[4] Be Your Everything
CHAPTER FOUR
PAGPASOK pa lang niya sa gate ay kinuha na niya ang cellphone at i-t-in-ext si Ceddie na nakauwi na siya. Saktong pagpasok niya ng bahay ay tumunog iyon. Hindi siya makapaniwalang tatawag pa ito.
“Ceddie?”
“Talaga bang nakauwi ka na? Baka naman niloloko mo lang ako? Baka nakipag- date ka sa kung sino?”
Nanlaki naman ang mga mata niya.
“Ano'ng nakain mo? Maka- react ka naman nang ganyan,” hindi makapaniwalang sabi niya.
“Practice lang!” Pagkatapos ay narinig niya itong tumawa. Kahit pala sa cellphone lang ay masarap pa ring pakinggan ang boses nito.
Napabuga naman siya ng hangin at pagkuwan ay natawa na rin.
“Ano'ng practice ang pinagsasasabi mo?”
“Alam mo na 'yon.”
“Hindi, Ceddie, hindi ko alam. Tsaka hindi mo naman na kailangang tumawag, eh. Tapusin mo na lang ang trabaho mo.”
“Sige, para rin naman sa future natin 'to, eh.”
“Future mong mukha mo!” pakli niya sa nag-iinit na pisngi. “Ikaw naman ang mag- iingat mamaya sa pag- uwi, ha? Bye- bye na.”
“Ayaw mo ba 'kong kausap?” may bahid ng pagtatampo sa tinig na tanong nito.
“Alam mo, Ginoo, hindi bagay sa'yo. Bye- bye na. Baka sisihin mo pa 'ko kapag sinisante ka ng boss mo.”
“Kita tayo bukas?”
“Kita tayo bukas.”
Siya na ang naunang mag-hang up. She can't wait for the next day to come. Lumabas ng kusina si Aling Cynthia at nadatnan siya nito na nakatayo pa rin sa may pintuan at nakahawak sa door knob.
“Hi, Nay!” masiglang bati niya.
“Himala hindi bagsak ang balikat mo at nakangiti ka pa,” nangingiting pansin naman ng ginang.
Lumapit siya rito at humalik sa pisngi nito.
“Talaga, Nay?”
“Dahil ba 'yon sa kausap mo sa cellphone mo?”
Muling nag- init ang mga pisngi niya.
“Si Ceddie lang po 'yon, Nay. Ayaw kasi niyang maniwala na nakauwi na 'ko, eh.”
“'Yong Ceddie na naman. Kailan mo ba siya ipapakilala sa 'kin?”
“U-um, lagi po siyang busy, eh. Tsaka dalawang beses pa lang naman niya 'kong nahahatid. Siguro kapag nagkaroon ng pagkakataon iimbitahan ko siyang maghapunan dito. Okay lang po ba 'yon?”
“Magandang ideya nga 'yan, Anak. Sige, sabihan mo siyang iniimbitahan ko siya, ha?”
“Opo. Sige po, magbibihis lang muna ako.”
ANG AKALA ni Chelle ay ang sinasabi ni Ceddie na magkikita sila nito ay hapon at magkakape na naman sila. Laking gulat niya nang sumulpot ito sa flower shop nang tanghali.
“Ceddie!” bulalas niya at wala sa loob na nahaplos ng kamay buhok. “Ang...aga mo naman. Ang akala ko mamaya pa tayo magkikita.”
“Nagdu- double time kasi kami ng mga kasamahan ko kaya inagahan ko na lang. Naglunch ka na ba? Iimbitahan sana kita.”
“Hindi pa pero nagpadeliver na kasi si Pauline, eh.”
“Sabi ko na, eh. Coffee date ngayon, lunch date bukas. Sa isang araw sunod na ang dinner,” parinig ni Millete.
Kunwari ay pinandilatan niya ito. “Grabe kayo makapang- asar, ha.”
“Masanay ka na diyan kay Millete, Miss,” ani Pauline. “Enjoy your lunch date.”
“Lunch date ka diyan,” pakli niya bago muling binalingan si Ceddie. “Um, sige, teka lang at aayusin ko lang ang mga gamit ko.”
“PAPALAPIT NA ANG SUMMER pero kumukulimlim pa rin ang panahon, 'no?” wika niya habang naglalakad sila papunta sa restaurant na sinasabi nito. Napatingala kasi siya sa kalangitan at nakakita siya ng mga maiitim na ulap.
Malapit lang daw iyon at nasa unahan lang ng Thumb Apps.
“Mas okay nga, eh. Nababawasan ang init kahit papa'no,” sabi naman ni Ceddie at kinindatan siya.
“Tama ka pero kawawa pa rin 'yong mga walang bahay. Sa'n sila sisilong?”
