Chapter 1: Detective Club

"Detective Club"


"Basta tandaan niyo, hindi pwede na di kayo sumali sa isang club. Required siya and no excuses" Sabi ng adviser namin bago siya umalis sa classroom.

Tumayo ako at nagsimula nang magligpit ng gamit.

"May sinalihan ka na ba?"

"Sumali ako sa tennis club, ikaw ba?"

"Undecided pa"

Kinuha ko ang bag ko at lumabas sa classroom.

Naglalakad ako ng tahimik sa hallway habang naririnig ko ang patuloy na pagrerecruit ng mga seniors sa mga freshmens.

"Sumali na po kayo sa Music Club"

"Anyone interested in Literature Club?"

"Photography Club!"

Habang naglalakad ako ng tahimik sa hallway, like usual, pinagtitinginan nanaman ako ng mga tao. 

Di ko sila pinansin at pumunta sa kabilang school building.

Habang papunta ako sa 2nd floor ng second building ng school, may nakita akong bulletin board na puno ng recruitment posters ng clubs.

Tumigil ako at naghanap ng club na pwede kong masalihan.

Kahit ayokong sumali sa isang club, nasa rule book kasi na required talaga. No choice naman ang nobody na katulad ko.

Habang naghahanap ng club sa bulletin board, may nakatama sa akin at natumba ako.

"Sorry" sabi niya.

Umalis siya at di man lang ako tinulungang tumayo.

Tumayo ako, pinagpag ang sarili ko at pinulot ang bag ko. Di nalang pinansin ang nangyari kanina at patuloy na naghanap.

Sa huli, wala akong mahanap na club na babagay sa katulad ko kaya dumeretso akong tumaas papunta sa 2nd floor.

Ang rason bakit pumunta ako sa lugar na to dahil may nakita akong magandang lugar na pwede tumambay habang naghihintay ako na dumating ang sundo ko.

Habang nagalakad sa hallway, may nakita akong bata na nakangiti sa harapan ko.

"Hihihihi" tumatawa ito habang tinitignan ako.

Huminga ako ng malalim at pumikit ako "Guni guni lang kita" sabi ko sa sarili ko at hinampas ang pisngi ko gamit ng dalawa kong kamay.

Pagdilat ko, wala na akong nakitang bata sa harapan ko.

Patuloy akong naglakad papunta sa lugar na'yon.

Ng nasa harap na ako ng classroom na pupuntahan ko, dahan-dahan kong binuksan ang pinto.

Di ko inaasahan na pagbukas ng pinto, may nakita akong lalakeng nakaupo at nagbabasa ng comics.

Bigla siyang napatingin sa akin ng nakita niya ako.

"Sino ka?" He glared at me.

Tinitigan ko lang siya at di nagsalita.

"Bingi ka ba?" galit niyang sabi.

Tumayo siya at lumapit sa akin. Tinignan niya ako ng masama at parang gusto niya akong umalis sa lugar na to.

Sa pagkakaalam ko, walang tao dito noong unang beses kong pumunta dito. Kahit ako nagulat ng may nakitang lalakeng nagbabasa sa loob.

"Nagsasalita ako sa'yo" 

Tinitigan ko lang siya.

"Bingi ka ba talaga?" nagtataka niyang sabi.

Nagtitigan lang kami hanggang may sumulpot na babae sa likod ko.

"Sino to?" tanong niya sa lalake na nasa harapan ko.

"Malay ko ba. Nagulat nalang ako ng sumulpot siya" pagrarason niya.

Nakita kong biglang nagsparkle ang mata ang babae.

"Interested ka ba sa club namin?" 

Nagtaka naman ako sa tanong niya.

"Di mo ba alam? Club room to ng mga detectives" proud niyang sabi.


Sa araw na iyon, di ko inaasahang sa isang iglap, ang isang katulad kong tahimik at walang mga kaibigan ay magbabago ng dahil sakanila.



'The queen of hearts painted her white roses to red while my colorless heart was stained by red'



-----

Updated: January 2, 2018

-----


Sana nagustuhan niyo po ang chapter 1. Nagkamali po ako sa first publish kaya inunpublish ko muna at binago ang chapter 1.

Sa totoo lang po medyo nahihirapan akong gumawa ng catchy na chapter kaya sana nagustuhan niyo talaga.

Di po ako ganun kagaling magsulat pero sana magustuhan niyo pa rin ang story ko.

Matagal na itong nakastock sa drafts ko kaya why not isulat ko ulit?

Katulad sa sinabi ko sa A/n ko, di ako ganun kagaling gumawa ng mysteries at pinag-aaralan ko palang. 

Marami pong salamat at binasa niyo po ang first chap ng own story ko


~HatSuKumi


(not edited)


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top