CHAPTER 10- Wrong Choices
CHAPTER 10- Wrong Choices
HER POV
The very next day pagkatapos kong makipagbreak dun sa jerk, gaya ng inaasahan, nagpunta s'ya sa bahay namin, pero hindi ko sya nilabas. Naghintay s'ya maghapon sa harap ng pintuan ng kwarto ko pero hindi ko talaga sya hinarap. Sabi ko pag hindi s'ya umalis hindi ako kakaen buong araw, kaya in the end bumalik narin s'ya sa lungga nya.
After that day, lumuwas na ulit ako sa Manila dahil may pasok na ulit ako. The whole week wala akong ginawa kung hindi mag-aral. Tinuon ko lahat ng atensyon ko sa reviewers, klase at projects ko. Dati tuwing weekend umuuwi ako sa probinsya namin, pero ngayong weekend sinabi ko kila tita na hindi muna ako uuwi. Nasa lugar na yun kasi yung jerk, yung jerk na kahit ano'ng pilit kong wag isipin, sumasagi at sumasagi parin sa utak ko, yung jerk na kahit ayokong iyakan, iniiyakan ko parin gabi-gabi.
"Jannica! May bisita ka sa labas!" sigaw nung landlady kaya agad akong napabangon sa kama. Pagbaba ko sa salas, nakita ko sya, ang mismong dahilan kung bakit hindi ako umuwi sa probinsya namin kahit Sabado ngayon.
"Mukhang hindi na kita matatakbuhan no?" sabi ko pagkalapit na pagkalapit ko sa kanya na naka upo sa isang upuan sa living room ng boarding house na tinutuluyan ko.
"Jannica mag usap tayo." sabi nya na agad tumayo pagkalapit ko.
"Dun tayo sa labas, maraming tao rito." sabi ko, sumunod naman sya sa akin.
Pumunta kami sa isang park malapit dun sa boarding house. Naka upo kami ngayon nung jerk sa swing.
"Jannica... sorry talaga kung hindi kita nasipot. Sorry, kasalanan ko." Eto na, eto na ang madramang part na iniiwasan ko tss.
"Tulad nga nung sabi ko sayo sa telepono, wala na yun sakin. Okay lang talaga." sagot ko. Hindi ako nakatingin sa kanya, diretso lang ang tingin ko habang nagsswing.
"Kung okay lang pala, bakit nakipagbreak ka sakin?" Napatigil ako sa pagduyan nung itanong n'ya yan. Seriously?
Tiningnan ko sya, kung kaya lang manaksak ng mata ko, sinaksak na sya nito, "Bakit nga ba? Bakit nga ba ako nakipagbreak sayo? Hmm... dahil lang ba sa hindi mo ako sinipot sa concert? dahil ba sa pinagmukha mo akong tanga kahihintay sa text mo? o dahil ba sa nasayang yung effort kong magpaganda ng gabing yun kasi yung pinagpagandahan ko hindi pumunta? Hmmm... bakit nga ba?"
"Ja--"
"Ah teka! Naalala ko na pala! Naalala ko na kung bakit nakipagbreak ako sayo!"
Huminga muna ako ng malalim bago ko itinuloy ang sasabihin ko, "Kaya ako nakipagbreak sayo kasi... kasi nung gabing yun, habang mag-isa akong naglalakad sa daan kasi wala ka, habang naglalakad ako dun at iniisip kung bakit kaya hindi mo ako sinipot, kung may balak ka pa bang magtext at kung paano mo nakayanang pagmukhain akong tanga... habang naglalakad ako at iniisip ang lahat ng yun trying to understand everything, trying to convince myself not to get upset by saying, "Ah baka may mahalagang dahilan lang si Matthew. I'm sure may dahilan sya." Habang naglalakad ako at sinasabi yun sa sarili ko, I saw something really cliche. Alam mo kung ano'ng nakita ko?"
Hindi siya sumagot.
"Nakita ko lang naman yung boyfriend ko na kahalikan ang girl best friend nya sa isang restaurant! Nasa harap ko lang sila, salamin lang yung pagitan. Binigay ko sa kanya lahat, pagtitiwala, pagmamahal, pagintindi, lahat-lahat... kaya hindi ko maintindihan kung saan ako nagkulang. Hindi ko alam kung saan ako nagkamali. Hindi ko alam kung--" Natigil ako sa pagsasalita nang biglang bumaba si Matthew Torres sa swing, pumosisyon sa harap ko at niyakap ako. Ayoko sanang makita nya akong umiiyak pero wala, umiiyak parin ako.
"I'm sorry. I'm sorry Jannica. I'm sorry." yan lang ang paulit-ulit nyang sinasabi habang hinahaplos ang likod ko, pero hindi sapat sakin ang sorry lang. Ayoko nun. Ayoko nun!
"Gaya nga ng sabi ko, hindi mo na kailangang magsorry. Tapos na tayo kaya hindi ko na kailangang marinig yan mula sayo." tinulak ko sya at tumayo na ako dun sa swing, wiping away my tears.
Palakad na ako palayo ng bigla syang umimik, "She needed me that night!" sigaw nya.