“Hayaan mo, kapag ako ang naging presidente ng Amerika patatayuan ko ng bahay lahat ng mga homeless na Pilipino.”
Natawa naman siya. “Sira ka pala talagang kausap, 'no?”
“Hindi naman. Pinapatawa ka lang.”
Nagulat siya nang hawakan siya nito sa likod.
“Nakakain ka na dito?” tanong nito nang mapahinto sila sa tapat ng isang glass door.
Nang tumingala naman siya ay nabasa niya ang pangalan ng napagtanto niyang isang restaurant pala. Selina's.
“Ah, hindi, eh. Hindi kasi ako nagagawi sa part na 'to. Hanggang flower shop lang ako.”
Iginiya siya nito papasok at binati naman sila ng guard na nagbukas ng pinto para sa kanila.
“Sir Cedfrey, kayo po pala,” anito.
“Long time, no see, Kuya Jojit, ah?”
“Ganda po ng kasama niyo.”
“Salamat.”
Kimi naman itong nginitian ni Chelle bago nila ito tinalikuran. Maraming tao ang kumakain sa restaurant na iyon at base sa suot ng mga ito ay hindi basta- basta ang restaurant na pinagdalhan ni Ceddie sa kanya.
“Ready na po ang table for two na pina- reserved niyo, Sir,” salubong sa kanila ng isang waiter.
“Thank you. Halika na, Chelle.”
“Ceddie, narinig ko 'yon,” sabi naman niya, eyeing him suspiciously.
“Narinig ang alin?”
“The reserved thing.”
“Ah, 'yon ba?” He smiled at her sheepishly. “Upo muna tayo at saka ko ipapaliwanag sa 'yo.”
Nang makaupo na sila sa table na pinagdalhan sa kanila ng waiter ay sinabi ni Ceddie sa kanya ang totoo.
“Yes, I have been planning on asking you out for a lunch kaya ako nagpa- reserve dito,” anito matapos silang iwan ng waiter para kunin ang pagkain nila.
“Pero bakit dito?” hindi makapaniwalang tanong niya. She was overwhelmed by the thought at hindi niya maikakaila iyon. “Mukhang ang mamahal ng mga pagkain dito. Baka mawalan ka ng panggasolina nito, ha.”
Tumawa naman ito nang may kasama pang ningning sa mga mata.
“Huwag kang mag- alala, marunong akong maghugas ng pinggan.”
Nang kindatan na naman siya nito ay natawa na naman siya.
“Cedfrey,” sambit pa niya sa itinawag na pangalan dito ng security guard. “Ang akala ko talaga 'Ceddie' is from 'Cedric' kasi iyon ang common.”
“Now you know. Iba talaga ako sa lahat.”
“I think that's interesting.”
“As interesting as you are.”
“Matagal ko nang alam na boring ako, okay?” pakli naman niya.
“Sino'ng may sabi?”
“Lahat sila,” kibit- balikat na sagot niya.
“Pare- pareho lang kasi ang basehan nila ng pagiging interesting. Nasabi nila 'yon base sa sarili nilang standards. Ibahin mo 'ko sa kanila. I know it when a person is interesting or not.”
“Yeah, right. Gutom ka na nga.”
“Come on! Seryosohin mo naman ako kahit ngayon lang,” amused na sabi pa ni Ceddie.
“Ako kaya ang seryosohin mo?” pakli naman niya.
NASA KALAGITNAAN na sila ng kanilang lunch nang bumuhos ang ulan. Hindi iyon malakas pero hindi rin naman nila pwedeng suuingin dahil tiyak na magkakasakit sila.
“Oh, no,” anas ni Chelle at tumingin mula sa glass wall.
“Huwag kang mag- alala, titila din 'yan maya- maya lang,” pang-a- assure naman ng binata sa kanya.
“Ikaw ang inaalala ko. Baka hanapin ka na ng boss mo kapag hindi ka nakabalik sa opisina niyo on time.”
“Hayaan mo nga si Rickson. Medyo sawa na rin 'yon sa pagmumukha ko kaya okay lang na magpa- miss ako kahit sandali lang. Huwag mo nang isipin 'yon. Just enjoy the food.”
Kimi niya itong nginitian at ipinagpatuloy ang pagkain.
Nang maubos nila ang main dish ay isang slice ng ube cake roll ang kinain nila for dessert.
“Nasimulan ko na ang painting ng Nanay mo,” nakangiting sabi ni Ceddie.
Agad namang nagliwanag ang mukha niya.
“Talaga? So, ano na ang progress niya?”
“Mukhang matatapos ko siya before her birthday kaya wala kang dapat ipag- alala. Kung gusto mo ipapakita ko sa'yo the day before.”
“Pwede rin! Parang bigla yata akong na- excite. Thank you, Ceddie, ha? Wala pa man masaya na 'ko.”
