CHAPTER 8- Falling In.
CHAPTER 8- Falling In.
HIS POV
"Sabi sayo mataas ang makukuha nating grade dun sa skit eh! Magpasalamat ka sa acting at brilliant mind ko." -Marj.
"Oo na, oo na. Ang hindi ko lang magets eh kung bakit kailangan kitang ilibre ng pagkaen eh team effort naman yun."
"Wala, nakaoo ka na sakin kaya ililibre mo ako sa ayaw o sa gusto mo Matthew."
"Ito na nga diba? Naglalakad na nga tayo palabas ng school para kumaen diba?"
"Nagkaron ka lang ng bagong crush ang cold mo na sakin." Napatigil ako sa paglalakad ng sabihin niya yun. Inakbayan ko siya.
"Hindi ko siya crush, mahal ko siya." bulong ko sa kanya, sinamaan niya ako ng tingin.
"Ang corny mo na, nakakaturn off." sabi niya.
Nagtawa na lang ako at naglakad na ulit palabas habang naka akbay sa kanya.
Napatigil ako sa paglalakad at pagtawa nung makita ko yung tatlong kaibigan ni Jannica na nag aabang ng jeep sa may gate ng school. Nagtama ang mga mata namin. Naalala ko tuloy bigla yung friendship bracelet ni Jannica na napulot ko. Hindi nila kasama si Jannica and honestly di ko rin kayang ibigay to kay Jannica kaya mas mabuti sigurong ipabigay ko na lang.
Bumitaw muna ako kay Marj at hinarap sila. Kinuha ko yung bracelet ni Jannica na nasa bulsa ko.
"Bracelet to ni Jannica diba? Napulot ko, pakibalik na lang sa kany--" Hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko eh hinablot na sa akin ni Tracy yung bracelet tapos tumalikod na silang tatlo sa akin at sumakay na ng jeep.
Nagtaka talaga ako. Bakit ang cold nila sa akin? Hindi naman sila ganun dati ah? Porke't ba may bagong lalaki na si Jannica, ayaw na nila sakin? Eh mas gwapo naman kasi ako sa Jessie na yun eh! Kainis!
"Oh Matthew ang ilong mo umuusok na." sabi sakin ni Marj.
"Tss, tara na nga lang kumaen."
"Akala ko yung babaeng mahal mo lang yung may masamang ugali, pati rin pala yung mga kaibigan niya, puro masusungit."
"Usually si Jannica lang ang masungit, ngayon lang sila naging ganun sa akin." sabi ko na lang kay Marj habang naglalakad kami. Iniisip ko parin talaga kung bakit ganun na lang ang asta nila Tracy sa akin.
------------------------------------------------------------------------------
HER POV
Pagkatapos kong makita yung eksenang hindi ko na lang dapat nakita, I wondered off the campus. Pumunta ako sa isang wala masyadong taong lugar at doon nag-iyak. Hindi ako iyakin at lalong hindi mababaw ang luha ko and I was really surprised to find out how much I cried at that time. Mas lalo pang dumami yung iniyak ko nung dumating na sila Tracy at kinwento ko sa kanila ang lahat. Sobrang nagsorry nga sila sakin kasi feeling nila sila yung nag udyok sakin kay Matthew tapos it turned out mali pala ang pagkakakilala nila sa kanya, but then I told them wala silang dapat ikasorry. Wala naman talaga eh, since hindi nila kasalanan if I fell for the wrong guy. Hindi naman nila ako pinilit na mahalin siya, I just did.
Noong araw na yun, maaga akong umuwi sa bahay. Nagcutting classes na ako. Ayokong pumasok sa klase ng paga ang mata. Pinasabi ko na lang kila Tracy sa mga teachers namin sa mga natitirang subjects na masama ang pakiramdam ko. Pag-uwi ko sa bahay buti na lang wala pa sila tita, walang nagtanong sakin kung bakit paga ang mata ko.
Akala ko naiiyak ko na lahat sa school pero habang nakahiga ako sa kwarto, habang bumabalik sa akin yung eksena ni Matthew at nung Marj dun sa room, napaiyak na naman ako.
XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX
The next day...
Nagtaka ako kung anong pinagchi-chikahan nung tatlo kong idiot friends. Ang sasama kasi ng mukha nila, akala ko broken na naman, pero...
"Umagang umaga bakit ang iinit ata ng ulo natin?" tanong ko sa kanila.
"Eh paano naman kasi, bwisit talaga yung si Matthew! Boto pa naman kami sa kanya tapos nung uwian nakita namin siyang nagtatawa habang naka akbay dun sa babaeng mahaba ang buhok na pinalit niya sayo na di hamak na mas maganda ka nam--"
"Jovz!" sinaway ni Tracy si Jovz, probably considering how I would feel.
"Hindi okay lang. Okay na naman ako. Nailabas ko na ang dapat kong ilabas kahapon. Mabuti narin na nalaman ko yan. Now I know na how undeserving he is. Mas okay pang paglaanan ng atensyon ang reviewers kaysa sa isang taong katulad niya." I meant what I said, though less the part where I said I was okay. No, I'm not okay.
But then again, I'm not the type who would sulk and get depressed for so long. Kahit na inadmit ko na sa sarili ko na I am able to fall in love with someone, at kahit na umiyak ako dahil sa Matthew na yun, still, ayoko paring maging tanga. Tama na yung naging tanga ako kahapon, I won't make a fool of myself any more than that.
XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX
Madalas kong nakikita at nakakasalubong si Matthew kasama yung Marj na yun, they look really happy. Magiging impokrita ako kung sasabihin kong it doesn't affect me, it really does affect me. It affects me so much, it sucks. Pero if there's one thing I'm good at, it would probably be, containing my emotions. No matter how much I'm hurting, I can appear very fine on the outside. Sa tuwing makikita ko silang dalawa, lalampasan ko lang sila, holding my head up high and pretending I'm doing okay when I'm actually falling apart.
But then, everything has it's limit. Dumating yung araw na sobrang hindi ko na macontain yung nararamdaman ko sa loob ko. For me it's just too unfair na lage na lang siyang masaya while I'm dying inside. I have to show him I'm happy too, I have to show him na I'm really better off without him. Isa lang ang naisip kong paraan para magawa yun. I started staying close with Jessie. Call me heartless for using his feelings towards me pero I really don't care. I don't know kung anong magiging epekto ng pagdikit ko kay Jessie kay Matthew but I still prefer doing it. If he's happy being with another girl, then so am I, even if it's just plain pretend.
Ilang buwan tumagal ang pagpapanggap kong yun. Sa tagal, masasabi kong I have become an expert at faking happiness. It's not a very noble thing to do since I'm using Jessie but I don't care, it helped me bigtime coping up with my broken heart.
As months passed, everything is getting back to normal again. Hindi na masyadong masakit yung puso ko. Hindi ko alam kung nawala na nga ba yung sakit o sadyang nasanay na lang ako sa sakit kaya akala ko wala na yun. Well it's doesn't matter what ever it is, ang mahalaga sakin is nakakahinga na ulit ako ng walang kumukurot na kung ano sa puso ko. At natutuwa rin ako kasi, si Matthew Torres, naibalik ko na sa pagiging hangin ang tingin ko sa kanya. I can easily walk pass him again like he's not there, thank God. Everything is really going well, until that month came: February, the month of love.
---------------------------------------------------------
HIS POV
Ilang buwan narin kaming hindi nagkakausap ni Jannica. Ilang buwan narin ang nagdaan pero hanggang ngayon hindi ko parin matanggap na mas pinili niyang makasama ang Jessie na yun kaysa sa akin. Sa tuwing makikita ko silang magkasama, tulad na lang ngayon, gusto kong higitin si Jannica at iumpog siya sa pader ng paulit-ulit para matauhan siya, baka sakaling ako na ang piliin niya pagkatapos kong gawin yun.
