Balisa Mode
Baling-baligtad siya sa kanyang kama.
Hindi niya mahagilap ang antok!Paano naku kunsensiya siya sa naging trato niya kay Deo.
Hindi naman siya anak mayaman pero minamata niya ito sa pagiging delivery boy lamang nito.
Nakakahiyang aminin pero ayaw niya dito dahil mahirap ito at hindi katulad ni Zach na anak ng Milyonarya.
Hindi naman siya naiingit sa buhay ngayon ng kaibigan niya.
Kaya lang,masama bang mangarap?
Syempre gusto rin niyang gumanda ang buhay niya.Gusto rin niyang matulungan ang mga magulang niya.
Bumangon siya nagsuklay-suklay ng buhok.
Hindi talaga siya mapakali.
Dahan-dahan siyang bumaba at tinungo ang wine bar ni Zach.
Kaso ay wala siyang kilalang brand ng alak doon.Basta pumili siya ng isang bote at isinalin sa kopitang naroroon.
Masarap naman ang red wine na nakita niya,manamis-namis ngunit may kahat sa dulo.
Wala naman siyang balak na maglasing magpapaantok lamang siya.
------------------
Samantala...
Hindi din mapakali sa guest room si Deo.
Hindi na siya pinauwe pa ng tiyahin.Paano'y napasarap sila sa kuwentuhan kaya't ginabi na siya.
Gusto niyang katukin si Daisy.
Tingin kasi niya ay napikon ito kanina sa asaran nila habang naghahapunan sila.
Kaya maaga itong umakyat at hindi man lang siya nito sinulyapan bago umalis.
Alam niyang gusto rin siya nito tulad ng pagkagusto niya rito.
Alam din niyang kaya palagi siya nitong binabasted ay dahil mahirap lang siya sa paningin nito.
Iyon kasi ang ipinarating niya rito.
Na isa lamang siyang hamak na delivery boy sa flower shop na siya mismo ang may ari.
Kalat na ang D'Henson's flower shop sa buong ka maynilaan.Maging sa Batangas City ay may branch na rin siya.At maging sa probinsiya syempre nila dahil doon ito unang nag umpisa at dahil doon nangagaling ang mga bulaklak niya.
Gusto sana niyang magustuhan siya ni Daisy ng dahil sa siya ang nakikita nito at hindi ang yaman niya.
Ayaw niya ng babaeng materyosa at mukhang pera.
Ayon sa Tita niya ay hindi naman daw materyosa ang dalaga.Talaga lang daw ang gusto nito sa lalaki ay iyong kaya itong buhayin at hindi iyong ito pa ang bubuhay sa mapapangasawa nito.
Sa isang banda ay tama nga naman.
Eh kung isang delivery boy nga naman ang makakatuluyan nito ay ano nga namang ipapakain niya rito at sa mga magiging anak nila kung sakali.
Bulaklak?
Kahit na...basta't ang gusto niya sa babae ay iyong tanggap siya maging sino man siya.Doon niya mapapatunayan kung talagang mahal nga siya ng babae at hindi dahil sa haciendero siya sa kanilang probinsiya.
Kahit gustong-gusto niya si Daisy ay hindi niya babaguhin ang patakaran niya para sa mapapangasawa niya.
Kung talagang hindi talaga nito matatanggap ang Deo na mahirap.Puwes uuwe na lang siya ng probinsiya at magpapakatandang binata na lamang siya.
Basta hindi siya mag aasawa ng mukhang pera.
Pero hindi rin naman siya susuko kaagad.
Gagawin niya ang lahat upang mapasagot niya ang dalaga ng hindi sinasabi ritong mayaman siya at hindi delivery boy lamang.
Papiksi siyang bumangon at binalak na bumaba sa may wine bar para sana uminom ng kaunti para madali siyang makatulog.
Nasa kalahati pa lamang siya ng hagdan ng maaninagan niyang nakaupo sa stool ng wine bar si Daisy at mag isang umiinum.
Nakalapit siya ng hindi nito namamalayan.Bahagya siyang nagkubli sa malaking vase na nakadisplay sa may living room.
