Awkward

Semi SPG...

================================

Deo

Nakatayo siya sa labas ng pinto ni Daisy.

Gusto niyang magpaliwanag, kaya lang ay hindi din naman niya alam ang sasabihin sa dalaga.

Nakakahiya namang sabihin pa niya sa dalaga na virgin pa din siya at ito pa lang din ang babaeng nahalikan niya.

Ano ba yan!

Kailangan niyang makausap si Zach. Ito lang ang pinsan niya na nakaka intindi sa kanya. Dahil alam nitong wala pa siyang karanasan sa mga babae.

Paalis na siya ng biglang bumukas ang pintuan at iluwa niyon si Daisy.

"Oh ano pang ginagawa mo dito? "
Kunot ang noong tanung nito sa kanya.

Ang ganda nitong tingnan sa simpleng
Bistidang suot nito.

Bagong ligo at napakabangong tingnan.

"Hon... Babe... Kasi... Gusto sana kitang makausap... T-tungkol sa nangyari kanina...! "Hindi niya maintindihan kung bakit biglang nagulo ang sistema niya pagkakita sa babaing ito.

"Ah iyon ba, kalimutan mo na iyon. "
At nilagpasan na siya nito.

Taranta namang pinigilan niya ito sa braso. Napasubsob pa ito sa dibdib niya sa  sobrang gulat sa ginawa niya.

Wala naman itong imik ng tumingala sa kanya.

My God!

Ano ba Deo, magsalita ka!

"Ahm... Ah... I'm sorry.May gusto kasi akong sabihin sayo kaya lang ay nahihiya ako! "Sa wakas ay nasambit niya, kahit mahina.

"Ano? "Tanong nito pero, hindi inilalayo ang katawan sa pagkakadikit sa katawan niya.

"Pwede bang doon tayo sa loob ng kwarto mo? "Kabado niyang sabi dito.

Nauna naman itong pumasok at tsaka siya sumunod dito.

"Oh ano na? "Nakapamaywang na tanong nito sa kanya.

"Ah... Ah... Gusto ko lang malaman kung tayo na ba? "Ay mali... Ano ba tong dila niya ayaw makisama.

"What... 'Yan ang sasabihin mo sa akin? "Singhal ng dalaga sa kanya.

"Oh siya, sige tutal nahalikan mo na rin lang ako. Basta tayo lang muna ang makakaalam at huwag na huwag mo akong yayakagin kaagad ng kasal, naintindihan mo? "Nakapamaywang
na sabi pa nito na ikinagulat niya.

"Talaga! "Hindi makapaniwalang tanong niya. Hindi niya akalaing sa maling tanong niya ay may makukuha siyang magandang sagot.

Kaagad siyang lumapit dito at hinapit ito sa baywang.

Hindi niya maintindihan kung hahalikan niya ito. Naalala niya ang sinabi nito kaninang huwag siyang mauumpisa ng hindi niya kayang tapusin.

"Oh ano, tatangla ka na lang? "Asik nito sa kanya.

Oh shit!

Bago pa siya nakahuma ay ang dalaga na ang humalik sa kanya at itinulak siya pahiga sa kama.

Kumubabaw ito sa kanya at patuloy siyang hinalikan sa labi ng mariin.

"Hon... Ah... Ah... Pupunta ako kina Zach sa Batangas gusto mo bang sumama? "Bigla niyang nasabi sabay tulak dito ng marahan.

"Ano! "Asar na sabi nito, sabay upo sa bandang tiyan niya. "Aminin mo nga sa akin Dionisio, bakla kaba, ha? "

"What! Of course not! "Gulat na naibulalas niya.

"Oh eh bakit ganyan ka? "
Kung ano-ano ang pinagsasabi nito habang nakaupo pa din sa kandungan niya.

Oh my!

Parang pakiramdam niya ay matatapos siya, kahit nakaganoon lang sila.

At hindi nga siya nagkamali, kaunting galaw pa ni Daisy habang nagbubutak-tak ay pumutok ang kanyang kuwan...

Oh shit!

Ibinaba niya ang babae sa kandungan niya at tsaka siya bumangon. Nahihiyang itinakip niya ang kanyang mga kamay sa bandang harap niya na kaagad na napansin ni Daisy.

"Hoy, anong nangyari sayo ha? "
Lumapit pa ito at tiningnan kung ano ang tinatakpan niya.

Mulagat itong napatunganga sa kanya.

"Ano, natapos ka ng ganun-ganon lang? Walangya kang lalaki ka, hindi ka man lang nandamay! "Butaktak nito.

Gusto tuloy niyang mahiya sa mga pinagsasabi nito.

"S-sorry... Hon... Kasi... Kasi... "Hindi niya malaman kung paano magpapaliwanag.

"Kasi ay ano? "Asik nito.

Lumapit siya dito at may ibinulong dito.

"Anoooo! "Gulat na sigaw nito."Totoo?"

Tumango-tango siya bilang sagot dito.

Hindi naman tumawa ang dalaga.

Tulala lang itong nakatitig sa kanya.

"Magbibihis lang ako, hon... Tapos punta na tayo kina Zach! "At iniwan na niya itong tulala sa kwarto nito.

Tangna!

Ngayon siya nagsisising masyado siyang nagpakatino noong kabataan niya!

Tingnan mo tuloy ang kahihiyang inabot niya ngayon!

Nakakahiya!!!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top