1
Kabanata 1
Nasa simbahan ako at taimtim na nagdarasal na sana'y pagkalooban ako ng Diyos ng anak na babae. Todo taas ako ng kamay habang kinakanta ng worship leader ang 'Walang imposible sa ating Diyos'.
Nang mag-solemn ang kanta ay doon ako humingi sa Diyos ng tawad sa aking mga kasalanan.
"Panginoon, patawarin Niyo po nawa ako sa aking mga kasalanan. Salamat po sa lahat ng mga biyayang natatanggap namin ng asawa ko at ng dalawa kong anak. Ako po'y dumadalangin sa Inyo na sana'y biyayaan Niyo po kami ng babaeng anak. Kumpleto na po ang mga gamit niya, kuna, bote ng gatas, pacifier, laruan at mga damit. Sana po Panginoon dinggin Mo po ang aking panalangin, Amen."
Matapos ang dalawang oras na service sa aming simbahan ay kahagad na akong umuwi sa amin. Pagbaba ko sa gate ay nakita ko na ang dalawa kong anak na nagkukumaripas na tumatakbo patungo sa akin.
"Nanay! Pasalubong mo po?" masaya namang salubong sa akin ni Light. Habang iniikutan ako at tinitingnan kung mayroon nga ba akong pasalubong.
"Nanay ang kulit-kulit niyang si Light! Muntik na rin po niyang mabasag yung ginawang vase ni tatay." Nakabusangot namang pagsusumbong sa akin ni Dark.
"Hay naku! Light, 'di ba sinabi ko sayong h'wag kang maglalaro nang wala ako. Ikaw naman Dark, nakapagsaing ka na ba?" Tanong ko habang papasok ng bahay.
"Opo, nanay," magalang niyang utas at dumiretso sa kusina. Huminga ako ng malalim nang umupo ako sa aming maliit na sofa.
"Nanay, saan po ba kayo nang galing? Bakit po wala kayong dalang pasalubong?" nanlulumong tanong ni Light.
"Sa simbahan ako nagpunta--" biglang nagsalita si Light kaya naman napatahimik ako.
"Sa simbahan ako nagpunta kasi idinalangin ko sa Diyos na magkakaroon kayo ng kuya mo ng babaeng kapatid. 'Yan na lang po ba parati ang sasabihin niyo sa akin? Nanay nandito naman po kami ni kuya Dark, naghahanap ka pa po ng iba? Hindi niyo po ba kami love?" Nanggigilid ang luha ni Light nang sabihin niya iyon sa akin at ginaya niya pa talaga boses ko.
Naku! Paliwanagan portion na naman ito.
"Love ko kayong parehas anak. Kuntento ako sa inyong dalawa, nagbabakasakali lang naman ako na dinggin ng Diyos ang panalangin ni nanay." Hinimas ko ang bunbunan niya.
"Pero 'di ba kawawa naman si nanay, out of place ako sa inyong tatlo ng tatay mo." biro ko at saka ngumuso.
"Basta nanay ayaw ko na magkaroon pa ng kapatid! Ako lang ang bunso! Wala ng iba." Padabog siyang umalis sa harap ko at pumunta sa kwarto niya.
Hindi ko alam kung bakit ayaw na ayaw niyang magkaroon pa ng kapatid. Ang alam ko lang ganoon lang talaga ang mga bunso. Ayaw mawala ang atensyon ng magulang sa kanila.
Pipikit na sana ako nang makarinig ako ng busina ng sasakyan sa labas ng bahay namin. Nakita ko ang asawa ko na may dala-dalang supot, nakasukbit ito sa kaniyang mga daliri.
Narinig ko naman ang kalampag ng pinto ng kwarto ni Light. Kahagad siyang lumabas at sinalubong ang ama. Gayon din si Dark lumabas din siya ng kusina na may hawak pang sandok at nagmano sa tatay nila.
"Kumusta kayo?" Tanong ng asawa ko.
