[3] Be Your Everything
CHAPTER THREE
MATAPOS nilang kumain ay nagprisinta na si Ceddie na ihatid siya sa kanila. Bawal daw siyang tumanggi kasi magkaibigan naman na sila. Pumayag na lang din siya. Sayang naman kasi ang pagkakataon na maamoy niya ulit ang nakakaakit nitong pabango.
“Um, Ceddie?” sabi niya habang tumatakbo na ang scooter. Hindi mabilis ang pagpapatakbo nito kaya nakampante na rin siya sa biyahe nila.
“Ano 'yon?”
“Ang totoo may isa pang dahilan kung bakit ako sumamang magkape sa'yo. Gusto ko sanang humingi ng pabor sa'yo kung okay lang.”
“Oo naman. Ano ba 'yon? Kahit ano, basta kaya ko.”
“Malapit na ang birthday ng Nanay ko at gusto ko siyang bigyan ng regalo. Tingin ko magugustuhan niya kapag binigyan ko siya ng painting na siya ang nakapinta. Ceddie, matutulungan mo ba 'ko? Handa naman akong magbayad kahit magkano, eh. Gusto ko lang kasing pasayahin si Nanay sa birthday niya.”
“Pwede ko bang pag-isipan ang tungkol sa bagay na 'yan?”
“Oo naman. Ikaw ang bahala.”
Pero sana naman pumayag ka dahil kung hindi, hindi na ulit ako lalabas kasama ka.
Pagkatapos niyon ay hindi na uli sila nag-usap.
Huminto ang motor nito sa itim na gate ng bahay nila.
“Salamat sa hatid,” nakangiting sabi niya matapos iabot dito ang helmet.
“Tungkol nga pala do'n sa pabor na sinabi mo kanina lang. Payag ako. Ang kailangan lang bigyan mo 'ko ng picture niya at pagkatapos ako na ang bahala.”
Agad namang nagliwanag ang mukha ni Chelle.
“Talaga, payag ka na? Sige, kukuha lang ako ng picture niya sa loob--”
“Pwede bang bukas mo na lang dalhin? Kape tayo ulit. Okay lang ba 'yon?”
Hindi naman siya nagdalawang- isip sa suggestion nito.
“Sure. Um, gusto mo ba munang pumasok? Ipapakilala kita kay Nanay.”
Nginitian siya ni Ceddie. Looking at him right now, mukha itong endorser ng motor at gustong angkasan ng mga seksing babae.
“Some other time, Chelle. Nangako kasi ako kay Mama na tutulungan ko siyang magprepare ng dinner. Pero sana nga magkaroon ng pagkakataon na maka- dinner ko kayo ng Nanay mo. Ano ngang pangalan niya?”
“Cynthia.”
“Cynthia,” nakangiting ulit naman nito. “Ang pangalan naman ng Mama ko ay Amanda.”
Pinaandar na uli nito ang motor para sa pag-alis.
“Kita tayo bukas,” nakangiting sabi nito.
“Kita tayo bukas.” Kumaway pa siya rito. Hindi muna siya pumasok sa loob hangga't hindi ito nawawala sa paningin niya. Ang nakapagtataka pa, natagpuan niya ang sariling nakangiti habang inaalala ang naging araw niya lalo na ang pagsulpot ni Ceddie sa flowershop niya.
“Chelle, napaaga yata ang uwi mo?” pansin ni Aling Cynthia paglabas nito ng sariling kwarto. Tiyak na kararating lang nito galing eskwelahan. Isa kasi itong guro sa pampublikong elementarya.
Lumapit siya rito at agad na humalik sa pisngi nito.
“Niyaya po kasi akong magkape ng isang kaibigan.”
“Isang kaibigan? Hindi si Macy? Bago 'yan, anak, ah?” Halata ang pagkamangha sa tono nito.
Agad namang nag- init ang mga pisngi niya.
“Naalala niyo po 'yong artist na nakilala ko sa pinuntahan naming exhibit ni Macy? Nagkita po kami kanina.”
“Lalaki ba?”
Hindi na niya kailangan pang magkaila. Tingin pa lang ng Nanay niya ay nakuha na nito ang kanyang sagot.
“Ano'ng pangalan niya?”