Halos napapangalahati na nito ang red wine.
Matamis ang red wine na iniinum nito ngunit malakas itong sumipa.Pang akit lang ng alak ang taglay nitong tamis ,ngunit madali itong makalasing dahil sa may kataasan ang volume ng alcohol nito.
Lalapitan na niya sana ito upang sawayin ng marinig niya itong bulong ng bulong.
"Mashishishi bha niyah akoh,k-khung...khung ghusto kho ng la-lalakeng mhayaman?"
Himutok nito.
Halos slang na lahat ng salita nito sa sobrang kalasingan.
"Shiya kayah ang tumirah sha iiiiskwater,parah mhalaman niyah khung paanoh mhangaraph nah mhaging mhayaman!"
Patuloy pa nito.
Nakita niyang sumuray ito ng ito'y tumayo.
Pinagmasdan lamang niya ito hanggang sa humiga ito sa malaking sofa.
Siguro ay nako konsensya ito sa ipinapakitang pag kadisgusto sa kanya dahil mahirap lamang siya.
Kaya heto't binibigyang katwiran ang sarili kahit pilipit na ang dila.
"Ghusto kho lhang nhamang ihahon sa hhirap hang mga mhagulang kho...mashhama bha yhon?!"
Patuloy pa rin ito sa pagsasalita kahit pikit na sa kalasingan.
Bigla tuloy siyang naawa dito.
Oo nga naman,wala nga naman siya sa kalagayan nitong lumaking naghihikahos at sa skwater pa nga daw ito nakatira ayon sa tiyahin niya.
Ano nga namang masasabi niya eh,ipinanganak siyang may nakasalpak na gintong kutsara sa bibig?
Kung siya ang nasa kalagayan nito ay ha-hangarin nga rin niyang yumaman at maka ahon sa hirap kahit na sa pa-paanong paraan.
Kaawa-awa naman pala ito kung ganoon.
Siya ang dapat makonsensiya dahil pinaglalaruan niya ang damdamin nito.
Hindi kasi nito maamin sa sarili nitong may gusto ito sa kanya kasi nga ay mahirap siya sa pagkaka alam nito.
Sigurado siyang may nararamdaman ito sa kanya,dahil kung hindi ay hindi ito papayag na palagi niyang hinahagkan-hagkan basta't makakita siya ng pagkakataon.
Maingat niya itong binuhat para dalhin sa kwarto nito.Magkatapat ang kuwarto nila sa itaas.Nakita niya itong pumasok kanina sa katapat na pinto ng inuukopa niyang guestroom.
Nakasalubong niya sa taas ng hagdan ang tiyahin niya.
"Oh anong nangyari d'yan?" Takang tanong nito sa kanya.
"Naku Tita,inabutan kong naglalasing sa wine bar,kaya heto at lungangi sa kalasingan!" Palatak niya.
"Mukhang pinag aadya ka ng pagkakataon,Deo.Kaya't samantalahin mo na!" Nakangiting wika ng tiyahin niya.
"Anong ibig mong sabihin,Tita?!"
Naguguluhang tanong niya sa kapatid ng kanyang ama.
"Pikutin mo na iyan,Deo.Gahasain mo na at bukas na bukas din ay ipakakasal ko kayo!" Suhestyon ng matanda.
"Ang Tita,naman...asunto ho iyang naiisip ninyo eh.Paano ho kung makulong ako sa salang Rape?" Naiiling na tinalikuran na niya ang tiyahin niya.
"Itaga mo sa bato...Deo...hindi iyan magdedemanda!Dahil tiyak kong mahal ka niyan, hindi lamang maamin sa sarili niya!" Pahabol pang sabi ng Tita Guada niya.
Hindi lingid sa kanyang kaalaman na boto sa dalaga ang kanyang tiyahin para sa kanya.
Kaya lamang ay gusto niyang
dumaan sila ni Daisy sa tamang proseso.
Kapag hindi talaga niya ito makuha sa santong dasalan ay tsaka niya ito dadaanin sa santong paspasan!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top