"Nakakunot na naman ang noo natin ah? Haha, kawawa ka naman. Buti na lang ako, nakamove on na sayo haha. Ikaw kasi eh, dapat ako na lang ang pinili mo, mas masaya ka sana." Umupo si Marj sa tabi ko, sabay naming pinanood si Jannica at yung Jessie na yun habang kumakaen sila ng magkasama. Break time namin ngayon sa pagpapractice ng kotilyon. Kotilyon para sa nalalapit na J.S. prom. Kapartner pa ni Jannica yung Jessie na yun at ang masama pa, magkatabi pa kami ng posisyon, bwisit, kaya wala ako sa mood tuwing magpapractice bwisit talaga.
"Oh Matthew, nagtatawag na ulit yung teacher, tara na ulit dun." Hinigit na ako ni Marj kaya napatayo na nga ako kahit tamad na tamad ako.
Bago magsimula yung tugtog, bumulong sakin ni Marj, "Wag kang mag-alala, igaganti kita." Hindi ko na siya natong kung anong ibig niyang sabihin dun dahil nagsimula na kaming magsayaw.
Habang nagsasayaw kami, bigla na lang mas naging malapit yung paghawak sa akin ni Marj, mas lumapit yung katawan niya sa akin tapos she won't stop looking at my eyes, stealing glances at Jannica paminsan-minsan. Ayun pala ang ibig niyang sabihin dun, gusto niyang pagselosin si Jannica. Yeah right, magseselos nga yun (I'm sarcastic here by the way).
Kahit alam kong malabong magseselos siya sa ginagawa ni Marj, I still wanted to see how she will react, with a tiny ray of hope na magseselos nga siya kahit konti, pero nung mapatingin ako sa kanya, imbis na jealous face ang makita ko, she smirked at me! That heartless cold hearted girl I'm freaking obsessed at falling in love with, smirked at me when she's supposed to be jealous!
Pagkatapos niyang mag smirk sa akin, ginaya niya yung ginawa ni Marj, mas nilapit niya rin yung katawan niya dun sa Jessie habang nagsasayaw, and now she's even looking at him. She's looking at him and smiling at him while dancing! She never looked at my eyes while smiling!
Talagang hindi pa siya nakuntento sa pagbabasura sa nararamdaman ko, talagang gusto niya pang ipamukha sakin na hindi ako ang pinili niya at masaya siya dahil sa ginawa niya yun? Napupuno na talaga ako. Konting konti na lang sasabog na ako. Konting konti na lang. Konti konti-- that's it!
"Matthew!" sigaw ni Marj, bigla ko kasi siyang binitawan at lumakad ako straight papunta kay Jannica at hinigit siya.
"Mr. Torres, we're in the middle of practicing, anong ginagawa mo?" sigaw nung teacher na nagtuturo sa amin ng kotilyon pero hindi ko siya nilingon. Wala ako sa matinong isip para lumingon pa, basta gusto ko lang mailayo si Jannica sa Jessie na yun. Gusto kong lumayo sa bagay na nagpapasakit ng mata ko.
Nag aalpas si Jannica mula sa kamay ko pero hindi ko siya binitawan hanggang sa makalabas kami ng gate ng school.
"Bakit mo ako hinigit? Ano bang problema mo Mr. Torres? Pag ako napagalitan nung teacher, you're dead. You're so dead I'm telling you!" Bakas ang pagka irita sa mukha niya. Aw, ano ba kasi tong ginawa ko. I just reacted out of impulse.
"Ikaw naman kasi eh..." bulong ko.
"Anong sabi mo?"
"Wala." I thought so, I can't admit I'm jealous.
"Babalik na ako dun, dyan ka na."
"Wag!" Lalakad na sana siya pabalik dun sa gate pero hinawakan ko yung kanang kamay niya.
"Ano ba kasing problema mo?"
"Ah... nung nag racing tayo ng bike dati nung binasted mo ko, ako ang nanalo nun diba? Ang usapan, ang talo manlilibre ng fishball, kaya ano, ilibre mo na ako ng fishball ngayon! Kaya kita hinigit dahil dun, nagkalimutan na tayo."
