I tried falling in love with him, pero kahit ilang beses kong itry, my heart just can't see him the way it sees Matthew Torres. Walang mali kay Derek, sa akin meron, sa akin sobrang daming mali. Sa totoo lang, sa tuwing sasapit ang anniversary naming dalawa o tuwing may special occassions, ilang beses ko ng naisipan na makipag break sa kanya, na aminin na sa kanya ang lahat... pero sa tuwing makikita ko sa mga mata n'ya kung gaano n'ya ako kamahal... sa tuwing mararamdaman ko sa bawat salita at hawak n'ya kung gaano n'ya ako kailangan... I just can't bring my self to hurt him. Haha, I can't bring my self to hurt him eh sinasaktan ko na nga talaga sya! Hindi lang n'ya alam. I really am the worst!

*beep beep!

Naghihintay ako ng taxi na masasakyan pauwi galing sa trabaho ko (nagtatrabaho na ako ngayon bilang isang editor ng isang kilalang publication) nang may bumusinang kotse sa tapat ko. Pulang kotse yun na kilalang-kilala ko.

"Derek! Ano'ng ginagawa mo dito? Sabi ko magkita na lang tayo sa unit ko diba?" sigaw ko sa kanya pagkababa niya nung bintana ng sasakyan n'ya.

"Makakalibre ka na nga sa pamasahe magrereklamo ka pa? Bilisan mo, pumasok ka na! Ayoko ng naghihintay! Ang bagal!" pagsusungit-sungitan n'ya, lage po s'yang ganyan.

Pumasok na nga ako sa kotse, naupo ako katabi n'ya. 

"Bakit mo ako sinundo? Wala ka bang trabaho ngayon?" tanong ko.

"Meron."

"Oh eh bakit mo ak--"

"Baka nakakalimutan mo Ms. Jannica Reyes, boss ng kompanya nya ang boyfriend mo, pwede akong mag day off kung kailan ko gusto."

"Pero hindi mo na kailangang--"

"Alam mo, ikaw na ang pinaka ungreatful na girlfriend na kilala ko. Kung ibang babae yan, tuwang tuwa na siguro yun at baka pinaghahalikan na ako nun ngayon." 

"Hindi naman sa ungreatful ako sa ginagawa mo it's just that--" Natigil ako sa pagsasalita nang hawakan n'ya ang kamay ko.

"But still, I love you." sabi nya sabay pisil sa kamay ko, tapos unti-unting may namuong ngiti sa labi n'ya habang nagdadrive.

Lage na lang ganyan ang sinasabi n'ya sa akin, lalaitin n'ya ako, sasabihin n'ya sa akin ang mga reklamo n'ya na in turn either magpapakonsensya sa akin o magpapabigat ng loob ko pero bigla n'yang hahawakan ang kamay ko tapos sasabihin yan, "But still, I love you." Sa tuwing gagawin n'ya yun, imbis na matuwa, I can't help but hate my self more. I don't deserve him, I really don't.

"Bakit tayo tumigil dito?" Pinark kasi n'ya yung kotse n'ya sa tapat ng favorite naming restaurant.

"Nagugutom ako eh bakit ba? Bumaba ka na." sabi n'ya. Nauna na s'yang bumaba ng kotse sakin. Si Derek yung tipo ng lalaking sweet pero hindi sweet, medyo parang tropa lang kami minsan, pero minsan naman super boyfriend material s'ya ganun.

Sinundan ko na s'ya papasok ng restaurant, naupo kami sa table na lage naming inuupuan dun sa restaurant at hindi na kami kailangang bigyan ng menu nung waiter dun dahil sasabihin lang namin ni Derek ng sabay to, "The usual!" at alam na nila kung ano'ng ihahaen sa harap namin.

The reason siguro kaya I managed to be with Derek for three years kahit hindi ako in love sa kanya is because of our similarities, we enjoy the same food, the same type of music, pati nga tv shows pareho kami ng taste... we are too compatible... and yet my heart... my stupid stubborn heart still can't learn how to beat for him. Hanggang ngayon, obsessed parin ang puso ko sa iisang tao. Obsessed parin ang tanga kong puso dun sa jerk.

"Huh? Bakit ito? Hindi to yung lage nating inoorder ah?" nasabi ko na lang dahil ibang dish yung hinaen nung waiter sa amin, may kasama pang wine.

"Ako ang nag order n'yan, sawa na ako dun sa parati nating inoorder eh." sabi ni Derek.

"Ikaw sawa na, ako hindi."

"Ang reklamador mo parin talaga hanggang ngayon, kumaen ka na nga lang." sabi n'ya. Wala narin akong nagawa kung hindi kainin na nga lang yung inorder n'ya. Boss s'ya ng isang malaking kompanya ng sasakyan, mayaman s'ya oo, pero hindi rason yun para itapon ko ng itapon ang pera n'ya.

Masarap naman yung pagkaen na pinili n'ya (na hindi ko na ikinagulat since pareho nga halos kami ng taste), ang ikinagulat ko lang eh nung may makagat akong matigas dun sa pasta. Right then, may idea ng pumasok sa utak ko kung ano'ng nakagat ko... may idea ng tumatakbo sa isip ko kung ano tong nangyayari... kung ano'ng mangyayari once tingnan ko yung nakagat ko... pero still, I kept wishing na mali ako... I kept wishing I could still run away from this pero... everything has it's end. I can't runaway anymore.

Inilagay ko sa palad ko yung matigas na bagay na nakagat ko. Tiningnan ko ang bagay na yun ng mga ilang segundo tsaka ako tumingin kay Derek na nasa harapan ko.

