[6] : Ethereal Harmony

[ ADONIS ]

(Note: this isn't a POV, napagpasyahan ko lang na i-highlight ang mga characters nang ganito whenever it's time for their side of the story to be explored. Para hindi na rin magkalito-lito. Andami rin kasi nilang main character sa story na 'to eh.)

~•••~

"H--Honey? Honey... Did you hear that?" Bulong ng isang matandang babae sa kanyang natutulog na asawa, habang magkatabi ang mga itong nakahiga sa kanilang kama.

Kanina pa kasi may naririnig na mga mahihinang yapak ng mga paa ang matanda mula sa labas ng kanilang kwarto, na wari bang may tao mula roon.

"Come on, Cynthia. Get some sleep; it's probably just your imagination or something," sabi naman sa kanya noong matandang lalake, na mahahalatang antok na antok pa rin.

"B--But it's not! Lorenzo, listen to it! It's real! I may be old, but I am most definitely still not deaf!" Pagpupuntong muli no'ng babae.

After a few seconds ay pareho namang nakarinig ang mag-asawa ng isang bagay na bigla nalamang nabasag. At sa palagay nila'y nanggaling iyon mula sa kanilang kusina.
Doon lamang tuluyang naniwala si Lorenzo.

"Told you so!" Says Cynthia.

Dahil dito'y kaagad na napabangon naman mula sa kanilang kama si Lorenzo, at dali-daling kinuha ang kanyang tinatagong shotgun mula sa likuran ng kanilang cabinet, at nagbabadyang pupuntahan kung ano man ang kanina pang umaaligid mula sa loob ng kanilang pamamahay.

They're thinking, it's probably burglars that broke into their house.
And if Lorenzo proves himself right, then he's definitely gonna be shooting someone tonight.

"L--Lorenzo, darling, please be careful," may halong pag-aalalang payo ni Cynthia sa asawa.

++

Dahan-dahang naglakad si Lorenzo palapit sa may kusina.
Ngunit kada kilos niya'y pinag-iingatan niya ng sobra.
Patingin-tingin din siya sa halos buong sulok ng kanilang bahay, just in case may bigla nalamang umatake sa kanya. Everything's dark, but even though he's old, he still have sharp senses.

Whoever's lurking through their kitchen right now is most definitely not one of their sons. Dahil nagtatrabaho ang mga ito overseas, kaya imposibleng naririto ang mga ito ngayon sa kanilang bahay.

Dahan-dahan siyang pumalapit sa may pintuan ng kusina...
Nagbilang muna siya hanggang tatlo, at pagkatapos ay pwersang kaagad na itinutok mula roon ang hawak-hawak niyang shotgun, expecting some kind of thief!

Nguhit bahagyang napahinga nalamang ng malalim ang matanda nang makitang, ang orange na pusa lang pala nila iyong si Elvis.

"Son of a jackal! Elvis, you stupid cat!" Bulyaw niya roon sa pusa.
"Get outta here! Shoo! Shoo!" Sigaw niya pa roon sa pusa. Dahil dito'y kaagad naman iyong natakot sa kanya at nagtatakbo papalayo.

"L--Lorenzo? Dear, are you alright? W--What was it?" Pasigaw na tanong sa kanya ni Cynthia, na hanggang ngayo'y nasa loob pa rin ng kanilang kwarto.

Muling napasinghap si Lorenzo.
"It's nothing! Just Elvis doing his freakin' routine!" Sagot niya sa asawa, at pagkatapos ay maglalakad na sana pabalik...

But suddenly, his peripheral vision caught something on the left side of the kitchen, near the open window...

Dahan-dahang napapalingon mula roon si Lorenzo, at nang makadapo na nga mula roon ang kanyang mga mata, wala siyang ibang makita kundi purong kadiliman, ngunit gayo'n pa ma'y ramdam niya pa rin ang mabibigat na paghinga ng isang tao mula roon.

"What the... Is someone there? W--Who are you?" Mahinang pagkakabigkas na naitanong nalamang ni Lorenzo.

But the person behind the shadows never responded anything...

Kaya nama'y matapos nito'y walang ano-anong bigla nalamang pinindot ni Lorenzo ang switch ng ilaw mula roon, at laking gulat niya nang may makita nga siyang isang lalake na nakatayo malapit sa may bintana at palabas na, habang suot-suot pa nito ang kanyang paboritong leather jacket at shorts, at may kagat-kagat pang malaki at mahabang tinapay mula sa bibig nito.
Sa magkabilang kamay naman nito ay ang lahat ng mga pagkain nilang nakabalot na ngayon sa plastic...

"Son of a-! Thief! There's a thief in our kitchen! Cynthia, call 911!" Bulyaw ni Lorenzo, at nagbadyang ipapaputok na sana ang kanyang hawak-hawak na shotgun mula roon sa binata.

But the boy was alot more quicker than him...
Ibinaba nito ang kanyang mga daladalang pagkain at iniharap sa matanda ang mga kamay, and all of a sudden, bigla nalamang may nagsilabasan na mga electric charges mula sa kanyang magkabilang palad...