“Ceddie po.”
“Gwapo ba?”
Tumango- tango siya.
“Anak, dalaga ka na!”
HINDI niya alam kung pang- ilang beses na niyang pagtingin iyon sa maliit na salamin na nasa loob ng bag niya. Hapon na at ilang sandali na lang ay susulpot na sa flowershop niya si Ceddie. Ang totoo buong araw siyang ganoon. Kaninang umaga pa lang ay gustong- gusto na niyang hilahin ang mga oras para dumating ang hapon. Hindi nga niya maintindinhan kung bakit siya nagkakaganoon.
Mukhang tama nga si Nanay. Dalaga na nga yata ako.
Nang sa wakas ay makita niya itong lumitaw sa pintuan ng shop niya ay sinikap niyang maging relax lang. Tamang- tama dahil malapit na siyang matapos sa pagti- trim ng mga ferns.
“'Andiyan na ang cute na suitor ni Miss,” sabi ni Pauline na kasalukuyang may inaasikasong customer.
Napatikhim naman siya.
“Sino'ng may suitor?” pakli niya.
“Hi, tapos ka na? Kung hindi pa handa akong maghintay,” dire- diretsong sabi ni Ceddie sa kanya nang makalapit ito sa table niya.
Hindi naman niya maintindihan kung bakit basta na lang siya nakaramdam ng pagka- conscious.
“U-um, kwan, actually--”
“Kami na lang po ang tatapos niyan para makapagdate na kayo,” agaw ni Millete at lumapit sa tabi niya. “Mag- enjoy kayo, Miss. Kami na po ang bahala dito.”
Wala siyang ibang masabi dahil hindi naman siya pwedeng kumontra.
“Kukunin ko lang ang mga gamit ko,” sabi na lang niya at nginitian ito.
Kagaya ng dati ay nilakad nila ang kinaroroonan ng motor nito.
“Matanong ko lang, ano'ng ginagawa mo?” tanong niya.
“Naglalakad kasama ka.”
“Hindi! Ang ibig kong sabihin, ano'ng pinagkakaabalahan mo? Ano'ng trabaho mo?”
“So you want to get to know me, huh?” nanunuksong anito kaya naman nag-init ang mga pisngi niya.
“Hindi sa gano'n. Ang ibig kong sabihin...walang malisya do'n, okay? Echosero ka rin, eh.”
Tumawa naman ito.
“Diyan ako nagtatrabaho,” turo nito sa building ng Thumb Apps nang makalapit na sila.
“Talaga?” manghang sabi naman niya.
“Applications developer ako diyan. Nang malaman ko mula sa pinsan mo kung nasaan ang flower shop mo, hindi ako makapaniwala.”
“Bakit naman?”
“Eh kasi malapit ka lang pala mula dito. Ang akala ko nga mahihirapan akong makita ka ulit. And you know what I'm thinking?”
“What?”
“Na sadya talaga tayong pinaglalapit ng tadhana.”
She was speechless in an instant. Ibang klase rin ang mga banat nito. Buti na lang at gwapo ito.
“Alam mo, narinig ko na rin 'yan.”
Tatawa- tawang sumampa na ito sa motor at agad na inabutan siya ng helmet. Pagkatapos ay binuhay na nito ang makina.
“San Diego.”
Pareho silang napatingin sa lalaking lumapit sa isang pulang magarang kotse na katabi lang ng motor ng binata.
“Boss, nagkita uli tayo,” sabi naman nito.
“Ang ganda- ganda ng girlfriend mo pagkatapos isasakay mo lang diyan sa motor mo?”
“Eh wala akong kotse, eh. Kailan mo ba 'ko bibigyan?”
“Kapag tumagal ka na nang dalawampung taon sa serbisyo mo.”
“Di bale na lang.”
Isinuot naman ni Chelle ang helmet at sumampa na sa likod nito.
“Halika na, Ceddie.”
“Una na kami, Bossing!” sumaludo pa ito bago nagdrive palayo.
“Boss mo ba talaga 'yon?” tanong pa ni Chelle.
