[6] Be Your Everything
CHAPTER SIX
NAKANGITI siya nang salubungin si Ceddie sa labas ng flower shop niya. Maaga siyang uuwi dahil iyon na ang araw ng birthday ng Nanay niya at gusto niya itong sorpresahin.
“'Yan na ba 'yon?” tanong niya sa dala- dala nitong naka- wrap na hugis kwadrado.
“Yup. Tinulungan ako ni Mama na balutin 'to. Sabi niya maganda raw ang Nanay mo.”
“Talaga? Ang sweet naman ni Tita. Pakisabi salamat, ha?”
“Walang problema.”
“May gagawin ka pa pagkatapos nito?”
“Ang totoo wala na masyado kasi 'yong latest project namin is tapos na.”
“Tara, samahan mo 'ko.”
Halatang nagulat ito. “Huh? Saan naman?”
“Ibibili ko lang ng cake si Nanay. May malapit kasi na bakeshop dito. Okay lang ba sa'yo?”
“Ah, oo ba. Halika. Kung gusto mo libre ko na.”
“Ano ka? Ako na nga 'tong nagpapasama,” natawang pakli niya.
Sumakay sila ng motor nito at huminto sa sinasabi niyang bake shop. Pagkatapos niyon ay dumiretso na sila pauwi.
“Okay ka lang ba diyan?” tanong nito sa kanya.
Malamang ay inaalala nito kung paano niya hinahawakan ang bulaklak, ang box ng cake at ang nakabalot na painting.
“Oo naman,” sagot niya.
Hindi naman kasi mahirap para sa kanya iyon. Nakaipit sa ilalim ng kili- kili niya ang painting habang magkapatong naman ang box ng chocolate at bulaklak sa isang hita niya.
Talagang plano niyang agahan ang pag- uwi para maunahan niya si Aling Cynthia. Sa ganoong paraan ay magkakaroon siya ng maraming panahon na maghanda ng sorpresa sa pagdating nito.
“Tuloy ka,” sabi niya pagkabukas ng pinto at si Ceddie na ang may bitbit sa lahat ng dala niya.
“Kayo lang ng Nanay mo ang nakatira dito?”
“Simula nang mamatay si Tatay, oo,” sagot naman niya nang isara iyon.
“Hindi kayo natatakot?”
“Hindi. Sa tagal nang pagtira namin ni Nanay dito, nakilala na namin lahat ng mga nakatira kaya hindi na kami nag- aalala. Akin na muna 'yang regalo ko sa kanya.”
Kinuha niya rito ang painting at ipinasok muna sa kwarto niya. Paglabas niya ay niyaya naman niya ito sa kusina. Kinuha niya ang cake at ipinasok sa ref. Ang bulaklak naman ay inilagay niya sa vase.
“I like your house,” komento pa ni Ceddie.
“Thank you,” sabi naman niya. “Tinutukan ni Nanay ang pagtatayo nitong bahay kaya naging ganito. At mamaya, makikilala mo na siya.”
Lumapit muli siya sa ref at inilabas ang mga sangkap na kakailanganin niya sa pagluluto ng hapunan nila.
“Kailangan mo ng tulong?” ani Ceddie.
“Naku, 'wag na. Bisita kita, eh. Nakakahiya naman kung pagtatrabahuin kita.”
“Nakalimutan mo na bang tinutulungan ko magluto si Mama?”
Tumayo ito sa kinauupuan at lumapit sa tabi niya.
“Sige na. Para mabilis tayong matapos.”
Ilang sandali rin siyang nakatingin lang sa binata at pagkuwan ay inabutan ito ng bagong apron na kinuha pa niya sa kwarto ni Aling Cynthia.
“Pink?” salubong ang kilay na sabi nito matapos tanggapin ang apron.
“'Wag ka nang maarte. Mukha namang bagay sa 'yo, eh,” nakatawang sabi niya.
“Sabi ko nga, eh.”
“ITO TIKMAN mo. Sabihin mo kung sakto lang, ha?” sabi niya nang iumang kay Ceddie ang tinidor na may pansit bihon.
Parang batang masunuring kinain naman iyon ng binata na para bang nasa isang commercial lang and he looked very cute.
“Masarap?” tanong niya nang lumunok na ito.
