CHAPTER 3- FALLING....
CHAPTER 3- FALLING....
HER POV
Papasok na naman ako sa school. Nakakatamad. Although magppractice lang kami para sa performance namin sa acquaintance party at mag aayos ng decorations, tinatamad parin ako. Kasi, ibig sabihin, makikita ko na naman yung Matthew Torres na yun. Sana hindi niya ako iritahin masyado ngayong araw.
Naglalakad ako papasok ng gate ng school ng...
"Aw ang sakit!" Biglang may sumigaw nyan mula sa likod ko kaya naman napatigil ako at napaharap dun sa sumigaw.
"Mr. Torres? Anung nangyari sayo?" Nakita ko si Matthew na nakahawak pa sa may dibdib nya na akala mo nasaktan dun.
"Ang sakit ng puso ko baby."
"May sakit ka sa puso? pumunta kang clinic. Sige mauna na ak--" Aalis na sana ako pero bigla nyang hinawakan yung kamay ko.
"Anu ba yan, di man lang tinanong sakin kung bakit." pagmamaktol niya.
"Oh edi bakit?" walang gana kong tanong, mapag bigyan lang siya.
"Eh kasi kanina pa kita hinihintay dito sa harap ng gate tapos nilampasan mo lang ako. Masakit yun baby."
"Sino bang may sabi sayong hintayin mo ko? Tsaka hindi ko kasalanan kung hindi ka kapansin pansin."
"Ang cold mo talaga kahit kailan baby. Tsaka anung hindi kapansin pansin, hindi mo ba nakikita kung gaano karaming babae ang nakatingin sa atin ngayon?" sabi nya. Napatingin ako sa paligid namin, oo nga tama sya. Aang dami nga talagang nakatingin sa amin ngayon.
"Bilisan mo na nga lang maglakad!" Hinigit ko na siya, ayoko ng pagitinginan pa ng iba.
"Ok baby." sagot niya na may kasamang sobrang lapad na ngiti.
"Bakit ang laki ng ngiti mo?"
"Eh kasi hindi mo tinatanggal yung kapit ko sa kamay mo. Hindi ka na nagrereklamo." Pagkasabi niya nun noon ko lang din napansin, napatingin ako sa kamay naming magkahawak at...
"Bi-bitawan mo nga ang kamay ko!" sigaw ko.
"Late reaction? haha. Sorry baby, kahit anung gawin mo di ko bibitawan ang kamay mo."
"Bahala ka nga!"
Naglakad na nga lang kami papunta sa gymnasium. Lahat naman kasi ng highschool kahit anung year eh dun dapat pumunta sa gym dahil nga sa preparations para sa acquaintance party.
Pag dating namin dun sa gym...
"Matthew! Himala tol, ang aga mo ngayon!" sabi samin ng isang lalaki, kaklase ata ni Matthew.
"Nahanap ko na kasi yung sagot sa tanong ng nescafe pare." sagot ni Matthew. Anu daw?
"Huh? Anung sinasabi mo Matthew?" naguguluhang tanong nung lalaki.
"Bakit ka bumabangon ng maaga? Nahanap ko na yung sagot sa tanung na yun, at siya yun." Tinuro ako ni Matthew -__-
"Hahaha! Hanep ka talaga tol!"
"Babanat na nga lang mali pa." epal ko sa kanila.
"Anung mali dun?" tanong ni Matthew.
"Ang tanong sa nescafe, bakit ka bumabangon sa umaga! Hindi bakit ka bumabangon ng maaga!"
Pagkasabi ko nun, napakamot sya sa ulo tapos, "O-oo nga no? hehe. Pero aminin mo, kinilig ka naman dun diba?" sabi niya.
"Yeah right. Dyan ka na nga sa mga kaklase mo, pupunta na ako dun sa mga kaklase ko, aasikasuhin na namin yung decorations."
"Ok baby. Wag ka masyado magpagod!" sigaw nya kahit nakatalikod na ako at naglalakad palayo.
