Chapter 1
CHAPTER ONE
". . . goodbye." Ayan ang huling salitang narinig ko mula sa kaniya bago niya ako tuluyang tinalikuran at magsimulang maglakad palayo---sa akin at sa buhay ko.
Nagpakawala na lang ako ng isang malalim na buntonghininga bago kinuha sa bulsa ang isang pakete ng yosi at lighter. Kumuha ako ng isang stick at saka ito sinindihan sabay hithit. Sa unang pagbuga ko ng usok, pilit kong inaalis agad sa isipan ang mga nangyari kanina. Gusto ko na lang itong makalimutan nang tuluyan.
"Ang lalim ng iniisip natin, a."
Muli akong humithit sa yosi ko at saka marahang ibinuga ang usok nito bago ko binalingan iyong nagsalita, 'di kalayuan sa puwesto ko . . . na wala akong ideya kung sa akin niya ba sinabi 'yon at kung ako ba ang kinakausap niya.
Sa pagsasalubong ng aming mga tingin, may kakaiba akong naramdaman---familiarity. Parang pamilyar sa akin ang senaryong ito . . . Itong pagtagtagpo ng aming mga landas.
"Pasindi nga, p're."
Ako nga ang kinakausap niya.
Mabilis ko namang iniabot ang lighter sa kaniya.
"Salamat," aniya pagbigay niya pabalik ng lighter ko matapos niyang sindihan yung yosi niya.
Hindi na siya muling nagsalita pagkatapos kaya itinuon ko na lang ang pansin sa paghithit-buga na ginagawa ko. Iginala ko na lang din ang paningin sa paligid dahil napansin ko na ang unti-unti nang paglubog ng araw at pagsilip ng gabi.
Nagsisimula na naman ang pagyakap ng kadiliman sa paligid.
"Are you afraid to die?"
Hindi ko alam kung bakit pero napangiti na lang ako nang marinig siyang magsalitang muli at bitiwan ang tanong na 'yon. Ang interesting kasi at nakuha nito ang atensyon ko. Muli kong iginala ang paningin sa paligid bago siya binalingan. Hindi siya nakatingin sa akin pero wala namang ibang tao dito bukod sa aming dalawa kaya mukhang ako ang tinatanong niya. O puwede ring sarili niya ang kausap---
"Are you afraid to die?"
Ako nga ang tinatanong niya.
"Hmm . . ." bulong ko at pinag-isipan ang isasagot sa tanong niya. Ilang saglit lang, ang lumabas na sagot sa bibig ko ay, "Life is inevitable." Hindi ko mabasá ang ekspresyon ng mukha niya pero mukhang nakuha ko rin ang atensyon niya kaya itinuloy ko ito at sinabing, "And we have to face and accept the fact that we have to die one day."
"Bakit hindi ka takot mamatay?"
The greatest tragedy in life is not death, but a life without a purpose.
Nang sumagi sa isip ko ang pahayag na 'yon, seryoso ko siyang tiningnan. "Do you know what's your purpose in life?"
"To die," mabilis niyang sagot bago siya humithit sa kaniyang yosi at saka tumayo.
Pinanood ko lang ang bawat kilos niya. Pagkatapos niyang ibuga ang usok, humithit na naman siya saka pinatay ang upos nito sa lupa. Naglakad siya palayo sa akin at nanatili pa rin akong nakatingin sa kaniya. Akala ko aalis na siya bitbit ang pinatay niyang yosi pero huminto na lang siya sa may basurahan at doon ito itinapon. Muli siyang naglakad at bumalik sa puwesto niya kanina---malapit sa tabi ko.
Napailing at napangiti na lang ako sa ginawa niyang iyon. Ang bait namang mamamayang Pilipino nito. Hindi marunong magkalat at nagtatapon pa sa tamang tapunan, isip-isip ko. Dahil tuloy doon ay pasimple kong pinulot yung mga yosi na sa tabi ko lang itinapon kanina at saka ito ibinulsa. Nahiya naman kasi akong magkalat bigla dahil sa kaniya.
"I've been diagnosed with hypertrophic cardiomyopathy since I was born." Wala akong naintindihan sa sinabi niya kaya nakakunot lang ang noo ko. Napansin niya siguro 'yon kaya natawa na lang siya sabay dugtong ng, "It's a heart condition."
Hindi ko alam kung paano magre-react kaya nanatili na lang akong tahimik at hinintay ang susunod pa niyang sasabihin.
"And because of some complications, I might die anytime."
Parang mas lalo lang akong napipi nang marinig ang huli niyang sinabi. Binalot din kami agad ng katahimikan kaya hindi ko alam kung anong gagawin o ang sasabihin man lang sa mga oras na 'to.
Hindi naman kasi talaga ako takot mamatay. I just don't want to be there when it happens.
"Are you afraid to die?" balik na tanong ko sa kaniya.
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa pagngiti niya sa akin matapos marinig ang tanong ko. "It is not death that a man should fear, but he should fear never beginning to live," aniya. "Marcus Aurelius said that and I agree with him, pero . . ." Napatigil siya sa pagsasalita at nagbuntonghininga.