She gave me a look of disbelief.
Dumukot siya sa bulsa niya ng pera at akmang ibibigay yun sakin pero hinigit ko siya papunta dun sa nagtitinda ng fishball sa may gate ng school.
"Hindi ko alam kung ilan ang gusto kong kainin kaya dapat hintayin mo kong matapos. Hindi ko bibitawan tong kamay mo hangga't hindi ako tapos kumaen, baka takbuhan mo ako." sabi ko sa kanya. Napailing na lang siya still with disbelief in her eyes.
Habang kumakaen ako ng fishball, parang gusto kong ilubog yung mukha ko dun sa kumukulong mantika. Ang lame kasi nung sinabi ko. Magpapalibre ako ng fishball? Matthew, seriously? Anong klaseng dahilan yun?
But still, kahit sobrang lame nun, pwede narin pala, ang mahalaga, kasama ko siya ngayon at hawak hawak ko ang kamay niya. Kahit hindi ako gutom, pinilit kong kumaen ng fishball hanggang sa makakaya ko. Pinilit kong kumaen hanggang sa halos masuka na ako. Yun lang kasi ang paraan para makasama ko siya ng mas matagal, bawat segundo mahalaga. Alam ko kasing pag binitawan ko siya, mawawala na ulit siya sa akin.
-------------------------------------------------------------------------------
HER POV
"Jannica, bakit ganyan ang itsura mo? Ano bang nangyari sa inyo ni Matthew?" tanong ni Tracy habang nag aabang kami ng jeep na masasakyan pauwi.
"Bwisit na Matthew na yun! Jerk talaga! Bukod sa paasa na at playboy, makapal pa ang mukha! Hinigit niya ako para lang magpalibre ng fishball! Alam ko may kasunduan kami noon na ililibre ko siya dahil talo ako sa race pero bwisit! Inubos niya sa fishball yung ipon kong para dapat dun sa gusto kong bilhin na damit! Bwisit! Bwisit talaga yung Matthew na yun!" sumabog na lang ako. Ang lakas ng sigaw ko, napatingin na yung ibang tao sa paligid. Dahil sa hiya ko nung mapatingin ako sa paligid ko (self conscious kasi ako at ayaw maging center of attention) hinigit ko na agad sila Tracy pasakay nung jeep na tumigil sa harapan namin.
Hanggang sa pagsakay sa jeep hindi ko talaga mapigilang ilabas kila Tracy yung hinanakit ko. Hindi ako makapaniwalang sa isang katulad niya ako nainlove! Pagkatapos niya akong paglaruan, may gana pa siyang magpalibre ng fishball? Ugh! I knew it! I really hate you Matthew Torres!
XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX
J.S. Prom na namin. Bukod sa binigyan ako ng award na Star of the night ( award na binibigay sa pinaka nakatawag ng pansin dun sa panel of judges which is yung mga teacher namin) bukod dun wala na namang masyadong nangyari.
Naka upo na lang ako sa isang tabi habang minamasahe yung paa ko. Ang sakit na kasi, ang daming nag ayang makipag sayaw sa akin na hindi ko naman natanggihan. Gustohin ko man tumangi, hindi pwede kasi nung third year ako napagsabihan ako nung homeroom teacher namin, tinanggihan ko kasi yung isang senior noon. Bored na bored ang itsura ko habang pinapanood yung mga naglalandiang couples and soon to be couples dun sa dance floor. Yung Matthew Torres na yun mukhang enjoy na enjoy. May girlfriend na siya pero kung sino-sino paring babae ang sinasayaw, babaero talaga. Kung ako ang girlfriend nun nako, nginudngod ko na ang mukha nun sa semento. Tch, teka, bakit nga ba siya ang tinitingnan ko? It's not like he's the most handsome ngayong gabi. Well okay sige na nga, siya nga ang pinakagwapo ngayong gabi, and that fact makes me hate him more. Kainis.
