[10] Be Your Everything

CHAPTER TEN

“WALA KANG choice, kailangan mong kumain nang marami.”

Natatawang marahan niyang hinampas si Ceddie sa braso habang papasok sila sa 'Selina's' para maglunch. Biniro kasi siya nito na pumapayat na siya kaya pakakainin siya nito nang marami.

“Gano'n pa rin kaya ang timbang ko,” pagkontra niya.

Saktong malapit na sila sa naka- reserve na mesa para sa kanila nang may isang matandang babae na tumawag sa kanila. Elegante ang ayos nito. Sa tantiya ni Chelle ay nasa late seventies na ito.

“Granny,” gulat na sabi ni Ceddie at binitawan ang kamay niya para halikan sa pisngi at yakapin ang babae.

Granny?, takang ulit niya sa sarili. Ito kaya ang Lola ni Ceddie? Nakapagtatakang wala man lang naikwento sa kanya ang binata tungkol sa mga grand parents nito.

“Kamusta ka na, hijo? The last time you came to see me bagong taon pa. Ang akala ko nakalimutan niyo nang may maganda kayong lola?” may himig pagtatampong sabi nito.

“Granny, you know that's not true. Nagustuhan mo ba 'yong roses na pinadala ko sa inyo noong isang araw?”

“Yeah, they're lovely. Pero alam mong mas gusto ko kayong makasama ni Raffy.”

“Pasensiya na po talaga, Granny. Life has been keeping us busy. Why weren't you there on Kuya's birthday, by the way?”

“Same old reason.”

“I understand. Na- miss ko kayo, Granny.”

“Same here, Cedfrey. Sana makabisita ulit ako sa inyo one of these days.”

“By the way,” ani Ceddie at hinila sa kamay si Chelle. “Granny, I'd like you to meet my wonderful girlfriend, Chelle. Chelle, this is my beautiful Granny, Selina Montreal.”

“Magandang araw po, Ma'am. Ako po si Chelle,” kiming bati ng dalaga at inabot ang kamay.

“Masyado ka namang pormal, hija. You can just hug me, come on,” nakangiting ani Selina at ibinuka ang mga kamay.

Hindi naman siya nag- atubiling yumakap dito at humalik sa pisngi nito.

“Kamusta ka, hija? Napakagandang bata mo naman. Ang galing talagang pumili nitong apo ko. Hindi katulad ng pinsan niyang si Ziggy.”

“Ikinagagalak ko po kayong makilala,” sabi pa niya at ngumiti. Mukha namang mabait ito kaya hindi mahirap makapalagayan ng loob.

“Gano'n din ako. You're so lovely.”

“T-thank you po.”

“She's a flower shop owner. Sa kanya nanggaling ang mga bulaklak na ipinapadala ko sa inyo.”

“Amazing! I love flowers so much, alam ng mga apo ko 'yan. And this is the first time that Ceddie has introduced a woman to me.”

“The next girl na ipapakilala ko sa'yo will be our daughter, Granny. Maghintay ka lang,” nakangiti namang sabat ni Ceddie.

“Oh, I'm looking forward!” nakatawang sabi ni Selina habang pasimple naman itong kinurot ni Chelle sa tagiliran.

Inakbayan naman siya ni Ceddie dahil doon. “Kung napapansin mo, kapangalan ni Lola ang restaurant na ito.”

“Kayo po ang may- ari nito?” manghang tanong niya.

“Ito talagang si Ceddie binanggit- banggit pa. Yes, hija. And I used to be the head chef so matagal na ring nakatayo ang restaurant na ito.”

“I tell you, hindi pa rin kumukupas ang galing niya sa pagluluto,” pagbibida pa ni Ceddie sabay pisil nito sa balikat niya.

“Ang galing naman po. Hindi nabanggit sa akin ni Ceddie na malapit pala sa kanya ang may- ari nito. Naging favorite na rin kasi namin 'to, eh.”

“I'm flattered. Ang lungkot lang at papaalis na rin ako. Gusto ko pa sanang makausap kayo nang mas matagal.”

“Sayang naman po, Granny.”

“Dumaan lang naman kasi ako para kamustahin 'tong restaurant. Sana magkita ulit tayo sa susunod at makapag- usap nang mas matagal.”

“Chelle and I are looking forward.”

“It was nice meeting you again, Ma'am,” ani Chelle.

“Call me 'Granny'.”

