6: Unexpected visitor
====
"Hahaha! Sorry." Natatawa paring sabi ni Nathan na may bitbit na isang basket ng mga prutas.
Sumilip naman sa may pintuan si Jassy.
"Nasaan ang mga prutas? Nahugasan mo na?" Tanong ni Jassy.
Napakunot tuloy sa noo si Jara. Bakit inutusan ng bunsong to ang bisita ng ate nila?
Makita ang kindat ng kapatid alam ng sinadya nito. Sinamaan niya ito ng tingin.
"Hindi pa. May narinig kasi akong atungal ng—"
"Jassy, pigilan mo ko. Sasaksakin ko talaga ang lalaking to." Sabi ni Jara at itinutok pa ang serving spoon kay Nathan.
Tinawanan lang siya ng bunso.
Nilagyan na niya ng oil ang frying pan. Si Nathan naman naghuhugas na ng prutas. Si Jassy naman ang nagbalat.
Pumasok si Jana at kumuha ng mayonnaise at Nestlé cream sa ref dahil gagawa daw sila ng fruit salad. Nagpatuloy naman si Jara sa pagluluto.
Kukuha sana siya ng mangkok kaso nakaharang si Nathan sa lalagyan ng mga plato.
"Excuse lang sandali."
Pumagilid naman ang lalake malapit sa pader. Kinuha ni Jara ang isang mangkok habang si Jassy naman lumabas dala ang hiniwang prutas.
"Mas cute ka pala sa malapitan." Muntik ng mabitiwan ni Jara ang hawak na mangkok sa sobrang gulat.
Sobrang lapit kasi ng mukha ni Nathan kaya bigla siyang napaatras at mababangga sana niya ang mga babasaging mga gamit malapit sa sink.
Bigla siyang hinila ni Nathan para di mabangga ang mga babasaging mga baso at mga plato, pero dahil don ay mas lalo lamang silang napalapit sa isa't-isa.
Nanlaki ang mga mata niya maramdaman angbpagdampi ng labi ni Nathan sa kanyang tainga. Dahil don nilingon niya ang lalake para samaan ng tingin na pinagsisihan din niya ang desisyon dahil dumampi ang labi niya sa labi ng nakayuko nalang lalake.
Pakiramdam niya umakayat lahat ng dugo niya sa ulo.
Hindi niya alam kung ano ang gagawin kaya mabilis na lamang siyang lumabas ng kusina.
"Kayo na magpatuloy sa niluluto ko." Tumakbo na siya sa kwarto niya at nang lumabas ulit nakabihis na.
"Alas tres palang a. Papasok ka na?" Tanong ni Jassy.
5pm pa ang klase nila kaya bakit ang aga naman yatang pumasok ng isang to?
"Nakalimutan kong may practice pala kami sa gagawin naming play." Sagot ni Jara na mabilis ng lumabas ng bahay.
"Kinakabahan siguro dahil kasama niya si Nathan sa kusina." Natatawang sambit ni Jana.
"Puntahan mo si Nathan sa loob mag-isa lang siya don." Utos ni Jana kay Jassy.
"Aba, aba. Gusto mong maaga din akong papasok? Ikaw din, masosolo mo pa manliligaw mo. Chance mo na."
"Subukan mo lang at di ka makakahiram ng pera sa akin." Banta ni Jana na ikinanguso ni Jassy.
Ilang sandali pa'y lumabas na si Nathan sa kusina na may dalang mangkok na nilagyan ng tinolang manok.
"Saan ko ito ilalagay?" Tanong pa nito sa kanila habang may hinahanap ang mga mata.
"Diyan lang." Sagot ni Jana, sabay turo sa maliit na mesa.
Si Jara naman na papunta sa school hindi mawala-wala sa isip ang nangyari kanina.
Napuna pa siya ng mga kaklase dahil pulang-pula ang mukha niya.
Pagkatapos ng klase, dumaan muna siya sa 24 hours store at bumili ng milkshake at paborito niyang chocolate.
May nakasabay pa siyang matanda na tumatawid sa kalsada kaya inalalayan niya itong makatawid.
Hindi niya pansin ang mga sakay sa itim na kotse na nakasunod sa kanya.
"Siya pala?" Tanong pa ng isang babae.
"Maganda at mabait." Tumango-tango pa.
"Hindi pa ba tayo aalis?" Tanong naman ng isang lalake.
"Oo na. Atat masyado." Sagot ng babae at pinaandar na ang kotse.
Pinagmasdan naman ng lalake ang papalayong pigura ni Jara at napangiti.
....
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top