Napa smirk na lang ako tapos agad akong napaharap sa kanya, "And I didn't need you that night ganun ba?" panunumbat ko.
"Mas kailangan nya ako nun." sabi nya.
"Exactly." sabi ko.
"Huh?" Naguluhan ata sya.
"You said it, mas kailangan ka nya. At ako Matthew, hindi na. Hindi na kita kailangan ngayon Mr. Torres, kaya imbis na sinasayang mo ang oras mo sakin, pumunta ka na lang sa kanya. Magsama kayo, total pareho nyo'ng kailangan ang isa't isa." I said bitterly, full of vengeance and hatred. In your face you jerk!
Patalikod na sana ulit ako ng bigla ulit syang sumigaw, "Jannica, mahal kita!"
Natigil ako ng ilang segundo bago ako nakapagsalita, "Dun mo sabihin yan sa taong may pakialam. Kasi ako Matthew Torres, wala na akong pakialam. Wala na."
Yan ang huling linyang sinabi ko kay Matthew Torres ng araw na yun. Isang matapang at mapaghiganting linya na sobrang taliwas sa mga salitang gustong sabihin sa kanya ng puso ko ng mga oras na yun.
I wanted to run back to him. I wanted to forgive him. I wanted to say I love you too to him... but I didn't. He's just not worth hurting for anymore so I didn't.
XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX
Days, months and finally two years has passed since that day. Hindi madali ang paglimot sa lahat-lahat but I somehow made it through. Mahirap man but I managed to cut off all connections with Matthew, dineactivate ko ang facebook ko, binago ko ang number ko at bihirang bihira na lang rin ako kung umuwi sa probinsya namin. Tinuon ko ang oras at atensyon ko sa pag-aaral, tinuon ko lahat sa mas makabuluhang mga bagay. Hindi kagaya ng mga tangang babae sa mga napapanood kong palabas na nawawalan na ng silbi ang buhay kapag iniwan ng isang walang kwentang lalaking hindi deserving iyakan, ako, si Jannica Reyes ay nabuhay ng matiwasay kahit walang lalaki, kahit walang true love. Sa reyalidad, pera, pagkaen, tulog at oxygen lang naman talaga ang kailangan mo para mabuhay. Hindi mo kailangan ng true love. Wag kang masyadong magpaloko sa fairytales.
Third year college na ako ngayon. Bukod sa pagiging 2nd year college ni Matthew Torres, wala na akong iba pang alam na balita tungkol sa kanya ngayon, ah hindi, may isa pa pala. Sila na nung girl best friend nyang si Kathleen, hindi ko alam kung kailan pa naging sila at wala rin akong balak na alamin, naidaldal lang yun sa akin nila Tracy nung isang beses na magkita-kita kami kaya nalaman ko.
"Jannica baby dito ka na sa tabi ko, dun na si Jose sa kabila." bati sakin ni Derek pagkasakay ko sa loob ng bus. Si Derek, kaklase ko sya na sabihin na nating pinaka close ko sa lahat ng classmates ko. Silang dalawa ni Jose ang pinaka kaclose ko sa klase, at oo lalaki sila. Don't get me wrong, ayoko sa true love pero hindi ako man hater. Itong dalawang ugok na to ang nakagets sa ugali ko eh, kaya wala akong magagawa.
"Makatawag ka naman ng baby dyan, kadiri." sabi ko habang inilalagay sa taas yung bag ko. What's with boys and "baby" endearments? Tss, matagal ko ng sinasabi sa kanyang tigilan nya ang pagtawag sakin nun, ayaw parin nya!
"Ui wag kang madaya, wag mo'ng ilagay yang bag mo sa taas! Maraming pagkaen yan sigurado kaya ibaba mo! Dito ka maupo sa gitna namin ni Jose!" Hinigit nya bigla sa akin yung bag ko at agad binuksan yun ng walang paalam. Tss, pasaway.
"Sabi ko na nga ba pagkaen lang ang habol nyo sakin kaya gusto nyo akong makatabi eh." sabi ko, naupo rin naman ako sa gitna nila. Bale nasa tabi ng bintana si Derek, katabi nya ako, tapos si Jose nasa extrang seat sa gitna ng daan nung bus.
"Ano pa bang hahabulin namin sayo bukod sa pagkaen? Hindi ka namin type, hindi ka chicks." sabi ni Derek na tuloy parin sa paglabas ng pagkaen sa bag ko, hinagisan nya ng isang chips si Jose.
"Hoy! Wag nyong ubusin yung mga pagkaen ko! Binili ko yan para sakin!" Inaagaw ko sa kanila yung mga pagkaen ko pero wala, nabuksan na nila. Asar talaga sila kahit kailan, lage na lang akong pinagtitripan at binubully gaya nyan pero ewan ko ba, mas naging close pa ako sa kanila dahil sa lage nilang pang aasar sa akin.
May tour kami ngayon papuntang Ilocos kaya kami nasa bus ngayon. Ang aga nga ng alis namin, 3 ng madaling araw, nakaka antok.