But instead of aiming it at the poor old man, mas ipinuntirya noong binatang patamaan ang baril nito, upang hindi ito pumutok mula sa kanya.
Pati ang switch ng ilaw ay nadamay rin, kaya nama'y agad na namatay ang ilaw mula roon.

At dahil sa nangyari mula sa kanyang shotgun ay bigla nalamang iyong nabitawan ni Lorenzo, sa takot na baka pati siya'y makuryente rin nito.

Dali-dali niya namang pinindot muli iyong switch, ngunit may halong gulat at pagtatakang nanlaki ang mga mata ni Lorenzo nang makita niyang wala nang kahit na sino mula roon. Maging ang kanilang mga pagkain ay nahagip na rin nito.
Lorenzo hastily dashed towards the window, scanning the alley with a quick glance, nagbabakasakaling makikita niya pa iyong binatang magnanakaw mula sa baba, but nothing.

Ang ikinataka niya lang ay, papaano ito agad na nakawala? Na nasa ikalimang palapag pa ang apartment nila?

And the things that happened just a few seconds ago... he wondered, were those merely just optical illusions, playing tricks with the lights? O totoong bigla nalamang nagsilabasan ang kuryente mula sa mismong mga daliri no'ng binata?

+++

Sa kabilang dako nama'y nasa pinaka-rooftop na ngayon ang binatang nakita kanina ni Lorenzo.
Kain lamang ito nang kain, na wari ba'y ngayon lamang nito nalasap ang tunay na lasa ng isang pagkain simula no'ng maipanganak siya.

He doesn't remember anything about himself.
His name, the people in his life, nor the place he's been before.

Tanging naaalala niya lamang ay nasa loob siya ng isang bagay na puro tubig.

Siya at ang iba pang mga taong kagaya niya.

But ever since he touched that agent of S.H.I.E.L.D. guy, bigla nalamang siyang nagkakaroon ng mga pananakit mula sa kanyang ulo. At samu't-saring mga bagay ang bigla nalamang niyang nakikita mula sa kanyang utak.

Lalong-lalo na ang mukha ng isang babaeng sa tanang buhay niya'y hinding-hindi niya pa nakikita.

Same with what happened when he touched Azure earlier. Or more specifically, no'ng sinakal niya ito...

All of a sudden, he saw some of the boy's memories. Maging ang mga taong nakikilala rin nito'y nakita niya mula sa kanyang isipan.

Some of which he had a feeling na magiging parte sa kanyang buhay...

But unlike do'n sa nangyari sa ahente ng S.H.I.E.L.D, nagpapasalamat siya't hindi niya napuruhan iyong si Azure, dahil kung hindi, ay baka na-comatose na rin ito...

But what he did back there gave him the ability to think like a normal human, and gain some true natural feelings.

Sa buong buhay niya, parang wala siyang ibang alam kundi ang magalit.

But now, he suddenly felt hunger...

He even felt ashamed being naked, and it's probably the main reason why he stole the man's clothes.

And most of all, he suddenly felt... being... Alone...

Lalo na no'ng makita niya iyong mga bangkay noong mga lalake't-babae mula roon sa lugar na kanyang unang namulatan.
Pakiramdam niya pa'y nawalan siya ng mga kapamilya, at marahil ito rin ang rason kung bakit hanggang ngayo'y hindi pa rin mawala-wala mula sa kanyang isipan ang magalit at magwala...

He doesn't know what to do.
His mind is full of questions, like... What's his purpose?

At that moment, all he wanted to do is to find her.

To find that girl whose been bugging his mind all day long.

Isabella...

~•••~

[ Jax / Octavia ]

"Are you sure you're okay now?" May halong pag-aalalang tanong ni Jax sa kapatid na si Octavia, matapos ang nangyari kagabi at sa bigla nalamang sinabi ng kapatid ay hindi mapigilan ni Jax ang hindi mag-alala para sa nakababatang kapatid.

Isang matamis na ngiti naman ang isinagot ni Octavia rito.
"I'm positive, hermano mayor! You have nothing to worry about. Honestly, I literally have no idea why I suddenly just said what I said last night. Maybe my head's just been too preoccupied, to the point that I've just been blabbering out random things these days," sagot pa ni Octavia, trying to maintain a happy atmosphere.

Dahil dito'y napahinga nalamang ng malalim si Jax.
"Very well then, if that's the case, then I'll see you around again later, kiddo. Stay healthy, okay? I'm going back to New York. Big bro still gotta have some work to do."

"You don't have to do it, you know..." sinabing bigla ni Octavia, dahilan upang mapakunot ng kanyang noo si Jax.

"What do you mean?" he asks.

"Work hard and anything," she replied. "I already told you, I'm fine. So please, stop risking your own safety beating off some thugs and such. I've known since day one, Jax. You think I haven't noticed all of those bruises?" Aniya pa, pointing out the bruises around Jax's face. "Why can't you just... stay? And... I dunno, wait for me to just completely heal on my own? Ms. Monica says she will help us. We just gotta-"

"We can't always rely on others, Tav," agarang sabat naman ni Jax.
"And please, just trust me on this, okay?" Aning muli ni Jax, sabay na napangiti sa kapatid. Ngunit nalulungkot na napaiwas nalamang ito ng kanyang tingin.

