Cool Boyfie

Bago ang lahat, ako lang ang luma!
Nah ah.... Medyo pa lang hahaha....
Bago ang UD, shoutout muna kina OrangeLipps,remoremo_Wp,Dendentaurus,Babyjudelniel,user12999886,user44557630,adarivera17,user6211162,,SwaeggingTofu,,Unequal_Eye,,fesantos0106,,DaisyCaraan,,castroj08,,Danicajane28,,Romeo65,,user32550690...and of course sa lahat ng mga anak ko sa Wattpad writers... Alam nyo na kung sino kau.... Too many to mention...

Just hello...

Lab yah...

-----------------------------------------------------------

Daisy

Halos araw-araw ay para siyang naglalakad sa ulap sa sobrang kaligayahan na nadarama.

Hindi siya nagsisisi na sinagot niya at tinanggap ang binata sa buhay niya. Daig pa nila ang totoong mag asawa sa kalambingan sa isat-isa.

Madalas siya nitong idinidate sa labas. Tulad ng manood ng sine, kumain sa labas, kahit pa magkasama na silang nakatira sa bahay nito sa green hills. Natutulog pa rin sila sa mansion, lalo na kapag may pinupuntahan sila ng Senyora ay matiyaga itong naghihintay kanya.

Malambing, at maasikasong boyfriend si Deo. Palaging siya ang priority nito bago ang lahat na kung anoman sa buhay nito. Sa kanya umiikot ang buhay nito, katulad ng kay Deo rin umiikot ang buong buhay niya.

Wala silang problema na hindi naayos, dahil bukod sa madali namang mawala ang galit niya ay mabilis sumuko at humingi ng sorry ang binata kapag may nagagawa itong kasalanan o kahit siya pa ang may kasalanan.

Nakilala na rin ito ng kanyang mga magulang at wala namang tutol ang mga ito. Kundi sana daw ay kapag kasal na sila bago siya magpalagay ng deposito sa tiyan.

Na tinatawanan lang nilang mag kasintahan. Paano kahit wala naman siyang ginagamit na pang kontra lobo ng bahay bata ay talagang hindi  pa siya nabubuntis.

Samantalang kung araruhin siya ng nobyo ay parang kalabaw na nag o-over time.

Sensored...

Hahaha...

------------------

Deo

Masaya siyang makitang masaya si Daisy sa piling niya. Handa naman niyang ibigay ang lahat ng makapag papaligaya sa nobya.

Akala niya noon ay materyosa ito kaya gusto ng mayamang mapapangasawa pero nagkamali siya. Kailanman ay hindi nito tinanggap ang ibinibigay niyang tulong para sa mga magulang nito. Nanatiling ang sahod nito sa Tita Guada niya ang ipinapantustos nito sa mga magulang nito.

Masyado din itong simple sa pananamit, hindi ito mahilig sa mamahaling bag at alahas. At kung ano-ano pang burloloy sa katawan katulad ng mamahaling sapatos at mga kolorete sa mukha.

Ang tanging alahas na suot nito ay ang singsing na bigay niya rito. Ang mga damit nito ay ang mga binili pa rin ng tiyahin niya para rito.

Wala itong hinihingi sa kanya, maliban sa oras niya.

Mabait ito at sobrang lambing.

Masyado nga lang itong selosa!

Lalo na pagdating kay Myrah na alam naman niyang nagbibigay motibo talaga sa kanya. Hindi lang niya pinapansin dahil hindi naman niya ito gusto.

Ngunit big deal kay Daisy kapag nakikita siya nitong kausap ang babaeng empleyada. Masyadong maiinitin ang ulo nito kapag naabutan siyang kausap ang babae o kaya ay maabutan itong nasa loob ng opisina niya.

Katulad ngayon na bigla itong sumulpot sa shop at inabutan silang nagtatawanan ng mga tauhan niya habang nag memeryenda.

Wala naman sanang problema kundi nito inabutang sinusubuan siya ni Myrah ng Pizza. Nahiya naman siya kaya kinagat niya iyon na siya namang inabutan ng nobya.

"Wala ka bang sariling mga kamay at kailangan mo pa ng taga subo ng pizza?!"Mataray na bungad nito sa kanila.

Patay kang bata ka!