Naghintay kami ng ilang minuto para sa iba pang mga studyante and finally nakumpleto narin lahat at paalis na ang bus, pinapainit na nung driver ng bus ang makina, hinihintay na lang namin yung tourguide.
"Hoy bigyan nyo naman ako nung pagkaen ko! Grabe hindi pa naandar yung bus mauubos na eh!" sigaw ko dun sa dalawang lalaki sa tabi ko na pinagpapasahan yung malaking V-cut ko, take note "ko" pero hindi ako binibigyan! Inaasar na naman nila ako umagang umaga!
"Huh? May sinasabi ka Jannica?" -Derek sabay pasa kay Jose nung V-cut.
"Sabi ko akin na yan!"
"Sabi nya satin na lang daw tong V-cut Derek." -Jose na enjoy na enjoy sa pagkain ng V-cut ko!
"Akin na sabi!"
"Ang bait mo talaga Jannica baby, thank you!" -Derek.
"Pahingi sab--"
"Good morning! Inaantok ba kayo?" Biglang may nagsalita sa unahan kaya napatigil kami. Nakapasok na pala sa bus yung tourguide.
Makikisabay sana ako kila Derek sa pagsagot ng "Oo inaantok kami obviously." pero hindi ako nakasabay. Inaantok ako kanina pero ngayon gising na gising ako.
Alam kong may tito sya na may ari ng isang travel agency pero hindi ko inasahan na makikita ko sya rito, at lalo na bilang tour guide namin.
"Ako si Matthew Torres, tawagin nyo na lang akong kuya Matthew o Matthew na lang since halos magkakaedad lang tayo o baka nga mas bata pa ako sa inyo hehe. Ako ang magiging tour guide nyo para sa tour na ito." pagpapakilala nya sa unahan, still as enigmatic and hot as he is back then nung high school pa kami. Ang dami kong kaklaseng babae ang naririnig kong nag uusap na agad about him, how cute our tour guide is, kung gaano kaswerte yung bus namin kasi gwapo at bata yung tourguide, kung gaano daw kasulit yung bayad sa tour dahil ang hot nung tour guide. Tss. Kung alam ko lang na sya lang rin ang magiging tour guide namin, sana hindi na ako sumama sa tour.
Buti na lang nasa medyo gitna ng bus ako naka upo kaya hindi nya ako nakita. Nakapagtago agad ako, sumubsob agad ako sa bag ko kaso habang umaandar na yung bus...
"Alam kong inaantok pa kayo dahil madaling araw palang, ako inaantok rin pero bago ko kayo pagpahingahin mag opening prayer muna tayo. Sino'ng gustong maglead ng prayer?" tanong ni Mr. Tour Guide. (ayoko ng banggitin ang pangalan nya)
Walang nagtataas ng kamay hanggang sa...
"Si Jannica po!" sabay na sigaw ni Derek at Jose sabay taas ng kamay ko! Asar! Mga pasaway!
"Ja-Jannica?" sabi ni Mr. Tour Guide, napasilip tuloy ako mula sa kinauupuan ko at nangyari ang iniiwasan kong mangyari, nakita nya ako. Salamat talaga sa dalawang pasaway na lalaki sa magkabilang tabi ko.
"Mi- Miss Jannica, would you want to lead the prayer?" tano'ng nya, looking straight at my eyes. Dahil sa no choice na ako dahil tiningnan na ako nung advicer namin na kasama namin sa bus, I walked straight papunta sa kanya at nagsimulang magdasal gaya ng isang masunuring estudyante.
"Lord sana po maging safe ang tour naming ito." yan ang ending ng prayer na sinabi ko dun sa microphone, pero ito talaga ang huling sinabi ko bago ako umalis sa unahan, "At sana po, mapalitan yung tourguide namin." ewan ko kung narinig ni Mr. Tour Guide yun since nilampasan ko lang sya.
Kinukulit pa ako nung dalawang ugok na katabi ko pag upo ko, kesyo daw tuwa naman ako kasi nakatabi ko si Mr. Tour Guide na gwapo pero di na ako nakipag kulitan pa sa kanila. Pumikit na lang ako, pinilit na matulog at hiniling na sana pag gising ko bangungot lang lahat ng ito.
Kaso hindi. Totoo ngang sya ang tourguide namin. Hay.
XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX
"Tss." yan na lang ng yan ang lumalabas sa bibig ko habang pinakikinggan ang pagdaldal ni Mr. Tour Guide sa unahan, yung mga kaklase ko naman tuwang tuwa haynako. Para sa isang lalaking kasing suplado niya, ang hilig nyang ngumiti ngayon, ang plastic kainis!
"Jannica baby bakit kanina ka pa nakasimangot dyan?" -Derek.
"Oo nga Jannica, tour to dapat masaya tayo!" -Jose.
"Paano ako sasaya kung mauubos na yung pagkaen kong pang dalawang araw pa dapat! Peste kayo!" sigaw ko sa kanila habang tinitingnan yung kakaunting snack na natitira na lang sa bag ko.
Napansin kong napatingin sa akin si Mr. Tour Guide at medyo natawa, inignore ko lang sya tss.
XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX
Pagkatapos ng isang nakakapagod na hapon ng pagtotour sa iba't ibang simbahan sa Ilocos, finally magchecheck in na kami sa hotel. Habang hila-hila ko yung maleta ko papunta sa naka assign na room number sa akin, napatigil ako sa isang tabi dahil sobrang sakit na talaga ng paa ko. Napaltusan ata.
Habang hinuhubad ko yung sapatos ko, "Okay ka lang ba? Masakit ba?" may tumigil sa harap ko at nagsalita.
Natigilan ako ng ilang segundo nung makita ko kung sino sya.
"Masakit, pero hindi nakakamatay. May nangyari sakin noon na di hamak na mas masakit kaysa dito, kaya okay lang ako." Hindi ko na tinuloy yung paghubad sa sapatos ko at tumayo na lang ako agad, hinigit ang maleta ko at nilampasan sya.
"Ja--" sa tingin ko tatawagin nya pa ako pero...
"Matthew ako rin masakit ang paa ko!" sabi nung isa kong kaklaseng babae at pinaligiran na sya ng iba pang mga babae dun. Tss.
XXXXXXXXXXXXXXXXX
2nd day ng tour...
"Boss Matthew paki picturan naman kami ni Jannica baby." sabi ni Derek sa dadaan palang sana na si Mr. Tour Guide. Tss, sa lahat naman ng pakikisuyuan nya bakit sya pa!
"Ok akin na yung camera." pumayag naman si Mr. Tour Guide.
Nasa Pagudpud Beach kami ngayon, ang ganda ng view pero hindi ko maappreciate dahil sa lalaking may hawak ng camera sa harapan ko.
"Jannica ngumiti ka huh! Uubusin ko yung mga pagkaen mo lalo pag hindi ka ngumiti!" -Derek.
"Oo na."
Pumosisyon na nga kami ni Derek tapos inakbayan nya ako. Lage silang ganun ni Jose, ang hilig mang akbay sa akin kaya naman ang init ng mata sakin ng mga babae kong kaklase. You see, yung dalawang ugok na yun ang pinaka sabihin na nating may itsura sa buong klase namin kaya malakas ang hatak nila sa babae.
Ang hirap ngumiti habang nasa harapan ko si Mr. Tour Guide. Paano ako ngingiti sa taong hanggang ngayon pinapasakit parin ang puso ko? Masama to, maiiyak ata ako.
"1... 2... 3..." sabi ni Mr. Tour Guide na sinundan ng pagclick ng camera. Hindi ako napaiyak, muntik lang, bumalik yung luha ko kasi, kasi...
"Manyak ka talaga!" sigaw ko kay Derek. Hinalikan ako bigla sa pisngi ng walangya!
"Hahaha! Sus, kinilig ka naman! Ayos na shot yun! Nakunan mo ba boss Matthew?" agad na lumapit si Derek kay Mr. Tour Guide na for some reason nakatulala lang dun sa camera.
Kukunin na sana ni Derek yung camera nang... "Wow ano yun!" biglang sabi ni Mr. Tour Guide sabay turo sa taas, napatingin naman ako sa tinuro nya, ganun din si Derek.
"Ano'ng meron? Wala naman akong makita." sabi ni Derek.
"Huh? May nakita kasi akong malaking ibon kanina, namalikmata lang ata ako. Ah ano hindi pala nag save sa camera mo yung picture pasensya na. Gusto mo kuhanan ko na lang kayo ulit?" -Mr. Tour Guide.
"Paanong hindi nagsave yun? Nag flash diba?" -Derek.
"Ewan ko rin, baka full na yung memory ng camera mo?" -Mr. Tour Guide.
"Hoy Jannica magpapicture pa tayo!" -Derek.
"Ayoko na!" nagtatakbo na ako palayo sa kanya hindi dahil sa ayaw ko ng magpapicture kasama sya kung hindi dahil sa ayokong makita ni Mr. Tour Guide ang itsura ng mukha ko ngayon. Hindi ko kasi mapigilan ang labi ko ngayon, kusa yung ngumingiti knowing na hindi totoong hindi nag save yung picture namin ni Direk kung hindi dinelete nya talaga yun dun sa camera.
This is absurd! Paano nya ako nagagawang pangitiin parin ng ganito? Ugh! No! He's not jealous! Nantitrip lang sya, pinagtitripan nya lang si Derek, hindi sya nagseselos! Ugh! Who am I kidding? Ang totoo I would really like it if he is. Tsk!
XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX
Nasa city proper na kami ng Vigan ngayon. Ang ganda dun sobra, parang nasa sinaunang panahon lang kami. Ang sarap picturan ng bawat gusali.
Busy ako sa pagpipicture sa ibat-ibang buildings at shops dun ng, "Aray!" may biglang nakadali sa akin kaya nabitawan ko yung camera ko. Ang lakas ng pagkakabagsak nun, bwisit sira pa ata yung lens.
"Sorry, hindi ko sinasadya, pinaghihigitan kasi nila ako. Hindi ko napansin na nandyan ka. Sorry talaga, akin na, aayusin k--" Kukuhanin sana sakin ni Mr. Tour Guide yung camera pero tinabig ko yung kamay nya.