Hinalikan naman siya mula sa noo ng kanyang kuya, at pagkatapos ay ginulo-gulo pa ang buhok.
"Cheer up! Your hermano mayor is strong. He's gonna be just fine! And I'll asure to you that we'll be getting out of this hellhole hospital in no time!" Aniyang muli, at mas binigyan lamang ng mas matamis na ngiti ang kapatid.

Dahil dito'y napahinga nalamang ng malalim si Octavia at pilit na napangiti na rin rin sa kapatid.
"Just promise me one thing, okay?"

"Sure, what is it?"

"Be safe, and come back," ani ni Octavia.

"Well, aren't I always?" Jax replied and winked at Tavy, sabay pisil pa sa pisngi nito for the last time.

+++

Mayamaya'y lumabas na ng hospital room ng kapatid niya si Jax. At pagkalabas na pagkalabas niya'y gayon naman kaagad na nawala ang mga ngiting nakakurba mula sa kanyang labi.

Ito'y dahil hanggang ngayo'y hindi pa rin talaga mawala sa isipan niya ang sobrang pag-aalala para sa nakababatang kapatid. At nasasaktan siya sa tuwing nakikita ang kasalukuyang kalagayan nito.

Matapos ang nangyaring aksidente maraming taon na ang nakakalipas dahil sa pag-atake ng isang super-villain na halos sumira sa isang buong bayan.
Tanging siya at si Octavia nalamang ang nakaligtas sa buong pamilya nila no'ng gabing iyon.

Both their parents died during the incident, ang mga lolo't-lola nila, at maging ang nakakatanda nilang kapatid na babae ay bigla nalamang ding naglaho and was presumed dead.

Back then, Jax was still just a kid. A five year old one, to be exact, at halos kakapanganak palamang ng mama niya no'n kay Octavia. And it was during the year of 2005.

Simula no'ng araw na iyon, tita niya na ang kumupkop sa kanila, she brought them both to New York, para roon sila ipalaki. Their aunt was as kind as their parents. And she never had a husband or any suitors. Just a single woman raising two kids of her own. But unfortunately, she died of an illness just a few years ago. At tanging siya nalamang ang natitirang kilalang kamag-anak nina Jax at Octavia. Kaya, without her, Jax was forced to stop going to school and just work instead. Raising his only little sister. Ngunit dahil sa hindi niya mapigilang temper, parati siyang nasesesante sa trabahong kanyang pinapasukan. Kaya nama'y napasok niya na maging ang illegal na mga trabaho.

And now that his sister is facing some kind of heart condition, he'll do anything just to save her.
She's the only family he have left. And he can't afford to loose her precious little sister too.

++

"So, Jax, where are we heading off to today?" Azure asks.

Napatingin naman mula sa kaibigan niya si Jax. Kanina pa pala ito naghihintay sa kanya mula sa labas.

Even though he doesn't have any family anymore, atleast he's still a bit happy to have a friend like Azure, who, despite of how he looks and how he behaves, he never really left his side.

Isa si Azure sa mga naging katropa ni Jax no'ng mga panahong pumapasok pa siya sa Midtown High.
At sa lahat ng mga naging kaibigan niya, tanging si Azure lang talaga ang nanatiling kaibigan pa rin niya.

Azure is really just one of the most loyal friend anyone could meet.

Napangiti naman dito si Jax.
"Shopping," sagot niya, dahilan upang mawala naman ang masayang ekspresyon mula sa mukha ni Azure at mapalitan ng pagkalito.

"Ha?"

"Don't get the wrong idea," says Jax.
"I really just want to buy something for Octavia, that's all," aniya.

"Oh! Okay," tanging nasabi nalamang ni Azure. "Well, let's go!" at pagkatapos ay natatawang kaagad nalamang na napatalikod.

Dahil dito'y napairap nalamang sa inis si Jax...

+++

[ Octavia / Monica ]

Mula sa loob ng hospital room ni Octavia naman ay makikitang muling napatayo ang dalaga mula sa kanyang kinahihigaang kama, at dahan-dahang lumapit doon sa may bintana upang magmuni-muni.

Napasinghap ng hininga ang dalaga, habang nakatitig lamang mula sa kalangitan, at pagkatapos ay dahan-dahang napatingin mula sa baba ng building.

She wanted to scroll her eyes down and gaze through every person walking down the street. Like she always do to kill time and boredom.

Ngunit bahagya siyang nagtaka nang may makita siyang tao mula sa baba ng hospital building na nakaharap sa kanya.

Sa unang tingin ay naisip ni Octavia na baka namamalik-mata lamang siya. Ngunit hindi siya maaaring magkamali, sa kanya nga talaga nakatingin iyong lalake. At nakangiti pa ito.

Mayamaya, no'ng mapansin naman no'ng lalakeng nakatingin na sa kanya si Octavia ay kumaway-kaway siya rito, bagay na bahagyang ikininapagtaka naman no'ng bata.