"Okay, alam ko na ang iniisip mo, oo na, ang korni na nga nitong strategy ko, gasgas na, cliche na, pero wala ka ng magagawa! Ito na, nagawa ko na, kaya tanggapin mo na lang! Wag kang kj!" Nanginginig ang boses n'ya, halatang kinakabahan s'ya. Bihira lang s'yang kabahan sa harapan ko.

"Pero Derek, hindi ako sweet!" yan agad ang sinabi ko sa kanya.

"Hindi rin ako sweet." sagot n'ya.

"Reklamador ako." sabi ko.

"Tanggap ko na yun matagal na." sabi n'ya.

"Burara ako sa gamit, sobrang kalat ng kwarto ko para sa isang babae." sabi ko.

"Kung hindi ka ganun, hindi ikaw si Jannica." sabi naman n'ya.

Hay, ang dami ko ng sinabing dahilan para hindi n'ya ako piliin but still lage s'yang may pang counter attack, sweet na counter attack pero di ko maappreciate kasi mas pinamumukha lang nun sakin kung gaano ako ka undeserving for his love.

"Hindi ako marunong mag luto! Tamad akong maghugas ng pinggan! Mas pipiliin kong magpalaundry kaysa ako mismo ang maglaba! Hindi ako mahilig sa mga bata! Maliit lang ang pasensya ko! In short hindi ako isang ideal wife!" Tinodo ko na talaga ang mga dahilan na pwede kong sabihin para baguhin ang isip n'ya pero...

"Hindi ka isang ideal wife oo! But still, I love you... and still... you're the only one I want to be my wife." yan parin ang sinabi n'ya, holding my hand gently like he have always held it all these years, looking at me as if I mean the world to him, or did I really mean the world to him?

Seconds later, nagsimula ng magluha ang mga mata ko, not because of too much happiness... but because of too much guilt.

Hiningi n'ya sa akin yung singsing na hawak ko tapos, "Will you marry me?" tano'ng n'ya, kneeling down in front of me, offering me his heart, offering me the rest of his life... in front of all the people dun sa restaurant...

Lahat sila nag aanticipate ng sagot ko. Lahat sila, including Derek I know, lahat sila alam ko kung anong sagot ang gustong lumabas sa bibig ko. Yung sagot na yun, yun rin ang gusto kong sabihin, yun rin ang gusto kong piliin... but my stubborn heart won't let me.

"No. I can't marry you Derek, I'm sorry." I said to him without a trace of hesitation in my eyes, I'm just that cruel.

"Bakit?" is what he replied with eyes so begging, mga matang lalong nagpamukha sa akin kung gaano ako kasama.

"Truth is... I never loved you Derek. Sinagot lang kita to get back at my ex. Yung tourguide natin nung tour kung saan kita sinagot? Ex ko s'ya. Sinagot kita nun kasi pinapanood n'ya tayo. I said yes to you not because I love you... I said yes to you because he is watching! Niloko kita! Ginago kita! All these years niloloko lang kit--" Hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil bigla na lang akong hinigit ni Derek papunta sa kotse nya. Pinaandar n'ya yun ng sobrang bilis tapos itinigil n'ya rin sa isang lugar na kami lang ang tao.

"I'm sorry! I'm sorry! I'm sorry!" Wala akong nagawa kung hindi umiyak sa loob ng sasakyan. Si Derek, nakatulala lang s'ya sa kawalan, parang tinanggalan ng buhay. Ganun lang kami ng mga ilang minuto tapos...

"Arghhhh! Arrghh!" sigaw n'ya ng sobrang lakas sabay pukpok dun sa manibela ng sasakyan n'ya. Wala akong nagawa kung hindi tumingin, pagmasdan kung gaano s'ya nasasaktan dahil sa akin.

Pagkatapos ng ilang minuto, tiningnan narin n'ya ako sa wakas.

"Kailangan mo ba talaga akong ipahiya ng ganun?!" Finally, umimik narin s'ya.

Hindi ako sumagot. Gusto kong magalit s'ya sa akin. Tama lang na magalit s'ya sa akin. Handa kong tanggapin ang lahat ng sasabihin n'ya.

"Do you hate me that much kaya kailangang sabihin mo pa yun sa harap ng maraming tao?! Do you hate me that much na hindi mo magawang sabihin na lang yun kung saan ako lang ang makakarinig? Kailangan mo pa talaga akong gaguhin sa harap ng maraming tao?! Binigay ko na sa'yo lahat Jannica! Pero bakit ganun? Yung dignidad ko na lang, kahit yung dignidad ko na lang, bakit hindi mo pa nagawang itira sa akin?! Bakit?! Bakit!" sigaw n'ya, his voice almost breaking habang inaalog ako. May tumutulo naring luha sa mata n'ya ngayon. I really am the worst, I made him cry. He did nothing but love me and yet I made him cry. Ito ang unang beses na nakita ko s'yang umiyak.

"Sumagot ka! At least give me an answer! I deserve an answer! Sumagot ka! Kahit yun man lang ibigay mo sakin Jannica! Sumagot k--"

"I don't hate you! I don't hate you Derek! I hate my self!" sigaw ko, napatigil tuloy s'ya. Nabitawan n'ya ako.

Napatungo na lang ako with tears flowing down my eyes, flowing like there's no tomorrow.