“Parang 'yon lang, eh. Kung gusto mo ikaw naman ang ipinta ko sa susunod. Nang nude.”
Muntik na niyang maisubo pati tinidor nang tumaas- baba ang mga kilay nito sabay ngisi nang nakakaloko.
“Ano'ng nude? Likod lang kaya kong ipakita, 'no!”
Nang magpasya silang umalis ng restaurant ay umaambon na lang.
“Mababasa pa rin tayo,” ani Chelle nang ilahad ang kamay at nabasa iyon ng pag- ambon.
“Okay lang 'yan, akong bahala.”
Nang tumingin siya kay Ceddie ay sinisimulan na pala nitong hubarin ang suot nitong hoody jacket. Itinalukbong pa nito iyon sa kanya pagkatapos.
Agad niyang nalanghap ang pabango doon.
“Okay na ba 'yan? Wala tayong payong kaya 'ayan, improvised.”
“Mababasa ka naman. Alam mo, share na lang tayo. Mukhang malaki naman para sa 'ting dalawa 'to.”
“Ano ka ba, malakas ang resistensiya ko kaya okay lang. Huwag mo na 'kong isipin,” mayabang na sagot ng lalaki.
“Sigurado ka ba?”
“Ako pa. Halika na.”
Patakbo na lang silang naglakad. Sinabihan niya si Ceddie na siya na lang ang mag- isang babalik sa flower shop nang marating nila ang Thumb Apps pero nagpumilit itong ihatid siya.
“Dito ka na lang, Ceddie,” giit niya. “Baka biglang lumakas ang ulan at mabasa ka na niyan.”
“Kaya nga. Pa'no kung biglang lumakas ang ulan? I have to make sure na hindi ka mababasa. Pa'no kung magkasakit ka?”
“Hindi ako magkakasakit. Nagba- vitamins ako, 'no.”
“Basta, halika na.”
Sa huli ay wala na rin siyang nagawa. Lakad- takbo ulit ang ginawa nila.
“Okay na 'ko, Ceddie. Maraming salamat,” sabi niya nang nasa pintuan na sila ng flower shop.
“Walang anuman, Binibini. Kontento na 'kong hindi ka nabasa.”
“Ikaw naman 'tong nabasa,” pakli niya at inalis ang jacket sa ulo niya. “Salamat para dito. Ikaw naman ang gumamit.”
“Sa'yo na muna 'yan,” sa halip ay sabi nito.
“Huh? Pero bakit?”
“Baka kasi umulan na naman mamaya, eh. Alam kong wala kang dalang payong.”
“Pero pa'no ka?”
“Okay lang ako. Sabi ko naman sa'yo, 'di ba? Malakas ang resistensiya ko.” Itinaas pa nito ang isang braso at pinakita ang muscles nito.
Inirapan pa niya ito. Kahit wala naman itong gawin ay kitang- kita na niya ang mga muscles nito.
“Oo na, hindi na 'ko kukontra. Thank you ulit, Ceddie, ha? Thank you sa lunch, sa jacket at sa paghatid. Ingat ka.”
“Next time ulit?”
“Sure.”
“I'll go ahead.”
Humakbang ito paatras at kinawayan pa siya. Gumanti naman siya ng kaway at sinundan pa ito ng tingin habang tumatakbo ito pabalik ng pinagtatrabahuan nito.
Ibang klaseng lalaki talaga 'yon, nakangiti niyang saloob.
Napatingin pa siya sa hawak na jacket. Wala sa loob na inamoy niya iyon.
“Ang bango talaga.”
PAGDATING niya sa bahay ay kaagad niyang nilabhan ang jacket para maisauli na niya ito kay Ceddie.
“Bumili ka ng jacket, 'Nak?” tanong sa kanya ni Aling Cynthia nang makasabay niya ito sa banyo.
“Ah, hindi po, Nay. Kay Ceddie po ito. Umulan kasi kanina at pinahiram niya sa 'kin kasi wala kaming payong,” sagot niya matapos ibabad ang jacket sa palangganang may detergent na nakapatong sa washing machine.
Plano niyang labhan iyon nang mano- mano tutal naman ay isang piraso lang iyon.
“Bakit, saan ba kayo nagpunta kanina?” may himig panunuksong tanong ng ginang.
“Niyaya lang po niya 'kong maglunch.”
“Kape, lunch tapos ano'ng kasunod, dinner?”
“Nanay naman. Hindi po nanliligaw sa 'kin 'yong tao.”
“Ngayon hindi pa. Eh pa'no bukas?”
“Nanay talaga, o,” sabi niyang napailing para itago ang pamumula.
“Mukha namang mabait na bata kaya tiyak na magiging mabuting boyfriend kapag nagkataon.”
“Tingin niyo, Nay?” nangingiti niyang tanong.
“Uy, sabi ko na nga ba lihim kang nag- aasam, eh!”