Nagtuloy tuloy na lang ako dun sa mga kaklase ko at nagsimula na kaming mag pintura at mag ayos nung mga gagamiting decorations sa stage.
Nakakapagod mag ayos ng decorations in fairness. Pawis na pawis na ako at and dumi dumi ko na dahil sa pintura. Buti pa sila Tracy in charge lang sa games.
Habang nagpipintura ako, grabe tumutulo na yung pawis ko. Sobrang init! Tapos itong buhok ko nakalimutan ko pang itali, sagabal sa pagpipintura ko. Gusto kong itali kaso ang dumi ng kamay ko dahil sa pintura.
"Ah aalis muna ako, maghuhugas lang ako ng kamay itatali ko lang yung buho--"
"Ako na ang magtatali baby." Biglang may umimik sa likod ko. Napansin kong parang namula yung mga kasama kong babae sa decorations. Pag tingin ko sa likod...
"A-anung ginagawa mo dito?" Nakita ko si Matthew.
"Break kasi namin sa pagpapractice ng sayaw kaya naisip kong puntahan ka. Nahihirapan ka sa buhok mo no? Akin na yung pantali mo, itatali ko."
"Pero--"
"Akin na nga kasi." Hindi pa man ako pumapayag, kinuha na nya yung pantali ko sa buhok na nakasuot sa braso ko tapos pumosisyon sya sa likod ko.
"Hindi mo na naman kailangang gawin yan kaya ko na nam--"
"Gusto kong gawin to kaya gagawin ko."
"Pe-pero marunong ka ba naman? Baka magmukha akong ewan huh? Patay ka sakin."
"Hahaha hindi, marunong ako neto. Madalas kong tinatalian yung buhok nung babae kong kapatid."
"Bakit ikaw ang nagtatali ng buhok nya? Bading ka ba?"
"Haha hindi. Kasi... hindi nya kayang itali yun ng sarili nya at wala naman si mama para itali yun para sa kanya." Hindi ko alam kung bakit parang may kakaiba dun sa pagsasabi nya nun.
"Oh ayan tapos na. Pwede ka na ulit magpintura." sabi pa nya.
"Matthew practice na daw ulit!" sigaw nung isang babae.
"Baby practice na daw kami, kita na lang ulit tayo mamaya." Tatakbo na sana sya paalis pero bigla syang bumalik.
Humarap siya sa akin.
"Anu pang kailangan m--" Bigla syang may nilabas na panyo mula sa bulsa niya tapos pinunasan nya yung pawis ko.
"Pawis na pawis ka na. Sa susunod magdala ka nga ng panyo. Sayo na lang to. Wag ka mag alala, di ko pa yan naipupunas sakin. Geh bye na talaga baby. Mamaya na lang ulit!" Nagtatakbo na sya palayo pag abot nya sa akin nung panyo. Naiwan naman akong nakatulala dun.
"Ba-baliw... baliw ka." sabi ko na lang habang nakatingin sa panyong binigay nya. Bumalik na lang ako sa pagpipintura at napansin kong mga naka ngisi sakin yung mga kasama ko sa decorations. Sabi nila naiinggit daw sila sa akin.
Anung nakaka inggit dun? I'm sure ginagawa nya yun sa lahat ng babae nya. Yung playboy na yun, hindi ko hahayaang maapektuhan ako ng charms nya! Hindi talaga! Although pag iniisip ko yung pagtatali nya sa buhok ko, yung pag punas nya sa pawis ko, hindi ko malaman kung bakit umiinit yung mukha ko at bumibilis yung tibok ng puso ko. Bwisit.
Sa wakas lunch time narin. Break na muna kami sa pag gawa ng decorations. Kaso wala akong kasabay ngayon sa pagkaen, wala kasi yung tatlo, si Tracy, Roxy at Jovz.. May kailangan daw silang bilhin na materials para dun sa games sa acquaintance kaya ayun umalis sila, naiwan tuloy ako.
Naglalakad na ako palabas nung gym nang...
"Huli ka!" May biglang humawak sakin mula sa likod.
"Kyaaaaaaaah!" napasigaw tuloy ako.