"Wala akong intensyon na ipahiya ka! Maniwala ka. Ginawa ko lang yun, pinagsigawan ko lang yun sa harap ng maraming tao to get what I deserve! I want them to hate me! I want them to despise me! Kasi Derek, yung galit mo sa akin, yung galit ko sa sarili ko, kulang pa yun na kabayaran para sa ginawa ko sayo! Gusto kong kamuhian ako ng maraming tao dahil dapat lang yun sa akin! Dapat lang yun sa akin kasi ang sama-sama kong tao! Ang sama-sama ko Derek! Ang sama-sama k--"

Natigil ako dahil bigla n'ya akong hinigit at binalot sa loob ng mga braso n'ya. 

"I really hate you right now, alam mo yun?" sabi n'ya, yet he sounded so gentle. Tumango lang ako.

"I really hate you right now... but still, I love you." bulong n'ya tapos pinunasan n'ya ang mga luha ko. But what he did, what he said, made me cry even harder, made me feel worse than I already am.

"I'm sorry! I'm sorry!" Wala na lang akong nagawa kung hindi umiyak ng malakas habang nakasandal sa dibdib n'ya habang sinisigaw yan. I don't deserve this, I don't deserve this kind of treatment from him! Why won't he just hate me? Why can't he hate me for hurting him when I hate my self so much?!

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

The day after that day, I don't know why but I just found my self wanting to see Matthew Torres, before I knew it nasa harapan na ako ng bahay nila. Hindi ko alam kung ano'ng ginagawa ko dun, I just stood there for a couple of minutes and then I just left. Gusto ko s'yang kausapin sa totoo lang, but I'm afraid I'll be hurting my self more if I saw him or if I hear his voice or if I found out how happy he is with Kathleen, how happy he is, without me. I'm just too afraid, I'm just a big coward, so I just left.

I spent the whole day locked up inside my room, trying to figure things out, wondering why my story turned out like this, wondering why I turned out like this. Sometimes lilipad ang utak ko papunta kay Derek, and I would start hating and blaming my self sa tuwing maalala ko yung itsura n'ya, how he cried because of me. Pero madalas, yung utak ko si Matthew Torres ang laman, sadyang obsess lang siguro talaga ang buong sistema ko sa kanya.

Pag malungkot ang isang tao, kung ano-ano na lang ang naiisip n'yang gawin, and in my case, I chose to reminisce the past. 

Kinuha ko yung box ko nung mga stuff na may connection kay Matthew Torres na inalis ko sa buhay ko nung magbreak kami though hindi ko nagawang alisin completely kasi hindi ko nga magawang itapon. I browsed through every thing that's in there that reminded me of him and the love we had... and as expected I started crying. It really is unbelievable how it could hurt just the same as how it hurt before, kahit na ilang taon na ang nakalipas.

Then one particular thing caught my attention... and before I knew it I started turning it on. Ano yun? Yun yung luma kong cellphone na may luma kong sim, yung sim ko bago kami magbreak ni Matthew Torres. Yung cellphone na yun, for some reason, chinacharge ko parin every 2 days though iteturn off ko lang pagkatapos. Yung cellphone na yun, papaloadan ko parin once a week kahit iteturn off ko lang din pagkatapos. Para akong sira no? Hanggang ngayon hindi ko parin mapabayaang masira yun ng tuluyan, in the end hindi ko parin kayang alisin ng tuluyan ang bagay na naglalaman ng lahat ng memorya namin ni Matthew Torres. So kinuha ko yung cellphone sa box, this time, I don't know why I turned it on, I just... I don't know, I just thought I need to turn it on that's all... hindi para icharge yun o paloadan, kung hindi para basahin ang nasa loob noon, na matagal kong iniwasang basahin... What it's in there, hindi ko alam kung it would make me regret I ever turned that damn phone on... I don't know, but still, binuksan ko parin yun... those messages sent to me, by no other than Matthew Torres himself.

Nanginginig ang daliri ko as I browsed through the unopened messages sent by him. Inuna kong buksan yung pinaka old bago ako pumunta sa latest. Oo, maraming messages yun, hindi lang isa, at ibat-iba pa ng date.

The first message was if my memory is correct, it is sent after nya magpunta sa boarding house namin, the day I clearly ended everything between us.

The message goes like this:

"I'm sorry, I know wala na tong magagawa para baguhin pa ang isip mo, but still, I'm sorry, I really am. I don't want this to end, I don't want 'us' to end... but then I realized, that night, I already ended it between us. Hindi ikaw ang tumapos ng kung ano mang meron tayo, ako, ako ang tumapos, kaya Jannica, I'm sorry. Wala kang kasalanan, wala kang pagkukulang, it's me, it's all because of me."

All this time I thought he hated me after I decided to break up with him, I thought he hated me so much kaya nagawa n'yang palitan ako agad... but then now... hindi ko na alam.

Another message goes like this, sent I think about 2 months after the first message:

"Kami na ni Kathleen. I don't know kung mababasa mo to kasi nagpalit ka na ata ng number, pero sasabihin ko parin. Kami na ni Kathleen. Hindi ko to sinasabi to get back at you, I never ever wanted to get back at you. You have done nothing wrong to me kaya bakit kita gagantihan? Sinasabi ko lang to para sabihin sayong kami na, at masaya ako... masaya ako but still, I can't help but think na kung ikaw parin kaya ang kasama ko, could I have been happier? Haha, I guess people really are greedy, I'm happy yet I can't help but wish I could have been happier. She loves me and yet... and yet.... nevermind. I guess sasabihin mo lang, wala kang pakialam."

All this time I thought he was happy... well he really was happy sabi nga n'ya but I never thought na sumasagi parin ako sa isip n'ya... na minsan naiisip rin nya yung mga what ifs na hindi ako pinapatulog gabi-gabi. It's just... I really thought dahil sila na nung Kathleen... I really thought he was really over me... and yet dun sa message... dun sa message....

