CHAPTER 1- The START of EVERYTHING...

Dedicated to sayo Yani! Sorry tlga kung hindi kita nagreet nung birthday mo. Uwaaaaah T___T.. sobrang nagiging makakalimutin na ako dahil sa OJT ko.. pasensya na tlga.. love you Yani! -Shanz

CHAPTER 1- The START of EVERYTHING...

HER POV

"Ang sakit sakit kasi eh. Alam mo yun, ako iniintindi ko sya, pero ako hindi nya maintindihan! I gave him everything pero, hindi parin sapat! And now he's telling me he needs space? Eh kung tadyakan ko kaya sya papuntang Mars ng makuha nya yung space na kailangan nya!" Sinisigurado ko sa inyong hindi ako yan, isa yan sa mga kaibigan ko na medyo bangag dahil sa walangya nyang boyfriend.

"Ang hirap naman kasi talagang intindihin ng mga lalaki. Si Josh nga, hindi ko maintindihan kung pinapaasa nya lang ako o ano. He will show me that I'm special pero minsan naman parang he doesn't really care! Ang sakit sa ulo!" Isa ko paring kaibigan yan, hindi parin ako yan. I will never say those kind of things.

"Haaaay... bakit ba puro broken hearted tayo dito guys? Ang malas naman ata natin sa lovelife ngayon. Eh kami ni Patrick hindi parin nagkaka ayos." Lalong hindi ako 'to, hinding hindi ko iiyakan ang isang lalaki.  Pathetic.

"Puro lalaki ang usapan natin ah? Ang babata niyo pa! Fourth year highschool palang kayo for Pete's sake! Tapos ganyan na yung mga topic niyo? Nakaka rinde kayo." yan, yan ako.

"Hay nako Jannica, kung wala kang sasabihing matino matulog ka nlng ulit." -Tracy yung babaeng bangag sa walangya nyang boyfriend.

"Para ka talagang nanay ko kung magsalita Jannica." - Roxy, ang medyo kj kong kaibigan na ayaw maniwalang paasa lang at pafall yung crush niya.

"Kung makapagsalita ka Jannica parang wala ka ring crush ah!" -Jovz ang iyakin kong kabarkada.

"Actually recently lang nawalan na ulit ako ng crush."

"Na naman?!" sabay sabay pa silang tatlo sa pagsabi niyan. Ang iingay.

"Oo. Bakit parang biglang bigla naman kayo?"

"Eh kasi akala namin nagkaka mabutihan na kayo ni Andrei! Mukha kasing gusto ka rin nya eh!" -Tracy.

"Oo nga! Kung ako ang niligawan nun nako! Sagot agad yun sakin! Ang gwapo kaya niya!" -Roxy.

"Ano na namang nangyari Jannica? Inayawan ka na ba nya? Does he like someone else?" -Jovz.

"No, actually he confessed to me the other day at tinanong nya ako kung pwede ba syang manligaw."

Pagkasabing pagkasabi ko nun...

"What? Kyaaaah! Kinikilig ako Jannica! Ikaw na! Ikaw na talaga!" Inaalog na ako ni Tracy habang sumisigaw -__-

"Sh*t anung sinagot mo?" Nakisali narin si Roxy sa pagyugyog sakin -__-

"Kayo na ba? So kaya hindi mo na sya crush kasi mahal mo na sya?" At syempre si Jovz nakigaya narin -__-

"Bitawan niyo nga ako! Balak niyo atang baliin yung buto ko eh! Hindi kami! Walang kami! Ayoko na sa kanya! I rejected him period." Tumayo na ako at umupo ng medyo malayo sa kanila. Nasa isang study table kasi kami ngayon at mahaba ang upuan nun.

"Anung nireject? Nireject mo ang isang Andrei Delos Santos?" Over maka sigaw tong si Tracy, rinig hanggang ibang planeta.

"Wag ka nga masyadong maingay Tracy!" sigaw ko.

"So-sorry. Sorry naman." -Tracy.

"Bakit mo sya nireject Jannica? Akala ko ba crush mo sya?" -Roxy.

"Yeah crush ko sya... until he got a crush on me too and then he wanted to take our relationship to the next level. I don't know, but after that I just lost interest in him. Alam niyo yun, wala ng thrill kasi, wala na, gusto na nya ako."

"Anung wala ng thrill? Eh ayun na nga oh! Gusto ka na nung taong gusto mo! Bakit tinanggihan mo pa? Hindi talaga kita maintindihan Jannica." -Jovz.