"May mga bagay dito sa mundo na pag nasira mo na, hindi mo na maibabalik kahit anong ayos ang gawin mo. At kahit kailan, wala pang bagay ang naibalik sa dati ng sorry." sabi ko sa kanya bago ako mag walk out. Natulala lang sya dun.
"Ang sungit naman ni Jannica. Wag mong pansinin yun Matthew, ganyan talaga yung babaeng yan masyadong masungit at bitter akala mo sya na ang pinakamagandang babae sa mundo. Walang respeto sa tour guide." rinig kong sabi ni Alesa pagkadaan ko, pinariringgan nya talaga ako I know pero hindi ko na sya pinatulan. Bitter na kung bitter, eh sa bitter pa nga rin talaga ako eh! Kung makasabi ng walang respeto sa tour guide, eh sila nga tong tour guide nilalandi nila tch.
XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX
"Akin na yan! Derek akin na sabi yan!" Hinahabol ko si Derek pababa ng hagdan dahil kinuha nya yung binili kong korniks na dadalhin ko kila tita. Bubuksan daw nya yun at kakainin! Kainis! Pinagpapasahan nila yun ni Jose para hindi ko makuha! Pinagtitripan na naman nila akong dalawa.
"Subukan nyong buksan yan! Subukan nyo lang talaga!" sigaw ko.
"Bubuksan talaga namin! Bleeh!" Pang aasar pa ni Derek! Ugh! Asar!
"Wag mong buksan sabi! Akin na yan!" sigaw ko at binilisan ko pa ang takbo para maabutan sila ni Jose kaso...
"Waah!" last step pababa dun sa hagdan na tinatakbuhan namin napasala ako ng tapak eh medyo may heels pa naman yung suot kong sandals kaya sobrang sakit nung paa ko. Tsk, may bali pa ata! Malas naman oh!
"Hoy Jannica, tumayo ka na dyan. Wag ka ng mag inarte." Si Derek yan, binalikan nila ako ni Jose.
Tumingin ako sa kanya tapos, "Mukha ba akong nag iinarte? Ang sakit ng paa ko!" nag iiyak na ako. Bukod sa pikon na ako, masakit talaga yung paa ko.
Sumeryoso na ang mukha ni Derek, mukhang ikinagulat nya ang pag iyak ko, "Sorry Jannic--"
Hindi na nya naituloy ang sasabihin nya dahil biglang sumulpot si Mr. Tour Guide sa pagitan naming dalawa at binuhat ako.
"Dadalhin ko na sya sa bus. Please refrain from running around this area, mag ingat kayo sa susunod." seryosong sabi ni Mr. Tour Guide kay Derek at Jose.
Hiyang-hiya ako habang pasan-pasan nya ako sa likuran nya papunta sa bus namin. Bakit tinulungan nya parin ako kahit na nasabihan ko na sya ng kabitterang line ko kanina? Kahit na halata namang iniiwasan ko sya? Kahit na tinatarayan ko sya sa tuwing iaapproach nya ako?
"Wag mo ng--"
"Maupo ka lang dyan, bilang tour guide nyo, dapat lang na gawin ko to." sabi nya habang hinihilot yung binti ko. Wala na lang akong nagawa kung hindi pag masdan sya habang nakaupo sa may paanan ko.
"Masakit pa ba?" tanong nya sakin matapos nyang lagyan ng benda yung binti ko.
"Akala ko hindi na, pero oo masakit pa. Sobrang sakit pa." sagot ko. Hindi ko alam kung bakit yan na lang basta ang lumabas sa bibig ko kasabay ng isang patak ng luha mula sa mata ko.
Halata ang pagkabigla sa itsura nya, ako rin naman, nabigla sa sinabi ko. Kaya agad kong pinunasan yung luha ko tapos umiwas ng tingin sa kanya. "Wag mo ng intindihin yung sinabi ko, okay lang ak--" haharap sana ako sa bintana pero bigla nya akong hinigit at niyakap. Bakit? Bakit mo ginagawa to Matthew?
"I'm sorry Jannica. I'm sorry." sabi nya habang hinahaplos ang likuran ko. Wala na, asar, sira na ang depensa ko, wala na, natibag na nya. Napayakap na lang ako sa beywang nya at nagiyak sa damit nya.
Makalipas ang ilang segundo kumalas narin sya sa pagyakap sa akin. Itinaas nya ang mukha ko patingin sa kanya, pinunasan ang luhang umaagos pa sa pisngi ko tapos tsaka sya nagsalita, "Jannica ang totoo nyan--"
"Janni-- ano'ng ginagawa nyo?" Natigilan kaming dalawa ng makita namin si Derek na kakapasok lang ng bus. Bukas kasi yung pinto ng bus dahil nasa labas yung driver at nagsisigarilyo kaya nakapasok sya ng di namin napapansin.
"A-ang laki ng lamok. Buti napatay ko." sabi ni Matthew na agad inalis ang kamay nya sa pisngi ko.