Ugh! Naiiyak na lang ako out of frustration. Hindi ko alam kung dapat ko pa bang ipagpatuloy ang pagbabasa, hindi ko alam kung kakayanin ko pa ang mababasa ko, ang malalaman ko. Kasi iilang messages palang ang nababasa ko, ang sakit sakit na, at ang gulo-gulo na. Yung regrets ko, kada bukas ko ng messages n'ya dumarami ng dumarami. Yung what ifs ko nadadagdagan ng nadadagdagan... What if nabasa ko tong messages na to bago yung tour? Could everything have been different? Could I and him... could we have been... together again?

Yung mga sumunod na messages, thoughts lang nya na sinesend nya saying miss na nya ako, saying his what ifs na, ayun, halos pareho lang din ng mga what ifs ko... but this one.. this particular message sent by him... made my world that's already falling apart... fall apart even more.

This message I guess, is sent after nung tour namin, alam ko yung date ng last ng day ng tour dahil yun yung araw na sinagot ko si Derek... and the message goes like this:

"I know hindi mo naman nababasa itong messages na sinesend ko sa number mong to... kasi kung nabasa mo yung mga yun, you could have talked to me... you could have... never mind. I know hindi mo to mababasa and so why am I still sending this to you? I myself hindi ko rin sigurado kung bakit... siguro gusto ko lang mailabas lahat to, lahat ng balak kong sabihin sayo... pero hindi ko nasabi kasi... huli na ang lahat. Gusto ko lang sabihin to dahil sa tingin ko pag hindi ko to sinabi ngayon... mababaliw ako... kaya ito, ito, sasabihin ko na ang speech na ilang beses kong pinractice sa cr, yung speech na inihanda ko wishing it would somehow help me get you back... but unfortunately, I didn't have the time to say... because I was too late... you're already kissing someone else... you already said yes to someone else... in front of me. Hanggang ngayon the best ka parin talaga sa pag gawa ng mga bagay na sobrang nakakasakit sa akin, but I don't hate you, I know I deserve it.

So my supposed to be speech, it should go like this...

That night... the night you saw me kissing her... I wouldn't deny it... we really did kiss. I really did mess up that night, but I didn't kiss her out of love... believe me. I chose her that night, hindi n'ya ako pinilit and that's my biggest mistake. That's the very reason why I lost you... because I chose her. But still gusto ko lang malaman mo na I chose her over you, not because I love her more than you... I just thought she needed more that night, than you. Truth is, papunta na ako sa sakayan ng bus nun Jannica, sobrang excited na manood ng concert kasama mo, when Kathleen called me on my phone with voice almost breaking at kahit hindi n'ya sabihin I know, she's crying... and she's crying kasi nalaman n'yang magdidivorce na talaga ang parents n'ya... that thing, yun ang pinakakinatatakutan ni Kathleen sa lahat... Believe me... I really wanted to be with you that night... I would choose you over her a thousand times, but just not that night... I just can't bring my self to leave her alone that night... so I chose her... I chose to go to her thinking she needed me more... and that's my biggest mistake."

I'm sobbing... pinipigilan ko ang sarili ko but I just can't help but cry... buti na lang part by part yung message n'ya kaya nagkaron ako ng oras para magpahinga... para huminga... a little break from the heart wrecking pain...

"I found her sa restaurant na favorite n'ya, dun sa restaurant na lage naming pinupuntahan sa tuwing may problema s'ya just because comfort food nya nga ang tinitinda dun, at yun yung restaurant kung saan mo kami nakitang... to clear things out Jannica... she's drunk, lasing s'ya nun Jannica, and I have no idea she was, until she kissed me. I thought she's acting strange kasi sobrang depressed s'ya dahil sa news mula sa magulang n'ya... she was crying so I leaned forward para punasan yung luha n'ya... when she suddenly kissed me... I wanted to pull away, but I didn't, I don't want to add up to the pain she's already carrying. So yeah, I let her kiss me, because I thought maybe it could lessen her pain even just a little bit... and then right after... she confessed to me... told me she loved me... I love her too, but I'm not sure if it's the same kind of love I'm feeling for you. Kaya that night, sa totoo lang oo, naguluhan ako, sobrang naguluhan ako. I started questioning my love for you, kasi her confession affected me... and that made me guilty, that made me think I don't deserve you... so I decided, I'll just hide it from you... but then ayun, nakita mo nga kami, you misunderstood and you shut me off, you didn't give me the time to explain. But still Jannica I don't blame you... I guess at some point I understand where you're getting at... I shouldn't have doubted my feelings for you... and that's when I decided na tanggapin na lang, tanggapin na lang na tapos na ang kung anong meron tayo, because I deserve it... and I don't deserve you."

Ilang minuto bago nadigest ng sistema ko lahat ng sinabi n'ya. Ilang minuto bago nagsink in sa akin kung gaano ako katanga dahil hindi ko s'ya pinakinggan. Ilang minuto ang dumaan bago tuluyang lumabas sa bibig ko ang mga salitang to, "I'm sorry, I'm sorry Matthew. Dapat pinakinggan kita, dapat pinakinggan kita."

"So I tried... I decided I'll just try being happy with Kathleen... I thought my decision was right...Until I saw you... sa bus... isa sa mga studyanteng ihahandle ko sa tour... and right then, I just knew I made the wrong decision and seconds later I started regretting everything all over again. And so that's when I decided, I want to get you back... so I ended my relationship with Kathleen. I'm a jerk for doing that I know, but I'll be more of a jerk if I didn't."

