Chapter 2: Crimson Eyes

Chapter 2: Crimson Eyes

"Gusto mo ba sumali sa club namin?" Masayang tanong ng babae sa harapan ko.

Ang nasa isipan ko ng mga oras na yon, ibig sabihin, ang room na to, di ko na masasabing secret base ko dahil nga sa may club na palang naka asign dito. Sayang naman, maganda sana ang lugar na to.

"Naririnig mo ba ako?" Sabi niya habang winagayway niya ang kamay niya sa harapan ko. Mukhang tulala kasi.

Ng nakabalik na ako sa realidad, napansin kong tinignan niya akong seryoso mula ulo hanggang paa at mabilisan ding nawala ang expression na to at ngumiti ulit ng kesaya saya.

"Mukhang di ka pa talaga nakakasali sa club" proud niyang sabi.

Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at di inaasahang mag p-puppy eyes.

"Sumali ka na pleeeaaaasssee. Mukhang mahilig ka din naman sa mysteries ehh" sabi niya sakin na nagmamakaawa.

Bigla namang binatukan ng lalake yung babae. Nagulat ako sa ginawa niya at medyo malakas pa ang pagkapalo nito.

"Aray naman Klaide" sabay kamot sa batok nitong nananakit. "Para satin din naman tong ginagawa ko" dagdag niyang sinabi sa babae.

"Anong para satin? Sino nagsabi na kasali ako dito?" Sabi ni Keith na may pagalit na tono.

"Wala pero kahit na, di ka naman din interesadong sumali sa ibang club kaya gagawa ako para di tayo mamroblema" pagrarason niya.

Tumingin siya sakin "Ikaw din diba? Halata naman sayo na di ka  pa sumasali. Para mabuhay tayo sa school nato, gawin na natin to" sabi niyang motivated na motivated sa sarili.

Di ako nagsalita at di ko alam ang sasabihin ko sakanya. Maganda naman ang rason niya pero ayoko parin sumali at di talaga ako interesado. Di ko kayang tumanggi at natatakot ako na baka iba maisip niya sakin.

"Sali ka na?" Kumikislap ang kanyang mga mata ng sinabi niya ang mga salitang iyon. "Yey! A deal is a deal. Kasali ka na sa club namin ha"

Di nalang ako nagsalita at pinabayaan ang babae sa mga gusto niya. Wala din naman akong magawa at may punto siya sa lahat ng sinasabi niya.

"Oo nga pala, ako si Rosette Leranda at ito naman si Klaide Romano at welcome sa detective club" masaya niyang sabi."Ikaw? Anong pangalan mo?"

Tutal magiging member ako sa club nato at unang beses na may taong interesadong malaman ang pangalan ko, sinabi ko ang pangalan ko pero mahina nga lang boses ko at nahihiya ako at di talaga ako komportable sa nangyayari.

"Aria Perris"

Nakita kong nanlaki ang mga mata ni Klaide.

"Teka teka wag mong sabihin na....." di natapos ni Klaide ang kanyang sasabihin ng sumingit sa usapan si Rosette. Pinatahimik niya ito at kinausap ulit ako.

"Manahimik ka muna Klaide at ako muna" kumikinang nanaman ang mata niya at itinuro niya ang eye patch ko. "Kanina pa tumatakbo sa isipan ko pero ba't tinatago mo yung mata mo"

Bigla akong kinabahan sa tanong niya. Di ko alam ang sasabihin ko at natatakot ako sa maaaring reaction nilang dalawa.

Simula pa noon, lahat ng tao natatakot at iniisip na isa akong taong puno ng karma dahil sa mata kong ito. They think I'm cursed kaya walang tao ang nagbalak na kaibiganin ako.

"Hmmm?" nakatingin parin siya sakin na puno ng curiousity ang mga mata niya.

Pinagpapawisan na ako ng malagkit at di alam ang gagawin pero nagulat ako sa susunod na ginawa ni Rossete at kinuha niya ang eye patch ko na walang paalam.

Mabilis kong tinakpan ang aking mata at di mapakali sa mga nangyayari.

"Ba't mo tinatakpan? Dali pakita mo na" sabi niya at pinilit niyang tinanggal ang kamay ko na na tinatakpan ang aking mata.

Nang natanggal niya ang kamay ko, di na ako nakagalaw sa kinatatayuan ko at nakita ko ang blankong expression nilang dalawa.

