1: Substitute
"Sige na kasi." Pamimilit ni Jana sa nakababatang kapatid.
"Ayoko ko nga. Hindi ko kaya." Sagot naman ni Jara na mas bata ng dalawang taon kay Jana.
"Sandali lang naman e. Pagsimula lang ng program. Memorize mo naman ang step di ba? At nasabi ko na sa mga kagrupo ko na ikaw na muna ang magpeperform."
"Ate naman e."
"Ayaw mo ng bagong cellphone?"
"Gusto."
"O, di ikaw na ang magperform. 10,000 ang ibibigay nila sayo kasi kunti lang kayong maghahati-hati sa bigay na pera nong family ng birthday celebrant."
Gusto tuloy maiyak ni Jara. Ito kasing ate niya, ang daming kinuhang gig kahit hindi kaya halos ng oras niya tinatanggap parin.
Tapos sila palaging mga kapatid niya ang napipilitang pumalit sa kanya kapag di siya makakapunta.
Miyembro ng isang dance team si Jana na kilala sa tawag na Masked Dancers. Dahil ang mga lalake nagsusuot ng mga maskara habang ang mga babae kundi maskara ang ginagamit, isang veil sa mukha.
Half ng mukha ang natatakpan mula ilong pababa. Mata lang ang nakikita. Pare-pareho sila ng mga matang tatlong magkakapatid. Pareho din ng mga kilay at kutis. Maliban sa hugis ng mukha. Heartshaped kay Jana na lalong nagpacute sa kanya ang pa-V na chin habang bilugan naman ang mukha ni Jara na parang ang sarap kurutin ng dalawang malulusog na pisngi at pa-U naman kay Jassy ngunit may angking kakaiba ring ganda.
Kaya kung takpan ang ibabang bahagi ng mukha nilang tatlo, hindi mo mahuhulaan kung sino-sino sila at aakalain mong iisang tao lang sila.
Dahil nakamaskara naman ang mga Masked dancers, kaya kahit paiba-iba ang kanilang mga performer walang makakahalata.
Sumasali sina Jara at Jassy kapag nagkulang ng mga performer ang grupo at kapag may hindi makarating sa kanila.
Si Jara ang madali nilang matawagan kapag naghahabol sila ng oras. Iyon ay dahil basta sayaw, madali itong mamemoryado ni Jara kahit isang beses lang niyang nakita. Mabilis din niyang makuha agad ang mga steps. Siya ang palaging nagiging substitute sa mga hindi makakasipot sa final performance.
Niyaya sila ng grupo na sumali na kaso parehong ayaw nina Jara at Jassy dahil may mga part time job na sila at higit sa lahat, nag-aaral din.
"Sikapin mo lang na makarating pagkatapos ng performance. Ayaw kong mahuli ng mga fans mo." Sabi naman ni Jara sa ate niya.
"Oo na. Oo na. The best talaga tong kapatid ko o. I love you na." Sabi pa ng ate at ilang beses pang nagflying kiss bago umalis.
Napabuntong-hininga hininga naman si Jara at kinuha na lamang ang costume ng ate.
Pare-pareho naman sila ng tindig, taas, at sukat maliban lang sa mukha. Si Jana ang maituturing na pinakamaganda sa kanilang tatlo kasunod non si Jassy. Si Jara naman masasabi mong mapapansin lang ang ganda kapag wala ang dalawa niyang kapatid. Siya ang maituturing na average beauty sa kanila.
Isang manipis na bluish-white long sleeve dress ang costume ni Jana na pinarisan ng puting panyo pangtakip sa kalahati ng mukha.
Lyrical ang sasayawin nila na may story na Angels and Demons na nahulog sa isa't-isa. Mga lalake ang umaktong demons at mga babae ang kunwari angels.
Pumunta na lamang si Jara sa final rehearsal ng Masked Dancers dahil siya naman ang magpeperform sa final.
....
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top