Ngunit para pakitaan ito ng pag-galang ay kinawayan niya nalamang din pabalik iyong lalake, at pilit na nginitian ito...

Nai-alis lamang ni Octavia ang kanyang paningin mula roon sa lalake nang bigla nalamang magbukas ang pintuan ng kanyang kwarto, and in came Monica Rambeau, na may dala pang tray ng pagkain.
"Good morning, Octavia! So... how's my sweet girl doing?" Nakangiting bati pa ni Monica kay Octavia.

"Oh! Good morning, Ms. Monica! I'm doing fantastic!"

"Well that's good to hear, sweetheart! And please, didn't I tell you to just call me, Monica? —I've brought breakfast for you! You better eat up or you might get scolded by your brother again!" Aning muli ni Monica

"Thanks," nangingising pagpapasalamat nalamang ni Octavia kay Monica. Matapos iyo'y muling nilingon ni Octavia iyong lalakeng nakita niya mula sa labas, ngunit wala na ito roon at hindi niya na muling nakita pa.

No'ng mga oras na magtama ang mga mata nila kanina, mahahalatang kaagad na nakaramdam si Octavia ng isang hindi maipaliwanag na bagay.
She felt creeped out by the man's presence earlier.

Ngunit gayon pa ma'y isinawalang bahala niya nalang muna iyon at mas itinuon ang pakikipag-usap sa kaibigan niyang si Monica.

+++

[ Isabella / Primrose ]

"So, have you heard anything from your kuya yet?" Tanong ni Primrose sa kaibigan niyang si Isabella, habang magkasabay silang naglalakad sa may kalsada.

Papunta sila ngayon sa isang mall.
Naisipan kasi nilang mag-freshen-up na muna at i-enjoy ang kanilang mga sarili. Lalo na't papalapit na ang kanilang midterm exams. Kaya paniguradong sa mga susunod na linggo'y magiging mga tunay na abalang estudyante na sila.

Primrose then asked Isabella about her cousin. Iyong isa sa mga pinaka-close niyang pinsan na araw-araw nag-me-message sa kanila, but this time around, he's been awfully quiet.

Napahinga lamang ng malalim si Isabella bilang sagot sa naging tanong ng kanyang kaibigan, sabay na napa-iling-iling pa.
"Unfortunately, he still haven't texted me back yet. I even asked my parents about him, and they said na, they also haven't heard anything from him," sagot pa ni Isabella.

"And... You're thinking something off, right?" Muling tanong ni Primrose.

"I--I don't wanna admit it, but... Yeah. I do feel something's off. I mean... It has been so long since he texted me back! And he isn't the type of person who'll keep you hanging like that. Definitely not kuya Darren," muli siyang napasinghap, at nagpatuloy sa pagsasalita. "But tito and tita told me I shouldn't be worrying too much. Cause... Maybe he's just busy at work."

"Then, maybe he is? But look, if you're still worrying, then I think it'll be a good plan if you go and visit him yourself, don't you think? And I'll be happy to give you some company!"

Napangiti naman dito si Isabella.
"I think that'll be a good plan. He lives somewhere in Louisiana. Kind of a far ride from here, but worth a shot!"

+++

Bago sila magtungo sa may mall, ay may dinaanan muna silang isang DVD renting shop. Nagpaplano rin kasi silang mag-movie marathon mamayang gabi, kaya roon na muna sila pumasok.

"What do you think? Should we get... Aliens? The Shining? Poltergeist? Carrie? Or Exorcist?" Prim asks, suggesting about some great flick horror movies.

"None of those," sagot naman ni Isabella. "Those are about the paranormal. They always bores me! I suggest we get Scream, Wrong Turn, Friday the 13th or maybe Texas Chainsaw Massacre," aniya pa, habang ipinapakita iyong mga DVD na nahanap niya.

"Those are just too gory!" reklamo naman ni Primrose.

Dahil dito'y napairap nalamang si Isabella at kaagad na ibinalik iyong mga DVDs sa shelves.
"You know what? Forget horror movies. How about we just watch Toy Story 3 all over again?" muling suhestyon naman ni Isabella, bagay upang mapangisi naman dahil dito si Primrose.

"Love that movie! A total masterpiece!"

"Right??" And at that moment, both Primrose and Isabella had a common agreement.

"Oh! By the way, haven't you heard? Tomorrow is going to be a big night! Especially for k-pop fans, like me!"

"Why? What is it? Is BTS visiting the country? 4L1T?" Belle asks, mentioning two popular k-pop group.

"No. Even better! The Ethereal Harmony's having their very first concert here in New York! I'm going to that concert no matter what!" Aning muli ni Primrose, at mahahalatang wari ba'y parang kinikilig pa ng lubusan. "D'you wanna come with me? Didn't you say you kinda like one of the members there? Soo-Min?"

"Well... I'm not sure--"

"Come on, please! Come with me! You have nothing to worry about the ticket! Cause I actually already bought two!"

Isabella sighs.
"I'm pretty sure that if I decline your offer, you'd still do everything to make me say yes. So... Okay, fine! I'll go!"