"Na..." handa na ako sa mga bagay na sasabihin ni Rosette pero di lahat ng nasa isip ko lahat ay nangyayari at di inasahan ang susunod niyang sasabihin

"Napakaganda!" sabi niya at hinangaan ang mata ko.

"Uy Klaide di ba napakaganda ng mata niya? Dapat di mo nalang yan tinatago" Napaka positive ni Rosette sa nangyayari pero nung tinignan ko kung ano ang reaction ni Klaide, alam ko na kaagad na di niya nagugustuhan ang nakikita niya.

"Weird" ito lang ang salitang lumabas sa bibig niya.

Nang narinig ko to, bumalik ang takot ko na maaaring tignan nila ako sa ibang direksyon.

Dapat sanay ka na Aria atsaka di naman mo naman inaaasahan ang mga nangyayari ngayon. Kapag binalik ni Rosette ang sinabi niya kanina okay lang naman at wala pa namang nangyayari. Mas maganda nga at di mo kailangan makipag usap sa ibang tao para patunayan pa sa kanila na normal ka.

Nakita ni Rosette ang panginginig ng katawan ko at nagulat nalang ako ng biglang niyang sinampal ang pisngi ni Klaide.

"Para san yun?!" galit na galit na sabi ni Klaide kay Rosette.

"Wag mo nga tignan nang kakaiba si Aria. Porket ba may ganito siyang appearance ehh dapat pagsabihan mo ng weird. Ikaw kaya pagsabihan ng ganun"

Nagulat ako sa sinabi ni Rosette. This is the first time someone defend me.

"Wala naman akong sinasabing masama ahh" pag dedefend ni Klaide sa kanyang sarili.

"Natatakot na si Aria dito ohh. Halata masyadong di siya komportable sa sinabi mo" tumingin si Rosette sa akin and smiled in a reassuring way.

"Alam kong rare case to ng sakit pero napakaweird lang at yung kanang mata niya brown lang tapos yung kaliwa niya pula." Sabi ni Klaide at napakamot nalang siya sa batok.

Nafeel kong nagvibrate yung cellphone ko sa bag kaya kinuha ko ito at tinignan kung sino yung nagmessage sakin.

Nung nakuha ko na cellphone ko, nagulat ako ng nagkaroon ng continuous vibration mula dito at dahil di ko alam gagawin ko, medyo nagpanic ako.

"Teka" kinuha ni Rosette cellphone ko at may ginawa lang tapos narinig ko sa linya ang boses ng driver na kukuha sakin.

"Hello?" sabi ni Rosette.

"Miss Aria nandito na po ako" sabi nung driver sa kabilang linya.

Binigay ni Rosette yung cellphone ko at kinausap ko yung driver.

"Si-sige papunta na" sabi ko at binaba ng driver ang tawag.

"Mukhang tinatatawag ka na" Ngumiti sakin si Rosette.

Binigay niya sakin yung eye patch tapos nagulat ako when she pat my head. "Magkita nalang tayo bukas fellow detective at sorry sa asal ni Klaide, harsh lang talaga yan palagi"

"Sa-sanay na ako kaya okay lang" mahina kong sinabi.

Bago ako umalis, sinuot ko muna yung eye patch at nagpaalam ako sakanila. Pinuntahan ko na din yung driver na naghihintay sakin sa gate.

"Medyo natagalan po kayo maam?" tanong nito.

"So-sorry" mahina kong sabi at sinimulan na niyang magdrive palayo sa school.

Ito ang unang beses na may kumausap sakin ng matino at di natakot sa mata ko. Di ko gusto yung nangyayari nung una pero katagalan, medyo masaya ako at may kumausap sakin na di napapansin ang appearance ko.

Di ko man ginusto ang sumali sa isang club na katulad nun at di ko alam kung talaga bang club yun ng school pero siguro pwede ko nalang palagpasin itong nangyari sakin ngayong araw at isiping this is a good way to change something in me. 


-----

Updated: November 1, 2018

-----


Sorry kung may wrong grammar, di talaga ako sanay na magsulat ng tagalog pero ito na po yung update na hinihintay niyo. Sana nagustuhan niyo ang chapter na to and look forward to the future chapters. Nagsisimula na din akong magsulat sa isa kong libro so kung gusto niyo pwede niyong basahin (english lang). Well appreciated po sa lahat ng nagbabasa nito.

The Shadow Contract pala yung isa kong sinusulat and the rest fanfic na kaya kung gusto niyo lang naman pong basahin okay lang din po sakin (promoting hahaha)

Salamat ulit and have a good day!


~HatSuKumi

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top