"Hahahaha!" Tawang tawa si Matthew nung makita ko.
"Ikaw?"
"Hahaha ako nga baby!"
"Bakit ba para kang kabute? Bigla bigla ka na lang sumusulpot!"
"Eh ikaw eh, lage mo kong iniiwan. Hindi mo man lang ako hinintay, nagpalit lang ako ng damit. Anung klase kang girlfriend?"
"Sus ang arte mo. Kung gusto mong sumabay sakin simulan mo ng maglakad, gutom na ako."
"Akala ko ayaw mo akong kasabay baby?"
"No choice eh, wala sila Tracy."
"Bakit?"
"Haaaaaaaay! Umalis dahil may bibilhin para sa games bukas, committee on games sila eh."
"So meaning tayo lang dalawa ang magkasabay ngayon?"
"May nakikita ka pa bang iba?"
"Baby talaga ang hilig mamilosopo."
"Tch."
"Meaning, para tayong magdedate?"
"A-anung date? Kakaen lang tayo ng lunch!"
"Exactly. Kakaen ng lunch... parang date!"
"E-ewan ko sayo! Iiwan na nga kita dyan." Binilisan ko na ang paglalakad.
"Hoy baby teka lang! Wag mong iwan ang date mo!"
"Hindi nga sabi tayo magdedate eh!" sigaw ko.
Pagkatapos naming mag date-- e-este lunch, (anu ba yan nahahawa na ako sa Matthew na yun -__-) bumalik na ulit kami sa gym. Magpapractice na ulit sya ng sayaw kasi kasali sya sa dance troup habang ako naman balik sa decorations.
Natigil lang kami sa pag aayos ng decors nung nagsimula ng pumosisyon yung dance troup sa may stage. Nagsimula narin yung tugtog. Final rehearsal na ata nila to para sa araw na to. In fairness, magaling talagang sumayaw yung mokong na Matthew Torres. Napanood ko na sya minsang sumayaw pero inaantok ako nung mga oras na yun kaya di ko sya masyadong napansin. Pero ngayon... I hate to admit this but... ngayon, naiintindihan ko na kung bakit ang daming babaeng nagkakandarapa sa kanya. He looked so hot out there. Iba yung dating nya pag sumasayaw. I might say he look 10 times hotter when he's dancing.
Nagtama ang mata namin habang pinapanood ko siya. Bigla nya akong kinindatan. Napatingin naman sakin yung ibang babaeng nanonood sa kanya. And as a reflex, bigla na lang akong tumalikod at tinuloy ko na yung ginagawa namin sa decorations.
Baliw talaga sya. Babaero talaga kahit kailan. Feeling naman nya ang gwapo nya pag kumikindat sya! Ang bilis tuloy ng tibok ng puso ko. Bumilis siguro sa sobrang kahihiyan. Pinagtitinginan ako lage ng mga tao dahil sa kanya.
XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX
The next day...
Ganun na naman ang set up. Hinintay na naman nya ako sa may gate at sabay na naman kaming pumasok sa gym. Nag pratice ulit sya, bagong sayaw naman ata. Dalawa kasi ata yung sasayawin nila. Kami naman sinimulan ng mag set up nung ginawa naming decorations sa stage, kinabukasan kasi acquaintance party na.
Matrabaho talaga, madami kaming ginagawa. Namimiss ko na nga rin yung tatlo kong idiot na kaibigan, nakakamiss ang kaingayan nila. In fairness seryoso sila sa game preparations huh, akalain mo yun.
After namin mag set up, sabi nung leader namin magpahinga daw muna kami. Kaya naupo muna ako dun sa isang bench dun sa gym. Pero ilang saglit ang lumipas, may biglang tumabi sa akin. Sino pa nga ba?
"Hey baby nag iisa ka." -Matthew.
"Anu naman sayo?"
"Wala lang. Suplada mo talaga."
"Ikaw, akala ko suplado ka, but you're acting way too familiar."
"It's because I'm your boyfriend."
"Boyfriend sa deal."