Hindi niya mahagilap ang sasabihin,hindi siya makaimik. May basehan naman itong mag selos, dahil sa nadatnan nito.

Matagal na nitong sinasabi na ilipat niya sa ibang shop ang babae pero hindi niya ginawa.

Nagmamaktol na umalis ito sa harapan nilang lahat na walang nakaimik kahit isa. Hinabol niya ito at inabutang sumasakay na ulet sa sasakyan.

"Hon, wait!"Awat niya dito habang kapit ang pinto ng sasakyan.

"Bumalik ka na doon, at baka hindi kapa busog! "Maluha-luhang singhal nito sa kanya.

Naawa naman siyang makitang umiiyak ito ng gawa niya.

"Hon naman, napahiya lang ako kaya kinagat ko iyong pizza. "Paliwanag niya habang umuupo sa tabi nito sa loob ng sasakyan. "Para iyon lang nagkaka ganyan ka. "

"Ah ganun?! "Matalim ang tinging ipinukol nito sa kanya. "Maliit na bagay! So,anong mararamdaman mo kung makita mo akong nakikipag subuan ng pagkain sa ibang lalaki? Wala lang din, dahil maliit na bagay lang naman iyon?! "Tuluyan na itong napa iyak sa galit sa kanya.

Naiinis na umisod pa ito ng upo sa dulo ng upuan para mapalayo ng agwat sa kanya.

"Babalian ko ng leeg ang lalaking susubuan mo ng pagkain! "Madilim ang mukhang sagot niya rito.

Hindi niya matatanggap na may iba itong lalaking a-asikasuhin bukod sa kanya.

Makakapatay siya!

"Oh kita mo, kapag ako ang gagawa ay papatay ka ng tao, tapos kapag sayo ay maliit na bagay lang?! "Muli nitong singhal sa kanya.

May punto naman ito.

At aminado siyang may karapatan itong magselos dahil sa nakita.

Kinabig niya ito at hinalik-halikan sa ulo.

"Sorry na, sige na ililipat ko na sa ibang branch si Myrah, para wala ka ng pagseselosan. "Wika niya rito.

"Talaga! "Tunghay nito sa kanya.

"Oo, promise! "Nakangiti niyang sagot dito habang pinupunasan niya ang mga luha nitong patuloy na tumutulo.

Natutuwa siya sa kanyang nobya, kung gaano ito kabilis magalit ay ganoon din kabilis amuin sa pagtatampo nito.

Masuyo niya itong hinalikan sa mga labi nito na kaagad naman nitong tinugon.

"Oh s'ya baba na at sabay na tayong umuwe"Saad niya sa nobyang nanatiling nakayakap sa kanya. "Allan ako ng ang maghahatid sa Senyorita mo pauwe. Pakisabi kay Tita Guada na dadating sina Mama't Papa bukas!"Bilin pa niya sa driver ng tiyahin niya.

"Opo, Senyorito Deo! "Sagot ng driver.

"Darating sa bahay mo ang mga magulang mo bukas?! "Mulagat na tanong sa kanya ng nobya ng makababa ng sasakyan.

"Yes Hon. "Sagot niya.

"Doon na lang muna ako sa mansion, ayokong makita nilang nagpipisan na tayo sa bahay mo, nakakahiya. Baka kung anong isipin nila sa akin! "
Natatarantang wika nito sa kanya.

"Hon, relax! Mababait ang mga magulang ko, I'm sure na magugustuhan ka nila especially my mother. Dahil gusto noon ng simpleng babae na katulad mo. Ayaw ni Mama ng mukang clown sa kapal ng kolorete sa mukha! "Sabay akbay niya sa nobya.

"Talaga? "

"Oo, at ang Papa ko... Mahilig sa magaganda iyon."Sabay tawa niya ng malakas ng makitang namula ang pisngi ng kasintahan. Ayaw kasi nito ng pinupuri ng harapan.

"You're so beautiful when you're blushing ,Hon! "Sabay dampi niya ng halik sa labi nito. Smack lang iyon, ngunit bigla na namang nag-init ang kanyang katawan.

Ito ang epekto kapag malapit sa kanya ang nobya, wala siyang ibang gustong gawin kundi lurayin ito sa kama hanggang sa maubos ang kanyang lakas.

Ang iparamdam sa nobya kung gaano niya ito kamahal.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top