Matapos nitong ipaalala kay Ceddie ang family dinner ng mga ito sa isang gabi ay umalis na rin ito.

“Hindi mo nabanggit na may grandparents ka pa pala,” sabi niya matapos kunin ng waiter ang order nila.

“Hindi ba? I apologize,” painosenteng sabi naman ng binata.

“So siya ang Mom ni Tita?”

“Yeah. Mayaman ang angkan na pinanggalingan ni Mama pero si Papa pa rin ang pinakasalan niya. Pag- ibig nga naman.”

“Tingin ko naman naging tama lang ang desisyon niya.”

“Yup! Kita mo naman ang gugwapo ng mga naging anak nila,” sabi nito at kinindatan siya.

Natatawang napangalumbaba siya.

“Tingin ko sa 'ting dalawa, ikaw ang mas kailangang kumain nang marami.”

Noong una niyang makilala si Ceddie, hindi niya nagustuhan ang pagiging mayabang nito at pagpuri sa sarili. Ngayon, isa na iyon sa mga dahilan kung bakit niya ito mahal na mahal ngayon. They've been together for four months now at alam niyang magtatagal pa sila.

KAAGAD NIYANG tiniklop ang librong binabasa nang mag-vibrate ang kanyang cellphone sa maliit na mesang kinapapatungan ng lampshade. May alas onse na rin ng gabi at hinihintay na lang niyang dalawin ng antok. Tumawag na rin si Ceddie sa kanya.

“Hi,” bati agad niya.

“Hi. I'm glad gising pa ang future wife ko,” sabi nito sa matamlay na boses.

Natawa naman siya nang mahina. Pero sa totoo lang ay naninibago siya sa tono nito.

“Kamusta? May problema ba?”

“I'm fine. Marinig ko pa lang boses mo okay na 'ko.”

Ipinatong niya ang libro sa mesa at napasandal sa headboard ng kama.

“Kamusta ang naging family dinner niyo?” tanong pa niya.

Ito iyong family dinner na binanggit ni Selina noong isang araw sa kanila. Sa bahay daw ng Lolo ng mga ito gaganapin dahil may mahalaga itong announcement. Hindi na niya inalam kung ano ang announcement na iyon.

“Hindi maganda.”

“Bakit naman?” takang tanong niya. May nangyari kaya?

“Basta. Gusto ko lang marinig ang boses mo bago ako matulog.”

“Ceddie, kung may problema ka pwede bang sabihin mo sa 'kin? Nag- aalala ako, alam mo ba 'yon?”

“It's not serious, believe me,” he said with a laugh. “I can't wait to see you. I love you.”

“I love you, too, Ceddie. Good night.”

“Good night.”

Parang ayaw niyang maniwala. Alam niyang may pinagdadaanan ito pero hiling niya na sana ay hindi naman ito gano'n kaseryoso.

“Chelle?”

“Ceddie,” tugon niya sa kabilang linya.

Nagliligpit na siya ng kanyang mga gamit nang tawagan siya nito. Hinihintay na niya ito sa katunayan para ihatid siya pauwi.

“I'm on my way.”

“Ha? Teka, nasa office ka lang naman ninyo, 'di ba?” takang tanong niya.

“Hindi, um, may importante akong taong dinaanan pero malapit na 'ko diyan. May gusto lang akong itanong sa'yo,” sabi nito sa boses na bothered.

“A-ano'ng tanong 'yon?”

“Mahal mo naman ako, 'di ba?”

“Oo naman.”

“Kung gano'n handa kang magpakasal sa 'kin?”

Natawa siya. “Cedfrey, nagbibiro ka ba?”

“No, Chelle, I'm serious. Ako mahal kita at alam mong handa kitang pakasalan anumang oras. Gano'n ka rin ba?”

Bakit siya tatanungin ng ganoon ni Ceddie? Ano'ng tumatakbo sa utak nito? Kahit hindi siya sigurado sa iniisip nito, alam niya ang sagot sa tanong nito.

“Yes, Ceddie, I love you and I'm willing to marry you. Pero bakit mo tinatanong sa 'kin ngayon ang bagay na 'yan?”

Narinig niya ang malalim na buntong-hininga nito sa kabilang linya.

“I just want to know,” anito sa boses na parang nabunutan ng tinik kaya naman lalo siyang naguluhan. “I love you, Chelle. May importante tayong gagawin so please, wait for me there.”

“Okay, maghihintay ako sa'yo. Mag- iingat ka. I love you, too.”