"Ayos lang po tatay," ngiting-ngiti na sabi ni Light. Naamoy na panigurado ng bang 'to ang pagkain na dala ng tatay niya, kabilis magbago ng mood. Sa kanila ni Dark, siya ang pinakamainisin at iritado.
"Ay, kung gano'n ay mabuti y'on. Ikaw Dark kumusta?"
"Tatay, muntik na po niyang mabasag ang--" Hindi niya na tuloy ang sasabihin dahil tinakpan ni Light ang bibig ng kaniyang kuya.
"Ano yun?" takang tanong ng tatay nila.
"W-wala po. Tatay,pumunta na naman po si nanay sa simbahan," malungkot niyang kwento sa ama pero alam ko namang may bahid ito ng pagsusumbong.
"Oh, ano ngayon? Nagdadasal lang naman ang nanay mo ah? Anong masama do'n?"
"Nagdadasal na naman po siya na sana raw magkaroon kami ng bagong kapatid." Nakabusangot na naman siya habang nagkwekwento sa ama.
Tumawa ang mag-ama. Nakakatuwang tingnan na ang saya-saya ng pamilya mo. Hindi naman maiiwasana ng problema, parte 'yon ng buhay. Choice na lang natin kung gusto natin maging masaya o magpadala sa lungkot ng buhay.
"Hay! Kahit naman magkaroon kami ng bagong baby ng nanay mo ay ikaw pa rin naman ang bunso naming," pagaamo niya kay Light.
Bunso si Light sa dalawang magkapatid. Grade 2 na siya ngayon pero ang isip niyan ay mature na pero shempre 'di pa rin maiiwasan ang pagkaisip bata dahil bata pa 'yan e. Ang kaniyang kapatid naman na si Dark ay grade 4 na. Malapit lang ang agwat nilang dalawa. Si Dark ang inaasahan ko sa bahay kapag nagtitinda ako sa palengke. Si Dark na rin ang nagiging tatay at nanay ni Light tuwing wala kami. Sa murang edad, alam na niya kung paano mamuhay at kung paano 'di umasa sa amin parati pero patuloy pa rin naman namin sila ginagabayan.
Isa akong tindera ng mga tsinelas sa palengke. Minsan ay suma-sideline ako bilang labandera ng isa sa mayamang tao dito sa bayan namin. Mabait naman sila at hindi sila kagaya ng mga taong ngunit mayaman ay nang aapak na ng kanilang kapwa.
"Hangin lang ba ako dito?" Singit ko sa kanila. Humalik ako sa asawa ko at tiningnan ang plastic na dala niya.
Binuklat ko ang dalang plastic. "Adobong posit," sabi ko sa kanila at nagtatalon si Dark at Light.
Favorite kasi nila ang ulam na 'yon, hindi ko alam kung bakit ngunit kapag kumakain kaming mag-anak ay nakikita ko na binubuhos nila ang sabaw sa kanin nila.
"Tatay, nanay, kain na po tayo. Nagprito rin po ako ng galunggong," aya ni Dark.
Sa kusina, masaya kaming kumakain mag-anak. Minsa'y nagkwe-kwentuhan pa kami kung ano ang mga nangyari sa amin ngayong araw. Mahirap lang kami pero masaya naman, totoo nga talaga ang kasabihang 'Money can't buy happiness'. Para sa akin, basta buo lang ang pamilya mo at nagkakaisa kayo isa na 'yong kayamanan.
Habang kumakain ay narinig namin ang bawat tulo ng mga malalaking patak ng ulan sa labas ng bahay namin at sa aming bubong.
"Hay, uulan na naman, parati na lang," nanlulumong sabi ng asawa ko.
"Ayos lang iyan, kikita ka rin sa pagda-drive."
Isa siyang driver ng tricycle sa aming bayan. Parati siyang nakapila sa toda, malayo-layo rin dito yung toda kaya naman nang hihinayang kami kapag walang masyadong pasahero, lalo na't parang malakas ang ulan.