"Yes!" Prim exclaimed.
"In that case, I'll go ahead and pay for those DVDs myself and....." Sinusubukang abutin ni Primrose ang wallet niya mula sa loob ng kanyang bulsa. Ngunit bigla niyang napansing wala siyang may nakukuhang kahit na ano mula roon...
"Uh oh..." Nasambit nalamang bigla ni Primrose.

"Uh oh? What do you mean uh oh? What's wrong?" Takang napatanong nalamang si Isabella.

"Gosh, I think I left my wallet at home," nangingising nasabi naman ni Primrose, dahilan upang mapahinga nalamang ng malalim si Isabella.

"You know what, I got it. Ako na ang-"

"Nope! I insist!" Agad na pinigilan ni Primrose si Isabella sa pagkuha ng kanyang sariling wallet.
"It was my idea to rent a movie, so I'll be the one paying for it. Just stay here for a little bit while I go fetch my wallet at home," aniya pa.

"What? But-"

"No worries! I won't take long. You know my house isn't that far away from here right? So, just stay right where you are. And don't move a muscle!" Wikang muli ni Primrose, at pagkatapos ay tuluyan nang lumabas mula sa loob ng DVD renting shop.

Tinawag pa siyang muli pabalik ni Isabella, ngunit hindi na ito lumingon pa't dere-deretso lamang sa pag labas.

Dahil dito'y walang ibang nagawa si Isabella kundi ang muli nalamang na mapahinga ng malalim.

+++

[ Primrose ]

"Darn it! Just why haven't I noticed it earlier?" Reklamo ni Primrose sa sarili pagkalabas niya mula sa loob ng shop, at pagkatapos ay dali-daling kumaripas ng takbo upang agad na makapunta mula sa kanilang bahay.

Ngunit hindi pa man siya nakakalayo'y kaagad siyang napatigil nang may marinig siyang iyak ng sisiw na nanggagaling lamang din mula sa may di kalayuan...

"Wait... A baby chicken?"

Nagpalinga-linga mula sa buong paligid ang dalaga, at napansin niyang nanggagaling ang iyak na iyon mula sa isang madilim na parte ng isang bakanteng lote.

"Here, chicky-chicky-chicky!" Tawag niya roon sa sisiw, habang dahan-dahang pinupuntahan iyong madilim na sulok.

Maya't maya nama'y unti-unti niya na ngang nahahanap kung saan nga ba talaga nanggagaling ang tunog ng isang sisiw na iyon. It led her into a small box, where the little yellow chick itself was taking shelter.

Napangiti si Primrose nang dahil dito.
"Aww, how'd you end up in here, little guy? This is a big city. You must be far away from home. I mean, guessing you came from a farm..."
Kaagad na pinulot ni Primrose iyong sisiw, at aalis na sana siya mula roon, ngunit pagkalingon niyang muli sa kaninang dinaanan niya' y kaagad siyang napatigil nang makitang may apat na lalake nang nakaharang sa kanya mula roon. All wearing wide evil grin on their faces. At sa unang tingin palamang ay mahahalata mo nang ito'y mga city thugs.

"Well well well, look who we have here..." The guy in the middle, who seemed to be the boys' leader spoke.

+++

[ Isabella ]

Habang naghihintay kay Primrose ay naisipan ni Isabella na umupo na muna mula sa isa sa mga upuang nasa loob ng DVD renting shop, doon mismo sa may waiting area, and made herself busy checking on her phone.

Paulit-ulit niyang tinitingnan ang message app niya kung nag-reply na ba sa kanya iyong kuya niya. But it only disappoints her everytime there's nothing.

Dahil dito'y in-off niya nalamang ang cellphone niya't muling ipinasok mula sa kanyang bulsa.
Habang naghihintay ay hindi mapigilan ng dalagang magpalinga-linga mula sa buong lugar ng shop.

And she just noticed that, the whole store is full of Ethereal Harmony's aesthetic posters, at maging mga stand-ins din ng mga myembro ng grupo'y makikita mo mula roon.

Ethereal Harmony is a new popular k-pop girl group, consisting of five korean members.
Namely, Sapphire, Emerald, Pearl, Lumina and Eclipse.
But of course, those aren't actually their real names. Mga stage-aliases lang kumbaga.

At hindi mapigilan ni Isabella na mapangiti, sabay mapailing-iling pa.
Hindi kasi ito makapaniwala na ang shop na puno ng mga seryoso at hindi manlang marunong ngumiting mga empleyado ay napapalibutan ng mga napakaraming isang pink kpop shenanigans. Siguro gano'n nga talaga yata kasikat ang Ethereal Harmony, na maging ang mga walang pakialam sa kanila'y ginagamit sila upang gawing advertising merchandises.

Moments after, bahagya siyang napapitlag nang bigla nalamang matumba ang isa sa mga stand-in na naroon, dahil natabing ito ng isang babae.

Dahil dito'y napatingin mula sa babae ang lahat ng mga taong naroroon, maging si Isabella, at nagtaka rito.
But most importantly, she was worried about the girl, dahil siguradong lagot ito kapag may mabasag siyang kung anong gamit mula sa loob ng shop dahil sa kanyang pagiging clumsy.

