Kantiyaw

Tuwang-tuwa si Melanie ng makita siyang kasama ni Deo. Kaagad siya nitong dinala sa garden para mag kwentuhan. Sina Zach at Deo naman ay nagtungo sa wine bar sa gilid ng salas nina Melanie.

"Dali... Bff, kwentuhan mo naman ako, ano kayo na ba ni Deo? "Kaagad na usisa ng kaibigan niya sa kanya.

"Parang ganun na nga... "Sagot niya.

"Oh eh, ano may nangyari na ba sa inyo? "Tanong ulet nito.

Ito talagang kaibigan niya mahadera!

"Wala pa, pero muntik na! "Sabi niya.

"Bakit muntik lang huwag mong sabihing nag inarte ka pang bruha ka! Aba hoy bulaklak... Hindi ka na bata, kung baga sa tunay na bulaklak malapit ng malayot iyang kuwan mo! "
Sermon sa kanya ng kaibigan niya.

"Hindi ako nag inarte noh! "Dipensa niya.

At ikinuwento niya sa kaibigan ang mga pangyayari!

"Ano?!"

Bulalas nito!

"Ano ba, bff... Ang lakas ng bibig mo! Baka sabihin ni Deo sinabi ko pa talaga sa iyo! "Sita niya kay Melanie na masyadong exaggerated kung maka react.

"Ano??? "Bulong nito.

Natawa naman siya sa kalukahan ng kaibigan.

"Oh ayaw mo 'nun, ikaw ang first niya at siya ang first mo! "Sabi nito ng makabawi sa gulat.

"Eh paano, nga eh pareho kaming walang alam! Anong mangyayare? "

Mulagat niyang sabi sa kaibigan.

"Oh eh, tuli naman ba? "Biglang sabi nito.

Pinamulahan tuloy siya ng mukha.

"Uyyy... Nagblush... Nakita mo na nuh?"tukso nito sa kanya.

"Hindi noh! "Dipensa niya."Malay ko ba, ikaw na babae ka kung ano-ano ang pinagsasabi mo! "Nakairap na saad niya sa kaibigan.

Pinagtawanan lang siya ng kaibigan.

(Word of the day---kaibigan... Hehehe!!!)

"May lalaki pa palang virgin, bff? "
Seryosong tanong niya dito.

"Aba oo, meron... Si Deo mo! "At humagalpak ulit ng malakas na tawa.

Ang lakas talagang mang alaska nitong kaibigan niya.

"Ganitong gawin mo bff... "Hinila siya nito at kung ano-anong pinag
bubulong sa kanya.

"Heh! Puro ka naman kalokohan, bff eh! "Angal niya dito.

"Aba hoy, bruha... Hindi kalokohan 'yon ha, basta gawin mo!""Seryosong sabi nito sa kanya.

"Talaga? "Siya naman uto-uto.

"Oo! Try mo... "At humagalpak na naman ito ng tawa.

Kakainis tong kaibigan niya, wala namang naitulong. Pulos kalokohan lang ang pinagsasabi sa kanya.

------------------

"Zach... Help me! "Samo ni Deo sa pinsan.

Si Zach namay hindi pa makahuma sa
katatawa.

"Ano, seryoso ba yan, kala ko nagbibiro ka lang! "Sabi nitong hindi matanggal-tanggal sa mukha ang pagkaka ngisi.

"Oo! "Sagot niya.

"Eh... Manood ka na lang ng mga porno! Hindi ko na din maalala kung anong ginawa ko nung first time ko, eh! "At muling tumawa ng malakas.

Gagong 'to!

Ang lakas mang adwa!

"Porno? Hindi ba nakakahiyang manood nun, ang tanda ko na para d'yan! Pang binatilyo lang yan eh! "
Angal niya.

"Oh diba bagito ka pa naman! "

"Gago! "At inambaan niya ng kamao ang nang iinis na pinsan.

Tumatawa pa ring lumayo si Zach.

Bago seryosong lumapit sa kanya at may ibinulong.

"Kamasutra? "Kunot ang noong tanong niya.

"Oo... Doon pihadong matututo ka, lahat... Pati pagpipigil para hindi kaagad pumutok iyang ano mo! "At tumawa na naman ito.

Paano, ikinuwento niya dito ang nangyari sa kanila ni Daisy!

Naiinis na tinungga niya ang laman ng kopita niya.

Bwisit na buhay 'to oh, kailangan pa niyang mag aral ng lintik na kamasutra na iyan!

Oh shit!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top