Bukod sa frustration ko dahil sa dami ng kung sino-sinong gustong makipagsayaw sakin despite my hurting foot dahil sa mataas na heels na pinasuot sakin ni tita, mas napufrustrate ako kasi sa tuwing uupo ako, hindi ko maalis ang tingin ko kay Matthew Torres! Sa tuwing aalis siya sa dance floor at may kukuhaning bagong babae para isayaw, naiinis ako kasi hinihintay kong lumapit siya sa akin! Bakit ko siya hinihintay na lumapit sa akin? Oo di ko ikakailang may nararamdaman parin ako sa kanya hanggang ngayon, pero malinaw rin sakin na isa syang undeserving jerk kaya kahit gusto ko siya eh dibale na lang! Kaya ayoko talaga nitong nararamdaman ko, naiinis ako sa puso ko. Ayoko sa taong tinitibukan niya at hinihintay niya sa mga oras na to.
Lumipas ang mga oras at dumating na yung call time para sa last dance. Yun daw ang pinaka importanteng sayaw na dapat ilaan sa pinaka espesyal na tao para sayo kaya talagang inaannounce pag ayun na yun. Naiinis na naman ako kasi kahit anong pilit kong pigilan ang isip ko, winiwish ko parin na sana lapitan ako ni Matthew Torres at ayaing sumayaw kasama siya.
May ilang lalaking lumapit sa akin pero tinanggihan ko, oo this time tumanggi na ako. Ewan ko ba, pag kasi umoo ako, paano na ako isasayaw ni Matthew?
Nagbibilang na yung host, may time limit kasi yun, dapat halos lahat may partners na dapat sa dance floor once na sinabing time's up. Obligado ang lahat na magsayaw. Kung wala ka mang partner, papartneran ka ng teachers.
Hinahanap ko si Matthew sa dance floor, wala pa siya dun, wala pa siyang kasayaw. Sa dami ng studyanteng naghahanapan sa gitna ng kakaunting ilaw, hindi ko siya makita. Pupuntahan ba niya ako? Bakit nga ba hinihintay ko siya? Syempre sa girlfriend niya siya pupunta. Syempre dun siya pupunta. Napatungo na lang ako habang iniisip yun, pero habang nakatungo ako, ilang segundo after that, nakakita ako ng sapatos sa may tapat ko. May nakatayo sa may harapan ko. I had a mini heart attack at that time
Unti-unti akong tumunhay, hoping siya yung makikita ko... pero hindi. Si Jessie yung nakita ko.
"Sayaw tayo?" sabi ni Jessie. Hinahaya niya yung kamay niya sa akin. Pero hindi ako sa kanya napatingin. Pagkatayo ko kasi, nakita ko si Matthew sa likuran ni Jessie. Kakadating lang niya dun. Lalapit ba dapat siya sa akin?
Alam kong naghihintay si Jessie ng sagot ko pero hinihintay ko rin si Matthew. Hinihintay ko kung anong gagawin niya. Lumakad siya papalapit sa akin. I was about to say no kay Jessie, thinking aayain ako ni Matthew but then, nilampasan niya lang ako. And that well yeah kind of pissed me kaya...
"Oo naman, magsayaw tayo! Gustong gusto kong makasayaw ka Jessie!" sigaw ko. Oo, sinigaw ko yun para talaga marinig ni Matthew. Galit nga kasi ako. Alam ko wala akong karapatang magalit but hey, galit nga ako eh, wala na akong kakayahan para icontain ang sarili ko.
Ilang segundo lang pagkadating namin ni Jessie sa dance floor, nagsalita na ng time's up yung host. Nakita ko si Matthew Torres, kakadating lang nila nung Marj sa dance floor, ilang pairs ang layo mula sa amin ni Jessie.
"So in the end it's still her. Haha, thought so." bulong ko na lang sa sarili ko bitterly. Nagsimula na yung tugtog. Ang sweet nung atmosphere, ang sweet nung kanta. Ang sweet ng lahat, ako lang ang bitter.