Medyo kapansinpansin din ang kasuotan nito.
She was wearing a black cap, round eyeglasses, and a dark brown jacket, tinernuhan pa ng isang mahabang itim na leggings.

Napaisip tuloy si Isabella na marahil ay isa itong superhero na nag-di-disguise lamang. Kasi, mostly sa mga movie na kanyang napapanood, yan ang parating sinusuot ng mga taong nag-di-disguise... Mostly, females. Males wouldn't wear leggings...

"Hey, what the heck! Watch where you're going! Are you trying to break everything here? Need I remind you, this isn't a place for stupid kids!" Biglang bulyaw pa no'ng isang middle-aged american woman do'n sa dalaga, kahit na mahahalata namang hindi niya iyon sinasadya.

"S--Sorry," paghingi nalamang ng paumanhin no'ng babae, na mahahalatang may asian accent pa.

"Psh. No wonder why you're acting all foolish and clumsy. I'm sorry miss, but if I were you, I'd just go back to whatever country I belong to. People like you don't fit around in here; you might as well just spread some viruses or something," the woman rudely stated.

Dahil dito'y kaagad namang biglang naalala ni Isabella ang ibinulong sa kanya ni Chanel kaninang umaga lamang. At sa puntong iyon ay bigla nalamang siyang nakaramdam ng pag-iinit mula sa mukha, dahilan upang kaagad niyang lapitan iyong babae.

"I beg your pardon, ma'am, but she already said she's sorry! And she didn't mean for it to happen. As far as we know, she just accidentally tipped off one of the stand ins and nothing was critically damaged. Also, what right do you have to talk to her like that?" Agarang pagpoprotekta ni Isabella roon sa babae, na siyang ikinagulat naman bigla ng mga taong naroroon.

"Oh great! Another virus!" Wikang muli no'ng matanda. Pointing out the fact that she's another asian.
"Do I have to repeat myself? I told you didn't I? Get your friend out of here and go back to whatever asian countries you belong!" Muling puna sa kanya nito.

"No, lady. Your nasty attitude is intolerable. Now listen up, you can't just spew your toxic nonsense and expect us to stand down. This girl's worth is not defined by borders or your narrow mindset. I won't let you tarnish the beauty of diversity. So, pack your bigotry and take a hike, because I'm not letting you poison the air we breathe around here."

"Why you little bi-"
Magsasalita pa sanang muli iyong babae, ngunit hindi niya iyon naituloy nang may kaagad na sumabat sa kanya.

"The young girl's right!" Wika no'ng isang lalakeng kasalukuyan ding nasa loob ng shop na iyon. "You're the one being rude here, Karen, maybe its you who deserves to go home," aniya pa, hanggang sa magsunod-sunod na ngang nagsipagsang-ayunan ang mga taong naroroon kay Isabella.
Lahat ng mga ito'y gustong paalisin iyong babaeng gumawa ng iskandalo sa loob ng supermarket.

Isang bagay na siya namang nakapilit doon sa babae upang agad nga itong umalis nalamang mula roon.
She was humiliated...

At nang makalabas nama'y naghiyawan ang lahat ng mga taong naroroon.
They all cheered for Isabella's bravery for a brief moment, at pagkatapos ay nagsibalikan na sa kani-kanilang mga ginagawa.

"Are you okay?" May halong pag-aalalang tanong ni Isabella roon sa babaeng naka-hood.

Bahagya naman itong napa-ngiti, sabay na napatango-tango pa.
Y--Yeah. Thank you so much," says the girl. And funny cause, Isabella thought that the girl kinda looks a little-too familiar...

"No worries," sagot ni Isabella.
"Just be careful next time, okay?" Aniya pa, at muli nang bumalik mula sa tinambayan niya kanina upang kunin ang mga gamit niya, pati na rin iyong palabas na plano nilang rentahan. Nabagot na rin kasi siya sa paghihintay kay Primrose, kaya nama'y siya na ang nagbayad doon.

At magsisinungaling siya kung sasabihin niyang, hindi gumaan ang pakiramdam niya matapos niyang sabihin ang mga iyon kanina.
She also felt happy helping someone up... To her, it felt more like... She just became a super hero...

+

Matapos naman ma-check at maibalot sa plastic ang kanyang nirentahang palabas at mga kung ano pang pinamili mula sa loob ng store, ay agad na ini-abot no'ng counter lady ang kanyang palad kay Isabella, upang kunin ang pambayad niya.

"Oh! Ah... Sorry. I almost forgot," aniya at kaagad na kinapa ang kanyang bulsa upang kunin ang kanyang wallet.

Ngunit laking pagtataka ng dalaga nang hindi niya iyon mahanap mula roon, wala rin ito mula sa kanyang purse... Ibig sabihin...

"Oh, shoot! Did I just forgot about my wallet too!?"
Nasabi nalamang bigla ni Isabella mula sa kanyang isipan...

"Miss? Is something wrong?" Asks the lady on the counter.

Bahagyang pilit na napangiti naman si Isabella dahil dito.
"Uh... N--Nothing... I... Uhh... Well... Sorry, but I might have forgotten to take my wallet with me..." Aniya, dahilan upang mapa-irap nalamang iyong babae.