"Pero ano?"
"Pero hindi ako sigurado kung nasimulan ko na nga bang mabuhay." Huminga siya muli nang malalim bago nagpatuloy at sinabing, "Kaya nakakatakot na bakâ mamatay na lang ako, isang araw, nang hindi ko pa nasisimulang mabuhay sa mundong 'to."
Ang lalim.
Wala na akong masabi kaya nagsindi na lang ulit ako ng yosi. "Gusto mo pa?" alok ko sa kaniya at iniabot ang kaha ng yosi.
"Hanggang isa lang ako," aniya sabay mahinang tapik sa dibdib niya.
Saka ko naalala ang kasasabi niya lang na sakit niya sa puso kaya nagkibit-balikat na lang ako at muling ibinalik sa bulsa yung kaha.
"E, ikaw." Nilingon ko siya ulit nang muli siyang magsalita. "Do you know your purpose in life?"
Pagkarinig pa lang ng tanong niya na 'yon, natawa na ako.
My purpose in life?
Hindi ko inaasahan na may taong magtatanong sa akin n'on. Ako lang kasi lagi ang nagbabato ng gano'ng klase ng tanong sa sarili. At sa totoo lang, hindi ko alam ang sagot. Napapatanong na nga lang ako kung may purpose ba talaga ako sa mundong 'to. O bakâ wala naman pala talaga. Pero naalala ko yung nabasá kong blog noon. Ang sabi, your purpose is not something you need to make up; it's already there. You just have to uncover it in order to create the life you want.
"Bakit?" kunot-noo niyang tanong. "May nakakatawa ba sa tanong ko?"
Mabilis akong umiling. "Wala naman."
"E, bakit ka tumawa?"
"Hindi ko kasi alam yung sagot sa tanong mo," seryoso kong sabi at muling humithit ng yosi. Pagkabuga ko ng usok, saka ako nagsalita ulit. "At hindi ko rin alam kung may sagot ba sa tanong na 'yon."
Hindi na siya nagsalita ulit hanggang sa binalot na lang kami ng katahimikan at tanging kakaibang tunog na lang ng mga insekto ang tumutulong sa amin upang hindi tuluyang maging awkward ang paligid. At sa tingin ko ay napansin niya 'yon dahil muli niya na naman akong binato ng katanungang hindi ko madalas marinig araw-araw.
"Alam mo ba kung paano maging masaya?"
Sa sobrang pagkunot ng noo ko mula kanina pa, pakiramdam ko ay mapupunit na lang ito nang wala sa oras. Wala pa kaming isang oras na magkausap pero masasabi kong malaki ang problema na pasan-pasan niya. At sa hindi malamang dahilan, parang gusto kong tumulong upang kahit papaano ay mabawasan ito.
Hindi naman ako hipokrito para sabihing masaya ako sa buhay ko ngayon---dahil hindi naman talaga. Marami rin akong problemang pinagdadaanan. Pero sa tanong niya kasi, ang dating nito sa akin ay mukhang hindi pa siya naging masaya sa buong buhay niya. At ayon ang kaibahan naming dalawa. Dahil ako, alam ko ang pakiramdam ng maging masaya. Alam ko kung paano panandaliang makatakas sa realidad na mayroon táyo at kalimutan ang mga problemang bumabagabag sa atin.
Pagkatapos ng ilang segundong pakikipagtalo ko sa sarili, tumayo na ako. Tinapos ko na ang pagyoyosi at nang mapatay ang upos nito, dumireto na ako sa basurahan at doon itinapon ang lahat ng yosi na naubos ko mula kanina.
Ramdam kong sinundan niya ako ng tingin kaya pagharap ko at sa muling pagsasalubong ng aming mga tingin, agad ko siyang binigyan ng isang matipid na ngiti.
"Gusto mo bang maramdaman na maging masaya kahit ngayong gabi lang?" tanong ko. Mukhang hindi niya ako naintindihan kaya ipinakita ko ang susi ng motorsiklo ko at itinuro kung saan ito naka-park. "May gagawin ka ba sa mga susunod na oras?"
"Wala naman," alanganing sagot niya, "pero . . ."
"Wala namang pilitang mangyayari. Alam kong nagdadalawang-isip ka kasi hindi naman táyo magkakilala tapos bigla kitang niyayaya na mag-stroll kaya ayos lang kung hindi mo trip."
Nang hindi siya agad nakasagot, nagkibit-balikat na lang ako. "Whatever you want to do, do it now. Sa ganoong paraan, puwede kang maging masaya. Isa pa, you only live once, 'di ba? Kaya sagad-sagarin mo na," sabi ko sabay lapit sa gawi niya para mahinang tapikin ang balikat niya. "Nice to meet you, p're."
Maglalakad na sana ako paalis nang bigla naman siyang nagsalita. "Orion." Nilingon ko siya at naka-extend na ang kanang kamay niya. "My name's Orion."
"Malcolm," pakilala ko naman habang nakikipagkamay sa kaniya. "Ano, Orion, nagbago na ba isip mo?"
"When the night is over, will I be finally happy?"
"Then let's try to be just happy tonight."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top