"Pero boyfriend parin hindi ba?"
"What ever."
"Fourth year ka na diba? Malapit ka naring gumraduate, ilang months na lang."
"Sus matagal pa yun."
"Anung kukuhanin mong course sa college?"
"Hindi ko pa alam eh."
"Bakit hindi mo pa alam?"
"Eh sa hindi ko pa naiisip eh!"
"Hahaha. Ok ok. Chill kagalang galang na Jannica."
"Walang originality."
"Haha. Ako, gusto ko sanang mag PMA, maging sundalo tulad ng tatay ko. Kaso naisip ko wag na lang pala."
"Bakit?"
"Kasi... ayokong iwan si mama at ang kapatid ko. Iniwan na nga sila ni papa eh tapos susunod pa ako diba?"
"Saan ba pumunta ang papa mo?" Pag kasabi ko nun natigilan sya. Humarap sa akin tapos ginulo niya yung buhok ko.
"Haha, anu ba yang utak mo? Kakaiba talaga ang takbo.." sabi nya.
"Bakit?"
"Wala wala. Tinatanong mo kung saan pumunta ang papa ko? Sa langit, malamang dun sya pumunta. Sya ang pinaka mabait na tatay, pinaka matapang, ang pinaka hinahanggaan ko sa lahat."
Teka... ibig sabihin...
"Wa-wala na ang tatay mo?"
"Oo. He died on duty. I was 10 when he died."
"I- Im sorry."
"Ok lang. I wasn't that sad."
"Bakit? Namatay ang papa mo pero hindi ka ganung kalungkot?"
"Well he died a great death, at sabi ni mama hindi nya pinagsisisihan na si papa ang minahal nya kahit saglit lang namin sya nakasama. Ako hindi rin ako nanghihinayang, he died for the country, and I'm really proud to be his son. Kaya nga I really wanted to become like him, pero pag iniisip ko sila mama at nung dumating yung kapatid ko, I guess mananatili na lang na pangarap yun. Isa pa may naisip narin akong mas magandang trabaho kaysa dun."
"Anu naman yun?"
"Gusto kong maging teacher."
"Teacher?! Ikaw?! hahaha! Ang galing mong mag joke!"
"Hindi nga, seryoso ako!"
"Weh?"
"Oo nga! Gusto kong maging teacher, teacher in special education."
"Special Education, meaning teacher ng mga special children?"
"Oo."
"Mahirap yun ah? Bakit yun pa? Seryoso ka?"
"Alam kong mahirap pero kakayanin ko yun. Kakayanin ko para sa kapatid ko."
"Huh?"
"My sister, she's special. She was born autistic." I didn't know how to respond. Ilang segundo bago ako nakasagot.
"Ow... I... I... see..."
"Pero hindi ko kinakahiya yun, mahal na mahal ko yung batang yun. Mahal na mahal ko sya kaya pinangako ko sa sarili ko na gagawin ko lahat para mapagaan ang buhay nya at matulungan sya. Aalagaan ko sya hangga't kaya ko."
Looking at him while he's saying those words, para bang hindi ko maisip na sya to. Parang ibang tao yung kausap ko ngayon. I just didn't realize na there's this side of him, a side of him this deep. I mean, masyado kasi syang care free, babaero, pag titingnan mo sya hindi mo iisipin na he has that sad background. Wala na syang tatay tapos kapatid nya special child. I mean, medyo mahirap yung sitwasyon nya. Pero here he is... ang saya saya nya parin tapos may plano na talaga sya sa buhay nya. Nakakatuwa lang isipin na ganto pala sya. Hindi naman pala sya ganun kasama.
"Ako, nung bata ako, alam mo kung anung pangarap kong maging?" sabi ko.
"Anu?"
"Maging fishball vendor!"
"Aha-ahahahahahaha! hahahahahaha!"
"Bakit ka tumatawa?"
"Eh kasi naman... we're in the middle of a serious talk, so I was expecting something serious yung isasagot mo tapos bigla mo kong dadalihan ng fishball vendor? Hahaha! Patawa to eh!"