Narinig kong parehas na nag-vibrate ang cellphone ko at cellphone ng asawa ko, nagkatinginan muna kami bago namin binuksan ang sari-sarili naming cellphone, na tadtad ng scotch tape ang likod.
One message received from Cecilia,
From: Mareng Cecilia globe
Mare, pwde ka punta d2 mansion? Pwedi dalin mo nalng sa bahay mo kurtina Fresca? Lakas ulan, marami me nakataoka. Paxensiya na bawi me.
"Sino 'yan?" tanong ng asawa ko.
"Si Cecilia, busy siya ngayon eh walang magaasikaso ng pinalalabhan ni Fresca, kunin ko raw sa mansion at dito ko na lang daw labhan. Pwede ka ba?" tanong ko sa kaniya.
"Nagpapaarkila ng motor si kumpareng Den. Hindian ko na ba? Malakas din ang ulan. Sabihin ko bukas na lang." Kahit na nang hihinayang ako sa pera ng pagaarkilahan ng asawa ko ay una ko munang inisip ang mga kabutihang ginawa sa akin ni Mareng Cecilia, mas mahalaga ang utang na loob kay sa pera.
"Sige," tipid niyang sagot.
Binilisan naming kumain ng asawa ko. Nagtanong naman si Dark kung ano gagawin namin. "Nanay, aalis po ba kayo? Ang lakas-lakas po ng ulan ah."
"Oo anak. Nakakahiya kasing hindian si ninang Cecilia mo eh napakadami na niyang ginawang mabuti sa atin kaya naman tutulungan ko na. Sasamahan ako ng tatay mo papunta doon sa mansion. Ikaw muna bahala sa kapatid mo ah? Huwag kang magpapapasok ng hindi mo kilala." Bilin ko kay Dark. Nakikinig naman ang bunsong kapatid niya habang kinakain ang isang maliit na pusit.
Tumango naman siya at ngumiti. Sanay na sanay na siya kaya hindi na siya tumatanggi. Tatanggi na lang siya kapag pagod na pagod na siya at kung maraming assignment sa eskuwelahan.
Nang natapos na kaming kumain ay kinuha ko ang jacket ko at saka ako nagpalit ng mahabang pambaba. Nilagyan din ng tarapal ng asawa ko ang kaniyang tricycle at saka kami umalis. Rinig ko ang sigaw ni Light sa maliit naming bintana.
"Ingat po kayo!" Sigaw niya mula sa malayo.
Ang dulas ng daan kaya naman dahan-dahan lang nagpapatakbo ang asawa ko. Walang masyadong sasakyan ang dumadaan, halos liparin na ang motor namin dahil sa lakas ng hangin.
Hindi na namin sinubukan pang huminto dahil malapit na ang mansion. Si Fresca ay isang negosyante. Siya rin ang nagmamay-ari ng mansion na aming pupuntahan. Kaibigan ko siya simula high school kaya gano'n na lamang siya kabait sa pamilya ko.
"'Dyan ka na lang ba sa labas?" Tanong ko habang binubuksan ang payong.
"Oo. Kaya ko pa naman ang lamig," aniya. Tumango na lang ako at pumasok sa malaking mansion ni Fresca. Nakita ko sa harapan ng mansion si Cecilia na may dala- dalang isang sako. Noong una ay nagulat ako dahil sa dami ngunit hindi ko na lang pinansin ang dami noon 'pagkat tinuon ko ang pansin ko sa mukha niyang pagod na.
"Ganito ba karami?" tanong ko.
"Oo. Pasensiya ka na talaga Felicita, hayaan mo babawi ako sayo. Marami lang talaga akong lalabhan at bukas ko na maibibigay," paliwanag niya.
"Naku! Wala iyon, na saan ba si Fresca?" tanong ko.
"Ay nasa loob. Gusto mo ba siyang makita?"
"Huwag na. Naghihintay yung asawa ko sa labas." Sabay turo ko sa labas ng gate. Nanginginig na ang katawan ko. Ang lakas pa ng ulan. Dama ko rin ang malamig na ihip ng hangin.