"Sa-salamat sa pagpatay dun sa-- sa lamok." sabi ko. Grabe ang awkward. Buti na lang at patay malisya lang si Derek, lumakad lang sya palapit sa akin at umupo sa tabi ko.
"Bakit nandito ka na?" tanong ko sa kanya.
"Pinabili ko na lang kay Jose lahat ng mga pinabibili ni mama."
"Bakit? Ayaw mo na bang mamasyal? May oras pa kayo ah?"
"Oh." Imbis na sagutin ako, may inabot sya sa aking isang native na kwintas na may shell na pendant.
"Para saan yan?"
"Sorry, dahil sakin hindi ka tuloy makapaglibot ngayon." sabi nya ng hindi makatingin sa akin. Napangiti naman tuloy ako.
"Akalain mong marunong ka rin palang mag care. Akin na nga yan, salamat." Kinuha ko na sa kanya yung kwintas.
"Tss, care mo mukha mo! Binili ko yan kasi ikaw agad yung naalala ko nung makita ko yan."
"Talaga?"
"Oo, pareho kasi kayong panget!"
"Ah ganun?"
"Oo bleeh." Inaasar nya ako pero alam kong depensa lang nya yun.
"Kamusta na yang paa mo? Okay na? Hindi na masakit?" tanong nya.
"Medyo masakit pa. At dahil sa ikaw ang may gawa nito, bubuhatin mo ko papasok ng hotel mamaya!"
"Ayoko nga, ang bigat mo!"
"Ah basta bubuhatin mo ko!"
"Ayoko!"
Ayaw daw nya pero binuhat parin naman nya ako papasok ng hotel ng araw na yun. Habang buhat buhat nya ako, iniisip ko, kung hindi kaya siya dumating, ano kayang sasabihin sa akin ni Matthew?
Kung hindi kaya dumating si Derek ng oras na yun, may magbabago ba? May mag iiba ba? Gusto ko ulit makausap si Matthew.
XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX
Last day na ng tour namin...
Buong gabi kong pinag isipan to at napag desisyunan kong kausapin si Matthew pagkatapos ng seminar namin ngayong gabi. Itatanong ko sa kanya kung ano bang sasabihin nya sakin dapat bago dumating si Derek. For the first time after two years, I wanted to hear what he has to say. For the first time after two years, I wanted to hear him out. For the first time after two years, I wanted to forgive him.
Natapos narin ang dalawang oras na seminar, nag cr muna ako dahil naiihi ako sa kaba dahil kinakabahan talaga akong kausapin si Matthew. Nang mapakalma ko na ang sarili ko sa cr, paglabas na paglabas ko ng pinto ng comfort room...
"Matthew, may something ba sa inyo ni Jannica?" -Chesca, isang classmate ko.
"Huh? Bakit mo naman natanong yan?" -Matthew.
"Sumagot ka na lang Matthew, may something ba sa inyo? May gusto ka ba sa kanya o ex mo ba sya? Panay kasi ang tingin mo sa kanya tsaka parang may kakaiba talaga sa inyo!" -isa ko pang kaklase. Ilang babae sila dun na pinagkukumpulan si Matthew. Mga tsismosa! Mga flirt! Kainis!
Busy akong sinasabunatan sila isa-isa sa isip ko nang sumagot si Matthew.
"Walang meron sa amin, ano bang sinasabi nyo? Napansin ko lang na madalas walang kasama si Jannica kaya sya lage yung nilalapitan ko. Walang namamagitan samin." sabi nya na may kasama pang ngiti. Sinungaling. Sinungaling ka Matthew Torres! Ex mo ko! Ex mo ko!
Susugurin ko na sana sya at ipagsisigawan dun sa mga babaeng yun ang totoo nang...
"Ah teka, may tumatawag, sagutin ko lang." sabi niya, sinagot nya yung phone tapos, "Oh, Kathleen..." < yan lang yung narinig ko bago sya tuluyang umalis, pero kahit yan lang yung narinig ko, sobrang sakit ng pinaramdam nun sa akin. Yung pangalang yun, katumbas ng pinagsama-samang masasakit na mura ang dating sa akin. Ayoko sa pangalang yun, at lalong ayokong marinig yun mula sa bibig ni Matthew.
Pumasok akong muli sa cr at nagkulong sa isang cubicle.
"Hahahahaha! Ano bang iniisip ko? Hahaha! Why would I want to hear him out? Why would I want to forgive him? May mababago ba yun? May mababago ba kung pakikinggan ko ang explanation nya? May mababago ba kung mapatawad ko sya? Wala naman diba? Hindi naman magiging kami ulit. Meron ng may ari sa kanya, at hindi na ako yun. Hindi na ikaw ang may ari sa kanya Jannica." nasabi ko na lang sa sarili ko habang umiiyak na nakasubsob sa mga tuhod ko.
XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX
Pagkatapos nung seminar, may after party na ginanap sa function hall nung hotel. Required yun kaya kahit kagagaling ko lang sa pag iyak eh umattend parin ako. May games, kainan at sayawan dun. Hindi ako nakisali sa games kasi pinanganak akong kj, yung pagkaen lang ang naenjoy ko sa after party na yun. Nung oras na ng sayawan umalis na ako sa venue. Ayokong magsayaw. I hate dancing events. I hate slow sweet dancing most of all! I hate it because of him.