"Haaaaay... hindi niyo talaga ako maiintindihan kasi masyadong iba ang pananaw ko sa inyo pag dating sa lovelife na yan. Para sa akin kasi, I know my limits. Hanggang crush lang ako. Anything further than that, and I'm out. I don't want to end up like you guys, masyadong natatanga sa lalaki. Ayokong nasasanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko, kaya tantananan niyo na ako at tayo na lang magreview sa Calculus ok?" Inilabas ko yung notebook ko sa Calculus at nagsimulang mag review.

"Tatanda syang dalaga pustahan tayo?" -Tracy.

"Kung kasing ganda nya lang ako nako! Sinasayang nya ang mukha nya." -Roxy.

"Hindi pa sya nabobroken hearted pero bitter na agad." -Jovz.

"Kung magbubulungan kayo, pwedeng paki hinahinaan? Kailangan talaga rinig ko pa eh no?" 

"Sorry kagalang galang na Jannica." sabay sabay pa silang tatlo ng pagsabi. Lage na lang yan ang sinasabi nila sa akin sa tuwing masesermonan ko sila. I don't know how I managed to get along with these three idiots but they're my friends so whatever, sanayan na lang din.

Nagreview na lang ako dun tapos sila, ayun tuloy parin sa chikahan tungkol sa mga lalaki. Kaya lage akong na oop sa usapan nila, hindi ako makarelate madalas.

Bakit?

Kasi isa akong NBSB. Yep, no boyfirend since birth. Ako lang sa aming magbabarkada ang hindi pa nagkakaboyfriend.

Bakit na naman?

Hindi naman sa panget ako ah. Actually no exaggeration pero halos lahat ng lalaki sa class namin, attempted to make a move on me, manligaw o magconfess whatsoever but I turned them all down.

Bakit na naman?

Hindi naman sa man hater ako ah, don't get me wrong. Marami rin akong close friends na lalaki. It's just that I'm just too careful siguro. When it comes to the "LOVE THING" masyadong mataas yung guard ko. Masyado akong nag iingat at masyadong iba yung pananaw ko compared to people my age.  Siguro kasi sa inaraw-araw na lang ng buhay ko, puro sigawan at awayan ng tito at tita ko ang napapanood ko. At siguro dahil narin sa lumaki ako sa isang broken family kaya nag mature agad ang utak ko. Masyado akong napapaligiran ng mga babaeng iiyak dito, iiyak doon dahil lang sa isang lalaki. And as I stood there watching them cry, watching them make a fool of themselves for some bastard who doesn't even care, I just came up with this thought, "I don't wanna end up like them". Yan na lang ang nasabi ko sa sarili ko isang araw.

Ayokong maging kasing tanga nila. I won't waste my tears on some idiot guy. Hinding hindi ako magpapakatanga sa isang lalaki at hindi ko kailangan ng pag-ibig , true love, whatsoever na yan sa buhay ko para maging masaya. Mag-aaral ako, gagraduate, magtatrabaho at kikita ng maraming pera. Yan ang plano ko sa buhay ko at hindi kasama sa plano ko ang ma inlove.

Kaya naman, I don't let myself to get too attached with someone. Pero don't get me wrong huh, normal parin naman ako. I got crushes at some point. Oo nagkaka crush naman ako, pero ewan ko ba sakin kung bakit pag nagustuhan na ako nung crush ko, imbis na matuwa ako, nabibwisit pa ako and I just lose interest in them. Hindi ko alam kung bakit. So madalas akong nawawalan ng crush. Hindi ko alam kung bakit madalas they eventually like me back, eh mas ok nga sakin yung iniisnob nila ako whatsover. Weird ko ba? Ewan ko ba, mas attracted ako sa suplado, probably kasi may pagka suplada rin ako. Well enough talking about me, tinatamad narin ako eh. Basta yun nga, my principle is to never let that true love thing inside my life.

Nasa bahay na ako ngayon. Walang magawa, bored na bored na ako. Kaya naman, I started looking at my phone at boom ang dameng messages. Madalas hindi ko na lang binabasa yung texts lalo na kung puro quotes lang din naman tungkol sa love thing, pero dahil nga sa bored ako eh binasa ko yung mga gm.

"Hanggang sa gm ba naman?" nasabi ko na lang habang binabasa yung gm nung tatlo kong idiot na kabarkada. Puro sila broken hearted. Ang eemo ng mga quotes na kasama dun sa gm. Kabataan nga naman ngayon oh oh! Fourth year highschool palang sila pero puro lovelife na agad ang pinoproblema.

Dahil sa bored ako sa bahay naisipan kong magpaload na lang. Minsanan lang ako magpaload since wala rin naman akong masyadong tinetext at tamad rin ako magtext eh.

Pagkatapos ko magpaload, pag dating ko sa bahay...

