10: Leave me alone

Final rehearsal ng Masked Dancers ngayon kaya nagtungo agad si Jara sa isang gym na pinagmamaya-ari ng kasama nila sa team. Isa itong fitness instructor  kapag vacant ang masked dancers.

Madalas dito sila palaging nagpapraktis dahil dito din naman sila naggigym kapag may oras sila.

Sumakay na si Jara sa elevator at di pinansin ang taong sumunod sa kanya.

Pagdating sa fifth floor, bumukas na ito at lalabas na sana siya nang may humila sa braso niya na ikinagulat niya.

"Hey!" Sigaw niya sa kung sino.

"Ara!"

Tumambol na naman ang puso niya sa boses na yon.

"Nathan?" Gulat niyang tanong.

Nanlaki ang kanyang mga mata nang bigla siya nitong yakapin.

"I miss you."

Lalo namang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Pero mali ito kaya tinulak niya ang lalaki sabay sigaw ng "Leave me alone!"

Tumakbo na siya palabas nang makawala sa lalake.

"Bakit ba niya ginagawa sa akin to? Balak ba niyang pagtuhugin kaming magkapatid?"

"Kung di niya gusto si ate bakit pa niya niligawan?" Galit at inis. Iyon ang nararamdaman niya.

Nagagalit siya dahil may gf na nga pero hinihiritan pa siya. Inis dahil nakaramdam ng tuwa ang puso niya malamang namimiss siya nito.

"I hate him! I hate him!" Kumukulo ang dugo niya maisip na manloloko si Nathan. Two timer at fake. Fake ang pinapakitang pagmamahal nito sa ate niya.

"Oh, Jara. Mukhang badtrip ka yata." Bungad sa kanya ni Kaila pagdating niya sa gym.

"Wag mo na akong pansinin. Badtrip lang ako." Niplay na lamang ang paborito niyang dance music. Isasayaw na lamang niya ang lahat ng naramdamang inis, galit at frustration.

Ipinikit ang mga mata at nagsimulang iindak ang mga paa. Sabay galaw ng mga kamay at baywang.

Kapag sumasayaw siya hindi na niya pinagtutuonan ng pansin ang paligid niya. At hindi niya na nakita na nanonood pala sins Nathan kasama ang mga barkada nito.

"Sila pala ang Masked Dancers? Woah! Nakita ko na rin sila in person." Manghang sambit ni Rodney na magnanakaw na sana ng picture pero may kumuha sa phone niya.

"Sorry Sir, pero ayaw niyang may magvivideo o kukuha ng larawan niya kapag sumasayaw." Sabi ng Drake na kabilang sa Masked Dancers.

Nong minsang kinunan nila ng video si Jara hindi na ulit ito sumayaw pa. Nag-alala lang siya na baka di na naman ito sisipot. Final pa naman nila bukas.

Nong bata pa kasi ito, habang sumasayaw si Jara may nagvideo sa kanya at ni-ipload iyon sa class forum. Nilait siya at pinagtawanan. Dahil para daw siyang taong sinapian.

Nong minsan ding ginaya niya ang sayaw ng napapanood niya sa TV na sayaw ng mga babaing nang-aakit, may nagvideo din at inapload sa school nila na umani ng mga panghuhusga. Dahil daw bata pa nagpapraktis na ng mga malalaswang sayaw.

Hindi daw tinuruan ng mabuti ng mga magulang niya. Hindi naman niya alam na di dapat isayaw ng katulad niya ang mga ganon. Malay ba niya sa mga bawal at hindi? Saka may mga pamilya na ang mga magulang niya, sino ang magtuturo sa kanya sa mga dapat gawin at hindi?

Magmula non, sasayaw lang siya sa publiko at papayag na mavideo basta ba nakamaskara siya. Ang Masked Dancers team ay gawa ng ate niya na halatang isa siya sa inspirasyon kung bakit nabuo ang team na ito.

"Inlab na ulit ako bro." Sabi naman ni Froi habang pinapanood ang sumasayaw na dalaga.

"Hingi tayo ng number niyang sumasayaw." Sabi din ni Rex.

Pansin nilang sobrang tahimik ni Nathan.

"Tol, anong nangyari sayo?" Tanong ni Rex sa kaibigan.

Hindi naman sumagot ang lalaki.

"Excuse me." Sabi ni Marco para makadaan. Nakaharang kasi sa daraanan ang grupo ni Nathan.

"Sandali!" Tawag ni Nathan dito.

"Bakit?"

"Nong birthday ko. Siya ba ang sumayaw bilang Miss J?"

"Oo. Pero umalis din agad dahil takot makipagselfie sayo." Sagot ni Marco at nagpaalam na sa kanila.

Si Nathan naman napaatras.

...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top