Palabas na ako ng venue ng pigilan ako ni Derek, asking me to dance with him. Syempre sabi ko ayoko. Kahit nakailang sabi sya sa akin ng 'kj' at todo higit na sya sakin papunta sa dance floor, hindi parin ako pumayag. Lumabas parin ako ng venue, pero aba at sinundan pa ako palabas ng ugok na yun! Pasaway!
"Hoy Jannica mag sayaw tayo kahit isa lang! Wag kang kj!"
"Ayoko nga sabi! Ang daming kaklase natin ang gustong makasayaw ka, sa kanila ka na lang makipagsayaw!" sigaw ko habang naglalakad, sinusundan nya parin ako, ang kulit!
"Magsayaw na tayo, bilis na! Ang arte naman nito oh!"
"Sa kanila ka na nga lang sabi makipagsayaw! Maraming gustong makipagsayaw sayo dun sa loob!"
"Marami ngang gustong makipagsayaw sakin dun pero sayo lang ako magtatapat!"
Napatigil ako sa paglalakad nang sabihin nya yun. "Ano?" tanong ko na sobrang naguguluhan.
Nagbuntong hininga sya bago sumagot, "Kaya kita pinipilit makipagsayaw sakin kasi doon ko balak magconfess! Magcoconfess ako sayo dun takte!"
"Co-confess? Ikaw?" Seryoso ba sya?
"Oo nga! Tinamaan ng magaling oh!" sigaw nya.
"Hindi nga?"
"Oo nga sabi! Gusto kita! Gusto kita kaya lage kitang inaasar! Gusto lang kita nung una... tapos nagising na lang ako isang araw, mahal na kita! Balak kong magtapat ngayong tour in a romantic way para maniwala ka, kaso peste ayaw mong makipagsayaw! Oh edi wag! Pero who cares! Magtatapat parin ako! Kaya makinig ka!"
He gulped tapos tsaka nya tinuloy ang sinasabi nya, "Mahal kita! Mahal kita Jannica kahit hindi ko alam kung bakit! Mahal kita!" sigaw nya ng ubod ng lakas akala mo pinagagalitan ako pero nagcoconfess naman. Pero unti unting naging maamo yung itsura nya, lumakad palapit sa akin at hinawakan ang isang kamay ko, "Will you be my girlfriend?" tanong nya, na kahit kailan hindi ko naimagine na lalabas mula sa bibig nya.
I paused, tumingin kung saan saan, bago ako nakasagot, "Umupo ka muna." sabi ko.
"A-ano? Bakit ako uup--"
"Umupo ka sabi!" hinigit ko yung balikat nya paupo dun sa upuan na nasa may hallway nung hotel.
"Bakit mo ba ako pinaupo Jannica? Ang weird mo talaga." sabi nya.
Imbis na makipagtalo, pumosisyon lang ako sa harap nya, "Masyado kang matangkad, kung hindi ka uupo, hindi ko magagawa to."
"Magagawa ang an--" Hindi na sya nakatapos sa sasabihin nya dahil hinalikan ko sya bigla sa labi nya, mabilis lang.
"I-ibig bang sabihin nito, oo ang sagot mo? Tayo na?" nakatulala nyang sabi sa akin.
"Hahalikan ba kita kung hindi?" sagot ko sabay ngiti. For the first time nginitian nya ako ng sobrang laki at bigla nya akong niyakap ng sobrang higpit.
"Sabi ko na nga ba, patay na patay ka sakin eh." bulong nya.
"FYI, ikaw po ang nagconfess." bulong ko.
"FYI, wala akong sinabing hindi rin ako patay na patay sayo." bulong nya, at hindi na ako nakasagot pa doon.
And so that night, I, Jannica Reyes, had my second relationship.
That night, I said yes to a guy again.
That night, I became taken again.
Pero hindi katulad noon, that night, wala akong true love na pinapasok muli sa puso ko.
I said yes to Derek, not because I love him...
I said yes to Derek, because Matthew Torres is watching.
Oo, bago pa man ako tanungin ni Derek, nahagip na ng mata ko si Matthew, alam kong pinapanood nya kami.
I said yes to Derek para ipamukha kay Matthew na I'm over him too. I said yes to Derek wanting and hoping it would hurt Matthew Torres the way it hurt me nung naging sila nung Kathleen nya. I said yes to Derek para ipakita kay Matthew na hindi lang sya ang masaya, ako rin, masaya, kahit hindi. I said yes to Derek para ipakita kay Matthew na I'm no longer in love with him.... kahit hindi.
In the end, I still can't forgive him. In the end, I still hate him. In the end I am still the same cold hearted girl who have mastered the rules of pretending.
XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX
HIS POV
"Matthew, may something ba sa inyo ni Jannica?" tanong ng isang kaklase ni Jannica sa akin.
"Huh? Bakit mo naman natanong yan?" pagmamaang maangan ko.
