CHAPTER 6- STUCK
CHAPTER 6- STUCK
HER POV
Habang naglalakad ako palayo sa kanya, hindi ko maintindihan kung bakit ang bigat ng mga hakbang ko. Gusto ng utak ko na lumakad ako ng mabilis para mawala na sya sa paningin ko, pero may kumokontra sa loob ko na gustong pabagalin yung paglalakad ko at umaasang hahabulin at pipigilan nya ako. Ganun ang nararamdaman ko habang lumalakad ako ngayon. Ang bigat ng pakiramdam ng dibdib ko. Sobrang sikip. Hinawakan ko na lang yun para maibsan yung sakit.
"Jannica! Jannica hintayin mo kami!" Narinig kong tawag nila Tracy, hinabol nila ako. Hindi ko sila nilingon at mas binilisan ko pa ang lakad, pero nakahabol sila sa akin at hinawakan ako, kaya natigil ako sa paglalakad.
"Jannica, nag effort yung tao oh. Alam mo bang excited na excited sya ngayong araw na to?" -Tracy.
"So?"
"Jannica, nakiusap pa syang tulungan namin sya para dun sa surprise nyang yun. Sobrang nag effort talaga si Matthew. Jannica, sincere talaga sya sayo." -Jovz.
"Wala akong pakialam."
"Jannica, alam mo--"
"Kahit ano pang sabihin nyo, hindi na magbabago ang desisyon ko. Kaya bitawan niyo na ako. Pagod ako, gusto ko ng umuwi." Tinanggal ko na ang kapit nila sa akin at sumakay na dun sa jeep na tumigil sa tapat namin. Iniwan ko na silang tatlo dun na nakatingin lang sa akin. Ang kukulit talaga nila. Lalo nilang ginugulo ang isip ko.
Pag dating ko sa bahay, agad akong nagkulong sa kwarto ko. Tinatry tawagan nila Tracy yung phone ko pero di ko sinasagot. Tinadtad narin nila ako ng texts, pero hindi ko binabasa. Dahil sa ang ingay ng cellphone ko, pinatay ko na lang yun tapos sumalampak na ako sa kama.
"Tama yung ginawa mo Jannica. Kung magpapadala ka sa nararamdaman mo, mas masasaktan ka lang. Yang sakit na nararamdaman mo ngayon, walang wala kumpara sa sakit na mararamdaman mo kung pinapasok mo ng tuluyan ang lalaking yun sa buhay mo. Kaya tama lang yan Jannica, tama lang yung ginawa mo." sabi ko na sa sarili ko.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising lang ako nung tinawag na ako nila tita para kumaen na ng hapunan.
"Jannica, bakit hindi mo ginagalaw ang pagkaen mo? May sakit ka ba?" sabi ni tita. Hinipo niya yung noo ko.
"Wala po tita, wala lang po talaga akong gana."
"Kumaen ka parin kahit konti ok? Mag-aalala ang mama mo pag nagkasakit ka."
"Opo." Pinilit ko na lang kumaen kahit na wala akong gana. Bakit ba ganto ako kadepress?
Pagkatapos naming kumaen pumasok na ulit ako sa kwarto. Pinipilit kong matulog, pero hindi ako makatulog. Binuksan ko yung fb, pero pinatay ko rin agad. Masyado na ata akong nasanay na kausap yung Matthew na yun sa Fb o Skype gabi gabi kaya parang gusto ko syang kausapin nung makita kong online sya, buti na lang napigilan ko yung sarili ko.
Tinanggal ko na sa buhok ko yung ponytail na heart na binigay nya sa akin kanina, pinagmasdan ko yun. Gusto kong itapon pero hindi ko magawa. Bakit hindi ko magawa?
Panalo ako sa deal. Natapakan ko na ang pride ng mayabang na Matthew na yun. Tapos na ang mga nakakabwisit na mga araw ko bilang girlfriend nya. I have always expected na isa to sa magiging pinaka masayang araw ng buhay ko pero nagkamali pala ako. Bakit ang lungkot lungkot ko na parang may gustong kumawalang luha mula sa mga mata ko ngayon?
XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX
Kinabukasan...
Papasok na ako sa gate ng school pero napatigil ako dun sa may parte kung saan ako lageng hinihintay nung Matthew na yun tuwing umaga. Nasanay na siguro akong nakikita sya dun tuwing umaga kaya pakiramdam ko may mali nang madatnan kong bakante yun ngayon. Inalog ko na lang yung ulo ko at nagtuloy tuloy na ulit sa paglalakad.
Pagpasok ko ng classroom as expected nagsimula na naman sila Tracy ng pangungulit sakin pero hindi ko na lang sila inimikan. Ibinaon ko na lang yung mukha ko sa textbook.