"B--But don't worry! My friend was about to get hers! And I'm pretty sure she's already on her way! So... Is it okay if I'd pay for it later? And maybe-"

"Look miss, I admired your bravery earlier," says the lady.
"I mean, what you did to protect that other girl earlier from that racist old lady was really awesome! And your words brings out too much inspirations!" Aniyang muli.
"But I'm sorry, I gotta have to say no. You can claim these once you already have money. This has happened many times here, and every time they say that, they never actually come back with the unpaid items they owe. So that's why, you're gonna have to---"

"Here, sold!" Sabat sa kanila no'ng babaeng kanina lang ay tinulungan ni Isabella.
"And please, keep the change," wika pa nito, sabay nilingon si Isabella't binigyan ng isang napakatamis na ngiti't kinindatan pa, at pagkatapos ay agad nang umalis.

Pareho namang bahagyang natigilan si Isabella at iyong babae mula sa counter dahil sa ginawa nito. At napakalaking halaga pa no'ng ibinigay sa kanila no'ng babae.
Pareho pa nga silang nakanganga.

But later on, napataas baba nalamang ng kanyang mga balikat iyong counter lady, at agad na ibinigay kay Isabella ang lahat ng kanyang mga pinamili.
"Here 'ya go!" Says the woman, kaya nama'y walang ibang nagawa si Isabella kundi ang tanggapin nalamang ang lahat nang iyon agad.

Ngunit hindi pa man tuluyang nakakalayo iyong babae'y agad na siyang hinabol ni Isabella, kahit na marami pa itong mga dala.

"W--Wait up! Miss! Miss!" Tawag ni Isabella do'n sa dalaga, dahilan upang kaagad itong mapalingon sa kanya, still wearing that same sweet smile on her face.

"M--Miss, thanks, but... I--I'm afraid, I can't have these. You paid for it. So... It's yours," ani ni Isabella.

"Oh! No, it's okay. It's fine! You defended me earlier, so as a token of gratitude, it's all yours now. Besides, those were yours in the first place, right?"

"Huh? But even so! S-Sorry, but I really can't accept these! O-Or maybe, I'll just call my friend to pay for it and--"

The girl giggles.
"No need, silly!" Aniya.
"Please, take it, Isabella. A person as brave and as kind as your soul, even deserves more than just those," wika nitong muli.

"W--Wait... You know me?" Takang biglang natanong ni Isabella, nang banggitin nito ang pangalan niya.

Napangiti naman dito ang babae, sabay itinuro pa ang kanina niya pang suot-suot na I.D.
At doon niya lang na-realized na kaya pala ganoon. Kakagaling pa nga lang pala nila mula sa eskwelahan.

"You really sure about this?" Tanong muli ni Isabella.

Muli namang napatawa ng mahina iyong babae.
"I told you, yes! It's fine," wika nito. “And I'm not really into movies much. I just went for a quick stroll!”

"Oh, thank you so, so much! This is still embarrassing. But, since you keep on insisting. I gotta have to thank you really-really bad."

"Well, if anything, I think I should be the one thanking you the most," wikang muli no'ng babae.
"And by the way, weird question, but... Are you somehow going to the Ethereal Harmony's concert tomorrow?" She asks.

"Uh... M--My friend asked me to. And since I'm kind of a fan din naman myself. Especially on both Eclipse and Lumina, I think I might indeed go tomorrow. W--Why d'you ask though?" Says Bella.

Matapos iyo'y may kinuha namang dalawang mala-card na papel iyong dalaga mula sa kanyang purse at ibinigay ito kay Isabella.

It was two VIP tickets!

"You and your friend better come. We'll be expecting you," huling iniwika sa kanya nito at pagkatapos ay tinanggal ang kanyang suot-suot na salamin at binigyan ng isang kindat si Isabella, then, nagpatuloy na ito sa paglalakad paalis...

Mula roo'y wari bang sampung segundo muna ang lumipas nang muling makabalik mula sa kanyang gawi ang dalaga.

Pakiramdam niya pa'y bigla nalang siyang na-star strucked nang kanyang makita ang mga mata no'ng babae.

Her eyes were beautiful. At pakiramdam niya'y nakita niya na ang mga ito sa kung saan, hindi niya lang matandaan...

Isabella then, gasped!

Doon niya lamang napagtanto ang lahat...

Kung hindi siya nagkakamali...

The girl was non-other than Lady Eclipse herself! Isa sa mga miyembro ng korean girl band na Ethereal Harmony!

"Oh... My... God!" Biglang nasambit nalamang ni Isabella, na nakatameme pa rin hanggang ngayon.

"Yo, what's wrong? Looks like you've seen a ghost, or something..."
Biglang iniwika naman ng kadarating niya lang na kaibigang si Primrose. Kasalukuyan itong nasa may likuran niya ngayon, at dala-dala iyong nakita niyang sisiw kanina.

"It was her!" Aning muli ni Isabella.
"I can't believe it was actually her!"

"Who?? The queen of England?" Takang tanong muli ni Primrose.

