13: Nagbabago ang damdamin


"Jara, naglasing si Nathan." Ang malungkot na sabi ni Jana. "Ayaw na daw lumabas sa kwarto niya. Sabi ni Rex."

Ngayon lang naglasing ang lalaking ito. Hindi naman kasi ito palainom.

"Bakit sa akin mo sinasabi? Di ba dapat puntahan mo?"

"May mahal siyang iba." Nabitiwan ni Jara ang hawak na bolpen sa narinig.

"A-ano daw'ng pangalan?" Pilit niyang tanong  pero ang puso halatang kumikirot.

"Ara."

"What?" Tanong niyang muli.

"Kilala mo?" Tanong ni Jana.

"Ara kasi ang tawag niya sa akin. I'm sorry ate." Nakayuko niyang sagot.

Kung siya nga ang mahal ni Nathan paano naman ang ate niya?

"I'm sorry." Pag-uulit niya.

"Gusto mo ba siya?" Tanong muli ng ate niya.

"Hindi." Sagot niya na pilit na lumunok ng laway dahil mukhang nanunuyo ang kanyang lalamunan.

"Yung totoo Jara. Alam mo namang ayaw kong may nagsisinungaling sa atin. Tayo-tayo lang ang magkakakampi kaya hindi tayo dapat naglilihim sa isa't-isa." Nakataas na kilay na sabi ni Jana.

"Hindi ko alam. Hindi ko alam kung gusto ko ba siya o galit parin ba ako sa kanya?"

"Mahal ko siya pero iba ang gusto ng puso niya. And I think mahal ka nga niya Jara dahil nagiging ganito lang siya nong makita niya kayo ni Jade na sweet sa isa't-isa."

"Ayoko siyang pag-usapan ate. Sayo na siya. Ayaw ko sa kanya. Ayaw ko sa tulad niya." Sagot ni Jara at tumayo. Papasok na sana sa kwarto niya nang magsalitang muli si Jana.

"Paano kung ikaw talaga ang mahal niya?" Tanong ni Jana na ikinatigil niya.

"Hindi ko siya mahal." Tila may bumara sa kanyang lalamunan nang sabihin ang mga katagang yon.

"Dahil ba naging kami?"

Hindi sumagot si Jara.

"Crush mo si Jade dati pero nang malaman mong si Jassy ang crush niya naglaho agad ang nararamdaman mo. At itinuring mo na agad siyang parang tunay na kapatid magmula non.

Kahit na nagtapat siya sayo. Kahit na ikaw talaga ang gusto niya. Hindi mo na iyon sinuklian ng pagmamahal na hihigit pa sa kapatid. Dahil lang sa minsan siyang nagkagusto kay Jassy."

Grade 7 sila nang aminin ni Jade na crush nito si Jassy at grade 11 naman nang magtapat si Jade at inaming mahal niya si Jara na higit pa sa kapatid.

Pero hanggang kapatid na lamang ang tingin ni Jara sa kanya.

Nagtransfer si Jade sa ibang school dahil sa pagka-brokenhearted. Nang magkita silang muli, bumalik na ito sa pagiging Jade na makulit nilang kababata at di na nila pinag-uusapan ang anumang nangyaring pagtatapat niya.

"Nagbabago ang damdamin ganon din ang tao. Bakit di niya ako nagustuhan noong gusto ko pa siya? Bakit kung kailan umatras na ako at naka-move on na saka pa siya magsasabi ng gusto ako?"

"Ganon din ba si Nathan sa puso mo?"

"Sa sinabi ko na, nagbabago ang damdamin. Ganon din ang puso ko." Sagot ni Jara at pumasok na sa kwarto niya

....

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top