Lunch na kami ngayon. Mukhang napagod narin sila Tracy sa pangungulit sa akin kaya tahimik na lang silang naglakad sa likod ko habang papunta kami ng canteen. Pero habang naglalakad kami sa hallway, nakita ko sya, si Matthew Torres. Naglalakad sya papunta sa direksyon ko.
Hindi ko maintindihan kung bakit hindi mapakali ang puso ko. Gusto kong umiwas ng daan, pero naisip ko, bakit naman ako iiwas? Hindi ako dapat umiwas. Kaya naman nagtuloy na lang din ako sa paglalakad.
Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko habang mas lumalapit yung distansya namin sa isa't isa. Pero nung magkatapat kami, I tried hard to act as if I don't see him at all. Nilampasan lang namin ang isa't isa. Para na lang ulit kaming hangin na dalawa, katulad nung dati, nung wala pa yung pesteng deal.
Medyo nakahinga ako ng maluwag nung nakadaan na sya. Pero napatigil ako sa paglalakad dahil pakiramdam ko mas bumigat yung dibdib ko. Bakit ganito?
"Ui Jannica, ganto na lang ba talaga kayo ni Matthew? Hindi na ba talaga kayo magpapansinan?"-Tracy.
Tiningnan ko lang si Tracy at hindi na ako sumagot. Lumakad na lang ulit ako.
Pagkatapos naming kumaen ng lunch, tumambay na muna kami sa study table kasi one hour vacant pa kami. At sinasabi ko na nga ba, magsisimula na naman yung tatlo sa pangungumbinsi sa akin tungkol kay Matthew. Naiinis na ako.
"Jannica, pansinin mo naman kami!" -Tracy.
"Sumagot ka naman oh!" -Jovz.
"Jannica naman eh!" -Roxy.
"Ayaw mo talaga kaming kausapin huh? Akin na to!" Biglang hinablot sa akin ni Tracy yung nirereview kong hand out para sa susunod naming subject at dahil dun napuno na talaga ako.
"Akin na nga yan! Hindi na ako natutuwa! Kung gusto niyo talaga yung Matthew Torres na yun, edi syotain nyo sya! Wag niyo kong idamay!" sigaw ko sabay hablot kay Tracy nung hand out ko.
"Jannic--"
"Tigilan niyo na ako! Hindi ako katulad nyo, iba ako! Kaya please lang, tantanan niyo na ako."
"Paano ka naman naiba sa amin?" -Jovz.
"Oo nga, tao rin naman kam--" -Roxy
"Hindi ako kasing bobo niyo!" sigaw ko, ang init na kasi talaga ng ulo ko.
"Anong sabi mo?" -Tracy.
"Hindi ako kasing bobo nyo na handang magpakatanga para sa lalaki."
"Ano?" -Tracy
"Porket gwapo yung Matthew na yun, talagang gagawin niyo lahat para sa kanya? Kung gusto niyo sya, wag nyo sya ipagpilitan sa akin. Kung gusto niyo sya go! Pero don't expect me to act as stupid as you! Hindi ako kasing desperada nyo!" sigaw ko pa, natigilan sila, pati ako, hindi ko inexpect na masasabi ko yun.
"Sumosobra ka na Janni--" susugurin na sana ako ni Jovz pero hinawakan sya ni Tracy at Roxy.
"Gusto namin si Matthew, hindi dahil gwapo sya, kung hindi dahil nakita namin kung gaano sya ka sincere sayo. Pinipilit naming baguhin yung desisyon mo, hindi para kay Matthew, kung hindi para sayo. Gusto ka lang naming maging masaya Jannica. Hindi naman namin akalain na minamasama mo na pala. Well sorry huh? Sorry kung hindi kami kasing talino mo. Sorry kung masyado kaming desperada. Sorry. Sorry sa pagiging concern sayo." -Tracy.
"Hi-hindi ko sinasadyang--"
"Alam mo Jannica, normal lang sa umiibig ang pagdaan sa denial stage pero ikaw, na stuck na ata sa stage na yun. Galaw galaw rin pag may time. Determinado ka ba talagang tumandang dalaga? Tara na nga Jovz, Tracy, nagawa na natin lahat ng pwede nating gawin." Hinigit na ni Roxy si Jovz at Tracy, naglakad na sila palayo sakin.
I tried to approach them nung matapos na yung klase namin pero hindi nila ako pinansin. Mag isa lang tuloy akong umuwi ng araw na yun. I tried texting them pag dating ko sa bahay pero hindi sila sumasagot. Naiiyak na ako. Mabigat na nga yung dibdib ko, mas bumigat pa ngayon.
XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX
Kinabukasan...
Hindi parin ako pinapansin nila Tracy hanggang ngayon. Kaya mag-isa tuloy akong kumaen ng lunch. Mag-isa rin akong nakatambay ngayon sa study table, hindi ko alam kung saan sila tumambay.