♫♪Every time I see your face♫♪
My heart takes off on a high speed chase
Now don't be scared, it's only love
♫♪Baby, that we're falling in♫♪
I took a last glance at Matthew Torres which well yeah pretty much crushed all my hopes of dancing with him and pretty much yeah made me so freaking depressed... I hugged Jessie, not because I wanted to, but I just needed to. Alam kong kung hindi ko gagawin yun, maiiyak ako. Hindi naman naghesitate si Jessie, he hugged me back. Though I don't have feelings for him, I'll admit it did feel good. It felt good kasi no matter who it's from, I just need it, I just badly need a hug at that time.
♫♪I can't wait 'til tomorrow♫♪
This feeling has swallowed me whole
♫♪And I know that I've lost control♫♪
While savoring the sweet music and drowning in silent tears of my aching broken heart... may biglang humigit sa braso ko. May humigit sa akin palayo kay Jessie. And I was really surprised to see him, Matthew Torres that is.
♫♪This heart that I've followed♫♪
Has left me so hollow
That was then, this is now
♫♪Yeah, you have changed everything♫♪
Before I could even react, tinangay na niya ako palayo from everyone else. Hinigit niya ako palabas nung venue papunta dun sa garden kung saan rinig parin yung tugtog sa loob.
I'm irritated kasi basta na lang niya ako hinigit out of the blue, but also a little happy kasi hinigit niya ako. It kind of felt like he saved me from drowning.
"Bakit mo ko hinigit?" tanong ko sa kanya, looking straight at his face.
Umiwas siya ng tingin sa akin, ginulo ang buhok niya tapos tumungo. That pissed me off immediately.
"Wag mong sabihing hinigit mo na naman ako para magpabili ng fishball tulad nung isang beses? Madaling araw na Mr. Torres, wala ng nagtitinda ng fishball." sabi ko sa kanya in a really irritated tone.
Finally tumingin narin siya sa akin. Nakakainis kasi kahit inis na inis ako sa kanya, ang gwapo niya parin.
"Hindi kita hinigit nun dahil sa fishball, nagdahilan lang ako. I didn't think you would actually believe me. For someone smart Ms. Reyes, you're one hell of an idiot."
"Ano?" pinagtaasan ko na siya ng boses. He sounded so much like a jerk.
"Haay... iisa lang ang dahilan kung bakit kita hinigit ngayon at nung isang araw." Umiwas na naman siya ng tingin sa akin at tumungo. Binibwisit talaga ako ng isang to.
"Anong dahilan yun?" tanong ko habang lumalakad papalapit sa kanya pero hindi niya ako sinasagot, nakatungo parin siya. Well, this is freaking annoying.
"Ano nga sabing dahilan yun! Sumagot ka!" sinigawan ko na siya ng sobrang lakas, napatunhay siya dahil dun. Sobrang lapit na namin sa isa't isa. Magkaharap kami.
Lumunok muna siya bago sumagot ng mahina, "Nagseselos ako." Hindi ko siya masyadong narinig dahil mahina nga yung pagkakasabi niya at may tugtog pa sa paligid namin.
♫♪Every time I see your face♫♪
My heart takes off on a high speed chase
Now don't be scared, it's only love
♫♪That we're falling in♫♪
"Hindi ko marinig, lakasan m-"
"Takte Jannica, hindi pa ba obvious? Nagseselos ako!" siya naman ang nakasigaw sa akin ngayon. I felt irritated nung sinigawan niya ako pero mas nangibabaw yung pagkabigla ko. Nagseselos siya?
"Ba-bakit ka naman magseselos?"
"Ugh! Hindi ko alam kung manhid ka o talagang wala kang puso. Ilang beses ko ng sinabi sayo na gusto kita diba? Ilang beses ko ng pinamukha sayo na patay na patay ako sayo and now you're asking me why I'm jealous? Ugh Lord!" Nagulo na naman niya yung buhok niya looking so frustrated. Ngayon ko lang siya nakitang ganun.
Magsasalita sana ako pero naunahan niya ako.