"Hindi ako nagpapatawa no! Seryoso ako dun!"
"Talaga?"
"Oo nga."
"Haha sorry. Serious mode na nga ako serious n--ahahaha! Hindi ko talaga kaya! Naiimagine kitang fishball vendor, ahahaha! Nakakatawa!"
"Nakaka inis to! Dyan ka na ng--" Tatayo na sana ako at aalis pero bigla nya akong hinigit kaya napa upo ulit ako.
"Sorry na. Hindi na talaga ako tatawa."
"Promise?"
"Oo."
"Ok."
"Bakit nga fishball vendor ang gusto mong maging?"
"Huh? Eh kasi favorite ko ang fishball kahit bata palang ako tapos naisip ko, siguro ang sarap kung paglaki ko maging fishball vendor ako. Biruin mo nagkakapera na ako, tapos pwede pa akong kumaen kahit ilang fishball ang gustuhin ko habang nagtatrabaho! Maraming maraming fishball! Maraming maraming fishball."
"Ssorry... sabi ko hindi ako tatawa pero hahahahahahahahaha. Ahahahaha. So gusto mong maging tindera ng fishball para makakaen ka ng maraming fishball? Hahahaha!"
"Eh bata pa naman sabi ako nun eh! Syempre mababaw pa ang pag-iisip ko!"
"Ahahaha! So bata ka palang kakaiba na talaga ang takbo nyang utak mo? hahaha!'
"Arrrrrrg! Nakaka inis ka talaga! Sabi mo hindi ka tatawa! Bwisit dyan ka na talaga!' Tumayo na ako at naglakad palayo.
Kainis!
"Teka baby hintayin mo ko!" Hinabol naman nya ako.
"Sorry na baby!" sabi nya sabay akbay sa akin.
"Sorry mo mukha mo."
"Sorry na talaga. Ililibre na lang kitang fishball. Bati na tayo."
"Maraming fishball?"
"Oo."
"Ngayon na?"
"Oo."
"Ok."
Nag foodtrip na nga kami. Ang dame nyang biniling fishball kaya ngayon kumakaen kami nun sa gym.
Habang kumakaen kami...
"Salamat." sabi niya bigla.
"Bakit? Eh ikaw nga ang nanlibre."
"Hindi. Hindi yun. Salamat kasi pinatawa mo ko kanina."
"Mang aasar ka na nama--"
"Hindi. Hindi. It's just that, medyo malungkot ako ngayong araw."
"Malungkot ka pa pala nyan?"
"Hahaha, hindi ba halata? Siguro magaling lang ako magtago. Death anniversary kasi ngayon ni papa kaya medyo malungkot sa bahay."
"Ah... sorry hindi ko alam."
"Ok lang. Dahil sayo medyo sumaya na yung mood ko, nakatawa ako ng hindi pilit. Kaya salamat Jannica."
"Imbis na thank you, ibili mo na lang ako ng palamig, nakaka uhaw tong fishball eh. Manlilibre ka na nga lang hindi pa kumpleto, walang panulak." Again napatigil na naman sya para bang na amazed tapos ngumiti.
Ginulo yung buhok ko, "You're really different from other girls you know?" sabi nya.
"I know." sabi ko.
"Ok dyan ka lang baby. Palamig coming up!" sabi nya at nagtatakbo na palabas para bumili ng palamig.
Matthew Torres... mature in some ways but still very childish. One annoying bastard... but still... I can't help but like him. Well not in a romantic way ok? Like, meaning, I'm starting not to hate him, that's all.
-------------------------------------------------------------------------------------
HIS POV
Fishball vendor? Hahaha! kahit pauwi na ako sa bahaya natatawa parin ako dun. Sobrang seryoso pa nung itsura nya habang sinasabi yun. Hindi talaga pwedeng hindi ako matatawa pag kasama ko yung babaeng yun.
"Matth bakit ganyan ang itsura mo?" tanong ni Charles, nasa computer shop na ulit ako. Nakasimangot kasi ako.
"Hindi nag oonline si Jannica."
