Sigaw ng Puso
Happy reading kina Gladys Bolivar, at Nicajane28...
Keep on voting guys...
Lab yah...
================================
Daisy
Dati-rati ay nasasabi pa niyang ayaw niya kay Deo dahil mahirap lamang ito at hindi ito ang lalaking pinapangarap niya.
Pero ngayon, ni hindi niya magawang isipin na hindi sila ang magkakatuluyan ng binata.
Ito na siguro ang kabayaran sa pagsasalita niya ng patapos na hindi siya mag aasawa ng mahirap.
Dati ay palagi niyang sinasabi na aanhin niya ang kamacho-han at kapogian ni Deo kung hampas lupa naman ito.
Pero ngayon hindi niya malaman kung paano niya nasabi dating hindi siya mahilig sa macho lang.
Simula noong muntik ng may mangyari sa kanila ay nagbago ang ikot ng mundo.
Kapag napapatingin siya sa mapupula nitong mga labi ay tila gusto niyang mapakagat labi.
At kapag napapadako naman ang paningin niya sa katawan nito, parang gusto niyang mag hanap ng kanin.
Paano katawan pa lamang ay...ulam na!
Eh papaano pa kung ilabas nito iyong baon nitong hotdog?
Ayiiiiii.....
Tiyak niyang maaakyat niya ang tinatawag nilang ika siyam na ulap!
My Gosh... Kita mo sa isip pa lamang niya ay pinapapak na niya ito,lalo na kung nasa harap na niya ito.
For the first time... May makakasuhang babae na ang kaso ay Rape!
Hehehe...!
Hay...
Hanggang ngayong umaga ay tila nananaginip pa rin siya.
Hindi siya maka move on, sa dinner date nila ng nakaraang gabi ni Deo.
Marami silang napag kwentuhan, para tuloy napakatagal na niyang kakilala ang binata gayong kagabi lang sila nag open ng buhay sa isat isa.
Tulala pa rin siyang nakatitig sa kisame, nang may biglang pumasok sa kwarto niya.
Ang magkapatid na makulet!
Parehong may nakaplaster na nakakayamot na ngisi sa mga labi ng mga ito.
"Uyyy...si Tita... Tulala pa! Anong pangyayare ang tini-treasure mo sa kisame 'ta? "Si danica.
At sabay na nagtawanan ang mga ito.
"'kaw talaga ate, palagi mong ina adwa si Ninang! "Si dianna.
"Oh ano, ninang... Basag na ba ang pula? "Patuloy pa nitong sabi, sabay takbo sa likod ng kapatid.
"Heh! Kayo talagang dalawa, hindi kuntento ang araw ninyo kapag hindi ninyo ako naa-asar ano?! "Sita niya,kunwari sa magkapatid na alaskadora.
Ngunit balewala lang sa mga ito,sabay pang lumapit sa kanya at parehong nakihiga sa kama niya.
"'Nang,kelan ako pwedeng mag boyfriend?"
"Naku,ada...malamang kapag kaedad na kita,tsaka ka pa lang papayagan ng iyong ina!"eksaheradang sagot niya sa inaanak.
"Ay grabe s'ya oh!"sagot nito.
Sila naman ni danica ang natawa sa reaksyon ni dianna.
"Ikaw ba ate?Pinayagan ka na ba ni Mama na magpaligaw?"usisa nito sa nakatatandang kapatid.
"Baka...wala namang sinasabi si Mama,eh.Siguro ay pwede na.Kaya lang ay torpe ang type ko,gusto yata ay ako pa ang manligaw sa kanya!"May himig inis na sagot ni Danica.
Natawa sila ni ada sa sinabi nito.
"Paanong torpe?"tanong niya.
"Paano,patingin-tingin lang,kahit alam ko naman na gusto ako,dahil madalas siyang tinutukso ng mga kabarkada niya kapag dumadaan ako sa harap nila."Paliwanag nito.
"Oh ba't ayaw mong ligawan,'te?"si dianna.
"Malapit na,ada!Kapag hindi pa niya ako niligawan hanggang sa araw ng graduation namin,itatanan ko iyon!"at pagigil itong tumawa,nahawa naman sila ni dianna.
"Alam ninyo,Danica,Dianna...ang pag-ibig ay hindi hinahanap.Tulad ng sabi ni inay,iyan daw ay kusang dumarating.At kapag ang isang bagay o tao ay hindi para sa iyo...."
"Malamang para sa iba iyan!"duet ng magkapatid.
Natawa naman siya,paano madalas iyong sabihin ng ina ng mga ito.
"Ang ibig kong sabihin ay,kapag hindi ukol..."
"Walang bukol!"duet na sambot ulit ng magkapatid sa dapat na sasabihin niya.
Muli silang nagkatawanan.
"Iyon, ay kung hindi pakialaman ni Tita Guada, ang mga love life ninyo! "
Bigla niyang nasabi sa mga ito.
Nagkatinginan ang magkapatid.
Si Danica ang naunang marahang umiling-iling.
"Hindi naman siguro, Tita... Mabait naman si Lola sa amin ah! "Sagot nito sa kanya.
Mabait naman talaga ang Senyora, lalo na sa mga mababait at masunurin sa gusto nito.
"Sana nga, alam n'yo naman siguro ang kwento ng Daddy Zach ninyo. "
"'Nang, anak niya iyon. Tsaka kung hindi dakilang match maker si Lola, di hindi sana nagkatuluyan sina Mama at Daddy Zach! "Sagot naman ni dianna.
Oo nga naman...
"At pati kayo ni Tito Deo! "Hirit pa ni Danica. "Di sana ay wala kang minumuni-muni diyan kanina! "
Muli na namang nagtawanan na parang nakakaloko ang magkapatid.
Naluka na naman ng magkapatid na ito.
"Oh eh, bakit kayo naririto nga pala, wala ba kayong pasok, ha?! "Sita niya sa mga ito.
"Ayiiiiieee... Si Tita...sa sobrang sarap ng gabi niya kagabi, nalimutan tuloy kung anong araw ngayon! "Tukso pa muli sa kanya ni Danica.
Napaisip tuloy siya!
Sabado pala ngayon, kaya pala walang pasok ang dalawang asungot na ito sa buhay niya.
Hehehe...
"Oh siya...halika na kayo sa ibaba at baka nagkakape na mag isa ang lola ninyo doon."sabi niya.Bahagya lang niyang hinagod ng kamay ang kanyang hanggang balikat na buhok.
Hinintay naman siya ng mag kapatid na makapag sepilyo ng ngipin bago sila bumaba sa komedor.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top