"Alam kong kahit kailan hindi mo matatanggap tong nararamdaman ko, pero eto parin ako, minamahal ka kahit alam kong imposibleng mahalin mo rin ako. Damn I'm really hopeless." Tutungo na naman sana siya pero nagsalita ako.
"Sinong nagsabing imposible kitang mahalin idiot?"
"Huh?"
"I was planning to confess to you months ago! Balak ko narin sanang sabihin na mahal kita, but I saw you confessing to another girl. You jerk! Pagkatapos mong sabihing mahal mo ako, ilang araw lang makalipas may babae ka na agad tinatanong at inaask na maging girlfriend mo! You worthless jerk!" Pinalo ko siya pero hinawakan niya ang kamay ko.
"I asked a girl to be my girlfriend? Kailan? Wala akong alam dun!"
"Nasa isang room kayo nun! Nung una galit sayo yung babae kasi akala niya may mahal kang iba, sabi niya sayo wag ka ng maging mabait sa kanya kasi nahuhulog lang siya lalo sayo pero sabi mo mahal mo na siya, siya na yung mahal mo, then you asked her to be your girlfriend. Yung babaeng mahaba ang buhok, hindi ba girlfriend mo na ang babaeng yun?!"
I was expecting a serious response pero, he just bursted out laughing.
"Hahahahaha! hahahaha!"
"Hoy hindi yun nakakatawa huh! You jerk! Napaka jerk mo talag--" Hinawakan na naman niya yung kamay ko when I was about to hit him.
"We were just practicing our dialogues for a skit at that time. She's not my girlfriend." sabi niya. Natigilan ako.
"Oh." yan na lang ang naisagot ko. So that was it? I cried because I misunderstood? What the hell?
"Well I guess it's meaningless now huh? It's too late for us I guess. May boyfriend ka na eh. Yung Jessie na yun na mas gwapo ako ng ilang milyong beses."
"Huh? Si Jessie? Hindi ko siya boyfriend."
"I saw you saying I love you to him and hugging him too noon sa study table. Madalas kayong magkasama at tinutugtugan ka pa niya ng gitara."
"He's teaching me how to play a song para sa pagsosorry ko kila Tracy. I hugged and said I love you to him dahil sa sobrang tuwa dahil finally natuto akong tumugtog nung gusto kong tugtugin."
"Oh." yun lang din ang naisagot niya. So all this time, akala namin may syota ang isa't isa, when in fact we just misunderstood one situation after another?
~Dead air~
Ilang segundo ng katahimikan ang dumaan with us only hearing the sound of music coming inside the venue.
♫♪I would never do you wrong♫♪
Or let you down or lead you on
Don't look down, it's only love
♫♪Baby, that we're falling in♫♪
"So we didn't talk for months dahil sa maling akala?" sabi ni Matthew out of the blue habang nakatingin sa kawalan.
"Yeah." sagot ko habang nakatingin rin sa kawalan.
"We're idiots." sabi pa niya.
"Yeah." I agreed, that's exactly what I'm thinking. I cried for days because of a misunderstanding? Just what the hell! What the hell!
I'm so frustrated at myself na balak ko ng sabunutan yung sarili ko ng...
"Sayaw tayo?" biglang lumapit sa harapan ko si Matthew at hinaya yung kamay niya sa akin.
♫♪I'm standing in your driveway♫♪
It's midnight and I'm sideways
♫♪I have to find out if you feel the same♫♪
"I thought you wouldn't ask, jerk." sabi ko then I held his hand. Akala ko ilalagay niya yung kamay ko sa balikat niya pero bigla niya akong hinigit at niyakap ng mahigpit.
♫♪ Won't be easy, have my doubts too♫♪
But it's over without you
I'm just lost, incomplete
♫♪Yeah, you feel like home, home to me♫♪
"I love you!"/ "I love you..." nagkasabay pa kami ng pagsasalita. Natawa na lang tuloy kami pero at the same patulo na yung luha ko dahil sa sobrang tuwa.
