Ambisyosa
Siya si Daisy...
Kinuha ang storya ng buhay niya mula sa storya ng buhay ng kaibigan niyang si Melanie McBride.
Ang bff niya na naging asawa ng anak ni Senyora Guada na siya niyang amo ngayon.
Nagustuhan siya ng Senyora kaya siya ang ipinalit nito bilang PA dahil nag asawa na ang dati nitong PA na si Marlyn.
Nakaka lumbay ding maging PA ng isang milyonarya.Hindi na kasi ito
pumupunta ng opisina dahil ipinamana na nito kay Zach at Melanie ang mga Kompanya nito at iba pang ari-arian.
Kasa-kasama na lang sa mga lakad nito ang kailangan nito kaya kailangan nito ng alalay.
Ngunit mas madalas itong nasa bahay na lamang at kung malapit lang naman ang pupuntahan ay ang driver at body guard na lang nito ang isinasama nito.
Kaya mas madalas na tambay na lamang din siya sa Mansion. Minsan naman ay dumadalaw sila sa Batangas kung saan nakatira sina Zach at Melanie.Kaya nakakadalaw na rin siya sa pamilya niya na nasa riles na pinanggalingan nila ng kaibigan.
Kasama naman niya sa Mansion ang dalawang dalagang anak ni Melanie na sina Danica at Dianna. Na siya niyang nakaka kuwentuhan kapag walang pasok ang mga ito.
Katulad ngayon, sabado kay tiyak niyang nasa baba na ang mga ito at nag aalmusal na sa komedor kasama ng Senyora.
Kaagad siyang bumangon at naligo.
Pagkatapos ay bumaba na sa komedor.
"Good morning! "Masigla niyang bati sa mga dinatnan sa komedor.
"Mornin', hija! "Bati sa kanya ng Senyora. Lumapit siya rito at humalik sa pisngi ng matanda.
"Mornin', tita daisy! "Ang mahinhing panganay ng bff niya. Si Danica.
"Morning, 'Nang! "Bati naman sa kanya ni Dianna. Inaanak niya ito, kaya ninang ang tawag nito sa kanya.
"Bakit parang excited ka, Tita Daisy?,Dadating ba ngayon ang macho mong manliligaw? "Tudyo sa kanya ni Danica.
" Ayiiiiii...si Ninang,kunwaring ayaw pero naghihintay kay Ninong Deo!"pambubuska pa din ni ada o Dianna.
Pinamulahan tuloy siya ng mukha.Napatingin siya sa Senyora na nanunukso din ang pagkakangiti sa kanya.
Patay malisya siyang umupo sa tabi ng Senyora.
"Bakit mo naman naging ninong iyon ha,Ada?" Sita niya sa inaanak.
Mga anak talaga ng bff niya,manang- mana sa ina.
Bukod sa parehong alaskadora ay kapwa mga luka-luka rin.
Sa mga ito niya kasi ipinagtatapat na talaga namang may gusto rin siya kay Deo.Mahirap nga lang ito kaya ayaw niya.
Natutuwa nga siyang binibiro-biro na siya ngayon ni Danica.Mulat sapul kasi ay sadyang mahinhin at talagang tahimik ito.Umiimik lamang ito dati kung iyong tatanungin.
Si ada naman ay talagang nagmana sa ina ng pagiging taklesa.
Kinuha ang mga ito ng Senyora para may natitira pa naman daw siyang mahal sa buhay sa Mansion.Itinuring na kasing apo ng matanda ang mga anak ni Melanie.
"Oh diba,mapapangasawa mo siya sabi ni Lola,so magiging ninong ko siya...hihihi!!!" Tahasang sagot sa kanya ni Ada.
At sabay pang humagalpak ng tawa ang magkapatid.Nakitawa na rin sa mga ito ang Senyora.
"Kayo,talaga ako na naman ang nakita ninyong dalawa." Naiiling na saad niya sa mga ito.
"Excited akong bumaba kasi ay alam kong nandito kayong dalawa ano?" Nakalabi niyang paliwanag sa mga ito.
"Siyanga pala Daisy,hija,ikaw na lang ang kumuha ng order kong mga bulaklak kay Deo."Simpleng utos sa kanya ni Senyora Guada.
" Bakit hindi po niya ideliver tita?"Nag hihinalang tingin niya sa matanda.
Mahilig talaga sa mga bulaklak ang matanda.At kada makikitang malapit nang malanta ay nagpapadeliver na kaagad ito sa pamangkin.
"Sira daw ang delivery truck ni Deo." Sagot nito sa kanya.
Duda siyang gusto lang siyang alaskahin ng matanda.Kaya siya ang inutusang pumunta sa flower shop na pinag tatrabahuhan ni Deo.
Napapailing na tumango siya sa matanda.
"Opo,Tita Guada!"
Nakita naman niyang maluwang na ngumiti ang matandang Senyora.
"Uyyyy...si Tita Daisy,siya naman ang dadayo ng ligaw kay Tito Deo!" Tukso muli ni Nica.
"Heh!"Kunwa'y singhal niya dito.
Pero ang totoo ay hindi na niya malaman kung anong pakiramdam ang kaagad na lumukob sa kanya.
Parang kabado na tila excited nga siya!
Ayiiiii...may tinatago din pala siyang pagka harot!
Hehehe...!!!
Sayang nga din si Deo kung papakawalan pa niya.
Kasing gwapo nito si Derek Ramsay tapos binabasted lang niya.
Kung hindi lang siya Ambisyosa!
Mataas ang standard niya sa lalaking mapapangasawa.
Kung maaari sana ay may konting yaman itong maipagmamalaki sa kanya kahit hindi na ito gaanong gwapo.
Basta may datung ay okay na!
Iyon bang kaya siyang buhayin at maiaahon ang kanyang mga magulang sa iskwater na tinitirhan ng mga ito.
Kaso ay mahirap lamang si Deo.Isa lamang itong hamak na delivery boy.
Nahihiya naman siyang itanong sa Senyora kung bakit hindi nito ipasok sa mga kompanya nito si Deo gayong pamangkin naman nito ang huli.
Siguro ay hindi ito nakapagtapos ng pag aaral kaya hindi pwede sa kompanya ng mga ito.
Haist...
Sayang...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top