Hindi pwedeng mawala ang pansit bihon kapag may okasyon dahil isa iyon sa mga paborito nilang mag- ina. Lalong- lalo na iyong maraming manok at maraming carrots na maninipis ang hiwa.
Imbes na sumagot agad ay nakita niya ang pagsilay ng ngiti sa mga labi nito.
“Ceddie, ano ngang lasa?” untag niya.
“Pakasal na tayo.”
Kumunot ang noo niya. “Ano'ng sabi mo?”
“Pakasal na tayo. Ang sarap, o,” at kinindatan pa siya nito.
Inirapan niya ito at kumuha sa kawali para siya naman ang tumikim.
Napatakip siya sa bibig niya habang ngumunguya.
“Alam mo, baliw ka,” natawang sabi niya at hinampas ito sa braso.
Tama nga ito. Nakuha niya ang timpla ng Nanay niya at tiyak na magugustuhan nito iyon.
“Sabi sa 'yo masarap, eh. Ilipat na natin ng lalagyan 'to.”
“Sige, kukuha lang ako.”
Pagkatapos niyon ay tinapos na nila ang macaroni salad at gumawa pa ng sandwiches. Isang ulam lang din ang niluto niya dahil baka hindi nila maubos lahat ng niluto nila.
“Amoy ulam ka na,” tukso ni Chelle habang pinupunasan na niya ang mesa at si Ceddie naman ay naghuhugas na ng kamay nito sa gripo.
“'Di bale, gwapo pa rin naman ako.”
“Yabang--ay!” napatili siya at awtomatikong napaatras nang wisikan siya nito ng kaunting tubig. “Hoy, ha!”
“Kumukontra ka kasi,” tatawa- tawang sabi nito.
“Eh totoo namang mayabang ka-- Ceddie!” winisikan na naman kasi siya nito.
“Sino'ng mayabang? Ha?”
“Ikaw!” at binato niya ito ng basahan.
“Ahh...” si Ceddie na napatigil. Tumama kasi ang basahan sa bandang dibdib nito. “Tingnan mo, nadumihan na ang damit ko.”
Nakonsensiya naman siya sa ginawa.
“Sorry...ikaw naman kasi, eh.” Lumapit siya dito at pinagpagan ang damit nito. “Konti lang naman pala, eh. Arte mo naman.”
“Isusuot ko pa kaya 'to bukas at susunod na mga araw.”
Kunwari ay umasim ang mukha niya. “Kadiri--ay!”
Napatili na naman siya hindi dahil sa winisikan siya nito ng tubig kundi ay dahil sa kiniliti siya nito sa tagiliran.
“'Wag ka nga!” asik niya at hinampas ito sa braso.
“Aha! Alam ko na kung nasaan ang kiliti mo,” nakatawang sabi naman nito.
Akmang kikilitiin na naman siya nito nang tapikin niya ang kamay nito.
“Ceddie, ano ba?”
“Pakiliti naman. Kahit isa lang.”
“Ano 'yon, makakadalawa ka? Ayoko nga!”
Nang habulin siya nito ay napatakbo siya paikot sa mesa.
“Itigil mo na 'to, Ceddie. Sige na naman,” pagmamakaawa niya.
“Sabihin mo munang gwapo ako.”
“Ayoko.”
“Edi hindi kita titigilan.”
Napatili siya nang umikot din ito sa mesa kaya napatakbo na naman siya para hindi siya nito mahabol.
“Parang sasabihin mo lang na gwapo ako, eh.”
“Eh sa ayoko nga, eh. Kulit mo rin, eh!”
Hinabol siya ulit ni Ceddie. Nagtangka siyang tumakbo pero nang makita niya si Aling Cynthia na nakatayo sa pintuan ng kusina ay napatigil siya. At hindi pala ito nag- iisa. Sa likuran nito ay nakatayo ang Principal at co- teacher nito sa eskwelahang pinapasukan.
“N-nay...”
“Ituloy niyo lang, mga anak. Nalilibang pa kaming panoorin kayo.”
“Magandang...gabi po,” bati naman ni Ceddie sa mga ito.
“Cynthia, hindi mo man lang nabanggit sa amin na may nobyo na pala itong anak mo at ang gwapong bata pa,” nakangiting anang Ninang Felissa niya, ang prinsipal.
“Hindi ko po siya boyfriend, Ninang. K-kwan, um...”