“Si Rickson? Siya ang founder ng Thumb Apps at Chief Finance Officer. Isa naman ako sa mga co- Founder. College pa lang kami nang simulan namin itong company at sa ngayon, marami na kaming na- hire na programmers. Mas mayaman lang sa 'kin 'yon pero hindi hamak naman na mas gwapo ako do'n.”
She agreed in silence.
“ITO SIYA, o,” sabi ni Chelle nang ipakita dito ang isang picture ng Nanay niya na kuha pa noong kabataan nito. Medyo luma na iyon pero hindi pa naman kumukupas.
Kuha iyon noong magnobyo pa lang ito at ang Tatay niya. Nakaupo ito sa isang bench na nasa isang park at may bulaklak ng santan sa tenga nito.
Ang Tatay raw niya ang kumuha niyon mismo.
“Sa kanya mo pala minana ang ganda mo,” nakangiting komento naman ni Ceddie.
“Parang ang layo naman. Sabi ni Nanay at ng mga kakilala namin mas kamukha ko raw ang Tatay Victor ko.”
“Ibig sabihin gwapo rin ang Tatay. Mo.”
“Sa susunod ipapakita ko naman ang picture niya. So, ano, magagawa mo ba bago dumating ang birthday niya? Limang araw na lang kasi bago 'yon, eh.”
“Medyo busy kasi ako lately, eh, pero madali lang 'to.” Kinindatan pa siya nito.
Nagliwanag naman ang mukha niya. “Talaga? Thank you talaga, Ceddie, ha? Magkano ba?”
“Saka ka na magtanong kung tapos na pero sinasabi ko sa'yo, mahal ako maningil.”
“Okay lang kahit magkano basta para sa Nanay ko.”
“One more thing, pwedeng mahingi number mo? Wala kasi akong ka- textmate, eh.”
“Wala kang ka- textmate? Kawawa ka naman.”
“Oo nga, eh. Namimigay pa naman sana ako ng load.”
“Akin na cellphone mo, isi-save ko.”
“MOM, ITONG si Ceddie binata na.”
Napapiksi siya nang tapikin siya ni Raffy sa likod habang kinakamay niya ang atsarang pinapalamig ni Amanda sa kusina.
“Mom, si Kuya intrigero na,” sabi naman niya sabay subo sa bibig niya.
“'Oy, ano 'yan? Cedfrey, may gusto kang sabihin?” ani Amanda na abala sa pagtapos sa nilulutong ulam sa kawali. “Kayo, ha. Hindi na kayo nagkukwento sa 'kin tungkol sa mga girls.”
“Kung sasabihin kong gusto ko nang magka-girlfriend, Mom, okay lang naman sa'yo 'yon, 'di ba?”
“You're twenty- seven, Cedfrey. You're supposed to have a girlfriend right now,” amused na sabi ng ginang. “So totoo nga ang sabi nitong Kuya mo?”
“Naalala mo 'yong kinwento kong girl na nakilala ko sa exhibit? 'Yong sinabi kong kasing ganda mo?”
“Iyong nagka- crush ka agad sabi mo?”
“I saw her again. And I want to know her more.”
“I see. Ito namang si Kuya Raffy, o. Mind your own lovelife nga nang hindi itong si Bunso ang pinagdidiskitihan mo,” nakatawang ani Amanda.
“Nakalimutan mo na ba, Mom? Ang sabi niya, hindi siya maggi- girlfriend kung hindi rin lang kamukha ni Taylor Swift 'yong babae.”
“Talaga may sinabi akong gano'n?” painosenteng sabi ni Ceddie at ngumisi. “Well, mas maganda siya kaysa kay Taylor.”
“Kung gano'n kailan ko siya makikilala?”
“Malapit na.”
“Naks. Confident na confident, ah?” pang-aasar naman ng Kuya niya.
“Aminin mo na, Kuya. Mas gwapo ako kaysa sa'yo.”
NAPANGITI NA naman si Chelle nang mabasa ang text sa inbox niya. Simula nang makuha ni Ceddie ang number niya ay halos minu- minuto itong nagpapadala ng mga korning love quotes and jokes sa kanya. Ganunpaman, natutuwa siya dahil sobra niya iyong naa- appreciate. Dati- rati kasi ay parang pang-business lang ang silbi ng cellphone niya dahil si Macy lang naman ang katext niya. Paminsan- minsan lang din iyon dahil binubulabog lang naman siya nito kapag gusto siya nitong kaladkarin sa kung saan. Speaking of pinsan, saan na naman kayang lupalop ito naroon?