"Tol kasama mo lang sya kanina ah? Tsaka magkikita naman kayo bukas."
"Eh gusto ko syang kulitin ngayon eh."
"Tol tinatamaan ka na ata? Akala ko ba tuturuan mo syang mafall? Eh parang ikaw ang naffall eh!"
"Ako? hindi no! Masarap lang talaga asarin yung babaeng yun!. Pre alam mo ba, kanina, sabi nya gusto daw nyang maging fishball vendor! Grabe! Abnormal talaga! Akala ko abnormal na sya nung nakita ko syang mag sundance habang gabi at umuulan, mas mataas pa pala dun ang level ng pagka abnormal nya hahaha! Nakakatawa talaga! Ang seryoso ng usapan namin kanina tas dumali ng pagsasabi na gusto niyang maging fishball vendor! Haha. "
"Confirmed tsong."
"Anung confirmed Charles?"
"Tinamaan ka na tol."
"Hindi nga tol."
"Hindi daw. Eh puro bukang bibig mo Jannica, baby, nakakatawa sya, abnormal sya, alam mo si Jannica... puro ka Jannica! Hindi mo ba napapansin Matth? You were exactly like that with Marjorie! Dati puro si Marjorie ang nababanggit mo pero ngayon, Jannica na."
"Dahil lang yun sa lage kaming magkasama. Tsaka pag nakasama mo sya marami ka talagang maikkwento kasi nga kakaiba sya."
"Bahala ka tol kung anung gusto mong isipin. Basta sakin yun na yun. Alam mo ba tol, sabi sa Reader's Digest, the more na mas napapatawa ka ng isang tao, the more chances for you to fall in love with that person. Reader's Digest na ang nagsabi nun huh! And looking at you now... ikaw na lang ang bahalang humusga."
The more na mas napapatawa? the more na mas may chance na main love ka? Anung klaseng theory yun?
Inignore ko na lang ang mga gay quotes ni Charles at nagdota na lang ako. Nang magsawa ako sa DOTA, nag bukas ako ng facebook. At uy! Yes online sya! Sa wakas!
Ichachat ko palang sya nang...
Jannica Reyes: Matthew Torres, skype tayo. Sige na...
Matthew Torres: Bakit? Anung meron?
Jannica Reyes: Sige na please...
Matthew Torres: Sige na nga. Ibigay mo sakin username mo dun.
Sa di malamang dahilan, nag aya sya biglang mag Skype. Buti na lang maayos ang itsura ko ngayon, sabagay lage naman akong gwapo.
Pag bukas ko ng Skype account ko, nag video call na sya agad. Pag sagot ko, nakita ko, nakapa jama na sya, nakapantulog, may yapos pang pagong na stufftoy, nasa kwarto nya ata sya.
"Yak nasa computershop ka lang." bungad nya sakin. Wala man lang hello =__=
"Sorry, wala pa kaming internet connection sa bahay eh."
"Ang cheap mo naman."
"At talag--"
"Anyway, pwede mo ba akong kausapin hanggang mag alas dose ng madaling araw?"
"Huh? bakit? Acquaintance na buka--"
"Basta! Sige na! Boyfriend naman kita eh!"
"Oo na nga, may magagawa pa ba ako?!"
"Sasabihin mo sakin pag alas dose na dyan sayo huh?"
"Bakit ko sasabihin? Wala bang orasan yang computer mo? Meron naman ah!"
"Basta nga! Ang dami mo namang tanung eh! Basta sabihin mo na lang sakin pag alas dose na dyan sayo!"
"Oo na po boss."
"Ok salamat!"
Ang tagal na naming nag usap ng kung ano-anu. Hindi naman kami nauubusan ng pag uusapan eh. Kung san-san na nga napunta eh, kahit minsan wala ng sense haha. Minsan matatawa ka na lang sa mga kinekwento nya.
Nagtatakbo pa sya kanina kasi may lumilipad daw na ipis sa kwarto niya. Pinapatay nya pa dun sa tito nya, parang bata. Sobra ang tawa ko nung makita ko ang reaksyon nya pag balik sa harap ng computer nung mapatay na yung ipis.