Napahagikhik pa silang mag- ina.
NANG TINGNAN ni Chelle ang jacket na isinampay niya sa likod- bahay nila magdamag sumunod na araw ay hindi pa rin iyon natutuyo kaya napagpasyahan niyang bukas na lang niya ito isasauli kay Ceddie.
As usual ay nakatanggap na naman siya ng mga korning quotes mula dito pero ang hinihintay niya ay ang magbanggit ito kung saan na naman sila kakain o ano ngayong araw ngunit nabigo siya.
Siguro nga ay masyado na itong busy sa ngayon. Hindi nga naman madali ang propesyon nito kaya naiintindihan niya pero panaka- naka pa rin siyang tumitingin sa mga pumapasok sa pintuan.
Natapos lang ang araw niya pero hindi man lang niya ito nasilayan. Nakaramdam siya ng panghihinayang sa loob niya. Nang papauwi na siya ay nakatanggap siya ng text mula dito na mag- iingat daw siya. Saka na lang daw siya nito ihahatid. Dahil naman doon ay napangiti na rin siya.
Hindi bale, bukas tiyak makikita ko na siya, sabi na lang niya sa sarili.
NANG SUMUNOD na araw ay maayos niyang itinupi ang jacket nito at inilagay sa paperbag. Isasauli na niya iyon kay Ceddie kapag nagkita na sila. T-in-ext pa nga niya ito pero hindi ito nagreply.
Buong umaga niyang hinintay na magreply ito pero wala namang dumating kaya nagpasya siyang puntahan na lang ito sa Thumb Apps. Baka nga sobrang abala nito at hindi na naman ito makakapagpakita sa kanya.
Itinuro siya ng receptionist sa fourth floor. Iginala niya ang paningin sa paligid ng opisina at akala pa niya sa umpisa ay nagkamali siya. Hindi kasi mukhang mga nerd na developers and programmers ang mga tao doon kundi mga supermodels!
Halos lahat ng mga nakita niya ay mga bata pa at talagang may itsura. Only, wala si Ceddie sa mga iyon. Nasaan kaya ito?
“Yes, what can I do for you?”
Napapitlag siya nang may magsalita sa tabi niya. Nang tumingala siya ay nakita niya ang lalaking tinawag ni Ceddie noong isang araw na 'Rickson'.
“U-um, hi, ako si Chelle,” pakilala niya. Bigla siyang nakaramdam ng pagkailang nang maramdaman niyang napako ang tingin ng lahat sa kanya.
“Ikaw 'yong girlfriend ni Cedfrey, right?”
“Ano, si Ceddie may girlfriend?” agaw naman ng lalaking isa sa mga nandoon at lumapit sa tabi ni Rickson. “Aba, maganda nga, ah. Hindi nga lang kamukha ni Taylor Swift.”
Ano'ng kinalaman dito ni Taylor Swift?, tanong naman niya sa sarili.
Hindi na niya itinama ang akala ni Rickson at sa halip ay tinanong na ito.
“Nandito ba siya? Hindi kasi siya nagreply sa text ko kanina.”
“Hindi mo ba alam?” tanong din nito na may pagtataka.
“Hindi alam ang alin?”
“Kahapon pa absent si Ceddie.”
“T- talaga?” hindi makapaniwalang sabi niya. “Pero bakit?”
“Hindi kayo nagkita kahapon?” tanong din ng katabi ni Rickson.
“Hindi, eh. Ang akala ko kasi buong araw siyang busy. A-ano ba ang nangyari?”
“Kahapon pa siya maysakit. Alam mo naman 'yong taong 'yon kaunting ambon lang nilalagnat na. Ang laking tao pero mabilis dapuan ng sakit.” Binuntutan pa nito iyon ng tawa.
“Shut up, Shawn,” saway naman ni Rickson dito. “Hindi na 'ko nagulat na hindi niya ipinaalam sa 'yo. Nagpupuyat kaming lahat these past few days dahil may nira- rush kaming system kaya hindi nakapagtatakang magkasakit siya.”
“Sira- ulo 'yon, ah,” hindi napigilang sabi niya. “Malakas ang resistensiya pala, ha.”
“Kung ako sa'yo, puntahan mo na lang siya sa bahay niya at bisitahin siya.”
“Nasa'n ba ang bahay niya?”
“Hindi mo alam kung nasa'n ang bahay niya? Akala ko ba girlfriend ka niya?” sabat na naman ng tinawag na 'Shawn'.
“Kayo lang kaya ang may sabing girlfriend niya 'ko. So pwede ko bang mahingi ang address niya? Gusto ko lang talagang malaman kung kamusta na siya.” Pinagdikit pa niya ang mga palad.
“Kung hindi ka lang maganda, eh,” sabi naman ni Rickson.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top