SA LABAS na lang ng flower shop niya ito sinalubong at nagtaka siya nang may kasama itong lalaking may edad at nakasuot ng three- piece suit. Bumaba pa ang mga ito sa isang kotse.

“Hi,” anito at niyakap siya sabay halik sa noo niya.

“Hi,” tugon naman niya. “May kasama ka?”

“This is Attorney Rosal. Siya ang magkakasal sa 'tin. Attorney, this is Chelle, my girlfriend.”

“Kamusta ka, hija?” sabi naman ng ipinakilalang abogado at inabot ang kamay sa kanya.

Nang tanggapin niya ang kamay nito ay wala siya sa sarili.

“Magkakasal?” hindi makapaniwalang sabi niya.

“Oo. Hindi ba pumayag ka nang magpakasal sa 'kin?”

“P-pero Ceddie, hindi ko naman alam na ngayon pala ang ibig mong sabihin! N-naguguluhan ako. Bakit bigla- bigla naman?”

“Huwag na tayo dito mag- usap, okay? Just trust me. Mahal mo naman ako, 'di ba?”

Nagpaubaya nga siya dito hanggang sa dalhin siya nito sa naka- reserved nang function hall ng Selina's kung saan may mga naghihintay na sa kanila do'n. Walang iba kundi ang Nanay niya at ang pamilya ni Ceddie.

“Nay, alam niyo rin 'to?” gulat na tanong niya.

“Oo, anak. Ang totoo kasi ay nakapagpaalam na sa 'kin si Ceddie at pinapunta na ako dito. May tiwala ako sa kanya kaya pumayag na rin ako. Hiling ko na sana maging masaya kayo,” sabi ni Aling Cynthia at hinawakan siya sa magkabilang- pisngi.

“Magiging parte ka na rin ng pamilya, hija. We are so happy,” sabi naman ni Amanda at niyakap siya.

“Hindi ko masisisi ang kapatid ko kung gusto ka man niyang pakasalan agad. Maswerte kayo sa isa't- isa,” sabi naman ni Raffy and gave her a light hug.

“We don't want any other wife for Cedfrey,” si Antonio dahilan upang mapatingin ang lahat dito. “Wala. Gano'n ako magsabi ng 'best wishes', eh. Bakit ba?”

Sa isang iglap lang ay nawalan siya ng mga salitang sasabihin.

“Hindi ko na hahayaan na may humadlang sa 'ting dalawa kaya sinasamantala ko na ang pagkakataon. I love you, Chelle. Gusto ko lang makasiguro na tayo na habang- buhay. If you marry me now, aasikasuhin na natin ang magiging kasal natin sa simbahan,” sa wakas ay sabi ni Ceddie at mahigpit na hinawakan ang kamay niya.

Hindi maikakaila ang sincerity sa mga mata nito kaya kahit parang naging padalos- dalos ang pagyaya nito ng kasal sa kanya ay hindi naman niya ito makuhang biguin lalo na sa harap ng Nanay niya at mga magulang nito.

She loves him as much as he loves her.

“Pero Ceddie, naka- shirt and jeans lang tayo. Magpapakasal tayong ganito?”

“Does it have to matter? Ang mahalaga lang naman sa 'kin ay kung handa mo 'kong pakasalan ngayon mismo.”

“Mahal kita, Ceddie, kaya magtitiwala ako sa'yo. Sige na, ituloy na natin 'to,” sabi niya at ginantihan ng pisil ang hawak nito.

Nginitian siya ni Ceddie at gayon na lamang ang pagliwanag ng gwapong mukha nito.

“So, wala nang problema, pwede na nating simulan ang seremonya?” singit ng abogado.

HANGGANG SA mga sandaling nagsasalo- salo na silang lahat ay hindi siya makapaniwalang ikinasal na siya kay Ceddie. Halos hindi niya mahiwalay ang mga mata sa singsing na ngayon ay suot na niya.

Napagpasyahan nilang dalawa na magsasama na lang kapag naikasal na sila sa simbahan. Si Ceddie na raw ang bahala at ang kailangan lang niyang gawin ay ang magtiwala dito. Napaghandaan na raw nito ang bagay na iyon.

“Is something bothering you?” tanong sa kanya nito.

“Wala. Hindi lang talaga ako makapaniwala,” sagot niya at nginitian ito.

“I'm happy. Are you happy?”

“Yes, I'm happy.”

“I love you, Mrs. San Diego.”