=______=

"Nag inom ka na naman! Anung oras na? Sabi mo tatagay ka lang ng isa tapos ngayon lasing ka na naman!" Tita ko yan.

"Mga kumpare ko naman yun! Lage ka na lang ganyan eh! Wala ng tigil yang bunganga mo! Nakakbwisit!" Tito ko yan.

Dito kasi ako nakikitira sa kanila, dito ako hinabilin ni mama since nasa abroad sya. Si papa naman may sarili ng pamilya so ayun, kaya dito ako nakatira. Ok naman sila tito eh, mabait sila sakin. Yun nga lang nakakarinde ang mga sigawan nila, halos araw araw na lang silang nag aaway.

"Sige lumayas ka na! Wag ka ng babalik dito!" Hinagisan ng tita ko yung tito ko ng tsinelas.

"Talaga! Aalis na taalga ako! Wag na wag mo kong hahanapin!" sigaw naman ng tito ko bago siya umalis.

Lage na lang ganyan yung lines nila pero kinabukasan naman magkasama parin sila tapos mamaya mag aaway na naman.  Sa tuwing mapapanood ko talaga sila, lalo kong nasasabi sa sarili ko na ayokong mainlove kahit kailan.

Dahil sa frustration ko sa awayan nila at sa aking pagkabored, naisipan kong mag gm. Wala lang, walang magawa eh. And I send this message sa lahat ng contacts na meron ako sa cellphone ko...

 "Wala talaga akong makitang dahilan kung bakit ko dapat hanapin yang TRUE LOVE na yan.

Bakit ko yun hahanapin kung alam kong lahat ng naghanap dun at one point nasaktan? At one point umiyak? Bakit ko hahanapin ang isang bagay na alam kong sasaktan at paiiyakin lang ako at one point? I'm not stupid enough to welcome something that I know will hurt me one way or another.

I'm not stupid enough to fall in love."

 Yan, yan na lang ang na i gm ko at hindi ko inaasahan na ang daming magrereact.

Syempre, makakalusot pa ba yan sa tatlo kong kabarkada? Syempre react agad sila.

Message ni Tracy >> "Weh? Sinasabi mo lang yan. Makikita mo rin isang araw yung katapat mo."

Message ni Roxy>> "Gumaganun? Bitter lang?"

Message ni Jovz>> "Oo na lang."

At marami pang ibang nag react pero this certain someone caught my attention. I was really surprised nung mag appear yung pangalan nya sa inbox ko. Naisama ko pala sya sa gm ko. Were not close so nagtaka talaga ako nung magreply sya, at ito pa ang reply nya sa message ko...

"You're not stupid enough, or you're just too scared to try? Matalino ka ba o duwag? Paano kung true love na mismo ang maghanap sayo? Paano kung pilitin nung baguhin ang pananaw mo? Masasabi mo parin bang hindi ka interesado dun? Masasabi mo bang ayaw mo parin dun?" Yan lang naman ang nireply sakin ni Matthew Torres. Sino sya?

Actually he goes in the same school as me. Third year highschool sya, mas mababa ng isang year level sa akin. Hindi  kami close, actually pag nagkikita kami sa school, para lang kaming hangin, lampasan lang ng tingin pag nagkasalubong. Suplado kasi sya, eh suplada din ako. Hindi ako babati sa isang tao kung hindi sya ang unang babati sa akin, so ayun madalas para lang talaga kaming hangin.

So paano nya ako nagka number niya? Babaero kasi yang isang yan. Nakuha nya yung number ko dun sa best friend nya na crush ko dati, crush ko pero dinump ko din kasi nagka crush sa akin. Boring na. Kinuha nya yung number ko dun kasi prospect nya yung best friend ko, which is now nasa US na. Magpapalakad sana sya sa akin dun kasi hindi tumalab yung charms nya sa bff ko, pero hindi ko sya tinulungan kasi nga babaero sya wahaha.

Kaya madalas inaasar ko sya sa na bigo sya. Actually sa text at sa fb nagkaka usap naman kami pero minsan lang. Kung mag uusap man kami dun, puro pang aasar lang ang ginagawa ko sa kanya pero bihira lang talaga kami mag interact. Kaya nga ngayon nagulat ako kasi nagreply sya dun sa text ko. Mukhang ako naman ngayon ang inaasar nya, wala siguro tong mautong babae ngayon.

Mabalik nga tayo dun sa tinxt nya, anu nga ba yun?

Binasa ko ulit...