"Ay ganon ba? O sige. Pasensiya ka na talaga ha? Pati si kumpare ay na abala ko pa."
"Wala iyon. Sige na, aalis na ako." Kinuha ang mabigat na sako na naglalaman ng kurtina.
"Ingat!" Sigaw ni Cecilia noong ako'y malayo-layo na.
Nginitian ko na lamang siya at agad na akong sumakay sa motor.
"Napakadami naman niyan," reklamo ng asawa ko.
"Ang konti nga lang nito eh, tsaka 'di naman ikaw yung naglalaba kaya 'wag ka magreklamo." At pinaandar na niya ang motor. Sobrang lakas na talaga ng ulan at dumating sa time na hindi na makontrol ng asawa ko ang tricycle. Napagdesisyunan naming huminto muna sa isang gilid.
Sa kamalas-malasan nga naman oo! Sa isang abandonadong barbershop pa kami huminto! Ewan ko kung sinasadya ng asawa ko o talagang 'di na kakayanin ng tricycle.
"Buset! Pwede naman tayo huminto doon sa tapat ng tindahan ni Yvette. Ba't dito pa?" Sabay irap ko sa kaniya.
"Ikaw kaya mag-drive hano? 'Tsaka wag kang matakot nandito naman ako sa tabi mo eh," aniya't kiniliti pa ang tagiliran ko.
"Huwag ka ngang mangasar!"
Ngayo'y nakatayo na kami sa labas nitong barbershop. Kinikilabutan ako! Simula bata pa lamang ako ay kinatatakutan ko na itong lugar na ito. Napapatikhim na lang ako sa gilid habang niyayakap ko ang sarili kong katawan, napakadilim pa naman dito.
"May flashlight ako."
"Pake ko?"
"Bukas pa ata ito titila."
"Bwiset!" Narinig ko na lamang na humagalpak siya sa tawa.
Ilang minuto na kami dito nang may narinig akong hikbi. Una'y 'di ko yun pinansin dahil baka nagkakamali lang ako nang narinig, pero noong pangalawa na'y...
"Mahal, naririnig mo ba yung naririnig ko," Kinakabahan kong sabi sa kaniya.
"O-oo." Nau-utal niyang sabi. Alam kong kinakabahan din siya ngunit hindi niya lamang pinahahalata sa akin.
Nanlaki ang mata ko at dali-dali akong pumasok sa loob ng tricycle.
"Hoy! Hindi pa tumitila ang ulan!" Sigaw niya sa akin.
Ay bahala na! Wala akong pake! Ayoko na doon! Kinakabahan ako. Akala ko ay 'di totoo ang multo pero ngayon mukhang maniniwala na ako!
Pumunta siya sa tapat ko at kinuha ang flashlight sa likod ng inuupuan ko.
"Oy! Anong g-gagawin mo?"
"Wala," tipid niyang utas at naglakad siya muli patungo sa kinatatayuan niya kanina.
"Oy!" Sigaw ko.
Subalit parang wala siyang narinig. Nakita kong binuksan niya ang pinto ng lumang barbershop at saka pumasok dahil sa aking kuryosidad. Sinundan ko siya kahit na takot na takot na ako.
"Uy!" Bulong ko sa kaniya.
"Shhh..." At tinapat ang flashlight sa mga gamit.
Baka mahimatay ako dito! Huminto ang pag-iyak. Nakaramdam ako ng takot, nanginginig na nga ang kamay ko pati tuhod. Nagsisitaasan na rin ang aking mga balahibo sa buong katawan. Hindi ba ganon 'yung mga nasa movie? Kapag tumataas ang balahibo, ibig sabihin may multo?!
Nasa likod lang ako ng asawa ko nang biglang may humawak sa kamay ko!
Dahil sa sobrang gulat ko ay nagsisigaw ako. "Wahhh!!! Mahal! May multo!"
Tinapat niya ang flashlight sa kamay ko at nakita niya ang...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top