Lalo siyang napangiti. Mrs. San Diego. Ang sarap namang pakinggan niyon. Ngayon ay hindi na siya nito tatawaging future wife dahil nasa kanya na ngayon ang apelyido nito.

“I love you, too, husband.”

“Bakit kayo nagbubulungan?” pansin naman sa kanila ni Raffy na nakaupo sa tapat nila.

“Bakit hindi natin kasama si Granny ngayon?” tanong pa niya.

“Nasa abroad siya kasama ni Lolo. Saka na raw niya ibibigay ang gift niya kapag nakauwi na sila.”

Ngumiti lang siya.

A WEEK AFTER their wedding, niyaya siya ni Ceddie sa kung saan. Sakay ng kotse nito ay pumunta sila sa subdivision na tinitirhan nito pero hindi naman sila huminto sa bahay ng mga San Diego.

Sa halip ay huminto sila sa isang bahay na ilang blocks lang ang layo mula doon.

“Ano naman ang ginagawa natin dito?” takang tanong niya pagkababa nila ng kotse.

“Sabihin na lang nating may surprise ako sa'yo pero as usual, kailangan na naman kitang piringan,” sabi nito at bago pa siya makaangal ay naramdaman na niya ang panyo sa mga mata niya.

“Ceddie,” kontra niya.

“Dahan- dahan lang, Mrs. San Diego.”

Narinig pa niya ang kalansing ng bakal na gate bago siya nito inalalayang maglakad papasok.

“Ceddie, hindi ba tresspassing ang ginagawa nating 'to?” tanong pa niya.

“Huwag kang mag- alala, may piyansa naman ang ganyang offense, eh.”

“Ceddie!” Kung pwede lang sana niya itong panlakihan ng mga mata nang mga sandaling iyon.

Sandali silang huminto at narinig niya ang pag- ingit ng pintuan bago na naman siya nito muling alalayan.

“We're here, finally,” sa wakas ay sabi ni Ceddie. “Sana matuwa ka sa sorpresa ko.”

Sa wakas ay tinanggal na rin nito ang pagkakapiring sa kanya. Kinusot- kusot niya ang mga mata at kumurap- kurap habang nakatingala sa kisame ng unang palapag ng bahay.

“Ang ganda naman ng bahay na 'to, Ceddie. Pero 'asan na 'yong sorpresa mo?”

Natatawang iwinagayway nito sa harap niya ang isang pares ng susi.

“Itong bahay ang surprise ko sa'yo. Ano pa ba sa akala mo?”

Her jaws dropped in disbelief. He can't be serious! Ang akala niya ay may naghihintay lang sa kanyang kung ano katulad na lamang ng isang magandang painting sa bahay na iyon. Iyon pala ay ang bahay mismo ang sorpresa nito sa kanya?

“Nagbibiro ka lang naman, 'di ba?”

“Hindi ba sabi ko sa'yo magtiwala ka lang sa 'kin at ako na ang bahala sa lahat? I'm more than financially stable, Chelle. Hinihintay ko na lang ang pagkakataon na magagastos ko rin ang pera kong inipon nang matagal. At sinisiguro ko sa'yo, mabibigay natin lahat ng pangangailangan ng mga magiging anak natin. Magtutulungan tayo.”

Hindi na niya napigilan ang kanyang emosyon at nayakap niya ito nang mahigpit habang umaagos ang kanyang mga luha.

“Sira ka talaga kahit kailan! Nasasanay ka na yatang biglain ako, ah?” sabi niya sa pagitan ng mga luha. “Ang ganda nito, Ceddie. It's almost perfect. Thank you so much.”

“You don't have to cry. Ginagawa ko 'to kasi mahal kita,” sabi ni Ceddie habang hinahaplos ang buhok niya. “In six months time lang pwede na tayong tumira dito. Gusto ko sana ngayon na mismo pero alam kong iba ang gustong mangyari ni Nanay.”

Dapat daw kasing makasal muna sila sa simbahan bago sila magsama at mag- honeymoon. Pumayag naman sila. Sa ngayon, para pa rin silang magboyfriend na dalawa.

“Hindi mo lang alam kung gaano mo 'ko napasaya.”

Hinawakan siya nito sa magkabilang pisngi at pinahid ang mga luha niya.

“Tahan na, Misis, ha? Mahal kita. Wala nang bawian 'yan.”

Pagkatapos ay inangkin nito ang mga labi niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top