5: Jana's new suitor
"Jara, tingnan mo ang cute niya." Kinikilig na tawag ni Jana pagkalabas ni Jara sa banyo.
Inilapit ni Jana ang screen ng phone sa mukha ni Jara.
"Bakit?" Tanong ni Jara habang pinupunasan ang basang buhok.
Saka nakita ang selfie ng ate niya at ni Nathan noong nakaraang araw.
"Wag mong sabihin crush mo din siya ate? Uy! Uy! May crush niya yung birthday celebrant." Tukso niya sa ate.
"Pareho tayo ng crush. Ibig sabihin gwapo siya. Apir!" Ganyan silang magkapatid.
Open sila sa isa't-isa.
"Crush ko siya pero di ko type ang dating niya. May pagkaplayboy kasi." Sagot ni Jara.
"Bala ka diyan. Basta ako, kapag may pagtingin ako sa tao, sasagutin ko agad kapag nanliligaw. Kapag pinalitan ako, e di break. Basta ba di ko naisusuko ang dapat isuko kaya kahit iwan man ako o lokohin walang mawawala sa akin."
"Ikaw nga tong nangloloko e."
Ilang sandali pa'y tumili ang ate niya.
"OMG! Pupunta daw siya dito sa bahay."
"Sino?" Tanong naman ng galing sa kusinang si Jassy.
"Nathan." Sagot ni Jana.
Hindi mapigilan ni Jara ang pagkabog ng dibdib niya. Kung may katawan lang ang pusong ito kanina pa niya sinapok.
"Sinong Nathan na naman yan? Bagong manliligaw mo?" Tanong ni Jassy.
Umupo ito sa sofa at ni-on ang TV.
"Kaibigan ko lang siya no. Bagong crush namin ni Jara."
"Talaga? May bagong crush na din si Jara? Mukhang gwapo nga to. Tanungin mo kung kelan siya pupunta nang makilatis ko. Malay mo magka-crush din ako."
"Buti pa mag-aral ka nalang Jassy. Wag gayahin yang ate mo na puro lalake ang iniisip. Siya ayos lang dahil nasa tamang edad na e ikaw?" Sabi naman ni Jara na kinuha na ang libro at notebook para makapag-take note.
"Wag mong gayahin yang si Jara. Tatanda yang walang asawa dahil puro aral ang iniisip." Sagot naman ni Jana.
"Ako nalang ang gayahin mo, utak ang ginagamit ko, utak."
Napailing na lamang si Jara. Itong ate niya iba ang itinuturo sa nakababatang kapatid? Matino pa ba to?
Ilang araw ang lumipas di magkamayaw sa paghahanap ng maisusuot si Jana.
"Ito ayos na ba to? Ito?"
"Ito tingnan niyo bagay ba sa akin?"
Kapag ganito ang ate nila ibig sabihin may bisita na naman.
"Kahit ano bagay sayo." Sagot naman ni Jassy.
"Pupunta siya dito sa bahay. O my God. Kinikilig ako. Excited na ko." Napasayaw-sayaw pa.
Ganyan ang ate nila, madaling kiligin at madaling magsawa. Isa sa dahilan kung bakit iniiwan niya ang mga bf nito iyon ay kapag humiling sila ng bagay na hindi kayang ibigay ni Jana.
Oras na hihilingin mo ang bagay na yon, ibebreak ka agad. No why's no but's. Palage siyang nagpapalit ng boyfriend pero alam niya ang limitasyon niya kaya naman kahit ilang beses siyang magboboyfriend susuporta lang silang magkapatid.
"I think siya na ang the one ko." Sabi pa ni Jana. Wag kayong maniwala diyan sa the one niya dahil ilang araw lang ang lilipas may kasunod yan na "ayoko na sa kanya. Di na ko kinikilig kapag kasama siya."
Ganyan palage.
Pumasok na lamang si Jara sa kusina at ipinagpatuloy ang ginagawa. Siya kasi ang magluluto ngayon. May routine kasi silang tatlo. Salitan kung sino ang magluluto, maglalaba, maghuhugas at maglilinis sa bahay.
Si Jassy ang maglilinis ng bahay ngayon at si Jana ang maglalaba ng mga damit nila. Ang ginawa, nagpalaba sa iba kaya ayan parelaks relaks lang.
Habang naghihiwa ng gulay kinakanta ni Jara ang sinasamba kita na theme song sa isang telenobelang sinasamba kita.
Pagkatapos maghiwa inunat niya ang mga braso at lumiad. Kaya lang hindi niya inaakalang may makikita siyang ibang tao maliban sa kanya.
Sa sobrang gulat bumagsak ang likod niya sa sahig.
"Aray!"
"Pfft! Ayos ka lang?" Natatawang tanong ng bisita.
Sinamaan niya ng tingin si Nathan.
"Tatanong-tanong pa to, pagtawanan lang naman yung tao." Sagot niya na agad umupo at hinimas-himas ang likuran.
....
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top