“Ang taray naman ni Miss, dinaig ang mga rosas sa pagiging blooming,” pansin pa ni Millete.
Mabilis niyang ibinalik sa kanyang bag ang cellphone at ipinagpatuloy ang paggawa ng flower arrangement.
“Si Ceddie lang 'yon,” parang walang anumang sabi niya.
“Miss naman, eh. Halata namang gusto rin niya si Mr. Pogi, eh.”
Napasimangot siya sa itinawag nito sa binata.
“Aminin mo, Miss, totoo,” tukso pa ni Pauline na may inaasikasong customer. “Kayo na ba no'n, Miss?”
Pinanlakihan naman niya ito ng mga mata.
“Hindi, ah. Ni hindi nga nanliligaw 'yon, eh.” Sa huling sinabi ay nakaramdam siya ng pagkadismaya.
“Ikaw talaga, Pauline, masyado kang instant,” pakli naman ni Marj na abala naman sa computer. “Pasasaan ba't pagkatapos ng isang taon magiging sila rin?”
“Oo nga naman,” napahagikhik na sang- ayon ni Millete. “Pagkatapos no'n pakasal na sila agad.”
Nag- init naman ang mga pisngi niya sa mga pinagsasasabi ng mga ito.
“Kayo, ha. Kapag nalugi itong flowershop ko dahil sa pakikialam niyo sa lovelife ko, pasensiyahan na lang tayo,” pakli niya.
NAKARAMDAM din siya ng panghihinayang nang t-in-ext siya nito na hindi sila nito makakapagkape dahil may overtime ito ngayon.
Sayang. Ni hindi man lang niya nasilayan ang mukha nito. Naglalakad na siya papuntang tabi ng kalsada para mag- abang ng taxi nang may tumawag sa pangalan niya.
“Binibining maganda, sandali lang!”
“Huh?”
Nanlaki ang mga mata niya nang makita si Ceddie na tumatakbo sa direksiyon niya.
“Ceddie?”
Napatukod ito sa mga tuhod habang habol- habol ang paghinga.
“Ano'ng ginagawa mo dito, Ceddie?” takang tanong niya.
“Pauwi ka na ba?”
“Oo. Isasara na ng mga assistant ko 'yong shop. Akala ko ba may overtime ka?”
“Meron nga...” Umayos ito ng tayo at napameywang. May mga butil ng pawis sa mukha nito pero hindi man lang iyon nakabawas sa charm nito. “Nanghihinayang talaga ako na hindi kita nakasamang magkape ngayong araw pero hindi naman ako papayag na matapos lang 'to na hindi kita nakikita. Buti na nga lang naabutan kita.”
“Hindi mo naman kailangang gawin 'yon, eh,” sabi niya pero sa loob- loob niya ay napa- flatter siya.
“Ingat ka, ha? Bawi na lang ako kapag maluwag na uli ako.”
“Hindi naman na kailangan, eh. Ikaw rin mag- iingat ka.”
Nang masilayan niya ang ngiti nito ay nakumpleto na ang araw niya.
Si Ceddie pa mismo ang nagpara ng taxi para sa kanya at siyang nagbukas ng pintuan.
“I-text mo 'ko kung nakarating ka na sa bahay niyo, ha?”
Boyfriend lang ang peg?, hindi napigilang saloob niya at gusto niyang matawa.
“Pangako,” nakangiti naman niyang tugon. “Sana nga pwede tayong magkape bukas. Una na 'ko.”
Sumakay na siya at kumaway pa kay Ceddie matapos nitong isara ang pinto. Gumanti rin ito ng kaway.
“Bumalik ka na. Salamat, ha?”
“Hihintayin lang kitang makaalis.”
“Basta bumalik ka na kaagad, ha?”
“I promise.”
Nag- flying kiss pa ito nang umandar na ulit ang taxi kaya naman natawa siya at gumanti ng irap. Kindat naman ang ganti nito.
Naalala tuloy niya ang bansag na 'Mr. Pogi' ni Millete dito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top