"You're not stupid enough, or you're just too scared to try? Matalino ka ba o duwag? Paano kung true love na mismo ang maghanap sayo? Paano kung pilitin nung baguhin ang pananaw mo? Masasabi mo parin bang hindi ka interesado dun? Masasabi mo bang ayaw mo parin dun?"

Mareplyan nga to. Ako pa hinamon ah? Tingnan natin.

"Oo naman no! Paninindigan ko ang sinabi ko, kasi kung sakaling mahanap ako ng TRUE LOVE na yan, tatanggihan ko na sya bago pa sya tuluyang makapasok sa buhay ko." Yan ang nireply ko sa message nya tapos maya maya nagreply na naman sya. Ang bilis huh?

"Oh talaga? Paano kung magawa kong baguhin ang pananaw mo? Anung gagawin mo?" yan lang naman yung nireply nya.  Ang hangin talaga kahit kailan -___-

"Mabago mo na lang." yan naman ang sagot ko. Medyo matagal bago ulit sya nagreply. Bakit ko nga ba hinihintay yung reply nya in the first place? Halos sya nlng ang nirereplyan ko ah!

Akala ko nga hindi na sya magtetext pa. Tutulog na sana ako ng biglang mag vibrate yung cellphone ko at lumabas na naman yung pangalan nya sa screen.

"Ok sige ganito, how about maging tayo for a month? Tingnan natin kung hanggang saan ang itatagal nyang pananaw mo, tingnan natin kung hanggang kailan mo maaayawan ang true love na lumalapit sayo." Yan lang naman yung tinext nya.

Maging kami for one month? Anu bang pinagsasasabi niya?! Lakas ng trip netong isang to ah! Pero pag tumanggi naman ako baka isipin nya duwag ako. Wala naman sigurong masama kung itatry ko. Hindi ko rin naman sya type in the first place, never akong nagka crush sa kanya since I find him arrogant at medyo ayoko sa mata nya. Ewan ko ba pero iba kasi sya makatingin, feeling mo lage syang galit sayo. Basta there's something in his eyes na pag makakasalubong ko sya ayoko talagang tingnan. Isa pa naalala ko, may kailangan kaming isulat na love novel. Oo short story lang naman, pero God! Lovestory! Oo original na lovestory! Yun ang project namin sa Filipino. Final project namin yun so mataas ang percentage.

I'm okay with writing essays and stuffs, pero wag lang ang topic ay love kasi wala akong alam dun. Hindi ako maka relate dun. Mahirap magsulat tungkol sa isang bagay na wala kang alam, mahirap naman mag rely on research lang. And having thought of it, mukhang magandang offer din naman tong inooffer sakin nitong Matthew na to. Matatapakan ko na yung ego nya pag napatunayan kong hindi ako maiinlove sa kanya, magbebenefit pa ako since kung magiging bf ko sya kahit deal lang, eh at least may malalaman ako kahit panu kung anung pakiramdam ng may boyfriend. Kahit na nakakadiri iniimagine ko palang.

Kaya naman sa huli, pagtapos kong mapag isipan ang lahat eh pinatulan ko ang trip nya...

"Oh sige, let's try to be a couple for one month. From now on boyfriend na kita." sagot ko. Agad naman syang nag reply.

"Let's bring it on, girlfriend ko." sagot niya.

And that was the day when Ms. Jannica Reyes changed from being single to being in a relationship for a month.

Wala namang masama rito eh. I'm not forgetting my principles or anything. This is nothing serious. Since wala namang feelings na involved between the two of us. Hindi ko alam kung anung nakain nya at he decided to provoke me into this deal, pero what ever. I found it beneficial and it would really be a pleasure watching him when I manage to step on his super annoying EGO.

"Humanda ka Matthew Torres. Ipapakita ko sayo, patutunayan ko sayo, na yang TRUE LOVE na sinasabi mo, kahit yan pa ang maghanap sa akin, hinding hindi ko papapasukin yan sa buhay ko." nasabi ko na lang habang nakatingin dun sa cellphone ko.

Pero ang hindi ko pala alam...

 

Sa pag sang ayon ko sa  walang kwentang usapan naming yun...

 

Isang usapan ng dalwang taong walang magawa sa buhay...

 

Sa pag sang ayon ko pala dun...

 

Wala akong kamalay malay...

 

Na simula pala nun...

Hinayaan ko ng makapasok ang TRUE LOVE na yan sa buhay ko.

Ang bagay na sinasabi kong tatanggihan ko, once na mahanap ako...

PINAPASOK KO NA PALA NG HINDI KO NAMAMALAYAN.

This day... is the start of everything.

----------------------------------------------------------------------------------------------

A/N: Mabilis ang phasing nitong story na to kasi nga it will consist of only 10 chapters.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #yam-yam28