This message made everything worse than it already is, so nakipagbreak s'ya kay Kathleen para sakin? And yet that night I... that night...

"I'm really planning to get you back, but destiny wouldn't let me... Hindi kita makausap ng tayo lang, muntik na, pero hindi parin natuloy. I was planning to say this speech to you, I was planning to tell you everything that night kahit na magpumilit ka mang hindi ako pakinggan, I was planning to force you to hear me out... I was planning to get you back no matter what...

But I was too late. I'm too late Jannica.

How could I get back something that's already taken by someone else? Paano ko kukuhanin pabalik ang isang bagay na hawak-hawak na ng iba?

Kaya umalis na lang ako without saying a single word at nilunok ko na lang lahat ng salitang balak kong sabihin sayo ng gabing yun. Masakit, sobrang sakit ng pinaramdam mo sa akin noon, but still I don't hate you. Truth is, habang lumalakad ako paalis, wala akong ibang naisip kung hindi, "Sana mapasaya ka n'ya. Sana hindi ka n'ya saktan at paiyakin katulad ng ginawa ko. Sana sumaya ka na this time." Without any trace of bitterness, I really wished you could be happy. I wished for your happiness instead of wishing for my own. And while I'm at it... doon ko narealize how much I really love you... and it made me regret everything more. 

Jannica, I'm happy that you're happy... I really am. But no matter what I do, I just can't accept the fact that you're happy... with someone else."

Yan ang last message na sinend sa akin ni Matthew Torres. Three years ago pa yan, but still, I can't help but hope that he hasn't fully let go of me. I can't help but hang on sa kakapurat na pag-asa na pwede pa naming maayos to...

Kaya naman bilis-bilis akong tumayo at patakbo na palabas ng kwarto para puntahan mulia ang bahay nila Matthew Torres na hindi ko nagawang pasukin kanina... and this time I'm sure what I want to do... I'm sure what I want to say...

But just like Matthew Torres, destiny wouldn't let me reach him.

Nag ring yung cellphone ko, yung bago kong cellphone, not the one with Matthew's messages... si Tracy yung tumatawag...

"Jannica! Okay ka lang ba? Gusto mo bang samahan ka namin ngayon? I mean, hindi namin alam kung naka get over ka na ba kay Matthew but still, hindi parin ganun kadaling tanggapin na ikakasal na s'ya ngayon hindi ba?" I froze nung marinig ko yung huling sinabi n'ya. Pinagpawisan ako ng malamig.

"Ka-kasal?"

"Hindi mo ba alam? I thought dahil nasa probinsya ka ngayon, the news would get to you eventually... Matthew and yung best friend nya... they are getting married today. Invited si mama kaya alam ko yung oras at kung saan."

I just froze there. Nagsasalita si Tracy pero wala na akong maintindihan. Everything became blurry. Everything around me started to turn black. And before everything loses it's color in my eyes... nagvibrate yung isang cellphone na hawak-hawak ko. Yung lumang cellphone na may lumang sim, yung may message ni Matthew Torres.

And to my surprise may kakasend na message lang dun ngayon, at mula yun... kay Matthew.

Binuksan ko yun agad without hesitation...

And his message... I can't explain how I felt while reading it.

"Jannica, ikakasal na kami ni Kathleen maya-maya lang. Sinunod ko yung sinabi mo sa akin noon, kami na lang ang magsama since kailangan nya ako. Haha! Bakit ko nga ba sinasabi sa'yo to ngayon? Sigurado sasabihin mo lang rin naman sa akin yung sinabi mo sakin nung huling beses na sinabi ko sayong mahal kita, "Sabihin mo yan sa taong may pakialam, kasi ako Mr. Torres, wala na akong pakialam. Wala na." Yan ang sasabihin mo sa akin hindi ba? I'm 100% sure na yan ang sasabihin mo kung mabasa mo man to (na sa tingin ko imposible) kaya bakit nga ba pinapagod ko pa ang sarili ko para sabihin to sayo? Bakit nga ba Jannica?"

Akala ko hanggang dyan na lang yung message pero may sumunod pa.

"Siguro kasi hanggang ngayon, kahit huli na ang lahat, umaasa parin ako na may pakialam ka. Hanggang ngayon umaasa parin ako na... mahal mo parin ako. Kasi ako Jannica... ako mahal parin kita."

I want to break down and cry. I want to question the world, I want to just die at that moment because I really can't bear the pain anymore... 

But I didn't break down.

May sumunod pa kasi ulit na message pagkatapos n'yan.

"Magkaron ka naman ng pakialam oh! Kahit ngayon lang, magkaron ka ng pakialam! Higitin mo ako palabas ng simbahan, sampalin mo ako! Sigawan mo ako! Sabihin mo sakin na isang malaking pagkakamali itong gagawin ko! Gisingin mo ako! Gisingin mo sana ako bago mahuli ang lahat. Alam kong ang selfish nitong hinihiling ko, pero Jannica kung nababasa mo man to, please come to my wedding. Please come and ruin my wedding! ILIGTAS MO AKO MULA SA SARILI KO."

After reading that message, with all my strength, with everything I got... I managed to ask Tracy kung anong oras yung kasal ni Matthew at kung saan s'ya ikakasal. And knowing that I still have a little time left... nagtatakbo na ako palabas, pasakay ng isang taxi, papunta sa simbahan kung nasaan ang taong alam kong pagsisisihan ko pag pinabayaan kong mawala sa akin.

.

.

It's surprising how I have done exactly what he wanted me to do without even thinking about it. Right now, I'm exactly where he wanted me to be.

I made it! I made it on his wedding!

I made it...

But not on time.

.

.