Kaagad namang napalingon si Isabella mula sa likuran niya nang mapagtanto niyang kanina pa pala naroroon si Primrose.
"Wait... Prim?? What took you so long?" Unang natanong ni Isabella sa kaibigan, at napatingin sa hawak niya.
"Is that a baby chicken?"

"Yeah. Isn't he cute? I'm calling him, Cooper!" Sabi naman ni Primrose.

Muling napatingin si Isabella mula sa mukha ng kaibigan niya, at nagtaka siya nang may makitang parang isang maliit na nangingitim na bagay mula sa pisngi ni Primrose.
"Wait... Prim, is that a bruise? What happened to you?" She asks.

"Oh! I--It's nothing! I just kinda fell down while I was on my way to get my wallet," sagot ni Prim.

"Well, did you get it?"

Mas lumawak naman ang ngisi ni Prim dito.
"Definitely! Now let's go back inside and pay for the movies!"

"Too late. I already have it."

"You paid for it?"

"Actually my friend, I've got a story I'd like to share with you. And you're probably never gonna believe me!"

"Oooh! Do tell!"

"But first... Are you sure you really got that bruise from just... tripping down?"

Primrose smirked.
"Yeah. I think being clumsy gives us instant tattoos, huh?"

"Very funny, Prim!"

Napatawa nalamang si Primrose sa naging reaksyon ni Isabella.

Ngunit sabihin niya mang nakuha niya ang maliit na pasa na iyon dahil natumba siya sa semento kanina, we all know that actually never happened...

+++

Meanwhile...

"Uhhh... Motherf..."

"What the heck is that girl even made of??"

"Sh--She's a... M--Monster!"

Mga sunod-sunod na ungol lamang ang maririnig doon sa tatlong lalakeng ngayo'y nakatumba na mula sa madilim na bahagi ng bakanteng lote, habang mariing hinihimas-himas ang mga masasakit na bahagi ng kanilang mga katawan.

Kani-kanina lang kasi ay may nakasalamuha silang isang batang babae. Gusto lang sana nilang kunin ang cellphone at wallet nito. Ngunit wari ba'y nagkamali sila ng napagtripan this time around. Specially since, the girl happens to know karate moves. Too bad for them.

And yes, It was indeed, non-other than, Primrose herself.

They only managed to hit her once in the face, that's all. At matapos ang nangyari'y nagawang makaalis ni Primrose roon na nakangiti...

+++

[ Isabella | Primrose ]

"So anyway, remember when you got out the shop?" Habang papunta na sa mall ay naisipan ni Isabella na ikuwento sa kaibigan ang mga nangyari kanina...

"Uh-huh, then what happened?"

"Well, this old lady out of nowhere... she suddenly just snap! And-"

Parehong natigilan naman sina Primrose at Isabella sa pag-uusap nang mula sa may di kalayuan ay bigla nalamang may sumabog ng napakalakas!

Pareho silang nagulantang nang dahil sa biglaang nangyari.

Matapos ang iyo'y makikita ang napakaraming taong nagsisitakbuhan na nang dahil sa magkahalong takot at gulat.

Dahil dito nama'y kaagad na napatakbo sina Primrose at Isabella sa kung saan man nanggaling iyong pagsabog.

At pareho silang nagulat nang makitang ang mall na sana'y pupuntahan nila ay nagliliyab na sa isang napakalaking apoy!

"Oh no..." Primrose gasped. Mahahalatang parehong gulat pa rin ang dalawa, at hindi alam kung anong nangyari. Marami ang mga taong nakapalibot mula roon. Nagsisisigaw at nagpapanik pa.

"What the hell happened here?" Natanong nalamang bigla ni Isabella.

Mayamaya lamang ay may nakita naman silang isang taong bigla nalamang lumabas mula sa loob ng mall. Sa unang tingin palamang ay mahahalatang hindi ito basta isang normal na tao lamang. Dahil lumilipad ito, tawa nang tawa, habang may mga enerhiyang kulay lila ang wari ba'y pumapalibot mula sa buong katawan niya. He has a long mustache, wearing some kind of gloves, round eyeglasses and a very long lab coat.

At mula sa likuran niya'y may nakasunod na isang malaking hugis-parisukat na kulungang lumulutang din mula sa ere. Ngunit ang mas ikinagulat nang lahat ay nang makitang may dalawang walang malay na mga babae ang nasa loob noong hawla.

Tawa lamang nang tawa iyong lalake, at pagkatapos ay may ibinulyaw pa...

"LET THE GAMES, BEGIN!!"

T O B E C O N T I N U E D . . . . . . .

+++

Chapter Cast

÷÷

Cynthia
Lorenzo
Elvis the Cat
Adonis
Joaquin "Jax" Helguera
Octavia Helguera
Azure Walsh
Mysterious Man
Monica Rambeau
Primrose Reid
Isabella Rizal
Cooper the Chick
Thug #1
Thug #2
Thug #3
Thug #4
Soo-Min Eun
Racist "Karen" Lady
Kind Man
Lady on the Counter
Unnamed Supervillain
Captured Girl on Cage #1
Captures Girl on Cage #2

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top