Pinilit ko na lang ituon yung isip ko sa pagrereview pero walang pumapasok sa utak ko. Sobrang bigat ng loob ko. Ngayon lang kasi kami nagkagalit ng ganto. Tinititigan ko na lang yung reviewer, hindi ko na magawang basahin. Unti-unti lumalabo na yung paningin ko dahil naupuno na ng luha yung mga mata ko. Kahit ilang beses kong itanggi na malungkot ako, ayaw maniwala ng sistema ko.
Patulo na yung luha ko sa reviewer na hawak ko ng may biglang humigit nun.
"Mababasa yung reviewer mo anu bang ginagawa mo? Oh ito." Nakita ko sa harapan ko si Matthew Torres na ngayon eh inaabutan ako ng panyo. Hindi ko kinuha yung panyo nya. Umiwas lang ako ng tingin tapos pinunasan ko na yung luha ko.
"I'm sorry. Nagka away away pa ata kayo nila Tracy dahil sakin." sabi nya.
"Wag kang mag sorry. Wala kang kasalanan. Labas ka dun. Aalis na ako." Lalakad na sana ako paalis pero hinawakan nya ang braso ko.
"Isang araw ko palang tinry na iwasan ka at magpanggap na hindi ka dumating sa buhay ko, isang araw lang pero halos mabaliw ako Jannica. Wala akong maisip kung hindi ikaw, kaya Jannica, hindi ba talaga pwede? Hindi ba talaga pwede yung hinihiling ko?"
Unti unti akong humarap sa kanya tapos umiling. Pagkatapos nun unti-unti ng lumuwag yung hawak nya sa akin.
Hindi ko alam kung bakit may tumulo na namang luha sa mata ko. Pupunasan na sana nya yung luha ko pero tinabig ko yung kamay nyang may hawak na panyo. Nalaglag yung panyo sa lupa.
"Anu bang ginagawa mo? Diba sabi ko sayo nung huli, stay the hell away from me?! Bakit hindi mo yun maintindihan?" Lalo pang tumulo yung mga luha ko habang sinasabi ko yan, ang sakit, ang sakit sakit ng puso ko ngayon.
Hindi sya sumagot. Bagkus ay lumapit pa sya sa akin at akmang pupunasan na naman ang mga luha ko this time gamit naman ang mga kamay nya, pero muli, tinabig ko na naman yun.
"Anu ba? Sabi ko, I want you out of my life! I want you out of my life Matthew!" sigaw ko pero parang wala syang naririnig, lalapit na naman sya para punasan yung mga luha ko. Tinulak ko na sya para mapalayo sya sa akin.
"Tapos na ang deal natin, wala na akong pakialam sayo. Kung gusto mo ako, problema mo na yun! Hindi kita kailangan sa buhay ko! At ito, mas lalong hindi ko kailangan to." Kinuha ko yung ponytail na heart na binigay nya sa akin nung isang araw at tinapon yun sa may paanan nya.
"Sumosobra ka ng babae k--" Ang bilis ng pangyayari, bigla na lang akong susugurin nung babaeng mahaba ang buhok, yung babaeng nagtapon sakin ng juice dati sa canteen. Sasampalin na sana nya ako pero nahawakan ni Matthew ang kamay nya.
"Marj, tama na." -Matthew.
"Pero Matthew--"
"Tama na sabi!" sigaw ni Matthew, tumungo na lang yung babae.
Pinulot ni Matthew yung ponytail na tinapon ko, "You hate me that much na kahit tong ponytail na to, ayaw mo ring tanggapin? Ok, I see. I'll leave you alone then Ms. Reyes. Hindi rin naman talaga ako yung tipong naghahabol. Hindi ko rin alam ang nangyari sakin, why did I even try pathetically pursuing you." Iniwas na niya yung naghihinanakit niyang mga mata mula sa akin.
"Tara na Marj." sabi niya dun sa Marj, hinigit niya yun at naglakad na sila palayo. Tumigil sila dun sa tapat nung isang trashcan at nakita kong tinapon nya yung ponytail dun. Napa upo na lang ulit ako dun sa may study table at sumubsob dun at nag iyak.
I wanted to say I love you to him, pero my principles just won't let me. I wanted to say I love you to him, pero natatakot ako na pag sinabi ko yun, I'll be putting myself in danger, I'll be opening myself to a greater risk of getting hurt.
Takot akong masaktan katulad ng nangyari sa mama ko. Takot akong umiyak at masaktan dahil sa isang lalaki kaya pilit kong tinatanggihan ang bagay na alam kong gusto ko. Pinilit kong tinanggihan, tinanggihan ko hanggang sa huli. Tinanggihan ko naman diba? Kung ganun, bakit umiiyak parin ako at nasasaktan dahil sa isang lalaki? Bakit? Bakit ganito?
Akala ko tama yung desisyon ko to just let him got away, pero bakit ngayon, pakiramdam ko, yun na ang pinakamaling bagay na ginawa ko?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top