Alam n'yo ba yung kantang 25 minutes by Michael Learns To Rock? 

Kung alam n'yo yun, go on. Feel free to sing it to me now. Kasi yan ang kantang nagpeplay sa utak ko ngayon habang nasa harapan ng simbahan... habang pinakikinggan yung boses ng pari na nagsasabing, "I now pronounce you, man and wife."

Gaya ng sabi sa kanta, I'm too late. Though hindi 25 minutes, 13 minutes lang. But still... the outcome is still the same, the pain is just the same. 25 minutes, 13 minutes o kahit 1 minute lang akong late, it really doesn't matter anymore! In the end, just like in the song... 

My one true love... got away.

.

.

Hindi ko na nagawang pumasok pa sa loob ng simbahan. Ano namang gagawin ko dun? Anong sasabihin ko pag nakita nya ako? Pag nakita nila ako? Ano, icocongratulate ko sila? Haha! Hindi pa ako umabot sa puntong magpapakatanga ako ng ganun. Hanggang dito na lang ang kaya ko.

Lumakad ako ng konti papunta sa isang bench sa labas ng simbahan at dun ko iniyak lahat ng luhang pwede kong iiyak. Doon ko sinigaw lahat ng galit, sakit, lungkot at pagsisisi na pilit kong kinulong sa puso ko sa mga taong nakalipas....

I was sitting there, crying my eyes out... wishing I would just die... nang magvibrate na naman yung cellphone na ngayon ay nasa bag ko na. At ang cellphone na nagvibrate? Yung lumang cellphone... nanginginig akong kinuha yun at nagka mini heart attack ako ng makita ko ang pangalan ni Matthew sa screen nun.

Hindi man ako sigurado kung bakit at paanong nakapagtext parin sya sa akin gayong nandun sya sa simbahan at kinakasal... binuksan ko parin yung text na galing sa kanya...

"You're late!"  yan lang yung laman ng message. Hindi ko alam kung maiinis ako o ano kasi nagawa n'ya pa akong asarin... I was assessing my self kung ano bang dapat kong maramdaman ng may tumigil na kung sino sa harapan ko... at pagtunhay ko...

"Pasalamat ka, hinintay parin kita. Fishball?" Nakita ko si Matthew Torres na nakasuot ng suit na I guess pangkasal pero may dala-dala syang dalawang stick ng fishball at inaalok n'ya ako ng isa.

"A-anong ginagawa mo dito?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

Umupo s'ya sa tabi ko at pwersahang inabot sakin yung fishball. SInimulan naman nyang kainin yung kanya.

Matapos nyang maubos yung stick ng fishball n'ya...

"Nakikita mo tong pisngi ko? Nakikita mo tong galos ko? Nakuha ko to dahil sayo. Hindi ko nagawang sumagot ng oo sa pari dahil busy ako sa paghihintay sayo." sabi n'ya.

"Hi-hindi ka ki-kinasal? Kung ganun sino yung--"

"Double wedding yung kasal namin, kinasal ngayon yung bestfriend ni Kathleen. Nangako sila na sabay magpapakasal and yet... iniwan ko s'ya sa ere. Tama ka, I'm a jerk. But I'm a jerk because of you! Akala ko hindi ka na darating! Akala ko masasayang lang yung pagkakabugbog k--aray! Aray Jannica aray!" sigaw nya kasi pinaghahampas ko s'ya.

"Alam mo ba kung gaano bumigat yung dibdib ko dahil akala ko kinasal ka na? Kung gaano gumuho yung mundo ko nung akala ko wala ka na talaga sakin? Alam mo ba kung gaano ko kagustong mamatay kanina lang? Alam mo ba kung--" natigil ako sa paghampas sa kanya habang umiiyak ng higitin nya ako at yakapin. Nalaglag ko na lang yung stick ng fishball na hawak-hawak ko.

"Alam ko. Alam ko Jannica alam ko." yan ang binubulong nya sa akin habang hinahaplos ang likod ko.

"Jerk! Jerk ka Matthew Torres! Jerk ka!" sigaw ko habang humihikbing nakasandal sa dibdib nya.

"Alam ko. Alam ko Jannica, alam ko." bulong n'ya ulit, patuloy parin sa paghaplos sa likod ko.

"Pero mahal kita. Mahal parin kitang jerk ka." sabi ko, this time medyo mahinahon na, hindi na humihikbi pero may tumutulo paring luha sa mata.

And this time, natigil na sya sa paghaplos sa likod ko.

Kumalas na sya sa pagkakayakap sa akin, itiningala ang mukha ko patingin sa kanya...

"Mahal na mahal rin kita. Salamat, dumating ka." sabi nya sabay ngiti, he was about to kiss me pero tinakpan ko ang bibig ko...

"Fishball." sabi ko.

"Huh?"

"Ayoko ng kiss! Gusto ko fishball!"

Napatawa s'ya ng konti, inalis ang kamay kong pinangtatakip sa bibig ko tapos, "Nakalimutan mo ata? Kakakaen ko lang ng fishball kanina." sabi nya tapos tsaka nya ako hinalikan.

And that... (medyo awkward at weird mang pakinggan) pero yun talaga ang pinakamasarap na fishball na natikman ko sa tanang buhay ko.

.

.

.

.

.

.

.

Kung ako ang masusunod...

Kung ako ang author ng storya naming dalawa...

Ganyan ang magiging ending.

Isang masaya at nakaka tears of joy na ending...

Pero hindi ako ang author ng kwento namin eh... Isa lang akong tauhan sa istoryang isinulat ng tadhana. Isa lang akong tauhan na walang magawa kung hindi tanggapin na lang ang ending na pinili ng tadhana para sa akin.