“Ah, nagliligawan pa lang?”
“H- hindi rin po.” Bigla ay nahiya yata siyang sulyapan man lang si Ceddie.
“Ikaw na ba si Ceddie?” nakangiting tanong naman ni Aling Cynthia sa binata.
“Cedfrey San Diego po,” nakangiting sagot ni Ceddie at inabot ang kamay dito. “Naghugas na rin po ako ng kamay ko, Ma'am. I'm glad to meet you.”
“Kamusta ka, Ceddie? Ikinagagalak ko ring makilala ka. Ako si Cynthia.”
“Do you happen to know Antonio San Diego, hijo?” tanong naman ng co- teacher na si Gisella nang ito naman ang kinakamayan ni Ceddie.
“Yes, he's my father.”
“What a small world! Siya ang magiging inspirational speaker namin sa darating na graduation exercises. He is such a funny guy. Akala mo kung sino'ng terror tingnan.”
“Naalala ko pa noong ipakilala siya ng supervisor sa 'tin. Kung makatingin daw tayo para tayong nakakita ng mestisong Barack Obama. Ano ba naman 'yon?” ang Ninang ni Chelle.
“Yeah. Mahilig talaga siyang magpauso ng mga punchlines na hindi naman bumibenta.”
Nang tumawa ang mga ito, pakiramdam ni Chelle ay na- out-of-place siya.
“Happy birthday po nga pala Mrs. Samonte.”
“Salamat, hijo.”
“Nay, happy birthday po,” sabi niya at yumakap dito. Hindi siya makapaniwalang naunahan pa siya ni Ceddie na batiin ang Nanay niya. “Pasensiya na po sa amoy ko. Nagluto po kasi kami. Tinulungan ako ni Ceddie.”
“Thank you, anak. Ang sweet- sweet mo talaga kahit kailan. Ang akala ko nga ay papauwi ka pa lang kaya naman nagmadali akong umuwi para maipagluto ka.”
“Gusto ko po kasi kayong sorpresahin, eh.”
“Mukhang pwede na ngang mag- asawa 'tong inaanak ko, ah,” tukso ng Ninang niya.
“Ninang, sabi ko naman sa inyo kapag thirty na 'ko, 'di ba?” nag- init ang pisnging sabi naman niya.
“Mabuti pa, magpalit ka na at nang makakain na tayo.”
“Sige po, Nay,” sagot niya at binalingan si Ceddie. “Gusto mong makigamit ng banyo?”
“Yes, please.”
“PASENSIYA ka na kay Nanay, ha? Gano'n talaga siya kapag sobrang masaya,” nakatawang sabi ni Chelle nang mapag- isa sila ni Ceddie sa kusina.
Nasa kalagitnaan sila ng kanilang hapunan nang ibigay niya kay Aling Cynthia ang kanyang regalo.
Hindi ito makapaniwala kaya naman napupog siya nito ng halik gayundin si Ceddie nang malaman nitong ito ang pinakiusapan niyang gumawa niyon. Gandang- ganda ito sa painting dahil kuhang- kuha raw nito ang nasa larawan. Nainggit naman ang Ninang niya at pati na rin si Gisella. Humirit pa ang mga ito na magpapagawa rin ng ganoon sa binata.
“Parang 'yon lang. Gano'n na gano'n din si Mama kaya sanay naman na 'ko. I'm happy when I make people happy, you know,” nakangiting sabi naman nito.
“Hindi na 'ko magtataka kung singilin mo 'ko ng pagkamahal- mahal.”
“Sabi mo naman handa kang magbayad kahit magkano, eh.”
Nagkatawanan pa silang dalawa. Matapos magpaalam ng mga kasama ng Nanay niya ay nagpaalam na ring uuwi si Ceddie dahil gabing- gabi na pala.
“Maraming salamat ulit sa pagpunta, hijo. Sigurado akong malayo ang mararating mo diyan sa talento mo. Ikinagagalak ko talagang makilala ka,” sabi pa ni Aling Cynthia habang hawak- hawak ang kamay nito.
“Thank you po, Tita. Masaya rin akong makilala kayo, finally, at natutuwa rin akong malaman na nagustuhan niyo ang regalo ni Chelle.”
Nakangiting sinulyapan pa siya ni Ceddie habang nakatayo siya sa likuran ng Nanay niya.