"Walangyang ipis na yun T___T. Nakakatakot talaga T___T." Maluha-luha siya habang sinasabi yun sa harap ng webcam.
"May ipis pa sa likod mo!" sabi ko.
"Kyaaaaaaaaaaah!" Nag histerical na sya dun.
"Hahaha! Joke lang! joke lang!"
"Bwisit ka! Bwisit ka talaga!"
"Hahaha. Sorry na."
"Oy alas dose na. Lampas na nga eh. Hindi natin namalayan." sabi ko nung mapansin kong 12:10 am na sa screen ng computer.
"O-oo nga no? lampas 12 na rin sakin. Yes! Lampas 12 na pero buhay parin ako!" sigaw nya.
"Bakit ka naman mamamatay?"
"Eh kasi may nagpasa sakin ng chain message, pag hindi ko daw naipasa yung message sa 25 na tao mamamatay ako kinabukasan kasi dadalawin ako nung naghihiganting kaluluwa ng inalipustang bata!"
"Ch-chain message? Kaya ka nakipag Skype kasi baka dalawin ka nung kaluluwa nung naghihiganting inalipustang bata?"
"Ganun na nga. Nakakatakot mag isa sa kwarto eh. Hindi ko lang naman maipasa kasi wala na akong load eh kaya natakot talaga ako. Pero ngayon, in your face! Sabi ko na nga ba at hindi totoo yung mga chain message na yun eh! Wahaha! Buhay pa ako!"
"Sabi mo hindi totoo? Pero you actually believed it diba kaya nga nakipag Skype ka pa sakin magdamag?"
"Hi-hindi naman sa naniwala ako, mabuti na yung sigurado! Ah basta! Basta ang mahalaga buhay pa ako! Osya paano gabi na, bukas na lang. Kita na lang tayo. Bye Mr. Torres!"
"Teka wala man lang good--" Bago ko pa masabing "wala man lang good night" pinatay nya na yung Skype niya. Ayos talaga sya -___-
Pero...
"Aahhahahaha! Chain message? hahahaha! Palala talaga sya ng palala bawat araw! Ahahahahahaha! hindi ko mapigilang tumawa! Hahahaha! Hahahahahha---ha."
The more na mas napapatawa ka ng isang tao, the more na mas may chance na mainlove ka sa kanya. Bigla na lang pumasok sa utak ko yan.
Totoo nga ba yun? Is there really a chance that I'm falling in love with her?
Aaminin ko lately hindi ko na naiiisip si Marj. Tuwing matutulog ako ang iniisip ko, gusto ko na agad magising para makita ko sya, si Jannica. At ngayon, mas lalong lumakas yung want ko na yun. Gusto ko na syang makasama kahit kakatapos lang namin mag usap.
I was supposed to be the teacher right? I was supposed to be the one teaching her how to fall. And yet here I am... Here I am , learning to fall for her with each passing second. This is crazy.
-----------------------------------------------------------------
HER POV
Kinabukasan... Acquaintace Party na!
I wonder bakit kaya wala sya sa school gate ngayon? Teka bakit ko nga ba sya hinahanap? Dapat matuwa nga ako kasi hindi ko na sya kasabay.
"Hinahanap mo ko no?" Napatingin ako sa likod ko ng marinig ko yan. Nakita ko siya, unang beses to na natuwa akong makita siya.
"Hi-hindi no. Wag ka nga!"
"Hindi ka man lang nag good night sakin kagabi. Tinanghali ako ng gising dahil sayo."
"Ako pa sinisi mo. Puyat din naman ako ah? Pero hindi ako tinanghali."
" Pinuyat mo ko kakaisip sayo."
"Aung sabi mo?"
"Wala. Tara na lang dun sa gym baka magsimula na yung program." Hinigit na nya ako.
Ang dami ng tao pag dating namin dun sa gym. Nagpunta na sya sa mga classmates nya, ako naman sa mga classmates ko. Buti nakita ko agad sila Tracy.