Lahat ng nabasa nyo sa taas, pwera lang dun sa pagpopropose sa akin ni Derek at pagreject ko sa kanya... lahat ng nangyari pagkatapos nun, pawang kathang isip ko lang.

Ito... ito yung tunay na ending ng storya ko, at ni Matthew Torres, summarized into one short agonizing paragraph.

Bakit summarized? Kasi hindi nyo na gugustuhing malaman yung details. Ako, ayoko naring ulitin pa yung details. Kahit naman gaano kaganda yung maging narration ko, still... it really is... a really sad... and an unacceptable, bad ending...

Pagkatapos ng break up namin ni Derek, wala akong narinig na panunumbat mula sa kanya but we both know we're over. A couple of days passed and my depression lead me to turning my old phone on, the one with my old sim in it, wishing Matthew Torres sent me messages explaining everything to me, apologizing to me, confessing he's still in love with me... but no, walang messages dun sa phone na yun mula sa kanya, wala kahit isa. I never heard his explanation but I wanted to hear his explanation, so isang araw pumunta ako sa bahay nya only to see him na papasok ng gate nila kasama si Kathleen... and as the jerk that he is, pagkapasok nung Kathleen sa bahay n'ya, inimbitahan nya pa ako to his own wedding! Ang saya no? At syempre hindi ako pumunta! Bakit ako pupunta? Tanga ba s'ya? So ayun nga, nagpakasal po sya sa mahal nyang best friend at ngayon buntis na ata yung Kathleen o nanganak na? Ewan, I don't care. Basta yun na yun, I rejected Derek because I still love the jerk but the jerk married his best friend, they end up happy, and I end up alone and miserable. That's all there is to it, the end.

Ang samang ending no? Hindi katanggap tanggap, ang sarap i-boo! Ang sarap ibash! Ang sarap palitan! Hindi ko matanggap! Gustong gusto kong baguhin!

Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko na, hindi may twist pa, kami parin sa ending... pero isang araw nagising na lang ako dahil sa isang malakas na sampal ng reyalidad, at doon lang ako natauhan. Noon ko lang nalaman na, parte lang pala talaga ako ng kwento n'ya at parte lang din pala s'ya ng akin. Tapos na ang kwento naming dalawa, wala ng kasunod na pahina.

Nakaka disappoint no? Sabihin nyo ang totoo, okay lang. Kahit ako nga, disappointed eh. Hanggang ngayon iniisip ko parin, para saan pa yung magagandang chapters? Sobrang ganda nung takbo ng storya namin! Sobrang ganda ng simula, sobrang ganda at exciting ng mga sumunod na kabanata... pero bakit ganun yung ending? Bakit tatapunin? Bakit pag sa ending biglang lagpak? Bakit ganito? Hindi dapat ganito diba? This is unfair. This is just so unfair! Why build up a very good story plot then trash it at the end? Why? In the movies it shouldn't end like this! In the novels it shouldn't end like this! 

And then I realized... Oh, I'm not in the movies. I'm not in the novels. This is reality.

.

.

I was about to accept everything... I was getting used to the disappointing ending... until one day...

"Aray!" While walking at the park, full of agonizing thoughts about the bitter ending of my love story... I bumped into someone because I'm not paying attention to where I'm walking.

"Sorry Miss! Sorry! Kaya mo bang tumayo?" sabi n'ya offering his hand. Hinawakan ko naman yun. Ang sakit ng pwet ko pagtayo ko. 

Balak ko syang sungitan kahit na alam kong I'm partly responsible, pero hindi ko naituloy ang pagsusungit ko ng makita ko ang t-shirt nya...

"Hahahahahahahaha!" I bursted out laughing instead.

"Miss, bakit ka tumatawa? Nabagok ba ang ulo mo? May sira ka na ba sa ulo?" sabi nya, looking so dumb out there but at the same time cute.

"True love? Seriously?" nasabi ko na lang, medyo nagtatawa parin. Napatingin sya sa t-shirt nya and I'm not sure pero parang namula sya ng konti.

"Baduy ba? Si mama kasi eh, ayoko sanang isuot to pero ito ang birthday gift nya sa akin kaya sinuot ko na lang." Oo yung t-shirt n'ya kasi, plain green t-shirt yun na may nakasulat na TRUE LOVE in bold big letters! Ewan ko kung sign yun o ano pero... ah ewan, natatawa ako na ewan.

"Hahaha, hindi naman baduy, it's just... basta mahirap iexplain."

"Teka, have we met?" sabi nya examining my face at nung sinabi nya yun, doon ko lang din napagtanto... I think nagkita na nga kami...

We stood there ng ilang seconds trying to figure out kung saan ba namin nakita yung isa't isa then finally, something came up...

"Ikaw si kuyang sintunado!/ Ikaw si ateng umiiyak sa bus!" and oh how cliche it may sound like pero nagkasabay talaga kami ng pagsasalita.

"Maganda ka naman pala pag hindi pugto ang mata eh." sabi nya.

"Maganda naman pala ang boses mo pag hindi kumakanta." sabi ko naman at natawa na lang kaming dalawa.

"I'm Jannica." sabi ko offering my hand to him.

"Matthew." sabi nya, iggrab na sana nya yung kamay ko pero iniwas ko yun.

"Ma-Matthew Torres?" at that time I really thought I was dreaming... but then...

"Close to that, but no. I'm Matthew Perez."

"Oh..." I sighed full of relief, at this time nagshake hands na talaga kami.