"Sumagot ka na lang Matthew, may something ba sa inyo? May gusto ka ba sa kanya o ex mo ba sya? Panay kasi ang tingin mo sa kanya tsaka parang may kakaiba talaga sa inyo!" pag uusisa rin ng isa pang kaklase ni Jannica. Ilang babae sila dun na pinagkumpulan na ako. Hanggang ngayon ayoko parin sa mga ganitong klase ng babae pero I need to be nice to them, trabaho ko to. Gusto kong sabihin sa kanila na ex ko si Jannica ng matigil na sila pero...
"Walang meron sa amin, ano bang sinasabi nyo? Napansin ko lang na madalas walang kasama si Jannica kaya sya lage yung nilalapitan ko. Walang namamagitan samin." Ito ang sinabi ko. Naisip ko kasi na pag sinabi ko ang totoo, baka lalo lang nilang pag initan at sabihan ng kung ano-anong insulto si Jannica at pag nangyari yun baka hindi na ako makapagtimpi at masaktan ko sila.
"Ah teka, may tumatawag, sagutin ko lang." sabi ko, kunyari sinagot ko yung phone ko kahit pinatunog ko lang naman yung alarm tone. Ayoko na silang kausapin pa, puro masasamang bagay ang sinasabi nila kay Jannica sa harap ko, gustong gusto ko na silang bugbugin isa-isa.
"Oh, Kathleen..." sabi ko sa telepono para magmukha talagang totoo ang acting ko. Medyo nakonsensya nga ako nung mabanggit ko ang pangalan ni Kathleen. Nasaktan ko kasi sya ng sobra. Nakipagbreak ako sa kanya kama kailan lang. Akala ko masaya na ako sa kanya at nakalimutan ko na si Jannica pero pag akyat ko sa bus, pagkakita ko kay Jannica, wala, right then I knew, si Jannica parin talaga ang laman ng puso ko. Hindi ko na kayang lokohin pa ang sarili ko. Best friend ko si Kathleen, mahalaga sya sa akin, ayoko syang lokohin at paasahin pa kaya sinabi ko na sa kanya ang totoong nararamdaman ko, na all this time, si Jannica parin talaga ang laman ng puso ko. Alam ko ang sama ko para sabihin yun, pero mas magiging masama ako kung patuloy ko syang lolokohin at paaasahin kaya mas pinili ko na lang tapusin ang lahat.
Hindi ko alam kung maaayos ko pa ba yung sa amin ni Jannica knowing na sobra ko talaga syang nasaktan, pero I decided to give it a try, I want her back, I badly want her back. Kaya talagang kinausap ko ang tito ko na kung pwede yung recreational activity sa end ng tour kung pwede lagyan nya ng sayawan. Nung maging kami kasi ni Jannica diba JS PROM nun? Kaya gusto ko sana ganun din halos yung set up, gusto ko ganun rin yung tugtog. Games lang dapat at kaininan yung after party pero dahil malakas ako sa tito ko, nagawan nya ng paraan na lagyan yun ng sayawan.
Pagkatapos ng ilang ulit na pagpapractice sa cr ng sasabihin ko kay Jannica, lumakad na ako papunta sa table kung nasaan sya pero wala na sya dun. Hinanap ko sya sa paligid pero wala na sya dun. Lumabas ako ng venue, naglakad ng naglakad hanggang sa....
Nakita ko sya, hawak hawak ng isang lalaki yung kamay nya, yung Derek, sinasabi ko na nga ba at may gusto yun kay Jannica.
"Will you be my girlfriend?" tanong nya kay Jannica.
Nag pause si Jannica bago sumagot. Hinihiling ko talaga nun na sana humindi sya. Sana hindi ang isagot nya. Kinakabahan ako sa isasagot ni Jannica dahil hindi maikakailang sobrang close sila ng Derek ng yun.
Pina upo nya yung Derek sa isang upuan sa hallway imbis na sumagot. Naguluhan ako sa ginawa nya. Babastedin na nya ba? 'Hindi' ang isasagot nya hindi ba?
"'Hindi' ang isasagot mo Jannica diba?" paulit-ulit ko yang sinasabi sa sarili ko habang pinagmamasdan sila pero... kumurap lang ako ng isa, wala... wala na. Wala na sya. Huli na. Huli na ako.
Hinalikan nya sa labi yung Derek, hinalikan nya sa harapan ko. Sinagot nya ito sa harapan ko, at doon ko lang napagtanto kung gaano nga kasakit ang naramdaman ni Jannica nung makita nya akong may kahalikang iba. Sobrang sakit, tipong gusto mo ng mamatay pero hindi ka mamatay-matay.
Wala na lang akong nagawa kung hindi lumakad palayo tangay tangay ang napanis kong pag-asa, bit-bit ang sobrang pagsisisi, pasan-pasan ang patong-patong na mga tanong na alam kong kahit kailan hindi na masasagot pa, baon ang sangkaterbang what ifs at what might could have been na alam kong habang buhay akong hindi patatahimikin mula sa pag gising hanggang sa pagtulog ko.
XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX
May Epilogue pa to okay? Yun ang last chapter :D
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top