♫♪Every time I see your face♫♪
My heart takes off on a high speed chase
Now don't be scared, it's only love
♫♪That we're falling in♫♪
Ilang segundo ang makalipas habang yakap yakap niya parin ako nagsalita ulit siya, "I love you Ms. Reyes."
"I love you too Mr. Torres." sagot ko without hesitation. I never thought I could say these words so freely, as if it was as natural as breathing for me.
♫♪I would never do you wrong♫♪
Or let you down or lead you on
Don't look down, it's only love
♫♪Baby, that we're falling in, falling in♫♪
"Hindi mo alam kung gaano ako kasayang malaman na hindi mo boyfriend yung Jessie na yun na mas gwapo ako ng ilang milyong beses. I love you. I love you Jannica." bulong niya pa, mas humigpit pa yung yakap niya sa akin.
Hindi na ako nakasagot. I hugged him back and then I started crying very loud, parang isang papansing bata.
♫♪All those nights I stayed awake♫♪
Thinking of all the ways to make you mine
All of those smiles will never fade
♫♪Never run out of ways to blow my mind♫♪
Hinimas-himas niya yung likod ko as if comforting me, well it did comforted me. It felt so damn nice.
"Ganito pala kasarap ma inlove. Haay! Bakit kasi kailan lang kita kinilala!" sigaw niya.
"Ikaw eh, bakit kasi kailan ka lang nagkaron ng taste." pabiro kong sabi sa kanya, natawa naman siya ng konti.
♫♪Every time I see your face♫♪
My heart takes off on a high speed chase
Now don't be scared, it's only love
♫♪That we're falling in♫♪
♫♪ I would never do you wrong♫♪
Or let you down or lead you on
Now don't look down, it's only love
Baby, that we're falling in
Don't be scared, it's only love
♫♪Baby, that we're falling in♫♪
He held me inside his arms until the song ended. Those minutes I spent inside his arms were the most precious minutes of my life.
"Mr. Torres..."
"Hmm?"
"Available parin ba yung benefits na inooffer mo pag pumayag akong maging girlfriend mo?"
"Haha oo naman."
"Kung ganun... simulan mo ng mag-ipon. Simula ngayong araw, mauubos ang pera mo sakin sa fishball."
Napaalis siya sa pagyakap sa akin pagkasabi ko nun.
"Ibig mong sabihin... ibig mong sabihin... girlfriend na kita? Tayo na?"
Tumango lang ako sa kanya. Ngumiti siya ng pagkalaki-laki at niyakap na naman niya ako.
"Lord salamat! Salamat po! Salamat!" sigaw niya habang halos mapisa na ako sa pagkakayakap.
Habang nagsisisigaw siya dun saying how thankful he is, naibulong ko na lang to sa sarili ko...
"Ma, tama ka, it's worth it. I found it ma. I found the one thing that's worth hurting for."
Pagkabalik namin ni Matthew sa venue, nasalubong agad namin yung three idiot friends ko.
"Anong nangyari sa inyo?" -Tracy
"Bakit nawala kayo?" -Roxy
"Matthew pinaiyak mo na naman ba ang kaibigan namin?" -Jovz
Nginitian lang namin sila ni Matthew at nilampasan, pero natigil kami ng paglalakad nung sumigaw silang tatlo, "Ano nga kasing nangyari sa inyo!"
Humarap kami ni Matthew sa kanila.
"Wala naman. Wala namang nangyari." sabi ko, giving them a naughty smile.
"Wala namang nangyari. Naging kami lang." sabi ni Matthew, hinawakan niya yung kamay ko at tinaas yun para ipakita sa kanilang tatlo.
"Kyaaaaaah! Magkwento kayo!" sigaw nila.
"Next time na lang!" sigaw ko, hinigit ko na si Matthew palayo sa kanila.
"Ang daya mo talaga Jannica, bumalik ka dito!" sigaw nila, hinahabol nila kami.
Hay, no words can describe how much happiness I felt at that night.
That is the night, that I, Jannica Reyes, finally found true love and yeah, I willingly let it in. I let it in this time, and it felt so damn right.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top