Nagsimula na yung event. Nagperform narin sila Matthew. Kaya pala naka suit sya with matching tie kasi costume pala nila yun sa sayaw.
"Ang gwapo ni Matthew no Jannica?" -Tracy.
"Ang hot nya pag sumasayaw diba? aminin!" -Roxy.
"Diba sabi mo dati fascinated ka sa mga magagaling sumayaw? Ayan na oh, ang galing sumayaw ng boyfriend mo." -Jovz.
"Magsitigil nga kayo! Diba sabi ko sa inyo deal lang yun? Wala akong gusto sa kanya!"
"Sus." -silang tatlo.
"Bahala nga kayo dyan."
Nang matapos magsayaw sila Matthew nabigla ako nung imbis na sa classmates nya eh sa akin sya dumiretso tapos umupo sa tabi ko. Sila Tracy naman ngising aso habang papaalis kasi nga magpapa games na eh sila ang in charge dun.
"Ang pawis mo." sabi ko sa kanya.
"Kita mong sumayaw ako eh. Nakakapagod. Ayos ba yung sayaw ko? Ang daming sumisigaw na babae pero ikaw hindi ka man lang sumigaw."
"Bakit naman ako sisigaw?"
"Sabi ko nga, iba ka nga pala sa kanila. Haaaay, napagod talaga ako dun. Tapos puyat pa ako, nakaka antok. Patulog muna huh?" Bigla syang sumandal sa balikat ko.
"A-anu bang--"
"Sige na baby. Saglit lang ok?"
"Pero--"
"Please."
Hearing him said that in a really begging manner, hinayaan ko na lang sya kahit naiilang ako.
Bigla syang umimik.
"Sana hindi ka makagraduate." sabi niya na kinainis ko.
"Pagkatapos kitang hayaang sumandal sa balikat ko sasabihin mo sana wag ako makagraduate? Inaasar mo talaga ako! Umalis ka na ng--" Aalisin ko na sana yung ulo nya sa balikat ko pero natigilan ako nung nagsalita pa sya.
"Sana hindi ka makagraduate, para mas matagal pa kitang makasama. Sana mas matagal pa kitang makasama."
"A-anu bang sinasabi mo?"
Hindi na sya umimik pagtapos nun, tulog na siguro. Nananaginip ba sya nung sinabi niya yun? Baliw, baliw talaga.
Habang pinagmamasdan ko yung ulo nyang nakasandal sa balikat ko, I don't know why I suddenly got the urge to touch his hair. As i was touching it, habang hinahawakan ko yun at inaayos yung pagkakasandal nya sa akin...
"Uiiiiiiii..." Bigla kong nakita sila Tracy sa harap namin kaya naman...
"Dun ka na nga sa mga kaklase mo!" sigaw ko tapos tinulak ko na si Matthew.
"Baby naman! Tulog na ak--"
"Lumayo ka na sakin ang pawis mo! Ayokong mag amoy pawis! Dun ka na! Alis! Alis! Alis!"
"Okay. Okay. What wrong with you?" Tumayo na sya at umalis na kahit gulo gulo pa yung buhok nya. Mukhang nabwisit siya sa pagpapalayas ko.
Sila Tracy naman...
"Anu yun huh?" -Tracy.
"Naiinlove na sya." -Roxy.
"Hinawakan nya yung buhok ni Matthew." -Jovz.
"Tu-tumigil nga kayo! Hindi ako naiinlove sa kanya! Masyado kayong malisyosa!"
"Eh bakit namumula ka Jannica?" -silang tatlo.
"Arrrrrrrrrrrg! Tigilan niyo na nga ako!" sigaw ko.
Ano yun? Anong nangyari sakin kanina?
It's just that... nung marinig ko how he feels about me leaving, kung paano nya sinabing gusto niya pa akong makasama ng mas matagal... almost instinctively, kung hindi dumating sila Tracy... ssa tingin ko muntik ko ng masabing, "Gusto rin kitang makasama ng mas matagal."
Urgh! Hindi to pwede!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top