"May bago akong record sa cellphone ko, care to listen? Parang problemado ka kasi, baka matulungan ka ulit ng kanta ko." sabi nya. Andun ulit yung di maipalawanag na comfort at familiarity na naramdaman ko sa kanya nung nasa bus kami.

"Okay, wala namang mawawala sakin kung pakikinggan ko, pero kumaen muna tayo kasi nagugutom na ako."

"Okay, may alam akong masarap na kainan!" sabi nya at naglakad na kami papunta dun.

Habang naglalakad kami, "Wala ka namang best friend na babae no?" tanong ko sa kanya out of the blue.

"Actually, meron." sagot niya. Ikinabigla ko yun.

"Pero aso sya huh, hindi tao." And again napa sigh na lang ako in relief at natawa.

And at that time... I think doon ko nagsimulang kalimutan yung tungkol sa bitter ending... kinalimutan ko na yung petition ko sa tadhana na baguhin at palitan yung ending ko... kasi nung mga oras na yun... dun ko narealize na wala pa naman palang ending na binibigay sakin yung tadhana. In fact, nagsisimula palang s'ya ng bagong kabanata sa storya ng buhay ko at hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko... pakiramdam ko lang naman... this time... yung ending... magugustuhan ko na. 

I have always asked God, ano'ng purpose ng storya namin ni Matthew Torres sa buhay ko? Ano'ng purpose ng magagandang chapters na binigay n'ya sa aming dalawa? Ano'ng purpose ng pagiging 'the one' n'ya para sa akin at one point kung in the end, he will only became the same one that got away? I thought I will never find the answers to those questions... until I met Matthew Perez.

Ngayon alam ko na... alam ko na ang purpose ni Matthew Torres sa buhay ko. Alam ko na ang purpose ng pagiging the one n'ya para sa akin at one point...

Nalaman ko... na sa buhay pala natin, marami tayong mamimeet na iba't ibang klase ng the one... and most of them, will be the one that got away. At one point we will question, why they got away. And we will think we will never find the answer... Until one day... we will meet that one... that one person who will show us why it didn't work out with everyone else... that person who will show us the answer we are searching for... the one who will make us say, "Oh that's why they all got away..."

But how would you know if that person is the one I'm talking about?

Well, that's easy...

.

.

.

.

.

.

.

"If he's the one... you will never let him got away."

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

HIS POV

Kasal na ako ngayon at may anak na kami ni Kathleen. Mahal n'ya ako sobra, alam ko yun. Masaya naman ako, hindi nga lang ganun kasaya as I how I pictured my self years after naming magpakasal ni Jannica. Oo, I have always thought it's Jannica I'll end up with.

Itong ending na nakuha ko, it's not bad, but it's not a fantastic one either. It's in between I guess.

Jannica... until now... even if I'm already married and already have kids... it's still her. Siguro iniisip n'yo, I'm a jerk for feeling this way, but it's okay. I myself admits that I am one hell of a jerk for loving someone else when I'm already married, for wanting to send these text messages to her that I haven't had the courage to send.

Truth is, ilang beses ko ng muntik itext si Jannica, explaining everything to her, telling her the things I was about to say that night, bago ako naunahan nung Derek. Ilang beses kong muntik itext si Jannica, pero hindi ko naituloy. Hindi ko ginawa kasi nakita ko naman kung gaano s'ya kasaya kasama yung Derek. I'm happy that she's happy... but I just can't accept the fact that she's happy... with someone else.

Nung pumunta si Jannica sa bahay namin after three years ng hindi namin pagkikita, I really want to hear kung anong dapat sasabihin n'ya sa akin. I want to run back to her, beg her to come back to me... tell her I'm still in love with her... but I didn't. Instead inimbitahan ko pa s'ya sa kasal namin ni Kathleen! Haha! Ang sama-sama ko. 

Iniisip n'yo siguro why I did that despite the fact na mahal ko parin si Jannica. Bakit ako magpapakasal kay Kathleen gayong si Jannica ang mahal ko?

Well bukod sa reason number 1 which is: because I'm a jerk... another reason is... Kathleen... is pregnant with my baby. Lasing ako ng gabing may mangyari sa amin, and to tell you the truth, I thought she was Jannica that's why I did it to her. I really am the worst.

Sa totoo lang, I could easily send these text messages to Jannica... I could easily say to her I still love her at alam kong magugulo ko pa ang isip n'ya, alam kong pwede pa akong magkaron ng chance... but I chose not to. Not because I want to prove I'm not a jerk... but because I love her so much. Sobra ko s'yang mahal kaya ayoko na s'yang saktan pa lalo. I don't want to burden her with the feelings of loving a guy whose got another girl pregnant. I love her and I know I will never love someone again as much as I love her... I know that... and that's the very reason why I let her got away.

Inimbitahan ko s'ya sa kasal namin ni Kathleen, wanting her to hate me. And in fact  I think she really did. I guess she really hates me now, but that's exactly what I want. I wanted her to hate me so that she could move on. I wanted her to hate me so she could love someone else. I wanted her to hate me so she could find that one person who deserves her, because I know I don't deserve her anymore.

Nang magpakasal ako kay Kathleen, I really thought I was doing the right thing, for both Kathleen and Jannica... and also for myself...

I thought kuntento na ako sa ending. I thought masaya na ako kahit papaano...

But after the wedding...

After a couple of months later...

After seeing Jannica so happy eating at a restaurant with another guy...

In the end...

In the end I still...

In the end I still can't be happy with the fact that she's happy with someone else.

In the end, she's still the one...

And I guess forever will be the one...

.

.

.

.

.

the one I will always regret, having let, got away.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #yam-yam28