“Alam mo naman 'yang anak ko hindi nawawalan ng sorpresa,” nakangiting wika pa ng ginang. “Mag- iingat ka sa pag- uwi, ha?”
“Sige po. Happy birthday po ulit.”
Humalik pa si Ceddie sa pisngi nito bago ito niyaya ni Chelle na lumabas ng bahay.
“Ang bilis niyong maging close ng Nanay ko, ah,” nakangiting aniya nang buksan niya ang gate.
“Alam mo naman ako, diyan ako magaling,” pasakalye nito at kinuha ang helmet sa motor.
“Mag- iingat ka, Ceddie. Salamat sa pagsama mo sa celebration niya. Masaya ako na masaya siya ngayong birthday niya si Nanay. Salamat sa tulong mo. Makakabawi rin ako sa'yo.”
Isinuot naman ni Ceddie ang helmet nito. “Parang 'yon lang. You should know the pleasure's mine. Kung kailangan mo ulit ng tulong ko, 'wag kang mag- aalangang sabihan ako.”
“Thank you. That's really nice of you, Ceddie, pero ayaw naman kitang abusuhin. By the way, magkano nga ba 'yong singil mo sa painting? Kung mahal, baka pwedeng hulugan muna?”
Tumawa nang mahina si Ceddie.
“Ang totoo hindi ko balak na singilin ka ng pera do'n sa painting.”
Napakunot- noo naman siya.
“Ano'ng ibig mong sabihin?”
“Kasi ano, eh...” Hinubad nito ang suot na helmet at napakamot sa kilay nito. “Sabi mo naman na handa kang magbayad kahit magkano para sa painting na 'yon, 'di ba? I was thinking, what if you'll go out with me for dinner instead? Okay na bang singil 'yon?”
Parang hindi yata agad nag-sink in sa kanya iyon. Dinner sa halip na pera bilang kabayaran?
“Ayaw mo ng pera, gusto mo ng dinner?” hindi makapaniwalang tanong niya.
“Sana. Pero kung ayaw mo naman, 'wag ka na lang magbayad. Ang pangit naman kung sisingilin ko ang future girlfriend ko.”
“Future girlfriend mong mukha mo.”
“Ayaw mo ba? Okay lang naman sa 'kin, eh. Nirerespeto ko naman ang desisyon mo.”
“May sinabi ba 'kong ayaw ko?” aniyang pinagkrus ang mga braso.
“Pero wala ka namang sinasabing payag ka.”
“Dinner is fine with me,” sagot niya at ngumiti.
Si Ceddie naman yata ang tila hindi makapaniwala.
“Talaga, payag ka?”
“Parang hindi ka naman yata naniniwala.”
Tumawa na naman ito. “Siyempre, naniniwala ako. Ang akala ko kasi sasabihan mo 'kong niloloko lang kita, eh. So, walang bawian na 'yan, ha?”
“Oo naman. May isang salita yata ako. Sabihan mo na lang ako kung kailan para makapaghanda naman ako.”
“Yeah, sure! I mean, thank you.”
“Ako yata ang dapat na mag- thank you sa'yo, Ceddie, dahil pinasaya mo ang Nanay ko.” Tinapik pa niya ito sa braso. “Ingat ka, ha? Pakikamusta na lang ako kay Tita. Good night.”
“Good night.” Isinuot na uli nito ang helmet at sumakay sa motor nito. “Wala ba 'kong good night kiss diyan?” hirit pa nito.
“Uwi na sabi, eh.”
“Sabi ko nga.” Binuhay na nito ang makina ng motor.
“Bye!” sabi niya sabay kaway.
Kumaway rin si Ceddie bago nito pinaharurot ang motor palayo.
Kahit nakaalis na ang binata ay hindi pa rin umaalis sa kinatatayuan niya si Chelle. Nakasunod pa rin ang tingin niya sa direksiyong tinungo ng motor ni Ceddie at natagpuan niya ang sariling nakangiti.
Sa isang gabi ay magdi- dinner naman sila. Nakaramdam siya ng excitement at tila ba hindi na siya makapaghintay na dumating ang gabing iyon.
“Ganito pala ang feeling ng nagdadalaga. Buti na lang hindi pa huli ang lahat para sa 'kin.”
Pumasok na siya ng gate at sinara na iyon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top